my christmas wish filenapatingin ako sa langit. isang star ang nakita ko. pumikit ako at nagwish....
TRANSCRIPT
My Christmas Wish by: Leafika Jaey
Part One
–the wish-
Apat na araw na lang at Christmas na.
Abala na naman ang mga tao sa paghahanda sa darating na
Christmas. Samantalang ako, heto at nakaupo sa may terrace ng
bahay ng Tita ko.
Ako nga pala si Lala Sta. Cruz, 18 years old na, nakikitira sa
Tita ko nang mamatay ang parents ko noong 15 years old ako.
Pasalamat nga ako at nakapagtapos pa ako ng highschool eh. Hindi
na ako tumuloy sa college dahil walang pampaaral sakin si Tita
kahit ang totoo ay meron naman. May anak na rin si Tita, isang
lalaki at isang babae at ang asawa naman niya ay nasa ibang
bansa kaya medyo malaki ang bungalow nilang bahay.
Humilig ako sa may dingding habang hawak ang libro ni Selena ang
bunsong anak ni Tita Emmy. Nakita ko kasing pakalat-kalat ang
librong ito sa may salas kaya kinuha ko, buti at wala sila
ngayon dahil magbabakasyon sila ng dalawang linggo sa probinsya
ng asawa ni Tita Emmy kaya heto at ako ang taga bantay ng bahay
nila habang wala sila.
Okay lang naman sakin iyon eh. Malaki din naman ang pasasalamat
ko sa kanila dahil pinatuloy at pinapakain nila ako araw-araw
kapalit ng paggawa ng gawaing bahay.
Napangiti ako sa libro ng makita ang pamagat non “TALK BACK AND
YOUR DEAD”. Yan ang title ng libro na katatapos ko lamang
basahin kani-kanina pa at sa palagay ko ay unti-unti ng
nahuhulog ang loob ko kay Timothy Odelle Pendleton o mas kilala
sa tawag na TOP.
Nakakatawa ngang isipin na magiging first love ko pa ata ay
isang fictional character na hindi naman talaga totoong tao.
Siguro hanggang pangarap na lang talaga ako na isang araw ay
magkakagusto rin sakin na katulad ni TOP. Sino ba naman ang
magkakagusto sa isang babaeng alila at high school graduate lang
ang natapos. Wala diba?
Napatingin ako sa langit. Isang star ang nakita ko.
Pumikit ako at nagwish.
“Sana may TOP sa totoong buhay” sabi ko at saka dumilat.
Nagliwanag ang star na hinilingan ko kaya napangiti ako.
Pero at the same time eh nalungkot ako. Hindi magiging tao si
TOP at walang siya sa totoong buhay.
Napabuntong hininga ako at saka na pumasok sa loob ng bahay para
matulog.
***
Isang malakas na katok ang narinig ko.
Dahil sa antok ko pinabayaan ko na lang.
Bahala syang kumatok dyan wala akong pakialam.
Pero hindi parin siya tumitigil eh kaya tumayo na ako kahit
antok na antok parin ako.
Naglakad ako papuntang pintuan at saka padabog na binuksan iyon.
Dinilat ko ang mga mata ko pero dahil sa antok ko di ko siya
maaninang ng mabuti.
“You want me to wait here forever huh” sabi niya sa tonong
pagalit.
Teka siya na ngang istorbo siya pa galit.
Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at saka tinignan siya.
“Excuse me, ano bang kelangan nyo? At saka anong oras na at…”
tinignan ko yong wall clock sa may sala.
Alas-dose ng gabi?! What the heck?!
“Alas dose na ng gabi ah. bakit kumakatok ka? Ano kelangan mo?”
“Are you not asking me to let me in?” tanong niya sakin.
Wow. Ha.
Akmang tatalakan ko siya ng pumasok siya sa loob at saka umupo
sa sofa.
Nakade-kwatro ang paa niya at saka nakapatong yong dalawang
kamay niya sa may sandalan ng sofa.
Hanla?! Yong totoo? Sino ba talaga siya? FAH eh. Feel at home.
“Mr. sino ka ba talaga? At saka bakit ka andito?” tanong ko
sakanya.
“Come here” sabi niya sakin.
Sinara ko na yong pintuan.
Lumapit ako pero syempre umupo ako doon sa pang-isahang upuan.
Ayoko ngang tumabi sakanya kahit sabihin mo pang gwapo siya.
“Sino ka ba talaga kasi?” naiinis na sabi ko.
“Timothy Odelle Pendletone happy now?” tanong niya.
Teka bakit para yatang nabasa o nakita ko na yong pangalan na
yun eh.
Saan nga ba?
Loading… Loading… Loading…
TIMOTHY ODELLE PENDLETON???????!!!!!!
Diba yon din yong name ni TOP sa TBYD?
Paanong???
“Y-yung totoo? I-ikaw si TOP?!”
“YUP” cool na sagot niya.
Waaaaaaaa… Yong totoo talaga?
Hindi ko alam pero halo-halo yong nararamdaman ko ngayon eh.
Kalituhan, kasiyahan at kaantukan.
Kaya di ko namalayan na nawalan na ako ng malay.
***
Isang mahinang poke sa noo ang naramdaman ko kaya nagising ako.
Napaka-weird ng panaginip ko eh. nagkatotoo raw yong wish ko
kagabi. Nakita ko raw si TOP nakausap.
Naidilat ko yong mata ko at bumungad sakin ang mukha ng isang
lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko at akmang sisigaw ng takpan niya bigla
ang bibig ko.
“F*ck, don’t shout okay. I will remove this but don’t shout”
sabi niya.
Tumango ako. Tinanggal naman niya ang kamay niya sa bibig ko.
Hindi ako makapaniwala. Akala ko ba panaginip yon? Bakit ganon?
Bakit andito siya?
“Hey why are you staring me like that huh?!” tanong niya.
Hindi ako makapaniwala. Totoo ba talaga siya? di siya engkanto o
ano?
Hinawakan ko yong pisngi niya at kinurot-kurot.
Shet na malagkit. Sobrang lambot at kinis ng mukha niya. Nahiya
naman ako.
Tinanggal niya ang kamay ko sa pagkakarot sa mukha niya.
“Shit. My face” sabi niya sabay hawak sa pisngi niya.
“Sorry” sabi ko saka nagpeace sign.
“Eat your breakfast. I’ll wait for you outside” sabi niya at
saka na lumabas ng kwarto ko.
Nakita ko yong tray ng pagkain sa table ko.
Amoy palang ulam na. OH lalala.
Matapos kung maubos yong pagkain kung pwede lang pat iyong plato
nakain ko na sa sobrang sarap ng luto niya. Alam ko luto niya
iyon imposibleng luto ko eh natulog kaya ako.
Kinuha ko yong TBYD book sa may ilalim ng unan ko at saka
binuksan iyon.
Sobra pa nga akong nagulat ng makitang wala yong name ni TOP
doon. As in wala kumbaga blurred siya. Ewan ko pero natuwa ako
dahil natupad yong hiling ko.
OH yeah ang saya saya ko.
Lumundag-lundag ako sa kasiyahan habang tawa ng tawa nang di
iniisip na katatapos ko lang kumain.
Bumukas ang pinto at niluwa non si TOP.
Napatigil ako sa pagtawa at pagtalon.
“TSk. Are you done?” tanong niya.
Tumango ako. Pumunta siya sa may table at kinuha ang tray.
“UY ako na” sabi ko.
“Stay here. I’ll take care of this” sabi niya at saka lumabas ng
kwarto ko dala ang tray ng pinagkainan ko.
Sinundan ko siya sa may kusina at tinignan ko syang naghuhugas
ng plato. Kahit nakatalikod siya ay naguumapaaw parin ang sex
appeal niya lalo na yong biceps niya habang naghuhugas.
Geez bat ang sexy niya?
Nakita kong tapos na syang naghugas kaya lumingon siya sakin.
