mga ideolohiyang laganap sa daigdig

34
MGA IDEOLOHIYA N G LAGANAP SA DAIGDIG Aralin 32

Upload: marcelinedodoncalias

Post on 07-Aug-2015

423 views

Category:

Education


15 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

MGA

IDEOLOHIYANG

LAGANAP

SA DAIGDIGAralin 32

Page 2: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

IDEOLOHIYANagsisilbing kaisipan, panuntunan, o pundasyon ng sistemang pang-ekonomiya at pampolitika ng isang bansa, pamahalaan o kilusan.

Nagbibigkis sa mga mamamayan upang maging isang nagkakaisang bansa.

Page 3: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

Nagsisilbing gabay ng bawat pamahalaan sa pamamalakad ng nasasakupan nito.

Lunduyan ng mga pampolitikang kilusan sa paglulunsad ng reporma o rebolusyon tungo sa makabuluhan at pangmatagalang pagbabagong panlipunan

Page 4: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

MGA

IDEOLOHIY

ANG

LAGANAP

SA

DAIGDIG

Page 5: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

1. KONSERBATIS

MOLaganap noong MIDDLE AGES

EDMUND BURKE (1729-1797)_ Irish na mambabatas, manunulat, at pilosopo_pangunahing tagapagtaguyod

Page 6: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

KatangianLayuning mapanatili ang nananaig na kaayusan (status quo)._mas pinapahalagahan nito ang mga tradisyon kaysa mga makabagong sistema na inaakala nitong walang malinaw na direksyon at hindi maaasahang makatutugon sa mga kasalukuyang suliranin.

Page 7: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

Kinikilala ang mga mas nakatataas at makapangyarihan sa lipunan.

MARGARET TATCHER_ dating punong ministro ng UK

*Nagpairal ng konserbatismo bilang panuntunan at patakaran.

Page 8: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

2. LIBERALISMO

A. INDIBIDWALKinikilala ang kakayahan na makapag-ambag sa lipunan sa iba’t ibang paraan, kapasidad at antas.

Kakayahan na mapaunlad ang sarili.

Page 9: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

B. PAMAHALAANDapat nitong tiyakin na maisasakatuparan ang ang pag-unlad ng tao sa pamamagitan ng pagkilala sa kanyang mga natatanging kakayahan at pagbibigay sa kanya ng iba’t ibang pagkakataon upang linangin ang mga ito.

Page 10: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

MAHAHALAGANG KONSEPTO

1. UTILITARIANISMO_Sumusuporta sa prinsipyong “pinakamabuti para sa nakakarami” (the greatest good for the greatest number)

Page 11: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

2. LAISSEZ FAIRE ECONOMICS_mas makabubuti sa pamilihan na maging malaya ito mula sa anumang anyo ng kontrol o manipulasyon ng pamahalaan.*dapat hayaang maging malaya ang pamilihan sa pagtatakda ng presyo.

Page 12: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

Mga Bansang Yumayakap sa

Liberalismo

United StatesCanada JapanAt Iba pa…

Page 13: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

3. KAPITALISMO

Tumutukoy sa sistemang pang-ekonomiya.

Binibigyang-diin ang pag-iipon ng kapital upang higit na mapalago ang negosyo at mapalaki ang tubo ng mga namumuhunan.

Page 14: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

Sa pamamagitan ng kompetisyon ng mga negosyante, higit na mapahuhusay ang kalidad ng bawat produkto at serbisyo sa pamilihan.

Kinikilala ang pagkamalikhain ng mga namumuhunan sa pagbuo ng panibago at kapaki-pakinabang na mga produkto at serbisyo.

Page 15: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

Bunga ng pagpapahalaga ng kapitalista sa sariling interes, nakikinabang din ang mga mamimili._sa kagustuhang kumita ng malaki higit nitong paghuhusayin ang sistema ng paggawa.

Page 16: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

4. DEMOKRASYA

Isang ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagpapatamasa sa lahat ng pantay na karapatan at kalayaan anuman ang kanilang kinabibilangang lahi, kasarian, o relihiyon.

Page 17: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

Pinamumunuan ng mga kinatawang pinili ng mamamayan sa pamamagitan ng malaya at matapat na halalan.

May karapatan ang mga mamamayan na bumuo ng mga samahan, malayang magpahayag ng saloobin, magmay-ari ng mga ari-arian, maipagtanggol ang kanilang sarili at iba pa.

Page 18: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

Nirerespeto ang karapatan ng bawat mamamayan sa hanapbuhay, lupa, edukasyon, karapatang sibil, at serbisyong panlipunan.

