mindanao

25
DAVAO CROCODILE PARK EDEN NATURE PARK Ang lugar na ito ay kilala dahil sa mga buwaya at iba't ibang klaseng hayop na nandito.May zorv park kung saan mag papagulong gulong ka sa loob ng isang bola at waterball din kung Lokasyon: Davao Crocodile Park Complex Riverfront, Corporate

Upload: baymax

Post on 05-Nov-2015

115 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

Mindanao

TRANSCRIPT

Davao Crocodile Park

Ang lugar na ito ay kilala dahil sa mga buwaya at iba't ibang klaseng hayop na nandito.May zorv park kung saan mag papagulong gulong ka sa loob ng isang bola at waterball din kung saan pwede kang maglakad sa tubig gamit ang isang bola.May lechon buwaya din dito na mahilig kainin ng turista dahil ito ay kakaiba.

Lokasyon:Davao Crocodile Park ComplexRiverfront, Corporate City, Diversion HighwayDavao City

EDEN NATURE Park

EDEN NATURE Park

Lokasyon:Matina Town SquareMcArthur Highway, MatinaDavao City

Ito ay isang pook pasyalan na kung saan, ikaw maaaliw kapag puumunta ka dito. Isa sa mga rason kung bakit, dahil sagana ito sa mga halaman at puno. Kung gusto mo naman din na maging adventurous ay pwede na pwede kang tumawid sa hanging bridge o mag zipline. Kung pagkain naman ang pag uusapan ay siguradong hahandaan ka nila ng masasarap na pagkain.

LAKE SEBUAng Lake Sebu ay isang munisipalidad na nasasakop ng mga Tribong Tboli. Naroroon ang tanyag na Seven Falls.

Lokasyon:Lake Sebu, South Cotabato

MT. APO

Lokasyon:Mt Apo Mount Apo Natural Park, Kidapawan City, Davao del Sur, Philippines

Ang Bundok Apo ay isang bundok na nasa Davao sa Pilipinas. Ito ang pinakamataas na bundok sa bansa. Ang Bundok Apo ay ang siyang pinakamataas na bundok sa Pilipinas sa taas na 2,954 metro. Ang geothermal energy ang pinaggalingan sa bundok na ito. Wala pang ulat ng pagputok ng bulkan ng huling panahon.

DAHILAYAN ADVENTURE PARKDito matatagpuan ang pinakamahabang Dual Zipline sa buong Asya. Mula sa taas na 4,700 ft. at bilis na hanggang 90 kph makikita ang kagandahan ng bundok Dahilayan.Siguradong mag-eenjoy at garantisadong ligtas para sa bata at matanda. Simula, nang ito ay magbukas noong Setyembre 2009, ang Zipzone ay dinarayo na nang mga mahilig magzipline.

Lokasyon:

Dahilayan, Manolo Fortich, 8703 Bukidnon, Philippines

DIVINE MERCY SHRINEAng Banal Mercy Shrine ay isang Katolikong monumento na matatagpuan sa El Salvador, Misamis Oriental. Kinatatampukan ito ng 15.24 metro imahen ni Hesus bilang ang Banal na Pagpapala na sumesentro ng Divine Mercy Hills , isang lagay ng lupa na kung saan matatanaw ang Macajalar Bay sa malaking katimugang isla ng Mindanao.

Ang siyam na ektaryang lupain para sa Shrine ay binili at binabayaran sa pamamagitan ng mga donasyon. Ang shrine ay natapos noong 2008 at naglilingkod bilang isang lugar sa paglalakbay para sa mga deboto ng Divine Mercy.

Lokasyon:

El Salvador, Misamis Oriental

GLORIAS FANTASYLAND

Gloria Fantasyland ay isang mundo klase theme park na matatagpuan sa Dapitan City. Ito ay ang pinakamalaking theme park sa labas ng Metro Manila at ito ay maihahambing sa Luzon Enchanted Kingdom at Star City.Ito ay may sukat na halos 4 na ektarya na may ibat ibang dekalidad na rides na may makukulay at nakakaakit na mga disenyo at makukulay na ilaw na tiyak na ang mga bata at matanda ay talagang mag-eenjoy ang lahat. Bukod sa rides doon din y mga tindahan ng souvenir, kiosk ng larawan at video game arcade na matatagpuan sa loob ng Gloria Fantasyland. Isa sa mga atraksyon ng Fantasyland ay ang 5D cinema atang Haunted House na kung saanay dinisenyo ng mga dekalidad na production designer.

