monday july 6 july 10,2015 epp lp

14
Monday July 6,2015 ANG MGA PANGANIB NA DULOT NG MALWARE AT COMPUTER VIRUS ICT ARALIN 8 I. LAYUNIN: 1. Nabibigyang kahulugan ang malware at computer virus 2. Natutukoy kung ang isang computer ay may malware at computer virus 3. Naipaliliwanag ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng computer virus 4. Naisa-isa ang mga paraan kung paano maiwasan at tanggalin ang malware at computer virus II. PAKSANG ARALIN: Paksa: Malware at Computer Virus Sanggunian: K to 12 – EPP4IE – Oh 16 Kagamitan: computer, internet access, manila paper, pentel pen, Krayola, bond paper, lapis, scotch tape III. PANIMULANG PAGTATASA: Ipasagot sa mga mag-aaral ang Panimulang Pagtatasa sa Kasanayan sa Computer Virus at Malware sa LM. Taglay mo na ba ang sumusunod na kasanayan? Maglagay ng tsek () sa hanay ng thumbs up icon kung OO ang sagot at ng thumbs down icon kung HINDI. Kasanayan Kasanayan 1. Naipaliliwanag kung ano ang virus at malware. 2. Natutukoy ang computer na may virus. 3. Naiisa-isa ang mga paraan ng pagkalat ng malware. 4. Nakakapag-scan ng files. 5. Naiisa-isa ang mga paraan kung paano makaiiwas sa virus at malware. . 6. Nakagagamit at nakapagsasagawa 1

Upload: jedith-evangelista

Post on 11-Aug-2015

831 views

Category:

Education


17 download

TRANSCRIPT

Page 1: Monday                   july 6  july 10,2015 epp lp

Monday July 6,2015ANG MGA PANGANIB NA DULOT NG

MALWARE AT COMPUTER VIRUSICT ARALIN 8

I. LAYUNIN: 1. Nabibigyang kahulugan ang malware at computer virus 2. Natutukoy kung ang isang computer ay may malware at computer virus 3. Naipaliliwanag ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng computer virus 4. Naisa-isa ang mga paraan kung paano maiwasan at tanggalin ang malware at computer virus II. PAKSANG ARALIN: Paksa: Malware at Computer Virus Sanggunian: K to 12 –EPP4IE – Oh 16 Kagamitan: computer, internet access, manila paper, pentel pen, Krayola, bond paper, lapis, scotch tape III. PANIMULANG PAGTATASA: Ipasagot sa mga mag-aaral ang Panimulang Pagtatasa sa Kasanayan sa Computer Virus at Malware sa LM.Taglay mo na ba ang sumusunod na kasanayan? Maglagay ng tsek () sa hanay

ng thumbs up icon kung OO ang sagot at ng thumbs down icon kung HINDI. Kasanayan Kasanayan

1. Naipaliliwanag kung ano ang virus at malware.2. Natutukoy ang computer na may virus.3. Naiisa-isa ang mga paraan ng pagkalat ng malware.4. Nakakapag-scan ng files.5. Naiisa-isa ang mga paraan kung paano makaiiwas sa virus at malware.. 6. Nakagagamit at nakapagsasagawa ng update ng anti-virus software

IV.PAMAMARAAN: A. PAGGANYAK 1. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong: Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Naranasan mo na bang

magkasakit tulad ng sipon o ubo?

2. Paano mo ito nakuha? Nahawa ka lang ba?

3. Ano ang iyong pakiramdam ng ikaw ay magkasakit?

1

Page 2: Monday                   july 6  july 10,2015 epp lp

4. Paano ka gumaling sa iyong sakit?

5.. Paano mo maiiwasan ang pagkakaroon ng sipon at ubo? B.PAGLALAHAD: 1.Itala ang mga sagot ng mag-aaral sa pisara. Tanggapin lahat ang sagot ng mga ito. 3. Iugnay ito sa paksang tatalakayin, ang Malware at Computer Virus.

C.PAGTATALAKAY: Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Naranasan mo na ba ang biglang pagbagal at pagre-restart ng iyong computer? 2. Ano ang ginawa mo nang maranasan mo ito? 3. Ano sa iyong palagay ang dahilan ng pagbagal at pagre- restart ng iyong computer?

