mfi summary june09 low res filipino - malaria.org summary/mfisummary_filipino.pdf · kalakalan,...

2
MALARIA FOUNDATION I N T E R N A T I O N A L Tumutulong sa sangkatauhan sa buong mundo Ang aming misyon ay ang pagtulong sa paggawa at implementasyon ng mga solusyon sa mga problermang pangkalusugan, pang-ekonomiya at panlipunan na sanhi ng malaria. PAGHUBOG NG LIDERATO Pinangangalagaan ng MFI ang mga pinuno at samahang pandaigdig para makapagbigay ng lugar para sa diskusyon, palitan at debatehan ng mga stratehiyang ginagamit laban sa malaria. Ang aming network ay kinabibilangan ng mga mag-aaral, guro, syentista at mga pinuno sa kalakalan at komunidad. EDUKASYON NG MGA KOMUNIDAD Hinihimuk ng MFI ang edukasyon at pakikibaka sa mga pinuno ng komunidad at sa mga bata. Sa mga rehiyong laganap ang malaria, ang aming mga programa ay nagtataguyod ng mga espesyal na relasyon at pagkakataon para sa mga komunidad. Ang mga bata namang walang malaria na nasa ibang bansa ay nagiging sensitibo sa pinsalang dulot ng sakit na ito. KAMALAYAN SA MALARIA Mula pa 1992, ang MFI ay kumukuha na ng atensyon ukol sa pangangailangan ng pandaigdigang kilusan laban sa malaria. Ang ilan sa kanilang mga nagawa: pagtayo ng unang kumprehensibong website tungkol sa malaria, pagbuo ng unang press kit ukol sa kamalayan sa malaria, pagtulak sa limitadong paggamit ng DDT sa malaria vector control, at paninindigan sa pagsuporta ng malaking pandaigdigang paglipat sa paggamit ng artemisinin-based combination therapy (ACT). PAGHIMUK SA SALIKSIK Naiiwasan at nagagamot man ang malaria, naghihimuk pa rin ang MFI sa pananaliksik para sa paghubog at pagpapakalat ng bagong mga epektibong gamot at bakuna.

Upload: others

Post on 29-Aug-2019

8 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

MALARIA FOUNDATION I N T E R N A T I O N A L

Tumutulong sa sangkatauhan sa buong mundo

Ang aming misyon ay ang pagtulong sa paggawa at implementasyon ng mga solusyon sa mga

problermang pangkalusugan, pang-ekonomiya at panlipunan na sanhi ng malaria.

PAGHUBOG NG LIDERATO Pinangangalagaan ng MFI ang mga pinuno at samahang pandaigdig para makapagbigay ng lugar para sa diskusyon, palitan at debatehan ng mga stratehiyang ginagamit laban sa malaria. Ang aming network ay kinabibilangan ng mga mag-aaral, guro, syentista at mga pinuno sa kalakalan at komunidad. EDUKASYON NG MGA KOMUNIDAD Hinihimuk ng MFI ang edukasyon at pakikibaka sa mga pinuno ng komunidad at sa mga bata. Sa mga rehiyong laganap ang malaria, ang aming mga programa ay nagtataguyod ng mga espesyal na relasyon at pagkakataon para sa mga komunidad. Ang mga bata namang walang malaria na nasa ibang bansa ay nagiging sensitibo sa pinsalang dulot ng sakit na ito. KAMALAYAN SA MALARIA Mula pa 1992, ang MFI ay kumukuha na ng atensyon ukol sa pangangailangan ng pandaigdigang kilusan laban sa malaria. Ang ilan sa kanilang mga nagawa: pagtayo ng unang kumprehensibong website tungkol sa malaria, pagbuo ng unang press kit ukol sa kamalayan sa malaria, pagtulak sa limitadong paggamit ng DDT sa malaria vector control, at paninindigan sa pagsuporta ng malaking pandaigdigang paglipat sa paggamit ng artemisinin-based combination therapy (ACT). PAGHIMUK SA SALIKSIK Naiiwasan at nagagamot man ang malaria, naghihimuk pa rin ang MFI sa pananaliksik para sa paghubog at pagpapakalat ng bagong mga epektibong gamot at bakuna.

TUNGKOL SA AMIN

Ang Malaria Foundation International (MFI) ay itinatag noong 1992 ni Dr. Mary R. Galinski. Dahil sa dedikasyon ng mga mananaliksik sa malaria at mga eksperto sa iba’t-ibang propesyon, nagawa ang mga planong paggawa ng isang pribadong pandaigdigang pangkat para sa epektibong prebensyon, paggamot at pagsupil sa malaria. Ang MFI ay nagtatrabaho kasama ang maraming mga tao at organisasyon na sumali na sa pakikibaka.

MGA KAMAKAILANG PROYEKTONG PANGDAIGDIG

End Malaria - Blue Ribbon Campaign. Inilunsad sa Atlanta sa taunang pulong ng American Society of Tropical Medicine and Hygiene noong 2006 , ang End Malaria -Blue Ribbon ay naging sagisag na ng dedikasyon ng buong mundo na labanan ang malaria.

Student Leaders Against Malaria Ang SLAM ay isang programang dinisenyo para sa mga mag-aaral upang kanilang maintindihan at malabanan ang malaria. Mula pa 2005 ay gumagawa na ito ng mga proyekto sa Estados Unidos, Africa at Asya.

Choi Kwang Do Martial Art International. Nakiisa ang CKD sa MFI para makatulong sa laban kontra malaria. Ang mga guro at mag-aaral ng CKD na galing Estados Unidos at Inglatera ay mga tagapaghatid ng kamalayan, edukasyon at pag-unlad ng ekonomiya ukol sa malaria.

Malaria Business Leadership Conferences, Pinagsasama-sama ang mga eksperto sa malaria, mga pinuno sa kalakalan at komunidad para matutunan ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa malaria, at kung paano sama-samang magtrabaho ang iba’t-ibang mga tao para labanan ang kapansanan.

Malaria Awards Ceremony. Nasimulan noong 2006, pinaparangalan ng MAC ang mga pinuno at mga bayani sa laban kontra malaria, pati na rin ang mga guro, mag-aaral, syentista, mamamahayag, pinuno sa kalakalan, celebrities at politiko.

Para sa karagdagang impomasyon tungkol sa mga kasalukuyang programa ng MFI, bisitahin ang aming web site sa www.malaria.org, o mag-email sa [email protected].

Isinalin ng www.worldvoicecenter.com Hunyo 2009