modyul sa values

20
IV - SC

Upload: danna-claire-javier

Post on 05-Dec-2015

214 views

Category:

Documents


19 download

DESCRIPTION

modul

TRANSCRIPT

IV-SC

Ang pinakamasidhing layunin ng modyul na ito ay ang

makapagbigay kaalaman sa mga mambabasa patungkol sa Edukasyong

Paagpapahalaga na sumasaklaw sa mga prinsipyo ng pakikibahagi sa paggawa ng

masama, pagkilatis ng tama at maling kilos, konsensya at marami pang iba. Ito

ay higit na makakatulong sa lahat upang mapalago ang ating mga sarili na

maghahatid sa atin patungo sa magandang kinabukasan. At tanging pagsasabuhay

lamang ng mga aral ang makakatulong sa bawat isa upang makamtan ito.

Ang modyul na ito ay nangangailangan ng pag-iingat at

pagmamahal mula sa mambabasa. Ang pagsasabuhay ng mga leksyon

na mababasa mula sa modyul na ito ang magsisilbing patunay sa

pagkakaroon ng pagmamahal ng mga mambabasa rito.

Masusing basahin ang mga panuto’t huwag matakot

magkamali bagkus ay matuto pa mula rito.

(Paalala: Ang pagngiti habang nagbabasa ng akdang ito ay kailangan. Lalong higit ang pagbibigay puri’t pasasalamat sa ating Diyos sa araw-araw.)

Subukan natin kung hanggang saan na ang iyong kaalaman kaya’t

mainam lamang na iyong sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Huwag

kang matakot magkamali sapagkat ito ang daan upang ikaw ay magkaroon ng

kalinawagan at matuto.

I. PUNAN NATINPunan ang mga sumusunod na katanungan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga angkop na

salita sa mga bakanteng linyang inilaan para rito.

Piliin mo ang 1. __________… kaysa masuklamPiliin mo ang tumawa… kaysa 2. ____________

Piliin mo ang lumikha… kaysa ang sumiraPiliin mo ang magtiyaga.. kaysa ang manghinawaPiliin mo ang pumuri… kaysa ang 3. __________Piliin mo ang magpagaling… kaysa ang manakitPiliin mo ang magbigay… kaysa ang magnakawPiliin mo ang umunlad… kaysa ang mabulok

Piliin mo ang 4. ________ … kaysa ang manisiPiliin mo ang tamang 5. __________ … upang ikaw ay lumaya at

tunay na lumigaya.

Pahalang:1. Nangangahulugan ito ng malakas na kamalayan ng tao na magsagawa ng kilos na Maka-Diyos, Makatao,

Makabayan o Makakalikasan.

3. Ang pagkukusa ay ang asal o kilos na ________ kung ito ay pinag-isipang mabuti at malayang

naisasagawa. Ang mabuting kilos o asal ay resulta ng kanyang kalayaan at kaalaman.

5. Dito masasalamin ang pagkataong moral ng isang tao.

Paibaba:2. Ibang katawagan ng kilos.

4. Ang _____ay may kalayaang tumugon o di tumugon nang may matalinong pagpapasya sa kanyang mga

pangangailangan.

II. SAGUTAN NATINIsulat sa mga blankong kahon ang mga sagot mula sa mga katanungang nasa sunod na pahina.

1. 2.

3. 4.

5.

K I L O S Z X C V W O

P A G G A L A N G B Q

D S F H G J K L I E M

N A G N U R A T A K N

B A P O I Y A A T R B

D F J K U N Y O X C V

A G B I R R T Z A S D

O X H E E L O V E G F

M L T Q W E U I O P L

N L R P Q C A E P H K

A N A S A N A R A K J

III. HANAPIN NATINMula sa kahon na naglalaman ng maraming letra ay humanap ng salitang may

kinalaman sa mapanuring pagiisip at ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pamimili ng

gawain.

Marahil ay natuwa ka sa mga paunang pagsusulit at maaari ring

naguluhan ka sa ibang termino kaya’t narito ang mga karagdagang

impormasyon na magpapaunlad pa lalo sa iyong mga kalaman.

Prinsipyo sa Pakikibahagi sa Paggawa ng Masama

AsalSa asal o kilos masasalamin ang kanyang pagkataong moral. Ang

angking talino na naayon sa mga Batas ng Maykapal ay nagbibigay- direksyon samatalinong pagpapasya upang maisabuhay ang mga pagpapahalagang unibersal. Maymga kilos, asal, at gawi na pinaniniwalaan at tinatanggap na tama sa buongmundo. Ito ay ang tinatawag na mga Batas Moral at Unibersal. Tinatawag din itona Batas ng Kalikasan.

