mitolohiyang griyego

18
Mitolohiyan g Griyego

Upload: krystel-rivera

Post on 05-Dec-2014

16.718 views

Category:

Education


35 download

DESCRIPTION

..

TRANSCRIPT

Page 1: Mitolohiyang griyego

Mitolohiyang Griyego

Page 2: Mitolohiyang griyego

Mitolohiyang Griyego

Ano ang mitolohiya? Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol

ng mga tradisyonal na kuwento o mito, mga kwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kwentong-bayan .

Ang isa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiya ng mga Griyego o ang tinatawag na mitolohiyang Griyego.

Page 3: Mitolohiyang griyego

Binubuo ang mitolohiyang Griyego ng isang malaking bahagi ng mga koleksyon ng mga salaysay na ipinapaliwanag ang pinagmulan ng mundo at dinidetalye ang mga buhay at pakikipagsapalaran ng mga iba't ibang mga diyos, diyosa, at bayani.

Sa una, ipinamamahagi ang mga salaysay na ito sa isang tradisyong tulang-pabigkas; ang ating mga nanatiling pinagkukunan ng mga Griyegong mitolohiya ay mga gawang pang-panitikan ng tradisyon pagbigkas.

Page 4: Mitolohiyang griyego

Sumasalamin din ang mitolohiyang Griyego sa mga artipakto, ilang mga gawang sining, lalo na iyong mga pintor ng mga plurera. Tinutukoy ng mga Griyego mismo ang mga mitolohiya at mga kaugnay na gawang sining upang magbigay liwanag sa mga kultong pagsasanay at ritwal na mga tradisyon na napakaluma na at, minsan, hindi nauunawang mabuti.

Page 5: Mitolohiyang griyego

ZEUS

Diyos ng Kalangitan / Diyos ng Kulog

Si Zeus ay ang pinuno ng mga diyos sa mitolohiyang Griyego. Siya ang nangingibabaw, pinakamakapangyarihan, pinakamataas, o supremong diyos ng sinaunang mga Griyego. Ginagamit niyang sandata ang kidlat na may kasamang malakas na kulog, kaya't kilala rin siya bilang "Zeus ang Tagapagkulog" (Zeus the Thunderer).

Page 6: Mitolohiyang griyego

HERA

Diyosa ng langit, mga babae, kasal, at panganganak

Si Hera ay ang kapatid na babae at asawa ni Zeus. Siya ang Reyna ng mga diyos, at tinaguriang diyosa ng kasal o pakikipag-isang-dibdib. Madalas na ikagalit at ipagselos ni Hera ang palagiang pagkakaroon ng pakikipag-ugnayan ni Zeus sa ibang kababaihang mga diyosa at tao, na nagkakaroon ng mga supling dahil kay Zeus.

Page 7: Mitolohiyang griyego

APOLLO

Diyos ng araw; diyos ng liwanag, musika, medisina

at propesiya

Si Apollo ay kapatid at kakambal na lalaki ni Artemis.Binabansagan din siyang Phoebus na nangangahulugang maliwanag, nakasisilaw, o nagliliyab dahil sa kanyang angking kabataan at kaakit-akit na mukha, kaya't ikinakabit siya sa araw o bilang diyos ng araw na si Helios sa Griyego o Sol sa Romano.

Page 8: Mitolohiyang griyego

POSEIDON

Diyos ng dagat, lindol, at kabayo

 Si Poseidon ang diyos ng karagatan, kaya't mayroon siyang kapangyarihan sa pagtaban ng mga alon, bagyo, at maging ng mga lindol. Katangian niya ang may hawak ng isang sandatang piruya o tridente, na kahawig ng isang malaking tinidor o sibat na may tatlong tulis at mahabang hawakan.

Page 9: Mitolohiyang griyego

HERMES

Diyos ng komersyo, magnanakaw, biyahero, at laro; sugo ng mga diyos

  Ang diyos na mensahero ng mga diyos at mga diyosa. Siya ang gabay ng mga manlalakbay, kabilang ang mga nagbibiyahe patungo sa Mundong Ilalim. Anak siya ni Zeus at ng isang diwata.

