nasyonalismo ng mga pilipino sa youtube

40
1 NASYONALISMO NG MGA PILIPINO SA YOUTUBE ni Art Philippe P. Bucaneg Ang internet ay isang malaking komunidad na binubuo ng madaming computers and iba pang mga gadgets na may kakayahang ma- access ito. Ayon kina Leiner et. al., sa Brief History of the Internet , sa mga taong 1960s hanggang 1990s, ang internet ay nabuo. Nadebelop ang basehan ng internet, ang ARPANET 1 , sa mga taong 1960s hanggang 1972. Sa taong 1972 pinakita angkakayahan ng ARPANET bilang behikulo sa paggawa ng komunidad ng mga computers. Ngunit dahil nagkaroon ang ARPANET ng limitasyon gamit ang kasalukuyan nitong ginagamit na protocol o paraan ng mga computer upang “makipagusap” sa isa’t isa, ang NCP 2 , nadeblop ang TCP/IP 3 . Mas pinabilis ang koneksyon sa pagkadebelop ng TCP/IP sa taong 1973 ngunit di ito ginamit hanggang umabot sa 1983. Sa pagiging pampubliko ng ARPANET, binigay ang katawagang “internet”, galing sa pinaikling “internetworking”. Lumaki ng lumaki ang internet, kaya nadebelop ang mga gateways. Gamit ang gateways, mas maayos ang pagdaloy ng datos at mas mabilis ang koneksyon sa mga computer. Pag dating ng 1985, ang internet ay naitatag na ng maayos at madaming ng gumagamit, mas lalo na sa paglabas ng electronic mail o

Upload: art-philippe-bucaneg

Post on 27-Oct-2014

521 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Ang pagkokonekta ng Filipino Tutorial Videos Ni Mikey Bustos sa nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube.

TRANSCRIPT

Page 1: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

1

NASYONALISMO NG MGA PILIPINO SA YOUTUBE

ni Art Philippe P. Bucaneg

Ang internet ay isang malaking komunidad na binubuo ng madaming computers and iba

pang mga gadgets na may kakayahang ma-access ito. Ayon kina Leiner et. al., sa Brief History of

the Internet, sa mga taong 1960s hanggang 1990s, ang internet ay nabuo. Nadebelop ang basehan

ng internet, ang ARPANET1, sa mga taong 1960s hanggang 1972. Sa taong 1972 pinakita

angkakayahan ng ARPANET bilang behikulo sa paggawa ng komunidad ng mga computers.

Ngunit dahil nagkaroon ang ARPANET ng limitasyon gamit ang kasalukuyan nitong ginagamit

na protocol o paraan ng mga computer upang “makipagusap” sa isa’t isa, ang NCP2, nadeblop

ang TCP/IP3. Mas pinabilis ang koneksyon sa pagkadebelop ng TCP/IP sa taong 1973 ngunit di

ito ginamit hanggang umabot sa 1983. Sa pagiging pampubliko ng ARPANET, binigay ang

katawagang “internet”, galing sa pinaikling “internetworking”. Lumaki ng lumaki ang internet,

kaya nadebelop ang mga gateways. Gamit ang gateways, mas maayos ang pagdaloy ng datos at

mas mabilis ang koneksyon sa mga computer. Pag dating ng 1985, ang internet ay naitatag na ng

maayos at madaming ng gumagamit, mas lalo na sa paglabas ng electronic mail o e-mail. Hindi

nalayo sa commercialization ang internet, sa simula ng 1980s ay nagkaroon na ng mga

pagpulong ang mga pribadong kompanya at mga taong may alam sa paggamit ng internet at ng

TCP/IP upang mapagkitaan ang internet. Sa pagdaan ng madaming taon, ang internet ay lumaki

ng lumaki, lumabas ang mga websites at kuna anu-ano pa. (1999)

