mga ideolohiya at ang cold war -report -4th grading -3rd year
Embed Size (px)
TRANSCRIPT

ARALIN 32:
Mga IDEOLOHIYANG
laganap sa Daigdig
Knights of the Round Table

IDEOLOHIYA
KONSERBATISMO
LIBERALISMO
KAPITALISMO
DEMOKRASYA
SOSYALISMO
KOMUNISMO
PASISMO at PEMINISMO

Ano ang IDEOLOHIYA ??? Nagsisilbing kaisipan, pamuntunan o pundasyon ng sistemang pang ekonomiya at pampulitikal ng bansa.
Nagbibigkis sa mamamayan upang maging isang nagkakaisang lakas.

KONSERBATISMO
laganap noong Middle Ages Edward Burke ( 1729-1797 ) layuning mapanatili ang kaayusan (status quo ) pinahahalagahan ang mga tradisyon ng nakaraang henerasyon kaysa sa makabagong sistema. Mga saligang Prinsipyo : kaayusan , pagkamakabayan, moralidad at katapatan Binibigyang diin ang mahahalagang papel na ginampanan ng moralidad bilang pamantayan ng pag papasya, pamamahala at pakikipag ugnayan.

“ May mga taong sadyang isinilang na nakahihigit sa
iba. Taglay nila ang husay at kasanayan bunga ng kanilang katayuan sa
buhay”

Pinairal ang KONSERBATISMO bilang pamuntunan at patakaran.
MGA PATAKARAN 1) Pagpapanatili ng
namamayaning kaayusan sa negosyo
2) Paghina ng impluwensya ng unyon ng manggagawa sa ilalim ng kanyang katungkulan.
3) Tumututol sa Komunismo.Margaret Thatcher

LIBERALISMOpagkilala sa kakayahan ng isang indibidwal na makapag ambag sa lipunan sa iba’t ibang paraan, kapasidad at antas. Kakayahan ng isang indibidwal na mapaunlad ang sarili. Dapat ang mga patakaran ng pamahalaan ang magsilbing instrumento upang bumuti ang negosyo at pamumuhunan. Kabilang ang mga bansang U.S.
Canada at Japan

KAPITALISMO
Tumutukoy sa sistemang pang ekonomiya pag-iipon ng kapital upang higit na mapalago ang negosyo at mapalaki ang tubo ng mga mamumuhunan. Kompetisyon sa mga negosyante ang dahilan ng pagpapahusay ng kalidad ng produkto.Naniniwala sa konseptong pribadong pag mamay-ari bilang karapatan ng mamamayan.

LIBERALISMO PAGKAKAPAREHO KAPITALISMO
IDEOLOHIYANG TUMUTUKOY SA SISTEMA NG GOBYERNO
BINIBIGYANG DIIN ANG KAHALAGAHAN NG BAWAT INDIBIDWAL
ISANG SISTEMANG PANG EKONOMIYA
KAKAYAHAN NG ISANG INDIBIDWAL NA NILINANG PARA MAKAPAG-AMBAG SA LIPUNAN
PAREHONG MAY KOMPETISYON SA MGA NEGOSYANTE
PAGIIPON NG KAPITAL UPANG MAPALAGO ANG NEGOSYO AT MAPALAKI ANG TUBO.

DEMOKRASYA
Ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagpapatamasa sa lahat ng pantay na karapatan.Pinamumunuan ng isang kinatawan sa pamamagitan ng halalan ang isang mamamayan ay maaring bumoto, tumakbo bilang kandidato, at maluklok sa posisyon.May mga karapatan ding bumuo ng samahan , makapag pahayag ng saloobin , magmay ari ng ari arian maipagtanggol ang sarili.Pagkilala sa Minorya Pang masang Organisasyon

SOSYALISMO
Umusbong noong panahon ng Rebolusyong Industriyal.Tugon sa hindi makataong relasyon ng bourgeoisie at mga proletariat tugon sa problemang hatid ng kapitalismo. ito ay nakabatay sa pantay, sama sama at makataong pamamalakad.Tinutuligsa ang pananaw ng mga kapitalista ang pagbuwag sa pribadong pagmamay ari ang sagot upang wakasan ang kontrol ng bourgeoisie sa moda ng produksyon

SOSYALISMO
sapilitang pagbawi sa mga kapitalista ng mga makinarya at mapapsailalim ito ng estado pagbuwag sa paghahari ng mga kapitalista at mapapalitan ito ng mga mangagawa.Dahil dito ang lahat ay makikinabang sa ekonomiya . Mga bansang yumakap sa Ideolohiyang ito. Cuba North Korea
China Vietnam

KOMUNISMO
Nais lansagin ang di pagkakapantay- pantay ng mga mamamayan batay sa uri na kinabibilangan nagsisilibing kasing batayan ng pagkakawatak watak ng tao ang estado sa buhayNag-ugat dahil sa di makatarungang sistema ng kapitalismo Ayon dito dahil sa pagnanais ng kapitalista na mag karooon ng malaking tubo ay ginigipit niya ang mga manggagawa sa pamamagitan ng mababang pagpapasahod.