Lokasyon:

Sunset Blvd,Dawo,Dapitan City, Zamboanga del Norte

THE GRAND MOSQUES OF COTABATOLokasyon:Kalanganan Dos, Cotabato CityAng Sultan Haji Hassanal Bolkiah Masjid, kilala rin bilang ang Grand Mosque ng Cotabato , ay ang pinakamalaking moske sa Pilipinas. Ang Moske ay matatagpuan sa Barangay Kalanganan sa Cotabato City, at pinondohan ng Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei Darussalam sa isang iniulat na halaga ng US $ 48,000,000 . Ito ay ang pinakamalaking moske sa Pilipinas. Ang Sultan Ng Brunei, pinondohan ang konstruksiyon ng mga ito moske sa kanyang sariling personal na pera upang matulungan ang mga umuusbong na populasyon ng mga Muslim sa Katimugang Pilipinas.

TALON NG MARIA CRISTINA

Ang Talon ng Maria Cristina ay matatagpuan sa Ilog Agus sa pulo ng Mindanaw. Tinatawag itong "kambal na talon" sapagkat ang daloy nito ay hinihiwalay ng malaking bato mula sa tuktok nito. Ang talon ay ang palatandaan ng Lungsod ng Iligan , na binansagang Lungsod na may Kahanga-hangang Talon,dahil sa meron itong mahigit dalawampung (20) talon. Ito ay matatagpuan 9.3 kilometro ang layo hilagang-kanluran ng lungsod na hinahangganan ng sumusunod na mga Barangay Maria Cristina, Ditucalan, at Buru-un. Kilala rin ito sa kanyang likas na ganda at kariktan ,ang 320 - talampakan (98 metro) taas ng talon ay ang pangunahing pinagkukunan ng elektrisidad na pagkalahatang gamit naman ng mga industriyasa lungsod. Ito ay pinapadaloy naman ng Plantang Hidroelektriko ng Agus VI.

Lokasyon:Iligan City, Lanao del Norte

BARAS BIRD SANCTUARYLokasyon:Baras, Tacurong City, Sultan Kudarat

Ang Baras Bird Sanctuary, na may tinatayang 1.3 ektaryang lupain sa lugar ng lupa, ay tahanan ng mga ligaw at galang mga ibon.. Ang parke ay nasa labas ng lungsod sa Sultan Kudarat - Tacurong. Maaaring magkaroon ng malapitang interaksyon sa mga ibon. Malayang nakalilipad at nakakagala ang mga ibon katulad ng black night herons at cattle egrets.

MALONG

mahabang damit na may pangmaharlikang kulay may disenyong batik o bulaklakin karaniwang gawa sa bulak o seda haba: 166 cm., lapad: 170cm., dinugtong ang dalawang gilid upang maging pabilog dati ay sinusuot ng mga Maranaw na lalaki at babae na may maharlikang estado sa kasalukuyan, sinusuot na ng kahit sinong kabilang sa pangkat ng Muslim ipinagmamalaki ng mga pangkat etniko sa Mindanao pangunahing pagpapamalas ng kanilang mapalamuting sining ginagamit bilang pantapis ng mga babae ginagamit din bilang duyan ginagamit din bilang kumot o balabal

TBOLI BEADS

Ang T'boli ay kilala para sa kanilang malaking pagkakagusto sa personalna paggagayak at makulay na sining. Ayon sa kanila, ginawa ng mga dios ang mga kalalakihan at kababaihan na kaakit-akit sa gayon na sila ay maakit sa isa't isa at magpakarami. Ang kanilang makukulay at malikhaing mga palamuti ay nagmula sa rehiyong SOCCSKSARGEN.

VINTA

Ang vinta na kilala rin sa mga tawag na lepa-lepa at sakayan ay isang tradisyunal na bangkang matatagpuan sa pulo ng Mindanao. Karaniwan itong ginagawa ng mga Bajau at ng mga Moro tulad ng mga Tausug. Makukulay ang mga banderitas nito na sumisimbolo sa makulay at mayamang kultura at kasaysayan ng mga naninirahan sa Kapuluan ng Sulu. Hanggang sa kasalukuyan, ginagamit pa rin ang mga bangka para sa transportasyon ng mga tao at iba't ibang kagamitan. Kilala ang Zamboanga dahil sa mga ito.

DRAGON FRUIT

Ang Dragon Fruit ay isa sa mga masustansiyang prutas na nagmumula sa Bukidnon. Ang dragon fruit ay isang prutas na galing sa puno ng cactus.

May maliliit itong buto na nakadikit na sa mga laman nito. Mayaman ang prutas na ito sa ibat ibang bitamina katulad ng bitamina C, B, Calcium, Phosphorus at mataas ang fiber content nito.

