mv2twpiv ubd plan
TRANSCRIPT
ISANG UBD PLAN PARA SA YUNIT I NG TANGLAW NG WIKA AT PANITIKAN: IV
PAMAGAT NG YUNIT: Alab ng Puso
Mga Sakop na Aralin:
1) Kung Tuyo na Ang Luha Mo, Aking Bayan; 2)Walang Panginoon;3) Liwanag at
Dilim; 4) Walang Sugat; 5) Satanas sa Lupa; 6) Alyas Juan de la Cruz; 7) Talulot sa
Pagas na Lupa
Bilang ng mga Linggo: 7 hanggang 8 8 hanggang 10 na linggo
Pagbubuod ng Yunit:
Sa Yunit I, itinatampok ang mga piling akdang pampanitikan na nagpapaalab sa
damdaming makabayan ng mga mag-aaral. Pawang mga akdang naglalarawan sa lipunan
ang tatalakayin sa yunit na ito. Sa tulang “Kung Tuyo na Ang Luha Mo, Aking Bayan,”
inilalarawan ang damdamin ng mga Pilipino sa pang-aagaw ng mga Amerikano sa
kalayaang katatamasa pa lamang nila pagkatapos ang matagumpay na rebolusyon laban
sa mga Kastila. Samantala, sa “Walang Panginoon,” isinasalaysay ang mga kawalang-
katarungang dinaranas ng mga magsasaka sa Pilipinas, na nagbubunsod ng iba’t ibang uri
ng tugon gaya ng himagsikan o kaya’y paghihiganti. Ang “Liwanag at Dilim” ay isang
sanaysay na tumatalakay naman sa masasamang epekto ng pag-ibig sa salapi at
kayamanan. Ang “Walang Sugat” ay isang sarswela na naglalahad sa pag-iibigan ng
isang Katipunero at ng kanyang babaeng minamahal. Matinding batikos naman ang
“Satanas sa Lupa”sa mga nagnanaknak na kanser ng lipunan gaya ng katiwalian. Tungkol
naman sa tungkulin ng doktor sa kanyang pasyente ang “Alyas Juan de la Cruz.” Ang
“Talulot sa Pagas na Lupa” ay tumatalakay naman sa kalagayan sa lipunan ng mga taong
may kapansanan sa pag-iisip.
MV1: David Michael M. San Juan Page 1 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
Ang mga akdang-pampanitikan na ito ay magsisilbing batayan ng pagtalakay sa
angkop na paggamit nga salita at pangungusap.
MV1: David Michael M. San Juan Page 2 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
Antas 1 – Inaasahang Bunga/Resulta
Mga Pamantayan: (Batay sa Panlahat at Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto sa Filipino
na inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon noong Marso 6, 2006)
Magagawa ng estudyante na:
1. N asamakapagsabi ang bisa akda ng piniling salita ayon sa kahulugang matalinghaga,
likas at tago.
2. N amasusuri ang bisa sa pagkakabuo ng mga pangngusap batay sa paggamit ng mahahaba
at maiikling pangungusapayos.
3. Nalilinaw ang istruktura ng banghay ng akda batay sa iba’t ibang bahagi nito
4. N maiugugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa nangyayari sa sarili,
pamilya, pamayanan, at lipunan at daigdig
5. Naihahambing ang akda sa iba pang akda batay sa iba’t ibang aspekto nito
6. N maiuugnay ang mga kaalaman tungkol sa akda batay sa kaligirang pangkasaysayan nito
7. N masusuri ang akda batay layunin sa sa mga tiyak na batayang kaalaman ng
kinabibilangang genre.
8. N mailalapat sa akda ang iba pang pananaw (teorya) at lapit sa panunuring pampanitikan.
9. makapagsalin ng isang akdang pampanitikan batay sa wastong mga hakbangNakasusulat
ng konseptong papel ng piniling paksa.
10. Nakapagsasalin ng ilang bahagi ng isang akdang pampanitikan.
11. N agagamit nang wasto ang iba’t ibang kagamitang pinagkukunan ng tala
12. Nakasusulat ng natatanging lathalain sa tulong ng mga kaalaman sa angkop na gamit ng
mga salita.
MV1: David Michael M. San Juan Page 3 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
13.
Nakagagamit ng mga salitang may kahulugang literal, tambalan at nilapatan ng pag-aangkop
(coining)Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa nangyayari sa lipunan at
daigdig
Nasusuri ang akda ayon sa istruktura nito (Pananaw Formalismo)
Natutukoy ang mga sitwasyong malalapatan ng dalawang antas ng komunikasyon (pormal at di
pormal)
Nagagamit ang kahulugang konotatibo at denotatibo ng mga salita
Naibubuod ang akda sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari at detalye.
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa nangyayari sa lipunan
Nakapagmumungkahi ng mga solusyon sa suliraning panlipunan na sinasalamin ng akda
Nasusuri ang akda ayon sa mga pangyayaring makatotohanan na nilalaman nito (Pananaw
Realismo)
Mga Kakailanganing Pag-unawa:
Mauunawaaan ng mga estudyante na…
Buhay at dinamiko ang wika:
nNakabatay ang paghubog at pag-
unlad ng wikaito sa mga taong
gumagamit nito.
May angkop na salita para sa
iba’t ibang sitwasyon..
Mahahalagang Tanong:
Bakit may mga salitang nagbabago
ang kahulugan ng salita sa paglipas ng
panahon?
Anu-ano ang mga posibleng ugat ng
malalang kahirapan ng Pilipinas sa kabila ng
masaganang likas na yaman ng bansa?
Paano malulutas ang paghihirap ng
MV1: David Michael M. San Juan Page 4 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
Ang pananakop ng mga
dayuhan (kolonyalismo) ay isa sa
mga sanhi/dahilan ng paghihirap ng
isang bansa..
Ang kalayaan ang susi sa
pag-unlad ng bayan.
May angkop na salita para sa
iba’t ibang antas ng komunikasyon
(pormal at di pormal)
Nagbabago ang kahulugan
ng salita batay sa kontekstong
pinaggamitan nito (konotatibo o
denotatibo).
Ang kawalan ng tunay na
reporma sa lupa ay isa sa mga
malalang suliranin ng mga magsasaka
sa ating lipunan na nagbubunga ng
iba pang problema.ma gaya ng pag-
aaklas at mababang produksyon/ani.
Ang pagkakaroon ng tunay
na reporma sa lupa ay isang mabisang
solusyon upang magwakas ang pag-
aaklas ng mga magsasaka at tumaas
bansa?
Paano sinasalamin ng panitikan ang
kasaysayan?
Paano naman nagiging bahagi ng
kasaysayan ang isang akdang pampanitikan?
Paano nag-uusap-usap ang mga tao sa isang
pormal na pulong? Ihambing ito sa paraan ng
pakikipag-usap mo sa iyong mga matalik na
kaibigan.
Bakit maraming mga magsasaka ang
nag-aaklas sa Pilipinas?
Bakit hindi mabilis ang pagtaas ng
produksyong agrikultural/ani ng bansa?
Paano magwawakas ang pag-aaklas ng mga
magsasaka sa Pilipinas?
Paano tataas ang produksyong agrikultural/ani ng
bansa?
Paano naaapektuhan ng lipunang
ginagalawan ng isang tao ang kanyang mga
pasya at katauhan ?
Bakit mahalaga ang kalayaan sa
buhay ng bawat tao?
Paano nag-aambag ang panghihiram
MV1: David Michael M. San Juan Page 5 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
ang produksyon/ani ng bansa.
Sinasalamin ng panitikan
ang mga nangyayari sa lipunan.
. Ang pagkakaroon ng
matatalinhagang salita sa alinmang
wika ay nagpapatunay na ang bawat
wika ay may kakayahang linangin
ang mapanuring pag-iisip ng isang
tao.
Ang kayamanan ay ugat ng
maraming kasamaan ngunit maaari
rin itong gamitin sa kabutihan.
Mahalaga sa buhay ng tao
ang kalayaan dahil ito ang susi sa
paghahangad ng iba pang mabubuting
bagay.
Lahat ng wika ay
nanghihiram sa iba pang wika; ang
panghihiram ay nagpapayaman sa
talasalitaan ng isang wika.
Ang kasaysayan ay
sinasalamin ng panitikan at ang
ng salita sa pag-unlad ng ating sariling wika?
Paano magagamit sa kabutihan ang
kayamanan ?
Anu-anong salik (factor) ang
maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng
ating bansa ?
Anu-ano ang benepisyo/kabutihang
maidudulot sa iyo ng paggalang sa karapatan
ng ibang tao?
Anu-anong pamamaraan ang
maaaring gamitin sa pagkilatis ng
personalidad o katauhan ng isang tao?
Anu-anong mga aspekto ng
moralidad ang kinikilala at inilalapat sa
buong daigdig?
Anu-ano ang dahilan mo para
patuloy na mabuhay at magtagumpay sa
daigdig?
Ano ang epekto ng maling
pagbigkas ng mga salita sa proseso ng
komunikasyon?
Ano ang kabuluhan ng panitikan sa
MV1: David Michael M. San Juan Page 6 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
panitikan ay nagiging bahagi rin ng
kasaysayan.
Lubhang makapangyarihan
ang pag-ibig; hahamakin ng tao ang
lahat, masunod lamang ito.
Bawat tao, may kapansanan
man, ay may angking mga karapatan
na dapat itaguyod at igalang.
Ang mga akdang hitik sa
simbolismo ay hitik din sa
makabuluhang aral na makatutulong
sa pag-unawa ng tao sa kabuluhan ng
buhay.
pag-aaral natin sa mga nangyayari sa lipunan?
Mababatid ng mga estudyante ang…
Proseso ng pagkuha ng
kahulugang literal, pagbuo ng
salitang tambalan at paglalapat ng
Maisasagawa ng mga estudyante ang…
Magamit ang diksyunaryo sa pananaliksik ng
kahulugang literal ng ilang piling salita
Makabigyang-kahulugan ang iba’t ibang uri
MV1: David Michael M. San Juan Page 7 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
pag-aangkop.
Mga epekto ng kolonyalismo
at neokolonyalismo sa Pilipinas
Kabuluhan ng kalayaan sa
pag-unlad ng bayan
Kaibahan ng dalawang antas
ng komunikasyon (pormal at di
pormal).
Dahilan ng pag-aaklas ng
mga magsasaka at mabagal na
pagtaas ng produksyong agrikultural
sa bansa (kawalan ng tunay na
reporma sa lupa)
Mabubuting bunga ng tunay
na reporma sa lupa
Kaugnayn abuluhan ng
panitikan sa kasaysayan pag-aaral ng
mga nangyayari sa lipunan
Paggamit ng mga ibang
salita (literal, tambalan,pag-aangkop,
konotatibo,
denotatibo,matalinghaga,hiram,
ng salita.buo ng mga salitang tambalan at mga
salitang nilapatan ng pag-aangkop
Magamit sa sariling pangungusap ang iba’t
ibang salita..
Maipaliwanag ang kaugnayan sa sarili, pamilya at lipunan ng mga akdang pampanitikan.
