minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. sa loob ng...

17

Upload: others

Post on 22-Apr-2020

4 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon,
Page 2: Minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon,

Minamahal na kasamahanNagsimula ang HEINEKEN mula sa isang brewery sa Amsterdam noong 1864, na lumago at naging pinakakilalang brewer sa buong mundo. Hinubog ang HEINEKEN ng ating patuloy na katapatan sa ating mga pinahahalagahan sa loob ng mahigit 150 taon.

Bilang isang pandaigdigang brewer na maipagmamalaki at responsable, naninindigan tayo sa pakikipagnegosyo nang may integridad at nang patas, at nang may paggalang sa batas, sa ating mga pinahahalagahan, at sa ating Manifesto ng Kumpanya na Tayo’y HEINEKEN. Nakasaad ang paninindigang ito sa Code of Business Conduct ng HEINEKEN (‘‘Kodigo’’) na ito.

Ipinapaliwanag sa Kodigo ang ating paninindigan at kung ano ang inaasahan mula sa ating lahat - bilang indibidwal at bilang isang pangkat - sa bawat merkado at sa bawat antas. Nagbibigay ang mga napapailalim na patakaran ng higit pang gabay na magagamit sa bawat paksa.

Ang bawat isa sa atin ay may responsibilidad na unawain ang Kodigo at ang mga napapailalim na patakaran. Kung kaya, basahin, talakayin, at ilapat ang mga ito sa iyong araw-araw na trabaho. May responsibilidad tayong lahat na itaguyod ang reputasyon ng HEINEKEN.

Batid natin na hindi madaling gawin sa lahat ng pagkakataon ang pagsasabuhay sa ating mga pinahahalagahan at sa Kodigong ito. Maaaring maharap ka sa mga pagsasalungat at mahirap na kalagayan. Kung minsan, maaari ding mangahulugan ito na kailangan nating muling pag-isipan ang ating mga ginagawa, o palampasin ang ating mga oportunidad sa negosyo. Batid natin na kailangan ng tapang sa paggawa ng mga tamang desisyon, pero may kumpiyansa kami na mabibigyan ka ng Kodigong ito ng gabay na kailangan mo para magawa iyon. Kapag may pag-aalinlangan, maging bukas at talakayin ang mga posibleng alalahanin sa iyong mga katrabaho, manager, Pinagkakatiwalaang Kinatawan o departamentong Legal. Kung may mga alalahanin ka tungkol sa isang posibleng paglabag sa ating Kodigo o sa mga napapailalim na patakaran, iparating ito sa pamamagitan ng isa sa ating mga channel ng Speak Up.

Nakasentro sa mga tao ang ating Kumpanya. Sa iyo magsisimula ang ating tagumpay. Ang HEINEKEN ay isang malaking kumpanya at sa pamamagitan ng pananatiling tapat sa ating mga pinahahalagahan at sa Kodigong ito, sama-sama nating huhubugin ang daan patungo sa tagumpay sa hinaharap.

Jean-François van Boxmeer

Chairman ng Executive Board/CEO

Laurence Debroux

Miyembro ng Executive Board/CFO

Page 3: Minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon,

MGA NILALAMANPANIMULAAng ating mga pinahahalagahan at Tayo’y HEINEKEN Ano ang Kodigo?

ANG ATING KODIGO

ITINATAGUYOD NATIN ANG RESPONSABLENG PAGGAMIT Responsableng paggamit

IGINAGALANG NATIN ANG MGA TAO AT ANG DAIGDIG Kalusugan at kaligtasan Mga karapatang pantao Pandidiskrimina at panliligalig Kapaligiran

NAKIKIPAGNEGOSYO TAYO NANG MAY INTEGRIDAD AT NANG PATAS Kumpetisyon Panunuhol Mga regalo, entertainment, hospitality, at donasyon Money laundering at mga sanction Mga salungatan ng interes Mga kasosyo sa negosyo

PINAPANGALAGAAN NATIN ANG MGA ASSET NG ATING KUMPANYA Paggamit ng mga mapagkukunan ng kumpanya Panloloko Privacy at proteksyon ng data Ari-ariang intelektwal at kumpidensyal na impormasyon Insider dealing Mga responsableng komunikasyon

ANG IYONG MGA RESPONSIBILIDADAno ang iyong mga responsibilidad? Kailan ka dapat kumilos? Mag-ulatPagtutol sa paghihigantiMga panukala sa pagdidisiplinaMay mga tanong ka ba?

12

3

4455

667788

99

10101111

121212131313

Pahina

Page 4: Minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon,

ANG ATING MGA PINAHAHALAGAHAN AT TAYO’Y HEINEKENSimula sa ating pagkakatatag, naninindigan na tayo sa mga matagal na nating pinahahalagahan: Dedikasyon sa kalidad, Kasiyahan sa buhay, Paggalang sa mga tao at sa daigdig. Ipinapakita sa ating mga pinahahalagahan kung ano ang pinaninindigan natin bilang isang kinikilalang kumpanya, kasosyo sa negosyo, at employer.

