mga pangulo ng pilipinas

19
Mga Pangulo ng Pilipinas Emilio Aguinaldo y Famy ( Marso 22, 1869 – Pebrero 6, 1964 ) Naging pangulo ng bansa noong Enero 23, 1899 hanggang Abril 1, 1901. Isang tanyag na heneral na nagsusulong ng kasarinlan ng bansa at namuno ng maraming

Upload: marinelademesa

Post on 14-Jan-2017

1.454 views

Category:

Education


16 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Pangulo ng Pilipinas

Mga Pangulo ng

Pilipinas

Emilio Aguinaldo y Famy ( Marso 22, 1869 – Pebrero 6,

1964 ) Naging pangulo ng bansa noong Enero 23, 1899 hanggang

Abril 1, 1901. Isang tanyag na heneral na nagsusulong ng kasarinlan

ng bansa at namuno ng maraming pag-aalsa laban sa España kasama

ang nabigong rebolusyon noong 1896.

Page 2: Mga Pangulo ng Pilipinas

Manuel Luis Quezon y Molina ( Agosto 19, 1878 – Agosto 1,

1944 )

Naging ikalawang pangulo ng Pilipinas noong

Nobyembre 15, 1935 hanggang Agosto 1, 1944. Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas noong Agosto 19, 1878. Kapwa mga guro ang kaniyang mga magulang na sina Lucio Quezon at Ma. Dolores Molina. Nakiisa siya sa pakikibaka sa kastila noong siya ay binata pa.

Page 3: Mga Pangulo ng Pilipinas

José Paciano Laurel y Garcia ( Marso 9, 1891 –Nobyembre 6, 1959 )

Naging pangulo ng bansa noong Oktubre 14, 1943 hanggang Agosto 17, 1945. Siya ay naging pangulo matapos italaga sa ilalim ng kanilang pananakop. Matapos ang digmaan, siya ay nahalal na Senador ng Ikatlong Republika.

Page 4: Mga Pangulo ng Pilipinas

Sergio Osmeña y Suico ( Setyembre 9, 1878 –Oktubre 19 , 1961 )

Naging pangulo noong Agosto 1, 1944 hanggang Mayo 28, 1946 Bago naging pangulo, siya ay nahirang na bise-presidente noong 1935. Kasama siya ng bumalik si Heneral McArthur sa Pilipinas at nagsumikap na muling maibangon ang sa pinsala ng digmaang nagdaan.

Page 5: Mga Pangulo ng Pilipinas

Manuel Acuña Roxas ( Enero 1, 1892 –Abril 15, 1948 )

Naging pangulo ng Republika noong Mayo 28, 1946 hanggang Abril 15, 1948. Nagtapos siya ng abogasya sa UP at naging topnatcher siya sa Bar Exam noong 1912.

Page 6: Mga Pangulo ng Pilipinas

Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890 – Pebrero 29, 1956)

Naging pangulo ng republika mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953. Pagkatapos ng digmaan, siya ay nahalal bilang bise-presidente noong 1946 at nahirang na kapalit ng Pangulong Roxas matapos itong pumanaw noong 1948.

Page 7: Mga Pangulo ng Pilipinas

Ramon del Fierro Magsaysay ( Agosto 31, 1907 – Marso 17, 1957 )

Naging pangulo ng bansa mula Disyembre 30, 1953 hanggang Marso 17, 1957. Hinirang na “Tagapagligtas ng Demokrasya” sapagkat pinigilan niya ang paghihimagsik ng Huk. Nagpamahagi rin siya ng mga lupain sa mga magsasaka. Siya ay pumanaw ng bumagsak ang kanyang eroplano sa Cebu noong Marso 17, 1957 sa edad na 49.

Page 8: Mga Pangulo ng Pilipinas

Carlos Polistico Garcia ( Nobyembre 4, 1896 – Hunyo 14, 1971 )

Naging pangulo mula Marso 18, 1957 hanggang Disyembre 30, 1961. Humalili kay Pangulong Ramon Magsaysay matapos itong masawi. Siya ang nagpasimulang ng katawagang “Pilipino Muna” bilang simbolong pagiging makabayan.

