mga akdang pampanitikan sa filipino

Download mga akdang pampanitikan sa filipino

If you can't read please download the document

Upload: solivioronalyn

Post on 24-May-2015

3.964 views

Category:

Education


9 download

DESCRIPTION

iba't ibang akdang pampanitikan sa filipino na kapupulutan ng aral.

TRANSCRIPT

  • 1. MGA AKDANG PAMPANITIKAN

2. MGA AWITING BAYAN O KANTAHING BAYAN Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak na paksa at uri. Ang mga paksa nitoy nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ito ay naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapaalala sa mga kabataan. 3. Uri ng kantahing bayan 1. Talindaw - Ang talindaw ay awit sa pamamangka o pagsagwan. 2. Kundiman - ito ay awit sa pag-ibig. 3. Kumintang - ito ay awit sa pakikidigma. 4. Uyayi o Hele - ito ay awit na pampatulog ng sanggol. 4. Nabibilang rin dito ang Tigpasin, awit sa paggaod; ang Ihiman, awit sa pangkasal; ang Indulain, awit ng paglalakad sa lansangan at marami pang iba. Mga halimbawa ng kantahing bayan Ako'y Kampupot Alembong Anak dalita Ang Dalagang Pilipina Ang tapis mo inday Bakya Mo Neneng Bayan ko Buhat Carinosa 5. Dahil sa iyo Dalagang Pilipina Dungawin mo hirang Gaano ko Ikaw Kamahal Hahabol-habol Halina sa kabukiran Ikaw ang mahal ko Katakataka Kundiman ng lahi Lambingan Leron, Leron, Sinta Maalaala mo kaya Madaling araw Mutya ng pasig 6. Halina sa kabukiran Nasaan ka irog O maliwanag na buwan Pahiwatig Pakiusap Pamaypay ng maynila Halina sa kabukiran Ikaw ang mahal ko Katakataka Kundiman ng lahi Lambingan Leron, Leron, Sinta 7. ALAMAT Ito ay isang kuwento kung saan nagmumula ang isang bagay. ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay bagay sa daigdig karaniwang nagsasalaysay ang mga ito(edmon tuazon) Ang alamat o legend o folklore sa wikang Ingles ay isang kuwentong maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng katutohanang tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan. Karaniwan nang nakapaloob sa isang alamat ang kagitingan o kabayanihan ng ating mga ninuno. 8. MGA HALIMBAWA NG ALAMAT 1. Ang isa sa mga halimabawa ng alamat ay " ang alamat ng pinya" 2. Alamat ng Kasoy 3. Alamat ng Kawit, Cavite 4. Alamat ng butiki 5. Alamat ng Makahiya Ang Alamat ng Pasas legend of mariang makiling,legend of mayon volcano 9. Alamat ng Sampagita Noon, lahat ng halaman ay may pinagmamalaking kayamanan tulad ng masarap ng bunga o bulaklak na marikit, mabango at may kakaibang ganda. Maliban sa isa. Ang Sampagita ay parating naging tampulang ng katatawanan sa hardin. Parati siyang inaapi ng mga kasamang halaman. Madalas na pagmamayabang ng Santan, "Ano ang iyong silbi? Salat ka na sa ganda, wala pang bulaklak na ipagmamalaki. Hindi tulad ko na biniyayaan ng makukulay na bulaklak. Ako'y nakakawili." Kutya naman ng Milegwa "Oo nga, pangit ka na, wala pang bangong kahali-halina. Amuyin mo ko, ang sarap ng samyo, ang tamis, ang bango. Mahalaga ako sa mga tao sapagkat ako ang parating inaalay sa kanilang mga Santo." "Ako rin," gatong pa ni Rosas. "Di ba't sadyang ako'y napakaganda? Ang mga bulaklak ko, pula, puti man o dilaw, sikat na panregalo sa mga dalaga. 10. E ikaw para saan ka? Hindi ka dapat sa amin sumasama." Tawanan ang mga magagandang halaman. Araw-araw, ganito ang kanilang usapan. Isang araw, hindi na makapagtimpi ang kawawang Sampagita. Nagtangis, nakiusap, nagmakaawa sa mabait na Bathala. "Panginoon, bakit naman ganoon? Ano nga ba ang silbi ko? Ako'y abang halaman lamang." Narinig ng Bathala ang tangis ng naaping Sampagita. Awang- awang nagwika, "Iha, tumigil ka na sa pag-iyak, bibiyayaan kita ng bulaklak na kaiingitan nila." Dumakot siya ng mga bituin sa langit at saka ito dinurog. Bawat isa nito ay kanyang hinalikan bago isinaboy sa humihikbing Sampagita. Ang bawat bituin ay naging munting puting bulaklak na sadyang napakatamis ng samyo. Ang kanyang mga bulaklak ay naging paborito ng mga tao, pangkuwintas sa mga dalaga at bisita at pang-alay sa mga Santa. Nahigitan ng Sampagita ang lahat ng nangungutyang halaman. Siya pa ang tinanghal na pambansang bulaklak ng bayang sinisinta. 11. Anekdota ito ay isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata.Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon.Ginagalawan ito ng maraming tauhan. 