mga sinaunang kabihasnan sa asya

41

Upload: university-of-rizal-system-pililla-campus

Post on 21-Apr-2017

6.839 views

Category:

Education


72 download

TRANSCRIPT

BALIK-ARAL Yamang Tao ng Asya

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

1. Taunang pagtaas ng populasyon ng isang bansa.2. Pinakamalaking populasyon sa buong mundo.3. Ang pandarayuhan o paglipat ng lugar o tirahan.4. Pangalawa sa bansa na may pinakamalaking

populasyon sa Asya.5. Bahagdan ng populasyon na walang hanapbuhay o

pinagkakakitaan.

Migrasyon China Unemployment Rate India Population Growth Rate GDP

MGA SINAUNANG

KABIHASNAN SA ASYA

Anu-ano ang nangyari o pagbabago sa paglipas ng

panahon?

Konsepto at Kahulugan ng Kabihasnan at

Sibilisasyon

SIBILISASYONAng sibilisasyon ay mula sa salitang-ugat na civitas na salitang Latin na ang ibig sabihin ay lungsod.Ito ay nangangahulugang masalimuot na pamumuhay sa lungsod.

KABIHASNANAng kabihasnan ay nagmula sa salitang-ugat na bihasa na ang ibig sabihin ay eksperto.Ito ay pamumuhay nanakagawian ng maraming pangkat ng tao. Kasama rito ang wika, kaugalian, paniniwala at sining.

Kabihasnang Sumer

Kabihasnang Indus

Kabihasnang Shang

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya

KABIHASNANG SUMER

KABIHASNANG SUMERAng Mesopotamia ang kinilala bilang cradle of civilization dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao. Matatagpuan ang Mesopotamia sa Gitnang Silangan na tinawag na Fertile Crescent kung saan matatagpuan ang kambal-ilog na Tigris at Euprates.

Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya

Ilan sa mga pinakamahalagang lungsod na lumitaw sa Sumer ay ang Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Nippur, at Kish.

Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiyaPagtatanim, pangangalakal, pangangaso at pag-aalaga ng hayop ang pangunahing hanapbuhay ng mga Sumerian.

Sistemang Panrelihiyon

Ang pinakamalaking gusali sa Sumer ay ang templo na tinatawag na Ziggurat. Pinamunuan ng mga haring pari ang mga lungsod dito.

Sistemang Panlipunan

Sa usaping pamumuhay may espesyalisasyon ang mga Sumerian na nagbigay-daan sa pag-usbong ng uring panlipunan. Mataas ang tingin sa mga pinunong hari, kasunod nito ang mga mangangalakal, artisano, at mga scribe, at sa huli ay mga magsasaka at alipin.

Mga Ambag ng Sumerian

Isa sa mga ambag ng mga Sumerian ay ang sistema ng pagsulat na tinawag ba cuneiform kung saan naitala ng mga scribe sa mga clay tablet ang mga mahahalagang pangyayaring naganap.

Iba pang kontibusyon

• Epic of Gilgamesh• Araro at mga kariton na may gulong• Palayok• Perang pilak• Lunar calendar• Decimal system

KABIHASNANG INDUS

KABIHASNANG INDUS

Sa Timog Asya makikita ang lambak-ilog ng Indus at Ganges. Dito umusbong ang kabihasnang Indus.

Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya

Mohenjo-Daro at Harappa

Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya

May dalawang importanteng lungsod ang umusbong dito, ang Harappa at Mohenjo-Daro. Planado at organisado ang mga lungsod na ito na ipinakita sa mga lansangang nakadisensyo sa kuwadrado (grid-patterned) at pare-pareho ang sukat ng bloke ng kabahayan.

Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya

• Pinalagay na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. • Pinamunuan ang kabihasnang ito ng mga haring pari.• Pagsasaka ang ikinabuhay ng mga tao dito.• Natuto rin silang makipag- kalakalan sa mga karatig lungsod.

Sistemang PanrelihiyonSinasamba ng mga Dravidian ang maraming Diyos na sumisimbolo sa pwersa ng kalikasan.

Mga Ambag

PICTOGRAM

Ang mga Dravidian ay gumamit ng mga pictogram bilang sistema ng pagsulat, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung ano ang kahulugan ng mga ito.

KABIHASNANG INDUSNaging mahiwaga ang paglaho ng

kabihasnang Indus . May paliwanag ang iskolar dito. Ayon sa kanilang teorya :1. Kalamidad2. Pananakop

Ngunit walalang matibay na ebidensyang naipakita sa mga paliwanag na ito.

KABIHASNANG SHANG

KABIHASNANG SHANGIto ang kabihasnang nagsimula sa lambak

ng Huang Ho sa China na tinawag ding Yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag-iiwan ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit dito.

Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya

May mga pamayanan ng umusbong dito bago ang Shang. Ito ang kalinangan ng Yanshao (3000 BCE – 1500 BCE) at Lungshan (2500 BCE -2000 BCE). Pagtatanim ang pangunahing gawain sa panahong ito.

Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya

Ang Lungshan ay naging transisyon tungo sa Kabihasnang Shang. May hinalang may naunang dinastiya na natatag dito, ang Xia subalit wala itong matibay na basehan ebidensyang arkeolohikal.

Mga Ambag

Calligraphy ang sistema ng kanilang pagsulat na nagsilbing taga pag-isa sa mga Tsino. Gianamit na simbolo ng pagsulat ang mga oracle bone.

ORACLE BONES CALLIGRAPHY

Maikling Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?

A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng taoB. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiyaC. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambaD. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran

2. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Sumerian sa kabihasnang pandaigdig?

A. Sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiformB. Ang pagkatuklas ng pottery wheelC. Mga seda at porcelanaD. Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal system

3. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilangdambana ng kanilang diyos o diyosa?

A. Great Wall of ChinaB. Taj MahalC. ZigguratD. Hanging Garden

4. Ito ang sistema ng pagsulat na ginagamit ng kabihasnang Shang.

A. cuneiformB. pictographC. calligraphyD. oracle bones

5. Ito ang pinakamahalagang lungsod sa Kabihasnang Indus.

A. Tigris at EuphratesB. Ur at UrukC. Huang Ho at Yang tzeD. Mohenjo-Daro at Harrapa

Sagot:1. A2. A3. C4. C5. D

Takdang Aralin

1. Magsaliksik at lumikom ng mga datos mula sa aklat o internet tungkol sa kaisipang Asyano sa pagbuo ng Imperyo.

2. Paano nabuo ang imperyo batay sa mga pananaw, tradisyon at paniniwala na nagsilbing haligi ng kanilang pag unlad? Ipaliwanag.