DURIAN

Ang Durian ay tinaguriang "king of all tropical fruits" at tumutubo sa Brunei, Indonesia, Malay at sa iba pang parte ng Mindanao. Ito ay may kulay kaki at berdeng na may maiiksing matulis na patusok sa balat. Ito at naging kakaiba dahil sa di kaayaayang amoy. Ginagawa din itong kendi, ice cream at mga keyk. Tinatanggal nila ang kakaiba nitong lasa sa pamamagitan ng paglalagay ng tubig sa talop nito at tsaka iinumin.

SWEET CORN

Kilala ang Probinsya ng Bukidnon dahil dito matatagpuan ang isa sa pinakamalawak na taniman ng pinya sa Pilipinas. Bukod sa pinya, ang probinsya din ay sagana sa iba't ibang uri ng pananim gaya ng variety ng mais na kung tawagin ay "sweet corn". Perfect na kainin ang nilagang sweet corn habang namamasyal.

LANZONES

Tuwing Oktubre ipinagdiriwang ang Lanzones Festival sa Camiguin.Ang probinsya ang itinuturing na lanzones capital ng bansa at dito rin matitikman ang pinakamatamis na lanzones fruit. Ayon sa mga tagarito, may kinalaman ang malamig na klima ng probinsya sa tamis ng kanilang lanzones. Ang Camiguin ay isang isla at itinuturing na pangalawa sa pinakamaliit na probinsya sa Pilipinas. Tinagurian din itong "The Island of Born Fire" dahil sa binubuo ang maliit na isla/probinsya ng pitong bulkan lang naman. Sagana sa likas na yaman at magagandang tanawin, tiyak na sulit ang bakasyon dito.

MANGOSTEEN

Ang mangosteen na tinuturing na queen of tropical fruits ay madaling makikita sa mga lugar sa Mindanao. Taglay nito ang mataas na lebel ng Vitamin C pati na ang Vitamin B. Makakakuha din ng mga mineral gaya ng copper, manganese at magnesium mula sa prutas na ito.

KIPING

Ito ay miryendang nagmula sa Camiguin. Ito ay gawa sa tuyong giniling na kamote, hinaluan ng tubig at pinirito.Ito ay nilalagyan ng tinunaw na asukal na tinatawag na latik.

TINAGTAG

Ito ay sikat na kakanin ng mga Maguindanao isang etnikong pangkat sa Mindanao. Ito ay karaniwang ginagawa at pinamamahagi kapag may pista katulad ng Eid ul Fitr (ang pagtatapos ng Ramadan) at ang Maulidin nabi. Hindi agad-agad ito nasisira at tumatagal ng ilang buwan.Ang Tinagtag ay mukhang malutong na noodles ng bihon na hinulma ng tatsulok. Ito ay gawa sa pinong bigas na hinaluan ng asukal at pinirito haggang sa maging malutong.

Ang tinatag ay katutubong pagkain ng mga maguindanao ng Mindanao.ito ay karaniwang inihahanda para sa mga okasyon tulad ng mga pistanng muslim ng eid al fitr ,na syang katapusa ng ramadano maulidin nabi ,na kaarawan na propetang muhamad .ang tinagtag ay maaring tumagal ng ilang buwan nang hndi nasisira.

ADOBONG TUNA

Kilala ang Pinas bilang "Adobo Nation". Adobong manok o baboy, sa gata o sa toyo? Lahat na ata ng luto ng adobo meron tayo. Teka may Adobo Festival na ba? Sa bayan ng Jasaan (Misamis Oriental), kakaibang timpla at bersyon ng adobo ang iyong matitikman. Bukod sa adobong manok o baboy, meron din silang bersyon ng adobong itlog at laman loob ng Tuna. Hindi naiiba ang pagluluto sa pangkaraniwang adobo, ang mga pampalasa ay toyo, paminta, bawang, sibuyas, at iba pang mga sangkap.

ULANG

"Ulang" ang lokal na tawag ng mga taga Lanao del Sur sa giant fresh-water shrimp na nahuhuli sa Lake Lanao. Prito, inihaw, ginataan, steamed, niluto sasoda, ginisa, o kahit ano pa mang recipe o luto -tiyak na mapaparami ka ng subo!

KINILAW NA BLUE MARLIN

Ang kinilaw ng mga taga Barobo, Surigao del Sur.Tiyak na fresh o bagong huli sa karagatan ng Surigao del Sur, haluan lang ng sibuyas, pipino, iba pang mga sangkap at syempre 'wag kalimutang pigaan ng kalamansi.