Sa pinakasimula pa lang, kalidad na ang pinakamahalagang pinagtutuunan ng HEINEKEN. Binibigyan tayo ng ating mga mamimili ng inspirasyong magtimpla ng pinakamasasarap na beer at cider, at magbigay ng katulad na dedikasyon sa lahat ng ating brand, produkto, at aktibidad. Hinuhubog ng dedikasyong ito ang lahat ng ginagawa natin, mula sa pagpapalago ng ating brand portfolio hanggang sa pagpapasaya ng mga customer at mamimili sa tulong ng makabagong ideya. Ito ang dahilan kung bakit tayo namumuhunan sa tao, teknolohiya, at sa patuloy na pagpapahusay ng ating organisasyon at mga operasyon.

Mas pinasasaya ng HEINEKEN ang buhay. Naghahatid tayo ng kasiyahan sa mga mamimili sa pamamagitan ng responsableng promosyon ng ating mga produkto, at sa pagsuporta sa mga kaganapang mahalaga sa kanila. Sinasalamin din ng kultura ng ating kumpanya ang pinahahalagahang ito: masayang nagtatrabaho ang mga tao sa ating Kumpanya dahil sa ating kasaysayan, mga brand na kinikilala sa buong mundo, at mga dedikadong kasamahan sa trabaho.

Nakatuon tayo sa ating mga komunidad at nagsisikap tayong patuloy na mapabuti ang epekto natin sa daigdig. Nangangahulugan ito na iginagalang natin ang mga karapatang pantao, at inaalagaan natin nang mabuti ang mga tao at lugar sa paligid natin. Sumusunod tayo sa bawat batas at panuntunan ng ating mga lokal na merkado. Humuhugot din tayo ng lakas sa pagkakaiba-iba ng mga tao at kultura. Ang pagkakaroon natin ng pananagutan sa ating paligid ang humubog sa ating mga responsableng kasanayan kaugnay ng alak, lipunan, at kapaligiran.

Sinasalamin ang ating mga pinahahalagahan sa Tayo’y HEINEKEN

DEDIKASYON SA KALIDAD

KASIYAHAN SA BUHAY

PAGGALANG SA MGA TAO AT SA DAIGDIG

1

PANIMULA

Page 5: Minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon,

ANO ANG KODIGO?Isinasaad sa Kodigo ang mga pangunahing prinsipyo na dapat sundin ng bawat isa sa atin kapag kumikilos para sa o sa ngalan ng ating Kumpanya. Ipinapaliwanag dito kung ano ang pinaninindigan natin at kung ano ang inaasahan sa iyo bilang isang empleyado. Nagbibigay ang mga napapailalim na patakaran ng higit pang gabay na magagamit sa iba’t ibang paksa sa Kodigo.

Nalalapat ang Kodigo at ang mga patakaran sa lahat ng indibidwal na empleyado ng alinmang kumpanya ng HEINEKEN, anuman ang uri ng kontrata o saanman ang lokasyon ng kanilang trabaho. Nalalapat din ang Kodigo at ang mga patakaran sa mga indibidwal na nagtatrabaho para sa HEINEKEN sa pamamagitan ng third party na kontrata. Ang HEINEKEN at ang ating Kumpanya ay tumutukoy sa bawat kumpanya na may malaking bahagi na pagmamay-ari at kinokontrol, nang direkta o hindi direkta, ng Heineken N.V.

Hindi kumpletong nakasaad sa Kodigo at sa mga patakaran ang lahat ng sitwasyon na maaaring mangyari, at hindi rin nito isinasantabi ang pangangailangan na maging matalino sa pag-iisip at maging propesyonal sa pagpapasya.

Inaasahan namin na kikilos ka bilang ambasador ng HEINEKEN sa lahat ng pagkakataon at iingatan mo ang iyong reputasyon at ang reputasyon ng HEINEKEN.

2

Page 6: Minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon,

ITINATAGUYOD NATIN ANG RESPONSABLENG PAGGAMITRESPONSABLENG PAGGAMIT

Isinusulong natin ang responsableng paggamit sa lahat ng pagkakataon

Bilang isa sa mga nangungunang brewer sa mundo, isinusulong natin ang kasiyahan sa pagkonsumo ng ating mga produkto sa katamtamang dami bilang bahagi ng balanseng pamumuhay. Ipinakikilala at ibinebenta natin ang ating mga brand sa responsableng paraan at nakikipagtulungan tayo sa mga kasosyo para mabawasan ang nakakasamang pag-inom, gaya ng labis na pag-inom, pagmamaneho nang nakainom, pag-inom habang buntis, at pag-inom nang wala pa sa legal na edad.