May tatlong makakatulong upang mapayaman ang ating pagpapasyangmoral at ito ay angmga sumusunod:1. Mabuti ang asal ung ito ay tumutugon at umaakma sa tamang katwiran2. Masama kung ito ay taliwas sa tamang katwiran3. Negatibo at hindi angkop ang asal kung ito ay walang positibong kaugnayan satamang katwiran.

Pagliliinaw Tungkol sa AsalUpang ang isang kilos ay maituturing na tamang asal, kailangan

ito ay magkaroon ng tatlong mahahalagang katangian.

• Kaalaman – Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa kalikasan at positibong epekto sa gawi ang simula ng gawing pantao. Nangangahuluganito ng malakas na kamalayan ng tao na magsagawa ng kilos na Maka-Diyos, Makatao, Makabayan o Makakalikasan kung saan hindi gagawa angisang tao ng isang bagay na hindi niya pinag-iisipan at ginusto.

• Kalayaan- Ito ay isang biyaya mula sa Diyos. Malaya tayo na piliingmabuhay ng maayos ayon sa kalooban ng Maykapal- mabait at moral sapaglinang ng sarili at pagtulong sa ating kapwa.

• Pagkukusa – Ang kilos o asal ay boluntaryo kung ito ay pinag-isipangmabuti at malayang naisasagawa. Ang mabuting kilos o asal ay resulta ng kanyang kalayaan at kaalaman. Ang kilos na ito ay tinaguriang will-act o piniling gawa o desisyon.

Kalayaan sa PagpapasyaAng tao ay may kalayaang tumugon o di tumugon nang may

matalinong pagpapasya sa kanyang mga pangangailangan. Isa sa pinakamalinawna halimbawa ng kanyang kalayaan upang piliin ang kanyang gawi ay angtungkulin ng regular na pagsisimba at pakikipag-ugnayan sa Diyos. Kung saan may

iba’t ibang relihiyon na maaaring kumakatawan sa pangangailangang itona makipag-ugnayan sa Diyos. Sa atin nakasalalay kung anongpaniniwala ang ating susundin at kung saang relihiyon tayo papanig.

Samakatwid, ang pagkakasapi sa isang relihiyon ay isang bungang ginusto at niloob nasiyang ukol sa pagpili ng relihiyon.

Ang kalayaan sa pagpapasya ay nangangailangan ng masusing pag-iisip lalona sa magiging resulta ng ating desisyon at pagpapasya. Ang mga ganitong paghubogay lubhang napakahalaga sa panahon ng iyong kabataan kaya’t mag-isip muna bagogumawa ng desisyon at pagpapasya.

Iba’t ibang Antas ng Pakikisangkot ng Tao

May iba’t ibang antas ang pakikisangkot ng tao:• Buong-buo at tiyak

– Ito ay ang pakikisangkot kung ang gumawa nito ay may kamalayan at hustong kaalaman, intension at motibo ukol sa gawa.

• Napipilitan at kondisyonal- Ito ay ang pakikisangkot kung ang mga gawa ay pinuwersa o ginipitupang isagawa ang gawain

Prinsipyo sa Pananagutan sa Kalayaang MagpasyaAng mga sumusunod na mahalagang prinsipyo ay may mga moral na

batayan upang maging mabuti ang resulta at kalalabasan ng isang gawa natinaguriang pagpapahalagang moral at napapaloob din sa mga prinsipyong ito angpaggamit ng pagpapasyang moral at ang hangganan ng ating kalayaang magpasya.

1. Ang ideal na pakikisangkot ay yaong pinag-isipan nang mabuti upang maiwasanang magiging masamng epekto nito sa gawa o sa kapwa.

2. Ang isang tao ay may pananagutan sa masamang epekto ng kanyang gagawinkung siya ay mayroon pang sapat na pagkakataong maiwasan ang pagsasagawa nito.

3. May pananagutan siya sa masamang epekto ng kanyang gagawin kung siya ay may sapat na katatagang moral upang maiwasan ang gawain.

Ano ang dilemang moral?

Mapanuring pag iisip ay kailangan upang makita ang magiging bunga ng gagawing desisyon. Dapat isaalang alang ang mga sumusunod na salik sa pamimili ng gawain.

1. Karanasan2. Katotohanan at katarungan3. Alternatibo/ Pagpipilian4. Paggalang sa kultura at istrukturang panlipunan

Mapanuring Pag-iisip

Kilos: Kailan Tama, Kailan Mali

Ang Panloob na Salik ng Kilos: Konsensya

Dilemang Moral

Ito ay ang sitwasyon kung saan may dalawang alternatibong solusyon angmaaaring piliin. Ngunit ang dalawang alternatibong ito ay kapwa magdudulot ng positiboat negatibong epekto sa tao.