Ang internet ay dumating sa Pilipinas sa taong 1994. Ang PHNet, na binubuo ng pribado

at gobyernong mga institusyon, ay matagumpay na nakakonek sa Sprint sa US at nakakuha ng

bilis na 64KBps. Ngunit bago pa ang 1994, sa taong 1986 ay may local dial-up networks na

pinapatakbo ng mga taong may mga interes at mga nalalaman sa networking. Ang komunidad ay

Page 2: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

2

tinawag na Bulletin Board System (BBS). Itong lokal na BBS ay nakakonek sa mga internasyonal

na BBS gaya ng Fidonet4. Sa taong 1995, nasabatas Public Telecommunications Act of the

Philippines na binigyan ng kakayahan ang mga ibang organisasyon na makakonek sa internet at

gumawa ng sarili nilang “websites” at maging daan upang ang mga ibang indibidual ay

makakonek sa internet.  Kahit nagkaroon ng mga problema at mga skandalo, tuloy-tuloy ang

paggamit at pagpapahusay ng internet sa Pilipinas.(Austin, 2007)

Isa sa maraming sites na makikita sa internet ay ang YouTube. Ang YouTube ay isa

website na kung saan pwede kang manuod ng mga video. Ginawa ang YouTube nina Chad

Hurley, Steve Chen at Jawed Karim sa taong 2005. Nakuha nila ang ideyang gumawa ng

ganitong website dahil nahirapan silang mag-e-mail ng isang video kanilang kaibigan. Hindi

nagging maganda ang simula ng YouTube sa kakulangan ng pera, ngunit nabigyan din ng pondo

galing Sequioa Capital. Naging problema ang mga users na naguupload ng mga video na hindi

gawa nila o may mga copyrighted materials. Naayos ito sa pamamagitan ng paggawa ng kontrata

sa mga kompanya na gumagawa o pinanggalingan ng “copyrighted materials”. Ang mga

kompanya na mismo ang naguupload na kanilang mga video o nakakakuha sila ng kabayaran sa

bawat copyrighted materials na ginagamit ng users sa kanilang mga video ng walang paalam. At

sa loob lamang ng dalawang taon, sa 2007, binili ng Google ang Youtube sa halagang $1.65

bilyon. Gamit ang katanyagan ng Google, mas lalong pang lumaki ang kasikatan ng YouTube.

(Sanger, 2008)

Sa 2011 datos ng Internet World Stats, mahigit 44.8% ng populasyon sa buong mundo na

gumagamit ng internet araw-araw ay galing sa Asya. Ang Pilipinas naman ay umabot sa 2.9% ng

populasyon sa buong Asya. Ayon naman saSa 2.9% naman na ito, 98.6% ang bumibisita sa

YouTube araw-araw.

Page 3: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

3

Ayon sa Ingles na pagsalin ng sanaysay ni Renan na ang Qu'est-ce qu'une nation?(What

is a Nation?), ang pagiging nasyon ay hindi nakasalalay sa lahi, sa linguahe, sa relihiyon o sa

tinahak nitong daan sa kasaysayan, ito ay nakasalalay sa kung anong nakalimutan at sa mga

historical errors ng nasyon. Ang nasyon ay nasyon dahil sa dumaang mga karahasan sa nasyon.

Isa sa mga konkretong halimbawa ni Renan ng isang nasyon ay ang tungkol sa mga Pranses:

…the essence of a nation is that all individuals have many things in

common; and also that they have forgotten many things. No French citizen knows

whether he is a Burgundian, an Alan, a Taifale, or a Visigoth, yet every French

citizen has to have forgotten the massacre of Saint Bartholomew,’ or the

massacres that took place in the Midi in the thirteenth century…

Isa pang importanteng salik ng pagiging nasyon ay ang patuluy-tuloy na pagsuporta at

pagpapaganda ng nasyon. (sinipi sa Ely,G., Ely, S., Grigor 41)