Page 10: Mitolohiyang griyego

HEPHAESTUS

Diyos ng apoy, teknolohiya, at bulkan; panday ng mga diyos

Hindi katulad ng ibang mga diyos, ipinanganak siyang mahina at may kapangitan. Asawa niya si Aprodita na diyos ng kagandahan, ngunit hindi matapat kay Hephaistos si Aprodita.  diyos ng apoy, teknolohiya, at bulkan;panday ng mga diyos

Page 11: Mitolohiyang griyego

ARES

Diyos ng Digmaan

Anak ni Zeus at Hera. Bilang diyos ng digmaan, agad-agad siyang napupukaw papunta sa pook ng nagaganap na mga pagkikipagdigma. Kabilang sa katangian niya ang pagiging kaaya-aya at malakas na lalaki, subalit lagi siyang handang pumaslang. Kinatatakutan ng lahat ng mga Griyego ang galit ni Ares.

Page 12: Mitolohiyang griyego

ATHENA

Diyosa ng karunungan, digmaan,

sining, industriya, hustisya at ng kaalaman.

Siya ang paboritong anak ni Zeus, anak ni Metis: ang unang asawa ni Zeus. Nagmula siya sa ulo ng kanyang amang si Zeus. Noong ipinanganak, balot na ang kanyang buong katawan ng mga baluting pandigma. 

Page 13: Mitolohiyang griyego

ARTEMIS

Diyosa ng buwan at pangangaso

Si Artemis ay kakambal na babae ni Apollo. Mayroon siyang hawak na balingkinitang pana na binabalahan ng ginintuang mga palaso. Dahil nga diyosa siya ng paninila, mabilis ngunit may kayumian siya sa pagkilos. Mahal niya ang mga kagubatan. Paborito niya ang usa.

Page 14: Mitolohiyang griyego

DEMETER

Diyosa ng agrikultura at pertilidad

Siya ang diyosa ng mga butil o buto ng halaman o pananim, kaya't siya rin ang diyosa ng agrikultura. Batay sa mitolohiya ng mga Griyego, siya ang nagturo sa mga tao kung paano magtanim at magsaka.  Sinasamba siya ng lahat ng mga uri ng taong nagtatanim at umaani.

Page 15: Mitolohiyang griyego

HESTIA

Diyosa ng apuyan at tahanan

  Si Hestia ang diyosa ng dapugan o apuyan at ng tahanan. Siya ang namamahala sa maamong buhay. Siya ang nakakatandang kapatid na bebe ni Zeus at ang pinakamantandang anak nina Rhea at Cronus.

Page 16: Mitolohiyang griyego

DIONISIO

Diyos ng alak at diyos ng mga baging.

  Si Dionisio ang huling diyos na pumasok at nanirahan sa Bundok ng Olimpo. Bilang diyos ng alak, nagagawa niyang maging masiyahin ang tao sa pamamagitan ng pag-aalok at pagpapainom ng alak. Ngunit nagagawa niya ring mabangis ang tao dahil sa pagkalasing.

Page 17: Mitolohiyang griyego

APHRODITE

Diyosa ng kagandahan at pag-ibig.

Kapag nakadama ng pag-ibig ang mga lalaki at babae ng mundo, sinasamba nila sa Aproditi. Mayroon siyang matamis na ngiti at mahiligin sa paghalakhak. Mayroon siyang isang hindi magandang katangian nagiging pagtuya at kanyang halakhak, at mayroon din siyang kakayahan at kapangyarihang lumipol o manira.

Page 18: Mitolohiyang griyego

ACHILLES

Isang Griyegong bayani ng Digmaang Trohano, at pangunahing tauhang mandirigma sa Iliada ni Homero.  Isa sa mga katangian ni Achilles ang pagiging pinakakakabigha-bighaning sa mga lalaking bayaning tinipon laban s Troya, at siya ring pinakamagiting at pinakamagaling