modyul ng mag-aaral filipino gr.8 2nd grading

251

Upload: rhea

Post on 10-Sep-2015

2.447 views

Category:

Documents


108 download

DESCRIPTION

Filipino 8

TRANSCRIPT

Panitikang PilipinoFilipino Kagamitan ng Mag-aaral

Kagawaran ng Edukasyon

Republika ng PilipinasPanitikang Pilipino Ikawalong BaitangFilipino Kagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: ___________

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC

Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address:2nd Floor Dorm G, Philsports Complex

Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600

Telefax:

(02) 634-1054 o 634-1072

E-mail Address:

[email protected]

MODYUL 2: SANDIGAN NG LAHI

IKARANGAL NATIN

I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG

Kumusta na? Ikinatutuwa ko ang iyong pagtatagumpay sa pagsagot sa Modyul 1. Muli, magbubukas ako ng mga bagong gawain at aralin para naman sa Modyul 2 at ito ay nakatuon sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Pananakop ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan. Ang ilan sa mga ito ay ang Balagtasan, Sarsuwela, Sanaysay, Maikling kuwento at Dula. Gayundin ang tungkol sa araling panggramatika tulad ng Panandang Diskurso, Kaantasan at Kayarian ng Pang-uri, Ibat ibang Paraang Ginagamit sa Pagpapahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat, at Aspekto ng Pandiwa.

Bakit umusbong at sumigla ang panitikang Pilipino noong Panahon ng Amerikano? Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa panahong ito? Malaya ba ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt? Nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin, katuwiran, opinyon o saloobin ng mga manunulat upang maipahayag nila ang damdaming makabayan sa Panahon ng Kasarinlan? Tunay bang ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang bansa? Bakit kailangang pag-aralan ang panitikan sa ibat ibat ibang panahon? At bakit kailangang magkarooon ka ng kaalaman at kasanayan sa gramatika? Nakatutulong ba ang mga ito sa pagiging mabisa sa pagpapahayag ng saloobin, damdamin o pananaw ng isang tao? Ang mahahalagang tanong na ito ay magsisilbing gabay mo sa pagtuklas ng mahahalagang konsepto na nakapaloob sa modyul na ito.

Bilang patunay na naunawaan mo ang mahahalagang konsepto na nakapaloob sa modyul na ito, sa pagtatapos ng iyong pag-aaral, ikaw ay inaasahan kong makikibahagi sa pagbuo at pagtatanghal ng isang video presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipino na nananatili pa sa kasalukuyan, nabago at nawala na. Narito ang mga tiyak na aralin na iyong pag-aaralan sa Modyul 2.

II. ANG MGA ARALIN AT ANG SAKLAW NITOSa modyul na ito ay masasagot mo ang mahalagang tanong kung pag-aaralan mo ang sumusunod na aralin.Aralin 2. 1: Ang Panitikan sa Panahon ng AmerikanoAralin 2.1.1: a. Panitikan: Balagtasan

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan ni Jose Corazon de

Jesus

b. Wika: Opinyon o Katotohanan

Aralin 2.1.2: a. Panitikan: Sarsuwela

Walang Sugat ni Severino Reyes

b. Wika: Kaantasan ng Pang-uriAralin 2.2: Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt

Aralin 2.2.1: a. Panitikan: Sanaysay (Talumpati)

Wikang Pambansa ni Manuel L. Quezon

b. Wika: Ibat Ibang Paraan ng Pagpapahayag Aralin 2.2.2: a. Panitikan: Maikling Kuwento

Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes

b. Wika: Kayarian ng Pang-uriAralin 3: Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan

Aralin 2.3.1: a. Panitikan : Maikling Kuwento

Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata

ni Genoveva Edroza Matute

b. Wika: Aspekto ng Pandiwa

Aralin 2.3.2: a. Panitikan: Dula

Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar

b. Wika: Pagsang-ayon at Pagsalungat

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Aralin 2.1 makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa Balagtasan at Sarsuwela na lumaganap sa Panahon ng Amerikano na sumasalamin sa kultura at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino mula noon hanggang sa kasalukuyan;Aralin 2.2 makapagpapamalas ng iyong ang pag-unawa sa Sanaysay at Maikling kuwento na lumaganap sa Panahon ng Komonwelt upang mapahalagahan ang kultura at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito;Aralin 2.3 makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa maikling kuwento at dula na umusbong sa Panahon ng Kasarinlan upang iyong mapahalagahan ang kultura ng ating bansa sa panahong ito.

III. MGA INAASAHANG KASANAYAN

Sa modyul na ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman at kasanayan:

MODYUL 2

Sandigan ng LahiIkarangal NatinMga Kasanayang Pampagkatuto

Pakikinig

Napauunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa diskursong napakinggan

Nakagagawa ng sariling pag-aayos ng mga ideyang pinakinggan

Naibubuod ang teksto batay sa mahahalagang punto

Nakapaglalahad ng kahulugan, katangian, at kahalagahan ng mga dulang pantanghalan sa buhay ng mga tao/ mag-aaral

Naisasalaysay ang magkakaugnay na pangyayari sa napakinggan

Naihahambing ang sariling saloobin sa saloobin ng nagsasalita

Naiuugnay ang pinapaksa ng nagsasalita sa iba pang paksa at karanasan

Nakabubuo ng makabuluhang tanong batay sa napakinggan

Naililipat ang impormasyon mula sa diskursong napakinggan tungo sa iba pang anyo (transcoding)

Nakagagawa ng sariling reaksiyon (pasalita o pasulat) sa mga ideyang pinakinggan

Napipili ang angkop na ekspresiyon/pananalita sa pagpapahayag ng sariling puna

Nakagagawa ng angkop na pagwawasto sa mga inaakalang maling pananaw o impormasyong napakinggan

Pagsasalita

Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag / pangungusap na nagbibigay pahiwatig

Natutukoy sa loob ng pangungusap ang kaantasan ng pang-uri tulad ng:

lantay

pahambing

pasukdol

Naibabahagi ang sariling opinyon,pananaw,damdamin at saloobin Nakapagsasadula ng dulang pantanghalan (Sarsuwela) na nangibabaw sa Panahon ng Amerikano Nailalahad ang mga pagpapasiya batay sa mga patunay at katuwiran

Nakapangangatuwiran nang maayos at mabisa batay sa ibat ibang sitwasyon

Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin batay sa mga ideya,kaisipang inilahad ng tekstoNaipapahayag nang maayos ang matinding reaksiyon sa mga bagay na di nagugustuhan (may pagsasaalang-alang sa damdamin ng kausap)

Nakapagsasagawa ng interbyu/panayam

Nakapagsasagawa ng sarbey batay sa kulturang Pilipino gamit ang panitikan

Nakapaglalahad ng pamamaraan sa pagsasagawa ng simposyum tungkol sa kahalagahan ng kulturang sariling atin

Nakapaglalahad ng sariling pananaw kung paano mapananatili ang kulturang Pilipino sa tulong ng panitikanPag-unawa sa Binasa

Nasusuri ang ilang akdang Panitikan batay sa mga katangian nito

Balagtasan

Sarsuwela

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:

pagkilala sa kahulugan ng mga salita

kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan

Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akdang pampanitikan ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may-akda

Naihahambing ang akda sa iba pang uri ng akda batay sa:

paksa

layon

tono

pananaw

gamit ng salita

Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang binasa

Naibibigay ang kaugnayan ng akda sa:

sarili

kapaligiran

ibang tao

Naipaliliwanag ang mga elemento ng isang akda

maikling kuwento

dula

Naisasaayos ang mga pangungusap upang makabuo ng mga talatang may kaisahan sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga detalye na lohikal ang pagkakasunod-sunod

Napipili ang pangunahin at pantulong na mga ideya o kaisipang nakasaad sa binasa

Nahihinuha ang pamaksang diwa ng teksto

Naiisa-isa ang mga tiyak na layon ng teksto

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng teksto/akda

Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto/akda

Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa teksto/akdaNakapangangatuwiran sa napiling alternatibong solusyon o proposisyon sa suliraning inilahad sa teksto

Nasusuri ang ibat ibang uri ng panitikan batay sa kahulugan at katangian ng mga ito:

Nailalahad ang punong kaisipan at ang paraan ng pagpapaikli ng paksa

Nasusuri ang layunin ng paksa

Nasusuri ang mga uri ng panitikan at ang katangian ng bawat isa

Naipaliliwanag ang motibasyon o dahilan ng mga kilos o gawi ng mga tauhan

Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda

Naibubuod ang binasang akda

Natutukoy ang ibat ibang tunggaliang naganap sa akda

Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akdang binasa buhat sa simula, tunggalian, kasukdulan, kakalasan, at wakas

Napayayaman ang karanasan ng mag-aaral sa tulong ng mga akdang pampanitikan upang mapaunlad at mapalawak ang kakayahan at pananaw sa buhay

Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda/teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may-akda

Nakapagbibigay-hinuha sa

pangyayari

kaalaman

pakay o motibo

layunin ng may-akda

Naihahambing ang kalagayan ng panitikan at epekto nito sa kulturang Pilipino noon at ngayon