Paano nga ba ang proseso ng paglilinaw ng isang dilemang moral?

• Paglalahad ng dilemang moral- aktwal na pagpapahayag ng dilemagaya ng pagbabasa nito, pakikinig o panonood.

• Paglilinaw ng dilemang moral- pagsusuri ng mga pangyayari, nilalaman o mga isyung napapaloob sa sitwasyon. Sa prosesong ito, hinihimay ang katauhan, mga aktwal na pangyayari sa kanyangbuhay at iba pang tauhang may kaugnayan sa dilema.

• Talakayan ukol sa dilema – pagbabahaginan at pagpapalitan ng kaisipan, kuru-kuro at saloobin sa sitwasyon.

• Paggawa ng pagpapasya - paglalahad ng napiling solusyon at mgakatwirang nabuo mula sa pagtatalakayan.

Proseso sa Paglilnaw ng Dilema

Ang proseso ng pag-aaral ng dilemang moral ay isang mahabang prosesong paglilinaw at malayang pagpapalitan ng mga kaisipan, katwiran, at paliwanag nasiyangnagbibigay ng pagsasanay upang mapaunlad at mahubog ang kakayahan ng taona mag-isip at mangatwiran batay sa tamang konsensya. Pinatunayan lamang nitona ang katwiran ay hindi maaaring ihiwalay sa moralidad sapagkat ang moralidad ay batay sa tamang pangangatwiran. Isinasaalang-alang ang kawastuan ng solusyonayon sa lohika, matamang pagsusuri, katwiran at kalinisan ng konsensya. Samakatwid, mahalagang mahubog ang tamang konsensya upang makapagpasya ng tama.

Ano nga ba ang gampanin ng konsensya ng tao sa kanyang pagpapasya?

Ang konsensya ang tinaguriang praktikal na tagapaghusgangmoral ng kaisipan. Pinagpapasyahan nito kung ano ang tama at malina aksyon. Sinusuri din nito ang aksyon ayon sa batas moral. Kung ang konsensya ay tagapaghusga ng tama at batayan ng moralidad, bakitmayroon pa ring nagkakamali at nakagagawa ng pagkakasala?

Hindi lahat ng konsensya ay tama. May iba’t ibang uri angkonsensya ayon sa pagkabuog nito sa tao.

• Tamang Konsensya – naghuhusga ng tama bilang tama at malibilang mali.

• Maling Konsensya – naghuhusga ng isang aksyon, isyu o sitwasyon batay sa maling prinsipyo o pamantayan.

• Tiyak na konsensya – may sapat na batayan ang tao upanghusgahan ang isang aksyon o kilos at tiwala siya at walang kaduda-duda sakawastuhan ng kanyang pagpapasya.

• Di tiyak na konsensya - naguguluhan at naliulitong pagpapasya.

Uri ng Konsensya

Mula sa mga uri ng konsensya, mahalagang patuloy namahubog ng tao ang kanyang konsensya sa pagharap sa mga dilemangmoral. Ang mga karanasang ito ang siyang magpapatibay sa tama at wastong konsensya. Narito ang ilang praktikal na pamamaraan kung paano huhubugin pa ang tamang konsensya ayon kay Esteban (1990):

1. Pagpapatalas ng kaisipan na siyang batayan ng pagsusuri ng tamang katwiran.

2. Pagtanggap sa katotohanan ng buhay at pagtuklas ng tunay nalayunin nito sa mga karanasan at pagsubok sa buhay nadumarating sa atin.

3. Paggawa ng kabutihan at pagsisikap na umiwas sa masama.4. Sanayin at patatagin ang taing mga emosyon sa pagharap sa mga

sitwasyon.5. Pumili ng mga tao, gaya ng kaibigan, kamag-aral at iba pa na

tutulong sa iyo upang mapaunlad ang iyong pagpapasya at mahubog ang tamang konsensya.

6. Pagtibayin ang iyong pananalig sa Diyos- Sa oras ng kagipitan, tiyak na maaasahan mo ang tulong at paggabay ng Diyos.

Paraan Upang Hubugin Ang Sarili sa Tamang Konsensya

Matapos ang mahaba-habang talakayan ay naririto ang ilang katanungan na

siyang magsisilbing katibayan na mayroon pang nadagdag na kaalaman sa iyo matapos

basahin ang talakayan.

