may 20 2015

4
San Pedro Express Ang katotohanan ay nag-iisang daan patungo sa pagbabago sa Lungsod ng San Pedro Mayo 20, 2015 SAN PEDRO CITY, LAGUNA Mga biktima ng ipo- ipo tinulongan ng Brgy. San Antonio Mabilis na binigyan ng tulong para sa pang- bubong na materyal ang mga pamilyang nasalanta ng ipo-ipo diyan sa South Ridge noong nakaraang linggo gamit ang pera galing sa Calamity Fund ng Barangay San Antonio. Ipinaalam ni Kapitan Eugenio S. Ynion, Jr. na 133 na tig-10 feet na yero bilang roofing materials ang tinanggap ng mga nasiraan ng bahay dahil sa bilang pagganap ng ipo-ipo sa lugar noong ika-7 ng Mayo sa taong ito. Ayon sa ulat, limampung bahay ang nasira dahil sa lakas na hangin na sanhi ng ipo-ipo. Namigay ang Barangay San Antonio LGU ng 133 na yero bilang tulong sa mga pamilyang nasalanta ng ipo-ipo noong Mayo 7. (Patuloy sa pahina 4…)

Upload: san-pedro-express

Post on 15-Jan-2016

33 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Mga balita galing sa San Pedro City, Laguna.

TRANSCRIPT

Page 1: May 20 2015

San Pedro ExpressAng katotohanan ay nag-iisang daan patungo sa pagbabago sa Lungsod ng San Pedro

Mayo 20, 2015 SAN PEDRO CITY, LAGUNA

Mga biktima ng ipo-ipo tinulongan ngBrgy. San Antonio

Mabilis na binigyan ng tulong para sa pang-bubong na materyal ang mga pamilyang nasalantang ipo-ipo diyan sa South Ridge noong nakaraanglinggo gamit ang pera galing sa Calamity Fund ngBarangay San Antonio.

Ipinaalam ni Kapitan Eugenio S. Ynion, Jr. na133 na tig-10 feet na yero bilang roofing materialsang tinanggap ng mga nasiraan ng bahay dahil sabilang pagganap ng ipo-ipo sa lugar noong ika-7ng Mayo sa taong ito.

Ayon sa ulat, limampung bahay ang nasira dahilsa lakas na hangin na sanhi ng ipo-ipo.

Namigay ang Barangay San AntonioLGU ng 133 na yero bilang tulong sa mgapamilyang nasalanta ng ipo-ipo noongMayo 7.

(Patuloy sa pahina 4…)

Page 2: May 20 2015

Mas malapad na sidewalk para sa daan papasokgaling sa SLEX tollgate ang kailangan - JSY

Panaginip pa lamang ito, pero iniisip niKapitan Jun S. Ynion na magkaroon ngmalapad na lugar para sa mga sidewalklalo na sa daan papasok ng Barangay SanAntonio galing sa SLEX tollgate.

Ito ang ipinahayag ni Kap JSYpagkatapos niyang mapuntahan ang isanglungsod sa bansang Japan kung saannapansin niya ang kagandahan ng mgasidewalk dahil sa malaking agwat galingsa lansangan.

Ayon kay Kap JSY, kailangandagdagan ng tatlong metro ang lapad ngmga sidewalk upang mabigyan ng lugarpara sa mga poste ng ilaw at matanimanng punong kahoy na makapaganda ngdaan pagpasok pa lang ng lungsod ng SanPedro.

Sinabi ni Kap JSY na mahirap mangyariito kung hindi magkaisa ang City Hall atBarangay San Antonio upang ma-demolish ang mga illegal structures satabi ng kalsada.

Maari sanang magawa ito kungtutulongan ng City Hall ang barangay sapagpa-pasara at pag-paalis sa mga ilegalna mga istruktura na nakatayo sa tagiliran.

Ito ang bagong gawa na sidewalk sabarangay San Antonio.

Dahil makitid ang lugar, hindi napuwedeng mataniman pa ng punongkahoy at patayoan ng decorative streetlights upang lalong gumanda ito.

Patuloy sa pahina 3…

Mayo 20, 2015 San Pedro City, Laguna Pahina 2

Page 3: May 20 2015

Libreng serbisyo medikal malakingtulong sa mga mamamayan

Naniniwala si Kap JSY na angpagpaganda ng kalsada sa entranceng San Pedro City ay isangmabisang paraan upang maka-attract ito ng mga investors.

