mga palaging tanong - mhcs

4
Mga Palaging Tanong FILIPINO

Upload: others

Post on 03-Oct-2021

3 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Palaging Tanong - MHCS

Mga Palaging Tanong

FILIPINO

Page 2: Mga Palaging Tanong - MHCS

Mga Palaging Tanong

Ano ang Serbisyo sa Maging Malusog? Ang Get Healthy Information and Coaching Service® (Serbisyo sa Impormasyon at Pagsasanay sa Maging Malusog®) (Get Healthy Service) (Serbisyo sa Maging Malusog) ay isang libreng serbisyo na pinamamahalaan ng mga kwalipikadong tagapagsanay sa kalusugan at naglalayong tulungan ang mga may-edad sa pagbabago ng pamumuhay tungkol sa:

• Malusog na pagkain

• Pisikal na gawain

• Paano magkakaroon at mapapanatili ang isang malusog na timbang

Ito ay nagbibigay ng impormasyon and tuloy-tuloy at personal na suporta na dinisenyo upang makatulong sa mga may-edad na magkaroon ng pangmatagalang pagbabago sa mga bahaging ito.

Sino ang pinupuntirya ng Serbisyo sa Maging Malusog? Pinupuntirya ng Serbisyo ang mga May- edad na taga-NSW, 18 taong edad at mas matanda pa na maaaring may peligrong magkaroon ng mga pangmatagalang sakit dahil sa isa o marami pang mga sumusunod na kadahilanan:

• Hindi sumusunod sa mga gabay para sa malusog na pagkain

• Kakulangan sa mga gawaing pisikal

• Dahil sa sobrang timbang

Bakit pinupondohan ng Departmento ng Kalusugan ng NSW ang Serbisyo? Maraming mga pangmatagalang sakit ang maaaring maiwasan sa:

• Pagiging-aktibo

• Tamang pagkain at

• Pagkakaroon at pananatili ng isang malusog na timbang

Ang mga pangmatagalang sakit katulad ng diyabetes, sakit sa puso at ilang uri ng kanser ay silang tinatantiya na may kagagawan ng may 80% sa kabuuang mga sakit sa Australya.

Siyempre, ang mga pagbabago sa pamumuhay ay kadalasang mas madaling sabihin kaysa gagawin, at ang paglalakbay dito ay maaaring mapaghamon. Kaya ang Get Healthy Service ay ginawa upang makatulong sa mga taong makapagbago sa kanilang pamumuhay. Ang Serbisyo ay base sa katunayan na ang mga pagsasanay sa pamamagitan ng telepono at ‘web’ ay mabisa sa pagbabago ng mga kaugalian para sa malusog na pagkain at pisikal na gawain. Ang pagbuo ng Serbisyo ay base rin sa matagumpay na programang ‘quitline’ (matatawagan para maiwasan ang paninigarilyo) na siyang nakatulong sa libu-libong naninigarilyo na iwanan ang nakaugalian at magsimula sa mas malusog na mga buhay.

Ano ang ibinibigay ng Get Healthy Service? Ang Get Healthy Service ay nagbibigay ng:

• Impormasyon tungkol sa malusog na pagkain at gawaing pisikal para sa mga

tumatawag

• Mga indibidwal na pasadyang mga pagsasanay sa telepono (tinatantyang

sampong tawag sa loob ng mahigit sa anim na buwan) na naglalayon

ng pagbabago sa nakaugalian ng indibidwal upang makamit ang mga

rekomendadong antas ng mga pang-araw–araw na gawain, lalong malusog

na pagkain at magkaroon o mapanatili ang isang malusog na timbang

• Impormasyon at suporta sa pamamagitan ng isang ‘website’

