mga pagdiriwang ng pamilyatuwing ika-25 ng disyembre ay ipinagdiriwang ng aking pamilya at ng iba...
TRANSCRIPT
MGA PAGDIRIWANG NG
PAMILYA
MGA PAGDIRIWANG NG PAMILYA
Ang pagdiriwang o okasyon ay
masayang pangyayari na nagtitipon
ang buong pamilya. Tuwing may
pagdiriwang, espesyal ang salo-salo.
Ang ilan sa mga pagdiriwang ng
pamilya sy kaarawan, binyag, at kasal.
BINYAG
Inaalaala sa pagdiriwang ng
kaarawan ang kapanganakan
ng kasapi ng pamilya.
Nagbibigay ng regalo sa may
kaarawan ang mga dumadalo.
KASAL
Ang kasal ay kasunduan o
pangako ng pag-aasawa ng
lalaki o babaeng kasapi ng
pamilya. Ginagawa ito sa
harap ng pari o ministro. Saksi
sa kasal ang mga kapamilya
at kaibigan.
BINYAG
Sa binyag o bautismo nagiging
bagong miyembro ng relihiyon
ang isang kasapi ng pamilya.
Nagdarasal at nangangako ang
pamilya na gagabayan ang
bagong binyag.
PASKO
Tuwing ika-25 ng Disyembre
ay ipinagdiriwang ng aking pamilya
at ng iba pang pamilyang Kristiyano
ang Pasko. Ayon sa aming
paniniwala, ito ang kaarawan ng
Panginoong Hesus. Nagsisimba ang
mga pamliya sa araw na ito.
BAGONG TAON
Ang Bagong Taon ay
tuwing ika-1 ng Enero.
Masaya ang bawat pamilya
sa pagsalubong sa Bagong
Taon. Maingay ang buong
paligid dahil sa mga
paputok at torotot.
PISTA
Pista ang araw na
inaalaala ang santo o santa
na patron sa isang lugar.
Ipinagdiriwang ng maraming
pamilya ang araw na ito.