mga panuntunan ng pagtataya

16
Mga Panuntunan ng Pagtataya (Principle of Evaluation)

Upload: rovelyn133

Post on 13-Apr-2017

651 views

Category:

Education


12 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mga panuntunan ng pagtataya

Mga Panuntunan ng Pagtataya

(Principle of Evaluation)

Page 2: Mga panuntunan ng pagtataya

1. Ang pagtataya ay dapat na ibase sa malinaw na panturong layunin.

• Ang pagtataya ng pagkatao ng mag-aaral, kakayahan at iba pang aspeto ng mga sitwasyon sa pagtuturo at pag-aaral ay dapat nakatuon sa layunin ng edukasyon.

• Ito ay dapat sang-ayon sa mga layunin ng paaralan at bansa.

• Ang makabuluhang aspeto ng edukasyon ay dapat nakaayos at ang pag-unlad ng mag-aaral at ang proseso ay siyang dapat unahin.

Page 3: Mga panuntunan ng pagtataya
Page 4: Mga panuntunan ng pagtataya

Semi-Detailed Lesson Plan in Filipino: Pang-abayBanghay Aralin sa Filipino IV

I – LAYUNIN· Natutukoy ang pang-abay sa isang dayalogo· Nagagamit ang pang-abay upang mabuo ang pangungusap· Nauuri ang pang-abay

II – PAKSANG ARALINPaksa  : pang-abaySanggunian : aklat sa Filipino 4Kagamitan : mga larawanPagpapahalaga : pagmamalaki sa kulturang pinoy ay pagiging Pilipino

III – PAMAMARAANA. Pangunahing Gawaina. Pagbabalik aral- May bagay na ipapasa-pasa kasabay ang saliw ng musika, at kapag ito’y humito, ang studyanteng may hawak ng bagay na iyon ay tatanungin patungkol sa nakaraang leksyon.

b. Pagganyak- Itanong sa klase kung may alam silang bugtong.- Sinu-sino ang mahilig sa bugtong?- Mahalaga ba ang bugtong sa kulturang Pilipino?Magbigay ng bugtong:1. Nagising si Insyong, sa ilalim ng gatong.2. Wala sa langit, wala sa lupa, kung maglakad patihaya3. Bituing buto’t balat, kung pasko lamang kumikislap.

c. Bago ang pagbasaIbigay ang kaukulang pamantayan sa pagbasa at pakikinig ng dayalogo.d. PagbabasaBasahin ang dayalogo na ilalagay sa pisarae. Pagkatapos ng pagbasaMagtanong ng mga bagay tungkol sa dayalogong binasa.

Page 5: Mga panuntunan ng pagtataya

f. Paghlalahad i. Magtanong sa mga estudyante kung ano ang kanilang mga napapansin sa mga salitang may salungguhit mula sa dayalogong binasa.

ii. Ipasuri ang mga sumusunod na pangungusap1. Sa ilalim ng punong mangga kami nagkukwentuhan.2. Malinaw siyang magkwento.3. Tanaghali na nang gumising si Lola Tinay. iii. Magbigay halimbawa ng pangungusap na may pang-abay ang mga estudyante.g. Paglalagom/paglalahat i. Ano ang pang-abay? ii. Anu-ano ang mga uri ng pang-abay?

IV- PAGTATAYA Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pangabay na pamaraam, PN kung itoy pang-abay na pamanahon at PL kung ito ay pang-abay na panlunan.

1. Nagbakasyon kami sa Tagaytay.2. Babalik sila sa isang lingo.3. Masayang naglalaro ang mga bata.4. Dadalaw kami sa bahay ni Ana.5. Maagang pumasok si Noel.6. Ipagdiriwang ang kaarawan ni Jones sa Sabado.7. Gaganapin ang pagdiriwang sa Jollibee.

V – TAKDANG ARALIN Magsalaysay ng isang karanasan na hindi mo makakalimutan. Gumamit ng mga pang-abay sa pasalaysay.

Page 6: Mga panuntunan ng pagtataya

2. Ang mga pamamaraan sa pagtataya ay dapat piliin ayon sa

kanilang layunin.

• Nararapat na pumili ng pamamaraan ng pagsusuri base sa kanilang layunin.

• Nararapat na tignan sa pagtataya ang pagganap ng mag-aaral ayon sa nakalatag sa mga layunin. Ito ang basehan ng pagpili ng pagsusuri ayon sa mga layunin.

Page 7: Mga panuntunan ng pagtataya

3. Ang pagtataya ay dapat komprehensibo.

• Dapat nitong sakupin ang malawak na pag-unlad ng mag-aaral. Dapat nitong suriin ang progreso ng mag-aaral sa mga kanais-nais na kalabasan sa edukasyon. Ang pagtataya ay hindi lamang dapat ibase sa nagbibigay-malay na pag-unlad katulad ng kaalaman, pag-intindi o di kaya kasanayan sa pag-iisip. Dapat din ito maging epektibo sa tinatawag na psychomotor development katulad ng pagbabago sa saloobin, pag-uugali at tunay na pagganap.

Page 8: Mga panuntunan ng pagtataya
Page 9: Mga panuntunan ng pagtataya

4. Ang pagtataya ay dapat tuloy-tuloy.

• Ang layunin nito ay upang mabantayan at masuri ng tama ang progreso ng mag-aaral. Ang pagtataya ay dapat kaparis sa progreso ng edukasyon na kung saan ang mag-aaral at nakatuon sa patuloy na progreso ng pagbabago at pag-unlad.

Page 10: Mga panuntunan ng pagtataya
Page 11: Mga panuntunan ng pagtataya

5. Ang pagtataya ay dapat mapagsuri at gumana.

• Kailangan nitong hanapin ng mabuti ang kalagayan sa pagtuturo at pag-aaral kasama na ang mga suliranin na pumipigil sa proseso ng pag-aaral at pag-unlad ng isang mag-aaral sa paaralan. Dapat din nitong matuklasan ang mahalagang impormasyon na magagamit sa pagpapabuti ng pagtuturo at pag-aaral at iba pang bahagi ng tamang alituntunin sa klase. Gayunman, ang kaalaman na naipon sa pagsusuri ay hindi lamang para sa pagtatala. Ito ay dapat din gamitin upang pagbutihin ang estilo sa pag-aaral, pamamaraan sa pagtuturo at iba pang kondisyon na makakaapekto sa pagtuturo at pag-aaral sa klase.

Page 12: Mga panuntunan ng pagtataya

6. Ang pagtataya ay dapat isang pakikipagtulungan

• Ito ay dapat gawain hindi lamang ng isa kung hindi maraming mag-aaral. Ito ay isang pakikipagtulungan ng mga kabilang sa programa ng pagtuturo at pag-aaral. Ang pagtataya ay magiging epiktibo at matagumpay kung magsasama ang mga administrador, guro, magulang, at mag-aaral at kung maari, ang mga tao sa komunidad. Lahat sila ay dapat magtulungan para sa kabutihan ng mga mag-aaral.

Page 13: Mga panuntunan ng pagtataya
Page 14: Mga panuntunan ng pagtataya

7. Ang pagtataya ay dapat gamitin ng maayos

• Mahirap makakuha ng kumpleto at perpektong resulta mula sa pagtataya. Hindi laging nagbibigay ng tumpak na impormasyon ang mga gamit sa pagsusuri. Kaya, dapat gumamit ng tamang paghatol sa pagsusuri.

Page 15: Mga panuntunan ng pagtataya
Page 16: Mga panuntunan ng pagtataya

ROVELYN F. PLAGATaga-ulat

Maraming Salamat po