mission vision filipino for editing

Upload: cedric

Post on 05-Oct-2015

219 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

LANGUAGE

TRANSCRIPT

Kagawaran ng Edukayon Rehiyon V

Sangay ng Camarines Sur

PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG CALABANGA Sta. Cruz, Calabanga, Camarines Sur

KAGAWARAN NG FILIPINO

Bilang isa sa mga tagapagtaguyod ng Edukayong Sekondaryo, layunin ng Kagawaran ng Filipino para sa kanyang mag-aaral na:

1. malinang ang kakayahang komunikatibo , sa aspekto ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat, pag-iisip at pakikipagtalastasan sa wikang Filipino;

2. mapaunlad ang talasalitaan upang matugunan ang mga pangangailangan sa ikatutulong ng mga mag-aaral sa ibat ibang pagkakataon;

3. malinang ang kakayahan sa pagsasatitik ng mga iniisip at dinaramdam at maitanim ang mga tunay na maka Pilipinong kaisipan at mithiin sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga kaugalian, tradisyon, paniniwala at kasaysayan ng Filipino;

4. malinang ang kasanayan sa pag-unawa tulad ng pang-unawang literal, interpretasyon, panunuri, aplikasyon, at pagpapahalaga tungo sa mahusay at mataas na pakikipagtalastasan maging sa pagsasalita o pagsulat;5. mabigyan din ng pansin ang paglinang sa kakayahang makapagpapahayag ng saloobin sa kritikal na pamamaraan at malikhaing pag-iisip na gumagamit ng malinaw at mapanghihikayat na mga salita sa pang-araw-araw na buhay at paglutas ng mga karaniwang suliranin.

Kagawaran ng Edukayon Rehiyon V

Sangay ng Camarines Sur

PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG CALABANGA

Sta. Cruz, Calabanga, Camarines Sur

KAGAWARAN NG FILIPINO

Bilang isa sa mga tagapagtaguyod ng Edukayong Sekondaryo, layunin ng Kagawaran ng Filipino para sa kanyang mga guro na:

1. Magpatupad ng epektibo at may global na kakayahang kompitensya na maghahatid ng mga serbisyong pang-edukasyon sa antas ng sekundaryo at larang ng wika;2. Magbigyan ng malawak na karanasan upang magkaroon ng mga batayan at mas mataas na antas ng kasanayan lalo na ng kritikal na pag-iisip at kakayahang lumutas ng mga suliranin;3. Maihanda ang mga sarili sa mga kasanayan at kakayahan sa pagtuklas, pagberipika, paglalapat, at pagpapalawak ng ibat ibang kabatirang pangwika at pampanitikan sa pamamagitan ng pananaliksik;4. Makilahok sa mga pagsisikap ng pamahalaan na maiangat ang kalidad ng buhay sa kumunidad sa pamamagitan ng mga gawain nitong pang-ekstensyon at serbisyong pampamayanan;5. Magpasimuno sa paglulunsad ng mga makabagong sistemang pampagtuturo sa ibat ibang disiplina; at6. magsilbing ahente ng pagbabago sa mga larang pansosyo-ekonomiko at kultural.7. Maihanda ang mga guro na may sapat na kakayahan at kaalaman sa pagtuturo at ihasik ang mga mithiin at pangarap ayon sa tradisyong buhay at kulturang Pilipino.

Kagawaran ng Edukayon Rehiyon V

Sangay ng Camarines Sur

MATAAS NA PAMBANSANG PAARALAN NG CALABANGA

Sta. Cruz, Calabanga, Camarines Sur

DEPARTAMENTO NG FILIPINO

Itinatag ang Pambasang Mataas na Paaralan ng Calabanga upang mabigyan ang mga mag-aaral nito ng may natatanging talino o kakayahan ng mahahalagang pagsasanay sa Wika at Literatura. Layunin din nitong makalinang ng mga mamamayang may global na kakayahang makipagtunggali na ginanyak ng pagmamahal sa Diyos, Inang Bayan at malasakit sa bansa.

Hubugin ang kabataang Filipino sa kabuuan nito na magkaroon ng kaisipang mapanuri at angkop na teknolohiya upang makaagapay sa kapaligiran at makatulong sa balanseng pag-angat at pag-unlad ng lipunang kinabibilangan at pinaglilingkuran.

Kagawaran ng Edukayon Rehiyon V

Sangay ng Camarines Sur

PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG CALABANGA

Sta. Cruz, Calabanga, Camarines Sur

KAGAWARAN NG FILIPINO

Ang kagawaran ay magsisilbing isang natatanging sentro ng pag-unlad sa pagpapalawak ng mga kalinangang pantao, may kakayahang makibagay sa mga pagbabago bunga ng globalisasyon at nakatuon sa mapanagutang pagkamamamayan, pansariling pag-unlad ng pang-ekonomiya at pagpapabuting kalidad ng buhay-Filipino.