mayo 2015 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/52/g_tg_201505.pdf(tingnan sa turo...

16
!"#2 MAYO 2015 PAG-ASA Para sa Mahihirap at Walang Tirahan

Upload: ngokien

Post on 06-Feb-2018

275 views

Category:

Documents


19 download

TRANSCRIPT

Page 1: MAYO 2015 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/52/g_TG_201505.pdf(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA) Vol. 96, ... 2. MGA NAMAMATAY PAGKARAAN NG ... ANG SABI

!"#2 MAYO 2015

PAG-ASAPara sa Mahihirapat Walang Tirahan

Page 2: MAYO 2015 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/52/g_TG_201505.pdf(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA) Vol. 96, ... 2. MGA NAMAMATAY PAGKARAAN NG ... ANG SABI

Gusto mo ba ng higit pang impormasyon olibreng pag-aaral ng Bibliya sa iyong tahanan?Magpunta sa www.jw.org /tl o ipadala angiyong request sa isa sa mga adres sa ibaba.JEHOVAH’S WITNESSES: PHILIPPINES: PO Box 2044,1060 Manila. UNITED STATES: 25 Columbia Heights,Brooklyn, NY 11201-2483. Para sa adres sa iba pangmga bansa, tingnan ang www.jw.org /tl/contact.

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliyana tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatanay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.Publishers: Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.� 2015 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. Printed in Japan.

!"#2

SA ISYUNG ITO

3 PAGMAMASID SA DAIGDIGPagtutok sa Asia

4 TAMPOK NA PAKSAPag-asa Para saMahihirap atWalang Tirahan

8 TULONG PARA SA PAMILYATuruan ang mga Anakna Maging Masunurin

10 “Sa Tulong ng Diyos,Naghihilom angAming Sugat”

12 SULYAP SA NAKARAANAl-Khwarizmi

14 ANG PANGMALAS NG BIBLIYAKarahasan

16 MAY NAGDISENYO BA NITO?Ang Ilaw ng HawaiianBobtail Squid

s T INGNAN ONLINETUNGKOL SA AMIN

Ano’ng Mayroon saKingdom Hall?Sa maikling video na ito, makikita moang mga pulong ng mga Saksi niJehova sa buong mundo at makikilalamo ang ilan sa mga dumadalo.(Tingnan sa TUNGKOL SA AMIN ˛ PULONG)

MGA BATAMAGING KAIBIGAN NI JEHOVAPakisuyo at Salamat PoSa video na ito, tingnan kung bakitsumaya si Caleb nang matuto siyangmagpakita ng magandang asal.(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA)

Vol. 96, No. 5 / Monthly / TAGALOGLimbag sa Bawat Isyu: 51,788,000 sa 101 Wika

r

r

Page 3: MAYO 2015 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/52/g_TG_201505.pdf(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA) Vol. 96, ... 2. MGA NAMAMATAY PAGKARAAN NG ... ANG SABI

Gumising! Mayo 2015 33

MATATANDANG NAGPAPAKAMATAY SA SOUTH KOREA Noong 2011, mahigit25 porsiyento ng lahat ng nagpakamatay sa South Korea ay edad65 pataas. Sinasabi ng mga mananaliksik na dahil ito sa nagbaba-gong saloobin tungkol sa pag-aalaga sa mga may-edad at sa kalaga-yan ng ekonomiya—halos 50 porsiyento ng matatanda sa South Ko-rea ay namumuhay sa kahirapan. Sa ngayon, wala na sa kalahati ngmga taga-South Korea ang naniniwala na dapat suportahan ng mgaanak ang kanilang may-edad nang mga magulang.

ANG SABI NG BIBLIYA: “Parangalan mo ang iyong ama at ang iyongina.”—Efeso 6:2.

MGA NAMAMATAY PAGKARAAN NGBAGYO Ayon sa isang pag-aaral,ang average na bilang ng mga ba-tang babaeng sanggol na nama-matay sa Pilipinas pagkaraan ngisang bagyo ay 15 beses na masmarami kaysa sa iniulat na nama-tay dahil sa mismong bagyo. Angilang posibleng dahilan ay ang ka-walan ng trabaho pagkaraan ngbagyo, gastos ng muling pagtata-yo, at paraan ng pagpapaabot ngtulong sa mga babaeng sanggol,lakip na ang nutrisyon at panga-ngalagang pangkalusugan.

ANG SABI NG BIBLIYA: ‘Magbahaging iyong tinapay sa gutom, dalhinmo sa iyong bahay ang mga ta-ong napipighati at walang taha-nan, kung makakita ka ng sinu-mang hubad ay damtan mo siya.’—Isaias 58:7.

PROTEKSIYON SA MGA BATA ANG EDUKASYON Ayon sa mga eksperto sa ba-tas sa China, mas nanganganib maabuso ang mga batang hindi tinu-turuan ng kanilang mga magulang tungkol sa sex. Noong 2010 hang-gang 2013, mga 8,000 paratang ng seksuwal na pang-aabuso samga bata ang hinawakan ng mga prosecutor sa China. Ang mga bata“ay mahihina at madaling mabiktima,” ang sabi ng isang propesor sabatas sa Beijing Normal University. “Edukasyon ang susi para maiwa-san ang seksuwal na pagsalakay.”

ANG SABI NG BIBLIYA: Tinuturuan ng matatalinong magulang ang kani-lang mga anak kung paano poprotektahan ang kanilang sarili mula sa“taong nagsasalita ng tiwaling mga bagay.”—Kawikaan 2:1, 10-12.

PAGMAMA S I D S A DA I G D I G � A S I A

PAGTUTOK SAASIA

Asia ang pinakamataong kontinentesa daigdig. Sa China at India palang, mahigit sangkatlo na ngpopulasyon ng mundo angnakatira. Anong mga problemaang napapaharap sa mga bansasa Asia pagdating sa paglalaan ngedukasyon at proteksiyon sakanilang mamamayan?