Nasusuri sa teksto ang mga aspekto ng pandiwa

Naisasaayos ang mga pangyayari sa Maikling kuwento/Dula ayon sa wastong pagkakasunod-sunod

Nasusuri ang bahagi ng Maikling kuwento/Dula/Sanaysay

Napaghahambing ang elemento ng Maikling kuwento sa Dula

Nasusuri ang kulturang taglay ng panitikan kung itoy nanatili, nabago o nawala na

Pagsulat

Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akdang binasa at sa:

pamantayang pansarili o pansariling karanasan

pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang babasahin

Nagagamit ang ibat ibang teknik sa pagbuo ng diyalogo/ iskrip

Nakasusulat ng talata na may pangunahin at pantulong na kaisipan

Naisasaalang-alang ang mga kasanayan sa paggamit ng Filipino sa pagsulat ng talata

Nagagamit ang ibat ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa:

pagbibigay ng depinisyon

paghahalimbawa

paghahawig o pagtutulad

Naisasaayos ang mga pangungusap sa loob at pagitan ng talata upang magkaroon ng kaisahan sa pamamagitan ng:

pag-aayos ng mga detalye na lohikal ang pagkakasunod-sunod

paggamit ng mga ekspresiyong transisyunal

paglalahad ng mga pangungusap na may magkatulad na pagkakabuo

Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng talata

Nakabubuo ng balangkas upang maipakita nang malinaw ang sariling ideya at intensiyon sa pagbuo ng komposisyon

Nagagawang kawili-wili ang panimula ng komposisyon sa pamamagitan ng isang:

kaakit-akit na pahayag

napapanahong sipi o banggit

Nawawakasan ang komposisyon nang may pangkalahatang impresiyon sa pamamagitan ng:

pagbubuod

makabuluhang obserbasyon

Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang tiyak na uri ng paglalahad

Naisasaalang-alang ang mga kailanganin sa pagsulat ng sanaysay

Nakapipili ng isang napapanahong paksa

Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon

Nakapagpapangkat-pangkat ng magkakaugnay-ugnay na ideya at impormasyon

Napalalawak ang mga kaisipang kaugnay ng paksa

Nakabubuo ng isang: makatawag-pansing simula

mabisang wakas

Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan, at opinyong nakapaloob sa teksto kung:

totoo o hindi totoo

may pagbabatayan o kathang-isip lamang

mabuti o masama

katotohanan o opinyon

Nakapaglalahad ng sariling pananaw batay sa nilalaman ng akdang binasa kung itoy makatotohanan o di-makatotohanan gamit ang graphic organizerNakasusulat ng maikling kuwento batay sa kultura ng lugar na pinagmulan

Nakasusulat ng talatang: naglalarawan

naglalahad

nagsasalaysay

nangangatuwiran

Nakapag-uugnay ng mga kaisipan mula sa binasang akda hango sa sariling karanasan

nasaksihan

napakinggan/napanood/nabasa

Tatas

Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo

Naipamamalas ang makahulugan at masining na pagpapahayag para sa mabisang pakikipagkomunikasyon

Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pakikipagkomunikasyon

Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa komunikasyon ayon sa sitwasyon, pangangailangan at pagkakataon

Pakikitungo sa Wika at Panitikan

Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot sa mga tanong at puna sa panitikang napanood, nabasa o napakingganEstratehiya sa Pag-aaral/Pananaliksik

Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaralNaipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda

Nalilikom ang mga panoorin na namayani sa panahon ng Amerikano

Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internetNailalahad nang maayos ang mga nalikom na impormasyon sa isinagawang pananaliksik tungkol sa mockumentary

Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet

IV.KONSEPTUWAL NA BALANGKASNarito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob sa Modyul 2 na iyong pag-aaralan.

Upang maging matagumpay ka sa pagsagot ng modyul na ito, narito ang ilang gabay.1. Hanapin ang kahulugan ang mga salitang hindi mo nauunawaan.

2. Sagutin ang lahat ng tanong at gawain.

3. Magsaliksik at itala ng mahahalagang impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng epiko.

4. Alamin ang ibat ibang paraan ng pagsulat ng tekstong naglalahad

5. Subuking bumuo ng ibat ibang paraan ng pagtatanong na angkop sa sitwasyon.

Alamin natin kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Piliin ang pinakaangkop na sagot sa sumusunod na mga tanong/pahayag. Mangyaring sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos mong sagutin ang pagsusulit na ito, makikita mo ang iyong iskor. Itala at tandaan ang mga aytem na hindi mo nasagot nang tama at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan mo ang araling ito.V. PANIMULANG PAGTATAYA

Unang Bahagi

Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sumusunod na tanong/pahayag.

1. Tinaguriang ama ng Maikling kuwento.a. Rogelio R. Sicatb. Deogracias A. Rosario.c. Narciso Reyesd. Liwayway . Arceo2. Dahilan kung bakit lubusang lumaganap ang Maikling kuwento sa Panahon ng Komonwelt.

a. Nagkaroon ng samahan ng mga manunulat na tinawag na Panitikan.b. Nagkaroon ng paghihimagsik sa mga dayuhang manunulatc. Naglunsad ng mga makabagong pag-aaral sa pagsulatd. Ginawang instrumento ang pahayagang La Solidaridad ng mga kuwentista.3. Tinawag ni Alejandro G. Abadilla na pagsasalaysay ng isang sanay.a. salaysay

b. komposisyon

c. talumpati

d. sanaysay 4. Dahilan kung bakit ang sanaysay ang may pinakakaunting bilang ng sumusulat at bumabasa.

a. malayo ito sa damdamin ng madla

b. napakahirap nitong gawinc. dahil nagmula ito sa ibang bansa.

d. Ang paraan ng paglalahad ay hindi tinatangkilik.

5. Ikinaiba ng sanaysay sa iba pang akdang tuluyan.

a. Ito lamang ang may pangunahing tauhan na naaapi subalit lumalaban.

b. Mayroon itong isahang yugto.

c. Tumutugon ito sa interes ng buhay, sa panitikan at iba pang sining.

d. Ito ay maaaring pormal dahil nagbibigay ng impormasyon at pamilyar dahil nang-aaliw.

Ikalawang Bahagi

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang masagot ang kasunod na mga tanong.

6. Anong uri ng panitikan ang binasa?

a. Balagtasan

b. Batutian

c. Karagatan

d. Duplo7. Sino ang nagsasalita sa hinangong akda?

a. May-akda

b. Lakandiwa

c. Mambabalagtas ng Puso at Isip

d. Mambabalagtas ng Isip at Katuwiran

8. Anong sukat mayroon ang akda?

a. wawaluhin

b. lalabindalawahin

c. lalabing-animin

d. lalabingwaluhin

9. Anong paksa kaya ang pagtatalunan sa akda?

a. Kabutihan Di-kabutihan

b. Dunong - Pagmamahal

c. Tagumpay o Kabiguan

d. Isip at Katuwiran10. Alin ang pagpapakahulugan sa puso batay sa mga saknong na binasa?

a. pagkain

b. kayamanan

c. pag-ibig

d. karangalan 11. Anong bahagi ng panalita ang salitang matahimik?a. pangngalan

b. panghalip

c. pang-uri

d. pandiwa12. Anong uri ng panitikan ang binasang seleksiyon?

a. tula

b. nobela

c. maikling kuwento

d. sana13. Anong kalayaan ang tinutukoy sa akda?

a. pagiging isang politiko

b. pagpapakita ng damdamin c. kahirapan

d. pagpapahayag ng saloobin

14. Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala. Ano ang sinisimbolo ng salitang may salungguhit?

a. bilangguan

b. kalayaan

c. sakit sa katawan

d. kadena

15. Sino ang mga puti na tinutukoy sa akda?

a. Amerikano

b. Hapon

c. Espaol

d. Tsino

16. Sino ang kausap ng manunulat sa akda?

a. dayuhan

b. Pilipino

c. namumuno sa pamahalaan

d. kabataan17. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon?

a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip.

b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas.c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan.

d. Ahhhanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon.18. Ayon sa akda, bakit lalong hinigpitan ng mga puti ang tanikala ng mga Pilipino?

a. dahil sa pagipilit na palitan ang wikang inihandog ng Inang-bayan na malaon nang ginagamit

b. upang lalong tanggapin ang mga dayuhan sa kanilang pananakop sa bansa

c. sapagkat hindi matanggap ng mga Pilipino ang wikang Ingles na pilit na ipinapalit sa sariling wika

d. dahil unti-unti na tayong nakalalaya na ayaw naman nilang mangyari

19. Bakit natutong lumaban ang Pilipino sa mananakop na mga Amerikano?

a. dahil mas matindi ang pagpapahirap ng mananakop na mga Amerikanob. upang ipakita na may taglay ring katapangan ang mga Pilipino

c. sapagkat manhid na ang mga Pilipino sa latay na dumadapo sa kanilang katawand. dahil maging ang lupang sinilangan ang Pilipinas ay hinahamak na rin ng mananakop20. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging malaya mula sa mga dayuhan sa kasalukuyan?

a. pagtangkilik sa sariling produkto kaysa sa mga gawang dayuhan

b. pagpapahayag ng sariling opinyon laban sa ibang bansa

c. pagtangkilik sa produktong dayuhan upang masabing in

d. pag-aaral sa wika ng mga dayuhan na makatutulong sa sariling pag-unlad

Ilan sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung marami ang mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng modyul na ito upang maiwasto mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral.VI. YUGTO NG PAGKATUTO

ALAMIN

Hindi maikakailang isa sa ipinagmamalaki ng ating bansa ang ating sariling panitikan. Bago pa man dumating ang mga Amerikano, nagkaroon ng sariling pamahalaan hanggang sa makamit ng bansa ang kasarinla. Ang panitikan ay kinagigiliwang basahin ng ating mga kababayan. Dahil sa ito ay bahagi na ng ating buhay, nararapat lamang na ito ay pag-aralan upang lalo pa itong maunawaan.