Makapagpahayag ng kaisipan sa paraang berbal at di berbal
Mapaghambing ang iba’t ibang teoryang
pampanitikan. (Formalismo, Realismo,
Historikal, Sosyolohikal, Moralismo at
Arketipal)
Maipaliwanag ang iba’t ibang katangian ng Makalikha ng concept map na tumutukoy sa
mga epekto ng kolonyalismo at neokolonyalismo sa bansa
Makaguhit ng larawang-diwa ng tula Makapagtanghal ng tableau ng mga eksenang
mula sa tula Matukoy ang mga sitwasyong nilalapatan ng
dalawang antas ng komunikasyon Magamit sa sariling pangungusap ang mga
kahulugang konotatibo at denotatibo ng mga salita
Maibuod ang maikling kwentong tinatalakay sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari at detalye
. Maisadula ang kalagayan ng mga magsasaka bago at pagkatapos magkaroon ng tunay na reporma sa lupa
Maitala sa isang tseklist ang matatagumpay na programa sa reporma sa lupa sa ibang panig ng mundo
MV1: David Michael M. San Juan Page 8 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
homonym at heteronim
Pagkakaayos ng mga
pangungusap
Mga salita at pangungusap
na nagpapahayag ng pagsang-ayon
Mga simulain at hakbang sa
pagsasalin.
Iba’t ibang teorya sa
panitikan na ginamiot sa mga akda
Antas 2 – Pagtataya
Mga Gawain sa Pagganap:
Pagbuo ng mga salitang tambalan at
mga salitang nilapatan ng pag-
aangkop: Isipin na kumakain ka sa
isang karinderya kasama ang mga
kaibigan, namamasyal kasama ang
pamilya at nanonood ng debate ng
mga pulitiko. Bumuo ng mga
dayalogong naglalaman ng mga
salitang tambalan at nilapatan ng
Iba pang Patunay:
Maikling pagsusulitt
Pagguhit ng larawang-diwa
Rubrics ng produkto/pagganap (Performance
task rubrics)
Pagsasanay sa aklat
Mahabiklaing pagsusulit
Paglikha ng tseklist
Rubrics ng produkto/pagganap (Performance
task rubrics)
MV1: David Michael M. San Juan Page 9 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
pag-aangkop, alinsunod sa mga
binanggit na konteksto . Bubuo ng
mga salitang tambalan at mga
salitang nilapatan ng pag-aangkop
ang mga mag-aaral sa tulong ng
mga halimbawang ibinigay ng
guro. Gagamitin ang mga salitang
binuo sa pagbuo ng talata na
nagsasalaysay sa alinman sa mga
sumusunod na konteksto: pagkain
sa isang karinderya kasama ang
mga kaibigan, pamamasyal kasama
ang pamilya at kalagayan ng
pulitika sa Pilipinas. Para sa mga
klaseng mabagal ang pagkatuto,
maaaring magbigay ng
karagdagang tulong sa
pamamagitan ng pagpapaskel ng
mga salitang maaaring
pagtambalin o kaya’y pagsamahin
para makabuo ng salitang
tambalan at mga salitang “coined”
(nilapatan ng pag-aangkop).
MV1: David Michael M. San Juan Page 10 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
Pagbuo ng concept map ng mga
epekto ng kolonyalismo: Sa isang
buong papel, atasang gumuhit ng
malaking bilog sa gitna, ang mga
mag-aaral. Ilalagay sa gitna ng
bilog ang salitang “Kolonyalismo.”
Atasan ang mga mag-aaral na
lagyan ng mga sinag ang bilog. Sa
bawat sinag ay ilalagay nila ang
mga epekto ng kolonyalismo sa
bansa. Maaari itong gamiting
lunsaran sa pagtalakay ng mga
epekto ng kolonyalismo sa bansa.
Pagtatanghal ng tableau: Pangkatin
sa apat ang klase. Bigyan ng
limang minuto angKasama ang 7
kamag-aral, pumili ng isang klase
upang mapag-usapan ng bawat
pangkat ang eksena mula sa tula na
ng itatanghal nila sa paraang
tableau. Ang bawat kasapi ng
pangkat ay dapat gumampan ng
tungkulin ayon sa hinihingi ng
MV1: David Michael M. San Juan Page 11 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
pinili nilang eksena. Maaaring
hatiin ang tula sa apat bahagi
upang maging mas mabilis ang
pagpaplano sa gagawing tableau.
Pananaliksik sa mga sitwasyong
nagpapakita ng pormal at di pormal
na komunikasyon: Ibibigay itong
homework sa mga mag-aaral.
Hatiin sa apat na pangkat ang
klase. Atasan ang bawat pangkat na
magmasid at makinig ng mga
usapan ng iba’t ibang tao sa iba’t
ibang sitwasyon (Pangkat 1: parlor
o barberya; Pangkat 2: palengke;
Pangkat 3: pulong sa bulwagang
pambarangay o iba pang pormal na
pulong; Pangkat 4:
kantina/kainan). Ipatala ang mga
bagong salitang natutuhan. Ipasuri
rin ang uri ng pananalitang
ginamit.
Pagsasadula ng sitwasyon ng mga
MV1: David Michael M. San Juan Page 12 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
magsasaka bago at pagkatapos
magkaroon ng tunay na reporma sa
lupa: Pangkatin sa apat ang
klase.Kasama ang 7 kamag-aral,
Bigyan ng sapat na panahon ang
klase upang mapag-usapan ang
sitwasyon ng mga magsasaka bago
at pagkatapos magkaroon ng
reporma sa lupasapan ng bawat
pangkat ang kanilang isasadula.
Ang mga mag-aaral ay gaganap
Gawin itong lunsaran upang
magampanan nang makatotohanan
ng bawat kasapi ang papel ng
alinman sa mga sumusunod:a
magsasaka, asendero at mga
opisyal ng Department of Agrarian
Reform (DAR). Ipapakita nila ang
sitwasyon ng mga magsasaka bago
at pagkatapos magkaroon ng tunay
na reporma sa lupa. Magsisilbing
lunsaran/springboard ang kanilang
pagsasadula sa pagtalakay ng
MV1: David Michael M. San Juan Page 13 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
mabubuting bunga ng tunay na
reporma sa lupa.
Paglikha ng sanaysay konseptong
papel/sanaysay na naglalahad ng
kahalagahan ng kalayaan sa buhay
ng tao: Isasagawa ito pagkatapos
talakayin ang sanaysay. Bilang
paghahanda sa paglikha ng
sanaysay, kailangang maisaloob o
ma-internalize ng mga mag-aaral
ang kahalagahan ng kalayaan.
Kailangan nilang iIsipin o i-
imagine na silaikaw ay bilanggo,
alipin at iba pangtbp. taong walang
kalayaan. Sagutin ang mga
Maaaring magpakita rin ng
larawan ng mga taong dumanas ng
kawalang kalayaan (panahon ng
Batas Militar atbp.) Pagkatapos,
ibibigay ng guro ang mga gabay na
tanong para mabuo ang sanaysay:
1) Ano ang kalayaan? 2) Paano mo
masasabing malaya ang isang tao?
MV1: David Michael M. San Juan Page 14 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
3) Kailan nawawala o naglalaho
ang kalayaan ng isang tao? 4)
Kung ikaw ang nasa kalagayan ng
mga taong walang kalayaan, ano
ang mararamdaman mo? 5) Bakit
mahalaga ang kalayaan sa buhay
ng tao? 6) Ano ang mangyayari sa
tao kung wala ito?
Pagbuo ng collage ng mga
masasamang epekto ng pag-ibig sa
salapi (pagkalulong sa droga,
katawalian, pagsusugal atbp.):
Gawing homework ang
pananaliksik sa internet at mga
pahayagan ng mga larawang
nagpapakita ng masasamang
epekto ng pag-ibig sa salapi, at
pagdadala ng mga materyales
(gaya ng kartolina, gunting at
pandikit) para sa paggawa ng
collage. Hatiin sa apat ang klase.
Atasan sila ng bumuo ng collage na
nagpapakita ng masasamang
MV1: David Michael M. San Juan Page 15 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
epekto ng pag-ibig sa salapi. Ang
kanilang collage ay magkaroon
dapat ng isang partikular na
simbolikal na hugis (mukha ng tao,
kamay, supot ng salapi, hugis ng
barya atbp.) Habang inihahanda
ang collage ay kailangang
talakayin nila ang paliwanag sa
simbolikal na hugis at sa nilalaman
ng collage.
Pagsasadula ng ilang bahagi ng
sarswela: Bilang paghahanda sa
gawaing ito, ibibigay na takdang
aralin ang pagbasa sa teksto ng
sarswela. Upang higit na maisaloob
o ma-internalize ng mga mag-aaral
ang kani-kanilang gampanin sa
dula, gawin ding homework ang
pananaliksik ukol sa kaligirang
kasaysayan o background history
ng sarswela. Hahatiin sa apat ang
klase. Bawat pangkat ay bibigyan
ng mga tiyak na eksena/bahagi ng
MV1: David Michael M. San Juan Page 16 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
sarswela na isasadula nila.
Hihikayatin na lumikha sila ng
sariling dayalogo batay sa
binasang teksto upang maging mas
madulas/swabe ang daloy nito.
Maaaring gumamit ng mga salitang
hiram ang mga mag-aaral sa mga
dayalogo.
Paglikha ng tulang naglalarawan sa
kapangyarihan ng pag-ibig:
Magparinig ng isang
makapagbagbag-damdaming
awiting pampag-ibig. Ipaisip sa
mga mag-aaral ang kani-kanilang
karanasan sa pag-ibig. Bayaan
silang magsalaysay rin ng mga
kwento ng pag-iibigan na kanilang
narinig o nabasa. Balikan din ang
mga pangyayari sa kasaysayan
(gaya ng pagtatayo ng Taj Mahal)
na idinulot/bunsod ng pag-ibig.
Atasan ang mga mag-aaral na
sumulat ng sariling tula (may sukat
MV1: David Michael M. San Juan Page 17 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
at tugma) na naglalarawan sa
kapangyarihan ng pag-ibig.
Pagtatanghal ng sayaw-awit
(interpretative dance): Hahatiin
ang klase sa apat na Kasama ang 7
mag-aaral,pangkat. Ang bawat
pangkat ay aatasang magsaliksik
ukol sa mga karapatang pantao.
Basahin ang Universal Declaration
on Human Rights o kaya’y ang
ilang bahagi ng Saligang Batas ukol
sa karapatang pantao. Llumikha ng
sariling mga hakbang para sa
kanilang sariling interpretasyon ng
awiting “Bawat Bata” ng APO
Hiking Society o kaya’y “Ang
Karapatang Pantao ay Igalang” ng
Grupong Pendong. Ibibigay itong
homework. Upang ganap na
maisaloob o ma-internalize ng mga
mag-aaral ang awitin, atasan sila na
magsaliksik ukol sa mga karapatang
pantao. Maaaring ipabasa rin sa
MV1: David Michael M. San Juan Page 18 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
kanila ang Universal Declaration on
Human Rights o kaya’y ang ilang
bahagi ng Saligang Batas ukol sa
karapatang pantao. Itatanghal ng
bawat pangkat ang kanilang sayaw-
awit pagkatapos ng pagtalakay sa
teksto.
Paglikha ng tseklist ng mga
karapatan: Sa isang buong papel,
magpaguhit sa mga mag-aaral ng
hagdan na may sampung baitang.