Page 4: MAYO 2015 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/52/g_TG_201505.pdf(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA) Vol. 96, ... 2. MGA NAMAMATAY PAGKARAAN NG ... ANG SABI

MARAMING dahilan kung bakit nawawalan ng tirahanang mga tao. Ang ilan, gaya ni Joe, ay dumanas ng tra-hedya sa buhay. Tinalikuran naman ng iba, gaya ni Martın,ang “normal” na buhay dahil para daw itong walang-kabu-luhang rutin. At mayroon ding nawawalan ng tirahan dahilsa kahirapan, sakuna, karahasan sa pamilya, pag-abusosa droga o alak, sakit sa isip, kakulangan ng abot-kayangpabahay, o kawalan ng trabaho.Dati, ang kawalan ng tirahan ay problema lang ng

papaunlad na mga bansa o mga lugar na apektado ngdigmaan o pagbagsak ng ekonomiya. Pero “kamakailan,isa na itong pangunahing problema ng lipunan sa mau-unlad na bansa,” ang sabi ng propesor ng sikolohiya na siPaul Toro.� Nakadaragdag din sa problema ang di-epekti-bong mga patakaran ng gobyerno may kinalaman sa pag-tulong sa mga dukha at ang lumalaking agwat sa pagitanng mayayaman at mahihirap.Marami ang nag-aalala tungkol sa kinabukasan. Pero

nabawasan ang kabalisahan ng ilan nang malaman nilaang sinasabi ng Bibliya tungkol sa hinaharap—isang pak-sang tatalakayin sa artikulong ito. Matutulungan din tayong Bibliya sa ngayon dahil sa magagandang simulain nito—mga simulaing tutulong para mapabuti ang kalagayan

� Dahil sa labanan, karahasan, o pag-uusig, milyon-milyon ang napilitangumalis sa kanilang mga tahanan at naging mga refugee sa loob at labas ngkanilang bansa. Tinalakay sa Gumising!, Enero 22, 2002, ang paksang ito.

TAM

POK

NA

PAKSA

Pag-asa Para sa Mahihirap at Walang Tirahan

Si Joe ay beteranong sundalo saEstados Unidos. Dahil sa ilang trahedyasa buhay, mga 18 taon na siyangwalang tirahan. Minsan, sinimulanniyang pumunta sa isang pampublikongaklatan, kung saan nakakausap niyaang librarian. Ang mga pag-uusap naiyon ang nagpabago sa buhay niya.

Nadama ni Martın, isang kabataan saArgentina, na may kulang sa buhayniya. Parang wala itong layunin. Kayanaglayas siya at nang maglaon aynapilitang manirahan sa tabing-dagat.Pero sa halip na makita ang kasagutansa kaniyang mga tanong, nadepressiya. Umiiyak siyang nagmakaawa saDiyos: “Kung totoo po kayo, tulungann’yo akong makilala kayo.” Ano angsumunod na nangyari? Tingnan natin.

Page 5: MAYO 2015 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/52/g_TG_201505.pdf(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA) Vol. 96, ... 2. MGA NAMAMATAY PAGKARAAN NG ... ANG SABI

Gumising! Mayo 2015 5

ng ating kabuhayan at emosyon, gaya ng na-patunayan nina Joe at Martın.

BINAGO NG BIBLIYAANG KANIYANG BUHAY“Mukhang matalino, mabait, at mapag-

pakumbaba si Joe,” ang sabi ni Cindi nanagtatrabaho sa aklatang pinupuntahan niJoe. Dahil Saksi ni Jehova si Cindi, binigyanniya si Joe ng mga magasing Bantayan at Gu-mising! Inanyayahan din niya ito na dumalosa isang Kristiyanong pagpupulong. Doon, pi-nakitunguhan si Joe nang may kabaitan atrespeto, kung kaya regular na siyang dumada-lo. Pumayag din siyang makipag-aral ng Bibli-ya sa isa sa mga lalaki sa kongregasyon.Gumaan ang loob ni Joe dahil sa mga natu-

tutuhan niya. Sinimulan niyang sundin angmga turo ng Bibliya, kahit kinailangan niyanggumawa ng malalaking pagbabago. Halimba-wa, natutuhan niya na ang buhay ay regalo ngDiyos at dapat itong pahalagahan, at na nag-paparumi sa katawan ang paninigarilyo. (Awit36:9) Kaya naman itinigil niya ang paninigaril-yo, bilang pagsunod sa simulain sa 2 Corinto7:1: “Linisin natin ang ating sarili mula sa ba-wat karungisan ng laman.” Siyempre pa, hindilang nakabuti sa kalusugan ni Joe ang desis-yong ito, nakatipid pa siya ng pera!Sineryoso ni Joe ang payo ng Bibliya na ga-

win ang buong makakaya para paglaananang ating mga pangangailangan sa materyal,kaya nagsimula siyang maghanap ng traba-ho.� (1 Tesalonica 4:11, 12) “Sa tao ay walanang mas mabuti kundi ang kumain siya atuminom nga at magdulot ng kabutihan sa ka-niyang kaluluwa dahil sa kaniyang pagpapa-gal,” ang sabi ng Eclesiastes 2:24. Ang kasi-yahang iyan ay resulta rin ng pagkakaroon ngrespeto sa sarili, dahil ang marangal na pag-tatrabaho ay nagbibigay sa atin ng dignidad.At matutulungan pa natin ang mga nanganga-ilangan.—Efeso 4:28.Dahil nakita nilang taimtim si Joe, “malu-

god siyang tinanggap ng kongregasyon,” angsabi ni Cindi, at “may mga tumulong sa kani-

� May ilan na gustong magtrabaho pero wala sa kalagayan,marahil dahil sa kapansanan, mahinang kalusugan, o ka-tandaan. Hinahatulan ng Diyos ang mga “ayaw magtrabaho.”—2 Tesalonica 3:10.

ya na makakuha ng angkop na tirahan at ibapang benepisyo.” Patuloy na sumulong si Joeat nang maglaon ay nabautismuhan bilangSaksi ni Jehova. Ngayon, naikukuwento niyaang kaniyang karanasan kapag pinasisiglaniya ang iba na kumuha ng karunungan mulasa Diyos na matatagpuan sa Bibliya.—Kawika-an 3:13, 14.

