mc bruce sabroso's akademikomg sulatin

23
IBA’T - IBANG URI NG AKADEMIKONG SULATIN Gawa ni : Mc Bruce Sabroso

Upload: generosofil

Post on 21-Jan-2018

158 views

Category:

Education


13 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

IBA’T- IBANG URI

NG

AKADEMIKONG

SULATIN

Gawa ni : Mc Bruce Sabroso

Page 2: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

I. ABSTRAK

Ang pananaliksik- papel na ito ay naglalayon na maipakita ang impresyon ng mga

estudyante ng unang taon ng College of Nursing ng UST sa mga taong nagpi- PDA

sa loob ng paaralan. Ito ay sa dahilang nais ng grupo na maipahatid sa mga

mambabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan ng ibang tao sa PDA. Sa ganitong

paaraan ay mabigyan ng karampatang aksyon ang mga problema sa PDA. Upang

makalap ang mga kinakailangang impormasyon, ang grupo ay nagsagawa ng

sarbey sa mga estudyante sa unang taon ng UST College of Nursing. Mula dito,

nahinuha ng grupo na hindi maganda ang tingin ng mga nasabing respondente sa

mga taong nagpi- PDA. Ngunit, karamihan sa kanila ay walang reaksyon sa

pagbibigay ng parusa sa mga ito.

Page 3: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

II. BIONOTE

Si Mc Bruce B. Sabroso ay nagtapos ng BS Geodetic Engineering at MA

Sociology at kasalukuyang kumukuha ng PhD SA FILIPINO: Pagsasalin sa UP

Diliman. Ang kulang na lamang niya ay disertasyon. Nagtuturo siya ng panitikan

sa Unibersidad ng Santo Tomas at resident fellow din ng UST Center for Creative

Writing and Literary Studies. Nailathala ng NCCA ang unang koleksiyon niya ng

tula noong 2013 dahil sa kanyang kagalingan at kahusayan niya ayon sa mga

kritiko. Noong 2014, nailathala naman ng kanyang ikalawang koleksiyon ng tula.

Dahil gusto niya na manalo sa Carlos Palama Memorial Awards for Literature ay

pinagpatuloy niya ang kanyang pagsasanay para makamtam ito.

Page 4: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

Si Gelly Elegio Alkuino ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Education-History sa Mindanao State/University, General Santos City noong 1986. Marami siyang mga parangal na natanggap kagaya ng Academic Excellence Awardee at Cum Laude sa MSU noong 1986. Naging isang Valedictorian din siya sa Surallah National Agriculture School, Surallah, South Cotabato noong 1979. Magaling siya, tagapagsanay at tagapanayam sa pamahayagan at treatrong sining. Siya ay isang Master of Arts in Education- Educational Management sa Notre Dame of Marbel University, Koronadal City noong 1997. Siya rin ay may-akda ng mga Sanayang Aklat sa Filipino l,ll,lll at lV sa Edisyong BEC at Ingles, Campus Journalism in the New Generation. Dahil sa kanyang kagalingan at kahusayan, nakatanggap siya bilang isang Outstanding School Paper Adviser of the Philippines sa NSPC 2004.

Si Beryl B. Dataro ay pinanganak noong Nobyembre 30, 1999. Naktira siya sa Mag-abo, Zamboanguita Negros Oriental. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Felix at Gng. Constancia Dataro. Siya ang bunsong anak na babae sa limang magkakapatid. Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa Elemtarya sa Maluay Elementary School at pinarangalang Girl Scout of the year. Pinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral ng sekondarya sa Zamboanguita Science High School at nagtapos bilang isang Junior Completer. Nakatanggap din siya ng parangal bilang pangalawang puwesto sa kompetisyon ng Bayle sa Kayle. At nakasali rin siya sa organisasyon katulad ng Youth Community.

