mga mahahalagang tauhan sa florante at laura

26
Mga Mahahalagang Tauhan sa

Upload: scps

Post on 16-Apr-2017

2.816 views

Category:

Education


361 download

TRANSCRIPT

Mga Mahahalagang Tauhan sa

=>magiting na heneral ng hukbo ng Albanya at nagpabagsak sa 17 kaharian

bago siya nalinlang ni Adolfo at naipatapon sa gubat. Halos lahat ng mga bahagi ng salaysay ay umiikot sa kanya.

Anak ni Duke Briseo, siya ay ang mangingibig ni Laurang Prinsesa ng

Kaharian ng Albanyang na namataan ni Florante bago siya sumabak sa isang digmaan nang ang bayan ng kanyang inang, si Prinsesa Floresca, Krotona ay

sinakop ng mga Morong Persyano.

Si Laura ang anak ng Haring Linceo ng Albanya, na

hinahangaan at hinahangad ng maraming kalalakihan subalit

ang kanyang pag-ibig ay nanatiling laan lamang para

kay Florante.

Si Flerida ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali-

Adab. At sa pagpapangakong pagpapakasal sa Sultan, napagpabago

niya ang isip nito sa pagbitay kay Aladin. Ngunit sa katotohanan, hindi

niya tinupad ang pag-aako, at tumakas sa araw ng kasal nila. Nailigtas niya si Laura sa kamay ng buhong si Adolfo.

Kaaway ni Florante. Ang kanyang inggit at paninibugho sa binata ang naging sanhi ng pananakop niya sa Albanya,

pagpatay sa hari at mga tauhan, pagpapahirap kay

Florante at tangkang pag-agaw kay Laura.

Si Aladin ay isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at nagligtas ng kanyang buhay. Ang kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab na siya ring umagaw sa

kanyang kasintahang si Flerida. Nailigtas niya si Florante mula sa pangil ng leon na magdadala sana sa binata

sa tiyak na kamatayan.

Si Menandro ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas na nagligtas din ng buhay ni Florante mula sa mga tagang

nakakamatay ni Adolfong kanyang tinaga nang kanyang tangkaing patayin si

Florante sa isang dula-dulaan nila sa kanilang paaralan sa Atenas. Bukod pa sa

pagliligtas ng buhay niya, marami pa siyang ginawa para kay Florante, at noong sinakop ang Albanya nang makailang ulit,

kasama siya ni Florante sa pakikibaka.

=>Si Duke Briseo ang maarugaing ama ni Florante, at naglilingkod bilang sariling tanungan ng Haring Linceo ng Albanya. Siya ay pinatay at ipinaghagisan ang bangkay nito ng mga alagad ng Konde Adolfo nang kanyang agawin ang trono ng Haring Linceo.=>Si Prinsesa Floresca ang ina ni Florante. Siya ay mula sa bayan ng Krotona, at maagang namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni Florante mula sa Atenas pabalik ng Albanya.

Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian ng Albanya, at ama ni Laura. Ang kanyang

pamumuno ay nagtapos nang mayroong kumalat na usap-usapan tungkol sa pag-uutos daw niyang harangin ang imbakan ng trigo upang gutumin ang mga tao ng

Albanya. Ang usap-usapang itong pinasimulan ni Konde Adolfo ang

nagpaalab ng mga damdamin ng mga tao sa Albanyang nagdulot sa pag-aaklas nila. Ang pag-aaklas namang ito ang ginamit ni Konde Adolfo upang maiupo ang sarili sa

trono.

Si Sultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang umagaw sa kasintahan ni Alading si Flerida. Siya ay isang malupit na ama. Pinatawan niya ng kamatayan si Aladin, ang kanyang anak, dahil daw sa pagkatalo niya sa Persya, ngunit ang totoong dahilan dito ay upang makuha niya si Flerida mula sa kanyang anak. Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay Aladin, nang nangako si Flerida na kanyang pakakasalan ang Sultan, isang pangako na hindi rin natuloy nang tumakas si Flerida sa mismong araw ng kasal; ang naging hatol na lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyang kailanman ay hindi niya mababalikan.

Si Menalipo ay isang pinsan ni Florante. Iniligtas niya si Florante mula sa isang

buwitreng dadagitin siya sana nang siya’y isang sanggol pa lamang gamit

ang kanyang pana at busog. Ipinapakita nito na si Menalipo ay higit na mas matanda kaysa kay Florante.

Osmalik=>Si Osmalik ang magiting na heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa Krotona sa ilalim ng utos ni Aladin, natalo at napatay ni Florante.Miramolin=>Si Miramolin ang pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula sa Turkiya na sumalakay sa Albanya subalit nalupig nina Florante at kanyang hukbo.

=>Si Konde Sileno ang ama ni Konde Adolfong ayon kay Florante ay marangal.