MAY LAYUNIN NAANG KANIYANG BUHAYBeinte anyos pa lang si Martın, inaalam na

niya ang layunin ng buhay. “Sinubukan ko angiba’t ibang relihiyon at pilosopiya at gumamitako ng droga,” ang sabi niya, “sa pag-asangmapunan ang kalungkutan ko, pero bigoako.” Tumira siya sa California, E.U.A., nangsandaling panahon at saka lumipat sa Ha-waii. “Akala ko natagpuan ko na ang paraiso,”ang sabi niya. Sa kabila ng magandang tana-win, parang may kulang pa rin. “Dumanasako ng matinding depresyon,” ang sabi niya,“at naisip ko pa ngang magpakamatay.” Sapuntong ito, umiyak siya nang umiyak at nag-makaawa sa Diyos, “Kung totoo po kayo, tulu-ngan n’yo akong makilala kayo.”Naalaala ni Martın na may nakita siyang

karatulang “Kingdom Hall of Jehovah’s Wit-nesses.” Pumunta siya roon para dumalo ngKristiyanong pagpupulong. “Pumasok ako ka-hit balbas-sarado ako, mahaba ang buhok, atilang buwan na akong hindi nagpapalit ng da-mit,” ang sabi niya. “Pero malugod pa rinakong tinanggap.” Pumayag si Martın na ma-kipag-aral ng Bibliya at regular siyang naglala-kad mula sa kaniyang “bahay” sa tabing-dagat patungo sa plaza para mag-aral doonng Bibliya.

Dahil sa pag-aaral ng Bibliya, nagkaroon si Joeng paggalang sa sarili

Page 6: MAYO 2015 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/52/g_TG_201505.pdf(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA) Vol. 96, ... 2. MGA NAMAMATAY PAGKARAAN NG ... ANG SABI

Sa wakas, unti-unting nasagot ang mga ta-nong ni Martın. Kaya naman, hindi na siya na-dedepres at naranasan niya ang kasiyahangbinanggit ni Jesus: “Maligaya yaong mga pa-laisip sa kanilang espirituwal na pangangaila-ngan.”—Mateo 5:3.Kitang-kita ang bagong pangmalas ni Mar-

tın sa buhay habang sinusunod niya ang mgasimulain sa Bibliya na nakatulong din kay Joepara magkaroon ng direksiyon ang kaniyangbuhay. Inasikaso ni Martın ang kaniyang sari-li, at sa tulong ng mga Saksi, nakakita siya ngtrabaho at matitirhan. “Dati, kilala ako bilang

palaboy sa plaza,” ang sabi niya, “pero nga-yon, manghang-mangha ang mga tao sa mgapagbabagong ginawa ko.”Nang maglaon, bumalik si Martın sa Argen-

tina at nabautismuhan bilang Saksi ni Jeho-

va. Ngayon, masaya siyang tumutulong sa ibapang uhaw sa espirituwal para malaman nilaang sagot sa mahahalagang tanong sa bu-hay.

MAWAWALA NA ANG KAHIRAPANAT KAWALAN NG TIRAHANSi Jeremias, isang propeta ng Diyos, ay na-

buhay sa isang maligalig na panahon. Nilusobng malupit na kaaway ang kaniyang bayan, gi-nawang tapon ang marami sa kaniyang ka-babayan at inalipin. (Panaghoy 1:3) Bagamanhindi pinatay si Jeremias, nawala ang haloslahat ng pag-aari niya. Udyok ng pamimighati,nanalangin siya: “Alalahanin mo ang akingkapighatian at ang aking kawalan ng taha-nan.”—Panaghoy 3:19.Sa kabila ng kaniyang paghihirap, hindi na-

siraan ng loob si Jeremias. Bakit? Alam niyanghindi siya pababayaan ni Jehova. (Jeremias1:8) Pamilyar din siya sa Kasulatan, na nagsa-sabing darating ang panahong mawawala angkahirapan at pagdurusa, at iiral ang tunay nakapayapaan at katiwasayan.—Awit 37:10, 11.

“Manghang-mangha ang mga taosa mga pagbabagong ginawa ko”

Positibo na ang pangmalas ni Martın sa buhay

Huwag mangutang kung hindi ka-ilangan. “Ang nanghihiram aylingkod ng taong nagpapahiram.”—Kawikaan 22:7.Mag-ingat sa mga alok nabiglang-yaman. “Ang sinumangwalang-karanasan ay nananampa-lataya sa bawat salita, ngunitpinag-iisipan ng matalino ang ka-niyang mga hakbang.”—Kawikaan14:15; 22:26, 27.

Maging masipag. “Ang tamad aynagnanasa, ngunit ang kaniyangkaluluwa ay wala ni anuman. Ga-yunman, ang kaluluwa ng mgamasikap ay patatabain.”—Kawika-an 13:4.Magkaroon ng pagpipigil sa sarili.“Ang lasenggo at ang matakaw aysasapit sa karalitaan.”—Kawikaan23:21.

Maging balanse. “Huwag moakong bigyan ng karalitaan ni ngkayamanan man.”—Kawikaan 30:8, 9.Maging bukas-palad, huwag ma-ging maramot. “Ang kaluluwangbukas-palad ay patatabain,” o pa-sasaganain.—Kawikaan 11:25.

MGA SIMULAIN PARA MAPABUTI ANG KABUHAYAN

Page 7: MAYO 2015 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/52/g_TG_201505.pdf(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA) Vol. 96, ... 2. MGA NAMAMATAY PAGKARAAN NG ... ANG SABI

Gumising! Mayo 2015 7

Iiral ang mga kalagayang iyan, hindi sa pag-sisikap ng tao, kundi sa pamamagitan ngisang sakdal na gobyernong tinatawag na Ka-harian ng Diyos. (Daniel 7:13, 14) Ang Hari ngKahariang iyan ay walang iba kundi si Jesu-Kristo, na nagpakita ng matinding habag samga dukha noong narito siya sa lupa. (Lucas7:22; 14:13) Sa ilalim ng kaniyang pamama-hala, “sisibol ang matuwid, at ang kasagana-an ng kapayapaan . . . Ililigtas niya ang dukhana humihingi ng tulong, gayundin ang napipig-hati at ang sinumang walang katulong. Tutu-busin niya ang kanilang kaluluwa mula sa pa-niniil at mula sa karahasan.”—Awit 72:7,12, 14.Kaharian ng Diyos ang paksang itinuro ni

Jesus noong nasa lupa siya. (Lucas 4:43) Tinu-ruan pa nga niya ang mga tao na manalangin:“Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangya-ri nawa ang iyong kalooban, kung paano sa la-ngit, gayundin sa lupa.” (Mateo 6:9, 10) Anokaya ang magiging kalagayan ng buhay salupa kapag nasa ilalim na ito ng pamamaha-la ng Kaharian ng Diyos? Napakaganda ngmga kalagayang inilalarawan ng Bibliya tung-kol sa mga sakop ng Kaharian ng Diyos. Ha-limbawa:

˙ “Magtatayo sila ng mga bahay at maninira-han sa mga iyon; at tiyak na magtatanimsila ng mga ubasan at kakainin ang bungang mga iyon. Hindi sila magtatayo at ibaang maninirahan; hindi sila magtatanim atiba ang kakain. . . . Ang gawa ng kanilangsariling mga kamay ay lubusang tatamasa-hin ng aking mga pinili.”—Isaias 65:21, 22.