Mga ambasador tayong lahat para sa responsableng paggamit. Kung iinom ka ng alak, uminom nito sa katamtamang dami, sa naaangkop na panahon, sa naaangkop na lugar, at para sa mga naaangkop dahilan. Sundin ang legal na edad sa pag-inom sa lahat ng pagkakataon at palaging sumunod sa mga limitasyon sa dami ng nainom kung magmamaneho. Gayunpaman, lubos ka naming hinihikayat na: Kapag magmamaneho ka, huwag uminom.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Patakaran ng HEINEKEN sa responsableng pag-inom ng alak

ANG ATING KODIGO

3

Page 7: Minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon,

KALUSUGAN AT KALIGTASAN

Inuuna natin ang kalusugan at kaligtasan

Nakasentro sa mga tao ang ating Kumpanya. Ibig sabihin, palagi nating inuuna ang kanilang kalusugan at kaligtasan. May tungkulin tayong lahat na magtrabaho nang ligtas. Sa lahat ng pagkakataon, dapat tayong sumunod sa mga panuntunan at pamamaraan sa kaligtasan, tayo man ay nasa lugar ng trabaho, bumibisita sa mga site, nakikipagpulong sa mga customer o bumibiyahe.

Siguraduhing alam mo ang gagawin kung magkaroon ng emergency sa lugar ng trabaho mo, o sa kahit aling lugar na binibisita mo. Sundin sa lahat ng pagkakataon ang Mga Panuntunan sa Pagsagip ng Buhay at iulat ang anumang insidente, mapanganib na sitwasyon, o muntikan nang aksidente.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Mga Panuntunan sa Pagsagip ng Buhay at sa Patakaran ng HEINEKEN sa kalusugan at kaligtasan

IGINAGALANG NATIN ANG MGA TAO AT ANG DAIGDIG

MGA KARAPATANG PANTAO

Iginagalang natin ang dignidad at mga karapatang pantao ng lahat

Nagnenegosyo tayo nang may paggalang sa napakahalagang dignidad ng mga tao at sa kanilang mga karapatang pantao. Nakaugnay ito sa ating mga pinahahalagahan, mga patakaran, at mga paninindigan sa mga internasyonal na pamantayan.

Inaasahan naming titiyakin mo ang pagsunod sa mga paninindigan ng ating Kumpanya sa mga karapatang pantao. Hinihikayat ka namin, gayundin ang ating mga customer, supplier, at iba pang kasosyo sa negosyo at iba pang taong nauugnay sa ating mga aktibidad, na mag-ulat kung may maoobserbahan o paghihinalaan kang mga posibleng paglabag sa mga karapatang pantao.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Patakaran ng HEINEKEN sa mga karapatang pantao

4

Page 8: Minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon,

KAPALIGIRAN

Sinisikap nating patuloy na mabawasan ang hindi magandang epektong dulot natin sa daigdig

Naniniwala tayo na mayroon tayong responsibilidad sa aktibong pagbabawas ng hindi magandang epektong dulot natin sa kapaligiran. Bilang bahagi ng ating programa sa pagpapanatili na Brew a Better World, pangarap nating mapalago ang ating negosyo nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon, partikular nating tinututukan ang pagbabawas natin ng mga emisyon ng CO2 at pagkonsumo ng tubig, enerhiya, at mga raw material, at ang higit na paggamit natin ng mga renewable na enerhiya. Pinagtutuunan din natin ang pagbabawas ng basura sa pamamagitan ng pag-recycle at muling paggamit.

Inaasahan naming tutulong ka sa mga ambisyong ito at hinihikayat ka naming patuloy na magpakilala, bumuo, at magpahusay ng mga inisyatiba sa pagpapanatili sa iyong araw-araw na trabaho. Siyasatin o iulat ang mga sitwasyon o desisyong lumalabag sa programa sa pagpapanatili ng Kumpanya at nagpapalala sa hindi magandang epektong dulot natin sa kapaligiran.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa ating programa sa pagpapanatili na Brew a Better World

5

PANDIDISKRIMINA AT PANLILIGALIG

Hindi natin pinapayagan ang pandidiskrimina at panliligalig

Pinakikitunguhan natin ang mga tao nang pantay at patas, batay sa prinsipyo ng pagtutol sa diskriminasyon. Iginagalang natin ang pagkakaiba-iba ng mga kultura at indibidwal at isinusulong natin ang pagtanggap sa lahat. Kinukuha natin sa trabaho, ginagantimpalaan, at pino-promote ang mga tao batay sa prinsipyo ng pantay na oportunidad nang walang diskriminasyon batay sa, ngunit hindi limitado sa, lahi, kulay, kasarian, sekswal na oryentasyon, relihiyon, pinagmulang bansa o lipunan, edad, at kapansanan.

