mga isyu at suliraning pandaigdig

25
MGA ISYU at SULIRANING PANDAIGDIG

Upload: charles-bautista

Post on 08-Jan-2017

1.767 views

Category:

Environment


41 download

TRANSCRIPT

MGA ISYU at SULIRANING PANDAIGDIG

Dalawang Panig ng Daigdig Sinasabing nahahati ang daigdig sa dalawang panig. Sa hilaga,

matatagpan ang mayayamang bansa; sa timog naman, ang mahihirap.

Kabilang sa mga bansa sa hilagang panig ng daigdig ang US, Europe, Japan, at South Korea. Pinaninirahan ang hilagang panig ng daigdig ng 25% ng kabuoang populasyon ng daigdig. Ang maliit na bahagdang ito ng mga mamamayan ang nagtataglay ng 80% ng kita sa daigdig at nakararanas ng kariwasaan at kaunlaran.

Isang batayan sa kaunlaran ng bansa ang GDP per capita.

Sa kabilang panig, binubuo ng mahihirap na bansa ang 75% ng populasyon ng daigdig. Kabilang sa mahihirap at papaunlad na bansang ito ay matatagpuan sa Africa, Latin America, at Asya.

Mayaman man sa likas na yaman ang mga bansa sa timog ng daigdig ay kapos naman ito sa kapital para paunlarin ang mga ito.

May mga bansa sa timog ng daigdig na itinuturing na kabilang ng hilaga dahil sa nakamit nitong kaunlaran. Halimbawa rito ang Australia.

Pandaigdigang Populasyon Ayon sa United Nations

Populations Fund (UNFPA), lumobo ang populasyon ng daigdig:

1950 -mula 2.5 bilyon noon ay tumaas sa anim na bilyon matapos lamang ng 50 taon.

2050 -inaasahan ang pagtaas ng bilang ng populasyon sa 9.3 bilyon.

2100 -sa taong ito inaasahan din na tataas ang populasyon sa 15 bilyon.

Sa loob ng mga taong ito, kinakitaan din ng pagbabago ang populasyon ng daigdig. Mula dekada 1950 hanggang mga taong 2000:

• Tumaas ang life expectancy mula 48 sa 68 taon;• Bumaba ang fertility rate, mula anim na anak bawat babae

sa 2.5;at• Bumaba ang infant mortality rate, mula 133 na namamatay

na sanggol sa bawat 1000 kapanganakan sa 46 na namamatay na sanggol sa 1000 kapanganakan.

Paglobo ng Populasyon Ang mabilis na paglaki ng

populasyon ay maaaring maging sabagal sa pag-unld ng bansa. Ito ay sapagkat sa paglaki ng populasyon ay dumarami rin ang bilang ng tao na kinakailangang suportahan ng pamahalaan.

Maaaring benepisyal ang malaking populasyon sapagkat ito ang mapagkukunan ng lakas-paggawa sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

Pagtanda ng Populasyon Ang matandang populasyon ay hindi

nakabubuti paras sa ekonomiya sapagkat nangangahulugan ito na kaunti ang bilang ng batang manggagawang makakatulong sa pagpapaunlad ng bansa.

Isa pang epekto nito ay ang mas malaking bilang ng matatandang mamamayan na kailangang suportahan ng pamahalaan.

Ang mga pagbabago sa populasyon ng daigdig ay bunga ng mga pagbabagong nagaganap sa iba’t ibang larangan:

Ang pagkakaroon ng tao ng tiyak na mapagkukunan ng malinis na tubig, pagkain, at maayos na tahanan; ang pagkakatuklas ng gamot sa iba’t ibang karamdaman; at ang pag-unlad ng teknolohiyang medikal, ang mahalagang salik sa pagpapatagal ng buhay ng tao.

Pagtugon sa Isyu ng Populasyon Itinatag ng Nations Population Fund,

isang sangay ng United Nations, upang tugunan ang mga isyung may kinalaman sa pandaigdiging populasyon.

Nilalayon ng samahang ito na ang lahat ng pagbubuntis ay ninanais, lahat ng panganganak ay ligtas, at lahat ng potensiyal ng kabataan ay nakakamit.

Upang isakatuparan ito, nakikipagtulungan ang UNFPA sa mga pamahalaan at iba pang samahan.

Migrasyon Ang migrasyon ay tumutukoy sa paglipat

ng panirahan ng tao, malimit para sa mas masaganang buhay.

Ang migrasyon ay maaaring mag dulot ng brain drain, o paglisan ng propesyonal at skilled na manggagawa mula sa isang larangan o bansa.