“A-ano, k-kumain ka na ba?” tanong ko sakanya.
“Yeah. before I wake you up”
“ah.o-okay”
“Change your clothes, we’re going out”
Going out? As in a date????
Hmmmm. Not bad.
***
Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng damit. Simpleng t-shirt
lang. luma na yon kasi hindi naman ako nakakabili ng bagong
damit eh. Tenernohan ko yon ng short-shorts. Hoho.
At saka na ako lumabas ng kwarto ko.
Nakita ko na nakabihis na rin siya. pinahiram ko kasi siya ng
damit ni Kuya Serge, yong isa sa dalawang anak ni Tita Emmy.
Buti naman at kasya sa kanya.
Nakaupo siya sa may sofa at nanonood ng TV.
“Geez this so fucking gay” sabi niya.
Lumapit naman ako at tinignan ang pinapanood niya.
Arirang TV yong pinapanood niya kaya malamang na pinapanood niya
yong Simply KPOP kung saan ngpe-perform yong boyband na BIGBANG.
“Hindi naman ah. ang cute kaya nila.” Sabi ko sakanya.
Tumingin siya sakin ng masama.
“The heck” sabi niya sabay off ng TV.
“Hala ba’t mo pinatay?”
“You’re staring at them as if you love them huh?!” sabi niya.
Totoo namang love ko talaga ang BIGBANG noh!
“And what are you wearing? Take that off” sabi niya sabay tingin
ng masama sa suot kong shor-shorts.
“HA? anong masama sa damit ko? Okay na ito. Halika na” sabi ko
sakanya.
“We’re not going anywhere unless you take that off”
“Ang arte mo” sabi ko sabay pout.
Padabog na pumunta ako ng kwarto ko at nagpalit ng pantalon.
Pagkapalit ko ay agad na akong lumabas ng kwarto. Naghihintay
pala siya sa tabi ng kwarto ko eh.
“Good. Let’s go” sabi niya at saka na naunang lumabas ng bahay.
Ako naman chineck ko muna yong mga sasaksakan baka mamaya
masunog pa bahay ni Tita malagot ako.
Pagkalabas ko nakita ko syang nakasakay na sa big bike niya.
Oh pati big bike niya dinamay sa wish ko. Hahaha.
“Get on” sabi niya sakin.
Sumakay naman na ako.
This is date! Oh yeah!
***
Pagkapasok namin sa Mall ay tinginan agad ang mga tao malamang
dahil hindi sila makakakita ng ganyan katangkad at kapoging
lalaki dito sa probinsya namin.
At ako heto at nagmumukhang alalay niya. Baka nga mapagkamalam
pa tong artista eh at ako lang naman ang dakilang alalay niya.
Habang naglalakad kami ay dumidistansya ako sakanya. Ayoko ngang
masabihang yaya niya.
Lumapit siya akin. “Hey, what are you doing?”
“Dyan ka na. dito ako. ayoko ngang mapagkamalang yaya mo” sabi
ko sabay layo ulit sakanya.
Lumapit ulit siya sakin tas ngayon kinuha niya ang kamay ko at
saka pinagsaklop sa kamay niya.
Oh geezz holding hands while walking ang peg tuloy namin.
“Ay may girlfriend na pala siya sayang” narinig kong sabi ng
ibang dumadaan sa kasama nila.
Pinipilit kong tanggalin ang kamay ko sakanya kaso ayaw
matanggal eh.
“Do that again or else I’ll kiss you in front of them” sabi niya
habang nakatingin sakin.
Natakot ako sa banta niya kaya hindi ko na lang tinanggal.Ayaw
ko nga ng PDA o public display of affection.
Nagtingin tingin lang kami ng mabibili.
Pumunta kami ng National bookstore.
Ako ito at tumingin-tingin ng mga libro. Sayang nga eh kulang
pera ko pambili ng libro.
Napabuntong hininga na lang ako.
Kinuha ko yong book na may nakasulat na “A walk to remember”
gawa ng favorite author ko si Nicholas Sparks. Tinignan ko ang
presyo kaso nanghina ako. Ang mahal eh.
“Halika na” sabi ko kay TOP.
“Aren’t you going to buy those stuff?” tanong niya sabay nguso
sa mga libro.
“Ha? hindi na. mahal eh” sabi ko.
He gave me his wallet. “Bakit to?”
“Take my wallet with you. You can buy anything you want” sabi
niya.
Binuksan ko yong wallet niya. Oh geez. Ang dami ngang pera.
Halos maiyak ako sa tuwa sa sinabi niya. Hindi niya lang alam na
sobrang matagal ko ng pinangarap na makabili ng mga libro.
Sa wakas makakabili na ako hindi na ako patagong magbabasa ng
libro ni Selena.
“Thank you” sabi ko sabay hug sakanya.
Naiyak na ako sa tuwa eh.
“Are you crying?” tanong niya sakin.
Umalis ako mula sa pagkakayakap sakanya at pinunasan ko ang luha
ko.
“Hahahaha. Sorry ang drama ko eh. Thank you talaga ah”
Pinunasan niya ang luha sa mga mata ko at saka ngumiti.
“Anything for you” sabi niya.
Napangiti rin ako.
Part two
-the necklace-
Pagkatapos naming mamili. Oh ha nakabili rin lang naman ako ng
sampung libro. Okay na sakin yon. PInapadagdagan pa nga niya
sakin eh pero sabi ko okay na noh. Ayokong abusuhin masyado yong
pagiging mabait niya.
Iniwan muna namin sa may baggage counter yong libro para naman
wala kaming dala-dala kung anu-ano habang naglilibot-libot kami.
Pumunta kami sa may jewelry store.
Tumingin-tingin din ako. Nakita ko yong isang necklace na may
pendant na heartshape naka-engrave ang infinity sign tas may
nakabaon na tatlong diamond roon. White gold yong necklace eh.
Ang ganda.
“You like that?” tanong ni TOP sakin.
Di ko alam na nasa tabi ko na siya.
“Ha? hindi” sabi ko at saka ko na siya hinila palabas ng jewelry
shop.
Pumunta naman kami sa may World of Fun.
Hinila ko siya sa bilihan ng token at ticket at saka bumili kami
ng maraming token hahhaa. Courtesy ni boss eh hahaha.
Hinila ko ulit siya sa may basketball arcade.
“Laro tayo” aya ko kay TOP.
Nang tignan ko siya ay nakahalukipkip lang siya at nakatingin sa
may basketball arcade.
“TOP nilalaro yan hindi tinitignan” sabi ko sakanya.
He gave me a death glare.
Woah. Grabe katakot talaga ang tingin nito.
“Sige na basketball tayo” sabi ko sakanya.
Tinignan lang niya ako na parang nagtatanong na mga mata.
“Fine. Ayaw mo di wag. Ako na nga lang. Tabi” sabi ko sakanya at
saka pumwesto na at hinulog ang token at saka pinindot ang start
button.
Umpisa na ng game kaya tinary ko talagang maishoot ang bola sa
ring kahit hindi ako ganon kagaling sa pagshoot. Pag-cheer
siguro Oo.
Nag-time na kaya nalungkot ako ng makita yong score ko. 30pts
lang?! tsk!
“Tss. Give me one” utos ni TOP sakin at saka nilahad ang kamay
niya.
Binigyan ko siya ng token at saka hinulog iyon at pinindot ang
start button.
Habang naglalaro siya ay padami ng padami ang nanunood na
audience. Sino ba namang hindi?
Gwapo, matangkad at hot ang lalaking kasama ko ngayon at sobrang
cool habang naglalaro ng basketball.
Napapanga-nga ang mga babae kapag nakakashoot siya. Geez.
Nang magtime na ay tinignan ko yong score niya. 200 walang-wala
sa score kong 30. Sige di siya na magaling.
He gave me a smirk. Inirapan ko lang siya.
“Oh maglaro ka lang dyan. Bili lang ako” sabi ko at saka nilagay
yong token sa may basketball machine.