˙ “Uupo sila, ang bawat isa sa ilalim ng kani-yang punong ubas at sa ilalim ng kaniyangpuno ng igos, at walang sinumang magpa-panginig sa kanila; sapagkat ang mismongbibig ni Jehova ng mga hukbo ang nagsali-ta nito.”—Mikas 4:4.Ang tiyak na pag-asang iyan ay magpapati-

bay sa atin sa panahon ng pagsubok. Perongayon pa lang, puwede nang maging maka-buluhan at masaya ang buhay natin sa tulongng mga simulain sa Bibliya, gaya ng natukla-san nina Joe, Martın, at ng maraming iba pa.Tinitiyak sa atin ng Maylalang, ang Diyos naJehova: “Kung tungkol sa sinumang nakiki-nig sa akin, tatahan siya nang tiwasay at hin-di maliligalig ng panghihilakbot sa kapahama-kan.” (Kawikaan 1:33) Magkatotoo sana saiyo ang mga salitang iyan! ˛

“Magtatayo sila ng mga bahay at maninirahan sa mga iyon.”—Isaias 65:21

Page 8: MAYO 2015 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/52/g_TG_201505.pdf(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA) Vol. 96, ... 2. MGA NAMAMATAY PAGKARAAN NG ... ANG SABI

ANG HAMONMadalas kayong magtalo ngiyong apat-na-taong-gulang naanak, at parang laging siya angnananalo.˙ Kapag may ipinagagawa kasa kaniya na ayaw niyang gawin,hindi ka niya pinapansin.˙ Kapag pinagbabawalan monaman siya sa gusto niya, nag-aalburoto siya.Baka isipin mo, ‘Lilipas din kayaito? Aasa na lang ba ako namagbabago siya paglaki niya?’Puwede mong turuan angiyong anak na maging masunu-rin. Pero bago natin pag-usapaniyan, alamin muna ang isang po-sibleng dahilan kung bakit ga-noon ang ugali niya.

ANG DAHILANNoong bagong-silang ang iyong anak, ang pangunahing pa-pel mo ay bilang tagapag-aruga. Sunod-sunuran ka sa kani-ya. Kaunting iyak lang, natataranta ka nang ibigay ang kai-langan niya. Tama lang naman iyon. Dapat na tutok natutok ang magulang sa pangangailangan ng kaniyang sang-gol.Pagkatapos ng gayong pag-aasikaso sa loob ng ilangbuwan, natural lang na kikilos ang bata na parang siya angboss at ang kaniyang mga magulang ay parang mga alipinna sunod-sunuran sa kaniya. Pero kadalasan, pagtuntongniya ng dalawang taon, nakikita ng bata na hindi na siya pu-wedeng “maghari-harian.” Hindi na sinusunod ng kaniyangmga magulang ang gusto niya; siya na ang dapat sumunodsa kanila. Napakalaking pagbabago nito para sa mga bata!Kaya naman ang ilan ay nag-aalburoto. Sinusubok namanng iba ang awtoridad ng kanilang mga magulang sa pama-magitan ng pagsuway.Sa pagkakataong iyon, magkakaroon ng bagong papelang magulang—bilang awtoridad na nagbibigay ng malinawna tagubilin kung ano ang dapat gawin ng anak. Pero paa-no kung hindi pinapansin o sinusuway pa nga ng iyonganak ang mga tagubilin mo, gaya ng inilalarawan sa simulang artikulo?

T U L O N G PA R A S A PAM I LYA � PAG PA PA L A K I N G MG A A N A K

Turuan angmga AnaknaMagingMasunurin

r Higit pang tulong para sa pamilya ang makikita sa www.jw.org/tl

Page 9: MAYO 2015 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/52/g_TG_201505.pdf(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA) Vol. 96, ... 2. MGA NAMAMATAY PAGKARAAN NG ... ANG SABI

ANG PUWEDE MONG GAWINManguna. Hindi kikilalanin ng anak mo ang iyong awtori-dad kung hindi ka niya nakikitang nangunguna. Kaya satimbang na paraan, gamitin ang iyong awtoridad. Nitongnakalipas na mga dekada, pinalitaw ng diumano’y mgaeksperto na masama ang salitang “awtoridad.” Sinabi panga ng isa na ang awtoridad ng magulang ay “labag sa eti-ka” at “imoral.” Pero kung magiging mapagpalayaw namanang mga magulang, malilito, magiging spoiled, at lalakı angulo ng mga bata. Kapag nangyari iyon, hindi sila lalakıngresponsable.—Simulain sa Bibliya: Kawikaan 29:15.Maglapat ng disiplina. Ayon sa isang diksyunaryo, ang di-siplina ay “pagsasanay na nagbubunga ng pagkamasunurino pagpipigil sa sarili, kadalasan nang sa pamamagitan ngmga alituntunin at parusa kapag hindi ito sinunod.” Siyem-pre pa, ang disiplina ay hindi dapat na labis-labis at ma-pang-abuso. Pero hindi rin ito dapat maging malabo o itu-ring na di-mahalaga, dahil hindi nito mauudyukan ang batana magbago.—Simulain sa Bibliya: Kawikaan 23:13.Maging malinaw. May mga magulang na pinakikiusapanang kanilang mga anak para mapasunod. (“Gusto ko linisinmo ang kuwarto mo, ha?”) Baka iniisip nila na ito ay pagpa-pakita ng kabaitan. Pero sa paggawa nito, parang nagigingsunod-sunuran ang magulang at ipinauubaya sa anak kungsusunod siya o hindi. Kaya gamitin ang iyong awtoridad atmagbigay ng malinaw at tuwirang tagubilin.—Simulain saBibliya: 1 Corinto 14:9.Maging matatag. Kapag nagsabi ka ng hindi, totohanin itoat tiyaking nagkakaisa kayo ng asawa mo. Kapag nagtakdaka ng parusa para sa isang kasalanan, ipatupad iyon. Hu-wag kang makipagnegosasyon o makipagdiskusyon kungbakit ganoon ang desisyon mo. Magiging madali para saanak mo—at para sa iyo—kung ‘ang iyong Oo ay manganga-hulugang Oo, at ang iyong Hindi, Hindi.’—Santiago 5:12.Magpakita ng pag-ibig. Ang pamilya ay hindi demokrasya,pero hindi rin ito diktadura. Sa halip, ito ay isang bigay-Diyos na kaayusan, kung saan ang mga anak ay maibigingginagabayan para maging responsableng mga adulto. Paramagawa iyan, kailangan ang disiplina na magtuturo saiyong anak na maging masunurin at magpapadama na ma-hal mo siya. ˛

