mga diyosa sa asya

13
Mga Diyosa Sa Asya

Upload: rich-antoinette-billones

Post on 12-Jun-2015

5.021 views

Category:

Education


12 download

TRANSCRIPT

Mga Diyosa Sa

Asya

Mga Sinaunang

Kababaihan Sa Asya

MGA DIYOSA SA ASYA

TIAMAT

Impormasyon

Si Tiamat ay ang diyosa ng Babylonia sa Kanlurang Asya.Siya ang pinaniniwalaang “Diyosa ng Dagat”.Ang pangalan niya ay mula sa salitang “tiantum” (dagat) at saitang hebrew “Tehom” (malalim).Kung minsan siya ay nagkakatawang babae at kung minsan ay dragong may sungay.Pinaniniwalaan na ang lahat ay nagsimula sa kanya.Siya ay may asawang nagngangalang Apsu ngunit nang pinaslang ito ni Ea (apo ni Tiamat) , nagalit siya’t naghiganti at nagsilang ng labing-isang halimaw kasama ang pitong-ulong dragon. Sa kanya nagmula si Marduk(ang pangunahin diyos ng mga taga- Babylonia).Pinaslang siya ni Marduk nang tangkain niyang patayin lahat ng diyos na kanyang nilikha.Pinaniniwalaan ring ang itaas na bahagi ng kanyang labi ay ginawang langit at ang ibabang bahagi naman ang ginawang lupa.

NAMMU

Impormasyon

Si Nammu ay ang pinaniniwalaang diyosa ng mga taga-Mesopotamia, Timog- Kanlurang Asya.Ang “Diyosa ng Tubig”.Isinilang niya sina “An”,ibigsabihin ay langit, “Enlil”, ibigsabihin ay hangin at “Ki”, ibigsabihin ay lupa sa pamamagitan ng paglikha ng sarili niyang matrisSiya ang kumakatawan sa matamis na tubig na nagbibigay buhay.Pinaniniwalaan din nilang siya ang gumawa ng tao sa pamamagitan ng luwad.

INANNA

Impormasyon

Si Inanna ay ang “Diyosa ng Pag-ibig at Digmaan” ng Mesopotamia sa Timog- Kanlurang Asya. Si Nammu ang kanyang lola.Pinaniniwalaan din siyang “Diyosa ng Araw, Bituin at Buwan”.Iba-iba ang kanyang anyo, kung minsan ay ahas, ibon, iba pang mga hayop pero ang pinakamahalaga ay bilang diyosa ng lupa.Pinaniniwalaan nilang ang himpapawid ay si Inanna, ang ulap ay ang kanyang dibdib, ang ulan ay ang kanyang gatas, at ang bahaghari ay ang kanyang kuwintas. Sa Semitic, siya ay binansagang Ishtar.

AMATERASU O-MI-KAMI

Impormasyon

Si Amaterasu O-mi-ka-mi ay ang itinuturing na “Diyosa ng Araw “ ng mga Hapones.Ang pangalang Amaterasu ay mula sa salitang “Amateru”, ibigsabihin ay “liwanag sa kalangitan”.Siya ay mula sa kaliwang mata ni Izanagi, kanyang ina.Sa kanya nagmula ang mga emperador ng Japan.Siya ay mabait at kagalang-galang na diyosa ng Japan.

CHANDI

Impormasyon

Si Chandi ay ang “Diyosa ng Buwan” ng mga Dravidian.Kilala din bilang Durga SapthashatiSiya ay may labing-walong braso at ang bawat isa ay may hawak na armas. Ang mga ito ay palakol, kampanilya, pamalo, kabibe, kuwintas, tungkod, palaso, kidlat at kulog, lotus, pana, palayok, sibat, espada, kalasag, tasa, silo, salapang, discus.Ang mga ito ay ginagamit niya laban sa mga masasamang tao.