Page 5: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

III. SINTESIS/BUOD

Ang kwento na pinamagatang “Silence of Love”ay tungkol sa mag-ama na kung saan pinag-aral niya ang kanyang anak na babae sa isang paaralan. Isang ama na pipi ang kanyang kalagayan pero sa kabila ng kanyang kalagayan ay isang mabuti,masipag, at mapagmahal na ama sa kanyang anak. Sa paaralan, palaging kinukutcha at inaapi ang kanyang anak dahil sa kanyang kalagayan. Dahil sa mga dahas, pananakit at pang-aabuso na kanyang natamo, dumating sa punto na magbitaw sa kanyang buhay dahil hindi na nakayanan ng anak ang pagsubok na kanyang dinaanan. At ang mas malala pa roon ay nagpakamatay siya sa mismong kaarawan niya. Dinala agad siya sa hospital upang tulungan at gamotin. Dahil sa kabutihan ng ama, ibinigay niya ang kanyang dugo sa pinakamamahal niyang anak upang magkaroon ng buhay. Dumating ang araw nang pagdilat ng anak, pinasasalamatan niya ng lubusan ang kanyang ama at hindi niya pinagsisihan ang kanilang buhay at sitwasyon ng mag-ama.

Page 6: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

IV.TALUMPATIAng pasko ay isang selebrasyon ng kaarawan ng ating Poong Maykapal. Ito ay

simbolo ng pagkakaisa ng bawat tao na may pananampalataya sa Panginoon. Ang araw na ito ay may kaakibat na kagandahan at kaligayahan sa mga mamayan. Dito mo mararamdaman ang malamig na simoy ng hangin na nangangahulugang kapayapaan na may halong tamis na pagmamahalan ng bawat isa. Ang pasko ay simbolo ng pagbibigayan, pagmamahalan, pagkakaisa at higit sa lahat ang relasyon mo sa Panginoon.

Ang pasko ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 25. Parating palang ang araw na ito, marami ng mga tao ang pumupunta sa mga bahay-bahay para mangaroling at ang mga parol ay nakasabit at nakahanda na sa araw na ito. Napakahalaga talaga ng araw na ito sa mga Pilipino kasi kahit ang mga nagtatrabaho sa ibang bansa ay uuwi para ipagdiwang ang araw na ito kasama ang kanilang mahal sa buhay. Ang tanging layunin ng Pasko para sa akin ay mabuo ang kaligayahan at pagmamahal na nais mong ipabatid sa mga taong nakapaligid sayo.

Ang pasko ay importante sapagkat dito mo makikita ang pagkakaisa sa kultura ng bawat Pilipino at sa buong mundo at ang pagkakabuklod-buklod ng bawat isa. Ang nais ko lang na hindi lang sa araw ng pasko ay makararanas tayo ng kaligayahan, maging sa pang-araw-araw nating pamumuhay kasama ang ating pamilya ay pwede tayong maging maligaya at may pagmamahalan dahil bawat araw ay PASKO!.

Page 7: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

V. POSISYONG PAPELDeath Penalty sa Pilipnas: Dapat bang Ipatupad?

Ayon sa Republic Act. No. 7659, ang Death Penalty ay ang parusang ipinapataw sa mga gumawa ng mga kagimbal-gimbal na krimeng nakahapis, nakaririmarim, kakilakilabot, at nakakapoot. Ito ay isang batas na kailangan ipatupad ng pamahalaan para sa mga masasamang tao na walang awang pumatay at gumawa ng mga krimen. Sa isyu na ito, kapag ipapatupad ng pamahalaan ang batas na ito sa Pilipinas ay sasang-ayon ako. Sa nakita natin sa mundong ating ginagalawan, may marami nang nawalan ng buhay na mga inosenteng tao. Ayon pa nga kay Sen. Sotto, palubha nang palubha ang mga pangyayaring krimen sa bansa kaya nararapat lamang na ito’y ibalik. Marami ng mga luha ang nalagas sa mga mukhang ng sambayanan dahil sa mabibigat na pangyayaring nasapit ng mga mahal sa buhay.

