mga iba't ibang magagandang tanawin sa plipinas

9
HEKASI MGA IBA’T- IBANG MAGAGANDANG TANAWIN SA PILIPINAS RIZAL PARK

Upload: eclud-sugar

Post on 18-Jul-2015

927 views

Category:

Education


12 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mga iba't ibang magagandang tanawin sa plipinas

HEKASI

MGA IBA’T- IBANG

MAGAGANDANG TANAWIN

SA PILIPINAS

RIZAL PARK

Page 2: Mga iba't ibang magagandang tanawin sa plipinas

BANAUE RICE TERRACES

Sa Maynila, matatagpuan ang Luneta Park o kilala

din sa pangalan na Rizal Park. Dito binaril at

napatay ng mga Kastila ang ating pambansang

bayani na si Jose Rizal. Isang rebulto ni Rizal

ang itinayo sa parke upang magbibigay pugay

sa kanyang katapangan at pagmamahal sa

ating bansa. Kalapit ng Rizal Park ang

Intramuros, ang pinakamatanda at

pinakamakasaysayang distrito sa Manynila. Sa

iyong paglalakad sa Intramuros, maaaring

marating ang Fort Santiago, kung saan

naroroon ang Rizal Shrine Museum na

nagsisilbing tahanan ng mga memorabilia ni

Rizal.

Ang Banaue Rice Terraces o hagdan-

hagdang palayan ay isang di-likas na

tanawin dahil ito ay ginawa ng mga

kahanga hangang mga pilipino.Ito ay

matatagpuan sa Ifugao.Isa rin ito sa

mga tanawin dito sa Pilipinas na

palaging dinarayo ng mga turista.

MAGELLAN'S CROSS

Page 3: Mga iba't ibang magagandang tanawin sa plipinas

CHOCCOLATE HILLS

Ang Magellan's Cross ay isa ring

halimbawa ng di-likas na tanawin dito sa

Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa

Cebu.Napakaraming turista ang

pumupunta dito upang makita ang krus

na ito.Itong tanawing ito ay

napakahalaga at makasaysayan dahil

ito ang itinayung krus sa Cebu nang

dumating si Ferdinand Magellan.

Ang Choccolate Hills ay isang

bulubundukin na matatagpuan sa

Carmen Bohol. Meron itong 1,776 na

burol. Ang Choccolate Hills ay nagiging

kulay berde tuwing tag-ulan at nagiging

kulay tsokolate naman tuwing tag-araw.

Kilala rin ang Choccolate Hills dahil sa

"Tarsier".

BULKANG MAYON

Page 4: Mga iba't ibang magagandang tanawin sa plipinas

LAWA NG TAAL

Ang Bulkang Mayon, na kilala rin

bilang Mount Mayon, ay isang aktibong

bulkan sa lalawigan ng Albay, sa isla ng

Luzon sa Pilipinas.Kilala bilang ang

"perfect cone" dahil sa halos

"symmetrical cone shape" nito, Ang

Bulkang Mayon ang bumubuo sa

hilagang hangganan ng Legazpi City,

ang pinakamalaking lungsod sa mga

tuntunin ng populasyon sa Bicol

Rehiyon. Ang bundok ay isang

pambansang parke at isang

protektadong landscape sa bansa na

naproklama bilang Mayon Volcano

Natural Park sa taon 2000.

Ang Lawa ng Taal ay isang lawang

tubig-tabang sa lalawigan ng Batangas

sa pulo ngLuzon, Pilipinas. Ang lawa ay

nasa isangcaldera na nabuo ng

napalaking mgapagputok sa pagitan ng

500,000 at 100,000 taong nakararaan.

Ito ang pangatlong pinakamalaking lawa

sa Pilipinas (ang pinakamalaki ay ang

Lawa ng Laguna).

TALON NG PAGSANJAN

Page 5: Mga iba't ibang magagandang tanawin sa plipinas

HUNDRED ISLANDS

Sa bayan ng Pagsanjan, lalawigan ng

Laguna, matatagpuan ang isang

napakagandang talon, ang Talon ng

Pagsanjan. Malawak at malinaw ang

tubig na nagbubuhat sa talon

na ito. Higit sa lahat ay kahali-halinang

tingnan ang bagsak ng tubig na parang

sinasaliwan ng malamyos na tunog ng

lagaslas ng tubig-batis.

Ang Hundred Islands National Park (Pangasinan:Kapulo-puloan o kaya Taytay-Bakes) ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan, Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas.

MARIA CRISTINA FALLS

Page 6: Mga iba't ibang magagandang tanawin sa plipinas

BORACAY ISLAND

Ang Maria Cristina Falls ay isa rin sa

magagandang atrakson dito sa

Pilipinas. Ito ay makikita natin sa

probinsiya ng Agusan Del sur.Ang tubig

na bumabagsak dito ay nagmumula sa

lawa ng Lanao at dumsdsloy patungong

Agusan.

Ang Boracay ay isang tropikal na pulo

na matatagpuan sa Kalibo, Aklan. Isa ito

sa mga sikat na destinasyon ng mga

turista sa bansa at nasa ilalim ng

pamamahala ng Philippine Tourism

Authority (Autoridad ng Turismo sa

Pilipinas) na may ugnayan sa

Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan.

Dinarayo ito ng napakaraming turista

dahil sa napakaganda nitong tanawin at

halos kulay puti at pino nitong buhangin.

Page 7: Mga iba't ibang magagandang tanawin sa plipinas

CORON REEFS

SALINAS SALT SPRING

Pinangalanang pagkatapos ng

munisipyo kung saan ito ay natagpuan,

Palawan Coron Reef ay isang kilalang

tourist atraksyon sa malaking island

getaway bakasyon ng Palawan. Ito ay

isang lugar na may maraming ng mga

potensyal na pagdating sa turismo. Ang

coron ay ang kabayanan ng Busuanga

Island at upang makarating dito mula sa

Puerto Princesa City,

Maganda ang tinatawag na Salinas Salt

Spring dito sa Nueva Vizcaya.

Matatagpuan ito sa itaas ng burol sa

Salinas, Bambery. Hinahangaan ang

pook na ito sa bumubukol sa tuktok ng

burol at maalat na tubig kahit malayo

ang lugar nito sa dagat. Isa pang dapat

pasyalan sa lalawigan na ito ay ang

Talon ng Udaiawan sa Solano at Talong

ng Naruron.

Page 8: Mga iba't ibang magagandang tanawin sa plipinas

ENCHANTED RIVER

BUNDOK APO

Isa rin sa pinakamagandang lugar na

matatagpuan sa Pilipinas iilang tao

lamang ang nakakaalam ng lugar na ito.

Ang Enchanted River ay matatagpuan

sa Surigao Del Sur.

Ang Bundok Apo ay matatagpuan sa

Davao kung iyong mararating ang tuktok

nito ang iyong makikita ay walang

katulad dahil ito ay ubod ng ganda.

SUNKEN CEMETERY

Page 9: Mga iba't ibang magagandang tanawin sa plipinas

KAPURPURAWAN ROCK FORMATION

Ang Sunken Cemetery ay isa rin sa mga magagandang tanawing di-likas dito sa Pilipinas. Ito ay makikita sa Camiguin Island.Marami ring mga turista ang dumadayo at pumupunta dito. Ang Kapurpurawan Rock Formation sa Burgos ay kilala sa pagkakaroon ng kakaibang korte at hugis ng mga bato na matatagpuan sa gilid ng karagatan ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Burgos, Ilocos Norte . Tinawag itong “kapurpurawan” (kulay puti) dahil sa mala-polbong kaputian ng mga bato nito.