MGA SUS ING TEKS TO

“Ang batang pinababayaan ay mag-dudulot ng kahihiyan sa kaniyangina.”—Kawikaan 29:15.

“Huwag mong ipagkait sa bata angdisiplina.”—Kawikaan 23:13.

“Malibang bumigkas kayo . . .ng pananalitang madaling mauna-waan, paano malalaman kung anoang sinasalita?”—1 Corinto 14:9.

Gumising! Mayo 2015 9

Para malaman kung paano makatutu-long sa mga magulang ang mga simu-lain ng Bibliya, magpunta sa amingwebsite na jw.org/tl. Tingnan sa TURONG BIBLIYA ˛ MAG-ASAWA AT MAGULANG.Makikita roon ang mga artikulonggaya ng:

“Pagdidisiplina sa mga Anak”

“Kapag Nag-aalburotoang Iyong Anak”

“Kung Paano Magsasabi ng‘Hindi’ ”

“Ikintal sa Iyong mga Anakang mga Pamantayang Moral”

“Kapag Nagsisinungalingang Anak Mo”

“Kung Paano Didisiplinahinang Iyong Anak na Tin-edyer”

Tingnan din ang tampok na paksang“Ano Na ang Nangyari sa Disiplina?”sa Gumising!, Abril 2015.

PARA SA HIGIT PANGIMPORMASYON

Page 10: MAYO 2015 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/52/g_TG_201505.pdf(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA) Vol. 96, ... 2. MGA NAMAMATAY PAGKARAAN NG ... ANG SABI

NAGSIKSIKAN sina Natalya at ang ka-niyang 9-na-taong-gulang na anak na lalaki,si Aslan, malapit kina Zarina at sa 12-taong-gulang na anak na babae nitong si Anzheli-ka. Mahigit 1,000 iba pang bata at adultoang nakaupo malapit sa kanila, habang bi-nabantayan ng mga armadong lalaki.Nang umagang iyon ng Miyerkules,

Setyembre 1, 2004, ang mga bata at magu-lang ay nasa labas at naghahanda para saunang araw ng pasok sa eskuwela sa Bes-lan, isang maliit na bayan sa Alania, Russia.Bigla na lang lumusob ang mahigit 30 ar-madong lalaki at suicide bomber, na nagpa-paputok sa ere at nagsisisigaw. Pinapasoknila ang takot na takot na mga bata’t adultosa gymnasium ng paaralan at naglagay ngpampasabog sa loob nito.

Nagsimula ang KalbaryoGayon nagsimula ang tatlong-araw na kal-

baryo ng mga biktima. “Noon lang ako na-nalangin nang gano’n katindi,” ang sabi niNatalya, na noon ay nakikipag-aral ng Bibli-ya sa mga Saksi ni Jehova.Tag-araw noon, kaya napakatindi ng init

sa loob ng gymnasium. Simula nang ikala-wang araw, hindi pinakain ni pinainom angmga hostage, kaya nang ikatlong araw—Bi-yernes—ang ilan sa kanila ay napilitang umi-nom ng ihi at kumain ng mga bulaklak nadala-dala ng mga bata para sa kanilangmga guro. “Isang batang katabi namin angnaglagay ng dahon sa kamay ko,” ang ku-wento ni Natalya. “Pinilas ko ito, ibinigay angkalahati kay Anzhelika at kalahati kay As-lan.”

“Sa Tulong ng Diyos,Naghihilom ang Aming Sugat”

Mga bulaklakbilang pag-alaalasa mga namatay

Namatay si Anzhelikasa kaguluhan

Page 11: MAYO 2015 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/52/g_TG_201505.pdf(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA) Vol. 96, ... 2. MGA NAMAMATAY PAGKARAAN NG ... ANG SABI

Nang bandang hapon ng ikatlong araw,sumiklab na ang kaguluhan. “Natumbaako sa lakas ng mga pagsabog,” ang ku-wento ni Natalya. “Napuno ng usok ang pa-ligid, at nagsimula ang barilan.” Sa gitna ngengkuwentro ng mga sundalo at mga tero-rista, nakatakas sina Natalya at Aslan. Isangtaga-Ossetia, si Alan, ang nagligtas sa kani-la. Pero marami ang hindi nakatakas.

Masaklap na KinahinatnanDaan-daang bata at adulto ang namatay,

kasama si Anzhelika. Ilang linggong nabalotng pamimighati ang Beslan. Natatanawmula sa apartment ni Natalya ang paara-lan, at kahit may itinayo nang bagong paara-lan sa malapit, hindi pa rin kayang pumun-ta roon ni Aslan. Ni hindi nga siya lumalabaspara maglaro. “Nanalangin kami kay Jehovana tulungan siyang mapaglabanan ang kani-yang takot,” ang sabi ni Natalya. Nang ban-dang huli, nagkalakas-loob na rin si Aslanna pumasok sa paaralan.Naging hamon kay Natalya ang pagdalo

sa mga Kristiyanong pagpupulong sa King-dom Hall. “Kapag nasa loob ako ng isanggusali, ’tapos maraming tao, pakiramdamko bigla na lang kaming lulusubin,” ang sabiniya. “Nananalangin ako na sana walangmangyaring masama. Sa katagalan, hindina ako dumadalo. Ang bigat din sa loob kona isiping nakaligtas kami, samantalang na-pakaraming namatay.”

