mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

29

Upload: virginia-rana

Post on 22-Jan-2017

831 views

Category:

Education


111 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata
Page 2: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata
Page 3: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Wika

Ito ay isang mahalagang

instrumento na ginagamit

ng tao upang ipahayag ang

kaisipan at damdamin.

Ito ay ginagamit sa lahat ng

larangan ng disiplina at sa

lahat na gustong paunlarin,

tuklasin at pagyamanin.

Page 4: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Wika

Ito ay binubuo ng

masistemang balangkas;

a.Makahulugang tunog o

pasalita.

b.Masistemang kayarian

kung pasulat.

Page 5: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Wika

Ito ay may kapangyarihan

na manghikayat, mag-

utos, manira, manggulo,

makiusap, magpaalaala,

magturo, magtanong,

manakit at iba pa.

Page 6: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

• Konsepto:

Ang Wikang Filipino tungo sa

intelektwalisasyon ng wika.

• Pagpapahalaga:

Pagkilala at Pagpapahalaga sa

wika bilang wikang pambansa.

Page 7: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Matagal na nating ginagamit ang wikang

filipino, hindi ngalang natin ito gaanong

ginagamit bilang midyum sa mga

akademiko at teknikal na usapin. Bunga na

rin ng edukasyong kanluranin, kailangan pa

nating patunayan na kaya nitong maging

midyum sa talastasang akademiko. Ayon

kay Zeus Salazar, ang paggamit ng wikang

filipino ay patunay lamang ng kasapatan sa

mga nangangailangan nito, dahil dito

nagsimula ang pagdududa sa kakayahan

ng ating wika at dahil dito ang pagkakaroon

ng kaalaman sa Ingles ay itinuturing na

karunungan.

Page 8: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Maaari ring batayang pang-

ekonomiya ang bagay na ito

sapagkat kung gusto mong

matutong mag-Ingles ay kailangan

mo pang magbayad kumpara sa

ating wika na nagmumukhang

walang class sapagkat hindi mo na

kailangang mag-aral upang

matutunan ito.

Page 9: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Hindi na natin kailangang

tanungin ang ating sarili kung

may tiwala at pagtanggap

tayo sa sarili nating wika at

kung ibabaling pa natin sa

karanasang kolonyal ay

talagang walang mangyayari.

Page 10: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Nakabatay sa kapasidad ng

pagpapayaman ng wika sa

kakayahan nitong kumatawan sa

mga karanasang luwal sa lipunan

tulad ng, lumikha ng salita sa mga

dayuhang salita,

manghiram,magbanyuhay at

umangkin ng bagong salita at

kaalaman.

Page 11: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Marami na ring pananaliksik ang

nagtala sa bisa ng wikang filipino sa

pagtuturo at napatunayan na

nakakakuha ng mataas na marka ang

mga mag-aaral na gumagamit ng

wikang filipino. Sa karanasan ng mga

guro, nakita nila ang bilis at pagkatuto

at pagsasalin sa praktika ng aktwal na

ibinabahagi ng ating wika. Ayon kay

Salazar, mainam na tangggapin ang

wikang Filipino at pag-ukulan ng sikap

ang pagpapayaman nito.

Page 12: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

• FORMULASYON

• KODIFIKASYON

• ELABORASYON

• IMPLEMENTASYON

Page 13: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Ito ang yugto ng

deliberasyon at/o

pagdedesisyon

kaugnay sa wikang

pipiliin. Mahalagang

isaalang-alang dito ang

layunin ng mga

gagamit nito.

Page 14: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Ito ang yugto kung saan

nagkakaroon ng teknikal na

preparasyon ang mga language

academies ng

napagkasunduang patakaran.

Mahalaga namang tingnan dito

ang pananaw, paniniwala,

saloobin ng kapwa

magpapatupad at tatanggap ng

napagkasunduang patakaran.

Page 15: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Ito ay pinaiiral ng

ahensyang pangwika na

kung saan inihahanda

na ang mga materyal na

kakailanganin sa

pagpapalawak ng gamit

ng piniling wika.

Page 16: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Ito naman ang yugto ng

pagtanaw sa epekto ng

plinanong pagbabago sa

wikang pinili.

Page 17: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Ang FILIPINO bilang Wika

ng Edukasyon

Kailangang gamitin ang

Filipino bilang wikang

panturo dahil sa wikang ito

pinakamabisang matututo ang

ating mga estudyante. Ang

katotohanang ito ay kinilala

na sa konstitusyon nang itakda

rito ang maging wika ang

Filipino ng sistemang pang-

edukasyon.

Page 18: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Kapag ginamit ang Filipino

bilang wikang panturo,

natututo ang mga mag-aaral at

natutuhan din nila ang

nilalaman ng ating kultura –

ang kaluluwa ng ating

pagkabansa. Ang pinapangarap

ng pamahalaan na matatag na

Republika ay matatamo lamang

kapag nauunawaan at

minamahal ng sambayanan ang

kanilang sariling kultura.

Page 19: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata
Page 20: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata
Page 21: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Ang Alibata ay

ipinapalalagay na

katutubo at kauna-

unahang abakada o

alpabetong Filipino. Ito’y

binubuo ng labimpitong

titik: 3 patinig at 14

katinig.

Page 22: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata
Page 23: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

• Mapapansin na pinag-isa and D at

R; E at I; at ang O at U. Ito’y dahil

sa may mga salitang ginagamitan

ng D at R na hindi nagbabago ang

kahulugan; gayon din ang E at I, at

O at U. Halimbawa

D R

Nandito Narito

Madumi Marumi

Doon Roon

E I

Lalake Lalaki

Babae Babai

Binte Binti

O U

Naroon Naruon

Totoo Tutuo

Ngayon Ngayun

Page 24: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Sang-ayon sa pagsulat ng matatandang

Tagalog, ang bawat katinig ay binibigkas na may

titik a, alalaong baga’y kung B ay Ba kung K ay

Ka.

Page 25: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata
Page 26: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Ang isang kudlit sa ibaba ng titik ay

nangangahulugang ang titik ay binibigkas na

kasama ang O o U gaya ng

- Bo, Bu

Kung ang kudlit ay nasa itaas, ang titik ay

kasama ng E o I gaya ng

- Be, Bi

Page 27: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Datapwa’t kung ang huling titik ng salita ay

isang katinig halimbawa B ang tandang krus

(+), na nangangahulugan ng pagpatay ng tunog

na A, ang inilalagay sa ilalim ng titik:

- Dibdib

- Kudlit

Page 28: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

MUNGKAHING GAWAIN:

• Pagsanayan ang pagsulat ng

labimpitong titik

• Sulatin sa katutubong abakada ang

mga sumusunod:

a. Ang pangalan mo.

b. Ang pangalang ng paaralan mo

c. Ang pangalan ng mga magulang

mo.

Page 29: Mga istruktura ng wikang filipino at ang alibata

Mga Sanggunian:

Santiago, Erlinda M at Inocencio, Evelina T., atbp. Ang

Sining ng Pakikipagtalastasan sa Kolehiyo, National Book

Store, Inc., 1988

Filipino 1 Inihanda ni Bb. Virginia S. Rana