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Serbisyo, tawagan po lamang

ang 1300 806 258 o bisitahin ang www.gethealthynsw.com.au

Ge

t He

alth

y Info

rma

tion

an

d C

oa

ch

ing

Se

rvice

FAQ

- Filip

ino

: SH

PN

(CH

A) 110

24

4

Page 3: Mga Palaging Tanong - MHCS

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Serbisyo, tawagan po lamang

ang 1300 806 258 o bisitahin ang www.gethealthynsw.com.au

Mga Palaging Tanong

Sino ang sasagot sa telepono? Mga tagapagsanay sa kalusugan na may kwalipikasyon mula sa pamantasan bilang mga propesyonal sa kalusugan. Kasama rito ang mga propesyonal sa ibat-ibang kasanayan sa kalusugan katulad ng mga sikolohista; nars; diyetisyan; pisiyolohista sa ehersisyo; dalubhasa sa isports; manggagawang panlipunan at mga pisyoterapista. Ang lahat na tagapagsanay sa kalusugan ay magkakaroon ng dagdag na pagsasanay upang matiyak na matutugunan nila ang mga pangangailangan ng Serbisyo.

Ang isang kasali ba ay talagang magkakaroon ng kanilang pansariling tagapagsanay? Oo. hangga’t magagawa, ang isang tumatawag ay mabibigyan ng kanilang personal na tagapagsanay sa pangkalusugan sa kahabaan ng pakikisali nila sa Serbisyo – ito ay nakakatulong para sa may katiyakang mabubuo ang isang nagkakatulungang ugnayan.

Libre ba ang Serbisyo ng Maging Malusog? Oo, ang Serbisyo ay libre sa lahat ng mga may-edad na taga-NSW. Maaaring matunghayan ng mga tao ang mga impormasyon o magparehistro para sa pagsasanay sa pamamagitan ng pagtawag sa 1300 806 258 – isang numero na maaaring matawagan mula sa lahat ng nakakabit na linya ng telepono sa NSW sa pagbayad ng isang lokal na tawag. (Ang mga teleponong mobile ay maaaring mas mataas ang singil). Maaari ring magparehistro sa www.gethealthynsw.com.au. Get Healthy (Maging Malusog ). Tatawagan ng mga tagapagsanay ang mga aplikante sa oras na may kaluwagan ang kasali.

Ano ang mangyayari sa unang pagtawag sa Serbisyo? Ang tumawag ay sasagutin ng unang bakanteng tagapagsanay sa kalusugan. Ang tagapagsanay ang siyang magpapaliwanag kung ano ang maipaglilingkod ng Serbisyo at ang mga tumawag ay maaaring mapapadalhan ng impormasyon tungkol sa pagiging aktibo, pagkaing malusog at pagkakaroon ng tamang timbang o ang mga tumawag ay makapagpapalista na sumali sa patuloy na bahagi ng pagsasanay ng Serbisyo. Ang mga tumawag ay mapagtatanungan ng impormasyon tungkol sa kanilang sarili upang matiyak na ang serbisyo ay makakatugon sa kanilang mga indibidwal na pangangailangan kasama na ang impormasyon tungkol sa kanilang kasalukuyang mga kaugalian sa pagkain at gawain, gaano sila nakahandang magbago at gumawa ng mga layunin at iba pang impormasyon tungkol sa kanilang mga partikular na mga kalagayan.

Anong impormasyong kinakailangan mula sa tumawag? Lahat ng mga tumawag ay kailangang magbigay ng impormasyon sa Serbisyo tungkol sa kanilang sarili. Ang impormasyon ay tutulong sa mga tagapagsanay sa kalusugan na maibabagay ang impormasyon at suporta sa pagsasanay sa kanilang mga pangangailangan. Ang impormasyon ay makakatulong din sa NSW Health na matasa ang bisa ng Serbisyo at makagawa ng mga patuloy na pagpapaunlad . Mahalagang tandaan na ang lahat ng impormasyon tungkol sa tumawag ay mananatiling mahigpit na pribado at kompidensyal.