KOMUNISMO
ang kagamitan sa produksyon ay pinangangasiwaan ng mamamayan.Pantay pantay ang karapatan ng bawat isa.Wala nang pangangailangan sa estado kung kaya kusa na itong mawawala.
Ang komunismo ang pinakamataas na yugto na
maaaring abutin ng ebolusyon sa lipunan

PASISMO Nakabatay sa paniniwalang napapailalim ang kapakanan ng mamamayan sa tunguhin ng estado.Isinusulong nag isang estadong pinamumunuan ng isang partido tutol sa anumang uri ng oposisyon. gumagamit ng ibat ibang uri ng represyon o pag supil sa mga hindi sumasang ayon sa pamamalakad nito. kontrolado nila ang mass media at gumagamit ng propaganda. kung sa konserbatismo ang katayuan panglipunan ay nakabatay sa kayamanan sa pasismo naman ay nakabatay naman sa lahi , etnisidad, lahi at nasyonalidad, Ito ang katwiran ni Adolf Hitler nang iutos niya nag pagpuksa sa mga Jew noong Hllocaust.

Benito Mussolini
GERMANY
ITALY

PEMINISMO
Nagsusulong ng kagalingan ng kababaihan at karapatang matamasa ang karapatang natatamasa ng kalalakihan. Mga karapatang itinaguyod : bumoto , kumandidato at mahalal. Karapatan sa ari-arian, sa pinagtatrabahuhan , at sa karapatang reproduktibo. proteksyon ng kababaihan sa diskriminasyon

Tunggalian ng Ideolihiya
Nagkaroon ng PROXY WAR sa pagitan ng North Korea at South Korea noong kasagsagan ng Cold War.
Walang nagwagi at Nagresulta lamang ito sa pagkamatay ng maraming sundalo at pagkawasak ng industriya ng Dalawang bansa.
USSR North Korea South Korea United States
VS

Tunggalian ng Ideolihiya
Nagkaroon ng PROXY WAR sa pagitan naman ng North Vietnam at South Vietnam. Napag-isa ang dalawang bansa sa ilalim ng Sosyalismo. Ngunit nagresulta naman ito sa pagkamatay ng mga tao at pinsala sa ari-arian.Malinaw na ang panghihimasok ng mga Super power o World power tulad ng USSR at US na may sari-sariling layunin.

Tunggalian ng Ideolihiya
Sa Pilipinas, ang lokasyon nito ay naging kapaki pakinabang sa US. Upang maiwasan ang komunismo sa Asya, nagtayo sila ng mga Base Militar sa Kapuluan tulad sa Clark Airbase at Subic Naval Base. Ginamit ng mga amerikano ang mga ito bilang imbakan ng langis. Ngunit agad din itong nagsara noong 1991 nang hindi naipagtibay ng senado ang ekstensiyon nito.

Ugnayan ng Pampolitikang Ideolohiya sa Sistemang Pang-
ekonomiya
Ang North Korea ay may sentralisadong plano o Central Planning. Mahigpit nitong ipinapatupad ang mga patakaran ng pamahalaan sa pagmamay-ari at pakikipagkalakalan. Hindi ito sang-ayon sa Globalisasyon at hindi kabilang sa WTO (World Trade Organization)

Ugnayan ng Pampolitikang Ideolohiya sa Sistemang Pang-
ekonomiya
Ang Kaso ng US bilang tagapagtaguyod ng Liberalismo at Kapitalismosa daigdig. Ipinapakita nila ito sa pamamagitan ng pagsuporta sa Globalisasyon at integrasyon sa World Market. Sa Kaso ng US at North Korea ,makikita ito sa impluwensya ng pampolitikang ideolohiya sa pang- ekonomiya ng kanilang bansa.

Ugnayan ng Pampolitikang Ideolohiya sa Sistemang Pang-
ekonomiya
Ang kasalukuyang sistema ng China ay may kakaibang sitwasyon
dahil sosyalismo ang pundasyon politikal nito ngunit nagiging sistamang kapitalista ito. Ang pagsali rin ng China sa World Trade Organization noong 2001 ang nagpapatunay dito

Kasaysayan at Epekto ng Cold
War

Cold War
Digmaan ng Nagtutunggaliang ideolohiya ng dalawang makapangyarihan o Super Powers.
U.S.S.R. United States
Sosyalismo Kapitalismo

Kahulugan ng Domino Theory at ang Pagkabuo ng mga Alyansa
Patakaran ng US at USSR ang manghimasok sa mga bansang
tinaguriang Third World.
Mga Bansang Hindi yumakap sa Kapitalismo (Industriyalisado sa First World) o Komunismo (Industriyalisado sa Second World)

Kahulugan ng Domino Theory at ang Pagkabuo ng mga Alyansa
Ang Third World sa kasalukuyan ay yumakap ng Kapitalismo at Komunismo. Tumutukoy ito sa mga bansang mahihirap at karaniwang dating kolonya. Sa Africa, ang kabilang sa Third World ay ang Somalia, Rwanda, Nigeria, Ethiopia, at iba pa.Sa Asya, Myanmar, Vietnam, Laos, Cambodia, Sri Lanka, Bangladesh, Pilipinas at iba pa.