Ang libreng konsultasyon sa doktor at nurse katulad nitong ECG examination upang malaman angkalagayan ng puso ng isang senior citizen ng Barangay San Antonio ay isa sa mga “flagship” na programani Kapitan Jun S. Ynion. May sariling doctor at nurse sa sentro ng barangay na makabibigay ng wastongdiagnosis sa kung ano man ang dinaramdam ng kahit sinong residente. Nagtitinda rin ang sentro ng gamotsa murang halaga upang huwag na silang bumili pa sa mga botika. Naglaan din ang barangay ng P300,000para sa libreng gamot sa mga pasyenteng “indigent”.

Galing sa pahina 2…

Mayo 20, 2015 San Pedro City, Laguna Pahina 3

“ZERO CORRUPTION ANG WASTONG DAAN

UPANG MAKAMIT NATIN ANG ISANG

GOBYERNO NA NAGBIBIGAY NG SAPAT NA

SERBISYO”

Page 4: May 20 2015

Kaagad umaksyon ang Barangay Council sa pamumuno niKapitan JSY upang matulongan ang mga nasalanta sa pagpaayosng kanilang mga bubong. Naglaan ang sanggunian ng tatlumpnglibong piso upang ibili ng yero at ipinamigay ito sa mga biktima.

Ipinakita ni Kapitan JSY ang palaging kahandaan ng barangaysa pagtulong sa mga biktima ng natural disaster katulad nito.

Sa ngayon, may sariling firetruck ang Barangay San Antoniogamit ang sariling pundo. Mayroon na rin itong dalawang bagongambulansya at isang lumang ambulansya na nagbibigay nglibreng hatid sa ospital sa mga may sakit.

At para naman sa peace and order, mayroon nang dalawangbagong Nissan Bravada patrol at isang lumang Nissan patrol namas maganda pa sa patrol car ng Philippine National Police.Dagdag dito, may 20 motorsiklo ang mga barangay tanod upangmabilis silang maka responde sa mga tawag ng tulong atmakagawa ng tinatawag na “police visibility” sa bawat sulok ngbarangay. May 70 na handheld radio ang barangay upangmaiging mabantayan ang mga pangyayari sa buong San Antonio.

Pagpatayo ng solar street lights aypatuloy sa Barangay San Antonio

Mayo 20, 2015 San Pedro City, Laguna Pahina 4

Walang pahinga ang mgaconstruction workers diyan saBarangay San Antonio sapagpatayo ng “solar-poweredstreetlights” upang mabigyan ngliwanag ang mga lansangan atmakatulong ito sa pagbawas ngkriminalidad kung gabi.

Sa linggong ito, anim na solarstreetlights ang itatayo saSouthville, isa sa Holiday Homes atisa rin sa Adelina.

Ipinapasiguro na Kapitan Jun S.Ynion na lahat na kayang magawaupang mapaudlot ang mgamasamang gawain sa barangay, atisa na rito ang paglagay ng ilaw sakalye.

Ayon kay Kap JSY, may pundoang barangay sa pagpatayo ngdalawang solar streetlight bawatbuwan, at mina-match niya ito ngdalawa ring solar streetlight galingsa sariling pera.

Sinabi ni Kap JSY na patunaylamang ito na maraming proyektoang kayang ipatupad ng barangaydahil sa “zero corruption” naplataporma niya sa pagpatakbo ngBarangay LGU.

“Dito nag-uumpisa ang repormasa zero corruption,” dagdag ni KapJSY.

Naniniwala si Kap JSY nakorapsyon ang pinakamalakingdahilan kung bakit patuloy namahirap ang bansang Pilipinas.

“Bilyong-bilyon na pera galing sataongbayan ang ninanakaw ng mgamandarambong sa gobyerno,” ikani Kap JSY.

At dahil dito, nawawalan ngpundo ang gobyerno upangmatupad sana ang katungkulan nitosa pag-serbisyo sa mgamamamayan.

Galing sa pahina 1…

Bawat buwan, may pundo ang Barangay San Antonio para sa pag-install ng dalawang solar streetlights. Tinutumbasan ito ni KapJSY ng dalawa pang solar streetlights galing sa personal na pera.