Sa argumento na ito, talagang kinakailangan ang pagbabalik ng Death Penalty sa Pilipnas para mabigyang hustisya ang mga nawalan ng buhay ng mga inosenteng tao dahil sa krimen. Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte na ang muling pagpapatupad ng parusang kamatayan ay hindi pananakot sa mga kriminal kundi pambayad sa kanilang kasalanan. Sa ibang bansa, ay ipinatupad na ang batas na ito at alam niyo ang kinahihinatnan? wala ng masyadong nang-aabuso at unti-unting naglalaho ang namamatay dahil sa krimen. Ngayon, alam naman natin na napakatapang at walang kinatatakutan ang namumuno sa ating bansa. Kaya ito ay isang malaking oportunidad sa lahat ng sambayanan na sakop sa Pilipinas na ipatupad at ipalaganap sa buong mundo ang Death Penalty para sa tunay na PAGBABAGO!.

Page 8: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

VI. LAKBAY SANAYSAY

Ang bahay ay isang paglalakbay, dahil gusto nating magdiskubre ng mga bagay-bagay na hindi pa natin nakikita, nalalaman at naranasan sa isang lugar. Bilang isang tao, hindi tayo makontento kaya gusto pa nating libutin ang mundo. Gaya ko, isa sa napuntahan kung lugar na hindi ko talaga malilimutan ay anh lugar ng siquijor. Ang nakasama ko sa paglalakbay ay walang iba kundi ang mga pamilya at kaibigan ko. Ayon sa karamihan, delikado daw ang lugar na ito peronsa nadiskubre ko sa mga tao doon ay talagang masayahin at mapayapa. Nang nilibot namin ang siquijor, nakadiskubre ko din ang mga magagandang tanawin sa paligid lalong-lalo na ang dagat. Mararamdam mo talaga ang malamig na simoy ng hangin na simbolo ng kapayapaan at ang maputing buhangin na nangangahulugang malinis na talagang binigyan ng biyaya ang lugar na ito. Nahihinuha ko na hindi pala delikado ang lugar na ito, na hindi pala kapani-paniwala ang mga sabi-sabi ng mga tao. Ganyan talaga ang mga komentaryon sa mga taong hindi pa nakapunta doon dahil naniniwala lang sila sa mga sabi-sabi. Ang paghuli na sasabihin ko na dapat pa tayong mangdiskubre pa ng ibat-ibang bagay na hindi lang sa sa ating lugar kundi pati na rin sa ibang lugar. Napagtanto ko rin ang kahalagahan ng pagkakaisa ng pamilya kahit saan man magpunta.

Page 9: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

VII. PHOTO ESSAY

Paggamit ng druga: Sanhi ng Maling Desisyon

Ang pagkakaroon ng kaibigan ay ang isang pangunahing rason sa pagbukas ng mga bagay-bagay sa mundo na maaaring masama o mabuti. Dito mo madidiskubrehan na kung ano talaga ang tunay na kakayahan at mga ginagawa ng mga taong nakapaligid sayo. At kapag dumating sa punto na malapit kana at lantad kana sa gawain ng iyong kaibigan, doon na papasok yung “pwersa” na kung saan pagpwersahan kang gumamit ng druga at hindi kana makakatanggi dahil sa “Peer Presure”. Hangang sa hindi kana makakwala dahil nalulong kana sa druga at nasanay kana sa paggamit ng druga.Dahil dito, unting-unting nasisira ang bahay mo. Dumating ang panahon na mawawalan kana ng kontrol sa sarili mo. Hindi kana makakatakas sa isang lugar na iyong tinataguan kaya nahulo ka ng pulis. Ito na ang resulta ng pagkukulong sa druga na kung saan ang iyong maling desisyon sa buhay na iyong napasukan ay ang rason kung bakit ka napunta sa bilangguan. Nasa huli ang pagsisisi.

Page 10: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

KATEGORYA NG PROYEKTO Tutorial

PETSA Setyembre 11, 2017

HABA NG PANAHON Isang Linggo

Rasyonal Sa panahon ngayon, maraming estudyante ay mayroong problema sa

Matematika. Karamihan sa kanila ay mababa ang kanilang marka sa

Matematika. Ang Matematika ay ginagamit sa pang- araw- araw na

buhay kagaya na lang ng pagbili ng ating pangangailangan sa buhay,

kaya mahalaga ito sa ating buhay.