Atasan sila na isulat sa bawat
baitang ang mga karapatang pantao
na inaakala nilang
pinakamahahalaga (nasa tuktok ang
pinakamahalaga). Maaari itong
gawing homework
Antas 3 – Mga Plano sa Pagkatuto
Mga Gawain sa Pagkatuto:
Unang Linggo:
Pagtalakay sa Aralin sa Wika Orientation: Talakayin ang tema/buod ng yunit at ibigay ang balangkas/outline ng mga
MV1: David Michael M. San Juan Page 19 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
kasanayan na dapat linangin sa pamamagitan ng mga aralin at gawain, at tukuyin din ang iba’t ibang uri ng pagtataya na dapat asahan.Pagtalakay sa Aralin sa WikaKlase: Suriin ang mga Ipaskel ang mga salitang BATO, TOYO at TAPSILOG atbp. Ipasuri sa mga estudyante ang mga salita. Ipabigay sa kanila ang kahulugan ng mga ito. Kaugnay ng mga salita, itatanong ng guro: Bakit may mga salitang nagbabago ang kahulugan sa paglipas ng panahon? Sa daloy ng talakayan ay inaasahang mababanggit ito: Buhay at dinamiko ang wika: nakabatay ang paghubog at pag-unlad nito sa mga taong gumagamit nito. Ang pagkakaroon ng mga salitang tambalan at paglalapat salitang nilapatan ng pang-aangkop o “coining.” ay ilan lamang sa mga pagpapatunay na buhay at dinamiko ang wika.)Ipaliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng mga salitang literal, tambalan at salitang nilapatan ng pag-aangkop (coining) sa tulong ng mga salitang nakapaskel sa pisara at mga halimbawang matatagpuan sa bahaging Pakinggan ng sangguniang aklat (p.2).Pangkatang Gawain: BuBumuobuo ng talatangmga dayalogong naglalaman ng mga salitang tambalan at nilapatan ng pag-aangkop, ang mga estudyantealinsunod sa iba’t ibang sitwasyon.
Pagtalakay sa Aralin sa PanitikanKlase : Magpakita Magbigay ng reaksyon sa mgang sumusunod na larawan:larawan ng kahirapan sa Pilipinas, mga malalaking negosyo sa Pilipinas na pag-aari ng dayuhan at mga masaganang likas na yaman ng bansa. Magbibigay ng reaksyon sa mga larawan ang mga mag-aaral. Sasagutin din nila ang tanong na: Anu-ano ang mga posibleng ugat ng malalang kahirapan ng Pilipinas sa kabila ng masaganang likas na yaman ng bansa? Sa daloy ng talakayan ay inaasahang mababanggit ito: Ang pananakop ng mga dayuhan o kolonyalismo ay isa sa mga sanhi/dahilan ng paghihirap ng ating bansa. Magiging mas maliwanag ang kawastuhan ng kaisipang ito sa ating pagtalakay sa tulang “Kung Tuyo na Ang Luha Mo, Aking Bayan.”
Indibidwal na Gawain: Talakayin nang pahapyaw ang talambuhay ng may-akda. Bigyang-diin na isinulat ni Amado V. Hernandez ang kanyang tula sa panahong sinasakop ng mga Amerikano ang Pilipinas. (Maaaring atasan ang mga mag-aaral na saliksikin sa internet ang talambuhay at iba pang sinulat ni Hernandez)Pangkatin sa apat ang klase. Babasahin ng guro ang unang saknong at ang natirang apat na saknong ay paghahatian ng apat na pangkat.Ipasagot ang bahaging Hanapin sa sangguniang aklat (p.7-8)
Klase: Talakayin ang mga sagot sa bahaging Unawain sa sangguniang aklat (p.8). Iugnay ang nilalaman ng tula sa mga kontemporaryong pangyayari sa daigdig sa tulong ng mga larawan. Bigyang-diin ang pag-iral ng neokolonyalismo (hindi direktang kolonyalismo) sa kasalukuyang panahon. (Giyera sa Iraq at Afghanistan, charter change pabor sa mga dayuhan, pagmimina ng mga kumpanyang dayuhan sa Pilipinas atbp.). Batay rito, lumikha ng concept map ng mga epekto ng kolonyalismo at neokolonyalismo sa bansa.
MV1: David Michael M. San Juan Page 20 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
Gawain sa Pagganap: BAtasan ang mga mag-aaral na lumikha ng concept map ng mga epekto ng kolonyalismo at neokolonyalismo sa bansa, batay sa talakayan.Pamumunuan ng guro ang sintesis ng talakayan at gawain sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na: Kung ang kolonisasyon ay isa sa mga ugat ng kahirapan, paano malulutas ang paghihirap ng bansa? Inaasahang tugon: Ang kalayaan ng bansa sa aspektong pampulitika at pang-ekonomya, ang pagsandig natin sa ating mga sarili (“self-reliance”) ang susi sa pag-unlad ng ating bayan.Bibigyan ng panahon ang mga mag-aaral na ihanda ang pagtatanghal ng tableau ng mga piling eksenang mula sa tula.Klase: Suriin ang istruktura ng tula (sukat at tugma; bilang ng taludtod sa bawat saknong atbp.; estilo ng paglalahad ng mga pangyayari atbp.). Ipaliwanag na ang ganitong pagsusuri ay tinatawag na Formalismo/Formalistiko.Magsagawa ng pagtataya sa tableau gamit ang isang rubrics.
Homework: Ipaguhit sa mga mag-aaral ang larawang-diwa ng tula. (Maaaring gawing homework) 1. Suriin ang istruktura ng tula (sukat at tugma; bilang ng taludtod sa bawat saknong atbp.;
estilo ng paglalahad ng mga pangyayari atbp.). Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang ganitong pagsusuri ay tinatawag na Formalismo/Formalistiko.
Ikalawang Linggo
Pagtalakay sa Aralin sa Wika Klase : Magparinig o magpakita ng video ng usapan ng mga kabataan at usapan sa isang pormal na pulong. Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga salitang ginamit sa dayalogo. Sasagutin din nila ang tanong na: Paano nag-uusap-usap ang mga tao sa isang pormal na pulong? Ihambing ito sa paraan ng pakikipag-usap mo sa iyong mga matalik na kaibigan. Sa daloy ng talakayan ay inaasahang mababanggit ito: May angkop na salita para sa iba’t ibang antas ng komunikasyon (pormal at di pormal). Nagbabago ang kahulugan ng salita batay sa kontekstong pinaggamitan nito (konotatibo o denotatibo). Ipaliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng antas pormal at di pormal sa komunikasyon, at kahulugang konotatibo at denotatibo ng mga salita sa tulong ng lektura sa p.12 ng sangguniang aklat.
Indibidwal na Gawain: Pasagutan ang p. 14-15 ng sangguniang aklat.
Pagtalakay sa Aralin sa PanitikanKlase : Magpakita ng mga video clip na tungkol sa Hacienda Luisita o mga magsasaka sa Sumilao (maaaring i-download mula sa Youtube. Maaari ring gamitin ang ilang bahagi ng ‘‘Sa Ngalan ng Tubo’’ na mabibili sa Ibon Foundation.). Kaugnay ng ipinalabas na video, sasagutin ng mga mag-aaral ang tanong na: Bakit maraming mga magsasaka ang nag-aaklas sa Pilipinas? May epekto ba ito sa hindi mabilis na pagtaas ng produksyong agrikultural/ani ng bansa? Sa daloy ng talakayan ay inaasahang mababanggit ito: Ang kawalan ng tunay na reporma sa lupa ay isa sa mga malalang suliranin ng mga magsasaka sa ating lipunan na nagbubunga ng iba pang problema gaya ng pag-aaklas at mababang produksyon/ani. Isinasalaysay sa kwentong ‘‘Walang Panginoon’’ ang mga kawalang katarungang nagiging dahilan ng pag-aaklas ng mga magsasaka.
MV1: David Michael M. San Juan Page 21 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
1. Indibidwal na Gawain: Ipabasa sa mga mag-aaral ang teksto ng kwento.2. Ipasagot ang bahaging Hanapin sa sangguniang aklat (p.23)
Klase: Ibuod ang kwento sa pamamagitan ng dugtungang pagsasalaysay ng mga mahahalagang pangyayari at paglalahad ng mahahalagang detalye. Gumamit ng fish bone graphic organizer o kaya’y story frame upang maging mas mabisa ang pagtalakay. Talakayin ang mga sagot sa bahaging Unawain sa sangguniang aklat (p.24). Iugnay ang nilalaman ng kwentotula sa mga kontemporaryong pangyayari sa lipunan sa tulong ng mga news clippings ukol sa mga suliranin ng mga magsasaka (kawalan ng reporma sa lupa, welga sa Hacienda Luisita, hunger strike ng mga magsasaka sa Sumilao, Fertilizer Scam atbp.). Bigyang-diin ang patuloy na kawalan ng hustisya para sa mga magsasakang kagaya ni Marcos. Ihambing ang kalagayan ni Marcos sa kalagayan ng mga magsasaka sa kasalukuyan.
Pangkatang Gawain: Talakayin ang pagkakaroon ng tunay na reporma sa lupa. Suriin ang mga mahahalagang probisyon ng Genuine Agrarian Reform Program (GARB) at Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER) upang masipatipakita ang mga positibong epekto ng reporma sa lupa (maaaring i-download sa internet ang teksto at pagsusuri ng mga batas na ito).
Gawain sa Pagganap: Gawing homework ang paglikha ng tseklist ng mga matatagumpay na programang reporma sa lupa sa ibang panig ng mundo. Ang sintesis ng talakayan ay kailangang humantong sa pagkaunawa ng mga mag-aaral sa tunay na reporma sa lupa bilang solusyon sa pag-aaklas ng mga magsasaka at mabagal na pagtaas ng produksyong agrikultural/ani ng bansa. Hatiin sa apat na grupo ang klase. Bigyan ng sapat na panahon ang klase upang makapaghanda ng Ipagsasadula ang ukol sa kalagayan ng mga magsasaka bago at pagkatapos ng pagkakaroon ng tunay na reporma sa lupa. Hikayatin sila na gGumamit ng mga dayalogong pormal at di pormal at mga salitang may kahulugang denotatibo at konotatibo.
Klase: Suriin ang kaugnayan ng akda sa mga makatotohanang pangyayari. noon at ngayon sa lipunan. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang ganitong pagsusuri ay tinatawag na Realismo/Realistiko.Magsagawa ng pagtataya sa ginawang pagsasadula sa pamamagitan ng rubrics (tingnan ang kalakip na halimbawa.)
Homework: Magtala ng 5 salawikain sa kwaderno. Saliksikin ang talambuhay ni Emilio Jacinto.Mahalaga at makabuluhan ang panitikan sapagkat sinasalamin ng p
Ikatlong Linggo:
Pagtalakay sa Aralin sa Wika Klase : Pumili ng estudyante na magbIpabasa ang mga nakatalang salawikain at kasabihan sa bahaging Pakinggan (p.27) ng sangguniang aklat. Ipaliliwanag ng mga estudyante aTalakayin
MV1: David Michael M. San Juan Page 22 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
ang kahulugan ng mga ito. Kaugnay nito, itatanong ng guro: Bakit may mga matatalinhagang salita sa Filipino? Ano ang mangyayari kung ang mga babasahin ay walang nilalamang mahirap na salita? Sa daloy ng talakayan ay inaasahang mababanggit ito: Ang pagkakaroon ng matatalinhagang salita sa alinmang wika ay nagpapatunay na ang bawat wika ay may kakayahang linangin ang mapanuring pag-iisip ng isang tao. Kung gayon, mahalaga ang mga matatalinhagang salita sa paglinang ng ating mapanuring pag-iisip. Kung lahat ng mga salita ay madaling maunawaan, wala na tayong pagkakataon na mag-isip pa nang mas malalim kaysa sa nakagawian natin.
Buzz Session (maliit na pangkat): Ipaliwanag ang kahulugan ng sawikain o idyoma sa pamamagitan ng mga halimbawang matatagpuan sa p.28-29 ng sangguniang aklat. Makipagpalitan ng kwaderno na naglalaman ng agbigay ng talatang naglalaman ng mga sawikain o idyoma upang makapagsuri pa ng mas maraming halimbawa ang mga mag-aaral. Talakayin ang ilan sa mga sawikain o idyoma.
Indibidwal na Gawain : Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa p.30.
