mga pagbabagong dulot ng paglawak ng kapangyarihang roman
TRANSCRIPT
Habang patuloy ang pagkakasangkot ng Rome sa mga
usaping panlabas, dinagdagan ng Senate ang
kapangyarihan at katanyagan nito sa pamamagitan ng
pangangasiwa ng mga kasunduan. Bagama’t ang
pagpapatibay ng mga tratado at deklarasyon ng digmaan ay
dapat na isinasangguni sa Assembly, ang lupong ito ay
nagsisilbing tagapagpatibay lamang ng nais ng Senate.
Tratado
- Ang tratado ay isang pormal at masistemang nakasulat
na diskurso hinggil sa ilang kaalaman o paksa, na sa
pangkalahatan ay mas mahaba at sa paraang mas malalim
kaysa sa isang sanaysay. Mas nakatuon ito sa pag-iimbistiga
o paglalantad ng mga prinsipyo ng paksa.
Ang monopoly ng kapangyarihan ng Senate ang nagpalala sa
katiwalian sa pamahalaan. Madalas na gamitin ng mga opisyal na
ipinapadala sa mga lalawigan ang kanilang katungkulan upang
magpayaman. Ang mga pagkakataon sa katiwalian ay lumalaki dulot
ng mga kapaki-pakinabang na kontrata para sa kagamitan ng hukbo.
Masama naman ang naging epekto ng mga digmaan sa
pagsasaka. Ang timog na bahagi ng Italy ay lubos na nasira dahil
sa pamiminsala na ginawa ng hukbo ni Hannibal. Nilisan ng
maraming magsasaka ang kanilang bukirin. Hindi sila
nakahanap ng trabaho sa malalaking lupain ng mayayaman
sapagkat ang nagsasaka ay mga alipin o bihag ng digamaan.
Tumungo ang mga magsasaka ng Rome upang maghanap ng
trabaho ngunit wala naming malaking industriya ang Rome na
magbibigay ng kanilang trabaho.
Ang yaman napumasok sa Rome mula sa napanalunan
sa mga digmaan ay napakinabangan lamang ng
mayayaman. Higit na lumawak ang agwat sapgitan ng
mayayaman at mahihirap. Binago ng lumalaking
yaman ang ugali ng mga tao tungo sa pamahalaan.
Pinalitan ng kasakiman at marangyang pamumuhay
ang tradisyon ng pagsisilbi.
Itinuturing ng magkapatid na Tiberius at Gaius Gracchus,
kapwa tribune, ang lumalaking agwat sa pagitan ng
mayayaman at mahihirap bilang panganib sa katatagan ng
Republic. May mga nagtangkang magpatupad ng
pagbabago katulad ng mga sumusunod
Pinuno: Tiberius Taon na panunungkulan 133 B.C.E
Pangyayari- Nagpanukala ng ng batas sa pagsasaka kung saan ang mga
lupang nakamit sa digmaan ay ipinamahagi upang magkaroon ng
bukirin ang mahihirap. Nais niyang limitahan ang dami ng lupa na
maaring ariin ng mayayaman upang pigilin ang mga ito sa
pagkamkaam ng higit pang maraming lupa.
Epekto - Upang hadlangan si Tiberius at takutin ang iba pang
nagnanais ng pagbabago, ipinapatay siya ng isang grupo ng
mamamayan.
Pinuno: Gaius Gracchus Taon na panunungkulan 123 B.C.E.
Pangyayari - Sinundan ni Gaius Gracchus ang hakbang patungo sa
pagbabago na sinimulan ng kaniyang nakatatandang kapatid, subalit,
ang mga mayayaman ay hindi rin sang-ayon sa kaniyang mga panukala.
Epekto - Sinalakay si Gauis at ang kanayang 3,000 na tagasunod ng
isang pangkat ng mga senador kasama ang inupahang hukbo at alipin.
Ipinapatay ng Senate ang mga tagasunod ni Gaius Gracchus. Siya
naman ay nagpatiwakal.
Nilinaw ng kamatayan ng magkapatid na Gracchus
ang mainit na tunggalian ng mga patrician sa Senate at
ng mga plebeian at alipin. Sumiklab ang mga serye ng
rebelyon na nauwi sa digmaang sibil noong 105 B.C.E.
Bumalik ang kaayusan sa Rome nang maging diktador
si Sulla noong 82 B.C.E.