mga akdang pampanitikan

15
MODYUL 1

Upload: alvin-benavente

Post on 15-Oct-2015

9.191 views

Category:

Documents


23 download

TRANSCRIPT

PowerPoint Presentation

MGA AKDANG PAMPANITIKANNG TIMOG-SILANGANG ASYAMODYUL 1GAWAIN 1. Yugto-yugtong Pagbuo1.a. Ilahad ang kuwentong napakinggan sa pamamagitan ng yugto-yugtong pagbuo.SIMULAWAKASGITNAKaugnay na pangyayariKaugnay na pangyayariKaugnay na pangyayariSagutin ang mga gabay na tanong:1. Saan ang tagpuan ng kuwento?2. Sa anong panahon naganap ang kuwento?3. Paano nagsimula ang kuwento?4. Ano ang naging suliranin/tunggalian ng kuwento?5. Saang bahagi ang kasukdulan?6. Ipaliwanag paano nagtapos ang kuwento?1.b. Subukin mong muli. Basahin ang kasunod na kuwento at ilahad mo ito gamit pa rin ang yugto-yugtong pagbuo .

Nang Minsang Naligaw si Adrian

(Itoy kuwento batay sa text message na ipinadala kay Dr. Romulo N. Peralta. Sa kaniyang muling pagsasalaysay, ang pangalan at ilang mga pangyayari ay pawang mga kathang-isip lamang.)Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang maging isang doktor.Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at pangalagaan ang kaniyang mga magulang.Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana na matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor, pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda.Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama. Naisin man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng kaniyang buhay.Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang lahat ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay. Ayaw rin niyang mapag-isa baling-araw kapag nawala na ang kaniyang ama. Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras na operasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad, naagapan naman niya ang ama.Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili. Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayoy nawala.

Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang kotse. Walang imik na sumama ang ama. Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang silay nakarating sa isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan ay tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak.Bakit ka umiiyak? tanong ng ama kay Adrian.Wala po, Dad.Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga at paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin ito ni Adrian.Bakit nyo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayoynagpapahinga, Dad?, tanong ni Adrian.Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi.Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan itona dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw.Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling.Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na. Marahil natatandaan mo pa ang ilang mahahalagang pangyayari sa kuwentong Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo. Subukin nating alalahanin. Ihanay ang mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito.Payayamanin natin ang dati mo nang alam tungkol sa kuwentong makabanghay, sa pamamagitan ng mga babasahin at gawaing tiyak na kawiwilihan mo.GAWAIN 2. Fist of FiveGawin natin ang Fist of Five. Ipakikita ang bilang ng mga daliri ayon sa katumbas nitong antas ng pagkaunawa o pagkatuto 5 daliri alam na alam na at kayang ipaliwanag sa iba; 4 daliri nagagawa nang ipaliwanag mag-isa; 3 daliri kailangan pa ng tulong sa pagpapaliwanag; 2 daliri kailangan pang magpraktis, at 1 daliri nagsisimula pa lamang matuto.

Ang iyong pulso sa:naipaliliwanag ko ang katuturan ng maikling kuwentonapag-iiba-iba ko ang ibat ibang uri ng kuwentonaiisa-isa ko ang mga elemento ng maikling kuwentonapagsusunod-sunod ko ang mga pangyayari sa isang kuwentonasusuri ko ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyannakabubuo ako ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akdanabibigyang-kahulugan ko ang mga pahiwatig na ginamit sa maikling kuwentonapaghahambing ko ang mga piling pangyayari sa napanood na dula o telenobela sa kasalukuyang lipunan at sa kuwentong tinalakay,nasusuri ang isang kuwentong makabanghay batay sa mga proseso sa paglikha nitonaisasalaysay ko nang may pagkakasunod ng mga pangyayari ng isang maikling kuwentong makabanghay at nagagamit ko nang wasto ang mga kataga o pahayag na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayariPakinggan at suriin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa Ang Ama, Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena, mula sa Singapore upang malaman mo kung paano ba naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng kuwento.GAWAIN 3. Paglinang ng TalasalitaanBigyang kahulugan ang mga sinalungguhitang pahayag ayon sa pahiwatignito sa pangungusap.Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi.Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito.Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang buong lakas.Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga anak. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata.GAWAIN 4. Fan-Fact AnalyzerKopyahin ang kasunod na graphic organizer sa iyong papel at punan ng mga pangyayari mula sa binasang kuwento ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Tukuyin ang tagpuan, tauhan, at kahalagahang pangkatauhan.Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari3457126 Tagpuan at Tauhan Kahalagahang pangkatauhanGAWAIN 5. Sa Antas ng Iyong Pag-unawaSagutin ang mga gabay na tanong.1. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento?2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?3. Ano-anong katangian ng ama ang nangibabaw sa kuwento? Anong bahagi opangyayari sa kuwento ang nagpapakita ng mga nabanggit na katangian?

4. Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagpabago sa di-mabuting pag-uugaling ama? Isalaysay.5. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang anak?6. Paano nagwakas ang kuwento?7. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sayaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilangnailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nilamararanasang muli. Ano ang nais ipahiwatig ng panghuling pangungusap naito? Bakit ganito ang saloobin ng mga bata? Patunayan.8. Anong kultura ng mga taga-Singapore ang masasalamin sa kuwentong ito?9. Paano naman ipinakikita ng mga Pilipino ang pagmamahal sa mga namatayna mahal sa buhay? Sa ibang bansa sa Asya?10. Bakit may uring makabanghay ang kuwento?Katangian ng amaBahagi/Pangyayaring nagpapatunay

Upang higit mong maihambing ang kuwentong makabanghay, isa pang kuwentong may ganitong uri ang ipababasa ko sa iyo.

Marahil, pagkatapos mo itongbasahin ay makabubuo ka na ng sarili mong kongklusyon o paglalahat kung paano nga ba naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng maikling kuwento.Ano ba ang beyblade? Sumulat sa sagutang papel ng mga salitang maaaringmaglarawan sa beyblade?