Page 9: Mga Pangulo ng Pilipinas

Diosdado Pangan Macapagal ( Setyembre 28, 1910 –Abril 21, 1997 )

Naging Pangulo ng Pilipinas mula Disyembre 30, 1961 hanggang Disyembre 30, 1965. Kilala bilang “Poor Boy from Lubao” dahil siya ay lumaki sa kahirapan. Siya ay naging tanyag dahil sa paglulunsad ng Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan.

Page 10: Mga Pangulo ng Pilipinas

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos ( Setyembre 11, 1917 –Setyembre 28, 1989 )

Naging pangulo mula Disyembre 30, 1965 hanggang Pebrero 25, 1986. Marami siyang naipagawang mga importanteng imprastraktura sa kaniyang termino. Noong Setyembre 21, 1972, siya ay nagpatupad ng Batas Militar sa bansa dahil sa kaguluhan ng pagbobomba sa Plaza Miranda at paninira sa ilang pribado at pampublikong ari-arian. Pinakulong niya ang mga bumabatikos sa kaniyang pamamahala kasama na ang mahigpit na karibal sa pulitika na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Page 11: Mga Pangulo ng Pilipinas

Maria Corazón Cojuanco-Aquino ( Enero 25, 1933 – Agosto 1, 2009 )

Kauna-unahang babeng president ng bansa mula Pebrero 26, 1986, hanggang Hunyo 30, 1992. Tinaguriang “Ina ng Demokrasya” dahil sa pagiging instrument sa panunumbalik ng demokrasya sa bansa. Siya ay naluklok sa pamamagitan ng mapayapang “People Power Revolution”.

Page 12: Mga Pangulo ng Pilipinas

Fidel Valdez Ramos ( March 18, 1928 – Present )

Naging pangulo noong Hunyo 30, 1992 hanggang Hunyo 30, 1998. Sa Ilalim ng kaniyang panunungkulan, nagtamasa ng paglago ang ekonomiya dahil sa mga repormang ipinatupad at napabuti ang imahe ng Pilipinas sa internasyunal na larangan. Subalit hindi rin nagtagal ang pag-unlad matapos na makasama ang bansa sa pagbulusok matapos na madamay sa “Krisis Pampinansyal” ng mga karatig bansa sa Timog Silangang Asya noong 1997.

Page 13: Mga Pangulo ng Pilipinas

Joseph Ejercito Estrada ( Abril 19, 1937 – Present )

Naging pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 30, 1998 hanggang Enero 20, 2001. Kilala din siya sa tawag na “Erap”, isang

Page 14: Mga Pangulo ng Pilipinas

popular na actor at pulitiko. Nagsimula ang kaniyang karera sa pulitika bilang alkalde ng San Juan sa kalakhang Maynila. Noong Enero 2001, iniwan nya ang pwesto ng pagka-pangulo ng bansa dahil sa mga alegasyon ng korapsyon.

Maria Glorya Macapagal-Arroyo (Abril 5, 1947 – Present )

Naging pangulo ng Pilipinas mula Enero 20, 2001 hanggang Hunyo 30, 2010. Siya ay anak ni Pangulong Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks at nanilbihan sa pamahalaan noong 1987, bilang pangalawang kalihim ng Kagawarang ng Kalakalan at Industriya nang italaga siya ni Pangulong Corazon Aquino. Siya ay naging senador ( 1992 – 1998 ) at pagkatapos ay naging Pangalawang Babaeng Pangulo ng bansa. Naging Pangulo siya ng bansa matapos na iwanan ni Presidente Estrada ang pwesto noong 2001.

Page 15: Mga Pangulo ng Pilipinas

Benigno Simeon Cojuangco Aquino III ( Pebrero 8, 1960 – Present )

Ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas at mas kilala sa tawag na “P-Noy” o Pangulong Noynoy. Nahalal noong Hunyo 30, 2010. Siya ay ang nag-iisang anak na lalaki nina dating Senador Benigno Aquino Jr. at Pangulong Corazon Aquino.