Di naman siya tumutol eh kaya umalis na ako.
Pagdating ko ay mas dumami pa yong taong nanonood.
Dala ko sa kaliwang kamay ang bottle water niya at sa kanan
naman ay ang pepsi cola ko.
Nagsumiksik ako para makalapit kay TOP.
Nang makalapit ako ay naglalaro parin siya.
“Ang gwapo gwapo niya ano?” narinig kong sabi ng mga babae.
“My god, girl ang hot niya”
“Grabe makalaglag panty at bra” sabi naman ng beki.
“Hoy wag kang assuming, bra ka dyan. May boobs ka ba?” tanong
naman ng kasama nitong babae.
Natawa na lang ako sa usapan nila.
Nang matapos na si TOP ay lumapit siya sakin.
Inabot ko yong water niya. “ThankS” sabi niya at saka iyon
ininom.
“Ay may jowa na siya.”
“Eh panget naman yong jowa eh. magbre-break din yan”
“Hahaha tama.”
Nainis ako sa sinabi nila. Masyadong mapanghusga.
At talagang sinabi na magbre-break ha. NapakaBITTER na mga tao!
“You look annoyed? What happened?” tanong sakin ni TOP ng
tumingin ako sakanya.
Umiling ako. “Let’s go” sabi ko sakanya.
He held again my hand and entwined it to him.
Nakanga-nga yong mga babae kanina ng makita kaming nagholding
hands ni TOP.
Hinila niya ako at saka na kami umalis doon.
Napaka-gaan ng feeling ko kapag hawak niya ang kamay ko.
Naglakad kami papuntang Mcdonalds. Tinanong niya kasi ako saan
ko gustong kumain eh. sabi ko sa Mcdo na lang.
Buti nga at pumayag siya.
Habang naglalakad kami ay dumaan sa amin yong tatlong babae
kanina sa may World of Fun.
“Napaka-panget naman ng girlfriend niya”
“Kaya nga eh. baka naman nagayuma”
“Hahaha baka nga”
Napayuko ako sa narinig ko. Alam ko naman eh. na hindi ako
kagandahan pero masakit talagang pakinggan eh.
Napahinto ako sa paglalakad ng huminto si TOP sa tabi ko.
Still nakahawak parin ang kamay niya sa kamay ko.
“Hey, chin up” sabi niya sakin.
Hindi ko ginawa nahihiya ako eh.
Hinawakan niya ang balikat ko at ang isang kamay niya ay humawak
sa baba ko para itaas iyon.
Nang maitaas niya ang mukha ko ay seryoso ang mukha niya.
“Why are you hiding your face?” tanong niya sakin.
“TOP panget ako, gwapo ka. A-ayokong makita nila na naglalakad
kang kasama ang panget na katulad ko” sabi ko sakanya.
“Who told you that? You’re beautiful.” Sabi niya.
“Wag na tayong maglokohan okay. I know I’m not. Halika na gutom
na ako eh” sabi ko sakanya at saka umiwas na ng tingin.
Pero agad nyang nilapit ang mukha ko sa mukha niya.
“This face is so lovely. No one dare to tell you that you’re
ugly” sabi niya at saka ako hinila.
Palapit sa mga babaeng dumaan samin kanina.
“What did you say to her?” tanong ni TOP sa mga ito.
Napatingin ang mga ito kay TOP na parang nahahalina sa
kagwapuhan ng kasama ko.
“Na panget siya. see, hindi nga kayo bagay eh. I’m here
loverboy. Pwede ako kapag nagsawa ka sakanya” sabi ng babaeng
nakabangs at saka hinaplos ang braso ni TOP.
“Get your filthy hands on me. If she’s ugly what do you think of
yourself huh?! Get a mirror and see yourself B*tch” sabi ni TOP
at sa mga ito.
“Let’s go wifey” sabi niya sakin at saka ako hinila palayo sa
kanila.
Geez sobra-sobrang kinilig ang lola nyo kanina.
For the first time may lalaking nagtanggol sakin.
***
Pagod… yan ang naramdaman ko ng makauwi kami ni TOP mula sa
malling namin. Hay grabe nasulit namin talaga ang pagmall eh.
Gabi na at katatapos lang naming magdinner. Andito ako ngayon sa
may sofa at nanonood ng TV.
Simply Kpop na at syempre sumasayaw na yong mga favorite Kpop
boy band ko.
Si TOP ayon at nasa CR naliligo. Sobrang malinis sa katawan iyon
eh.
“Ang gwapo gwapo talaga ni Xero” sabi ko habang nakatingin sa
may TV.
Nagpe-perform na kasi ang Tapp dogg eh.
Napa-argh ako ng makitang mamatay ang tv.
Nakita ko si TOP hawak hawak ang saksakan ng TV.
Topless pa talaga siya ah.
“Bakit mo pinatay?!” halos pasigaw kong tanong sakanya.
Naiinis ako eh. hinantay kong makita silang magperform ng live
tapos ganon pinatay lang?!
Lumapit siya sakin. “I don’t want to see you seeing any other
guy except me, wifey. Understand?”
Napairap na lang ako.
Kainis eh. lumapit pa siya sakin kahit nakatop less lang siya.
Amputek naman oh. Pag hindi ito lumayo sakin gagahasain ko to.
“A-ano ba TOP doon ka nga ang luwang ng sofa eh” sabi ko sakanya
at saka tinulak ang ehem abs lang naman niya palayo.
“I want you here beside me okay” sabi niya at saka ako hinila
palapit sakanya.
Nasadsad tuloy ako sa matipuno nyang dibdib. Amputek ng lalaking
ito. Ang lande ah.
“H-hindi ako makahinga eh hahaha” sabi ko sabay tawa kahit ang
totoo ay sa loob loob ko nagkakandatalo-talo na ang mga
butterfly sa aking tyan.
Tumayo ako.
“Where are you going?” tanong niya.
“CR lang” sabi ko.
***
Nasa veranda kami ngayon at nakatingala sa may langit.
Ito rin yong place kung saan ako humiling na sana maging totoo
na lamang si TOP.
Pero diba ang wish may expiration date din? Kelan ang expiration
date ng wish ko? Makakaya ko bang mawala sakin si TOP.
“Why are you staring at me like that?” tanong ni TOP sakin ng
mahuli niya akong nakatitig sakanya.
“Iniisip ko lang kung nanaginip ba ako?”
He cupped my face then kissed my lips.
Oh my gosh. As in he kissed me gently and lovingly.
Nang matapos ang halik niya ay para akong nawalan ng hininga
geez. MY FIRST KISS…
“That’s my answer. This is not a dream. This is real, wifey. I’m
here now” sabi niya at saka hinawakan ang kamay ko.
Sobrang saya ko sa sinabi niya. sana nga magtagal siya dito.
Sana nga totoong tao talaga siya.
***
Dahil hindi kami makatulog na dalawa ay nagpasya kaming manood
ng movie.
Mahilig sa action is Kuya Serge kaya yong Charlie’s angels na
lang ang pinili ko at least di ako mabobore.
Habang nanonood kami ni TOP na magkatabi ay pinatong niya ang
ulo niya sa may dibdib ko.
“A-anong ginagawa mo?” tanong ko sakanya.
“I’m just hearing you heartbeat, I want to know if it beats
faster just like mine” sabi niya.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko lalo na kapag nasa malapit
lang siya.
Lumayo siya at saka ako tinignan.
“Tss. Too flat” sabi niya sakin habang hawak ang dibdib ko.
Halos lahat ng inis ko napunta sa utak ko.
“TOP!!!” sigaw ko sakanya.
Pinagpapalo ko siya ng unan. Sa kauna-unahang pagkakataon may
taong humawak sa dibdib ko at lalaitin yon.
Geez. Nakalimutan ko na siya lang naman si Timothy Odelle
Pendleton na isang manyak sa TBYD. GRRRR.
“Shit! Wifey! Stop it okay” sabi niya habang nakataas ang
dalawang kamay para pangshield sa katawan niya.