Kahulugan ng Domino Theory at ang Pagkabuo ng mga Alyansa
Tulad ng Domino, kapag hindi sila kumilos ay maiimpluwensyahan ng isa’t isa ang mga bansang kalapit nila.Sa Domino Theory, kapag may isang komunista sa rehiyon, hindi maglalaon ay maiimpluwensyahan din ng ideolohiyang taglay nito ang mga kalapit na bansa.

Kahulugan ng Domino Theory at ang Pagkabuo ng mga Alyansa
Nahati ang Germany sa Dalawa. Ang West Germany na kakampi ng US at ang East Germany na kakampi ng USSR at sila’y nahati ng dahil sa Berlin Wall. Kalaunan ay nahati na rin ang buong Europa. Yumakap sa Kapitalismo ang Kanlurang Europa at Komunismo naman sa Silangang Europa

• Great Britain• France• Belgium• Netherlands• West Germany
• Poland• East Germany• Romania• Bulgaria• Hungary• Albania• Yugoslavia• Czechoslovakia

Winston Churchill•IRON CURTAIN
•Tumutukoy sa balakid sa pagitan ng
Kanluran at Silangang Europe na
nagresulta sa pagpigil sa pag-uugnayan nito.

Mga Alyansang Nabuo
• Ang NATO (North Atlantic Treaty Organization
• Nabuo noong 1949
• Ang Warsaw Pact • Nabuo noong 1955

Ang PEOPLE’S REPUBLIC OF CHINA
•Ito’y naitatag noong 1949 nang matagumpay na maitaguyod ni MAO ZEDONG ang Komunismo sa China.•Tatlong dekadang nakipagtunggali si Mao Zedong kay Chiang Kai – shek at sa mga Hapones.•Noong 1949, napalayas si Chiang Kai-shek sa mainland at nagtungo ito sa Taiwan

IBA’T IBANG ANYO NG
COLD WAR
PROXY WAR
ARMS RACEESPIONAGE
PROPAGANDA WARFARE SPACE RACE

Ang Proxy War ng mga Kaalyado ng U.S. At U.S.S.R
•Tumatalakay sa mga digmaan na sa halip na ang mga SUPERPOWERS ang magtunggali, Ito’y pinangunahan ng kanilang mga Satellite, Client State o nama’y mga Kaalyadong bansa
V.SKAPITALISTAKOMUNISTA

Ang Space Race ng U.S. At U.S.S.R.
ANG USSR
Noong 1957, Inilunsad ng U.S.S.R. ang Sputnik I na ang
kauna – unahang Space Satellite.
Noong 1961, Si Yuri Gagarin na isang Russian
Cosmonaut ang unang taong nakaikot sa
daigdig.
ANG U.S.
Noong 1958, inilunsad naman ng U.S. ang
Explorer I na isa ring Space Satellite
Noong 1969, tumuntong si
Neil Armstrong sa buwan
kasama si Edwin Aldrin na lulan ng Apollo 11

YURI GAGARIN NEIL ARMSTRONG

Pagpaparami ng Armas
• Dahil sa Paranoia na nananaig, nagparamihan sila ng produksiyon ng mga Armas upang maungusan ang katunggali.
• Dahil sa kanila’y nanatili ang Balance of Power, ngunit nagkaroon din naman ng Balance of Terror na pumigil sa kanilang dalawa na magkaroon ng Digmaang Nukleyar

Ang SALT I (1969 – 1972)•Nilimitahan ang lugar na mapaglulunsaran ng missile.•Ngunit hindi naman ito nagtagumpay.
Ang SALT II•Binigyang diin ang ugnayan ng U.S. at U.S.S.R dahil dito nakasentro ang pagpaparami ng armas.•Hindi rin ito nagtagumpay

Propaganda Warfare
MEDIA
TELEBISYON
TEATRO
PATALASTAS
IBANG PORMA NG PANITIKAN


Espionage
• Noong 1960, nagpulong sa Paris ang mga kinatawan ng dalawang bansa kasama ang kinatawan ng France at Great Britain
• Naudlot ang usapan nang sabihin ni Nikita Khrushchev na may napabagsak ang soviet missile na isang U-2 o eroplanong amerikano na may lulan na mga kamera at kagamitang pang – espiya.

• Dahil sa Aerial Photographs ng U.S., may nakita silang ballistic missile sa Cuba pati na rin ang mga launching site o lugar na paglulunsaran ng missile.
• Nagpatupad si Pangulong John F. Kennedy ng isang Blockade o pagharang sa Cuba.

NIKITA KHRUSHCHEV

• Tuluyan nang nabuo muli ang Germany• Nabuwag na rin ang U.S.S.R. Dahil sa
pagtanggap sa reporma ni Mikhail Gorbachev• Nagkaroon ng New World Order na
pinangunahan ni Pangulong George Bush ng U.S.
• Pagkakaroon ng Gulf War noong 1990 – 1991 sa pangunguna ng U.S.at Iraq na pinamumunuan ni Saddam Hussein.
Yugto Matapos ang Cold War

SADDAM HUSSEIN GULF WAR