Ano ba ang iyong paniniwala tungkol sa panitikan? Sa tulong ng Beliefs Inventory, alamin natin ang iyong paniniwala tungkol dito. Pagkatapos ng lahat ng gawain sa modyul na ito, bago ang pagtatapos na pagtataya, muli itong balikan upang matiyak na ang iyong paniniwala ay wasto o mali.GAWAIN 2.1: BELIEVE IT OR NOT

Lagyan mo ng tsek (() ang patlang bago ang pahayag na iyong pinaniniwalaan tungkol sa panitikan. Pagkatapos ng mga aralin sa modyul na ito ay muli itong balikan at ilagay sa dulo ng pahayag ang MK kung ito ay may katotohanan at WK kung ito ay walang katotohanan.

Naniniwala ako na. . . _____ Ang panitikan ay salamin ng lahing Pilipino.

_____ Malaya ang mga manunulat noong Panahon ng Amerikano.

_____ Ang Balagtasan ay maaaring gawing akdang tuluyan.

_____ Walang kaugnayan ang paglalahad ng opinyon at katuwiran

sa Balagtasan.

_____ Nagsasaad ng kilos o galaw ang pandiwa.

_____ May layuning batikusin ang mga Pilipino ng dulang, Walang Sugat ni Severino Reyes.

_____ Naging malaya ang mga manunulat na Pilipino noong Panahon ng Komonwelt._____ Nakatutulong sa mga manunulat ang paggamit sa pang-uri

upang mas maging masining ang kanilang akda.

_____ Ang sanaysay ang pinakamaraming naisulat noong Panahon ng Amerikano.

_____ Masasalamin sa mga akdang pampanitikan noong Panahon ng

Amerikano, Panahon ng Komonwelt at Panahon ng Kasarinlan ang kulturang Pilipino.

Tingnan mo sa kalakip na Susi sa Pagwawasto ang tamang sagot. Kung nasagot mo nang wasto ang 8 10 na aytem, napakahusay! Binabati kita sapagkat may ideya ka na sa ating magiging aralin. Kung 5 -7, mahusay sapagkat may kaalaman ka na rin sa magiging aralin na palalawakin pa natin sa tulong ng mga gawain o pagsasanay. Kung 4 pababa ang iyong nakuha, huwag kang malungkot sapagkat ang modyul na ito ang iyong magiging gabay upang lumawak ang iyong kaalaman sa aralin. GAWAIN 2.2. IMPORTANTASTIK

Sa tulong ng Concept Map, isulat mo ang mahahalaga at kahanga-hangang impormasyong iyong nalalaman tungkol sa panitikan sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan. Isulat ang mga ito sa blangkong bilog.

Marami ka bang naisulat na impormasyon? Ang mga impormasyong iyong naitala ay nagpapatunay kung gaano na ang alam mo sa nilalaman ng modyul na ito. Kung kaunti lamang ang iyong naisulat ay huwag kang mag-alala sapagkat tutulungan ka ng mga gawain at pagsasanay na inihanda ko upang lumawak pa ang iyong kaalaman sa mga paksang ating pag-aaralan. Halinat simulan na nating paunlarin ang iyong dating ng alam.

PAUNLARIN

Sa bahaging ito, pauunlarin natin ang ang iyong kaalaman at kakayahan sa pagsusuri ng ibat ibang uri ng panitikan tulad ng Balagtasan, Sarsuwela, Sanaysay, Maikling kuwento at Dula sa ibat ibang panahon. Ang mga impormasyon, gawain at pagsasanay na nakapaloob sa bawat aralin ay makatutulong upang palawakain pang lalo ang iyong kaalaman sa panitikan at nang sa ganoon ay matuto itong pahalagahan bilang salamin ng ating lahi mula noon, sa kasalukuyan at maging sa hinaharap. Bibigyang-pansin din sa modyul na ito ang pag-aaral tungkol sa wika tulad ng mga pahayag na may opinyon at katotohanan, kaantasan ng pang-uri, ibat ibang paraan ng pagpapahayag, kayarian ng pang-uri, aspekto ng pandiwa, at mga pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.

Simulan na natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kakayahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa Aralin 2.1 ng modyul na ito - Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano.ARALIN 2.1: ang panitikan sa Panahon ng Amerikano

I. Panimula at mga Pokus na tanong

Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Espaol, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano sa Pilipino. Sa panahon ding ito isinilang ang ilang makatang Pilipino na nagsulat sa Ingles at Tagalog. Naitanong mo na ba kung bakit mahalagang pag-aralan at unawain ang mga akdang pampanitikang Pilipino sa panahon ng Amerikano? Masasalamin ba sa mga akda tulad ng Balagtasan at Sarsuwela ang kulturang Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito? Sa araling ito, tatalakayin at tutuklasin natin ang sagot sa mga tanong na ito sa pamamagitan ng ating paglalakbay sa ilang akdang pampanitikan sa Panahon ng Amerikano at pagsasaliksik sa mga akda ng mga batikang manunulat ng bansa.II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito

Masasagot mo ang mahahalagang tanong, at maisasagawa mo ang Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito: Aralin 2.1: Panahon ng Amerikano Aralin 2.1.1: a. Panitikan: Balagtasan

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan ni Jose Corazon de Jesus b. Wika: Katotohanan at Opinyon

Aralin 2.2.2 a. Panitikan: Sarsuwela

Walang Sugat ni Severino Reyes

b. Wika: Kaantasan ng Pang-uriIII. Mga Inaasahang KasanayanNarito ang mga kaalaman at kasanayang malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa araling ito

Aralin 2.1

Ang Panitikan sa Panahon ng AmerikanoMga Kasanayang Pampagkatuto

Pag-unawa sa Napakinggan

Napauunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa diskursong napakinggan

Nakagagawa ng sariling pag-aayos ng mga ideyang pinakinggan

Nabubuod ang teksto batay sa mahahalagang punto

Nakapaglalahad ng kahulugan, katangian, at kahalagan ng mga dulang pantanghalan sa buhay ng mga tao/ mag-aaral

Pagsasalita

Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag / pangungusap na nagbibigay pahiwatig

Natutukoy sa loob ng pangungusap ang kaantasan ng pang-uri tulad ng:

lantay

pahambing

pasukdol

Naibabahagi ang sariling opinyon,pananaw,damdamin at saloobinNakapagsasadula ng mga dulang pantanghalan (Sarsuwela) na nangibabaw sa Panahon ng AmerikanoPag-unawa sa Binasa

Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian nito

Balagtasan

Sarsuwela

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:

pagkilala sa kahulugan ng mga salita

kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan

Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng genre

ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may-akda

Naihahambing ang akda sa iba pang uri ng akda batay sa:

paksa

layon

tono

pananaw

gamit ng salita

Nailalahad ang mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa akdang binasa

Naibibigay ang kaugnayan ng akda sa:

sarili

kapaligiran

ibang tao

Naipaliliwanag ang mga elemento ng akda

Naisasaayos ang mga pangungusap upang makabuo ng mga talatang may kaisahan sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga detalye na lohikal ang pagkakasunod-sunod

Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin

sa mga akdang binasaPagsulat

Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akdang binasa at sa:

pamantayang pansarili o pansariling karanasan

pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang

babasahin Nakagagamit ang ibat ibang teknik sa pagbuo ng diyalogo/ iskrip

Nakasusulat ng talata na may wastong paglulugar ng pangunahin

at pantulong na kaisipan

Tatas

Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan

sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatiboPakikitungo sa Wika at Panitikan

Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot sa mga tanong at puna sa panitikang napanood,nabasa, o napakingganEstratehiya sa Pag-aaral/ Pananaliksik

Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaralNalilikom ang nakakalap na mga panoorin na namayani sa Panahon ng Amerikano

Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga impormasyon

sa isinagawang pananaliksik

Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian

sa aklatan/internetNakapagsasagawa ng isang panayam sa mga taong may sapat na kaalaman sa Sarsuwela at Balagtasan

IV. Konseptuwal na BalangkasNarito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob sa modyul na ito na iyong pag-aaralan.

V. Panimulang Pagtataya Alamin natin kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Ito ay panimulang pagtataya na hahamon sa iyong kakayahan sa pag-aaralang mga akda. Hanapin ang sa iyong palagay ay tamang sagot sa bawat tanong. Sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos masagot ang maikling pagsusulit na ito, malalaman mo ang iyong iskor. Alalahanin mo na ang mga aytem na mali ang iyong sagot at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan mo ang modyul na ito. Maaari mo nang simulan.

A. Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa umusbong na mga akda sa Panahon ng Amerikano. Bilugan ang salita ng tamang sagot. GALDEBATENBD

DEIUADTTAHKO

SHUPDAGLILMO

ABALAGTASANN

NATOSIRCSDTO

ELNHBATUTIAN

LAKANDIWADGA

KSAKGIBIBMAM

B. Punan ng wastong panandang pandiskurso ang bawat pangungusap upang mabuo ang diwa nito. 1. ____________si Francisco Baltazar Balagtas ay dapat ngang tanghaling Ama ng Balagtasan.2. ____________naging makulay ang kaniyang buhay nang makilala niya si Maria Asuncion Rivera.3. Ating ____________ ang kaniyang naiambag sa panitikan at sa edukasyon.4. May magagawa ____________tayo upang maipakitang mahal natin ang ating bayan gaya ni Balagtas. 5. _________nararapat na ipagpatuloy na pag-aralan ang mga tradisyon at kultura para sa susunod na heherasyon.

Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung marami ang mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng araling ito upang maiwasto mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral ng ilan sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Amerikano.

VI. Yugto ng Pagkatuto

Alamin

Sa tulong ng KWHL Sheet na Ano ang Alam mo na ( What do you Know?), Ano ang Nais mong malaman (What do you want to find out?), Paano mo makikita ang nais mong malaman (How can you dind out what you want to learn?), Ano ang iyong natutuhan/naunawaan? (What Did You Learn?), ay subukin mong sagutin ang mga tanong. Sagutin mo muna ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Pagkatapos nating pag-aralan ang araling ito ay saka mo sagutin ang huling kolum, ang L. Gawin mo ito sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.GAWAIN 2.1.a : KWHL Chart

Simula pa lamang ng gawain ay humahamon na sa iyong kaalaman ang dati at ang malalaman mo pa lamang. Ipagpatuloy mo ang pagbuklat sa mga pahina ng araling ito hanggang sa matuklasan mo ang mga sagot sa mga tanong na iyan.

GAWAIN 2.1.b: HANGGANG SAAN ANG AKING KAALAMAN?

Gamit ang Concept Map, ibigay ang mga impormasyong iyong nalalaman sa Panahon ng Amerikano.

Naging madali ba sa iyo ang pagsagot? Kung oo, nangangahulugan ito na mas magiging madali para sa iyo ang aralin. Kung hindi naman, huwag kang mag-alala sapagkat tutulungan ka ng modyul na ito lumawak ang iyong kaalaman tungkol sa paksa.

PaunlarinAng bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang konsepto sa aralin. Huwag kang mag-alala gagawin nating magaan ang pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Maligayang araw ng pag-unawa!

Dalawa sa mga akdang pampanitikan ang pag-aaralan natin sa bahaging ito ang Balagtasan at Sarsuwela. Simulan natin sa Balagtasan(Aralin 2.1) - na isang uri ng tulang patnigan na may pagtatalo. Lumaganap ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerikano, batay sa mga lumang tradisyon ng masining na pagtatalo gaya ngKaragatan,BatutianatDuplo. Nagmula sa pangalan ni Francisco Baltazar bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ang tawag sa Balagtasan.Bago tayo magsimulang talakayin ang araling ito ay nais ko munang malaman mo rin ang mahalagang tanong para sa araling ito: Masasalamin ba sa Balagtasan ang kulturang Pilipino? Patunayan. Narito ang mga gabay na tanong upang masagot mo ito. Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang Balagtasan?2. Bakit ito kinagigiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 3. May naririnig o nababasa ka pa bang Balagtasan sa kasalukuyan? Paano ito naiiba sa ibang tulang patnigan?4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Balagtasan sa ating bansa?

Sagutin mo muna ang mga tanong batay sa iyong dating kaalaman. Sa pagwawakas ng araling ito tingnan natin kung wasto ang naging mga sagot. Upang matiyak na naunawaan mo ang nilalaman ng araling ito, sa pagtatapos ng iyong pag-aaral, inaasahang mailalapat mo ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng pagsulat ng isang argumentatibong editoryal na sumasalamin sa kaugalian ng isang masayang pamilya . Narito ang mga pamantayan kung paano itataya ang gawaing ito: a) malinaw na nailahad ang opinyon sa isyung tinalakay; b) gumamit ng mga ebidensya o patunay upang maging makatotohanan ang sinabi; c) nakitaan ng tiwala sa sarili at kaalaman sa isyu; d) naipahayag ang opinyon sa magalang na paraan; d) napaniwala at nahikayat ang mga mambabasa at e) wasto ang pagkakagamit ng gramatika. Nararamdaman kong sabik na sabik ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin na natin ang tungkol sa Balagtasan. GAWAIN 2.1.1.a: PICK-UP LINES

Simulan na natin ang paglalakbay sa mundo ng Balagtasan. Alamin mo muna ang pinagmulan, kahulugan at katangian ng Balagtasan bilang isang akdang pampanitikan. Bago mo simulan ang pag-aaral tungkol sa Balagtasan, naghanda ako ng isang laro. Ang laro ay pick-up line. Sinagot na ang una para maging gabay mo sa susunod na tanong. Lapis ka ba ? Bakit Kasi nais kong isulat lagi ang

pangalan mo sa isip ko

1. Aklat ka ba?

2. Papel ka ba?

3. Table of Contents ka ba?

4. Bagyo ka ba?

5. Teleserye ka ba?Mahusay ang iyong ginawa. Ano ang napansin mo sa larong ito? Tama! Ito ay ginagamit na paraan ng panunuyo o panliligaw ng kabataan sa kasalukuyan o modernong panahon. Idadaan sa simpleng patanong at ihahambing sa isang bagay ang sinusuyo upang maipahatid ang kaniyang nararamdaman. Pick-up lines ang tawag sa pamamaraang ito ng paghahatid ng damdamin. Noong Panahon ng Amerikano, isang paraang ginagawa ng binata upang ipahayag ang kaniyang pag-ibig sa dalagang nililigawan ay sa pamamagitan ng Balagtasan.

Matapos mong gawin at malaman ang datos, balikan natin ang ating pinag-aralan sa pamamagitan ng paglalagom. Isulat sa papel ang mga sagot.

GAWAIN 2.1.1.b: IBA AKO EH!Sa pagkakataong ito ay nais kong malaman kung ano ang iyong nalalaman sa salitang Balagtasan. Tingnan natin ang iyong nalalaman sa kasunod na gawain. Ibigay ang mga katangian ng Balagtasan bilang uri ng panitikan.

Upang maragdagan ang iyong kaalaman sa Balagtasan, alamin mo ang kaligirang pangkasaysayan o pinagmulan nito. Umpisahan na natin.

Basahin at unawain.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan

Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon ng patulang pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo.

Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na sa tradisyong tulang sagutan sa ibat ibang rehiyon ng Pilipinas. May tinatawag na patulang Balitao ang Aklanon maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng lalake at babae. Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at binata ang Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay sa inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalang-alang.

Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na piskal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing tagisan ng katuwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na debate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay-aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang Balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at napapanahong mga pangyayari at usapan.

Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2. Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong Balagtas. Hinunlapiang an ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito.

Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng makata ang nagtalo na gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina Jos Corazn de Jess at Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo na magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa dalawang kagalang-galang na makatang ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium sa Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si "Huseng Batute" dahilan sa kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan noong 1920.

Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig, naging paboritong aliwan ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon, gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng mga Pampango (mula sa pangalan ng Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto).

Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga samahang pampanitikang nakabatay sa paaralan kung hindi magkakaroon ng pagkakatong mapabilang sa mga samahang pampanitikan.

Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang mga kalahok ay inaasahang magaling sa pag-alala ng mga tulang mahahaba at pagbigkas nito ng may dating (con todo forma) sa publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig ( Mambabalagtas). May mga hurado na magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang mas may makabuluhang pangangatuwiran. Nalaman mo na ang mahahalagang pangyayari tungkol sa pinagmulan ng Balagtasan. Atin namang paunlarin ang iyong kaalaman sa sumusunod na gawain.

GAWAIN 2.1.1.c: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

1. Ipaliwanag mo kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Balagtasan sa iba pang uri ng tulang patnigan.

2. Ang Balagtasan ay isa sa sandigan ng panitikang Pilipino. Paano mo ito mapananatili upang maganyak ang kapwa mo mag-aaral na basahin, palaganapin at pahalagahan ito?

3. Bakit mahalaga ang tauhan, at elemento ng Balagtasan? Sagutin ang kasunod na mga tanong.

4. Suriin mo ang ginagampanang papel ng mga tauhan sa Balagtasan. Punan ng mga angkop na impormasyon ang kasunod na diyagram. Gawin ito sa sagutang papel.

Mahusay ang iyong ginagawa. Ituloy mo lang ito. Huwag kang mag-aalala, gagabayan ka ng mga aralin sa modyul na ito. Maaari mo nang basahin ang isang halimbawa ng Balagtasan. Unawain mo ito upang masagot/maisagawa ang kasunod na mga tanong at gawain.BALAGTASAN:Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan- Jose Corazon de Jesus

Lakandiwa: Yamang akoy siyang Haring inihalal

Binubuksan ko na itong Balagtasan,

Lahat ng makatay inaanyayahang

Sa gawang pagtula ay makipaglaban.