“Bastos mo talaga TOP. Kainis. Matutulog na ako” sabi ko sakanya
at saka na ako tumayo at pinatay yong TV.
Sumunod naman siya sakin papuntang kwarto.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sakanya.
Agad syang humiga sa kama ko. Geez feel at home talaga oh.
“Sleeping with you” sabi niya sabay smirk.
Tinaasan ko siya ng kilay at saka namewang ako.
“Sino may sabing dito ka matutulog? Na magkatabi tayong
matutulog? Excuse me doon ka sa labas. Sa sofa” sabi ko sakanya.
Nalukot yong mukha niya.
“But I want here” sabi niya na parang bata.
Hinila ko siya para tumayo.
“Alis na TOP, matutulog na ako.” sabi ko sakanya.
Tumayo naman siya.
“Alis na” sabi ko sabay tulak sakanya palabas ng kwarto ko at
saka sinara iyon.
Inis parin ako sakanya eh. Hawakan ba naman ang dibdib ko saka
lalaitin. Geez.
PART THREE
-The Jealous TOP-
Nagising ako ng maaga ngayon dahil linggo at kelangan ko pang
mag-simba. Pagkapunta ko ng sala ay nakita ko si TOP tulog na
tulog at yong isang kamay niya ay nasa noo niya.
Hindi nga siya magkasya sa sofa dahil sa sobrang tangkad at
laking tao ni TOP. Tuloy naawa ako sakanya.
Napaka-gwapo niya lalo na pag tulog mukha syang anghel na hindi
mo aakalaing hindi nagmumura at hindi nanghahawak ng dibdib.
Nang maalala ko yong ginawa niya ay nanginit na naman ang ulo
ko.
Agad akong pumunta ng kusina para magluto ng almusal dahil maya-
maya ay gigisingin ko na siya para kumain. Isasama ko siya
mamaya sa simbahan eh.
Tapos na akong magluto kaya heto at ginigising ko na siya.
“TOP, uy gising na” sabi ko sabay yugyog sakanya.
Kaso wala eh di umepekto. Grabe tulog mantika talaga to.
“TOP” tawag ko sakanya.
Niyugyog ko ulit siya eh. wala parin.
Tinitigan ko mabuti yong mukha niya. Grabe bakit sobrang gwapo
niya?
Ang haba ng pilikmata niya, ang kinis kinis ng mukha at yong
labi niya ang pula.
Namula yong mukha ko ng maalala na hinalikan niya ako kagabi.
Waaaa. Di ko makapaniwalang siya ang first kiss ko.
“Don’t stare at me like that wifey”
“Ay baklang kabayo” bulaslas ko ng magsalita si TOP.
Naimulat na niya ang mata niya kaya nagkatitigan kami.
“G-gising ka na pala eh. K-kakain na” sabi ko sakanya at saka na
sana ako aalis pero pinigilan niya ako sa paghila sa braso ko.
Humarap ako sakanya. Nakatayo na pala siya.
Mas matangkad siya sakin kaya yumuko siya.
Ang lapit lapit ng mukha niya sa mukha as in.
Halos di na nga ako makahinga eh.
His pecked a kiss on my lips.
“Good morning my lovely wife” bati niya sabay smirk sakin.
Inirapan ko lang siya. “Kakain na. magsisimba tayo ngayon” sabi
ko sabay talikod na sakanya.
Ang lakas parin ng tibok ng puso ko. Sobra.
***
Nang magsimba kami ay halos lahat ng tingin ay napunta kay TOP.
Nagtatanong sa mga katabi kung sino siya at mukhang ngayon lang
nila nakita.
Umupo kami sa may paborito kong upuan sa simbahan.
Pagkatapos ng misa ay agad kaming pumunta sa mini-mall ng bayan
kung saan naroon ang grocery store.
Mag-gro-grocery kasi ako ngayon eh. para sa darating na pasko.
Si TOP ang taga-tulak ng cart namin.
At syempre hindi parin maiiwasang pagtinginan siya ng maraming
tao lalo na sa babae.
Habang namimili kami ay nakita ako ng kaklase ko dati na si
James.
“Lala” tawag niya sakin at saka lumapit samin.
“James ikaw pala” sabi ko naman.
“Long time no see ah. kamusta ka na?” tanong nito.
“Ito okay lang naman. ikaw? Balita ko sa maynila kana nag-
aaral?”
“OO doon nga. boyfriend mo?” tanong sakin ni James at saka
tumingin sa likuran ko.
Si TOP nasa likod ko at mukhang aburido.
“Ha? hindi kaibigan ko” sabi ko naman.
“Ganun ba. Meryenda tayo mamaya gusto mo? Libre ko” sabi niya
sakin.
“Sorry James ah. hindi ako pwede eh”
“Sige sa susunod na lang. alis na ako” sabi niya.
“Sige bye” sabi ko sabay wave pa.
Nang maka-alis si James ay tumingin ako kay TOP.
“Okay ka lang?” tanong ko sakanya.
“Tss” sabi niya at saka na tinulak yong cart palayo.
Nakapagbayad na kami, at nakauwi ng bahay ay hindi parin niya
ako kinausap at pinansin.
Mukhang may nagawa ata akong kasalanan sakanya ah.
Nakita ko siyang nakaupo sa may sofa nanonood ng TV.
Tumabi ako sakanya. “TOP” tawag ko sakanya.
Kaso di ako kinausap eh.
“UY TOP” tawag ko ulit.
Waley parin eh.
Kinuha ko nga yong remote at saka pinatay yong tv.
“Timothy Odelle Pendleton!” sigaw ko sa full name niya.
Tumingin siya sakin ng masama.
“Ano ba kasing problema mo at kanina mo pa ako di pinapansin?
Hoy TOP naman” sabi ko sakanya.
“You denied me” sabi niya sa mahinang boses ng di tumitingin
sakin.
Rinig ko parin yong sinabi niya.
“Anong denied?” tanong ko.
“You said I’m just your friend. wifey, I’m your husband okay and
you’re my wife.” Sabi niya sakin at tinitigan ako.
“HA? eh” speechless. Yan ako ngayon.
Hindi ko alam sasabihin ko.
“S-sorry na.” sabi ko.
Hindi niya ako pinansin.
Sinundot-sundot ko siya sa may tagiliran kaso di niya ako
pinapansin.
What to do???
“Sorry na nga diba. Anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo
na ako?” tanong ko sakanya.
Bigla syang humarap sakin ng sabihin ko iyon.
“Anything?” tanong niya.
“Oo kahit ano gagawin ko” sagot ko naman.
“Kiss me” utos niya.
Na-shocked ako sa utos niya. Kiss him?
Phew. Dali lang pala eh hahaha.
“Torridly” dugtong niya.
Torrid kiss? What the heck?!
Tinignan ko siya ng masama.
“Ano? A-ayoko nga”
“Fine. I’m not forgiving you though.” sabi niya.
At saka tumingin ulit sa may telebisyon kahit na pinatay ko na
iyon kanina pa.
Bumuntong hininga ako. Fine kung yun yong paraan para pansinin
niya ako.
Hinawakan ko yong mukha niya at pinaharap sakin.
Then I kissed him. I closed my eyes.
I don’t know how to kiss kaya nangangapa ako.
He deepened the kiss. Ikinawit ko ang mga kamay ko sa leeg niya.
Ang sarap ng halik niya as in sobra. Nakakabaliw. Feeling ko
nasa alapaap ako habang kahalikanko siya.
Nang bumitaw siya sakin ay dumilat ako.
I saw him smirk at me.
“Your lips are sweet I want to taste them everyday” sabi niya.
Namula naman ako sa sinabi niya.
“A-ano bati na tayo ah.” sabi ko sakanya.
“I’m mad but I can’t stay forever mad at you, wifey”
He held my hand and kiss it.
Masaya na ako dahil okay na kami ni TOP ngayon.