4. Ipaliwanag ng guro kung ano ang computer malware.

D.PAGLALAHAT: Ano ang computer malware? Ang malware o malicious software ay idinisenyo upang makasira ng computer. Sa pamamagitan ng malware, maaaring ilegal na makuha ang sensitibong impormasyon mula sa computer. Ang mga halimbawa ng malware ay virus, worm, o trojan.E. PAGLALAPAT:Malware . . . Iwasan! Ang sumusunod ay mga paraan kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng malware sa computer. Sagutan ang tseklist sa ibaba. Lagyan ng tsek () kung naisasagawa at ekis (X) kung hindi. Mga Paraan kung Paano Maiiwasan ang Pagkakaroon ng Malware sa Computer

1.Pag-update ng computer at software

. 2.Paggamit ng account na hindi pang- administrator

3. Pagdadalawang-isip bago mag-click ng

mga link o mag-download ng bagay.

2

Page 3: Monday                   july 6  july 10,2015 epp lp

4. 4.Pagdadalawang-isip

bago magbukas ng mga attachment o

larawan sa email. 5. Hindi pagtitiwala sa mga

pop-up window na humihiling na mag-download ng software.

4. 4.Pagdadalawang-isip bago magbukas

ng mga attachment o larawan sa email.

7. Paggamit ng anti-virus software.

5. Hindi pagtitiwala sa mga pop-up window na humihiling na mag-download ng software.

V.Takda: Magdala ng larawan ng computer.

Tuesdayday July 7,2015ANG MGA PANGANIB NA DULOT NG

MALWARE AT COMPUTER VIRUSICT ARALIN 8

I. LAYUNIN: 1. Nabibigyang kahulugan ang malware at computer virusII. PAKSANG ARALIN: Paksa: Malware at Computer Virus Sanggunian: K to 12 –EPP4IE – Oh 16 Kagamitan: computer, internet access, manila paper, pentel pen, Krayola, bond paper, lapis, scotch tape III. Panimulang Gawain:a, Balik-aral: 1. Ano ang computer malware? 2. Anu-ano ang mga paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng malware sa computer?b. Pagganyak: Muling ipakita ang larawan ng computer.

3

Page 4: Monday                   july 6  july 10,2015 epp lp

-Anu-ano ang mga virus na pumapasok sa isang computer? -Pag-usapan ang mga halimbawa ng mga program na nakakasira sa computer?B.Panlinang na Gawain:1.Paglalahad: Mga Halimbawa ng mga Malware o Programang nakakasira sa computer.

Ipabasa ang ilan sa mga halimbawa ng malware o mga programang nakakasirasa computer.

virus Program na nakapipinsala ng computer at maaaring magbura ng files at iba pa. Mas matindi ito kaysa sa worm. Halimbawa nito ay W32 SFCLMOD.

worm Isang nakapipinsalang

program sa computer na nagpapadala ng mga kopya ng sarili nito sa ibang mga computer sa pamamagitan ng isang network. Halimbawa: W32 SillyFDCBBY, W32Trresba.

spyware Malware na nangongolekta

ng impormasyon mula sa mga tao nang hindi nila alam.

adware Software na awtimatikong

nagpe-play, nagpapakita, o nagda-download ng mga

anunsiyo o advertisement sa computer.

keyloggers Malware na nagtatala ng

lahat ng mga pinindot sa keyboard keystrokes at ipinadadala ang mga ito sa umaatake upang magnakaw ng mga password at personal na data ng mga biktima.

dialers Software na may

kakayahang tumawag sa mga telepono gamit ang computer kung ang dial-up modem ang gamit na internet connection.

trojan horseIsang mapanirang program

na nakukunwaring isang kapaki-pakinabang na application ngunit pinipinsala ang iyong computer. Nakukuha nito ang iyong mahahalagang impormasyon pagkatapos mo itong ma-install. Halimbawa: JS Debeski Trojan.

2.Pagtatalakay:

-Anu-ano ang mga halimbawa ng mga malware o mga programang nakakasira sa computer?-Anu-ano ang mga paraan upang ito ay maiwasan?3. Paglalahat: Anu-ano ang mga halimbawa ng malware sa computer o computer virus? Anu-ano computer virus?

4

Page 5: Monday                   july 6  july 10,2015 epp lp

Ang computer virus ay isang uri ng programa na ginawa upang makapanira ng mga lehitimong aplikasyon o iba pang programa ng computer. Ito ay kusang umuulit at nagpaparami ng sarili. Karaniwan itong pumapasok sa mga computer nang walang pahintulot mula sa gumagamit o user.4.Paglalapat:Tukuyin isa-isa ang mga halimbawa ng computer malware o computer virus.IV.Pagtataya: Isulat sa notbuk ang T kung tama ang pahayag at M kung mali. _____1. Ang virus ay kusang

dumarami atnagpapalipat-lipat sa mga

document o filessa loob ng computer. _____2. Ang biglang pagbagal

ngcomputer ay palatandaan na

may virus ito. _____3. Ang worm ay isang

malware nanangongolekta ng

impormasyon mula samga tao nang hindi nila

nalalaman. _____4. Ang malware ay

anumang uri ngsoftware na idinisenyo upang

manira ngsistema ng computer.