Ang makasasaliy batikang makata

At ang bibigkasiy magagandangtula,

Magandang kumilos, may gata sa dila

At kung hindi ay mapapahiya.

Itong balagtasa'y galing kay Balagtas

Na Hari ng mga Manunulang lahat,

Itoy dating Duplong tinatawag-tawag

Balagtasan ngayon ang ipinamagat.

At sa gabing itoy sa harap ng bayan

Binubuksan ko na itong Balagtasan

Saka ang ibig kong ditoy pag-usapan:

BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISAN.

Tinatawagan ko ang mga makata,

Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,

Lumitaw na kayot ditoy pumagitna

At magbalagtasan sa sariling wika.

Paruparo: Magandang gabi sa kanilang lahat

Mga nalilimping kawal ni Balagtas,

Akoy paruparong may itim na pakpak

At nagbabalita ng masamang oras.

Nananawagan po, bunying Lakandiwa,

Ang uod na dating ngayoy nagmakata,

Naging paruparo sa gitna ngtula

At isang bulaklak ang pinipithaya.

Sa ulilang harding pinanggalingan ko

Laon nang panahong nagtampo ang bango,

Ngunit aywan bagat sa sandaling ito

Ay may kabanguhang binubuhay ako.

May ilang taon nang nagtampo sa akin

Ang bango ng mga bulaklak sa hardin,

Luksang Paruparo kung akoy tawagin,

mata koy luhaan, ang pakpak koy itim.

Bunying Lakandiwa, dakilang Gatpayo,

Yaring kasawiay pagpayuhan ninyo,

At si Lakan-iLaw ang gagamitin ko

Upang matalunton ang naglahong bango.Lakandiwa: Sa kapangyarihan na taglay ko na rin

Ikinagagalak na kayoy tanggapin,

Magtuloy po kayo at dito sa hardin,

Tingnan sa kanila kung sino at alin.

Paruparo: Sa aking paglanghap ay laon nang patay

Ang bango ng mga bulaklak sa parang,

Ngunit ang puso koy may napanagimpang

Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.

Ang bulaklak ko pong pinakaiirog

Ubod na ng gandat puti ang talulot,

Bulaklak po ito ng lupang Tagalog,

Kapatak na luhang pangalay kampupot.

Kung kaya po naman di ko masansala

Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya,

Matapos na siyay diligan ng luha

Nang siyay umunlad, nagtagonawala!

Isang dapit-hapong palubog ang araw

Sa loob ng hardin, kamiy nagtaguan,

Paruparo, anya kitay tatalian,

Akoy hanapin mot kung makitay hagkan.

Isang panyong puting may dagta ng lason

Ang sa aking matay itinakipnoon,

At ang Bulaklak koy bumaba sa dahon,

Nagtago pa mandin at aking hinabol.

Hinabol-habol ko ang bango at samyo

Hanggang makarating ako sa malayo,

At nang alisin na ang takip na panyo

Wala si Kampupot, wala yaring puso.

Ang taguang biroy naging totohanan

Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,

At ang hinagpis ko noong akoy iwan,

Baliw na mistula sa pagsisintahan.

Sa lahat ng sulok at lahat ng panig

Ay siya ang laging laman niring isip,

Matulog man akoy napapanaginip,

Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.

Sa apat na sulok ng mundong payapa

Ang aking aninoy tulang nabandila,

Paruparo akong sa matay may luha,

Ang mga pakpak koy may patak na luksa.

Ang sakdal kong ito, Lakandiwang mahal,

Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,

At kung si Kampupot ay ayaw po naman,

Ay ang puso niya sa akiy ibigay.

Bubuyog:

Hindi mangyayari at ang puso niyay

Karugtong ng aking pusong nagdurusa,

Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha

Ang lalagutin moy dalawang hininga.

Pusong pinagtali ng isang pag-ibig

Pag pinaghiwalay kapanga-panganib,

Dagat mat hatiin ang agos ng tubig,

Sa ngalan ng Diyos ay maghihimagsik.

Ang dalawang ibon na magkasintahan,

Papaglayuin mot kapwa mamamatay,

Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay,

Bangkay ang umalis, patay ang nilisan,

Paruparong sawing may pakpak na itim

Waring ang mata moy nagtatakipsilim,

At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw

Di man Kampupot moy iyong inaangkin.

Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo

At sa kasawiay magkauri tayo,

Ako may mayroong nawawalang bango

Ng isang bulaklak kaya naparito.Buhat pa kanginang ikawy nangungusap

Bawat salita moy matulis na sibat,

Saka ang hanap mong mabangong bulaklak,

Luksang paruparo, siya ko ring hanap.

Ipahintulot mo, Paruparong luksa,

Dalitin ko yaring matinding dalita.

Itulot mo rin po, Hukom na dakila,

Bubuyog sa sawiy makapagsalita.

Paruparo:

Di ko pinipigil ang pagsasalaysay

Lalot magniningning ang isang katwiran,

Ngunit tantuin mo na sa daigdigan

Ang bawat maganday pinag-aagawan.

Lakandiwa:

Magsalita kayo at ipaliwanang

Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas,

Paano at saan ninyo napagmalas

Na ito ang siya ninyong hinahanap?

Bubuyog:

Sa isang malungkot at ulilang hardin

Ang binhi ng isang halamay sumupling,

Sa butas ng bakod na tahanan naminAy kasabay akong isinisilang din.

Nang iyang halamay lumaki, umunlad,

Lumaki akot tumibay ang pakpak,

At nang sa butas ko akoy makalipad

Ang unang hinagkay katabing bulaklak.

Sa kanyang talulot unang isinangla

Ang tamis ng aking halik na sariwa,

At sa aking bulong na matalinghaga

Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya.

Nang mamukadkad na ang aking kampupot

Sa araw at gabi akoy nagtatanod,

Langgam at tutubing dumapo sa ubod

Sa panibugho koy aking tinatapos.

Ngayon, tanda ko ngang kayoy nagtaguan

Habang akoy kanlong sa isang halaman,

Luksang paruparo nang ikawy maligaw

Ang aking halakhak ay nakabulahaw.

Ang inyong taguan, akala koy biro,

Kaya ang tawa koy abot sa malayo,

Nganit nang ang sayay tumagos sa puso

Sa akin man pala ay nakapagtago.

Lumubog ang araw hanggang sa dumilim

Giliw kong bulaklak din dumarating,

Nang kinabukasat muling nangulimlim

Ay hinanap ko na ang nawalang giliw.

Nilipad ko halos ang taas ng langit

At tinalunton ko ang bakas ng ibig,

Ang kawikaan ko sa aking pag-alis

Kung di makitay di na magbabalik.

Sa malaong araw na nilipad-lipad

Dito ko natunton ang aking bulaklak,

Bukong sa halik kokaya namukadkad

Di ko papayagang mapaibang palad.

Luksang Paruparo, kampupot na iyan,

Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,

Ang unang balik kong katamis-tamisan

Sa talulot niya ay nakalarawan.

Paruparo:

Hindi mangyayaring sa isang bulaklak

Kapwa mapaloob ang dalawang palad.

Kung ikaw at akoy kanyang tinatanggap

Nagkasagisanaang kanitang pakpak.

Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang

Nang makalabas kay saka mo hinagkan:

Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay,

Sino ang malapit sa pagliligawan?Una muna akong nag-uod sa sanga

Na balot ng sapot ng pagkaulila,

Nang buksan ng Diyos yaring mga mata

Bulot dahon namin ay magkasama na.

Sa ugoy ng hangin sa madaling-araw

Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay,

At kung bumabagyot malakas ang ulan,

Ang kanya ring dahon ang aking balabal.

Sa kanyang talulot kung may dumadaloy

Na patak ng hamog, aking iniinom;

Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong

Sa init ng araw sa buong maghapon.

Paano ngang siya ay pagkakamalan

Na kamiy lumaki sa iisang tangkay,

Kaya nga kung akoy sa kanya nabuhay

Ibig ko rin namang sa kanya mamatay.

Bubuyog:

Huwag kang matuwa sapagkat kaniig

Niyaring bulaklak na inaaring langit,

Pagkat tantuin mo sa ngalang pag-ibig

Malayo mat ibig, daig ang malapit.

Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot

Nakikiinom ka ng patak ng hamog,

Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,

Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.

Ikawy isang uod, may bulo kang taglay;

Sa isang bulaklak lasot kamatayan,

At akong bubuyog ang dala koy buhay

Bulong ng hiningang katamis-tamisan.

Paruparo:

Akong malapit nay napipintasan mo,

Ikaw na malayo naman kayay pano?

Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino,

Ay ubos na pala ang tamis sa bao.

Bubuyog na laging may ungol at bulong

Ay nakayayamot saan man pumaroon,

At ang katawan moy mayrong karayom

Pano kang lalapit, di naduro tuloy?