Ang pangunahing aspeto ng pagprotekta sa personal na dignidad at pagkakapantay-pantay ng bawat empleyado ay tiyaking walang mangyayaring anumang uri ng panliligalig. Pakitunguhan ang iyong mga kasamahan nang may paggalang at nang patas, at iwasan ang mga sitwasyon na maaaring ituring na hindi naaangkop. Hindi natin pinapalampas ang pisikal, pasalita, sekswal, o sikolohikal na panliligalig, pang-aapi, pang-aabuso, o pagbabanta. Kung may maoobserbahan o mapaghihinalaan kang pandidiskrimina o panliligalig sa lugar ng trabaho, hinihikayat ka naming iulat ito.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Patakaran ng HEINEKEN sa mga karapatang pantao

Page 9: Minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon,

KUMPETISYON

Naninindigan tayo sa prinsipyo ng masigla pero patas na kumpetisyon

Nagsisikap tayong manguna, pero palagi tayong nakikipagkumpitensya nang alinsunod sa mga batas sa kumpetisyon. Kinakailangan sa ating mga ugnayang pangnegosyo sa mga customer at supplier, gayundin sa mga pana-panahong pakikipag-ugnayan natin sa mga kakumpitensya, ang masusing pagtuon sa mga panuntunan sa kumpetisyon ng alinmang lugar kung saan tayo nagnenegosyo. Halimbawa, mga sitwasyon kung saan direkta tayong nakikipag-ugnayan sa isang kakumpitensya, at kapag nakikipagpalitan tayo ng impormasyon sa mga kakumpitensya sa hindi direktang paraan sa pamamagitan ng mga samahan ng mga brewer o mga pahayag sa pampublikong media. Nalalapat din ito kapag gusto nating pumasok sa mga eksklusibong kasunduan sa mga supplier at customer. Dagdag pa rito, kailangan nating tiyaking magrerekomenda lang tayo, at hindi kailanman maggigiit, ng mga pinakamababang presyo ng resale sa ating mga customer.

Kaugnay ng mga nabanggit na sitwasyon sa itaas, o kung sakaling may anumang tanong ka tungkol sa mga batas sa kumpetisyon sa iyong bansa, makipag-ugnayan palagi sa iyong departamentong Legal para mapag-usapan ito. Mag-ulat kung may maobserbahan o paghinalaan kang anumang paglabag sa mga batas sa kumpetisyon.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Patakaran ng HEINEKEN sa kumpetisyon

6

NAKIKIPAGNEGOSYO TAYO NANG MAY INTEGRIDAD AT NANG PATAS

PANUNUHOL

Hindi natin pinapahintulutan ang anumang anyo ng panunuhol saanman, anumang oras

Hinahangad nating manguna nang may integridad at nang patas. Kasama sa ating prinsipyo na hindi kailanman tatanggap, manghihingi, makikibahagi, magsasagawa, mag-aalok, mangangako, o magpapahintulot ng anumang panunuhol sa kahit na sino, saanman, anumang oras. Ang panunuhol ay nangangahulugang nagbibigay o tumatanggap tayo ng anumang bagay na may halaga sa o mula sa sinuman, na mga opisyal ng pamahalaan o komersyal na partido, para makakuha o magpanatili ng negosyo, mang-impluwensya ng mga desisyon, o maniguro ng hindi naaangkop na kalamangan sa pakikipagnegosyo. Kasama rin dito ang panunuhol sa pamamagitan ng ibang tao, gaya ng mga third party, at pagbibigay ng mga lagay. Maging alerto at palaging sumunod sa mga naaangkop na batas at patakaran kapag nagbibigay ng anumang bagay na may halaga, gaya ng mga regalo, entertainment, hospitality, at mga donasyon sa kawanggawa. Kung may maobserbahan o paghinalaan kang nagaganap na panunuhol, iulat ito.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Patakaran ng HEINEKEN sa panunuhol, Patakaran ng HEINEKEN sa mga regalo, entertainment, at hospitality at Patakaran ng HEINEKEN sa mga kontribusyon sa pulitika, donasyon sa kawanggawa, at pag-iimpluwensya

Page 10: Minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon,

MGA REGALO, ENTERTAINMENT, HOSPITALITY, AT DONASYON

Nag-aalok at tumatanggap tayo ng mga regalo, entertainment, hospitality, at mga donasyon sa kawanggawa sa naaangkop at bukas na paraan, paminsan-minsan lang at hindi para sa maling pang-iimpluwensya ng mga desisyon sa negosyo

Nakikipagtulungan tayo sa ating mga customer, supplier, at iba pang kasosyo sa negosyo para sa sama-samang pag-unlad. Kaugnay rin dito ang mabuting pakikisama, pagpapanatili ng mga matagal nang ugnayang pangnegosyo, at pagpapakita ng pagpapahalaga. Mahalaga sa ating negosyo ang pag-aayos at pakikibahagi sa mga kaganapang nag-aambag sa pagkakaroon ng kasiyahan sa buhay. Gayunpaman, ang mga regalo, entertainment, at hospitality ay hindi dapat kailanman mang-impluwensya, o magmistulang nang-iimpluwensya, sa integridad ng mga desisyon sa negosyo o sa katapatan ng mga taong may kaugnayan dito.

