mga sulliranin na dinadanas ng mga estudyanteng inhinyero sibil

8
Mga Sulliranin na dinadanas ng mga Estudyanteng Inhinyero Sibil Sa Unibersidad ng Negros Occidental Recoletos Taong 2013:2014 Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Asignaturang Filipino ng Unibersidad ng Neg. Occ. –Recoletos Bacolod City Iniharap kay: Mr. Patchito Moreno Mula sa Sangay ng Enhenyero Sibil Iniharap nina: Sean Karlo Amparado Jin Paolo Dayot

Upload: babet-warhead

Post on 26-Sep-2015

2.340 views

Category:

Documents


201 download

DESCRIPTION

Filipino

TRANSCRIPT

Mga Sulliranin na dinadanas ng mga Estudyanteng Inhinyero SibilSa Unibersidad ng Negros Occidental RecoletosTaong 2013:2014Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Asignaturang Filipino ng Unibersidad ng Neg. Occ. Recoletos Bacolod City

Iniharap kay: Mr. Patchito Moreno

Mula sa Sangay ng Enhenyero Sibil

Iniharap nina:Sean Karlo AmparadoJin Paolo Dayot

February 27, 2015

INTRODUKSYON

Seryoso sa Edukasyon. Ito ang sigaw ng mag-aaral sa ating henerasyon. Lahat tayo ay gustong mag-aral ng walang sagabal. Sa ating henerasyon ngayon masasabi nating kahit saan na lang ang temptasyon mapa sa bahay man o sa paaralan. Sa panahong ngayon kung saan ang bansa ay nasa oras ng pagprogreso nadadagdagan naman ang mga sagabal sa pag-aaral tulad ng mga bisyo, kompyuter, mga clubs at iba pa. Dahil sa mga sagabal na ito mas nadadagdagan pa ang mga estudyanteng drop out kung saan ang mga magulang sa ay ang lumalabas na kawawa.

Ang layunin ng pamanahong papel na ito ay ipaliwanag ang bawat isang sagabal/suliranin na nagdudulot ng masamang epekto sa pag-aaral ng mga estudyanteng inhinyero sibil ng Unibersidad ng Negros Occidental Recoletos taong 2013-2014. Impormasyon na galing mismo sa mga mag-aaral ng Inhinyero Sibil na aming nakuha mula sa ginawang survey. Bawat isa ay may ibat ibang opinion sa tanong na aming binagay sa sarbey, ibig sabihin ay bawat isa sa kanila ay mga sariling bagay na nagdudulot ng sagabal sa kanilang pag-aaral. Ito ay nais naming ipaliwanag sa aming ginawang pamanahong papel.

Paglalahad ng SuliraninAng mga sumusunod na tanong ay sisikaping tugunin n gaming pananaliksik na ito: Ano ang mga bagay na nagpapahirap sa nasabing kurso? Paano ito nalagpasan at nagpagtagumpayan? Ano ang mga bagay na nagging sagabal sa inyong pag-aaral na maaring nagging sanhi ng kahirapan ng nasabing kurso? Ano ang mapapayo niyo upang matulungan ang mga estudyanteng kasing kurso ninyo?Kahalagahan ng Pag-aaralMahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mabababang taon na kumukuha ng inhinyero sibil sapagkat pinapakita sa pag-aaral na ito ang mga suliranin na dinadanas ng isang kasing kurso na mga estudyante at kung paano nila nalulutas ito. Makakatulong ito sa mga estudyanteng nakakaranas ng pare-parehong suliranin tulad sa aming pananaliksik. Makakatulong din ito sa mga guro o administrator dahil sa pamamagitan ng mga impormasyon at ginawang pananaliksik ay maiintindihan o mauunawaan nila ang mga mag-aaral na dumadaan sa mga problema .

Depinisyon ng mga TerminoPara maunawaan ng lubos ang aming pananaliksik, binigyan namin ng kahulugan ang mga terminong ginamit. Inhinyero Sibil - ay isang disiplina ng inhinyerong prupesyunal na humaharap sa pagdidisenyo, pagbubuo, at pagpapanatili ng pisikal at likas na itinatatag na kapaligiran, kabilang ang mga pagawain katulad ng mga kalsada, mga tulay, mga kanal, mga prinsa, at mga gusali. Surveying/Pagtilingin - iyon sangay ng inilapat matematika na itinuturo ng sining ng pagtukoy ng lugar ng anumang bahagi ng kalatagan ng earth, ang haba at mga direksyon ng bounding mga linya, ang ayos ng ibabaw, atbp. Calculus - Isang paraan ng pag-compute anumang proseso ng pagdadahilan sa pamamagitan ng paggamit ng mga simbolo anumang branch ng matematika na maaaring magsama ng pagkalkula Barycentric calculus. Haydrolika - Iyon sangay ng agham, o ng engineering, na itinuturing ng mga likido sa paggalaw, lalo na ng tubig, ang pagkilos nito sa mga ilog at kanal. Temptasyon/Tukso - Isang bagay na kaakit-akit, tempting o seductive isang pang-akit o enticement. Infrastructure/Imprastraktura - Ang isang nakapailalim na base o pundasyon lalo na para sa isang organisasyon o ng system ang mga pangunahing kagamitan sa, mga serbisyo at mga pag-install na kinakailangan para sa paggana ng isang komunidad o lipunan

Saklaw ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa ibat ibang suliranin na sumasagabal sa pag-aaral ng mga 5th year na mag-aaral sa Unibersidad ng Negros Occidental Recoletos. May kabuuan na 20 respondent ang binigyan ng mga parehong katanungan at ito ay ipinasagot sa mga mag-aaral ng inhinyero sibil.