Narito ang sampung bansang may pinaka malaking bilang ng migrante para sa taong 2010:

United States France Russia United Kngdom Germany Spain Saudi Arabia India Canada Ukraine

Teknolohiya May dalawang isyu ang kugnay ng

teknolohiya sa kasalukuyan—ang technological divide at technological transfer.

Ang technological divide o digital divide, ay tumutukoy sa sa pagkakaron ng hindi pantay na access sa teknolohiya. Ito rin ay maaaring sa pagitan ng mga lahi, kasarian, o bansa.

Ang technological transfer naman ay tumutukoy sa pagsasalin ng kaalaman at kasanayan sa teknolohiya mula sa isang maunlad na bansa patungo sa papaunlad pa lamang na bansa.

Maaaring positibo o negatibo ang epekto nito.

Kahirapan at Kagutuman Kahirapan at kagutuman ang

pangunahing problema sa ilang bansa.

Ayon sa pinakahuling datos, 870 milyong katao ang under nourished at may 22,000 bata ang namamatay sa bawat araw dahil sa kahirapan.

Ang paglutas sa suliraning ito ang pinakaunang layunin ng UN Millenium Development Goals(MDG).

May tatlong target ang MDG kaugnay sa suliraning ito:

Kalahatiin ang proporsiyon ng taong may kitang mas mababa sa $1.25(may P54) sa isang araw, sa pagitan ng taong 1990 at 2015;

Magkamit ng buo at produktibong hanapbuhay para sa lahat, kabilang ang kababaihan at kabataan: at

Kalahatiin ang proporsiyon ng mga taong nagugutom, sa pagitan ng taong 1990 at 2015.

World Food Programme- ay tumutulong sa halos 90 milyong tao sa 75 na bansa sa pamamagitan ng programang Food For Work. Pagkain rin ang ibinibigay na kabayaran sa mga manggagawang tumutulong sa pagbuo ng mahahalagang impraestruktura tulad ng irigasyon.

World Bank- ay isa pang pandaigdigang samahan na naglulunsad ng mga programa upang lutasin ang suliranin sa kahirapan.

Poverty (Population Matters.org)- nahaharap sa pagkasira ng kalikasan ang bansang mahihirap at may taas na populasyon. Ito ay sapagkat sa pagnanais ng tao na tugunan ang pang-araw-araw na mga pangangailangan ay higit ding naaabuso ang kalikasan. Isang malawakng epekto ng pang-aabusong ito sa kalikasan ang global warming.

Global Warming Isang malaking bantang kinahaharap ng

daigdig ang global warming. Panganib ito sa tao, kaniyang kapaligiran, at lahat ng nabubuhay na nilalang. Banta rin ito sa kabuhayan ng mga mamamayan.

Halimbawa ng masasamang naidudulot ng global warming ay:

o Ang pagtaas ng temperature sa daigdig;o Ang pagbabago ng kapaligiran;o Ang pagtaas ng antas ng tubig;o Mas malakas na pagbagyo;o Pagkalat ng mga sakit na kaugnayan sa

pag-init ng panahon; ato Pagkamatay ng iba’t ibang uri ng hayop.

World Wildlife Fund (WWF)- ay isang halimbawa ng pandaigdigang samahang laban sa climate change. Layunin nito:

o Itaguyod ang mga patakaran laban sa climate change;

o Makipagtulugan sa mga negosyo upang bawasan ang carbon emissions; at

o Tulungan ang mga tao at ang kalikasan upang maka-agapay sa nag-iibang klima.

KARAPATANG PANTAO Sa ulat ng Amnesty International noong

2013, sangkot sa armadong sagupaan ang daang libong kabataan; na pinapatawan ng parusang kamatayan ang mga bata sa China, Pakistan, at Sudan; at hindi pinahihintulutang maglakbay, mag-aral ng kolehiyo, o ikasal nang walang permiso ng kaniyang ama ang kababaihan sa Saudi Arabia.

Universal Declaration of Human Rights- isang kalipunan ng 30 artikulo na batayan ng mga karapatang pantao. Dito binigyang kahulugan ang karapatang pantao bilang “mga karapatang likas sa lahat ng tao, ano man ang nasyonalidad, lugar ng panirahan, kasarian, pinagmulang bnsa o pangkat etnolingguwistiko, kulay, relihiyon, o ano mang katayuan.”

Upang tiyaking napapangalagaan ang karapatang pantao ay binuo ang United Nation Human Rights Council (UNHRC).Ito ang samahan na dumidinig sa mga paglabag sa karapatang pantao upang bumuo ng mga rekomendasyon tungkol dito.

Isa pang pandaigdigang samahan na nangangalaga sa karapatang pantaoay ang Amnesty International. Binubuo ito ng mahigit tatlong milyong kasapi, aktibista, at tagasuporta sa may 150 bansa na nangangampanya upang wasakan ang mga paglabag sa karapatang pantao.