Ang Paghilom ng Sugat“Laking pasasalamat ko sa mga kapatid

sa kongregasyon na patuloy na tumutulongsa amin,” ang sabi ni Natalya. “Isang Saksina ang pangalan ay Tatyana ang dumada-law sa akin nang walang palya tuwing ikat-long araw. Nang maglaon, nagsama siya ngisa pang Saksi—ang mabait, mataktika, atmahinahong si Ulyana—na maraming alamsa Bibliya. Pinapurihan niya ako sa mgapagsisikap ko, at talagang nakikinig siya ka-pag nagsasalita ako.“Binasa sa akin ni Ulyana ang mga salita

ng Kristiyanong apostol na si Pablo sa 2 Co-rinto 1:9. Matapos ang isang mahirap nakaranasan sa Asia, sinabi ni Pablo: ‘Aming

nadama sa loob namin na tinanggap na na-min ang hatol na kamatayan.’ Binasa rin niyaang Isaias 40:31: ‘Yaong mga umaasa kayJehova ay magpapanibagong-lakas. Sila aypaiilanlang na may mga pakpak na gaya ngmga agila.’ Ang mga tekstong iyon, pati naang regular na pag-alalay sa akin ni Ulyanaat ng iba pa, ang nagpasigla sa akin na du-malo uli sa mga Kristiyanong pagpupulongkasama ang aking mga anak. Pero hindi parin ako komportable sa ganoong mga lugar.”Si Zarina ay naging Saksi ni Jehova nang

maglaon, at inaasam niyang salubungin siAnzhelika kapag binuhay na itong muli sa

isang maganda at mapayapang lupa, sa ila-lim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos.(Mateo 6:9, 10; Gawa 24:15) Nabautismu-han naman si Natalya at ang kaniyang mgaanak noong 2009. Nakatira pa rin sila mala-pit sa gymnasium na iyon, pero kinalimutanna nila ang kanilang malagim na karanasan.“Naikukuwento ko na ang tungkol sa pangya-yaring iyon nang hindi ako nasasaktan o na-tatakot,” ang sabi ni Natalya. “Sa tulong ngDiyos, naghihilom ang aming sugat.” ˛

“Naikukuwento ko na ang tungkol sapangyayaring iyon nang hindi ako

nasasaktan o natatakot”

Gumising! Mayo 2015 11

Sumalakay: Mahigit 30

Hostage: Mahigit 1,000

Namatay: Di-bababa sa 330

Sugatan: Mahigit 700

MASAKLAPNA

RESULTA

Page 12: MAYO 2015 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/52/g_TG_201505.pdf(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA) Vol. 96, ... 2. MGA NAMAMATAY PAGKARAAN NG ... ANG SABI

“IDOLO NG MATEMATIKANG ARABE”Nagsulat si al-Khwarizmi tungkol sa praktikal na gamit ng

mga decimal. Nilinaw din niya at pinalaganap ang isang pa-mamaraan ng paglutas sa ilang problemang pang-matemati-ka. Ipinaliwanag niya ang pamamaraang ito sa kaniyangaklat na The Book of Restoring and Balancing. Ang salitangal-jabr sa pamagat nito sa Arabe, Kitab al-jabr wa’l-muqaba-la, ang pinagmulan ng salitang Ingles na algebra. Ayon samanunulat ng siyensiya na si Ehsan Masood, ang algebraay “ang nag-iisang pinakaimportanteng kasangkapang naim-bento sa matematika, at isa na sumusuporta sa bawat pitakng siyensiya.”�

Pero “para sa napakaraming henerasyon ng mga es-tudyante sa high school, sana’y hindi na nag-abala [si al-Khwarizmi],” ang biro ng isang awtor. Magkagayunman, si-nabi ni al-Khwarizmi na ang tunguhin niya ay ipaliwanag angmga pamamaraan para mapasimple ang pagkukuwenta sa

� Sa modernong algebra, ang mga numerong di-alam ay tinutumbasan ng mgaletrang gaya ng x o ng y. Ang isang halimbawa nito ay ang equation na x � 4 ˙ 6.Kung babawasan ng 4 ang magkabilang panig ng equation, makikitang ang katum-bas ng x ay 2.

S U LYA P S A N A K A R A A N � A L - K HWA R I Z M I

Al-KhwarizmiKAPAG inaalam ng mga tao ang kanilangtimbang o kinukuwenta ang kanilang pinamili,marami ang gumagamit ng numerong Hindu-Arabe.Bakit ito tinawag na “Hindu-Arabe”? Lumilitaw naang makabagong sistema ng mga numero na 0hanggang 9 ay nanggaling sa India at nakaratingsa Kanluran sa pamamagitan ng mga iskolar noongEdad Medya na nagsusulat sa wikang Arabe.Pangunahin sa mga ito si Muhammad ibn-Musaal-Khwarizmi. Si al-Khwarizmi, na malamang naisinilang noong mga 780 C.E. sa tinatawag ngayongUzbekistan, ay binansagang “dakilang idolo ngmatematikang Arabe.” Bakit siya tinawag nanggayon?

MAIKLINGIMPORMASYON) Ang naunang anyo ngmga makabagong numero ayginagamit na sa India noon pangikatlong siglo B.C.E.

) Nang maglaon, ibinahagi ngmga iskolar na Hindu ang kanilangkaalaman sa matematika sa korteni Caliph al-Mansur sa Baghdad.

) Pinalaganap ng aklat nial-Khwarizmi na Calculation WithIndian Numerals ang decimalsystem. Ipinaliwanag niya angmga ideyang makikita sa mganaunang akda, kasama na angmga akdang Griego, Hebreo, atHindu.

�MelvynLo

nghu

rst/Su

perStock

Page 13: MAYO 2015 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/52/g_TG_201505.pdf(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA) Vol. 96, ... 2. MGA NAMAMATAY PAGKARAAN NG ... ANG SABI

kalakalan, hatian ng mana, pagsusurbey ng lupa, at maramipang iba.

