mga ekspresyon

9
Mga Ekspresyon Naghahayag n Posibilidad

Upload: ladylhyn-emuhzihzah

Post on 11-Jan-2017

2.016 views

Category:

Education


73 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mga ekspresyon

Mga Ekspresyong Naghahayag ng

Posibilidad

Page 2: Mga ekspresyon

•Ano ba ang ibig sabihin ng posibilidad?

•Paano ang nararapat na pagpapahayag nito?

May iba’t ibang pahayag na ginagamit sa araw-araw na pakikipag-usap sa

ibang tao. Ang mga pahayag na ito ay mahalaga

sa pagpapahayag ng ideya,saloobin, o opinyon tungkol sa

isang tao, bagay, o pangyayari.

Page 3: Mga ekspresyon

Ang posibilidad ay isang pahayag na naglalahad ng isang pangyayaring

maaaring mangyari o magkatotoo ngunit Walang katiyakan o kasiguruhan. Gumagamit ng mga ekspresyong

nagpapahayag ng posibilidad kung ang taong nagpapahayag ay

nagbabakasakali pa o hindi pa nakatitiyak sa katotohanan ng kaniyang ideya

o saloobin. Karaniwan ding nagpapakita ng ugnayang sanhi at bunga ng mga

pangyayari ang mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad.

Page 4: Mga ekspresyon

Mayroong iba't ibang ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad tulad ng:

•baka,•maaari,•marahil,•tila,•kung,•kapag,•sakali, at•siguro.

Page 5: Mga ekspresyon

MGA EKSPRESYONG MAY POSIBILIDAD NA MAGING BUNGA O EPEKTO

Ang mga pang-ugnay na baka, maaari, marahil, at tila ay mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad na maging bunga ng isang gawain o pangyayari.

Page 6: Mga ekspresyon

Halimbawa:•Magbabasa ako ng mga aralin mamayang gabi, baka tumaas na ang aking marka sa mga asignatura.•Masipag at matiyaga si Ronald sa trabaho kaya maaari siyang ma-promote sa loob ng isang taon.•Mahilig magbasa ng mga aklat tungkol sa astronomiya si Andres kaya marahil ay magiging mahusay siyang astronomer balang araw.

Page 7: Mga ekspresyon

MGA EKSPRESYONG MAAARING MAGING SANHI O DAHILAN PARA MAGKATOTOO ANG POSIBILIDAD

Ang mga pang-ugnay na sakali, siguro, kung, at kapag naman ay

nagpapahayag na maaaring maging sanhi para magkatotoo ang

isang posibilidad.

Page 8: Mga ekspresyon

Halimbawa:

•Pupunta ako sa salo-salo sakaling maagang matapos ang aming klase.•Makatitipid ako siguro kung bibili lamang ng mga bagay na talagang kailangan.•Makatatapos ako ng pag-aaral kung mag-aaral ako nang mabuti.Bibili ako ng bagong sapatos kapag nakuha ko na ang una kong suweldo.

Page 9: Mga ekspresyon

Maraming Salamat Sa

Pakikinig

Rowelyn C. SayunoGuro sa Filipino 7