_____5. Ang Trojan Horse ay isang

mapanirang programa na nagkukun

waring isang kapakipakinabang na aplikasyon.

5

Page 6: Monday                   july 6  july 10,2015 epp lp

Wednesday July 8,2015ANG MGA PANGANIB NA DULOT NG

MALWARE AT COMPUTER VIRUSICT ARALIN 8

I. LAYUNIN: 1.Natutukoy kung ang isang computer ay may malware at computer virus. II. PAKSANG ARALIN: Paksa: Malware at Computer Virus Sanggunian: K to 12 –EPP4IE – Oh 16 Kagamitan: computer, internet access, manila paper, pentel pen, Krayola, bond paper, lapis, scotch tape III. Panimulang Gawain:a, Balik-aral:Anu-ano ang mga halimbawa ng malware o computer virus?

b.Pagganyak: malalaman ba natin kung ang computer natin ay napasok na ng computer virus? Paano?Pag-usapan.B.Panlinang na Gawain;1.Paglalahad: Basahin at pag-aralan ang ilang paraan sa pagtukoy na may virus ang computer.

2.Pagtatalakay:- Anu-ano ang mga paraan para matukoy natin kung ang computer natin ay may virus o wala.?3.Paglalahat: Isa-sahin ang mga paraan kung paano natin matutukoy kung ang computer ay may virus.4.Paglalapat;Gumuhit ng isang computer sa loob ng computer isualt kung paano ninyo matutukoy kung ang isang computer ay may malware at computer virus.IV.Pagtataya:

6

Page 7: Monday                   july 6  july 10,2015 epp lp

Isulat ang T sa patlang kung ang pangungusap ay nagsasabi kung paano matutiukoy kung ang computer ay may malware at computer virus at M kung wala.______1.Biglaang pagbagal ng takbo ng computer._______2. Di pangkaraniwang ingay sa loob ng computer.________3.Walang nagiging problema ang computer at nagagamit ito nang maayos.________4.Hindi paggana ng anti virus software ng computer.________5. Walang lumalabas na kahit anong error message sa kahait anong website na binubuksan.V.Takda:Ipaliwanag: anu-ano ang mga dahilan at nagkakaroon ng computer virus.

Thursday July 9,2015ANG MGA PANGANIB NA DULOT NG

MALWARE AT COMPUTER VIRUSICT ARALIN 8

I.LAYUNIN:

1. Naipaliliwanag ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng computer virus.II. PAKSANG ARALIN: Paksa: Malware at Computer Virus Sanggunian: K to 12 –EPP4IE – Oh 16 Kagamitan: computer, internet access, manila paper, pentel pen, Krayola, bond paper, lapis, scotch tape III. Panimulang Gawain:a, Balik-aral: Paano natin malalaman kung ang computer natin ay pinasok ng malware o computer virus?b. Pagganyak: Paano nagkakaroon ng computer n g computer virus ang ating mga computer.B.Panlinang na Gawain:Ipaliwanag ng guro at pag-usapan ang mga dahilan paano nagkakaroon ng computer virus ang isang computer.

Mga Dahilan sa Pagkakaroon ng Computer Virus at Malware.1.Wala o mahinang anti-virus. 2.Pagrehistro sa mga kahina-hinalang website.

7

Page 8: Monday                   july 6  july 10,2015 epp lp

3.Pagbubukas ng attachment galing sa isang email o mensahe na hindi alam ang pinanggalingan o hindi kilala ang sender. 4.Panonood ng malalaswang panoorin sa internet. 5.Pagda-download ng mga dokumento o ilegal na kopya ng kanta, pelikula, o mga palabas mula sa internet. 6.Pag-iinstall o paglalagay ng mga libreng program o toolbar ng mga browser. C.Pagtatalakay:Anu-ano ang mga dahilan sa Pagkakaroon ng computer virus.? Isa-sahin. D.Paglaahat: Paano nagkakaroon ng computer virus ang isang computer?E.Paglalapat:Pangkatang Gawain:Bigyan ng strip ng Carolina ang bawat pangkat: Punan ang diagram ng mga dahilan ng pagkakaroon ng virus at malware sa computer. Isulat ito sa mga pahabang piraso ng kartolina. Idikit ang mga pirasong ito sa diagram.