Pagtalakay sa Aralin sa PanitikanKlase: Pahaphaw na talakayin ang paglaganap ng mga game show na nagsimula sa Kwarta o Kahon hanggang sa magkaroon na ng Pera o Bayong, Game K N B? at Laban o Bawi. Bayaang magsalaysay ang mga mag-aaral ng mga episodyo ng mga nasabing game show. Sasagutin din nila ang tanong na: Bakit masama ang pag-ibig sa salapi? Mabubuhay ba ang tao kung walang pera? Sa daloy ng talakayan ay inaasahang mababanggit ito: Masama ang pag-ibig sa salapi sapagkat nakakalimutan na natin ang mga mahahalagang bagay sa buhay dahil dito. Halimbawa, ang mga mayayamang negosyante ay karaniwang wala nang panahon sa kanilang mga anak. Gayunman, mahirap mabuhay ang tao kung walang pera. Masama nga ang pag-ibig sa salapi ngunit magagamit din naman ito sa paggawa ng mabuti. Sa sanaysay na “Liwanag at Dilim” ay ipaliliwanag ang masasamang epekto ng pag-ibig sa salapi at ang sandata na maaari nating gamitin upang maiwasan ito.Talakayin nang pahapyaw ang talambuhay ng may-akda. Bigyang-diin na isinulat ni Emilio Jacinto na isinulat niya ang kanyang sanaysay sa panahong naghihimagsik ang mga Pilipino laban sa mga Kastila. (Maaaring atasan ang mga mag-aaral na saliksikin sa internet ang talambuhay at ang kasaysayan sa panahon ni Emilio Jacinto)
Tahimik na Pagbasa: Ipabasa sa mga mag-aaral ang sanaysay.
Indibidwal na Gawain: Ipasagot ang bahaging Hanapin sa sangguniang aklat (p.35)
Klase: Talakayin ang mga sagot sa bahaging Unawain sa sangguniang aklat (p.36). Inaasahang sa pamamagitan nito ay maibibigay ng mga mag-aaral ang mga pangunahing kaisipang mula sa sanaysay. Kapag natagalan sa bahaging ito, maaaring banggitin ng guro na ang orihinal na pamagat ng akda (“Ang Ningning at Ang Liwanag/Kalayaan”) ang siyang himaton o clue sa mga pangunahing kaisipang nilalaman nito (ang kasamaan ng ningning ng salapi at ang kabutihan ng liwanag ng kalayaan).
MV1: David Michael M. San Juan Page 23 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
Pangkatang Gawain: Concept mapping ng pangunahing kaisipan mula sa sanaysay.
Gawain sa Pagganap: Atasan ang mga mag-aaral na lumikha ng collage ng masasamang epekto ng pag-ibig sa salapi gamit ang mga nasaliksik nilang larawan. Pipili ng kinatawan ang bawat pangkat upang ipaliwanag ang kanilang ginawa.Susulat Sumulat ng sariling sanaysay ang mga mag-aaral ukol sa kahalagahan ng kalayaan sa buhay ng tao (balikan ang detalye sa katibayan ng pagtataya).
Buzz Session: Suriin ang mga aspektong pantao/makatao ng akda sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong: Positibo ba o negatibo ang pagtanaw ng akda sa ugali ng tao? Naniniwala ba ang may-akda na may kakayahang gumawa ng mabuti ang mga tao? Naniniwala ba ang may-akda na may kakayahang magluwal ng mas magandang daigdig ang tao?
Klase: Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang ganitong isinagawa nilang pagsusuri ay tinatawag na Humanismo/Humanistiko.
Homework: Magtala ng sampung salitang hiram sa isang buong papel. Saliksikin ang talambuhay ni Severino Reyes.
Ika-apat na Linggo
Pagtalakay sa Aralin sa Wika Klase : Ipabasa sa isang mag-aaral ang bahaging Pakinggan sa pahina 39. Ipasuri sa mga mag-aaral ang binasang teksto, partikular ang mga salitang hiram. Itatanong ng guro sa mga mag-aaral: Bakit tayo nanghihiram ng salita sa ibang wika? Sa daloy ng talakayan ay inaasahang mababanggit ito: Lahat ng wika ay nanghihiram sa iba pang wika; ang panghihiram ay nagpapayaman sa talasalitaan ng isang wika.Talakayin ang mga tuntunin sa panghihiram gamit ang lektura sa pahina 41-46.
Dyadic Sharing: Inaasahang makaMapagbibigay ang mga mag-aaral ng sariling halimbawa ng mga salitang hiram at ibabahagi nila ito sa kanilang kapareha.
Indibidwal na Gawain : Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa p.46-47.
Pagtalakay sa Aralin sa PanitikanKlase: Magpanood ng ilang bahagi ng dokumentaryo o kaya’y pelikula tungkol sa panahon ng mga Kastila (halimbawa, Jose Rizal o Sakay). Hingan ng reaksyon ang mga mag-aaral tungkol sa panahon ng mga Kastila. Sa daloy ng talakayan, kailangang bigyang-diin ng guro na ang mga pangyayari noong panahon ng Kastila ang siyang karaniwang paksa ng mga sarswelang Pilipino kagaya ng Walang Sugat.
Pag-uulat: Kilalanin ang may-akda ng teksto. Ipaulat ang sa pamamagitan ng pag-uulat sa
MV1: David Michael M. San Juan Page 24 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
talambuhay ni Severino Reyes.
Pangkatang Pagbasa: Gagampanan ng isang pangkat ang papel ng isang tauhan sa dayalogo. Sasagot ang isa pang pangkat bilang karakter na kausap ng naunaBasahin ang dula o ilang mahahalagang bahagi nito. Ang pangatlong pangkat ang magsisilbing tagapagpahayag ng linya ng madla o ng “koro.”
Pagsusuring Istruktural: Talakayin ang mga sagot sa bahaging Unawain sa sangguniang aklat (p.59). Inaasahang matutukoy at masusuri rin sa bahaging ito ang kaigtingan at tunggaliang namayani sa akda. Upang maging madali ang pagsusuri sa kaigtingan at tunggalian, maaaring ihambing ang kaigtingan at tunggalian ng Walang Sugat sa mga popular na teleserye.
Indibidwal na Gawain: Gayundin, inaasahang maipaliliwanag ng mga mag-aaral ang konsepto ng kapangyarihan ng pag-ibig, batay sa mga ginawa ng pangunahing tauhan.Atasan ang mga mag-aaral na lumikha ngIsalin ang ilang bahagi ng tulang nagpapahayag sa kapangyarihan ng pag-ibig (maaaring kumuha ng tula ni Pablo Neruda gaya ng “Tu Risa” o “Your Smile”) (tingnan ang bahaging Performance Task/Pagganap).
Klase: Bigyan ng sapat na panahon ang klase upang makapaghanda sa pagsasadula ng ilang eksena ng sarswela.Suriin ang mga aspektong pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng pagsagot sa gabay na tanong: Anu-anong pangyayari sa kasaysayan ang sinasalamin ng akda? Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang ganitong pagsusuri ay tinatawag na Historikal.
Homework (pangkatan): Magrekord ng iba’t talakayan o panayam (talakayan sa radyo, talakayan sa telebisyon, talakayan sa klase at pulong ng mga estudyante).
Ikalimang Linggo
Pagtalakay sa Aralin sa Wika Klase: I-play ang rekord ng iba’t ibang talakayan o panayam.
Indibidwal na Gawain: Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Magparekord ng iba’t ibang talakayan o panayam (talakayan sa radyo, talakayan sa telebisyon, talakayan sa klase at pulong ng mga estudyante). Iparinig ang iba’t ibang usapan o talakayan sa klase. Ipatala ang mga salitang may maling bigkas.
Klase: Suriin ang epekto ng maling pagbigkas sa malinaw na pagpapahayag ng mensahe. Sa daloy ng talakayan ay inaasahang mababanggit ito: Ang maling pagbigkas ng mga salita ay makaaapekto sa kahulugan ng pahayag at kung gayo’y isa itong hadlang sa proseso ng komunikasyon.Talakayin ang homonim at heteronim gamit ang lektura sa pahina 63-64.
Inaasahang makapagMagbibigay ang mga mag-aaral ng sariling halimbawa ng mga homonim at heteronim sa sariling pangungusap.Indibidwal na Gawain : Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa p.64.
MV1: David Michael M. San Juan Page 25 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
Pagtalakay sa Aralin sa PanitikanKlase: Iparinig sa klase ang awiting “Tatsulok” ni Bamboo o “Upuan” ni Gloc 9. Pahapyaw na talakayin ang mensahe ng awit. Itatanong ng guro sa mga mag-aaral: Anu-anong pwersa sa lipunan ang may kakayahang magpabago sa pananaw, kilos, gawi at pag-uugali ng tao? Sa daloy ng talakayan, inaasahang mababanggit na: Maraming pwersa sa lipunan ang may kakayahang magpabago sa pananaw, kilos, gawi at pag-uugali ng tao. Ipinakikita sa nobelang “Satanas sa Lupa” ang mga pwersang ito, gayundin ang kanilang epekto sa tao.
Tahimik na Pagbasa: Basahin ang teksto ng “Satanas sa Lupa” sa sangguniang aklat.
Indibidwal na Gawain: Ipasagot ang bahaging Hanapin sa sangguniang aklat (p.68).
Klase: Talakayin ang mga sagot sa bahaging Unawain sa sangguniang aklat (p.68).
Buzz Session (maliliit na grupo): Inaasahang matutukoy at masusuri Tukuyin at talakayinrin sa bahaging ito ang mga mahahalagang detalye ng akda, partikular ang mga pwersa sa lipunan na nagbunsod ng mga pagababago sa pangunahing karakter. Magkakaroon ng sintesis ng mga kaisipan sa paggabay ng guro.
Pangkatang Gawain: Bigyan ng sapat na panahon ang klase upang gawin aGumawa ng social pyramid sa kartolina para maipakita ang kasalukuyang kalagayan ng lipunan, kaugnay ng tekstong tinalakay.
Klase: Suriin ang mga aspektong sosyolohikal ng akda sa pamamagitan ng pagsagot sa gabay na tanong: Anu-anong pwersa sa lipunan ang nakaapekto sa buhay ng pangunahing tauhan? Paano naimpluwensyahan ng ng pwersang ito ang pangunahing tauhan? Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang ganitong pagsusuri ay tinatawag na Sosyolohikal.
Ika-anim na Linggo
Pagtalakay sa Aralin sa Wika Klase : Pumili ng isang estudyanteng mahusay magbasa. Ipabasa ang bahaging Pakinggan sa p.72 ng sangguniang aklat. Sagutin ang bahaging Talakayin sa p.72.
Talakayin ang dalawang ayos ng pangungusap sa Filipino gamit ang lektura sa pahina 73.
Indibidwal na Gawain: Inaasahang makapagbibigay ang mga mag-aaral Magtala ng sariling halimbawa ng dalawang ayos ng pangungusap sa kwaderno. Sa bahaging ito, inaasahang mababanggit din ang iba’t ibang sitwasyon na mas binabagayan ng isang partikular na ayos ng pangungusap.Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa p.74.
Pagtalakay sa Aralin sa PanitikanKlase: Magpaskel sa pisara ng iba’t ibang pahayag tungkol sa kahirapan at pagmamalasakit sa kapakanan ng ibang tao. Hingan ng reaksyon ang mga mag-aaral ukol sa mga pahayag.
MV1: David Michael M. San Juan Page 26 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
Tahimik na Pagbasa: Batay sa mga pahayag, itanong din sa mga mag-aaral ang kanilang pakiwari o opinion ukol sa katauhan ng mga taong pinanggalingan ng pahayag. Sa daloy ng talakayan, inaasahang mababanggit na: Ang katauhan o personalidad ng isang tao ay maaaring kilatisin sa pamamagitan ng kanyang mga salita/pahayag. Tingnan natin kung anong uri ng katauhan mayroon ang mga karakter sa kwentong “Alyas Juan de la Cruz.”Basahin ang teksto ng “Alyas Juan de la Cruz” sa sangguniang aklat.