Kinikilala ang karapatan ng mga minorya.

May mahahalagang papel ang mga partidong politikal.

Page 19: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

5. SOSYALISMOUmusbong noong Rebolusyong Industriyal.

Tugon sa hindi makatao, hindi pantay, at hindi makatuwirang relasyon ng mga bourgeoisie at proletariat.

Nakabatay sa pantay, sama-sama at makataong pamamalakad.

Page 20: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

Ang walang humpay na pag-iipon o akumulasyon ng kapital at pribadong pagmamay-ari ng mga kapitalista ang higit na nagbabaon sa mga manggagawa sa hirap.

Ang pagbuwag ng pribadong pagmamay-ari(private property) ang sagot upang wakasan ang kontrol ng mga bourgeoisie sa moda ng produksiyon (moda ng produksyon)

Page 21: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

Sapilitang pagbawi mula sa mga kapitalista sa mga kagamitan sa produksiyon at ipasailalim sa direktang kontrol ng estado.

Bubuwagin ang paghahari ng mga kapitalista at papalitan sila ng mga manggagawa.

Page 22: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

MGA BANSANG YUMAYAKAP SA IDEOLOHIYANG

SOSYALISMO

CubaNorth KoreaChinaVietnam

Page 23: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

6. KOMUNISMOLayunin na tuluyang lansagin ang di-pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan batay sa uri (class)._nagsisilbing batayan ng pagkakahati-hati ng tao ayun sa estado sa buhay. _iniuugnay sa mapang-abuso at hindi makatarungang sistema ng kapitalismo.

Page 24: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

Ang mga kagamitan sa produksiyon ay kolektibong pagmamay-ari at pinangangasiwaan ng lahat ng mamamayan.

Isinasalin sa kamay ng mga mamamayan ang pagmamay-ari nito._wala nang pangangailangan sa estado kaya unti-unti na itong mawawala. (withering away of the state)

Page 25: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

Sumasang-ayon sa armadong pakikidigma upang lansagin ang kasalukuyang pamahalaang kontrolado ng naghaharing-uri.

Lahat ay pantay-pantay ang katayuan sa sa buhay at sama-samang nakikinabang sa produksiyon ng ekonomiya.

Page 26: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

Tinutuligsa ang sistemang maluho, makasarili, at materyosong pamumuhay na umiiral sa kapitalismo.

MGA BANSANG KOMUNISTAChina, Cuba, Vietnam at North Korea

Page 27: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

7. PASISMONakabatay sa paniniwalang napapailalim ang kapakanan ng mamamayan sa tunguhin at interes ng estado.

Tutol sa anumang uri ng oposisyon. Gumagamit ito ng iba’t ibang uri ng represyon o pagsupil sa mga hindi sumasang-ayon sa pamamalakad nito.

Page 28: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

Kontrolado ng partido ang lahat ng uri ng mass media at gumagamit ng propaganda upang isulong ang interes ng partido at namumuno nito.

Ang hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan ay nakabatay sa etnisidad, lahi at nasyonalidad._HOLOCAUST

Page 29: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

Ang kagalingan ng mamamayan ay maitataguyod lamang sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang bansang may pamahalaang sentralisado ang pamamalakad.Hal._ Italy sa pamumuno ni Benito Mussolini _ Germany sa pamumuno ni Adolf Hitler

Page 30: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

May kaugnayan sa SOCIAL DARWINISM_naniniwala na nararapat na ang mas mahihinang uri ay tuluyang maubos sa anumang paraan upang ang mapanatili lamang ay ang mahuhusay, matatatag, at nakapangyayari.

Page 31: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

8. PEMINISMOIdeolohiya na nagsusulong ng kagalingan ng kababaihan at ang kanilang pagtatamasa ng mga karapatang taglay ng kalalakihan.

Karapatang bumoto, kumandidato, at mahalal.

Page 32: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

Karapatan ng kababaihan sa ari-arian (property rights)Karapatan sa pinagtatrabahuan (workplace rights)Karapatang reproduktibo (reproductive rights)

Page 33: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

PANGUNAHING TUON

Proteksyon ng kababaihan sa lahat ng uri ng karahasan at diskriminasyon.

Dapat igawad sa kababaihan ang pantay na karapatan at pagkakataon na tinatamasa ng kalalakihan sa larangan ng politika at ekonomiya.

Page 34: Mga Ideolohiyang Laganap sa Daigdig

Nilalabanan ng Peminismo ang patuloy na pang-aapi sa kababaihan sa lipunan.