***
“Aray!” nawika ko ng madaplisan ng kutsilyo ang daliri ko habang
naghihiwa ng ingredients.
Si TOP kasi ang magluluto ngayon eh ayaw na nga niya ako
paglutuin kaya heto nagvolunteer na lang akong maghiwa.
“Shit!” narinig kong mura ni TOP ng makalapit siya sakin at
hawakan ang daliri ko na may maliit na hiwa. Mula sa maliit
na hiwa ay may lumalabas na dugo.
“I told you to sit down there and wait for me but you are so
stubborn. Look what you have done. F*ck!”
“G-gamutin ko na lang” sabi ko sakanya at aalisin ang
pagkakahawak niya ng hilahin niya ako papunta ng lababo at
binuksan niya ang gripo at doon ay tinapat niya ang kamay
ko.
After noon ay isinubo niya ang daliring nadaplisan ng kutsilyo.
Na-shocked ako sa ginawa niya.
Di ako makapagsalita.
After sucking it. He kissed it.
“It will heal soon” sabi niya.
Inalis ko na ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
“S-salamat” sabi ko sakanya.
“Wifey” tawag niya sakin.
“What?”
TOP hug me.
“Don’t make me worried again. I don’t want you to get hurt” sabi
niya sakin.
Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya.
Ayaw niya akong masaktan… Napakasarap ng feeling na may taong
ayaw kang masaktan at taong nagmamahal sayo.
Mahal? Mahal na ba ako ni TOP?
Pero hindi naman niya sinasabi ang salitang ‘I love you’ sakin
ah.
***
Isang araw na lang at magpapasko na. Hay bukas na nga ng gabi eh
noche Buena na.
For the first time hindi ako mag-iisang kakain ng noche Buena
dahil andito si TOP kasama ko.
Balak kong maghanda ngayong pasko kahit simple lang. gusto kong
maging memorable yong pasko ko eh. Pasko kung saan kasama ko si
TOP yong taong mahal ko.
OO aaminin ko Mahal ko na siya. Hindi ko alam kelan at kung
paano?
“Hey, wifey, what are you thinking?” tanong sakin ni TOP ng
yakapin niya ako mula sa likuran.
Nandito ako ngayon sa may veranda ng bahay.
Alas-sais ng umaga. Napaka-aga pa at papasikat palang ang araw.
“Wala. Iniisip ko lang kung anong ihahanda ko sa pasko”
“Let’s go out that time. I want to spend my Christmas with you”
sabi niya sakin.
Nasiyahan ako sa sinabi niya. pero natatakot ako eh. natatakot
ako na baka isang araw bigla na lang syang mawala.
Nasanay na akong kasama siya.
“TOP”
“HMM?”
“Pano kung isang araw mawala ka? H-hahanapin mo ba ako?” tanong
ko sakanya.
Stupid question! Bakit niya ako hahanapin gayong fictional
character lang naman siya sa TBYD. Malamang pag nagkaton babalik
na siya sa nobela kung saan talaga ang mundo niya.
“What are you talking that way? As if I’m going somewhere else
without you” sabi niya.
Pinaharap niya ako sakanya. He cupped my face.
“Listen, my wife. I’m not going anywhere, far away from you. I’m
just here beside you. I will not leave you okay?” sabi niya
sakin.
Sana nga TOP! Sana nga di ka aalis!
He kissed. And his love is all that is matter now.
PART FOUR
-The cake-
“It’s lovely here” sabi ni TOP sakin.
Nasa may beach kami ng bayan ng Binmaley. Ala-syete palang ng
umaga. Hindi naman ganon kainit kaya pwede pang maglakad sa
tabing dagat.
“Oo maganda talaga rito.” Sabi ko naman.
Maraming tao ang nagpunta ngayon sa beach dahil malapit ng mag-
christmas. Mukhang ineenjoy nila ang ang Christmas vacation
nila.
Habang naglalakad kami sa tabing dagat ay maraming babae ang
naka-sout ng sando at shorts lang kung saan kita ang hubog ng
kanilang katawan.
Maraming magagandang babae roon.
Isang babae ang huminto sa harapan namin.
Naka-two piece siya at mukhang di siya taga-rito dahil walang
magkakamling mag-two piece dito dahil probinsya nga.
“Hi” bati niya na kay TOP nakatingin.
“I’m Geraldine Jimenez, you can call me Ged if you want and you
are?” tanong nito kay TOP.
Tinignan ko si TOP. Seryoso ang mukha niya.
Nagulat ako ng kinuha niya ang kamay ko.
“I’m sorry miss, but I’m married” sabi niya sa babaeng nasa
harapan namin.
Tinignan ako ng babae na parang di makapaniwala.
Sinuyod niya pa nga ako ng tingin eh bago ako inirapan at saka
na umalis.
“B-bakit mo ginawa yon?” tanong ko sakanya.
He looked at me as if I’m an alien.
“Tss. You’re my wife, wifey and she should know that I’m already
married with you”
“P-pero hindi pa tayo kasal TOP”
“I fucking don’t care. For me you are my wife now” sabi niya.
I’m speechless.
Hinila na niya ako para maglakad na ulit.
***
Naupo kami sa may ilalim ng puno nang umaraw na.
Nakahilig sakin yong ulo ni TOP sa balikat ko.
Nakatingin lang kami sa may dalampasigan.
May pamilyang gumagawa ng sand doon habang nakasukod sila sa
malaking payong.
Nakakatuwa nga silang tignan eh ang saya-saya nila.
Dati kasi ganyan din kami ng mga magulang ko ng buhay pa sila.
Pero ngayon wala na sila eh.
“I want to have a family like them, wifey” sabi ni TOP.
Gusto nyang magkapamilya? Swerte talaga ng babaeng pakakasalan
nito.
OO nga pala sobrang swerte ni Sammy sakanya.
“I want to have plenty children with you, wifey” sabi niya.
Have a family with me? Nakakatawa.
Yon din ang pangarap ko TOP yon ang magkaroon tayo ng pamilya
pero imposible eh. hindi ka totoo.
Naiyak ako ng isipin iyon. Na hindi siya permanente sa mundo.
“Why are you crying?” tanong ni TOP sakin.
Umalis na pala siya mula sa pagkakahilig sa balikat ko.
“Wala. Napuwing lang ako”
“Liar. You’re crying, why?” tanong niya.
Ngumiti ako sakanya. “Wala. Halika na uwi na tayo” sabi ko saka
na tumayo.
Pinunasan ko ulit yong tumulong luha sa pisngi ko.
Ayokong makita ni TOP na umiiyak ako.
***
Nasa loob na kami ng bahay ngayon.
Abala ako sa paglilinis ng bahay at si TOP siya ang kusina
master ahehehe. Mas masarap kasi syang magluto sakin eh.
Pumunta ako ng kusina matapos kong linisan yong sala.
Nakita ko syang abala sa pagluluto. Aakalain mong hindi siya
marunong magluto sa hitsura niya.
Astigin pero ang totoo he has a nice and loving heart.
Napatingin siya sakin.
“Wifey, come here”
Lumapit naman ako sakanya.
“Taste it” sabi niya sabay subo ng isang kutsara sakin.
“Sarap” sabi ko ng matikman ang luto niya.
Beef steak pala ang niluluto niya eh at saka gumagawa siya ng
vegetable salad.
“Good. Now sit there.” Utos niya sakin.
Umupo naman ako sa may dining area.
May kinuha siya sa oven. Cake?
Dinala niya iyon sa dining table.
“Say ahhh” sabi niya sabay subo sakin ng cake.
Baliw talaga tong si TOP subuan ba naman ako. alam ko namang
kumaing mag-isa eh.
“Ako na TOP” sabi ko sakanya.
Pero hindi niya binigay sakin yong tinidor eh.
Sinubuan na naman niya ako.
“Akin na TOP susubuan din kita” sabi ko sakanya.
Kinuha ko yong tinidor sakanya at saka nag-slice ng cake at
sinubo sakanya.