HUMAN AT DRUG TRAFFICKING Isang malubhang paglabag sa karapatang

pantao ay ang Human Trafficking. Tumutukoy ito sa pangangalakal ng tao sa pamamagitan ng puwersa o panloloko upang mapagsamantalahan o abusuhin.

Ayon sa datos ng UN Global Initiative to Fight Human Trafficking:

o May 137 bansa ang sangkot sa human trafficking;

o Karamihan ng biktima ay nasa edad 18 hanggang 24 taong gulang;

o May 1.2 milyong bata ang itina-traffick bawat taon; at

o 95 bahagdan ng mga biktima ng human trafficking ang nakararanas ng pisikal at seksuwal na karahasan.

United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) ay ang pangunahing ahensiya ng UN na lumalaban sa trafficking. Naglunsod ito ng Blue Heart Campaign na naglalayong labanan ang Human Trafficking sa pamamagitan ng kamalayan ng pagbubukas ng tao sa kung paano sila makatutulong sa pagsugpo sa human trafficking.

Drug Trafficking ito ay pandaigdigang illegal na kalakalan kaugnay sa kultibasyon, pagmamanukpaktura, distribusyon at pagbebenta ng mga sangkap na napasailalim sa mga batas na ipinagbabawal na gamot.

United Nations Convention Agaisnt Transnational Organized Crime noong nobyembre 2000. layunin nitong paigtingin ang pakikipagtulungan sa pagitan ng mga bansa laban sa mga transasyonal na krimen tulad ng human at drug trafficking at pagmamanupaktura at trafficking na armas.

Globalisasyon Ang globalisasyon ay tumukoy sa

integrasyon ng mga ekoomiya sa daigdig. May ibat ibang manipestasyong ekonomiko ang globalisasyon. Halimbawa nito ang sumusunod:• ang lumalaking gampanin ng mga

multinasyonal na korporasyon sa pandaigidigan ekonomiya;

• ang pagtataas ng trade barriers tulad ng quota restriction at taripa sa kalakalan; at

• ang pagbuo ng mga rehiyonal at pandaigdigang samahang ekonomiko tulad ng European Union at International Monetary Fund.

Mubuting Epekto Masamang Epekto

Pagtaas ng antas ng pamumuhayNakapanlalamang ang mayayamang bansa, patuloy ang pagyaman, sa mahihirap na bansa

Nabubuo ang isang pandaigdigang pagkakakilanlan

Nasisira ang pambasang kultura at pagkakakilanlan

Nakatatanggap ang bansa ng dayuhang puhunan para sa pagpapaunlad ng ekonomiya

Tanging ang mayayaman at may kapangyarihan lang ang nakikinabang sa puhunang ito.

Terorismo Ang terorismo ay tumutukoy sa paggamit ng

karahasan at paghahasik ng takot upang makamit ang isang particular na layunin.

Ang mga layuning ito ay maaring pampolitikal, panrelihiyon, panlipunan o ekonomiko.

Maaring isinasagawa ang terorismo sa matataong lugar. Karaniwan namang ginagamit ng mga media upang makapaglaganap ng takot.

Noong ika-11 ng Setyembre 2001, pinasabog ng teroristang Al Qaeda, sa pamumuno ni Osama bin Laden, ang World Trade Center sa New York Citybat bahagi ng Pentagon sa Washington DC. Bunsod nito ang “ Global War on Terrorism”. Isang pandaigdigang kampanyang military laban sa terrorismo sa tulong ng mga kaalyado nitong bansa.

Pandemic Noong 2003, lumaganap ang isang

misteryosong sakit sa maraming bansa sa South America, Europe, at Asya at kumitil ng daan-daang buhay. Ito ang tinaguriang Sevvere Acute Respiratory Syndrome, mas kilala bilang SARS.

Ang SARS ay isang halimbawa ng pandemic. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang pandemic ay isang epidemyang nagaganap pandaigdigan o sa isang napakalwak na lugar, tumatawid ng mga bansang hangganan at karaniwang nakaapekto sa malaking bilang ng tao.

Halimbawa ng mga samahang tumitiyak sa mabuting kalusugan ng mga tao sa daigdig ang WHO at ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Ang WHO ay ang sangay ng UN na nangangasiwa at nakikipagugnayan ng mga isyung pangkalusugan sa daigdig.

Ang CDC naman ay tumutulong sa pagtukoy, pagpigil, at pagkontrol ng mga sakit, at pagsulong ng mabuting kalusugan sa pamamagitan ng pangunguna sa mga isyung pangkalusuga at pagiging technical consultant saan mang panig sa daigdig.

THE END