Nang nagkaroon na ng konretong kahulugan ang isang nasyon, nabuo ang teorya tungkol

sa nasyonalismo. Ayon kay Gellner, ay nasyonalismo ay nagiging epekto ng pagkakaroon ng

isang nasyon at protektahan ang sarili laban sa mga dayuhan o sa mga atake galing sa ibang

nasyon. Upang makatatag ng ideya ng nasyonalismo, ang nasyon ay nangangailangan ng systema

ng edukasyon, isang gobyerno, pagkakaroon ng isang kultura na ibinabahagi ng lahat ng

mamamayan upang maging lehitmo ang gobyernong naitatag, linguaheng alam ng mamamayan,

pambansang pagkakakilanlan, at pagkilala sa ibang mamamayan ng sariling nasyonalidad. (1)

Ang nasyonalismo sa Pilipinas ay may mahabang kasaysayan ngunit nagsimula lamang

sa dulo ng ika-19 siglo. Ang kahulugan ng Pilipinong nasyonalismo ay hindi nalalayo sa

nabanggit na kahulugan ngunit ito ay napagsama sa ideya ng pagkamakabayan5. Ayon kay Delos

Santos, ang nasyonalismo sa Pilipinas ay naglalarawan ng dalawang bagay, ang pagkakaroon ng

Page 4: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

4

nasyonal na pagkakakilanlan dulot ng pagkakaroon ng iisang pinagmulan, lahi at pangkulturang

kaugnayan at ang pagkilos ng mga mamamayan upang panatiliin ang nasonalidad at ang

kumpletong autoridad sa mga lokal at pangdayuhang suliranin. Ang nasyonalismo ng Pilipinas

ang nagdudulot ng tuloy-tuloy na pag-unlad at pagpapanatili ng respeto sa batas. Ang

nasyonalismong Pilipino ay naging pinakatanyag sa dulo ng ika-19 na siglo at dulot ito sa mga

damdaming makabayan at mga nasyonalismong uliran. Bagaman may mga naunang mga

pagkikilos laban sa mga Espanya, hindi ito dahil sa nasyonalismo o pagiging makabayan kundi

dahil sa personal na mga kadahilanan o dahil sa pagtanggol ng mga teritorya. Ang resulta ng

pwersang pangmakabayan at nasyonalismo ay ang Filipino Propaganda Movment ng mga

ilustrados sa pagitan ng mga taong 1872 hanggang 1892. Sa tagal ng pagskop ng Espanya sa

Pilipinas, ang matagal na pagdebelop ng nasyonalismo sa Pilipinas ay dahil sa pagiging

makarehiyon at dahil sa heograpya ng Pilipinas. (102)

Ayon kay Constantino, sa panahon ng Espanya hanggang sa napaalis sila ng mga

ilustrado ay ang tinatawag na nasyonalismong pang-masa. Ang layunin nito ay ang sariling

pulitika ng Pilipinas, malaya sa sakop ng ibang bansa o pagiging kolonya. Mas tumingkad ito sa

pagdating ng mga Amerikano at ng mga Hapon. Habang nilalabanan ang mga dayuhan at

nagtatatag sariling uri ng pulitika, nakalimutan na ang kahalagahan ng ekonomiya sa pagtatag ng

isang nasyon. Muling kumapit ang Pilipinas sa Estados Unidos dahil sa pagiging “pro-

American” ni Ramon Magsaysay ngunit tinutulan ito ni Sen. Claro M. Recto. Natupad ang

pagkalaya muli ng Pilipinas sa kampanya ni Pres. Carlos P. Garcia na gawing “Filipino First”

ang patakaran ng mga Pilipinong kompanya. Dahil sa kampanyang ito, mas humusay ang

nasyonalismo at mas madami na itong benepisyo na naibibigay sa Pilipinas. Nagagawa nitong

protektahan ang Pilipinas sa mga dayuhan, mas nabigyang pansin ang mga Pilipinong kompanya