Kung magbibigay o tatanggap ka ng mga regalo, mga pagkain sa pakikipagnegosyo, entertainment, o hospitality, tiyaking naaangkop at hindi labis ang mga ito. Ibigay at tanggapin ang mga ito nang bukas at walang inaasahang kapalit. Sa lahat ng oras, dapat pangalagaan ang ating reputasyon, maging propesyonal sa pagpapasya, at umiwas sa hindi nararapat na panggigipit sa tatanggap.

Sensitibo tayo sa mga tradisyon sa komunidad at kultura ng mga lugar kung saan tayo nagnenegosyo, ngunit hindi tayo nagbibigay ng mga kontribusyon sa mga pulitiko o partido sa pulitika. Maaari tayong magbigay ng mga donasyon sa kawanggawa, pero palagi natin itong ginagawa sa malinaw at propesyonal na paraan.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Patakaran ng HEINEKEN sa mga regalo, entertainment, at hospitality at Patakaran ng HEINEKEN sa mga kontribusyon sa pulitika, donasyon sa kawanggawa, at pag-iimpluwensya

MONEY LAUNDERING AT MGA SANCTION

Hindi tayo nangangasiwa ng money laundering o nakikipagnegosyo sa mga partidong may sanction

Hindi natin gustong magamit ng iba ang ating negosyo para sa mga layunin ng money laundering, pagtutustos sa terorista o anumang iba pang kriminal na gawain. Gayundin, hindi tayo nakikipagnegosyo sa mga tao, entity, pamahalaan o bansa, kung ang pakikipagnegosyong iyon ay lumalabag sa mga naaangkop na (pang-ekonomiyang) sanction. Para maiwasan ang anumang paglabag sa mga batas laban sa money laundering o sa mga sanction, mahalaga para sa atin na kilalanin ang ating mga customer, supplier, at iba pang kasosyo sa negosyo.

Tiyaking sumunod sa mga lokal na batas at sa anumang kinakailangang pag-uulat. Mag-ulat kung mayroon kang mga alalahanin tungkol sa mga gawain ng money laundering o aktibidad na maaaring lumabag sa mga sanction.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Patakaran ng HEINEKEN sa money laundering at mga sanction

7

Page 11: Minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon,

MGA KASOSYO SA NEGOSYO

Hangad nating makipagnegosyo sa mga kasosyo na katulad nating may mga pinahahalagahan at paninindigan sa responsableng pakikipagnegosyo

Naniniwala tayo na mahalagang makipagtransaksyon sa mga customer, supplier, at iba pang kasosyo sa negosyo na katulad nating may mga pinahahalagahan at paninindigan sa responsableng pakikipagnegosyo. Nakadepende sa paninindigang ito ang ating patuloy na pagtatagumpay sa buong mundo. Dahil sa kabila ng lahat ng ito, maaaring direktang makaapekto sa ating reputasyon ang mga kasosyo sa negosyo sa pamamagitan ng kanilang iaasal. Inaasahan natin mula sa ating mga customer at iba pang kasosyo sa negosyo na sila ay kikilos nang may integridad at nang patas, susunod sa mga naaangkop na batas, at kikilos sa paraang naaayon sa Kodigong ito. Dagdag pa rito, inaasahan mula sa mga supplier na susunod sila sa Supplier Code.

Hinihikayat ka naming mag-ulat kung may anumang hinala o pag-aalinlangan ka tungkol sa maling asal ng ating mga kasosyo sa negosyo. Hinihikayat din natin ang ating mga customer, supplier, at iba pang kasosyo sa negosyo na mag-ulat kung may anuman silang alalahanin hinggil sa posibleng paglabag sa batas o sa Kodigong ito.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Supplier Code ng HEINEKEN, Patakaran ng HEINEKEN sa panunuhol, at Patakaran ng HEINEKEN sa money laundering at mga pang-ekonomiyang sanction

MGA SALUNGATAN NG INTERES

Iniiwasan natin ang mga salungatan ng interes sa pagitan ng mga interes sa negosyo at personal na interes

May responsibilidad ang bawat isa sa atin na magpasya para sa ikabubuti ng ating Kumpanya nang hindi naiimpluwensyahan ng mga personal na pagsasaalang-alang. Mahalagang iwasan ang mga sitwasyon kung saan maaaring magkaroon ng salungatan sa pagitan ng interes ng Kumpanya at personal mong interes. Dapat ding iwasan kahit ang dating lang na parang may ganoong salungatan.