Indibidwal na Gawain: Ipasagot ang bahaging Hanapin sa sangguniang aklat (p.87).
Klase: Talakayin ang mga sagot sa bahaging Unawain sa sangguniang aklat (p.87).
Think-Pair-Share: Gayundin, inaasahang matutukoy sa bahaging ito Ilahad ang mga mahahalagang pahayag ng mga tauhan sa akda na magagamit sa pagsusuri ng kani-kanilang mga katauhan. Iugnay ang mga ito sa sarili mong katauhan.
Buzz Session: TPahapyaw na talakayin ang pag-iral/existence ng iba’t ibang pamantayang panlipunan at moralistiko sa daigdig. Magbigay ng isang pangyayari mula sa akda at husgahan ang kawastuhan o di kawastuhan nito batay sa umiiral na pamantayang panlipunan at moralistiko ng mas nakararaming Pilipino. Pagkatapos, atasan ang mga mag-aaral na gGumawa ang bawat pangkat ng talahanayan ng mga piling pangyayari sa akda (kaliwang bahagi ng talahanayan) at ng karampatang paghuhusga sa kawastuhan o di kawastuhan nito (kanang bahagi ng talahanayan) batay sa mga pamantayang panlipunan at moralistiko na katanggap-tanggap sa mas nakararaming Pilipino. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang maipakita at ma
Klase:ipaliwanag sa buong klase ang kanilang ginawa. Sa daloy ng pagtalakay, inaasahang mabubuo ang ganitong consensus/sintesis: Bawat lipunan ay may sariling pamantayan ng moralidad ngunit may mga aspekto ang moralidad na unibersal ang pagkilala at aplikasyon Suriin ang mga aspektong moralistiko ng akda sa pamamagitan ng pagsagot sa gabay na tanong: Ano ang pamantayang moralistiko ang namamayani sa lipunang ginagalawan ng mga tauhan? Ihambing ito sa mga pamantayang moralistiko ng kasalukuyang panahon. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang ganitong pagsusuri ay tinatawag na Moralismo/Moralistiko.
Ikapitong Linggo:
Pagtalakay sa Aralin sa Wika Klase : Pumili ng estudyante at iIpabasa ang dayalogo sa Pakinggan (p.91-92). Ipabasa at ipasagot ang mga tanong sa Talakayin (p.92). Talakayin ang mga pananda para sa pangungusap na sumasang-ayon sa tulong ng mga halimbawang pangungusap sa pahina 92. Inaasahang makapagbibigay ang mga mag-aaral ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na sumasang-ayon. Sa bahaging ito, inaasahang mabibigyang-diin ang kabuluhan ng pag-aaral sa mga salitang pananda.
Indibidwal na Gawain : Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa p.93.
MV1: David Michael M. San Juan Page 27 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
Pagtalakay sa Aralin sa PanitikanKlase: Iparinig ang awiting “Sino Ang Baliw?” Magsagawa ng malayang talakayan sa klase hinggil sa mensaheng nakapaloob sa awit. Sa daloy ng talakayan, inaasahang mababanggit na: Bawat tao, may kapansanan man sa pag-iisip, ay may angking mga karapatan na dapat itaguyod at igalang. Tingnan natin kung paano pinakitunguhan ng lipunan ang isang karakter na may kapansanan sa pag-iisip sa kwentong “Talulot sa Pagas na Lupa.”
Tahimik na Pagbasa : Basahin ang teksto ng “Talulot sa Pagas na Lupa” sa sangguniang aklat.
Indibidwal na Gawain: Ipasagot ang bahaging Hanapin sa sangguniang aklat (p.103).
Klase: Talakayin ang mga sagot sa bahaging Unawain sa sangguniang aklat (p.103).
Dyadic Sharing: Gayundin, inaasahang matutukoy at maiIpaliliwanag sa bahaging itokapareha ang mga mahahalagang simbolismo sa akda na may kabuluhan sa kasalukuyang lipunan.
Klase: TPahapyaw na talakayin ang kahalagahan ng mga karapatang pantao batay sa teksto.
Gawain sa Pagganap: Gamitin itong lunsaran upang atasan ang mga mag-aaral na iItanghal ang kanilang sayaw-awit tungkol sa karapatang pantao.
Klase: Suriin ang mga simbolismo sa akda sa pamamagitan ng pagsagot sa gabay na tanong: Anu-anong simbolismo ang makikita sa akda? Paano nakatulong ang mga simbolismo sa pagbibigay-linaw sa mensaheng nais iwan ng akda? Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang ganitong pagsusuri ay tinatawag na Arketipo. Magsagawa ng pagtataya sa pagtatanghal ng sayaw-awit sa pamamagitan ng rubrics.
Antas 1 – Inaasahang Bunga/Resulta
Mga Pamantayan:
1. Natutukoy ang bisa ng akda sa piniling salita ayon sa kahulugang matalinhaga2. Nakapagbibigay ng mga pangunahing kaisipan o diwa ng sanaysay na binasa
MV1: David Michael M. San Juan Page 28 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
3. Nasusuri ang akda ayon sa mga aspektong makatao nito (Pananaw Humanismo)4. Nakasusuri ng bisa ng pagkakabuo ng mga pangungusap batay sa paggamit ng
mga hiram na salita 5. Nakapagbibigay-linaw sa estruktura ng banghay ng akda batay sa kaigtingan o
tunggalian6. Nasusuri ang akda ayon sa mga aspektong pangkasaysayan nito (Pananaw
Historikal)Mga Kakailanganing Pag-unawa:
Mauunawaaan ng mga estudyante na…
Ang pagkakaroon ng matatalinhagang salita sa alinmang wika ay nagpapatunay na ang bawat wika ay may kakayahang linangin ang mapanuring pag-iisip ng isang tao.
Ang kayamanan ay ugat ng maraming kasamaan ngunit maaari rin itong gamitin sa kabutihan.
Mahalaga sa buhay ng tao ang kalayaan dahil ito ang susi sa paghahangad ng iba pang mabubuting bagay.
Lahat ng wika ay nanghihiram sa iba pang wika; ang panghihiram ay nagpapayaman sa talasalitaan ng isang wika.
Ang kasaysayan ay sinasalamin ng panitikan at ang panitikan ay nagiging bahagi rin ng kasaysayan.
Lubhang makapangyarihan ang pag-ibig; hahamakin ng tao ang lahat, masunod lamang ito.
Mahahalagang Tanong:
Bakit may mga matatalinhagang salita sa Filipino?
Ano ang mangyayari kung ang mga babasahin ay walang nilalamang mahirap na salita?
Bakit masama ang pag-ibig sa salapi? Mabubuhay ba ang tao kung walang pera?
Bakit mahalaga ang kalayaan sa buhay ng tao?
Bakit tayo nanghihiram ng mga salita sa ibang wika?
Bakit mahalaga ang panitikan sa pag-aaral ng kasaysayan at vice-versa?
Makapangyarihan nga ba ang pag-ibig? Patunayan ang iyong sagot.
Mababatid ng mga estudyante ang…
Kabuluhan ng paggamit ng mga matatalinhagang salita.
Mga masasamang bunga ng pag-ibig sa salapi
Kahalagahan ng kalayaan sa
Maisasagawa ng mga estudyante ang…
Makagamit sa sariling pangungusap ng mga matatalinhagang salita
Maibigay ang pangunahing kaisipan ng isang sanaysay
Makalikha ng sariling sanaysay na
MV1: David Michael M. San Juan Page 29 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
buhay ng tao Kabuluhan at tamang paggamit
ng mga salitang hiram. Kaugnayan ng panitikan at
kasaysayan Konsepto ng kapangyarihan ng
pag-ibig
naglalahad ng kahalagahan ng kalayaan sa buhay ng tao
Makabuo ng collage na nagpapakita ng masasamang bunga ng pag-ibig sa salapi
Magamit ang mga salitang hiram sa sariling pangungusap.
Maibuod ang dula sa pamamagitan ng aktwal na pagsasadula ng ilang bahagi nito.
Masuri ang estruktura ng dula batay sa kaigtingan o tunggalian nito
Makalikha ng tula na naglalarawan sa kapangyarihan ng pag-ibig
Antas 2 – Pagtataya
Mga Gawain sa Pagganap:
Paglikha ng sanaysay na naglalahad ng kahalagahan ng kalayaan sa buhay ng tao: Isasagawa ito pagkatapos talakayin ang sanaysay. Bilang paghahanda sa paglikha ng sanaysay, kailangang maisaloob o ma-internalize ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng kalayaan. Kailangan nilang isipin o i-imagine na sila ay bilanggo, alipin atbp. taong walang kalayaan. Maaaring magpakita rin ng larawan ng mga taong dumanas ng kawalang kalayaan (panahon ng Batas Militar atbp.) Pagkatapos, ibibigay ng guro ang mga gabay na tanong para mabuo ang sanaysay: 1) Ano ang kalayaan? 2) Paano mo masasabing malaya ang isang tao? 3) Kailan nawawala o naglalaho ang kalayaan ng isang tao? 4) Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga taong walang kalayaan, ano ang mararamdaman mo? 5) Bakit
Iba pang Patunay:
Maikling pagsusulit Pagguhit ng larawang-diwa Rubrics ng produkto/pagganap
(Performance task rubrics) Pagsasanay sa aklat Maikling pagsusulit Paglikha ng tseklist Rubrics ng produkto/pagganap
(Performance task rubrics)
MV1: David Michael M. San Juan Page 30 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
mahalaga ang kalayaan sa buhay ng tao? 6) Ano ang mangyayari sa tao kung wala ito?
Pagbuo ng collage ng mga masasamang epekto ng pag-ibig sa salapi (pagkalulong sa droga, katawalian, pagsusugal atbp.): Gawing homework ang pananaliksik sa internet at mga pahayagan ng mga larawang nagpapakita ng masasamang epekto ng pag-ibig sa salapi, at pagdadala ng mga materyales (gaya ng kartolina, gunting at pandikit) para sa paggawa ng collage. Hatiin sa apat ang klase. Atasan sila ng bumuo ng collage na nagpapakita ng masasamang epekto ng pag-ibig sa salapi. Ang kanilang collage ay magkaroon dapat ng isang partikular na simbolikal na hugis (mukha ng tao, kamay, supot ng salapi, hugis ng barya atbp.) Habang inihahanda ang collage ay kailangang talakayin nila ang paliwanag sa simbolikal na hugis at sa nilalaman ng collage.
Pagsasadula ng ilang bahagi ng sarswela: Bilang paghahanda sa gawaing ito, ibibigay na takdang aralin ang pagbasa sa teksto ng sarswela. Upang higit na maisaloob o ma-internalize ng mga mag-aaral ang kani-kanilang gampanin sa dula, gawin ding homework ang pananaliksik ukol sa kaligirang kasaysayan o background history ng sarswela. Hahatiin sa apat ang klase. Bawat pangkat ay bibigyan ng mga tiyak na eksena/bahagi ng sarswela na isasadula nila. Hihikayatin na lumikha sila ng sariling dayalogo
MV1: David Michael M. San Juan Page 31 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
batay sa binasang teksto upang maging mas madulas/swabe ang daloy nito. Maaaring gumamit ng mga salitang hiram ang mga mag-aaral sa mga dayalogo.