Makalipas ang ilang siglo, si al-Khwarizmi ay hinangaanng mga matematikong taga-Kanluran na gaya nina Galileo atFibonacci dahil sa kaniyang malinaw na paliwanag tungkolsa mga equation. Dahil sa mga paglalarawang ito ni al-Khwarizmi, nabuksan ang daan para sa higit pang pag-aaralsa algebra, arithmetic, at trigonometry. Sa tulong ng trigo-nometry, nakalkula ng mga iskolar na taga-Gitnang Silanganang sukat ng mga anggulo at gilid ng mga tatsulok at napa-sulong ang pag-aaral ng astronomiya.�

Ang mga sumunod sa mga pamamaraan ni al-Khwarizmiay nakaimbento ng mga bagong mapaggagamitan ng mgadecimal fraction at ng mga bagong pamamaraan para matu-koy ang area at volume ng isang bagay. Naunang ginamit ngmga arkitekto at tagapagtayo sa Gitnang Silangan ang ma-kabagong pamamaraang iyon kaysa sa mga taga-Kanluran,na nakaalam lang nito noong panahon ng Krusada. Sa ka-nilang pag-uwi, dinala nila ang kaalamang ito, at natulu-ngan sila ng mga bihag na edukadong Muslim at mga dayu-han para maipalaganap ito.

LUMAGANAP ANG MATEMATIKANG ARABESa kalaunan, isinalin sa Latin ang mga akda ni al-Khwariz-

mi. Ang Italyanong matematiko na si Fibonacci (c. 1170-1250), na tinagurian ding Leonardo of Pisa, ang kinikilalangnagpalaganap ng mga numerong Hindu-Arabe sa Kanluran.Natutuhan niya ang mga ito nang maglakbay siya sa Medite-raneo at nang maglaon ay isinulat niya ang aklat na Book ofCalculation.

Inabot pa nang ilang siglo bago makilala ang mga pa-liwanag ni al-Khwarizmi. Pero ngayon, ang kaniyang mgapamamaraan at ang matematikang kaugnay ng mga ito angpinakapundasyon ng siyensiya at teknolohiya, pati na ng ko-mersiyo at industriya. ˛

� Mga Griegong astronomo ang nanguna sa pagkalkula ng mga gilid at anggulong mga tatsulok. Ginamit ng mga iskolar na Muslim ang trigonometry para matukoyang direksiyon ng Mecca. Gusto ng mga Muslim na nakaharap sila sa Mecca kapagnananalangin. Ayon sa tradisyon, kailangang ilibing ang mga patay nang nakaharapsa Mecca at dapat humarap sa Mecca ang mga mataderong Muslim kapag nagka-katay ng hayop.

Isang NapakahalagangPamana

“Pagdating sa mga numeroat matematika, ang pamanang[iniwan ng mga iskolar na taga-Gitnang Silangan noong EdadMedya] ay napakahalaga at di-matatawaran.”—Science andIslam, ni Ehsan Masood.“Maaaring iba-iba ang pinagmu-lan ng mga makabagong nu-mero ng mga taga-Kanluran.Pero sa abot ng ating nalala-man, ang bansa na unang gu-mamit ng kalakhan sa mga nu-merong ito ay ang India.”—Britannica Online Encyclope-dia.Sa Europa, ang mga numerongHindu-Arabe ay “nakilala no-ong ika-15 siglo.”—Encyclope-dia of Society and Culture inthe Medieval World.

Algebra: “Ang nag-iisang pinakaimportantengkasangkapang naimbento sa matematika”

Napakasimple ngmga numerong Arabedahil ang bilang na 188 ay

CLXXXVIIIsa numerong Romano.

Gumising! Mayo 2015 13

Page 14: MAYO 2015 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/52/g_TG_201505.pdf(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA) Vol. 96, ... 2. MGA NAMAMATAY PAGKARAAN NG ... ANG SABI

ANG SINASABI NG MGA TAO Para sa marami, kasa-ma na ang mga taong relihiyoso, ang karahasanay makatuwirang tugon kapag ang isa ay ginalit.At para sa milyon-milyon, ang karahasang napa-panood sa mga pelikula at programa sa telebis-yon ay katanggap-tanggap na uri ng paglilibang.ANG SABI NG BIBLIYA Malapit sa lunsod ngMosul, sa hilagang Iraq, matatagpuan ang mgaguho ng isang dakilang lunsod—ang Nineve, ka-bisera ng sinaunang Imperyo ng Asirya. Noongnamamayagpag pa ang lunsod na ito, inihula ngBibliya na “ang Nineve ay gagawin [ng Diyos na]tiwangwang na kaguhuan.” (Zefanias 2:13) “Ga-gawin kitang isang panoorin,” ang sabi ng Diyos.Bakit? Ang Nineve noon ay “lunsod ng pagbu-bubo ng dugo.” (Nahum 1:1; 3:1, 6) “Kinasusuk-laman ni Jehova” ang mga taong marahas, ayonsa Awit 5:6. Pinatutunayan ng mga guho ng Ni-neve na tinotoo ng Diyos ang kaniyang mga si-nabi.

Ang karahasan ay nagmula sa pangunahingkaaway ng Diyos at ng tao—si Satanas na Diyab-lo, na tinawag ni Jesu-Kristo na isang “mama-matay-tao.” (Juan 8:44) At dahil “ang buongsanlibutan ay nasa kapangyarihan ng isa na ba-lakyot,” ang mga katangian niya ay masasala-min sa saloobin ng maraming tao tungkol sakarahasan, kasama na rito ang pagkahumalingsa karahasan sa media. (1 Juan 5:19) Para ma-palugdan ang Diyos, kailangang kapootan natinang karahasan at ibigin ang mga bagay na inii-big ng Diyos.� Posible ba iyan?

� Pinahintulutan ng Diyos ang sinaunang Israel na makipag-digma para ipagtanggol ang teritoryo nito. (2 Cronica 20:15, 17)Pero nagbago ang kalagayan nang wakasan ng Diyos ang kani-yang pakikipagtipan sa Israel at itatag ang kongregasyong Kristi-yano, na bukas sa anumang lahi.

Posible pa kayang magbago ang mga taong marahas?ANG SINASABI NG MGA TAO Ang karahasan aybahagi na ng karakter ng tao, na hindi na maba-bago.ANG SABI NG BIBLIYA Alisin ang “poot, galit,kasamaan, mapang-abusong pananalita, at ma-laswang pananalita.” Sinasabi rin nito: “Hubarinninyo ang lumang personalidad pati na ang mgagawain nito, at damtan ninyo ang inyong sariling bagong personalidad.” (Colosas 3:8-10) Na-

pakahirap ba ng hinihiling sa atin ng Diyos? Hin-di, dahil ang mga tao ay puwedeng magbago.�Paano?