Page 5: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

5

kesa sa mga dayuhang kompanya, kinokontrol ang mga produkotng niluluwas sa ibang bansa,

binibigyan ng importansya ang kabutihan ng mga mamamayan at kahit na limitado and

interaksyon sa mga dayuhang mga bansa, hindi ito tumitigil sa pagtulong sa pag-unlad ng

nasyon. Binibigay ng uri ng nasyonalismong nito ang mensahe sa mga dayuhan na mas

interesado ang nasyon na inuunawa ng mga dayuhan at nauunawaan ang mga dayuhan. Sa ideya

ng nasyonalismong ito, para mas umunlad ang nasyon, binigyan ng importansya ang edukasyon

tungkol sa Pilipinong nasyonalismo sa pagkukuro ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ang

nasyonalismo ay nagbabago sa daloy ng kasaysayan gaya ng pagtatag ng uri ng nasyonalismong

ito na naitatag dahil sa pagiging kolonya ng madaming dayuhan, tulad ng Espanya, Hapon at

Amerikano. (1; vol. 2)

Sa pagunlad ng technolohiya, hindi na maipagkakaila na ang isang nasyon at ang ideya

ng nasyonalismo ay hindi na nangangailangan ng aktwal na mga pagkikilos. Ang nasyonalidad

ay di na nangangailangan na nakalugar sa sariling teritoryo upang magpahiwatig ng

nasyonalismo. Ayon sa papel na pananaliksik ni Eriksen, ang mga gumagamit ng internet upang

ipahiwatig ang kanilang nasyonalismo o ang hiling ng mas pinahusay na nasyonalismo ay

nakabuo ng isang birtual na komunidad ngunit hindi pa nitatatag ng maayos ang ideya ng isang

nasyon. Ang gobyerno at edukasyon ay hindi maitatag dahil sa pagkakahiwalay sa aktwal na

mundo, ngunit napapabilang naman sa isang aktwal na nasyon, na may aktwal na gobyerno at

edukasyon, ang bawat mamayan ng birtual na komunidad na ito. Ang “nasyonal” na linguaheng

ginagamit ay ingles upang karamihan ng mga guamgamit ay maaring makipag-usap. Para sa mga

mamamayan ng birtual na komunidad na ito, ang layunin ay ang ipahiwatig ang mga problema at

ipakita ang kagandahan o kabutihan ng mga kanikanilang nasyon sa mga miyembro ng tinatawag

na global village6. Dahil madami pang ibang birtual na komunidad na kakompitensya, mahirap

Page 6: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

6

makakuha ng pansin galing sa global village. Ang pagkakaiba ng mga birtual na komunidad sa

isa’t isa ay ang bansa kung saan madami ng mga gumagamit ay nagmula. Nagkakaroon ng

sagupaan dahil sa pgkakaibang ito. Tulad ng paglalaban ng teritoryo sa lupa, nagkakaroon na rin

ng mga away ukol sa pagkakaroon ng “teritoryo” sa birtual na komunidad, karamihan ng

naapektuhan ay ang mga maliliit na grupo o ang mga etnikong mga grupo. Ang resulta ay

nagkakaroon ng mga diskriminasyon sa mga birtual na komunidad. Malaking sakripisyo ang

kinakailangan upang ipagtaguyod ang nasyonalismo sa internet, naipapahiwatig ang

nasyonalismo sa internet ngunit may posibilidad na magkaroon ng kaaway na ibang

nasyonalidad o sarili nasyonalidad. May mga elitista na may masasamang plano na hamakin ang

nasyon ng iba, o kahit sariling nasyon nila, sa kaalamang di nila kailangan pagbayaran ang mga

kaparusahan kung tumaas man ang karahasan. Hindi katulad ng aktwal na nasyon, ang nasyong

gawa sa internet ay walang pinanghahawakan na teritoryo kaya ito hindi matatag. Maari pang

magpatuloy ang nasyonalismo sa internet ngunit magigiba ito sa katagalan. Ang kailangan ay

ang pluralism, o ang pagsasama ng dalawa o higit pang mga nasyon. (2006)

Ang nasyonalismo sa internet ay parang pag-iindorso ng isang artista sa isang produkto.