Ano ang mangyayari kung ang isang tumawag ay may kasalukuyang problema sa kalusugan? Upang makatiyak na tama ang bahaging pagsasanay ng Serbisyo para sa lahat ng mga tumatawag, isang maigsing pagtatasa ang kailangang gagawin. Sa ilang kaso, ang isang tumawag ay maaaring kinakailangan na may pahintulot pang-medikal mula sa isang Doktor bago makapagsimula sa kanilang paglalakbay sa Get Healthy.

Gumagana ba ang Serbisyo sa mga linggo’t sabado at mga pampublikong bakasyon? Hindi. Ang Get Healthy Service ay gumagana ng mas mahabang oras sa Lunes hanggang Biyernes, 8nu hanggang 8nh upang mabigyang puwang ang mga tawag sa mga oras bago at pagkatapos ng mga oras ng may-opisina.

Ge

t He

alth

y Info

rma

tion

an

d C

oa

ch

ing

Se

rvice

FAQ

- Filip

ino

: SH

PN

Page 4: Mga Palaging Tanong - MHCS

Mga Palaging Tanong

Sino ang tagapagdulot ng Serbisyo? Ang Get Healthy Service ay pinapatakbo ng Medibank Health Solutions http://www.medibankhealth.com.au isang samahan na may natatanging karanasan sa pagpapatakbo ng mga programa ng pagsasanay sa kalusugan.

Ano ang mangyayari kung kailangan ng serbisyo ng interpreter? May mga Serbisyo ng Interpreter na ibibigay para sa mga kasapi ng mga komunidad na may kakaibang kultura at wika. Ang iba pang nababagay na serbisyo sa telepono ay maibibigay para sa mga taong nahihirapan sa pagsasalita o pakikinig.

Maaari bang magamit ang serbisyo para sa isang kapamilya o kaibigan? Ang bahaging pagsasanay ng Serbisyo ay tanging ginawa para magbigay ng personal na payo, suporta at paghikayat sa tumawag o kasali. Ito ay tungkol sa pagsuporta sa kanila upang makamit ang kanilang mga layunin sa kalusugan; kaya ang isang tumawag ay hindi makakatanggap ng pagsasanay para sa ibang tao. Ngunit, ang isang tumawag ay maaaring humingi ng Librito ng Impormasyon o Pamplet ng Serbisyo na maaari nilang ipamigay sa isang kapamilya o kaibigan.

Mayroon bang pagkakataon na magbibigay ng balik-puna tungkol sa Serbisyo? Oo. Ang mga tumawag ay makakapagbigay ng balik-puna tungkol sa kanilang karanasan sa Serbisyo sa pamamagitan ng:

Email: [email protected]

Telepono: 1300 806 258 Faks: 1300 013 242

Ang Serbisyo ba ay gumagana sa ibang lugar ng Australya? Maaaring may mga katulad na serbisyong pinapatakbo ng mga pribadong tagapagdulot. Ngunit, ang Get Healthy Service ay siyang unang pinapatakbo ng Gobyerno, at sadyang pangpersonal na serbisyo ng pagsasanay na ibibigay sa buong Australya. Dahil dito, may isang buong pagtatatasa sa serbisyo upang magbigay katiyakan sa patuloy na kalidad ng inisyatiba. Tingnan ang Get Healthy Service website para sa dagdag na impormasyon kung saan pa makakakuha ng Serbisyong ito sa loob ng Australya.

Ano ang mga posibleng pagkaka-empleyo sa Sertbisyo? Lahat ng mga pagtatanong ay dapat ididirekta sa Medibank Health Solutions:

http://www.medibankhealth.com.au

Ge

t He

alth

y Info

rma

tion

an

d C

oa

ch

ing

Se

rvice

FAQ

- Filip

ino

: SH

PN

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa Serbisyo, tawagan po lamang

ang 1300 806 258 o bisitahin ang www.gethealthynsw.com.au