Ang sarap ng cake na gawa niya sobra.
“Ang sarap ng bake mo talaga” sabi ko sakanya.
“But you are sweeter than this” sabi niya then he kissed me.
Napapikit ako ng hinalikan niya ako.
“Sweet” sabi niya ng maghiwalay ang mga labi namin.
Hanggang ngayon sa tuwing hinahalikan ako ni TOP sobrang lakas
ng tibok ng puso ko at the same time natutulala ako.
Ewan ko ba. Lakas ng epekto ng lalaking ito sakin.
“Hey, wifey, are you okay?” tanong niya sakin.
Tumango naman ako.
“Is there something bothering you?”
“W-wala naman. ano ah. labas muna ako” sabi ko at saka na
umalis.
Hindi ko na mapigilan yong nararamdaman ko sakanya.
Natatakot ako na baka isang araw mawala na lang siya tas maiwan
akong hulog na hulog sakanya. Nakakatakot.
***
Umupo ako sa may dining table. Dinner time na.
“So where we spend our Christmas tomorrow?” tanong niya sakin.
“Ikaw. Kahit saan” sabi ko naman.
“Anywhere as long as you are here with me” sabi niya sabay hawak
ng kamay ko na nakapatong sa may mesa.
Namula na yata ang mukha sa kasweetan nitong si TOP.
“Ahm. Sa park na lang kaya tayo?” tanong ko sakanya.
“If that’s what you want”
Naisip kong magpunta ng park at magpicnic na lang kami roon.
Gusto ko kasing magkaroon ng masayang pagdiwang ng pasko eh.
Sa loob ng dalawang taon ngayon ako magpapasko na may kasama.
Naisip ko na regaluhan ko kaya si TOP. Pero anu naman?
“What are you thinking?” tanong niya sakin ng makitang tahimik
ako.
“Yong gagawin natin bukas”
“Excited?” nakangising sabi niya.
“Medyo” sabi ko sabay tawa.
Pero sa totoo lang ano ba talaga ang pwedeng iregalo kay TOP?
***
Alas-nwebe ay andito na kami sa park.
Mayroon namang benches doon na may bubungan kaya andon kami sa
isang benches at nakaupo.
Nagdala rin kami ng mga kakainin.
Kaunti lang ang tumambay ngayon sa park. Siguro ay busy sa
mamayang noche Buena.
Nakahiga si TOP at nakaunan ang ulo niya sa may legs ko.
Hawak-hawak niya ang kamay ko.
“You’re hands are too small” sabi niya habang tinitignan ang
magkahawak naming kamay.
“Oo na, yang kamay mo na ang malaki”
Kainis to. Purket maliit yong kamay ko inaasar na niya.
“But I like the way it fits into my hand” sabi niya.
“Magtagalog ka nga TOP. Dinudugo na ilong ko sayo eh”
Bakit ngayon ko lang napansin na English ng English tong si TOP.
Grabe dinudugo ako sakanya.
“But I’m used to it”
“Kahit ngayon lang. magtagalog ka?”
“Fine. Susubukan ko” sabi niya.
Kinurot ko yong pisngi niya. “Dapat lang noh” sabi ko.
“Gutom ka na?” tanong ko sakanya.
“Not yet. Ikaw gutom ka na?” tanong naman niya sakin.
“Hindi pa eh. hmmm anong gagawin natin dito?” tanong ko.
Medyo boring kasi walang magawa.
Umupo siya mula sa pagkakahiga.
“Let’s try it” sabi niya sabay tingin sa mga nagbibisikletang
kabataan.
May rentahan kasi ng bisekleta rito sa amin eh. parang burham
park lang kasi sa baguio ang peg ng bayan namin.
“Pero hindi ako marunong magbike” sabi k okay TOP.
Tumingin siya sakin.
“I’ll teach you” sabi niya at saka na ako hinila.
Hindi naman mananakaw tong gamit namin dahil yong park ay parang
subdivision may gate at may guard na nagbabantay.
Pumunta kami sa nagrerenta ng bike at saka kami nag-rent ng
dalawa.
“TOP hindi ko alam to” sabi ko sakanya.
Iniwan niya saglit yong bike niya at saka lumapit sakin.
“Sakay na. I’ll teach you how. Just trust me okay” sabi niya
sakin.
Tumango ako at saka na sumakay sa bike.
Nang makasakay ako ay parang feeling ko mawawalan ng balance
yong bike anumang oras.
Single bike lang kasi siya eh.
“Relax, wifey.”
Huminga ako ng malalim. Relax Lala. Kaya mo yan.
Hinawakan niya yong bike at saka ako tinuruan kung pano
magbalance.
Ang hirap pala.
Pero nakakatuwa kasi kahit papaano ay natututo na ako.
“Alam ko na” nakangiting sabi k okay TOP.
“You sure?”
“OO, sige na ako naman mag-isa” sabi ko.
“Wait wifey” tawag niya sakin.
Nagpadyak na ako at ngiting-ngiti ako ng umandar iyon ng dahan-
dahan pero dahil nataranta ako sa dumaang aso ay bigla
na lang nawalan ng balance ang bike kaya natumba ang
bike kasama ako.
“Shit. wifey” sabi ni TOP ng lumapit siya sakin.
Tinulungan niya akong tumayo.
“Are you alright?” tanong niya sakin na makatayo ako.
Tinignan niya ako at sinuri kung may sugat ako.
“Shit, sabi ko na eh. Teaching you is a bad idea” sabi niya
habang hawak ang braso ko.
Nakita ko yong gasgas doon at may namuong dugo.
Mahapdi iyon.
“Does it hurt?”
“M-medyo” sabi ko sakanya.
Hinila niya ako sa may bench namin at saka ako pinaupo.
Buti na lamang at may dala kaming first aid kit.
Kumuha siya ng bulak at saka nilagyan iyon ng alcohol.
“Masakit yan!” natatakot na sabi ko ng makitang ididikit na ni
TOP yong bulak na may alcohol sa may sugat ko.
“It will clean the germs, wifey.”
“K-kahit na. ayoko. Masakit yan”
“Fine. Betadine na lang” sabi niya at saka kinuha ang betadine.
Nilagyan nya iyon sa bulak at saka nilagay sa sugat ko.
“Does it hurt?”
“Hindi na.” sabi ko.
“Stubborn wife, hindi ka pa magaling mag-bike pero nagbike ka ng
mag-isa.” Sabi niya sabay pitik sa noo ko.
“Oo na, ako ng matigas ang ulo.”
“Next time I will not let you ride a bike again”
“Ha? bakit?” tanong ko sakanya.
OA naman tong si TOP. Yong aso kaya ang may kasalanan paharang-
harang sa daan.
“It’s final wifey”
Nag-pout na lang ako. Daya!
PART FIVE
-my gift-
Pumunta kami ng bayan para mamili ng ingredients na lulutuin
namin ni TOP para sa noche Buena mamayang gabi.
Bibili na rin yata ako rito ng regalo para sakanya.
Iniwan ko muna si TOP na namimili.
Pumunta ako roon sa may mini-mall sa bayan.
Sa second floor ay naroon ang department store.
Umakyat ako at doon ay pumili ng maaring iregalo sakanya.
Ano kayang magandang iregalo sakanya.
Natawag ng pansin ko ang isang couple shirt.
Red ang kulay tas may nakalagay sa harap na.
Sa babae ‘he’s mine’ tas may arrow papuntang left.
Sa lalaki naman ‘she’s mine’ tas may arrow rin papunta namang
right.
Ang cute ngang tignan eh.
Tas nong tinignan ko yong likod.
May nakasulat na I love her, and I love him sa tig-isang shirt.
Kinuha ko iyon at pumunta ng counter.
Pagkatapos kong magbayad ay bumaba na ako.
Nakita ko si TOP na palingon-lingon at may hinahanap.
Nakatalikod na siya sakin kaya lumapit ako at saka tinapik siya.