V.Pagtataya: Lagyan ng (/) ang patlang kung ang pahayag ay nagsasabi ng mga dahilan ng pagkakaroon ng virus at malware sa computer at (x) kung hindi._____1. wala o mahinang anti-virus._____2. Panonood ng mga malalaswang palabas sa internet.______3.Hindi paggamit ng internet habang nagcocomputer.______4. Pagdodownload ng mga laro sa internet.______5.Maingat at maayos na paraan na paggamit sa computer.V.Takda:Anu-ano ang mga paraan para matanggal ang mga virus sa computer?

8

Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Virus at Malware sa Kompyuter ...

Page 9: Monday                   july 6  july 10,2015 epp lp

Friday July 9,2015ANG MGA PANGANIB NA DULOT NG

MALWARE AT COMPUTER VIRUSICT ARALIN 8

I.LAYUNIN: 1. Naiisa-isa ang mga paraan kiung paano maiwasan o tanggalin ang malware o computer virus.II. PAKSANG ARALIN: Paksa: Malware at Computer Virus Sanggunian: K to 12 –EPP4IE – Oh 16

9

Page 10: Monday                   july 6  july 10,2015 epp lp

Kagamitan: computer, internet access, manila paper, pentel pen, Krayola, bond paper, lapis, scotch tape III. Panimulang Gawain:a, Balik-aral: Anu-ano ang mga dahilan at nagkakaron ng malware o computer virus an gating mga computer? b. Pagganyak:natanong ba ninyo ang mga nakatatanda sa inyo kung paano tanggaling ang mga virus na pumapasok sa computer natin? Paano?B.Panlinang na Gawain:1.Paglalahad: Isang laro: Banggitin ang salitang “Puwede” kasabay ng thumbs up na senyas kung ang pahayag ay mabuting gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng computer virus/malware. Sabihin naman ang “Di-puwede” kasabay ng thumbs down na senyas kung hindi ito nararapat gawin..Makinig ng mabuti.

2.Pagtatalakay: Anu-ano ang mga dapoat gawin para makaiwas o matanggal ang mga malware o computer virus sa ating mga computer?3.Pagalalahat: Ano ang halaga ng paglalagay ng anti-virus at pag-isscan n gating mga computer? Mahalaga ang kaalaman at kasanayan tungkol sa malware at virus sa kompyuter. Ang paglalagay ng anti-virussoftware at regular na pag-i-iscan ng mga dokumento atpagbubukas lamang ng websites na kapaki-pakinabang ay malaking

10

Pag-scan nang regular sa iyong computer

Paglalagay ng anti-virus na mapagkakatiwalaan.

Pagbubukas ng attachement galling sa isang e amil o mensahe na hindi alam ang pinanggalingan o hindi kilala ang sender.

Pag-iwas sa pagdownload ng mga illegal na kopya ng kanta,pelikula at iba pa mula sa internet.

Panonood ng malalaswang palabas sa internet

Pagpapanatiling updated ng kompyuter at software

Pagrehistro sa mga kahina-hinalang website.

Pag-i-install o paglalagay ng libreng mga programa o toolbars ng mga browsers

Page 11: Monday                   july 6  july 10,2015 epp lp

tulong upang maiwasan ang pagkalat ng malware atvirus sa ating kompyuter.4.Paglalapat:Mag-Scan Tayo . . . 1.Panoorin ang guro habang siya ay na magsagawa ng scan sa files na nasa flashdrive gamit ang anti-virus software na naka-install sa computer. 2. Pakinggang mabuti ang paliwanagguro habang nag-iiscan ng files. 3. Gawin ng grupo ang paraan sa pag-iiscan ng computer gamit ang anti-virus software.4. Subaybayn ng guro kung nagawa ng mga bata ang pag iiscan.IV.Pagtataya:Isaulat sa patlang ang Tama kung pahayag ay nagsasabi kung paano matatangal; o maiiwasan ang computer virus at Mali kung hindi._____1.Paglalagay ng anti-virus na mapagkakatiwalaan._____2. Pagrehistro sa mga kahina-hinalang website_____3. Pagbubukas ng isang attachment sa email na naglalaman ng malware. _____4. Pag-scan nang regular sa iyong. kompyuter _____5. Pag-i-install o paglalagay ng libreng mga

programa o toolbars ng mga browsersV.Takda:Humanda sa isang maikling pagsusulit.

11

Page 12: Monday                   july 6  july 10,2015 epp lp

12