Di ka humahalik sa mga bulaklak,

Talbos ng kamote ang siya mong liyag,

Ang mga bintanay iyong binubutas,

Doonang bahay mo, bubuyog na sukab.

Ikaw ay bubuyog, akoy paruparo,

Iyong mga bulong ay naririnig ko;

Kung dinig ng lahat ang panambitan mo

Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.

Bubuyog:

Kundi iniibig ang nakikiusap

Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat,

Kung ang magsalitay di-magtamong-palad

Lalo na ang dungong di makapangusap.

Lilipad-lipad ka na payaot dito

Pasagilang-bingit, at patanaw-tao,

Pag ligaw-matanda sa panahong ito

Pagtatawanan ka ng liligawan mo.

Ikawy paruparo, ako ay bubuyog

Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,

Ngunit saang panig nitong sansinukob

Nakakatuwaan angparismong uod?

Saka, Paruparo, dapat mong malamang

Sa mulat mula pay di ka minamahal,

Ang panyong panali nang ikaw ay takpan

Ikaw ang may sabing may lason pang taglay.

Paruparo:

Ganyan ang hinalang namugad sa dibdib,

Pagkat napaligaw ang aking pangmasid,

Hindi pala lasot dagta ng pag-ibig

Ang sa aking panyoy kanyang idinilig.

Bubuyog:

Dadayain ka ngat taksil kang talaga

At sa mga dahoy nagtatago ka pa.

Paruparo:

Kung akoy dinayat ikaw ang tatawa

Sa taglay kong bulo nilason na kita.

Bubuyog:

Pagkat ikawy taksil, akin si Kampupot.

Siyay bulaklak ko sa tabi ng bakod.

Paruparo:

Bulaklak nga siyat akoy kanyang uod.

Lakandiwa: Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo,

Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;

Yamang di-malaman ang may-ari nito,

Kampupot na iyay paghatian ninyo.

Bubuyog:

Kapag hahatiin ang aking bulaklak

Sa kay Paruparoy ibigay nang lahat;

Ibig ko pang akoy magtiis ng hirap

Kaya ang talulot niya ang malagas.

Paruparo:

Kung hahatiin poy ayoko rin naman

Pagkat pati akoy kusang mamamatay;

Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan

O buo wala ngunit akin lamang.

Lakandiwa:

Maging si Solomong kilabot sa dunong

Ditoy masisira sa gawang paghatol;

Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,

Ngunit kung hatiiy kapwa tumututol.

Ipahintulot pong sa mutyang narito

Na siyang kampupot sabihin kung sino

Kung sino ang kanyang binigyan ng oo,

O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.

Kampupot:

Ang kasintahan koy ang luha ng langit,

Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,

At si Bubuyog pot paruparong bukid,

Ay kapwa hindi ko sila iniibig.

Paruparo:

Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,

Limot mo na baga ang aking pagliyag?

Limot mo na bagang sa buong magdamag

Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?

Kampupot: Tila nga, tila nga sa akiy mayroong

Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,

Ngunit akala koy dahon lang ng kahoy

At di inakala na sinuman yaon.

Bubuyog:

At ako ba, Mutya, hindi mo na batid

Ang mga bulong kot daing ng pag-ibig,

Ang akin bang samo at mga paghibik

Na bulong sa iyoy di mo ba narinig?

Kampupot:

Tila nga, tila nga akoy may napansing

Daing at panaghoy na kung saan galing,

Ngunit akala koy paspas lang ng hangin

At di inakala na sinumat alin.

Bubuyog:

Sa minsang ligayay tali ang kasunod,

Makapitong lumbay o hanggang matapos.

Paruparo:

Dito napatunayan yaong kawikaan

Na ang paglililoy nasa kagandahan.

Bubuyog at Paruparo: Ang isang sanglang naiwan sa akin

Ay di mananakaw magpahanggang libing.

Lakandiwa:

Ang hatol koy ito sa dalawang hibang

Nabaliw nang hindi kinababaliwan:

Yamang ang panahon ay inyong sinayang

Kayat nararapat na maparusahan.

Ikaw ay tumula ngayon, Paruparo

Ang iyong tulain ay Pagbabalik mo,

At ang Pasalubong sa babaing lilo,

Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko.

(Pagkatapos tumula ni Paruparo)

Lakandiwa:

Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,

Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;

Ang iyong tulain ay ang Pasalubong

Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.

(Pagkatapos tumula ni Bubuyog)

Minamahal namit sinisintang bayan,

Sa ngayoy tapos na itong Balagtasan;

At kung ibig ninyong sila ay hatulan,

Hatulan na ninyo pagdating ng bahay.GAWAIN 2.1.1.d: Hanap-Salita

Piliin sa Hanay B ang nais ipahiwatig ng mga pariralang nasa Hanay B. Isulat lamang ang letra ng mapipiling sagot at pagkatapos gamitin ito sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

Hanay A

Hanay B

____

____

____

____

____

Mahusay ang naging sagot mo. Madali mong naunawaan ang simulang bahagi ng aralin. Pagkatapos mong masagutan ang pagsasanay ay dumako tayo sa kasunod na gawain, ang pagtalakay sa nilalaman ng binasang Balagtasan. Atin pang ipagpatuloy ang pagsusuri sa araling ito. Isulat sa papel ang mga sagot. Gayahin ang pormat.GAWAIN 2.1.1.e: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

Sagutin mo ang mga tanong na batay sa iyong pag-unawa.1. Bakit iisa lamang ang nagugustuhan nina Paruparo at Bubuyog?

2. Makatuwiran ba ang pagmamatuwid ng nagtatalong mga makata? Patunayan.

3. Sa iyong pagsusuri sa Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan, kaninong panig ang matuwid at dapat na panigan? Bakit?

4. Paanong binigyan ng pagwawakas o paghatol ng lakandiwa ang balagtasan?

Sang-ayon kaba sa kaniyang hatol? Bakit?

Paruparo

Bubuyog5. Naging maayos ba ang paghahanay ng mga pagpapaliwanag at pangangatwiran ng dalawang nagtatagisan ng talino sa paksang kanilang pinagtatalunan. Magtala ng mga patunay.

6. Ihambing mo ang panliligaw ng mga binata sa dalaga noon sa kasalukuyang panahon. Gamitin ang Fan Fact Analyzer. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat.

7. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng Balagtasan upang maganyak ang kapwa mo mag-aaral na basahin, palaganapin, at pahalagahan ito?

Matapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng aralin sa panitikan, magtungo naman tayo sa wika ang pagbibigay ng katotohanan at opinyon. Ang Balagtasan ay masining din na paraan sa paglalahad ng katotohanan at opinyon. Basahin mo ang ilang impormasyon tungkol dito.Katotohanan at Opinyon

May mga pagkakataong ang tao ay nagbibigay ng kaniyang sariling opinyon o haka- haka sa mga paksang pampolitika o maging sa pangyayaring nagaganap sa lipunan o kahit sa mga pang-araw-araw na pakikipagtalakayan. At may pagkakataon din namang kailangang maglahad ng katotohanan. Mahalagang mauri ang mga pahayag na maririnig kung ito ba ay opinyon o katotohanan. Opinyon

Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi.

Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin atbp. Halimbawa:

1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isat isa.

2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.Katotohanan

Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng pinagkunan. Ang katotohanan ay mga impormasyon na maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong magbago mula sa isang pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa.

Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na, mababasa na atbp.

Halimbawa:

1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga out-of school youth.2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa.

Tandaan:KatotohananOpinyon

Pareho ng ur impormasyon

Maaaring mapatunayan na totooBase sa mga saloobin at hindi maaaring mapatunayang totoo.

Bihirang magbago sa pinagmumulanMadalas nagbabago sa mga pinagmulan

Batay sa nalaman mong mga datos tungkol sa katotohanan o opinyon, magkaroon tayo ng pagtataya tungkol dito upang malaman natin ang iyong naging pag-unawa sa paksang ito. Simulan na natin. GAWAIN 1.1.e: Katotohanan O Opinyon

Sagutin kung ang sumusunod ay katotohanan o opinyon. 1. Angmga kaugaliang tulad ng bayanihan, pagmamano, pagsagot ng po at opo, at pagtanaw ng utang na loob ay tanging sa Pilipinas lamang makikita.

2. Sa aking palagay likas na mapagmahal sa kaniyang pamilyang kinagisnan ang mga Pilipino.3. Ayon kay Adrian Eumagie, 2012, sa makabagong panahon ngayon, ang kaugalian ng Pilipino ay nananatiling mayaman sa bawat isa sa atin. 4. Para sa akin ang mga kaugaliang Pilipino ang pinakasentro ng paghubog sa isang tao at maaaring maging isang sandigan ng isang bansa at mamamayang tumatahak sa matuwid na landas.5. Kung ako ang tatanungin, ang mga kaugaliang Pilipino ay nararapat na panatilihin at maipagpatuloy hanggang sa susunod na henerasyon.

Mahusay, nagawa mong mabuti ang iyong gawain.Madali lang hindi ba? Kayang-kaya mo nang kilalanin kung alin ang opinyon at katotohanan batay sa mga halimbawa at pagsasanay na tinalakay. Matapos mong maunawaan ang gramatika (opinyon at katotohanan) ay maaari mo nang sagutan ang susunod na gawain na magtataya sa iyong naging pag-unawa sa aralin.

