mga salawikain

5
Mga Kwentong Bayan / Folktales Ang kuwentong-bayan (Filipino : folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito . Ang kuwentong-bayan [1] o polklor ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito . [2] Ang mga salawikain, kawikaan, kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan. Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao. 1. Puri sa harap, sa likod paglibak 2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron 3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan 4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya 5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila 6. Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan 7. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare 8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo 9. Ang taong tamad, kadalasa'y salat 10. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot 11. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa 12. Sagana sa puri, dukha sa sarili Mga Salawikain patungkol sa kabutihan, kabaitan, kagandahang asal, pagpapakumbaba at pag- ingat. 1. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula 2. Ang magandang asal ay kaban ng yaman 3. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat 4. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan 5. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila 6. Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon 7. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula 8. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising 9. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili 10. Ang lumalakad ng marahan, matinin man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim Mga salawikain patungkol sa mga pangako at ka kawalan ng kaya. 1. Buhay-alamang, paglukso ay patay 2. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad 3. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak 4. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili 5. Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat 6. Ang maniwala sa sabi-sabi'y walang bait sa sarili Mga salawikain patungkol sa pagkakaisa at pagtutulungan.

Upload: chariza-lumain-alcazar

Post on 02-Jan-2016

526 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Salawikain

Mga Kwentong Bayan / FolktalesAng kuwentong-bayan (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na

kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

Ang kuwentong-bayan[1] o polklor ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.[2]

Ang mga salawikain, kawikaan, kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.

Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao. 1. Puri sa harap, sa likod paglibak2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila6. Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan7. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo9. Ang taong tamad, kadalasa'y salat10. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot11. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa12. Sagana sa puri, dukha sa sarili

Mga Salawikain patungkol sa kabutihan, kabaitan, kagandahang asal, pagpapakumbaba at pag-ingat. 1. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula2. Ang magandang asal ay kaban ng yaman3. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat4. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan5. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila6. Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon7. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula8. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising9. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili10. Ang lumalakad ng marahan, matinin man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim

Mga salawikain patungkol sa mga pangako at ka kawalan ng kaya. 1. Buhay-alamang, paglukso ay patay2. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad3. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak4. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili5. Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat6. Ang maniwala sa sabi-sabi'y walang bait sa sarili

Mga salawikain patungkol sa pagkakaisa at pagtutulungan. 1. Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa2. Kaya matibay ang walis, palibhasa'y nabibigkis3. Ang mabigat gumagaan pag napagtutuwangan4. Ang lakas ay daig ng paraan5. Minsan man at kong golpe, daig ang pitong biyahe6. Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran

Mga salawikain patungkol sa kagitingan at katapangan. 1. Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan2. Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang tapang3. Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan4. Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang5. Nawala ang ari, ngunit hindi ang lahi6. Ang lalaking tunay na matapang, hindi natatakot sa pana-panaan7. Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan

Page 2: Mga Salawikain

Mga salawikain patungkol sa pagtitiis. 1. Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot2. Pag may hirap, may ginhawa3. Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha4. Pag may kalungkutan, may kasiyahan5. Kung aakyat ka nga't mahuhulog naman, mabuting sa lupa'y mamulot na lamang6. Pagkapawi ng ulap, lumilitaw ang liwanag

Iba pang salawikain... 1. Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.2. Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit.3. Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.4. Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.5. Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.6. Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.7. Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.8. Ang gawa sa pagkabata,dala hanggang pagtanda.9. Pag di ukol, ay di bubukol.10. Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.11. Daig ng maagap ang taong masipag.12. Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain.13. Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.

Ang Mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito Ingles: myth, mga kwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. Mau kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kwentong-bayan. Ang isa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiya ng mga Griyego o ang tinatawag na mitolohiyang Griyego. Ilan sa mga sikat na tauhan sa mitolohiya ng mga Griyego ay ang mga diyos na sina Zeus, Aphrodite, Athena at iba pa.

SI MARIANG MAPANGARAPIN

Page 3: Mga Salawikain

Magandang dalaga si Maria.  Masipag siya at masigla.  Masaya at matalino rin siya.  Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin.  Umaga o tanghali man ay nangangarap siya.  Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising.  Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.  Tuwang-tuwa si Maria!  Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya.  Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya.  Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria.  Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba.  At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw.  At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo.  Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw.  Nabuo ito sa limang dosenang itlog.  At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria.  Sunong niya ang limang dosenang itlog.  Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria.  Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog.  Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng.  Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog!  Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan.  Saka siya umiyak nang umiyak.  Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang ito ay maisakatuparan.

Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.84-85.

ANG PUNONG KAWAYANSa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian.  Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga,

mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog.  Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan. Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

Tingnan ninyo ako,  wika ni Santol.  Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.Daig kita, wika ni Mangga.  Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga. Higit akong maganda, wika ni Kabalyero.  Bulaklak ko'y marami at pulang-pula.  Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.

Ako ang tingnan ninyo.  Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga,wika ni Niyog.  Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan.  Payat na at wala pang bulaklak at bunga.  Tingnan ninyo.  Wala siyang kakibu-kibo.  Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa. Nagtawanan ang mga punungkahoy.  Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy.  Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip.  At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy.  Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.

Mensahe: Ang kababaang-loob, papuri ang dulot.

Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.77-78.

NAKALBO ANG DATUAng kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim.  May katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa

pag-aasawa.  Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.  Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook.  Nalimutan ng datu ang mag-asawa.  Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya.

Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay.  Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan.  Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu.  Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait pa.  Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.

Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin.  Siya ay batang-bata at napakalambing.  Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa.  Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya.  Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.

Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu.  Sa ganito, magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin.  Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa.

Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa.  Maganda, mabait si Farida ngunit kasintanda ng datu.  Tuwang-tuwa si

Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu.  Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda.Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu.  Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng

asawa.Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang datu.  Maligayang-maligaya ang datu at

pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya nag-asawa.  Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang sarili.Kalbo! Kalbo, ako!  sigaw ng datu.

Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Mensahe: Ang pagmamahal ay naipakikita sa iba't-ibang paraan.