mga pilosopiya ng pagsulat
TRANSCRIPT
Mga Pilosopiya ng Pagsulat
1. Isang ProsesoNangangahulugang mayroong sinusunod
na sistema. Ang mga nasabing sistema ay ang masinsinang pag-iisip, mga katanungan sa isip ng mga manunulat, mga nais isulat, paggamit ng balangkas, pagwawasto o paguulit.
2. Isang Proseso at ProduktoAng mga nabuong proseso ay laging
mayroong produkto at ang naturang produkto ay madedebelop sa pamamagitan ng pagsulat ng teksto hanggang sa mabuo o maisulat ang pinal na teksto na handa ng malathala.
3. Pagbuo ng Isang PagpapasyaDapat pagpasyahan ng isang manunulat
ang simula at hangganan ng kanyang tekstong isinusulat upang higit na maayos ang kanyang pagkakalahad ng mga pahayag.
4. Isang PagtuklasAng isang manunulat ay patuloy na
nananaliksik upang higit na mapaunlad at maging makabuluhan ang mga impormasyong ibinabahagi sa kanyang mambabasa.
5. Isang KasagutanLumilikha ang mga manunulat upang
bigyang katugunan ang mga katanungan sa isipan ng mga mambabasa, upang makamtan nila ang kanilang hangarin sa pagbabasa.
6. Sariling pagkakaalamMagkakaron ng kabatiran ang isang tao
sa pagsulat kapag personal niya itong ginawa o inaplay at pagyayamanin sa pamamagitan ng paglinang nito.
7. Ang pagsulat ay pakikipag ugnayanSa pamamagitan ng pagsulat
naipapahayag ang lahat ng nais sabihin ng manunulat sa kanyang mambabasa.
8. Isang panghulma ng katauhanKailangan taglayin ng isang manunulat
ang mga sumusunod: maparaan, maharaya o malikhain pagiisip, may lubos na kaalaman sa paksa, may sistema at higit sa lahat marunong magpigil sa sarili.
9. Isang PagsubokHinihamon ng pagsulat ang iyong pagiisip
sa nilalaman ng paksang iyong susulatin at ang lalim ng iyong kaalaman sa iyong teksto
10. Nangangailangan ng mahabang panahon
Kailangan may nakalaan na mahabang panahon sa pagsulat. Tiyaga at disiplina ang kailangan upang mabuo ang iyong teksto, kalimitan may mga bagay na isinasantabi muna para maisakatuparan ang pagsulat at maipasa sa natakdang panahon.
Salamat sa Pakikinig