Ayon kay Tolentino, ang paraan ng pag presenta ng produkto at kung sino man ang nag

prepresenta nito ay sumasalamin sa mismong katangian ng produktong prinepresenta. Dahil sa

pagpresenta ni Aga Mulach sa Jollibbe, nabigyang ng imahe ang Jollibbe na hindi labis at hindi

kulang ang kanilang produkto at serbisyo dala ng pagiging wholesome o pagiging balanse ni Aga

Mulach. (49)

Kahit hindi isang produktong nabibili ang isang nasyon, ang mga kilos ng bawat isa ay

nakakaapekto sa imahe ng nasyon sa internet man o sa aktwal na mundo.

Page 7: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

7

Sa kasalukuyan, ang YouTube ay pwedeng ituring na isang birtwal na komunidad, tulad

ng Facebook at Twitter, ngunit ang paraan ng pagpapakita o pagpresenta ng nasyonalismo sa

global village ay sa pamamagitan ng pag-upload ng mga videos at pagkoment sa mga videos na

ito. Kung hindi sapat ang pagkoment, pwedeng magpost ng sariling video na tugon sa videong

gusting komentan. Ang nasyonalimso ay laganap sa YouYube sa mga videos na ina-upload ng

mga gumagamit nito. Hindi man direktang nasyonalismo ang layunin ng video, maaring kunin

ang ideya ng nasyonalismo galing sa video.

Isa sa mga tanyag na mga tao sa YouTube ay si Mikey Bustos at ang kanyang channel na

MikeyBustosVideos. Si Michael John Tumanguil Pestano Bustos, o mas kilala sa Mikey Bustos,

ay pinanganak at pinalaki sa Canada at kalahating Pinoy, at kalahating Canadian. Bago sumikat

ang kanyang mga Filipino Tutorial Videos ay una siyang nakilala sa telebisyon sa Canada bilang

kalahok sa isang palabas na ang Canadian Idol. Si Bustos ay lumabas sa palabas na pangwalo sa

lahat ng sumali. Kahit na tanyag siya sa ibang bansa, hindi siya masyadong nakakuha ng pansin

sa Pilipinas hanggang sumikat ang kanyang mga Filipino Tutorial Videos.

Si Bustos ay isang magandang halimbawa ng nasyonalismo sa internet, kahit hindi siya

ipinanganak at pinalaki sa Pilipinas, pinahiwatig niya sa YouTube ang nasyonalismo niya at

pinakita niya na Pilipino parin siya. Siya ang kasalukuyang tinaguriang ambasador ng Pilipinas

sa YouTube dahil sa kanyang mga Filipino Tutorial Videos. Ang kanyang mga Filipino Tutorial

Videos ay mga serye ng mga video na nagtuturo kung paano maging Pilipino.

Kung susuriin ang tema ng bawat video, ito ay umiikot sa kultura, katanginan at mga

gawaing Pilipino. Ang pagpresenta ng bawat video ay sa isang nakakatawang paraan upang

gawing kawili-wili ang mga video. Kahit wala naming estatistikong basehan ang mga video,

maraming Pilipino naman ang nagkokomento at sumasang-ayon. Hindi naman layunin ni Bustos

Page 8: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

8

na seryosohin ng mga manunuod ang mga pinapakita, gusto lang naman niyang ipagmalaki ang

pagiging Pilipino niya at ipahiwatig ang Pilipino nasyonalismo sa internet, na parang

pagpresenta lang ng produkto. Pinaliwanag naman niya na ang mga video ay galing sa kanyang

mga naobserba o mga karanasan niya.