Paglikha ng tulang naglalarawan sa kapangyarihan ng pag-ibig: Magparinig ng isang makapagbagbag-damdaming awiting pampag-ibig. Ipaisip sa mga mag-aaral ang kani-kanilang karanasan sa pag-ibig. Bayaan silang magsalaysay rin ng mga kwento ng pag-iibigan na kanilang narinig o nabasa. Balikan din ang mga pangyayari sa kasaysayan (gaya ng pagtatayo ng Taj Mahal) na idinulot/bunsod ng pag-ibig. Atasan ang mga mag-aaral na sumulat ng sariling tula (may sukat at tugma) na naglalarawan sa kapangyarihan ng pag-ibig.
Antas 3 – Mga Plano sa Pagkatuto
Mga Gawain sa Pagkatuto:
Unang Linggo:
Pagtalakay sa Aralin sa Wika 1. Pumili ng estudyante na magbabasa ng mga nakatalang salawikain at kasabihan
sa bahaging Pakinggan (p.27) ng sangguniang aklat. Ipaliliwanag ng mga estudyante ang kahulugan ng mga ito. Kaugnay nito, itatanong ng guro: Bakit may mga matatalinhagang salita sa Filipino? Ano ang mangyayari kung ang mga babasahin ay walang nilalamang mahirap na salita? Sa daloy ng talakayan ay inaasahang mababanggit ito: Ang pagkakaroon ng matatalinhagang salita sa alinmang wika ay nagpapatunay na ang bawat wika ay may kakayahang linangin ang mapanuring pag-iisip ng isang tao. Kung gayon, mahalaga ang mga matatalinhagang salita sa paglinang ng ating mapanuring pag-iisip. Kung lahat ng mga salita ay madaling maunawaan, wala na tayong pagkakataon na mag-isip pa nang mas malalim kaysa sa nakagawian natin.
2. Ipaliwanag ang kahulugan ng sawikain o idyoma sa pamamagitan ng mga halimbawang matatagpuan sa p.28-29 ng sangguniang aklat. Magbigay ng
MV1: David Michael M. San Juan Page 32 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
talatang naglalaman ng mga sawikain o idyoma upang makapagsuri pa ng mas maraming halimbawa ang mga mag-aaral.
3. Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa p.30.
Pagtalakay sa Aralin sa Panitikan1. Pahaphaw na talakayin ang paglaganap ng mga game show na nagsimula sa
Kwarta o Kahon hanggang sa magkaroon na ng Pera o Bayong, Game K N B? at Laban o Bawi. Bayaang magsalaysay ang mga mag-aaral ng mga episodyo ng mga nasabing game show. Sasagutin din nila ang tanong na: Bakit masama ang pag-ibig sa salapi? Mabubuhay ba ang tao kung walang pera? Sa daloy ng talakayan ay inaasahang mababanggit ito: Masama ang pag-ibig sa salapi sapagkat nakakalimutan na natin ang mga mahahalagang bagay sa buhay dahil dito. Halimbawa, ang mga mayayamang negosyante ay karaniwang wala nang panahon sa kanilang mga anak. Gayunman, mahirap mabuhay ang tao kung walang pera. Masama nga ang pag-ibig sa salapi ngunit magagamit din naman ito sa paggawa ng mabuti. Sa sanaysay na “Liwanag at Dilim” ay ipaliliwanag ang masasamang epekto ng pag-ibig sa salapi at ang sandata na maaari nating gamitin upang maiwasan ito.
2. Talakayin nang pahapyaw ang talambuhay ng may-akda. Bigyang-diin na isinulat ni Emilio Jacinto na isinulat niya ang kanyang sanaysay sa panahong naghihimagsik ang mga Pilipino laban sa mga Kastila. (Maaaring atasan ang mga mag-aaral na saliksikin sa internet ang talambuhay at ang kasaysayan sa panahon ni Emilio Jacinto)
3. Ipabasa sa mga mag-aaral ang sanaysay.4. Ipasagot ang bahaging Hanapin sa sangguniang aklat (p.35)5. Talakayin ang mga sagot sa bahaging Unawain sa sangguniang aklat (p.36).
Inaasahang sa pamamagitan nito ay maibibigay ng mga mag-aaral ang mga pangunahing kaisipang mula sa sanaysay. Kapag natagalan sa bahaging ito, maaaring banggitin ng guro na ang orihinal na pamagat ng akda (“Ang Ningning at Ang Liwanag/Kalayaan”) ang siyang himaton o clue sa mga pangunahing kaisipang nilalaman nito (ang kasamaan ng ningning ng salapi at ang kabutihan ng liwanag ng kalayaan).
6. Atasan ang mga mag-aaral na lumikha ng collage ng masasamang epekto ng pag-ibig sa salapi gamit ang mga nasaliksik nilang larawan. Pipili ng kinatawan ang bawat pangkat upang ipaliwanag ang kanilang ginawa.
7. Susulat ng sariling sanaysay ang mga mag-aaral ukol sa kahalagahan ng kalayaan sa buhay ng tao (balikan ang detalye sa katibayan ng pagtataya).
8. Suriin ang mga aspektong pantao/makatao ng akda sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong: Positibo ba o negatibo ang pagtanaw ng akda sa ugali ng tao? Naniniwala ba ang may-akda na may kakayahang gumawa ng mabuti ang mga tao? Naniniwala ba ang may-akda na may kakayahang magluwal ng mas magandang daigdig ang tao? Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang ganitong pagsusuri ay tinatawag na Humanismo/Humanistiko.
Ikalawang Linggo
MV1: David Michael M. San Juan Page 33 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
Pagtalakay sa Aralin sa Wika 1. Ipabasa sa isang mag-aaral ang bahaging Pakinggan sa pahina 39. Ipasuri sa
mga mag-aaral ang binasang teksto, partikular ang mga salitang hiram. Itatanong ng guro sa mga mag-aaral: Bakit tayo nanghihiram ng salita sa ibang wika? Sa daloy ng talakayan ay inaasahang mababanggit ito: Lahat ng wika ay nanghihiram sa iba pang wika; ang panghihiram ay nagpapayaman sa talasalitaan ng isang wika.
2. Talakayin ang mga tuntunin sa panghihiram gamit ang lektura sa pahina 41-46. Inaasahang makapagbibigay ang mga mag-aaral ng sariling halimbawa ng mga salitang hiram.
3. Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa p.46-47.
Pagtalakay sa Aralin sa Panitikan1. Magpanood ng ilang bahagi ng dokumentaryo o kaya’y pelikula tungkol sa
panahon ng mga Kastila (halimbawa, Jose Rizal o Sakay). Hingan ng reaksyon ang mga mag-aaral tungkol sa panahon ng mga Kastila. Sa daloy ng talakayan, kailangang bigyang-diin ng guro na ang mga pangyayari noong panahon ng Kastila ang siyang karaniwang paksa ng mga sarswelang Pilipino kagaya ng Walang Sugat.
2. Kilalanin ang may-akda ng teksto. Ipaulat ang talambuhay ni Severino Reyes.3. Basahin ang dula o ilang mahahalagang bahagi nito.4. Talakayin ang mga sagot sa bahaging Unawain sa sangguniang aklat (p.59).
Inaasahang matutukoy at masusuri rin sa bahaging ito ang kaigtingan at tunggaliang namayani sa akda. Upang maging madali ang pagsusuri sa kaigtingan at tunggalian, maaaring ihambing ang kaigtingan at tunggalian ng Walang Sugat sa mga popular na teleserye. Gayundin, inaasahang maipaliliwanag ng mga mag-aaral ang konsepto ng kapangyarihan ng pag-ibig, batay sa mga ginawa ng pangunahing tauhan.
5. Atasan ang mga mag-aaral na lumikha ng tulang nagpapahayag sa kapangyarihan ng pag-ibig (tingnan ang bahaging Performance Task/Pagganap).
6. Bigyan ng sapat na panahon ang klase upang makapaghanda sa pagsasadula ng ilang eksena ng sarswela.
7. Suriin ang mga aspektong pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng pagsagot sa gabay na tanong: Anu-anong pangyayari sa kasaysayan ang sinasalamin ng akda? Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang ganitong pagsusuri ay tinatawag na Historikal.
Antas 1 – Inaasahang Bunga/Resulta
Mga Pamantayan:
1. Nakasusuri ng bisa sa pagkakabuo ng mga pangungusap batay sa kahulugang homonim at heteronim
2. Nakasusuri ng mahahalagang detalye sa akda3. Nakapagbibigay-diin sa mga pwersa ng lipunan na nagpapabago ng pananaw,
MV1: David Michael M. San Juan Page 34 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
kilos, gawi at pag-uugali ng tao4. Nasusuri ang akda ayon sa mga aspektong panlipunan nito (Pananaw
Sosyolohikal)5. Nakasusuri ng pangungusap na Filipino6. Nakakikilala ng katauhan ng mga tauhan sa akda batay sa kanilang mga
pahayag7. Nasusuri ang kawastuhan o di kawastuhan ng mga pangyayari batay sa
pamantayang panlipunan at moralistiko8. Nasusuri ang akda ayon sa mga aspektong moralistiko nito (Pananaw
Moralismo)Mga Kakailanganing Pag-unawa:
Mauunawaaan ng mga estudyante na…
Ang maling pagbigkas ng mga salita ay makaaapekto sa kahulugan ng pahayag at kung gayo’y isa itong hadlang sa proseso ng komunikasyon.
Ang iba’t ibang pwersa sa lipunan ay may kakayahang magpabago sa pananaw, kilos, gawi at pag-uugali ng tao.
Ang bawat ayos ng pangungusap ay may binabagayang sitwasyon sa komunikasyon.
Ang katauhan o personalidad ng isang tao ay maaaring kilatisin sa pamamagitan ng kanyang mga salita/pahayag.
Bawat lipunan ay may sariling pamantayan ng moralidad ngunit may mga aspekto ang moralidad na unibersal ang pagkilala at aplikasyon.
Mahahalagang Tanong:
Ano ang epekto ng maling pagbigkas ng mga salita sa proseso ng komunikasyon?
Anu-anong pwersa sa lipunan ang may kakayahang magpabago sa pananaw, kilos, gawi at pag-uugali ng tao?
Ano ang kabuluhan ng pagtalakay at paggamit sa dalawang ayos ng pangungusap?
Anu-anong pamamaraan ang maaaring gamitin sa pagkilatis ng personalidad o katauhan ng isang tao?
Anu-anong pamantayan ng moralidad ang umiiral sa daigdig ngayon?
Anu-anong mga aspekto ng moralidad ang kinikilala at inilalapat sa buong daigdig?
Mababatid ng mga estudyante ang…
Epekto ng maling pagbigkas ng mga salita sa proseso ng komunikasyon
Iba’t ibang pwersa sa lipunan na may kakayahang magpabago sa pananaw, kilos, gawi at pag-
Maisasagawa ng mga estudyante ang…
Magamit ang mga salitang salitang homonim at heteronim.
Masuri ang mahahalagang detalye ng akda.
Mabigyang-diin ang mga pwersa sa lipunan na may kakayahang
MV1: David Michael M. San Juan Page 35 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
uugali ng tao Kabuluhan ng paggamit ng
dalawang ayos ng pangungusap sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon
Paggamit sa mga pahayag sa pagkilatis ng personalidad/katauhan ng isang tao
Pagkakaiba ng mga pamantayan ng moralidad sa bawat lipunan at ang mga aspekto ng moralidad na kinikilala at inilalapat sa buong daigdig
magpabago sa pananaw, kilos, gawi at pag-uugali ng tao
Masuri ang akda batay sa mga aspektong panlipunan nito
Makapagsuri ng mga pangungusap sa Filipino.
