na tatlong bituin at isang araw, ay isang pahalang na
TRANSCRIPT
Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas, na tinatawag din
na Tatlong Bituin at Isang Araw, ay isang pahalang na watawat na
may dalawang magkasingsukat na bahagi na bughaw at pula, at
may puting pantay na tatsulok sa unahan. Sa gitna ng tatsulok ay
isang gintong-dilaw na araw na may walong pangunahing sinag,
na kumakatawan sa unang walong mga lalawigan ng Pilipinas na
nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban sa Espanya; at sa
bawat taluktok ng tatsulok ay may gintong bituin, na ang bawat
isa ay kumakatawan sa tatlong pangunahing rehiyon - ang Luzon,
Visayas, at Mindanao; ang gitnang bituin naman ay orihinal na
tumutukoy sa Panay. Maaari rin maging watawat pandigma ang
watawat na ito kapag ibinaligtad.
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo
Realonda (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896)
ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag
na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas
noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.
Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na
bayani at itinala bilang isa sa mga pambansang
bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang
Bayani.
Ang bahay kubo (Ingles: nipa hut) o kubo lamang ay isang
katutubong bahay na ginagamit sa Pilipinas. Ang
katutubong bahay ay gawa sa kawayan na itinatali na
magkasama, na may isang bubong gamit ang dahon
ng nipa / anahaw. Ang bahay kubo ay ang
pambansang bahay ng Pilipinas. Ang bahay kubo ay gawa
sa kawayan na pinagtali at mga nipa.[1] Angkop ito laban
sa hangin at ulan. Ngunit ito ay madaling masira sa
mga bagyo at madaling palitan.
Ang bangus (milkfish), bangos, o Chanos
chanos ay
isang uri ng isdang matinik o mabuto subalit
nakakain.[1] Isang mahalagang pagkaing isda ang
mga ito, na nagmula sa Timog-Silangang Asya. Ito
ang kaisa-isang nabubuhay na uri na
nasa pamilyang Chanidae. Sinasabing may pitong
mga uri na kabilang sa limang
karagdagang sari ang nawala na sa mundo.
Ang Baro’t saya ay isang uri ng
pambansang damit sa Pilipinas na
isinusuot ng mga kababaihan. Ang
pangalan ay mula sa dalawang
salitang Tagalog na baro at saya.
Ang nara (Ingles: mahogany) ay isang uri
ng punungkahoy o kahoy na mamula-
mula ang kayumangging kulay na
parang kastanyo. Tinatawag din
itong tangili, kanba, at asana.
Ang mangga (Ingles: mango) ay kabilang sa genus Mangifera, na binubuo ng
ilang mga uri na namumungang puno sa namumulaklak na halaman ng
pamilya ng Anacardiaceae. Likas ang mangga sa subkontinente ng Indiyan
lalo na sa Indiya, Pakistan, Bangladesh, at Timog-silangang
Asya.[1] Napakaraming klase at karaniwang kulay ang prutas nito:
may dilaw, luntian o pula. Kakaiba ang amoy na aromatikong ng prutas nito
na maaaring gamitin sa iba't-ibang sangkap o pabango. Prinipriserba rin ang
mangga at ginagawang panghimagas o pansangkap sa iba't ibang pagkain.
May iba't ibang uri ng mangga: may manggang indiyano, kinalabaw, piko o
manggang mansanas. Tumutubo ang mangga sa mga bansang tropikal
ngunit maaari ring tumubo ito sa mga lugar na malamig katulad ng Amerika.
Umaabot ang taas ng mangga mula 50 hanggang 80 talampakan,
inaalagaan ang puno ng mangga sa pamamagitan ng pagbuga ng mga gamot
laban sa insekto. Sa Pilipinas, partikular sa Zambales at Guimaras, niluluwas
ito palabas ng bansa para pagkakitaan.
Ang sampaguita, kampupot o hasmin
(Ingles: jasmin o jasmine) ay isang uri
ng palumpong na may maliliit,
mababango at mapuputing
mga bulaklak. Mas maliit ang bulaklak
nito kaysa ibang mga sampaga. Ito ang
pambansang bulaklak ng Pilipinas.
Ang anahaw ( Livistona rotundifolia ) ay isang pabilog na dahon
na palma na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Kasapi ito
sa genus Livistona na tinatawag na Footstool palm sa Ingles.
Pambansang dahon ito ng Pilipinas.
Karaniwang tanawin ang halaman na ito sa rehiyon. Tumutubo
ito sa mga sub-tropikal na mga klima at mamasa-masang
tropikal na lugar.
Ginagamit ang mga dahon sa kugon at pambalot ng pagkain.
Nabawasan ang laki ng mga ligaw na mga halaman dahil sa
sobrang pag-ani. Bagaman mabilis na tumubo ang mga dahon
pagkatapos anihin ngunit nagiging maliit ito.
Ang kalabaw (Bubalus bubalis carabanesis o
minsan Bubalus carabanesis) ay
isang domestikadong uri ng kalabaw na
pantubig o water buffalo (Bubalus bubalis) na
karaniwang matatagpuan sa Pilipinas, Guam, pati sa
ibang bahagi Timog-silangang Asya. Madalas iniuugnay
ang kalabaw sa mga magbubukid dahil ito ang
kadalasang napiling hayop para sa pag-araro at pagtulak
ng kariton na ginagamit ng mga magbubukid upang
madala ang kanilang ani sa palengke.
Ang agila o banoy (Ingles: eagle) ay isang uri ng
malaking limbas o ibong maninilang kasapi sa mag-
anak ng mga ibong, at nabibilang sa ilang saring hindi
naman talagang malapit magkakaugnayan. Karamihan
sa mahigit sa 60 mga uri ang matatagpuan
sa Eurasya at Aprika.[2] Sa labas ng pook na ito,
dalawang mga uri lamang (Kalbong Agila at Ginintuang
mga Agila) ang matatagpuan sa Estados
Unidos at Canada, siyam pa ang nasa Gitna at Timog
Amerika, at tatlo ang nasa Australya.
Ang cariñosa ay isang uri ng
panrarahuyong sayaw sa buong Kapuluan
ng Pilipinas na may pinagmulan ng mga
Hispano. Ang sayaw ay ginagamitan
ng pamaypay at panyo.
Ang arnis ay isang sistema ng sining
marsyal na nagmula sa Pilipinas.
Ang makabagong arnis (modernong arnis) ay
isa sa mga pinakapopular na sining
panlaban sa Pilipinas. Ang palakasang ito ay
itinuturo sa mga pampublikong paaralan
bilang parte ng kurikulum na Edukasyong
Pampalakasan.