I. PILIIN NATINPiliin ang titik ng tamang sagot mula sa mga tanong na nakahanda sa ibaba.

1. Ang pagkakaroon ng pagkukusa ay ang pagkakaroon din ng asal o kilos

boluntaryo’t pinag-isipang mabuti at malayang ginawa. Ang kilos na ito ay

tinagurian ding _______.a. Boluntaryo c. will-act

b. Kilos d. must-do-act

2. Ang ________ sa pagpapasya ay nangangailangan ng masusing pag-iisip lalo

na sa magiging resulta ng ating desisyon at pagpapasya

a. Katarungan c. Kalayaan

b. Kasiguraduhan d. Kapayapaan

3. May _________ siya sa masamang epekto ng kanyang gagawin kung siya ay

may sapat na katatagang moral upang maiwasan ang gawain.

a. Karapatan c. Pananagutan

b. Kinalaman d. Kapayapaan

4. Ito ay ang pakikisangkot kung ang mga gawa ay pinuwersa o ginipit upang

isagawa ang gawain.

a. Buong buo at napipilitan c. Napipilitan at kondisyonal

b. Buong buo at tiyak d. Napipilitan at tiyak

5. Ito ay ang pakikisangkot kung ang gumawa nito ay may kamalayan at hustong

kaalaman, intension at motibo ukol sa gawa.

a. Buong buo at napipilitan c. Buong buo at tiyak

b. Napipilitan at kondisyonal d. Napipilitan at tiyak

II. IBIGAY NATINIbigay ang hinihingi ng mga sumusunod na katanungan.

1. Bakit kailangan natin ang mapanuring pag iisip?

2.-5. Ibigay ang mga dapat isaalang alang na salik sa pamimili ng gawain

III. KOMPLETUHIN NATINKompletuhin ang sumusunod na talata sa paglalagay ng mgaangkop na salita sa mga bakanteng linyang inilaan para rito.

May pagkakataon sa buhay ng tao ang mas karanas ng isang

1. ________ _________ o pagsubok sa buhay. Sa anumang dilemang

moral na mararanasan ng tao, mahalaga ang pagkakaroon ng

2. ___________ ng loob upang harapin ito. Sa ganitong mga

pangyayari higit na kailangan ang 3. __________ _________ at

kawastuhan ng pasya batay sa tamang konsensya. Ang tamang

4. __________ ang gagabay sa atin upang sumuri at magpasya ng

ayon sa katwiran at katotohanan. Kakailanganin din natin ang

magkaroon ng kapanatagan ng isip at kalooban nang sa gayon ay

makapag-isip tayo nang maayos at tama. Kadalasan, kapag magulo an

gating isip at nababagabag ang ating damdamin, maaari tayong

magkamali at maging bulag sa ating 5. ___________ na baka

pagsisihan natin ng habang panahon.

Napakasayang malaman na ang isang mambabasa ay nakatapos ng

pagbabasa at nasagutan ang ilang pagsubok ng modyul na ito na sana’y nakatulong

sa bawat tao na nakahawak nito kaya’t narito ang mga kasagutan mula sa mga

katanungang nagdaan.

II. SAGUTAN NATIN

K A A L A M A N

S

A

B O L U N T A R Y O

A

K I L O S

1. 2.

3. 4.

5.

I. PUNAN NATIN

1. Magmahal 3. Manira 5. Pagpapasya

2. Lumuha 4. Manalangin

III. HANAPIN NATINK I L O S Z X C V W O

P A G G A L A N G B Q

D S F H G J K L I E M

N A G N U R A T A K N

B A P O I Y A A T R B

D F J K U N Y O X C V

A G B I R R T Z A S D

O X H E E L O V E G F

M L T Q W E U I O P L

N L R P Q C A E P H K

A N A S A N A R A K J

I. PILIIN NATIN

1. C. 4. C.

2. C. 5. C.

3. C.

1. Mapanuring pag iisip ay kailangan upang makita natin ang

magiging bunga ng gagawing desisyon.

2. Paggalang sa kultura at istrukturang panlipunan 4. Karanasan

3. Katotohanan at katarungan 5. Alternatibo/ Pagpipilian

II. IBIGAY NATIN

1. dilemang moral 4. konsensya

2. kapanatagan 5. desisyon

3. mapanuring pag-iisip

III. KOMPLETUHIN NATIN

• Agapay, Ramon B., Ethics and the Filipino, Mandaluyong City:

National Bookstore, 1991

• Esteban, Esther J., Education in Values, Manila: Sinag-Tala

Publishers, 1990

• Punsalan, Twila G., et al., Buhay: Edukasyon sa Pagpapahalaga Para

sa Kolehyo, Manila: PNU, 1999

• Reyes, Ramon C., Ground and Norm of Mortality, Quezon

City:Ateneo de Manila University Press, 1989

• Glenn, Ethics, London: B. Herder Book Co., 1968

• PNU = DECS- FAPE, Sourcebook and Mass Trainng Manual in

Values Education IV, 1991