GAWAIN 1.1.f: DUGTUNGAN

Punan mo ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwang ipinahahayag ng mga pangungusap at upang masagot mo ang mga tanong .

Bahagi na ng kuturang Pilipino ang _________________ at ______________________ bilang parangal sa mga ______________________. Ipinakikita nito kung gaano natin _____________________________ ang mga ________________________. Masasalamin din ang ________ ________ng ating mga ninuno sa paghabi ng magkakatugmang ________________________ at pagbigkas nang may _____________________.

Mahusay. Matapos mong masagutan ang ating aralin, ngayon naman ay maaari ka nang maglapat ng iyong kaalaman na natutuhan. Bilang pangwakas na gawain para sa bahaging ito, maaari ka na ring gumawa o sumulat ng isang editoryal na argumentasyon na may kaugnayan sa kaugaliang Pilipino bilang sandigan ng isang pamilyang Pilipino at ng bansa. Ikaw ay tatasahin sa sumusunod 1) lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, 2) malikhain at masining ang presentasyon, 3) maikli at nakakakuha ng interes ang pamagat 4) malinaw na naipahayag ang argumento sa editoryal.

Binabati kita sapagkat natapos mo na ang iyong gawain sa katatapos na aralin. Ngayon ay handa ka ng tuklasin at palawakin ang iyong kaalaman sa aralin na tungkol sa akdang pampanitikan na Sarsuwela na namayani noong Panahon ng Amerikano.

Sa araling ito ay matutunghayan natin ang sarsuwelang Walang Sugat na isinulat ni Severino Reyes. Ito ay isang melodrama o komedyang binubuo ng tatlong yugto at tungkol sa damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, galit, paghihiganti, kalupitan, paghihimagsik o kayay mga suliraning panlipunan at pampolitika noong Panahon ng Espaol . Ang kathang pantanghalang ito ay naiiba sa mga dramang napapanood mo sa kasalukuyan dahil may mga bahagi o diyalogong inaawit dito.

Noon, isang mabisang kasangkapan sa pagpapahayag ng isipin at damdaming makabayan ang sarsuwela. Isinisigaw nito ang pagmamahal sa bayan at paghihimagsik laban sa mga mananakop na dayuhan, tulad ng akdang babasahin mo na pinamagatang Walang Sugat ni Severino Reyes. Sa bahaging ito, tatalakayin natin ang tungkol sa sarsuwela. Bukod dito, pag-aaralan natin ang kaantasan ng pang-uri upang masagot mo kung masasalamin ba sa sarsuwela ang kalagayang panlipunan sa panahon ng Amerikano? Narito ang mga gabay na tanong na iyong sasagutin.

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang sarsuwela?

2. Bakit ito kinagiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano?

3. May sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Patunayan.4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang sarsuwela?

5. Masasalamin ba sa Sarsuwela ang kulturang Pilipino? Ipaliwanag. Simulan natin ang pag-aaral ng Sarsuwela sa pamamagitan ng pagpili sa sumusunod na mga pangalan na nakilala bilang manunulat at ang kanilang mga akdang naisulat.

GAWAIN : 2.1.1 f: Akda Ko, Tukuyin Mo

Nasa larawan ang mga taong may kinalaman sa kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas na namayani hanggang sa kasalukuyan. Hanapin mo sa kabilang hanay, Hanay B, ang akdang isinulat ng mga manunulat sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang sagot.Hanay A

Hanay B

Inaasahan kong nasagot mo nang wasto ang tanong. Kung hindi naman ay huwag kang mag-alala sapagkat layunin ng araling ito na sa sariling sikap at tiyaga ay mahanap mo ang tamang kasagutan. Ang huling bahagi ay sa iyo nakabatay. Subukin mo ang dating kaalaman sa paksang tatalakayin. Alam mo ba SiSeverino Reyes, mas kilala bilangLola Basyang ay itinuturing na Ama ngSarsuwela. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula. Nang itinatag angLiwaywaynoong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot nito. Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan ng mga manunulat.

Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kuwentong isinulat niya tungkol kay Lola Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging punong-patnugot sa Liwayway. Nang sinabihan siya ng kaniyang mga patnugot na wala ng natitirang materyales upang punuin ang isang maliit na espasyo sa isang pahina ng magasin, kinailangan niyang magsulat ng isang kuwento upang umabot sa takdang oras. Matapos na maisulat ang kuwento, nag-isip siya ng ibang pangalan na maaaring ilagay bilang may-akda kuwentong ito.

Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kaniyang kaibigan sa Quiapo, Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, magsasama-sama ang mga kabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga kuwento ni Tandang Basyang. Kaya naman, matapos nito, ang mga kuwento na naisulat ni Reyes ay may pirma naLola Basyang. Unang nailathala ang kuwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925. Siya ay nakasulat ng 26 na Sarsuwela. Matapos mong mabasa ang tungkol kay Severino Reyes, ngayon naman ay ating alamin ang tungkol sa kasaysayan ng Sarsuwela.

Ngayon ay dumako na tayo sa Sarsuwelang isinulat ni Severino Reyes na Walang Sugat. Ituloy mo lamang ang pagbabasa at gagabayan kita sa tulong ng nakawiwiling mga gawain upang lalo mo pang maunawaan ang araling ito. Halika simulan mo na. Basahin at Unawain.

Walang Sugat

ni Severino Reyes

UNANG BAHAGI

I Tagpo:

(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador. Musika)

Koro : Ang karayom kung iduro

Ang daliriy natitibo,

Kapag namali ng duro

Burda namay lumilikoJulia : Anong dikit, anong inam

Ng panyong binuburdahan,Tatlong letrang nag-agapay

Na kay Tenyong na pangalan.Koro : Ang karayom kung itirik

tumutimo hanggang dibdib.Julia : Piyesta niyay kung sumipot

Panyong itoy iaabot,

Kalakip ang pusot loob,

Ng kaniyang tunay na lingkod.

Si Tenyong ay mabibighani

Sa dikit ng pagkagawa

Mga kulay na sutla,

Asul, puti at pula.Julia : Panyot dito ka sa dibdib,

Sabihin sa aking ibig

Na akoy nagpapahatid

Isang matunog na halik.Koro : Ang karayom kung iduro

Ang daliriy natitibo.

Hoy tingnan ninyo si Julia

Pati panyoy sinisinta,

Kapag panyo ng ibig

Tinatapos ng pilit

Nang huwag daw mapulaan

Ng binatang pagbibigyan:

Ang panyo pay sasamahan

Ng mainam na pagmamahal.

At ang magandang pag-ibig

Kapag namugad sa dibdib

Nalilimutan ang sakit

Tuwa ang gumigiit.

Mga irog natin naman

Silay pawang paghandugan

Mga panyong mainam

Iburda ang kanilang pangalan.Julia : Piyesta niyay kung sumipot

Panyong itoy iaabot

Kalakip ang pusot loob

Ng kaniyang tunay na lingkod.Koro : Nang huwag daw mapulaan

Ng binatang pagbibigyan

Ang panyo pay sasamahan

Ng mainam na pagmamahal.

Salitain

Julia : Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayoy mangagsayaw na.

(Papasok ang magkasintahan). (Lalabas si Tenyong).II TAGPO

(Tenyong at Julia)

Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo

Julia : Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang

pagkakayari, nakakahiya.Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang? ayJulia : Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog

kandila, na anakiy nilalik na maputing garing, ay may yayariin

kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang.

Julia : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.Tenyong: (Nagtatampo) Ay!Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka

palang mapagod.Tenyong: Masakit sa iyo!Julia : (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong(sarili) Nalulunod

pala ito sa isang tabong tubig!Tenyong: Ay!Julia : (Sarili) Anong lalim ng buntunghininga! (Biglang ihahagis ni

Julia ang bastidor). (Sarili) Lalo ko pang pagagalitin.Tenyong: Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod)

Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalitJulia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at

nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko.Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyanTenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso,

at E. ay Flores.Julia : Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?Julia : Sa among! Iyay iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letray A, N, at F?Julia : Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin

at ang F ay Frayle.Julia : Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang

posporo at magkikiskis ng maraming butil at nag-aalab na magsasalita).Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag

hindi ko sinilaban, ay sinungaling ako mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban)

Musika No. 2

Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at di mapigilan.Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo.Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko.Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.Tenyong: Pag-iibigan tay kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi

paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi- tuwiTenyong: Julia koy tuparin adhikain natin.Julia : Tayoy dumulog sa paa ng altar.Tenyong: Asahan mo.

Sabay: Di mumunting tuwa ditoy dumadalaw, ano pat wari di na mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay (Lalabas si Juana).

III TAGPO

(Tenyong, Julia, at Juana mamayay Lukas ) Salitain

Juana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato?

(Nagulat si Julia at si Tenyong.) (Lalabas si Lukas.)Lukas : Mamang Tenyong, Mamang Tenyong!Tenyong: Napaano ka, Lukas?Lukas : Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.Tenyong: Diyata dinakip si Tatang?Lukas : Opo.Tenyong: Saan kaya dinala?Lukas : Sa Bulakan daw po dadalhin.Tenyong: Tiya, ako po paparoon munat susundan si Tatang.Juana : Hintay ka sandali at kamiy sasama. Julia, magtapis ka

(Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas).Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay tinutuntungan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutulad sa bango ng bulaklak, at sa sandaling oras ay

kusang lumilipas.