Makilala ang katauhan ng mga tauhan batay sa kanilang mga pahayag
Masuri ang kawastuhan o di kawastuhan ng mga pangyayari batay sa pamantayang panlipunan at moralistiko
Masuri ang akda batay sa mga aspektong moralistiko nito
Antas 2 – Pagtataya
Mga Gawain sa Pagganap:
Paglikha ng social pyramid (panlipunang tatsulok): Bilang paghahanda sa gawaing ito, ibibigay na takdang aralin ang pananaliksik ukol sa mga makapangyarihang pwersa sa lipunan (salapi, negosyante, dayuhan, relihiyon atbp.). Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay aatasang magdala ng mga sumusunod na materyales: lumang dyaryo at magasin, gunting, pandikit, pangulay, kartolina at pentel pen. Habang nakikinig sa awiting “Tatsulok” at “Upuan,” atasan ang mga mag-aaral na lumikha ng social pyramid kung saan makikita ang kasalukuyang kalagayan ng lipunang Pilipino. Nasa itaas ng tatsulok ang mga makapangyarihan sa lipunan at nasa ilalim naman ang mga inaapi at walang kapangyarihan.
Paglikha ng talahanayan:
Iba pang Patunay:
Maikling pagsusulit Pagguhit ng larawang-diwa Rubrics ng produkto/pagganap
(Performance task rubrics) Pagsasanay sa aklat Maikling pagsusulit Paglikha ng tseklist Rubrics ng produkto/pagganap
(Performance task rubrics)
MV1: David Michael M. San Juan Page 36 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay aatasang magdala ng kartolina o Manila paper at pentel pen. Pagkatapos ng pagtakay sa akda, lilikha ang bawat pangkat ng talahanayan ng mga piling pangyayari sa akda (kaliwang bahagi ng talahanayan) at ng karampatang paghuhusga sa kawastuhan o di kawastuhan nito (kanang bahagi ng talahanayan) batay sa mga pamantayang panlipunan at moralistiko na katanggap-tanggap sa mas nakararaming Pilipino. Upang maging madali ang paghuhusga, atasan ang mga mag-aaral na isipin o i-imagine na sila ang mga tauhan habang nagtatalakayan sila ukol sa kawastuhan at di kawastuhan ng mga piling pangyayari.
Antas 3 – Mga Plano sa Pagkatuto
Mga Gawain sa Pagkatuto:
Unang Linggo:
Pagtalakay sa Aralin sa Wika 1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Magparekord ng iba’t ibang talakayan o
panayam (talakayan sa radyo, talakayan sa telebisyon, talakayan sa klase at pulong ng mga estudyante). Iparinig ang iba’t ibang usapan o talakayan sa klase. Ipatala ang mga salitang may maling bigkas. Suriin ang epekto ng maling pagbigkas sa malinaw na pagpapahayag ng mensahe. Sa daloy ng talakayan ay inaasahang mababanggit ito: Ang maling pagbigkas ng mga salita ay makaaapekto sa kahulugan ng pahayag at kung gayo’y isa itong hadlang sa proseso ng komunikasyon.
2. Talakayin ang homonim at heteronim gamit ang lektura sa pahina 63-64. Inaasahang makapagbibigay ang mga mag-aaral ng sariling halimbawa ng mga homonim at heteronim sa sariling pangungusap.
3. Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa p.64.
Pagtalakay sa Aralin sa Panitikan
MV1: David Michael M. San Juan Page 37 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
1. Iparinig sa klase ang awiting “Tatsulok” ni Bamboo o “Upuan” ni Gloc 9. Pahapyaw na talakayin ang mensahe ng awit. Itatanong ng guro sa mga mag-aaral: Anu-anong pwersa sa lipunan ang may kakayahang magpabago sa pananaw, kilos, gawi at pag-uugali ng tao? Sa daloy ng talakayan, inaasahang mababanggit na: Maraming pwersa sa lipunan ang may kakayahang magpabago sa pananaw, kilos, gawi at pag-uugali ng tao. Ipinakikita sa nobelang “Satanas sa Lupa” ang mga pwersang ito, gayundin ang kanilang epekto sa tao.
2. Basahin ang teksto ng “Satanas sa Lupa” sa sangguniang aklat.3. Ipasagot ang bahaging Hanapin sa sangguniang aklat (p.68).4. Talakayin ang mga sagot sa bahaging Unawain sa sangguniang aklat (p.68).
Inaasahang matutukoy at masusuri rin sa bahaging ito ang mga mahahalagang detalye ng akda, partikular ang mga pwersa sa lipunan na nagbunsod ng mga pagababago sa pangunahing karakter.
5. Bigyan ng sapat na panahon ang klase upang gawin ang social pyramid.6. Suriin ang mga aspektong sosyolohikal ng akda sa pamamagitan ng pagsagot sa
gabay na tanong: Anu-anong pwersa sa lipunan ang nakaapekto sa buhay ng pangunahing tauhan? Paano naimpluwensyahan ng ng pwersang ito ang pangunahing tauhan? Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang ganitong pagsusuri ay tinatawag na Sosyolohikal.
Ikalawang Linggo
Pagtalakay sa Aralin sa Wika 1. Pumili ng isang estudyanteng mahusay magbasa. Ipabasa ang bahaging
Pakinggan sa p.72 ng sangguniang aklat. Sagutin ang bahaging Talakayin sa p.72.
2. Talakayin ang dalawang ayos ng pangungusap sa Filipino gamit ang lektura sa pahina 73. Inaasahang makapagbibigay ang mga mag-aaral ng sariling halimbawa ng dalawang ayos ng pangungusap. Sa bahaging ito, inaasahang mababanggit din ang iba’t ibang sitwasyon na mas binabagayan ng isang partikular na ayos ng pangungusap.
3. Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa p.74.
Pagtalakay sa Aralin sa Panitikan1. Magpaskel sa pisara ng iba’t ibang pahayag tungkol sa kahirapan at
pagmamalasakit sa kapakanan ng ibang tao. Hingan ng reaksyon ang mga mag-aaral ukol sa mga pahayag. Batay sa mga pahayag, itanong din sa mga mag-aaral ang kanilang pakiwari o opinion ukol sa katauhan ng mga taong pinanggalingan ng pahayag. Sa daloy ng talakayan, inaasahang mababanggit na: Ang katauhan o personalidad ng isang tao ay maaaring kilatisin sa pamamagitan ng kanyang mga salita/pahayag. Tingnan natin kung anong uri ng katauhan mayroon ang mga karakter sa kwentong “Alyas Juan de la Cruz.”
2. Basahin ang teksto ng “Alyas Juan de la Cruz” sa sangguniang aklat.3. Ipasagot ang bahaging Hanapin sa sangguniang aklat (p.87).4. Talakayin ang mga sagot sa bahaging Unawain sa sangguniang aklat (p.87).
Gayundin, inaasahang matutukoy sa bahaging ito ang mga mahahalagang
MV1: David Michael M. San Juan Page 38 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
pahayag ng mga tauhan sa akda na magagamit sa pagsusuri ng kani-kanilang mga katauhan.
5. Pahapyaw na talakayin ang pag-iral/existence ng iba’t ibang pamantayang panlipunan at moralistiko sa daigdig. Magbigay ng isang pangyayari mula sa akda at husgahan ang kawastuhan o di kawastuhan nito batay sa umiiral na pamantayang panlipunan at moralistiko ng mas nakararaming Pilipino. Pagkatapos, atasan ang mga mag-aaral na gumawa ang bawat pangkat ng talahanayan ng mga piling pangyayari sa akda (kaliwang bahagi ng talahanayan) at ng karampatang paghuhusga sa kawastuhan o di kawastuhan nito (kanang bahagi ng talahanayan) batay sa mga pamantayang panlipunan at moralistiko na katanggap-tanggap sa mas nakararaming Pilipino.
6. Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat upang maipakita at maipaliwanag sa buong klase ang kanilang ginawa. Sa daloy ng pagtalakay, inaasahang mabubuo ang ganitong consensus/sintesis: Bawat lipunan ay may sariling pamantayan ng moralidad ngunit may mga aspekto ang moralidad na unibersal ang pagkilala at aplikasyon
7. Suriin ang mga aspektong moralistiko ng akda sa pamamagitan ng pagsagot sa gabay na tanong: Ano ang pamantayang moralistiko ang namamayani sa lipunang ginagalawan ng mga tauhan? Ihambing ito sa mga pamantayang moralistiko ng kasalukuyang panahon. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang ganitong pagsusuri ay tinatawag na Moralismo/Moralistiko.
Antas 1 – Inaasahang Bunga/Resulta
Mga Pamantayan:
1. Nakagagamit ng mga usapan o talakayan sa mga pangungusap na nagpapahayag ng pagsang-ayon
2. Nakasusuri sa mahahalagang kaisipang ipinahahayag sa akda3. Nakapagbibigay-kahulugan at kahalagahan ng kasiningan ng mga simbolismo sa
akda4. Nasusuri ang akda ayon sa mga simbolismong taglay nito (Pananaw Arketipal)
Mga Kakailanganing Pag-unawa:
Mauunawaaan ng mga estudyante na…
May mga salitang pananda para sa bawat partikular na uri ng pangungusap.
Bawat tao, may kapansanan man, ay may angking mga karapatan na dapat itaguyod at igalang.
Ang mga akdang hitik sa
Mahahalagang Tanong:
Bakit pinag-aaralan ang mga salitang pananda?
Ano ang nagbibigay-kahulugan at -kabuluhan sa buhay ng tao?
Bakit natin kailangang basahin ang mga akdang hitik sa simbolismo kahit mahirap unawain?
MV1: David Michael M. San Juan Page 39 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
simbolismo ay hitik din sa makabuluhang aral na makatutulong sa pag-unawa ng tao sa kabuluhan ng buhay.
Mababatid ng mga estudyante ang…
Kabuluhan ng mga salitang pananda
Kahalagahan ng mga karapatang pantao
Kahulugan, kahalagahan at kabuluhan ng mga simbolismo sa isang akda
Maisasagawa ng mga estudyante ang…
Makapagsuri ng mga pangungusap sa Filipino.
Makapagsuri ng mga mahahalagang kaisipan mula sa akda
Maibigay ang kahulugan, kahalagahan at kabuluhan ng mga simbolismo sa isang akda
Masuri ang akda batay sa simbolismong taglay nito
Antas 2 – Pagtataya
Mga Gawain sa Pagganap:
Pagtatanghal ng sayaw-awit (interpretative dance): Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay aatasang lumikha ng sariling mga hakbang para sa kanilang sariling interpretasyon ng awiting “Bawat Bata” ng APO Hiking Society o kaya’y “Ang Karapatang Pantao ay Igalang” ng Grupong Pendong. Ibibigay itong homework. Upang ganap na maisaloob o ma-internalize ng mga mag-aaral ang awitin, atasan sila na magsaliksik ukol sa mga karapatang pantao. Maaaring ipabasa rin sa kanila ang Universal Declaration on Human Rights o kaya’y ang ilang bahagi ng Saligang Batas ukol sa karapatang pantao. Itatanghal ng bawat pangkat ang
Iba pang Patunay:
Maikling pagsusulit
Pagguhit ng larawang-diwa
Rubrics ng produkto/pagganap (Performance
task rubrics)
Pagsasanay sa aklat
Maikling pagsusulit
Paglikha ng tseklist
Rubrics ng produkto/pagganap (Performance
task rubrics)
MV1: David Michael M. San Juan Page 40 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
kanilang sayaw-awit pagkatapos ng pagtalakay sa teksto.