Ang unang hakbang ay ang pagkuha ng tum-pak na kaalaman tungkol sa Diyos. (Colosas3:10) Kapag natutuhan ng isang taong may ma-

� Ang karanasan ng mga taong nagbagong-buhay ay mababa-sa sa seryeng “Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay,” na itina-tampok sa Ang Bantayan.

A N G PA N GMA L A S N G B I B L I YA � K A R A H A S A N

K A R A H A S A NPuno ng karahasan ang kasaysayan ng tao. Magpapatuloy pa kaya ang masaklap na kalagayang ito?

Ano ang pangmalas ng Diyos sa karahasan?

“Ang sinumang umiibig sa karahasan aykinapopootan [ni Jehova].”—Awit 11:5.

r Alamin ang sagot sa iba pang mga tanong tungkol sa Bibliya sa www.jw.org/tl

Page 15: MAYO 2015 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/52/g_TG_201505.pdf(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA) Vol. 96, ... 2. MGA NAMAMATAY PAGKARAAN NG ... ANG SABI

ANG SINASABI NG MGA TAO Bahagi na ng buhay na-tin ang karahasan at hindi na iyan mawawala.ANG SABI NG BIBLIYA “Kaunting panahon na la-mang, at ang balakyot ay mawawala na . . .Ngunit ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa,at makasusumpong nga sila ng masidhing kalu-guran sa kasaganaan ng kapayapaan.” (Awit 37:10, 11) Oo, para mailigtas ang maaamo at ma-pagpayapa, gagawin ng Diyos sa mga mahiligsa karahasan ang ginawa niya sa sinaunang Ni-neve. Pagkatapos, hindi na muling magagamba-la ang kapayapaan sa lupa!—Awit 72:7.

Kaya naman, panahon na para kamtinang pagsang-ayon ng Diyos sa pamamagitan ngpagkakaroon ng mapayapang saloobin. Sinasa-bi ng 2 Pedro 3:9: “Si Jehova ay . . . matiisin sainyo sapagkat hindi niya nais na ang sinumanay mapuksa kundi nais niya na ang lahat ay ma-kaabot sa pagsisisi.” ˛

Mawawala pa kaya ang karahasan?

“Pupukpukin nila ang kanilang mga ta-bak upang maging mga sudsod at angkanilang mga sibat upang maging mgakarit na pampungos.”—Isaias 2:4.

‘Mamanahin ng mgamahinahong-loob ang lupa.’—Mateo 5:5

Gumising! Mayo 2015 15

buting puso ang tungkol sa kaakit-akit na ka-tangian at pamantayan ng ating Maylalang, na-papalapıt siya sa Diyos at nais niyang palugdanSiya.—1 Juan 5:3.

Ang ikalawang hakbang ay may kinalaman sapagpili natin ng mga kaibigan. “Huwag kang ma-kikisama sa sinumang madaling magalit; at sataong magagalitin ay huwag kang sasama,upang hindi mo matutuhan ang kaniyang mgalandas at magdala nga ng silo sa iyong kalulu-wa.”—Kawikaan 22:24, 25.

Ang ikatlong hakbang ay nangangailangan ngunawa. Kailangan nating kilalanin na ang pagka-hilig sa karahasan ay isang malubhang kahinaanna nagpapakita ng kawalan ng pagpipigil sa sari-li. Sa kabaligtaran, ang mga mapagpayapa aymay tunay na lakas ng loob. “Siyang mabagal sapagkagalit ay mas mabuti kaysa sa makapangya-rihang lalaki,” ang sabi ng Kawikaan 16:32.

“Itaguyod ninyo ang pakikipagpayapaansa lahat ng tao.”—Hebreo 12:14.

Page 16: MAYO 2015 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/52/g_TG_201505.pdf(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA) Vol. 96, ... 2. MGA NAMAMATAY PAGKARAAN NG ... ANG SABI

g1

5 0

5-T

G1

50

20

4

ANG Hawaiian bobtail squid, na aktibo sagabi, ay lumilikha ng sarili nitong liwa-

nag—hindi para makita, kundi para maka-pagtago at hindi mahalata sa liwanag ngbuwan at mga bituin. Ang sekreto ng pusitna ito ay ang pakikipagtulungan nito sa mgabaktiryang naglalabas ng liwanag. Ang pag-tutulungang iyan ay maaari rin nating paki-nabangan, pero sa kakaibang paraan. Po-sibleng makatulong ito sa ating kalusugan.Pag-isipan ito: Ang Hawaiian bobtail

squid ay nakatira sa malinaw na baybayinng Hawaiian Islands. Karaniwan na, maaa-ninag ng mga kalaban nito ang hugis ng pu-sit dahil sa liwanag ng buwan at mga bituin.Pero ang pinakailalim ng katawan ng bob-tail squid ay naglalabas ng liwanag na katu-lad ng liwanag ng buwan at mga bituin.Ang resulta? Wala itong anino at hindi maa-aninag. Ang “high-tech” na kasangkapan ngpusit ay ang parte nito ng katawan na nag-lalaman ng mga baktiryang nakapaglalabasng tamang-tamang dami ng liwanag paramaitago ang pusit.

Maaaring tumutulong din ang mga bak-tirya para makontrol ang siklo ng tulog at gi-sing ng pusit. Interesado rito ang mga mana-naliksik dahil posibleng hindi lang sa bobtailsquid makikita ang ganitong koneksiyon sapagitan ng mga baktirya at ng siklo ng tulogat gising. Halimbawa, sa mga mamalya,ang mga baktiryang tumutulong sa panunaway posibleng may koneksiyon din sa siklo ngtulog at gising. Kapag nagambala ang sik-long ito, maaari itong mauwi sa depresyon,diyabetis, sobrang katabaan, at mga proble-ma sa pagtulog. Kaya naman, ang pag-aaraltungkol sa pagtutulungan ng pusit at ng mgabaktirya ay maaaring makatulong para mau-nawaan ang kalusugan ng tao.Ano sa palagay mo? Ang ilaw ba ng

Hawaiian bobtail squid ay resulta ng ebolus-yon? O may nagdisenyo nito? ˛

MAY N AG D I S E N YO B A N I T O ?

Ang Ilaw ngHawaiianBobtail Squid

Hitsura ng Hawaiian bobtail squid sanormal na liwanag

�Doug

Perrine/SeaPics.com

sLibreng download ngmagasing ito at ngnakaraang mga isyu

Bibliya online samahigit 100 wika

Magpunta sawww.jw.org/tlo i-scan ang code

no

p