(Telong Maikli) Kalye

IV TAGPO

(Musika)

Koro at LukasLukas : Tayo nat ating dalawin mga tagarito sa atin.Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.Isang Babae: Naubos na ang lalaki.Lahat ng Babae: Lahat nay hinuhuli mga babae kami.Lukas : Marami pang lalaki.Lahat ng Lalaki: Huwag malumbaykami ng nasasa bahay at nakahandang

tunay, laan sa lahat ng bagay

Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga

babaey pabayaan, di namin kayo kailangan.Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.Isang Lalaki: Kaka koy gayundin naman.

Isang Babae: Asaway paroroonan.Isang Babae: Anak koy nang matingnan.Lahat: Tayo nat sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanilay dalhin masarap na pagkain.Mga Babae: Tayo na, tayo na.Lahat: Sumakay na sa tren.Mga Lalaki: Doon sa estasyon.Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat) (Itataas ang telong maikli)

V TAGPO

(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas).

Salitain

Relihiyoso 1.0:Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao

itoMarcelo: Mason po yata, among?Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagkat kung siyay sumulat maraming K, cabayo K.Marcelo:

Hindi po ako kabayo, among!Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya

ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K.

Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.Relihiyoso 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon.Marcelo:

Hindi sila makakain eh!Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na dagdagan, Ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila kumain?Mabuti ngang mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan.Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing; isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilang kaban an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha!Marcelo: Dati poy tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na

tinutuluyan,ngayon poy lima ng kaban, at makalima po isang araw.Relihiyoso 2.0: Samakatuwid ay limang bese 25, at makalimang 125, ay

Huston 526 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (Bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).Marcelo: Salamat po, among!Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay?Marcelo:

Wala po sana, datapwat nang mag-uumaga po ay pito

lamang.Relihiyoso1.0: Bakit ganoon? (gulat)Marcelo:

Dahil po, ay si Kapitan Inggo ay pingsaulan ng hininga.Relihiyoso 1.O: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo.Marcelo:

Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso poy litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos.Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?Marcelo:

Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang

kaban.Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si

Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at

buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?Marcelo: Opo, among (Sa mga kasama niya) Companeros, habeis traido el dinero para el Gobernador?Relihiyoso 2,3,4: Si, si, hemos traido.Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.Marcelo:

Hindi po makalakad, eh!Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.Relihiyoso 2.0: Tonto.Tadeo :

Bakit ka mumurahin?Juana :

Kumusta po naman kayo, among?P. Teban:

Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap, noong araw kami ay walang

inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kamiy alipin ng mga prayle; ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang

namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang

pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawing pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.Juana :

Totoo po ba ang sabi mo.P.Teban:

Kaya, Juana, di-malayong kaming mga lklerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi

mabubuhay sa panay na hangin.Juana :

Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga?P. Teban:

Siya nga, ulilang inaampon ko.Miguel:

Ay! Aling Julia ay ma ma malapit na po Alin po ang malapit na?Miguel:

Ang ang angJulia :

(Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?Tadeo :

Miguel, tayo nat nagkayari na kami ng kaniyang ina.Miguel:

Ay salamat (tuwang-tuwa.)Julia :

(Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?Tadeo :

Ano ba ang sinabi mo?Miguel :

Sinabi ko pong ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko!Tadeo :

Wala ka nang nasabi kundi pulos na ay? Hindi ka

nagpahayag ng pagsinta mo?Miguel :

Sinabi ko pong malapit naTadeo :

Malapit na ang alin?Miguel : Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh,

hindi ko po nasagutanTadeo:

Napakadungo ka! Ay Ige, tayo nat baka ka pa mahalataRelihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas ang mga dalaw).Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo nat baka ka pa mahalataRelihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas ang mga dalaw).

VI TAGPO

(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki).

Salitain

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tuluganPutin : Salamat po, among.Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin

namin na pawalan, lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa naman sila.Putin : Opo, among, mano na nga po Salamat po, among.(Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki).Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador.. a Manila, cogemeros el tren la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal.Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.Los 3 : Si, si a fusilar, a fusilar. (Papasok ang mga pari).

VII TAGPO

(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso)

Salitain

Putin : Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among?Tenyong: Inang, ang mga kamay pong namamatay ng kapwa ay hindi

dapat hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya sa

Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa ngang

ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid

lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamngmangan!

(Ipapasok si Kapitan Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid).Putin :Inggo ko!

Tenyong: Tatang!Julia : Kaawa-awa naman!

Tenyong: Mahabaging Langit!

Musika

Tenyong: Ang dalawang brasoy gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan,

nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng itoy gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa

demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali Ah, kapag ka

namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil.

Salitain

Tenyong: Tatang, ikaw poy ititihaya ko nang hindi mangalayInggo : Huwag na anak ko hindi na maaari luray-luray na ang

katawanTayoy maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko,

huwag mong pababayaan ang Inang mo! Putin, ay Putin Juana

Julia.. kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila

Ang kaluluwa koy inihain ko na kay Bathala.Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Anot inyong ipinagkaloob ang

ganitong hirap? (Dito lamang ang pasok ng kantang Ang

dalawang brasoy)

Musika No.2

Tenyong: Ang dalawang brasoy gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng itoy gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo pot igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle, isa sa kikitil.Julia : Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iyay tadtarin man yata lahat niyang laman, buto sampung taba, di makababayad sa utang ng madla.Mga Babae at Lalaki: Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap.

Tenyong: Oot di matingnan puso koy sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga taong hunghan ang away nilimot sa kalupitanLalakit Babae: Wari mukha nang bangkayTenyong: Inang, masdan mo po at masama ang lagay ni Tatang, Inang, tingnan mot naghihingalo Tatang, TatangPutin : Inggo ko InggoTenyong: Patay na!

(Mangagsisihagulgol ng iyak)Telong Maikli

VIII TAGPO

(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos).

Salitain

Putin : Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi ako makahinga! Ang pusokoy parang pinipitpit sa palihang bakal! (Si Putin ay mapapahandusay).Tenyong: Langit na mataas!(Papasok lahat)

IX TAGPO

(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamayay si Julia).

Salitain

Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin.Isa : Akoy mayroong iniingatan.

Isa pa : Ako may mayroon din.Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.Isa : Nalalaman mo bang silay mangasisilulan?Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko

tuloy na sasabihin daw nila sa Heneral na tayoy pagbabarilin na.Isa : Mga tampalasan.Isa pa : Walang patawad!

(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia).Julia : Tenyong, Tenyong!Tenyong: Julia!Julia : Diyatat matitiis, na Inay lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo? Di ba nalalaman mong sa kaniyay walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwat sa sarili mong loob, di ba si Inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang Sa paglingap mo sa akin? Sa bagay, na ito, ano ang ipag-aalaala ko?Julia : Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng

isang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing

gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis!Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumutugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang anak;

ang Ina natin ay

nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib koy

tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo

niyang daing: May anak ako, anya, ngayoy kapanahunang akoy ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang

taong sinasangayad; hindi dapat tulutang mga iaanak natin ay magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin.Julia : Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang garantilyang may medalyita; tangnan at isusuo kay Tenyong ang garantilya.) Ang larawang itoy aking isasabit sa tapat ng pusoy huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siyay masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog koy masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang mga sugat moy aking huhugasan ng masaganang luhang sa matay nunukal.Tenyong: Sa Diyos nananalig.Julia : Puso koy dinadalaw ng malaking hapis.Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.Julia : Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.Tenyong: Ang ulap Julia koy di mananatili. Darating na ibig, ang

pagluluwalhati.Julia : Tenyong na poon koy kahimanawari. Magliwayway ulit dilim ay mapawi.Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Akot tutupad lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog koy aking itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikawy kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako!Julia : Akoy lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay.Tenyong: Juliang aking sinta!Julia : Oh, Tenyong ng buhay! Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis).Julia : (Biglang lilingon) Te! Yumao na! (papasok)

X TAGPO

(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)

Sa loob.

Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayot oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko Perdon! Walang utang-na-di pinagbabayaran! (Hagara at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa tren).

Telon

Wakas ng Unang Bahagi

Ikalawang Bahagi

I TAGPO

(Bahay ni Julia)

Julia at Juana

Salitain

Juana : Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama, silay pagpapakitaan nang mainam.Julia : Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!Juana : Bakit ba ganyan ang sagot mo?Julia : Wala po!Juana : Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa ang hangarin mo?Julia : Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang

tinuran mo, ang hinahangad ko po ayJuana : Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.Julia : Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.Juana : (Natatawa) Julia, akoy natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga- Anongpusu-puso ang sinasabi mo? Totoo ngat noong unang dako, kapag may lalaking mangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwat gayoy iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon, ngayoy kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito.Julia : (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siyay nagpapahingalay naJulia : Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!Juana : Siyang tunay!

Julia : Ako poy makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso.Juana : Julia,