Paglikha ng tseklist ng mga karapatan: Sa isang buong papel, magpaguhit sa mga mag-aaral ng hagdan na may sampung baitang. Atasan sila na isulat sa bawat baitang ang mga karapatang pantao na inaakala nilang pinakamahahalaga (nasa tuktok ang pinakamahalaga). Maaari itong gawing homework
Antas 3 – Mga Plano sa Pagkatuto
Mga Gawain sa Pagkatuto:
Unang Linggo:
Pagtalakay sa Aralin sa Wika 1. Pumili ng estudyante at ipabasa ang dayalogo sa Pakinggan (p.91-92). Ipabasa
at ipasagot ang mga tanong sa Talakayin (p.92).2. Talakayin ang mga pananda para sa pangungusap na sumasang-ayon sa tulong
ng mga halimbawang pangungusap sa pahina 92. Inaasahang makapagbibigay ang mga mag-aaral ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na sumasang-ayon. Sa bahaging ito, inaasahang mabibigyang-diin ang kabuluhan ng pag-aaral sa mga salitang pananda.
3. Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa p.93.
Pagtalakay sa Aralin sa Panitikan1. Iparinig ang awiting “Sino Ang Baliw?” Magsagawa ng malayang talakayan sa
klase hinggil sa mensaheng nakapaloob sa awit. Sa daloy ng talakayan, inaasahang mababanggit na: Bawat tao, may kapansanan man sa pag-iisip, ay may angking mga karapatan na dapat itaguyod at igalang. Tingnan natin kung paano pinakitunguhan ng lipunan ang isang karakter na may kapansanan sa pag-iisip sa kwentong “Talulot sa Pagas na Lupa.”
2. Basahin ang teksto ng “Talulot sa Pagas na Lupa” sa sangguniang aklat.3. Ipasagot ang bahaging Hanapin sa sangguniang aklat (p.103).4. Talakayin ang mga sagot sa bahaging Unawain sa sangguniang aklat (p.103).
Gayundin, inaasahang matutukoy at maipaliliwanag sa bahaging ito ang mga mahahalagang simbolismo sa akda.
5. Pahapyaw na talakayin ang mga karapatang pantao. Gamitin itong lunsaran upang atasan ang mga mag-aaral na itanghal ang kanilang sayaw-awit tungkol sa karapatang pantao.
6. Suriin ang mga simbolismo sa akda sa pamamagitan ng pagsagot sa gabay na
MV1: David Michael M. San Juan Page 41 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
tanong: Anu-anong simbolismo ang makikita sa akda? Paano nakatulong ang mga simbolismo sa pagbibigay-linaw sa mensaheng nais iwan ng akda? Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang ganitong pagsusuri ay tinatawag na Arketipo.
Antas 1 – Inaasahang Bunga/Resulta
Mga Pamantayan:
5.Mga Kakailanganing Pag-unawa:
Mauunawaaan ng mga estudyante na…
Mahahalagang Tanong:
Mababatid ng mga estudyante ang…
Maisasagawa ng mga estudyante ang…
Antas 2 – Pagtataya
Mga Gawain sa Pagganap:
Iba pang Patunay:
Maikling pagsusulit Pagguhit ng larawang-diwa Rubrics ng produkto/pagganap
(Performance task rubrics) Pagsasanay sa aklat Maikling pagsusulit Paglikha ng tseklist Rubrics ng produkto/pagganap
(Performance task rubrics)
Antas 3 – Mga Plano sa Pagkatuto
Mga Gawain sa Pagkatuto:
MV1: David Michael M. San Juan Page 42 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
Unang Linggo:
Ikalawang Linggo
HALIMBAWA NG RUBRICPangalan ng Bibigyan ng Marka:___________________________Pangalan ng Nagbigay ng Marka: __________________________Gawain: Pagsasadula
Pamantayan 4 (Napakahusay)
3(Mahusay)
2(Di Gaanong
Mahusay)
1(Hindi
Mahusay)Kasiningan ng pagganap
Naipakita nang maayos ang lahat ng aspekto ng katauhan ng karakter na ginagampanan.
Naipakita nang maayos ang karamihan sa mga aspekto ng katauhan ng karakter na ginagampanan.
Naipakita nang maayos ang ilang mga aspekto ng katauhan ng karakter na ginagampanan.
Hindi naipakita nang maayos ang alinmang aspekto ng katauhan ng karakter na ginagampanan.
Kahusayan sa pagbigkas ng dayalogo
Nabigkas nang maayos at malinaw ang lahat ng pahayag
Nabigkas nang maayos at malinaw ang karamihan ng pahayag
Nabigkas nang maayos at malinaw ang ilang pahayag
Hindi nabigkas nang maayos at malinaw ang alinmang pahayag
Paggamit ng kasuotan at iba pang propse
Mabisang nakagamit ng kasuotan at iba pang propse sa
Mabisang nakagamit ng kasuotan at iba pang propse sa
Mabisang nakagamit ng kasuotan at iba pang propse sa
Hindi mabisang nakagamit ng kasuotan at iba pang propse sa
MV1: David Michael M. San Juan Page 43 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
lahat ng sitwasyong kinakailangan ito
karamihan ng sitwasyong kinakailangan ito
ilang sitwasyong kinakailangan ito
alinmang sitwasyong kinakailangan ito
Pagpapalutang ng diwa
Mabisang naipakita sa lahat ng bahagi ng pagtatanghal ang diwa ng paksa
Mabisang naipakita sa maraming bahagi ng pagtatanghal ang diwa ng paksa
Mabisang naipakita sa ilang bahagi ng pagtatanghal ang diwa ng paksa
Hindi mabisang naipakita sa alinmang bahagi ng pagtatanghal ang diwa ng paksa
MV1: David Michael M. San Juan Page 44 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
Draft submission for the UBD Filipino Unit Plan (4th Year)David Michael M. San Juan
“Kung Tuyo na Ang Luha Mo, Aking Bayan” UNANG YUGTO/STAGE 1: Desired Results (Inaasahang Bunga)Established Goals (Pamantayang Pangnilalaman)
Understandings (Mga Kaalaman/Pag-unawa)Mauunawaan ng mga mag-aaral na...
Essential Questions (Mga Mahahalagang Katanungan)
Mauunawaan ng mga estudyante ang...
Magagawa ng mga estudyante na...
IKALAWANG YUGTO/STAGE 2: Assessment Evidence (Katibayan ng Pagtataya) Performance Tasks (Produkto/Pagganap)
Other Evidence (Iba Pang Katibayan)
IKATLONG YUGTO/STAGE 3: Learning Plan (Banghay Aralin)Learning Activities (Mga Gawain sa Pagkatuto)
***“Walang Panginoon” UNANG YUGTO/STAGE 1: Desired Results (Inaasahang Bunga)Established Goals (Pamantayang Pangnilalaman)
Understandings (Mga Kaalaman/Pag-unawa)Mauunawaan ng mga mag-aaral na...
Essential Questions (Mga Mahahalagang Katanungan)
Mauunawaan ng mga estudyante ang...
Magagawa ng mga estudyante na...
IKALAWANG YUGTO/STAGE 2: Assessment Evidence (Katibayan ng Pagtataya) Performance Tasks (Produkto/Pagganap)
MV1: David Michael M. San Juan Page 45 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
Other Evidence (Iba Pang Katibayan)
IKATLONG YUGTO/STAGE 3: Learning Plan (Banghay Aralin)Learning Activities (Mga Gawain sa Pagkatuto)
***“Liwanag at Dilim” UNANG YUGTO/STAGE 1: Desired Results (Inaasahang Bunga)Established Goals (Pamantayang Pangnilalaman)
Understandings (Mga Kaalaman/Pag-unawa)Mauunawaan ng mga mag-aaral na...
Essential Questions (Mga Mahahalagang Katanungan)
Mauunawaan ng mga estudyante ang...
Magagawa ng mga estudyante na...
IKALAWANG YUGTO/STAGE 2: Assessment Evidence (Katibayan ng Pagtataya) Performance Tasks (Produkto/Pagganap)
Other Evidence (Iba Pang Katibayan)Pagsasanay sa aklatMaikling pagsusulitRubrics ng produkto/pagganap (Performance task rubrics)
IKATLONG YUGTO/STAGE 3: Learning Plan (Banghay Aralin)Learning Activities (Mga Gawain sa Pagkatuto)***“Walang Sugat” UNANG YUGTO/STAGE 1: Desired Results (Inaasahang Bunga)Established Goals (Pamantayang Pangnilalaman)
Understandings (Mga Kaalaman/Pag-unawa)Mauunawaan ng mga mag-aaral na...
Essential Questions (Mga Mahahalagang Katanungan)
Mauunawaan ng mga estudyante ang...
Magagawa ng mga estudyante na...
MV1: David Michael M. San Juan Page 46 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
IKALAWANG YUGTO/STAGE 2: Assessment Evidence (Katibayan ng Pagtataya) Performance Tasks (Produkto/Pagganap)
Other Evidence (Iba Pang Katibayan)Pagsasanay sa aklatMaikling pagsusulitRubrics ng produkto/pagganap (Performance task rubrics)
IKATLONG YUGTO/STAGE 3: Learning Plan (Banghay Aralin)Learning Activities (Mga Gawain sa Pagkatuto)***“Satanas sa Lupa” UNANG YUGTO/STAGE 1: Desired Results (Inaasahang Bunga)Established Goals (Pamantayang Pangnilalaman)1.
Understandings (Mga Kaalaman/Pag-unawa)Mauunawaan ng mga mag-aaral na...
Essential Questions (Mga Mahahalagang Katanungan)
Mauunawaan ng mga estudyante ang...
Magagawa ng mga estudyante na...
IKALAWANG YUGTO/STAGE 2: Assessment Evidence (Katibayan ng Pagtataya) Performance Tasks (Produkto/Pagganap)
Other Evidence (Iba Pang Katibayan)Pagsasanay sa aklatMaikling pagsusulitRubrics ng produkto/pagganap (Performance task rubrics)
IKATLONG YUGTO/STAGE 3: Learning Plan (Banghay Aralin)Learning Activities (Mga Gawain sa Pagkatuto)
“Alyas Juan de la Cruz” UNANG YUGTO/STAGE 1: Desired Results (Inaasahang Bunga)Established Goals (Pamantayang Pangnilalaman)1.
Understandings (Mga Kaalaman/Pag-unawa)
MV1: David Michael M. San Juan Page 47 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
Mauunawaan ng mga mag-aaral na...
Essential Questions (Mga Mahahalagang Katanungan)
Mauunawaan ng mga estudyante ang...
Magagawa ng mga estudyante na...
IKALAWANG YUGTO/STAGE 2: Assessment Evidence (Katibayan ng Pagtataya) Performance Tasks (Produkto/Pagganap)
Other Evidence (Iba Pang Katibayan)Pagsasanay sa aklatMaikling pagsusulitRubrics ng produkto/pagganap (Performance task rubrics)
IKATLONG YUGTO/STAGE 3: Learning Plan (Banghay Aralin)Learning Activities (Mga Gawain sa Pagkatuto)
“Talulot sa Pagas na Lupa” UNANG YUGTO/STAGE 1: Desired Results (Inaasahang Bunga)Established Goals (Pamantayang Pangnilalaman)
Understandings (Mga Kaalaman/Pag-unawa)Mauunawaan ng mga mag-aaral na...
Essential Questions (Mga Mahahalagang Katanungan)
Mauunawaan ng mga estudyante ang...
Magagawa ng mga estudyante na...
IKALAWANG YUGTO/STAGE 2: Assessment Evidence (Katibayan ng Pagtataya) Performance Tasks (Produkto/Pagganap)
Other Evidence (Iba Pang Katibayan)Pagsasanay sa aklatMaikling pagsusulitRubrics ng produkto/pagganap (Performance task rubrics)
IKATLONG YUGTO/STAGE 3: Learning Plan (Banghay Aralin)Learning Activities (Mga Gawain sa Pagkatuto)
MV1: David Michael M. San Juan Page 48 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez
MV1: David Michael M. San Juan Page 49 of 49MV2: SME Cho C. Fernandez