Napalingon siya sakin.
“TOP”
Nabigla ako ng yakapin niya ako.
“San ka galing? I thought you left me” sabi niya.
Mababakas sa pagsasalita niya ang sobrang takot.
“Sorry, hubby” sabi ko sakanya.
“Y-you call me hubby” sabi niya ng humiwalay siya sakin.
Tumango ako. “Oo naman, diba sabi mo wifey mo ako. di ikaw ang
hubby ko”
“You make me worried you know that” sabi niya.
“Sorry na, halika na uwi na tayo” sabi ko sakanya.
He held my hand. SObrang higpit, mukhang natakot nga siya ng
mawala ako sa paningin niya.
***
Pagkauwi namin ala-singko na ng hapon.
Nagluto si TOP ng hapunan. Ako heto nanonood ng TV. Ayaw niya
akong patulungin sakanya eh baka masugatan daw ako.
Ang OA talaga non. Pero syempre nakakakilig din.
Nang matapos kaming kumain ng dinner nanood lang kami ng movie.
Hihintayin kasi namin ang bisperas ng noche Buena.
Hikab-ako ng hikab habang nanonood.
Napatingin tuloy sakin si TOP.
“Hey, wifey, you’re sleepy. You should sleep”
“Pero hihintayin ko pang mag-twelve eh.” sabi ko sakanya.
“Go to your room now, wifey. I’ll wake you up when its twelve”
“Promise?” tanong ko sakanya habang humihikab parin.
Inaantok na talaga ako eh.
“Promise” he kissed me on my forehead at saka na ako tumayo para
pumunta ng kwarto.
***
May magaan na halik akong naramdaman kaya nagising ako.
“It’s twelve midnight wifey, merry Christmas” bati sakin ng
napaka-gwapo at oh-so hot kung hubby na si TOP.
Bumangon ako at saka ngumiti sakanya. “Merry Christmas Hubby ko”
sabi ko sakanya sabay yakap sa may leeg niya.
First Christmas with him. Hay ang saya.
“Get up now, wifey. Kakain pa tayo ng noche Buena” sabi niya at
saka ako hinila patayo sa kama.
Nang pumunta kami sa may dining table ay namangha talaga ako.
Geez he did all of this?
Candle light dinner then may roses pa.
“You like it?” tanong niya sakin.
“No, I love it TOP” sabi ko sakanya at saka ko siya hinalikan sa
may pisngi.
Nagulat siya sa ginawa ko kaya natulala.
“Kain na tayo?” tanong ko sakanya.
“Wait before that. can we dance?” tanong niya.
Dance? We? Kami?
Pinatugtog niya yong radio.
My heart will go on (instrumental)
Hinawakan niya yong kamay ko tas nilagay niya sa balikat niya.
Tas yong kamay niya nasa bewang ko.
Para tuloy nasa JS prom kami hehehe.
“Thank you TOP” sabi ko habang nakatayo kami at hindi
nagsasayaw.
Niyakap ko siya.
“For what?”
“For being here with me. Ngayong pasko lang kasi ako
nagcelebrate eh”
“Cheer up wifey, I’m here now. Marami pang pasko ang narito ako
sa tabi. I won’t leave”
Napaiyak na naman ako sa sinabi niya.
“Hey, are you crying wifey?”
“Sorry. tears of joy lang”
“Wait. I’ll give you something” sabi niya at saka lumayo sa
pagkakayakap ko.
May dinukot siya sa bulsa niya at saka binuksan ang maliit a box
na iyon.
Pinakita niya iyon sakin. Nagulat naman ako kung anong laman
non.
Yong necklace na gustong-gusto ko.
Napatingin ako sakanya.
“That is my heart, wifey. And I want you to own it.” Sabi niya.
Tumalikod ako at saka niya sinuot iyon sakin.
Humarap ako sakanya.
“Take care of my heart, wifey”
“Oo naman. Thank you, hubby” sabi ko sakanya at saka niyakap
ulit siya.
Saka ko naalala yong gift ko.
“Wait ako rin merong regalo. Akala mo ikaw lang”
Kumalas ako sa yakap tas tumakbo agad ako sa kwarto para kunin
yong damit.
Pagkabalik ko ay pinakita ko sakanya yong damit.
“Taran. Ang ganda diba?” tanong ko sakanya.
“Couple shirt yan. Isa sakin. Isa sayo” sabi ko sakanya.
“Geez, wifey, this is so gay”
Hindi niya nagustuhan yong gift ko?
“Grabe naman hubby. Ang ganda kaya. Isuot natin dali.”
“I won’t wear that”
“Pero hubby. Please.”
Nag-pout na ako para naman effective.
“Fine” kinuha niya sakin yong male shirt at tumakbo naman ako
papuntang kwarto para magbihis.
Pagkalabas ko nakita ko si TOP nakabihis na ng isang couple
shirt.
“Ang cute cute mo” sabi ko sakanya sabay kurot ng pisngi.
“Do we need to wear this?” tanong niya.
“Oo naman. please para sa Christmas?”
“Fine. Let’s eat then” sabi niya at saka na kami umupo sa may
dining table.
***
“This is so gay, wifey” sabi niya habang nakatingin sa suot
nyang shirt.
Nasa may veranda na kami at magkatabing nakaupo.
“Hubby naman. ayaw mo ng regalo ko?” tanong ko sakanya.
He looked at me. “It’s not but sh*t. I look gay” saad niya.
Natawa naman ako sa sinabi niya.
“Hindi kaya. Ikaw ang pinakagwapong gay sa mundo kapag
nagkataon” sabi ko habang kurot-kurot ko ang
pisngi niya.
Napalabi siya at saka ako biglang hinalikan sa labi.
Smack lang yon pero nakakapagdala iyon ng kuryente sa bawat
himay-may ng ugat ko.
“I love you TOP” nasabi ko sakanya.
He looked at me intently. And he smiled at me.
He lean closer and hug me tight.
“I love you more, wifey” he whispered into my ears.
Umalis ako sa pagkakayakap sakanya at tinignan siya.
“T-talaga?”
“I love you, wifey. I love you more than my life” sabi niya
sakin ng diretsyo.
Napangiti ako. Mahal ako ni TOP?
“TOP?”
“Hmm”
“Thank you for loving me more than your life” sabi ko sakanya.
Mula sa pagkakaupo ay nakatayo kami ngayon at nakatingala sa may
langit.
Nasa likod ko si TOP at nakayakap sa likuran ko.
“You are my life now wifey, that’s why I love you more than
anything else” he said.
Pumikit ako at nagdasal na sana ay magtagal ang kasiyahang
nararamdaman ko kasama si TOP.
Napadilat ako ng maramdamang wala si TOP na yumayakap sa likuran
ko.
“TOP” tawag ko sakanya, ngunit wala akong narinig na sagot.
Pumasok ako sa loob at hinanap siya.
“TOP”
Tawag ako ng tawag sa pangalan niya ngunit walang TOP akong
nakita. Ni boses niya di ko narinig.
Ito na ba yon? yong mawawala siya sakin?
“TOP? Asan ka na ba?” tanong ko at saka lumabas ng bahay.
Baka asa labas lang siya at pinaglalaruan ako.
Pero wala siya roon eh. Ni anino niya wala.
Asan ka na ba TOP?
Napaiyak na ako sa sobrang takot.
Wala na ba talaga si TOP?
“TOP? Hubby please. Asan ka na?” naiiyak na tawag ko sakanya.
Patuloy sa pag-agos ng luha sa mga mata ko.
Walang TOP na nagpakita sakin.
Hanggang sa unti-unting nararamdaman ko na hinihila ako ng
antok.
“TOP” huling tawag ko sa pangalan niya bago ako mawalan ng
malay.
PART SIX
-missing him-
Napadilat ako at nasilaw sa liwanag na nangagaling sa may
bintana.
Napatingin ako sa paligid ko. Puro puti. Hindi ito ang kwarto
ko. Asan na ba ako?
