mga uri ng liham pangkaibigan

12
Mga Uri ng Liham- Pangkaibigan Inihanda ni: Bb. Jasmin Gregorio Sanggunian: Pinagyamang Pluma 4, pahina 440 Inihanda ni: Bb. Jasmin Gregorio

Upload: jassy-gregorio

Post on 23-Jan-2018

5.471 views

Category:

Education


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Uri ng Liham Pangkaibigan

Mga Uri ng

Liham-

PangkaibiganInihanda ni: Bb. Jasmin Gregorio

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 4, pahina 440

Inihanda ni: Bb. Jasmin Gregorio

Page 2: Mga Uri ng Liham Pangkaibigan

Liham ng Pangangamusta

• Ito ang uri ng liham na nagsasaad ng

pangangamusta sa kalagayan ng isang

nalayong kaibigan o mahal sa buhay.

Inihanda ni: Bb. Jasmin Gregorio

Page 3: Mga Uri ng Liham Pangkaibigan

Brgy. TalipapaQuezon CityMarso 10, 2014

Mahal kong kaibigan,

Kahit matagal na tayo hindi nagkikita hindi parin ako nakakalimot sa ating pagkakaibigan. Kamustaka na ba? Ako pala ngayon ay isa ng mangagamot.Sana ay nasa mabuti kang kalagayan.

Hanggang dito na lamang.

Ang iyong kaibigan,Carmela

Inihanda ni: Bb. Jasmin Gregorio

Page 4: Mga Uri ng Liham Pangkaibigan

Liham ng Paanyaya

• Nagsasaad ito ng pag-aanyaya sa isang

kaibigan o mahal sa buhay na dumalo

sa isang kasiyahan o pagtitipon.

Inihanda ni: Bb. Jasmin Gregorio

Page 5: Mga Uri ng Liham Pangkaibigan

Brgy. Talipapa

Quezon City

Marso 10, 2014

Mahal kong kaibigan,

Sa darating na Marso 22, 2014 ay magkakaroon ng

kaunting salo-salo na gaganapin dito sa aming tahanan. Ito ay sa

ganap na ika-3 ng hapon. Ang lahat ng ating mga kaibigan ay

nagpasabing makakarating para sa okasyong ito. Ito ay bilang

pasasalamat sa ika 110 kaarawan ng aking abuelo.

Umaasa ako na darating ka sa araw na nabanggit.

Ang iyong kaibigan,

Carmela

Inihanda ni: Bb. Jasmin Gregorio

Page 6: Mga Uri ng Liham Pangkaibigan

Liham ng Pagtanggap sa

Paanyaya

• Nagsasaad ng pagtanggap sa

isang paanyaya.

Inihanda ni: Bb. Jasmin Gregorio

Page 7: Mga Uri ng Liham Pangkaibigan

Brgy. TalipapaQuezon CityMarso 10, 2014

Mahal kong kaibigan,

Natanggap ko ang iyong liham para sa iyongkaarawan. Ikinagagalak kong sabihin sa iyo na ako'ypupunta ng sakto sa oras na nasa liham mo. Asahan moang aking pagdalo sa iyong kaarawan.

Maraming salamat sa iyong paanyaya.

Ang iyong kaibigan,Carmela

Inihanda ni: Bb. Jasmin Gregorio

Page 8: Mga Uri ng Liham Pangkaibigan

Liham ng Pasasalamat

• Nagsasaad ng pasasalamat sa isang

handog o pabor na natanggap.

Inihanda ni: Bb. Jasmin Gregorio

Page 9: Mga Uri ng Liham Pangkaibigan

Brgy. TalipapaQuezon CityMarso 10, 2014

Mahal kong kaibigan,

Labis akong nagpapasalamat sa ipinadala mongbagong damit noong magtatapos ako sa MababangPaaralan. Hustong-husto iyon sa akin. Ang sabi nga ngkapatid ko ay para raw isinukat. Talagang tuwang-tuwaako at gandang-ganda sa iyong regalo.

Salamat na muli.

Ang iyong kaibigan,Carmela

Inihanda ni: Bb. Jasmin Gregorio

Page 10: Mga Uri ng Liham Pangkaibigan

Liham ng Pakikiramay

• Isinusulat ito upang iparating sa isang

kaibigan na namatayan ng isang mahal

sa buhay ang pagdamay sa panahon ng

kanyang kalungkutan at pagdarasal

para sa kaluluwa ng yumao.

Inihanda ni: Bb. Jasmin Gregorio

Page 11: Mga Uri ng Liham Pangkaibigan

Brgy. Talipapa

Quezon City

Marso 10, 2014

Mahal kong kaibigan,

Labis akong nakikiramay sa pagkawala ng iyong ama

noong nakaraang linggo. Pasensya na kung hindi ako nakapunta

sa burol ng iyong ama kahapon dahil marami akong inasikasong

trabaho sa bahay. Dagdagan pa sana ninyo ang inyong dasal

dahil alam ko na hindi pababayaan ng Diyos ang inyong

pamilya.

Ipahatid mo sa iyong pamilya ang aking pakikiramay.

Ang iyong kaibigan,

CarmelaInihanda ni: Bb. Jasmin Gregorio

Page 12: Mga Uri ng Liham Pangkaibigan

Inihanda ni: Bb. Jasmin Gregorio

Salamat sa

Pakikinig!