Ang proyektong ito ay tungkol sa pagtuturo ng Matematika sa ika-7

na baitang sa seksyon Faburada ng Zamboanguita Science High

School at ito ay gagawin sa loob ng isang linggo. Ito ay naglalayong

linangin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng Matematika.

VIII. PANUKALANG PROYEKTO

Page 11: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

DESKRIPSYON Sa panahon ngayon, Matematika ang nagsisilbing kahirapan ng mga

estudyante sa kanilang marka. Saanmang paaralan ka magpunta, ito ang

pangunahing problema ng mga mag-aaral. Upang malutas ang problema ng

mga estudyante ay nagsagawa kami ng proyekto ukol dito.

Isasagawa namin ang proyektong ito ngayong Setyembre 18, 2017. Sa loob

ng isang linggo ay magtuturo kami ng mga ibat- ibang leksyon ukol sa

asignatura. Mayroon kaming mga hakbang na susundin upang

maisakatuparan ang proyekto.

1. Humanap ng lugar na kung saan hindi mawala ang pokus ng mga

estudyante.

2. Ihanda ang mga leksyon na ibibigay mo sa mga estudyante.

3. Simulan ang pagtuturo sa loob ng isang linggo.

4. Sa huli ay magbibigay kami ng pasulit ukol sa paksang tinalakay. Ang

pagsusulit ay gaganapin pagkatapos ng bawat leksyon.

SULIRANIN Dahil sa patuloy ng pagtaas ng lebel sa Matematika, patuloy din ang paglabo

ng mga marka ng mga estudyante lalong- lalo na sa mababang baitang. Alam

naman natin na ang Algebra ang pangunahing leksyon na tatalakayin ng guro

sa sekondaryang paaralan. At kinakailangan ang wastong pagkatuto para mas

madali ang pagkonekta sa susunod na leksyong tatalakayin.

Sa proyektong isasagawa namin ay talagang makatutulong sa larangan ng

Matematika upang maagapan ang mga estudyanteng naghihirap pagdating

dito lalong- lalo na sa Grade 7- Faburada

LAYUNIN Sa proyektong ito, ang aming pangunahing layunin ay linangin ang

kakayahan ng mga mag-aaral sa paglutas ng mababang marka sa larangan ng

Matematika sa mga Grade 7- Faburada ng Zamboanguita Science High School.

BADYET Materyales Halaga

•Reading Materials 30.00

ukol sa paksang tatalakayin

• Chalk 20.00

TOTAL: 50.00

Page 12: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

SCHEDULE

( September 18, 2017)

Days Leksyon na tatalakayin

• Day1-2( Sept. 18-19) Adding Integers

• Day 3-4(Sept. 20-21 Subtracting Integers

• Day 5 Multiplying Integers

Dividing Integers

Pakinabang Ang proyekto ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang tataas ang

kanilang abilidad sa pag-aanalisa ng Matematika upang sa gayo’y tumaas

din kanilang marka.

Math for Life

Pagtuturo ng Matematika sa Grade 7- Faburada ng Zamboanguita Science High School

Zamboanguita Science High School

Del Pilar St. Poblacion Zamboanguita Negros Oriental

Mula kina:

Ivan C. Enopia Gypsy Mae Elnar Mc Bruce Sabroso

Arellano St. Poblacion Zamboanguita Mayabon, Zamboanguita Legaspi St, Poblacion Zamboanguita

09365401422 09354261277 09062781359

Page 13: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

Prepared by: Approved by:

Ivan C. Enopia Ana Melissa T. Venido

Mc Bruce B. Sabroso

Gypsy Mae S. Elnar

Approved by:

Melissa A. Lero

OIC

Page 14: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

Mc Bruce B. Sabroso

Legaspi St. Poblacion , Zamboanguita

Negros Oriental

09365401422

[email protected]

Layunin

Makakuha ng posisyong inhinyero sa inyong kompanya

Edukasyon

Unibersidad ng Negros Oriental

Bachelor of Science in Civil Engineer

2018-2023

Zamboanguita Science High School

Senior High School ( STEM track)

2016-2018

Zamboanguita Science High School

Junior High School

2012-2016

Zamboanguita Central Elementary School

2006-2012

XI. RESUME

Page 15: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

Karanasan

DPWH

PhilSouth

Negros Oriental State University

Apprentice

2024

Mga Kasanayan

• Kayang mag-analisa ng mga bagay ukol sa paggawa ng bahay.