Kung maaaring magkaroon o magmistulang mayroong salungatan ng interes, maging bukas at talakayin ito sa iyong mga kasamahan sa trabaho, manager, departamentong Legal, o Pinagkakatiwalaang Kinatawan.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Patakaran ng HEINEKEN sa mga salungatan ng interes

8

Page 12: Minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon,

PAGGAMIT NG MGA MAPAGKUKUNAN NG KUMPANYA

Pinapangalagaan natin ang mga mapagkukunan ng ating kumpanya

Saanman tayo nagtatrabaho at anuman ang tungkulin natin, ipinagkakatiwala sa atin ang maraming mapagkukunan at asset ng kumpanya. Halimbawa nito ay ang mga laptop, IT system, mobile phone, kagamitan, sasakyan at imbentaryo. Ipinag-uutos sa ating lahat ang maingat at propesyonal na paggamit ng mga ito para lang sa mga nakalaang layuning pangnegosyo ng mga ito, maliban na lang kung partikular na pinapahintulutan ang iba pang paggamit.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Patakaran ng HEINEKEN sa paggamit ng mga mapagkukunan ng kumpanya at Patakaran at mga panuntunan ng HEINEKEN sa gawi sa paggamit ng mga IT system ng HEINEKEN

PANLOLOKO

Hindi natin tinatanggap ang kahit na anong uri ng gawain ng panloloko

Ang panloloko ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa pananalapi at reputasyon ng ating Kumpanya. Para maprotektahan ang mga interes ng lahat ng stakeholder, mahalagang alerto tayo sa, at pinipigilan natin ang, gawain ng panloloko. Maraming aktibidad ang maaaring maituring na panloloko. Kabilang sa mga halimbawa ng panloloko ang pamemeke ng mga dokumento, maling paggamit ng mga asset at mapagkukunan ng kumpanya - kabilang ang pagnanakaw - at, sa ilang pagkakataon, sinasadyang maling paglalapat ng mga panloob na panuntunan.

Kabilang din sa panloloko ang pamemeke ng mga record ng benta o pamemeke ng mga pahayag na nauukol o hindi nauukol sa pananalapi. Ang hindi tumpak na impormasyon ay maaaring makapanlinlang ng mga panloob at panlabas na stakeholder, na maaaring magdulot ng matindi at pangmatagalang epekto sa ating Kumpanya. Kung kaya, may tungkulin tayong lahat na siguraduhing tama at tumpak na sinasalamin ng ating mga aklat, pinansyal na record, at pag-uulat sa publiko ang mga transaksyon at pakikipagnegosyo natin.

Inaasahan namin na magiging alerto ka sa panloloko at iuulat mo ang anumang pinaghihinalaang panloloko sa iyong manager, Pinagkakatiwalaang Kinatawan o departamentong Legal, o mag-uulat ka sa pamamagitan ng ating panloob na serbisyong Speak Up.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Patakaran ng HEINEKEN sa panloloko

9

PINAPANGALAGAAN NATIN ANG MGA ASSET NG ATING KUMPANYA

Page 13: Minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon,

PRIVACY AT PROTEKSYON NG DATA

Pinoprotektahan natin ang privacy at personal na datos ng ating mga empleyado, customer, mamimili, supplier, at iba pang kasosyo sa negosyo

Iginagalang at pinoprotektahan natin ang privacy ng lahat ng indibidwal. Naninindigan tayong sumunod sa lahat ng nauugnay na kinakailangan sa privacy ng mga bansa kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon. Kung kaya, mahalagang tiyakin nating lahat na pinangangasiwaan natin ang personal na datos, o anumang datos na maaaring iugnay sa isang indibidwal, nang may pag-iingat at para lamang sa mga lehitimong layuning pangnegosyo, ayon sa mga naaangkop na batas at sa ating mga panuntunan sa privacy.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Anim na Alituntunin sa Privacy

ARI-ARIANG INTELEKTWAL AT KUMPIDENSYAL NA IMPORMASYON

Iginagalang at pinoprotektahan natin ang ari-ariang intelektwal at kumpidensyal na impormasyon

Kabilang ang ating mga brand sa ating pinakamahahalagang asset. Dapat nating protektahan ang ating ari-ariang intelektwal para mapanatili ang ating kalamangan sa kumpetisyon at mapangalagaan ang ating reputasyon. Kasama rito ang ating mga brand, produkto, at inobasyon. Kung may kaugnayan ka sa pagbuo, marketing, o pagbebenta ng mga produkto, alamin at protektahan ang ating mga karapatan sa ari-ariang intelektwal, at igalang ang mga karapatan sa ari-ariang intelektwal ng mga third party. Makipag-usap sa iyong departamentong Legal kung may anumang tanong ka tungkol sa mga copyright, trademark, (pang-industriyang) disenyo, patent, at domain name.