12. Anekdota (Bukas ay sasapit sa liwayway na nakasilip) Lumipas ang maraming taon ng iyong pag-hihirapNakaraan na ang madilim na kahapon ng iyong hinaharapNgunit tila hinihila ka sa nakalipas mong bangu-ngot.Unti-unti kang sinisira, sinasakop ng iyong sariling patnugotNaglaan ng buhay ang bayaning sa iyoy nagtanggol ng tapatNagpukaw sa kamalayan upang ikay mapalayat mapaglingkuranHinirang mo ang bayanihan sa pusot diwa ninumanMaging sa kasalukuyan kini-kimkim ang magandang kinagisnan Malaya ka na sa gapus na iniwan ng panahonsubalit bakas pa rin ang inukit na hirap ng iyong kahaponKalian pa masusupil ang karimlan sa iyong ngalanKung ang diwa moy di-masimsim ni mahagkan ng sariling mamamayan. 13. Araw na sumisikat, bituin mong sumisinag Kalian makakamtan ang bughaw na liwanag Sa muling pag-danak ng dugo, ito ba ang kasagutan O pagdapit ng dilaw na kalangitan upang iyong maging himlayan Umiiyak na langit, nagluluksa ang paligid Ngunit hindi ang kawal na lubos sa pagmamalabis Sila na nagtatanggol, sa batas ay suwail Gobyernong namumuno lantaran ang pagtataksil Marupok ang kipit ng hukbong sandatahan Na-isadlak na bayan, walang hapis ang karahasan Damdamiy nagliliyab sa galit at pangu-ngulila Pulit-ulit ang mga balitang 14. Nalimot na yaman ng kulturat kaugalian Tanging sa aklat lamang nailimbag upang masilayan Asan ang masaganang lupang inalagaan Ngayon ay kinu-kupkop, sina-samsam ng lahing dayuhan Bansang magiliw ang perlas ng silangan Lupang hinirang sinasambit ng labing nagdaramdam Kawangis ay isang ibon Malaya sa pag-lipad Subalit bagwis ay iginapus lingid at huwad na kasaysayan iwagayway ang damdamin sa silakbot ng lipunan Itaas mo ang bandila simbolo ay katiwasayan Palad sa dibdib sabay sa saliw ng pag-ibig Bigkasin ang panata tumayo ng matuwid Naghasik na muli ang araw ng kagitingan 15. Nanalaytay sa puso ikay hindi pababayaan Gunitain ang nakaraan, hwag talikdan ang kasalukuyan Bukas ay sasapit sa liwayway na nakasilip Jaype Amparo Ito ay isa sa mga halimbawa ng anekdota na kung saan ay sinasabi na laging mayroong pag-asa sa bawat paghihirap at pasakit na hinaharap. 16. Pabula Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan. Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao. Ang anekdota ay isang maikling kuwento ng isang nakakawiling insidente sa buhay ng isang tao. Ang pangunahing layon ng isang anekdota ay ang makapaghatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito'y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan. 17. Ito ay isang kuwentong bayan na kung saan ang mga tauhan ay mga hayop na nagsasalita at kumikilos na parang tao,tulad ng kuwento ng pagong at matsing. Ito ay bahagi ng ating matandang panitkan na mula pa sa panahon ng ating mga ninuno at ito'y nagpalipat- lipat sa bibig ng mga salinlahi na nag-iiwan ng gintong aral o kakintalan sa isipan ng mga mambabasa sa bawat wakas nito. Kuwento na ginagampanan ng mga hayop na may asal ng tao at may gintong aral sa bawat wakas ng estorya Kahulugan ng pabula 18. Ang Pabula ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga tauhan ay mga hayop na kumikilos at nag-aasal na parang tao. Ito ay nagbibigay ng moral na aral sa mga batang mambabasa. Patuk na patok sa mga bata ang ganitong uri ng kwento sapagkat napupukaw ang kanilang atensyon sa mga karakter na bumubuo sa istorya. Noong unang panahon ginamit na tauhan ang mga hayop upang makaiwas sa pagkakaroon ng alitan ng mga tao nang dahil sa maling akala na ang kanilang lahi o lipi ang tinatalakay o pinupuna sa kwento. Ito ay kadalasang naglalaman ng mga aral tungkol sa kabutihang asal ng isang tao na madalas na ding gamitin sa panahon ngayon upang turuan hindi lang ang mga bata kundi pati ang mga matatanda. 19. Si Pagong at Si Matsing (Isang Pabula) Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit. Halika Matsing, kainin natin ang pansit nag-aayang sabi ni Pagong Naku baka panis na yansabi ni Matsing Ang nabuti pa, hayaan mo muna akong kumain nyan para masiguro natin na walang lason ang pagkain dagdag pa nito. Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling Muning sabi ni Pagong Kahit na, ako muna ang kakain pagmamatigas ni Matsing 20. Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong. Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka na lang kumain paliwanag ng tusong matsing. Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan. Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging. Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito masayang sabi ni Pagong Gusto ko rin ng saging na yan Pagong, ibigay mo na lang sa akinsabi ni Matsing 21. Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito.Kung gusto mo hatiin na lang natin. Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga dahon ha? nakangising sabi ni Matsing Ha? sa akin ang ibabang bahagi?tanong ni Pagong Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa akin na lang ang itaas na partesabi ni Matsing Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno. Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing. 22. Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik. Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong. Aba, nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang aking tanim ay nalanta at natuyosabi ni Matsing Inalagaan ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw Kalabaw, malaki ang pag-asang tutubo ang bahagi ng halaman na pinutol kung ito ay may ugat paliwanag ni Pagong hmp kaya pala nalanta ang aking tanimnanggigil na sambit ni Matsing Mukhang hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin anyaya nito 23. Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang akyatin.sabi ni Pagong Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga. Bastat bigyan mo lang ako ng konti para sa aking meryenda sabi ni Matsing Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno. Kinain niya lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong.Akin na lahat ito Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para sa akin. Hahaha! tuwang-tuwang sabi ni Matsing.Nanatili sa itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusugan.Galit na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito, naglagay siya ng mga tinik sa ilalim ng puno. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang mga tinik kayat humingi ito ng tulong kay Pagong. Pagong, tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na ito. Malapit ng dumilim at mukhang uulan ng malakaspagmamakaawa ni MatsingAyoko! Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan! Aalis muna ako. mukhang malakas ang ulan. Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan. sabi ni Pagong sabay alis papunta sa bahay ni Aling MuningMakalipas ang ilang sandali, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng saging. 24. Arrrraayyy! Aaaarayy! natutusok ako sa mga tinik Arrrrrrrrruuyyyyyy!!!! daing ng tusong matsing.Humanda ka bukas Pagong. Gaganti ako sa ginawa mo sa akinbulong nito sa sarili.Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong. Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan. Hoy Pagong humanda ka ngayon! galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong.Anong gagawin mo sa akin? takot na tanong ni Pagong.Tatadtarin kita ng pinong pinosabi ni Matsing.Nag-isip ng paraan si Pagong para maisahan ang tusong matsing.Oo sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagjputol putullin nang sa gayon ako ay dadami at susugurin ka namin ng mga parte ng katawan kong pinutol mo hahahasabi ni Pagong.Nag-isip ng malalin si Matsing.Haha, susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka sabi ni Matsing Hindi ka ba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita mo ba ang makapal at matibay kong bahay? Kahit ang pinakamatinding apoy ay walang panama dito pagyayabang ni Pagong.Nag-isip na naman ng malalim si Matsing. Hanggang sa maisipan niyang pumunta sa dalampasigan.Tignan natin kung saan ang tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan hanggang sa malunod ka! Hahaha! sabi ni Matsing 25. Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at hindi ako marunong lumangoy. Parang awa mo na pagmamakaawa ni Pagong.Tuwang-tuwa si Matsing sa pagaakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig.Hahaha. Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang lumagoy sa dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!! natutuwang sabi ni Pagong.Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan. Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong. Sabi nga: Tuso man ang matsing, naiisahan din - W A K A S - 26. INIHANDANI: RONALYNVILLARSOLIVIO