• Marunong magtantya ng mga distansya.

• Kayang gumawa ng sariling imbensyon sa larangan ng elektrika.

• Matalas ang utak sa paggawa ng disensyo.

Page 16: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

X. LIHAM APLIKASYONIka-14 ng Setyembre 2017

Bb. ANA MELISSA T. VENIDO

Chief Executive Officer

Venido Company

Daro, Dumaguete Neg.Or

Mahal na Bb. Venido,

Magandang araw po sa inyo!

Nag-aaply po ako sa posisyong Civil Engineer sa inyong kompanya at nakita ko po yung mga sinasabi nyong patalastas sa Internet

noong nakaraang araw. Matapos ko pong basahin ang mga laman tungkol sa posisyong ito ay talagang masisiguro ko po na karapat-dapat

ako sa inyong kompanya na makagawa ng mahusay na trabaho

Makikita po ninyo sa kalakip na resume ang kahusayan ko sa pag-tatantya at pag-aanalisa ng mga bagay-bagay at distansya na kung

saan ito ang pangunahing kailangan sa mahusay na inhinyero

Maaari ninyo akong interbyuhin at kontakin sa oras ng yong kagustuhan upang mas malaman ko pa ang mga detalyadong impormasyon

na kakailanganin. Ito po ang aking phone number 09365401422 at email [email protected].

Maraming pong salamat,

Sumasainyo,

MC BRUCE SABROSO

Page 17: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

XI. AGENDA

Petsa: Ika-8 ng Oktubre 2017Para sa: Manlalaro ng Basketball sa ZSHSMula kay: Mc Bruce Sabroso

Gaganapin ang pagpupulong sa Oktubre 30, 2017 ng alas-8 ng umaga sa Zamboanguita Gymnasium. Kinakailangan ang inyong atensyon para sa mga importanteng bagay na ating pag-usapan at paghandaan.

AGENDA:1. Pagsimula2. Pag-apruba ng Agenda3. Pag-apruba ng katitikan ng nakaraang pulong4. Mga isyu sa katitikan ng nakaraang pulong5. Pagbili ng kagamitan sa Basketball

a. Jerseyb. Bolac. Protective guardsd. Caution signs

Page 18: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

6. Paglista ng mga pursigidong manlalaro7. Pagpili ng mga lineup8. Pagdesisyon ng bagong Coach Staff9. Mga paparating na mga paligsahan

a. Governor’s Cupb. District Meetc. SANO Cupd. Commissioner’s Cupe. NORAA Meet

10. Ang Petsa ng susunod na gaganping pagpupulong ay ngayong ika-10 ng Setyembre 2017 para ipagpatuloy ang mga mahalagang bagay na pinag-usapan.

Page 19: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

XII. KATITIKAN NG PULONG

Pagpili ng Produkto at ng Advertising Company

Kailan: Setyembre 5, 2017Saan: Senior High SchoolOras: 10:13 n.u.

Mga Dumalo:1. Presidente ng Kompanya- Marie Raphelle Deloria2. Kinatawan ng ABS-CBN- Rose Ann Adapon3. Kinatawan ng GMA- Sharmine Alarcio4. Kasapi o miyembro ng kompanya

Mga Hindi Dumalo:1. Dan Byron Deloria2. Janine Bautista3. Gypsy Mae Elnar

Pinanguluhan ang pagpupulong ni Bb. Marie Raphelle Deloria ang kompanya para sa pagpili ng produkto at ng Advertising Company.