Nakakaenkuwentro rin tayo ng iba’t ibang uri ng kumpidensyal na impormasyon sa ating araw-araw na trabaho. Ang mga halimbawa nito ay mga ulat ng badyet at pag-audit, recipe ng produkto, disenyo, plano sa negosyo, estratehiya, inobasyon, kasunduan, at financial statement. Mahalagang igalang at protektahan natin ang kumpidensyal na impormasyon ng ating Kumpanya at ibahagi at gamitin lang ito sa sukdulang pinapayagan. Nalalapat din ito sa kumpidensyal na impormasyon ng iba pa.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Patakaran ng HEINEKEN sa Ari-ariang Intelektwal at Patakaran ng HEINEKEN sa kumpidensyal na impormasyon

10

Page 14: Minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon,

INSIDER DEALING

Hindi tayo nakikibahagi sa insider dealing o iba pang anyo ng pang-aabuso sa merkado

Maaari tayong makaenkuwentro ng panloob na impormasyon sa ating araw-araw na pagtatrabaho. Ito ay mahigpit na kumpidensyal na impormasyong malamang na gamitin ng isang praktikal na namumuhunan para sa kanyang mga desisyon sa pamumuhunan, halimbawa: mga balita tungkol sa mga posibleng pagkuha o pinansyal na resulta. Hindi ka pinapahintulutang gamitin ang naturang panloob na impormasyon para bumili o magbenta ng mga security ng ating Kumpanya, gaya ng mga share o iba pang pinansyal na instrumento. Maaari ding maging ilegal ang pagbabahagi ng impormasyong ito sa ibang tao.

May responsibilidad ang lahat ng taong may kaugnayan sa ating Kumpanya na panatilihing kumpidensyal ang panloob na impormasyon. Magbahagi lang ng panloob na impormasyon sa loob ng HEINEKEN kung mayroong pangangailangan na malaman ang tungkol dito at sa mga tagapayo ng HEINEKEN na pumirma sa isang kasunduan sa pagiging kumpidensyal.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Patakaran ng HEINEKEN N.V. sa insider dealing

MGA RESPONSABLENG KOMUNIKASYON

Nakikipag-ugnayan tayo sa responsableng paraan sa lahat ng pagkakataon

Para maprotektahan ang reputasyon ng ating Kumpanya, kailangan nating tiyakin na palagi tayong nakikipag-ugnayan sa tamang paraan, sa tamang lugar, at sa tamang panahon at sa tamang mga tao. Kapag nakikipag-ugnayan sa labas o kung gusto mong makibahagi sa pagsasalita sa ngalan ng ating Kumpanya, inaasahan na susundin mo ang ating mga panloob na patakaran at kikilos ka bilang ambasador ng HEINEKEN.

Tandaan na maaaring makaapekto sa reputasyon ng ating Kumpanya at mga brand ang anumang online na komunikasyon, kabilang ang social media, na tumutukoy sa ating mga brand. Kapag gagamit ka ng social media, sa loob o labas ng trabaho, gawin ito sa responsableng paraan, kung saan pinag-iisipan nang mabuti at propesyonal ka sa pagpapasya sa lahat ng oras.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Patakaran ng HEINEKEN para sa paggamit ng social media, Kodigo sa Marketing ng HEINEKEN, Patakaran sa Media ng HEINEKEN, at Mga Alituntunin sa Paghahayag ng Pananalapi ng HEINEKEN

11

Page 15: Minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon,

Kung ‘hindi’ ang sagot sa alinman sa mga tanong na ito o kung hindi ka sigurado, tumigil at humingi ng patnubay. Talakayin ang bagay na ito sa iyong manager, departamentong Legal o Pinagkakatiwalaang Kinatawan. O mag-ulat sa pamamagitan ng ating serbisyong Speak Up.

MAG-ULATMay alalahanin ka ba tungkol sa isang posibleng paglabag sa ating Kodigo o sa mga napapailalim na patakaran? Mag-ulat! Kung patuloy na mananahimik, lulubha lang ang sitwasyon at makakasira ng tiwala. Kapag matapat at totoo kang nagpaparating ng alalahanin, tinutulungan mong maprotektahan ang ating Kumpanya, ang lugar ng trabaho mo, at, ang pinakamahalaga sa lahat, ang iyong mga kasamahan at ang iyong sarili. Kung kaya, mag-ulat. Iparating ang anumang alalahaning mayroon ka sa pamamagitan ng iyong manager, departamentong Legal, o Pinagkakatiwalaan Kinatawan. O kaya, gamitin ang serbisyong Speak Up. Maaari kang mag-ulat ng iyong mga alalahanin online (http://speakup.heineken.com) o sa pamamagitan ng pagtawag sa Integrity Line sa iyong bansa. Kumpidensyal ang lahat ng pag-uulat at maaari mong ibahagi ang iyong mga alalahanin sa anonymous na paraan (kung pinapayagan ng mga batas ng iyong bansa) o hindi anonymous na paraan. Alinman dito ang kumportable para sa iyo.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Patakarang Speak Up (Mag-ulat) ng HEINEKEN

