mga bayani

Upload: jan-mikel-riparip

Post on 05-Oct-2015

269 views

Category:

Documents


8 download

DESCRIPTION

heroes

TRANSCRIPT

LAPU-LAPU

Si Lapu-lapu ang kauna-unahang pinunong Pilipinong lumaban sa mga mananakop na Kastila. Pinamumunuan ni Magallanes ang unang pangkat ng mga Kastilang nagtangkang sumakop sa kapuluan. Nang dumating siya kasama ng kanyang mga sundalo sa pulo ng Mactan, magiting na ipinagtanggol ni Lapulapu at ng kanyang mga tauhan ang kalayaan nila. Napatay si Magallanes sa labanang iyon kaya't itinanghal na unang bayaning Pilipino si Lapu-lapu ng bansa.

JOSE RIZAL

Si Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas. Dalawang kilalang nobela ang sinulat niya - ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Inilarawan niya sa dalawang nobelang ito ang kawalang-katarungan at pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino. Binigyang-diin din niya ang pag-ibig sa bayan at ang kinakailangang kalayaan ng ating bansa. Hindi naibigan ng mga Kastila ang isinulat niya kaya't ikinulong siya at binaril sa Bagumbayan. Rizal Park o Luneta na ang tawag ngayon sa Bagumbayan.Bata pa lamang si Rizal ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Tatlong taong gilang pa lamang siya nang matutong bumasa. Kartilya ang kanyang unang aklat na may mga alpabeto at dasal. Kinagigiliwan niyang makinig sa kanyang ina habang tinuturuan nito ang kanyang mga kapatid.

APOLINARIO MABINI

Isang napakatalinong tao at may napakatibay na paninidigan si Apolinario Mabini. Kahit paralitiko siya, sumulat siya ng isang sanaysay hinggil sa mga tungkulin ng mga mamamayan sa Diyos, sa bayan, at sa kanyang kapwa-tao. naging tagapayo siya ni Heneral Emilio Aguinaldo noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Tinawag siyang Utak ng Himagsikan.

ANDRES BONIFACIO

Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan. Ang Katipunan ay ang samahan ng mga Katipunero. Ang mga Katipunero ay ang mga Pilipinong lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng sandata o himagsikan. Gusto nilang maging malaya ang mga Pilipino mula sa Espaa.

EMILIO AGUINALDO

Si Heneral Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng Unang Rebolusyonaryong

Republika ng Pilipinas. Sa kanyang tahanan unang itinaas ang bandila ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Ito ang araw nang ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espaa.

JULIAN FELIPE

Kilala siJulian Felipesa kanyang tugtugin o kompositiong "Himno Nacional Filipino." Ipinalikha sa kanya ni Heneral Emilio Aguinaldo ang makabayang musikang ito para sa kalayaan ng bansa. Unang ipinarinig ang tugtuging ito noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite. Iyan ang pinagbatayan ng kasalukuyang pambansang awit.

Bukod sa pagiging kompositor, si Julian Felipe ay tumutugtog din ng organ sa simbahan ng Cavite.

NICANOR ABELARDO

Magaling siyang tumugtog ng mga instrumento gaya ng guitara, biyulin, cello, at piyano. Isa rin siyang kompositor tulad ni Julian Felipe. "Nasaan Ka, Irog?" ang isa sa kanyang tanyag na mga komposisyon. Ang iba pang mga kinatha niya ay ang mga sumusunod: My Native Land," "Motherland," "Bituing Marikit," at "National Heroes Day.

CECILE LICAD

SiCecile Licadnaman ay isang tanyag na piyanista sa buong mundo. Maaga siyang natutong tumugtog ng piyano. Isa siya samagagaling na Pilipinong iskolar sa musika na pinag-aral sa Estados Unidos. Nanalo na siya sa ilang paligsahang pandaigdig sa pagtugtog ng piyano.

FERANNDO AMORSOLO

May iba pang mga tanyag na Pilipino sa sining. SiFernando Amorsoloang isa sa kanila. Mahilig siyang gumuhit ng larawan noong bata pa siya na ginagamit lamang ang lapis at papel. Karamihan sa mga iginuhit niyang larawan ay nagpapakita ng mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa, mga tanawin, at larawan ng mga tao. Ipinahayag siyang kauna-unahang National Artist o Pambansang Alagad ng Sining.

FRANCISCA REYES AQUINO

Sa larangan naman ng sayaw, siFrancisca Reyes Aquinona isangguro ang nangunguna sa paksang ito. Malawak ang ginawa niyang pag-aaral sa mmga katutubong sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw ng iba't ibang lugar ng bansa nang may dalang kamera attape recorderupang magsaliksik ng mga sayaw. Sinulat niya ang lahat ng hakbang ng sayaw na kanyang namamasid na hindi niya binago ang orihinal na galaw nito.