Page 20: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

Pinanguluhan ang panalangin ni Rose Ann Adapon.

Tinalakay ang mga sumusunod na adyenda:

1. Pagpili ng Produktong I-endorso

Napagkasuduan ng kasapi ng pagpupulong ang pagpili ng produktong i-endorso sa kompanya. Ang mga produktong ito ay ang Brand X (sunsilk) at Brand Y(head and shoulder). Pinagbotohan ng grupo ang dalawang produktong gagamitin sa kompanya.

Unang nagbigay ng suhestiyon si G. Jairus Canchela na ‘ilahad muna ang mga elemento ng bawat produkto’.

Nagbigay naman ng opinyon si G. Jhon Mar Trinidad na mas magandang gamitin ang sunsilk dahil nakapagbibigay ito ng buhok na kumikinis at kumikislap.

Pangalawang nagbigay ng opinyon si Bb. Christine Lazaga na isa ring sunsilk users na mas magandang gamitin ito dahil nakapagpabango ito ng buhok.

Nagbigay rin ng suhestiyon si Bb. Khrizzle Jean Maquiling na mas magandang gamitin ang head and shoulder dahil it makes your skull cool and no dandruff.

Page 21: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

Nagtapos ang mga suhestiyon at nagsimula na ang botohan. Pinanguluhan ito ng presidente na si Bb. Marie Raphelle Deloria. Nakatanggap ang Brand X(sunsilk) ng anim na boto at labing-apat na boto sa Brand Y(head and shoulder). Ayon sa resulta, mas marami ang bumoto sa head and shoulder kaya ito ang napiling produkto na i-endorso sa kompanya.

2.Pagpili ng Advertising Company

Una sa lahat, ipinakilala muna ng presidente na si Bb. Marie Raphelle Deloria ang mga kinatawan ng kompanya. Si Bb. Rose Ann Adapon na mula sa ABS-CBN at si Bb. Sharmine Alarcio ay sa GMA naman. Pagkatapos ng pagpapakilala ng dalawang kompanya ay nagsimula na ang pagbibigay ng kanilang stilo o pamamaraan ng pag-iendorso ng produktong head and shoulder.

Ayon sa kinatawan ng ABS-CBN na si Bb. Rose Ann Adapon, kailangan ang mga sikat na tao o artista para maging mabenta ang napiling produkto. Mabenta ang artista, mabenta ang produkto.

Ayon naman sa kinatawan ng GMA na si Bb. Sharmine Alarcio, dapat gumamit mismo ang mga users ng napiling produkto para mas maging kapani-paniwala.

Page 22: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

Matapos mailahad ang mga pamaraan sa napiling produkto ng bawat kompanya ay nagkaroon na naman ng botohan kung anong Advertising Company ang pipiliin. Nakakuha ng anim na boto ang kompanya ng ABS-CBN at labin-tatlo naman sa kompanya ng GMA. Kaya ang napiling Advertising Company ay ang GMA.

Iba pang Pinag-usapan:

Pagkatapos ng pagpili ng Advertising Company ay napagkasunduan ng kasapi ng kompanya na magkaroon ng badyet ang GMA ng 100,000 pesos. Napag-usapan din kung saang lugar ang pag-eendorso ng produkto. Maraming suhestiyon ang grupo na kung saan gaganapin ang pag-eendorso gaya ng sa Boracay, Beach Resort sa Sipalay dahil maliit lang ang gastusin. Meron ding nagsabi na sa “polluted area” at mataas ang temperatura dahi doonl nagsimula ang dandruff.

Iba ring kasapi ng grupo ay nagsabi na sa bahay mismo ng users, sa lugar ng pinagtrabahoan ng users at yung nagtatrabaho sa mainit na lugar.

Ipagpapatuloy ang pagpupulong hinggil sa proposal ng napili na kompanya kung paano ang pag-eendorso ng produktong Head and Shoulder

Page 23: Mc Bruce Sabroso's  Akademikomg Sulatin

Itinala ni:MC BRUCE SABROSOKalihim ng Kalupunan