Bumukas ang pinto at pumasok si Ate Mira ang kapitbahay naming
ka-close ko.
“Gising ka na pala. ayos ka na ba?” tanong niya sakin.
“Asan ako ate?” tanong ko sakanya.
“Asa ospital ka. Nakita kong nakahandusay ka sa sahig ng veranda
nyo eh” sagot niya.
“A-ano po bang nangyari sakin?” tanong ko naman.
Tanging naalala ko lang ay umiiyak ako habang tinatawag si TOP.
“Inaapoy ka ng lagnat. Ilang araw ka na nga rito sa ospital eh.
inabot ka na nga ng pasko rito.” Saad nito.
Napaisip ako. So panaginip lang lahat. Panaginip lang pala.
Nalungkot ako eh. nakakalungkot dahil hindi siya totoo at
panaginip lang pala siya.
“Gusto kong tawagin ang Tita mo kaso alam ko namang di ka non
pupuntahan dito. Kaya dinala na lang kita rito. Ayos
ka na ba talaga? Sandali tatawagin ko ang nurse” sabi
niya.
Saka na siya lumabas ng kwarto ko.
Nakakaasar na nakakainis pinaasa ako. panaginip lang pala.
Alam ko na totoo yon. totoo na nakasama at nakausap ko siya.
Na minahal ko siya. Miss na miss ko na nga siya eh.
TOP please, bumalik ka na.
Doon bumukas ang pintuan ng kwarto at saka pumasok si Ate Mira
kasama ang doctor na naka-mask.
“Gising na siya nurse. Pakitignan naman kung okay siya” sabi ni
Ate Mira.
Lumapit sakin yong lalaking nurse na naka-mask.
Tumingin siya sakin. Nakita ko ang mga mata niya. sobrang
pamilyar. Parang nakita ko na.
Chineck niya yong blood pressure ko tas yong dextrose ko.
“Okay naman na yong blood pressure niya” sabi nito.
Yong boses niya sobrang lalim na parang narinig ko na kung saan.
“Salamat po, kelan po ako makakauwi?” tanong ko sakanya.
Tinanggal niya ang mask niya at tumambad sakin ang napaka-gwapo
nyang mukha.
Kaya pala yong mukha niya pamilyar dahil siya si TOP yong
lalaking nasa panaginip ko.
Hindi kaya nanaginip lang ulit ako. nakikita ko ulit siya?
“TOP” kusang lumabas mula sa labi ko.
Ngumiti siya sakin. “Hindi ako si TOP miss, Timothy ang pangalan
ko” sabi niya.
“Sorry” sabi ko at saka tumungo.
Nami-miss ko na talaga si TOP sobra. Baka nga nakikita ko lang
si TOP sakanya. Dahil may resemblance sila.
Hindi ko masasabing kamukhang-kamukha niya si TOP.
The way lang sa pagngiti at sa mga mata at boses lang ang
pagkakapareho nilang dalawa.
“Okay ka naman na. wala ka ng lagnat kaya maari ka ng lumabas
mamayang hapon” sabi nito.
“Sige salamat nurse” sabi ni Ate Mira.
Tumingin ako sa kanya ng palabas na siya ng pinto.
Lumingon pa siya sakin at saka ngumiti.
Hindi ko alam kung bakit siya nakangiti ng ganon sakin.
***
Tapos na ang pasko at nasa bahay na rin ako.
Nakalabas na ako ng Ospital kahapon.
Andito ako sa may sala at nanonood ng telebisyon.
Napapatulala ako at napapaiyak sa tuwing naaalala ko si TOP.
Bawat sulok ng bahay na ito ay may aalala ako sakanya.
Kahit panaginip lang.
Isang katok ang aking narinig.
Napatayo ako at lumapit sa may pintuan at binuksan iyon.
Nakangiti siya sakin.
“Good eve” bati niya.
“Good evening. A-anong ginagawa mo rito?” tanong k okay Timothy.
“Dinadalaw ka. Gusto kong malaman kung okay ka” sabi niya.
“O-okay naman ako.”
“Can I come in?”
“Pasok ka” sabi ko at saka niluwangan ang bukas ng pinto.
Umupo siya sa may sofa at umupo na rin ako pagka-sarado ko ng
pinto.
“P-paano mo pala nalaman ang bahay namin?”
“I check your record. Sorry gusto ko lang kasing malaman kung
okay ka”
“Okay naman ako. wala ka namang dapat ipag-alala.”
“When you got hospitalized I was there. Hindi ka nga magising-
gising eh. I was the one who assign to take care of
you.” Sabi niya.
Nalilito ako. bakit niya sinasabi ang ito sakin?
“B-bakit mo sinasabi itong lahat sakin?”
“Because, I think I fell in love with you, Lala”
Napanga-nga ako sa inamin niya.
Mahal niya ako?
Hindi ko alam ang sasabihin ko.
“You don’t need to say anything. I just want you to know it”
sabi nya.
“I’ll go ahead” sabi niya at saka na tumayo.
Hinatid ko na siya palabas.
***
It has been a week now.
New year na…
Sobra akong nalungkot ng mawala si TOP pero natanggap ko na rin
nawala na siya. na di siya totoo.
Ito ako ngayon. Kasama si Timothy.
Nakakatuwa nga dahil hanggang ngayon pinapatunayan niya yong
sinabi niya sakin dati.
Na aalagan at mamahalin niya ako.
Di ko man maibigay sakanya ngayon ang pagmamahal na binigay ko
kay TOP alam ko naman na mamahalin ko rin siya.
Nasa may veranda kaming dalawa.
Nakatingala sa langit.
“2 minutes na lang 2014 na” sabi niya.
Katabi ko siya ngayon.
Hinawakan niya ang kamay ko.
Napatingin ako sakanya. He just smiled at me.
“I want to hold your hand. Para isang taon ko syang hawak” sabi
niya.
Napangiti ako sa sinabi niya.
Nakakatuwa siya. di siya nag-failed na pangitiin ako.
“10 seconds na lang..” sabi niya.
Nag-count down kami at saka pagsabi ng one.
May mga fireworks na naggagandahan ang nagsasabugan sa langit.
Iba-ibang kulay.
Tumingin ako sakanya at tumingin rin siya sakin.
Hindi ko maipaliwanag subalit lumakas ang tibok ng puso ko.
Unti-unting bumaba ang mukha niya sa mukha.
Naramdaman kong lumapat ang labi niya sa labi ko.
Ang sarap ng halik niya katulad ng kay TOP.
“I’m sorry” sabi niya ng maghiwalay ang labi namin.
“Sorry, hindi ko napigilan” sabi niya.
I just smiled at him.
“Okay lang” sabi ko at saka tumingin sa may kalangitan.
Pumikit ako at nagpasalamat sa mga bituin.
Na kahit panaginip lang na makasama ko si TOP okay lang.
Dahil alam ko naman na darating yong taong nakalaan para sakin.
Tumingin ako kay Timothy na ngayon ay nakatingin na rin sa
langit.
Nakahawak parin yong kamay niya sakin.
Napangiti ako.
Hindi ko man siya hiniling sa langit.
Binigay parin siya.
Siya na totoong tao na hindi ako iiwan.
Gusto ko syang bigyan ng pagkakataon.
“Timothy” tawag ko sakanya.
Lumingon siya sakin.
“Gusto kita” sabi ko sakanya.
Napangiti siya sa sinabi ko at niyakap ako.
“Okay lang kung di mo pa masabi na mahal mo ako. masaya na akong
malaman na gusto mo ako”
Niyakap ko lang siya.
Masaya na ako ngayon.
Hindi man si TOP ng TBYD ang nakatuluyan ko.
Masasabi kong masaya ako at nakakilala ako ng lalaking katulad
ni Timothy.
Hindi naman lahat ng wish na gusto mo matutupad minsan yong kung
ano pang hindi mo hinihiling siya pa ang ibibigay
sayo.
--The end--