ANO ANG IYONG MGA RESPONSIBILIDAD?Inaasahan namin na kikilos ka sa lahat ng pagkakataon nang alinsunod sa batas, sa ating Kodigo, at sa mga napapailalim na patakaran. Para sa lahat ng lugar na may mas mahigpit na batas, panuntunan, o kasunduan sa sariling regulasyon, ang mga iyon ang mangingibabaw. Inaasahan namin na susuportahan ng bawat isa ang kultura ng pagiging bukas, kung saan magiging kumportable ang lahat sa pagpaparating ng mga tanong, problema, at alalahanin tungkol sa pag-unawa o pagsunod sa Kodigong ito. May mas malaking responsibilidad ang mga taong nasa posisyon ng tagapangasiwa: may mahalagang tungkulin kang ginagampanan sa pangangalaga sa ating reputasyon at sa pagbibigay ng pahintulot na magsagawa ng operasyon. Inaasahan na magsisilbi kang halimbawa at lilikha ng tapat at bukas na kapaligiran, kung saan maipaparating ang mga alalahanin o paghihinala nang walang takot na magantihan.

ANO ANG GAGAWIN KAPAG MAY PAG-AALINLANGAN?Hindi kumpletong nakasaad sa Kodigo at sa mga patakaran ang lahat ng sitwasyon na maaaring mangyari, at hindi rin nito isinasantabi ang pangangailangan na maging matalino sa pag-iisip at maging propesyonal sa pagpapasya. Kung may pag-aalinlangan ka sa dapat gawin, itanong sa iyong sarili ang mga sumusunod:

12

Mukha bang ito ang nararapat na gawin? Ito ba ay legal at naaayon sa ating mga pinahahalagahan at sa ating Kodigo? Maganda ba ang idudulot nito sa ating Kumpanya? Aakuin ko pa rin ba ang ganap na responsibilidad dito kung mababasa ko ang tungkol dito sa media?

ANG IYONG MGA RESPONSIBILIDAD

Page 16: Minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon,

PAGTUTOL SA PAGHIHIGANTIWalang magdurusa kung may tatanggihan tayong negosyo para makasunod sa ating Kodigo o mga napapailalim na patakaran. Gayundin, magtiwala na walang mapaparusahan sa pagpaparating ng mga nalalaman tungkol sa pinaghihinalaang maling asal sa pamamagitan ng isa sa mga channel ng Speak Up, kung gagawin ito nang may malinis na hangarin. Hindi palalampasin ang anumang anyo ng pagganti laban sa iyo nang dahil sa pag-uulat mo. Ang pagganti laban sa mga nag-uulat ay ituturing na paglabag sa Kodigong ito at maaaring humantong sa mga panukala sa pagdidisiplina.

MGA PANUKALA SA PAGDIDISIPLINAMaaaring makaapekto nang malaki sa ating Kumpanya at sa mga kaugnay na indibiwal, maging sa iyo, ang paglabag sa batas, sa ating Kodigo, o sa anumang napapailalim na patakaran. Gayundin ang mangyayari kung magbubulag-bulagan sa anumang naturang paglabag. Bilang isang indibidwal, maaari kang managot at magmulta o makulong. Dagdag pa rito, maaaring managot at magmulta ang ating Kumpanya, at maaaring lubhang masira ang reputasyon nito. Ang paglabag sa batas, sa ating Kodigo, o sa mga napapailalim na patakaran ay maaari ding humantong sa mga panukala sa pagdidisiplina, kung saan maaaring kasama ang pagkakatanggal sa trabaho. Hindi kailanman pinapayagan ang paggamit ng third party o iba pang paraan para hindi mapailalim sa Kodigong ito.

Makakakita ka ng higit pang gabay sa Patakaran ng HEINEKEN sa mga panukala sa pagdidisiplina

MAY MGA TANONG KA BA?Makakakita ng higit pang impormasyon at patakaran sa One2Share. Para sa anumang tanong, mangyaring:

Makipag-ugnayan sa iyong manager, departamentong Legal, o Pinagkakatiwalaang Kinatawan Magpadala ng email sa [email protected], o makipag-ugnayan sa Global Business Conduct

sa +31 20 5239 968 Kung gusto mong mag-ulat ng mga alalahanin nang hindi nalalaman ng iba, pumunta sa:

http://speakup.heineken.com

Magkakaroon ng bisa ang Kodigong ito simula Setyembre 1, 2018, at mangingibabaw ito sa anumang naunang kodigo ng asal.

Maaaring pana-panahong magsusog tulad ng ipinahayag.

13

Page 17: Minamahal na kasamahan · 2020-03-06 · nang may paggalang sa mga tao at sa daigdig. Sa loob ng ating buong value chain at sa lahat ng lugar kung saan tayo nagsasagawa ng operasyon,

IMPORMASYONG PANG-ADMINISTRATIBO May-ari ng Nilalaman: Global Business ConductMagkakaroon ng bisa simula: Setyembre 1, 2018Bersyon: 2.0

14