Ang unang video niya sa Filipino Tutorial Videos, ang Filipino Accent Tutorial by Mikey

Bustos, at ang Mikey Bustos Pinoy Lessons -Pinoy English- ay tungkol sa pagsasalita ng mga

Pilipino ng Ingles. Sa unang tingin, tila isang insulto kung paano mag-ingles ang mga Pilipino,

ngunit kung susuriin ng mabuti, natutunan parin ng mga Pilipino kung paano mag-ingles at tila

ginawaan ng Pilipinong bersyon. Sa Filipino Accent Tutorial, binigyang pansin na natututunan

naman ng mga Pilipino ang Ingles ngunit naiiba sa pagbigkas ng mga salita: ang tunog ‘f’

nagiging ‘p’, ang ‘v’ ay nagiging ‘b’ at ang tunog ‘th’ ay nagiging ‘d’ o ‘t’. Ang naging dahilan

ni Bustos kung bakit ganun mag salita ang mga Pilipino ay dahil sa impluensya ng Espanya.

Binigyang pansin din ni Bustos ang paggamit ng mga Pilipino ng ‘siya’. Sinabi niyang ‘siya’ ay

walang pagkakaiba kung tumutukoy ng lalake o babae, tila ba parang walang diskriminasyon sa

lalake at babae sa wikang Pilipino. Sa dulo ng video, sinabi niya na pinagmamalaki niya na

Pilipino siya dahil ang mga Pilipino ay mapagmahal. Sa video niyang Mikey Bustos Pinoy

Lessons -Pinoy English-, ipinagmalaki niyang pangalawa ang Pilipinas sa pinakamagaling mag

Ingles sa buong Asya at kahit na may karaniwang paraan ang mga Pilipinong magsasalita ng

Ingles ay kaya pa nilang matutuo ng ibang paraan o accent. Pinaliwanag niya na nag-iiba talaga

ang Ingles ng Pilipinas sa Ingles ng mga tagakanluran dahil ang ibang mga expresyon ng mga

Pilipino sa Ingles ay direktang pagsalin ng mga expresyon sa wikang Pilipino. Tulad ng ‘I’ll go

ahead’, ito ay direktang pagsalin sa ‘mauna na ako’. Ang popular na ‘for a while’ ng mga

Pilipino ay mali sa Ingles ng mga tagakanluran, ngunit ito ay direktang pagsalin ng ‘sandali’.

Page 9: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

9

Paliwanag ni Bustos na ang paraan na ito ng pagsasalita ng mga Pilipino ay paraan upang

makilala ang nila ang mga kapwa nila Pilipino kung nasa ibang bansa. Hindi mahirap hanapin

ang mga Pilipino dahil ang mga Pilipino ay likas na madaldal o makuwento at hindi maiiwasan

ang ganitong mga paraan ng pagsasalita.

Ang mga Pilipino ay mahilig kumain. Ang Filipino Dining Tutorial by Mikey Bustos,

Filipino Balut Egg Tutorial by Mikey Bustos, Filipino Crab Eating Tutorial by Mikey Bustos,

Filipino One-Day-Old Tutorial, at Filipino Coffee Tutorial by Mikey Bustos ay ang mga video ni

Bustos na nagpapakita ng pakahilig ng mga Pilipino sa pagkain. Sa Filipino Dining Tutorial by

Mikey Bustos, pinagmalaki ni Bustos ang pagkaing Pilipino bilang isa sa pinaka masarap sa

buong mundo at pinakita niya ang mga karaniwang naaobserba kapag kumakain ang Pilipino.

Ang una niyang pinakitang gawain ng mga Pilipino kapag kumakain ay ang pagdadasal, dahil sa

pagiging relihiyoso ng mga Pilipino, at pinagmalaki niya na relihiyoso pati siya. Pinaliwanag

niya na kapag ang Pilipino ay inoobserba nito ang mga ito: umupo ng tuwid, dalhin ang pagkain

sa sarili, hindi nilalagay ang siko sa lamesa at ngumuya ng nakasarado ang bunganga.

Pinpahiwatig ni Bustos na nirerespeto ng mga Pilipino ng lubos ang mga katakaran sa hapag-

kainan. Ipinagmalaki ni Bustos ang kakayahan ng mga Pilipino na kumain ng may kutsara at

tinidor o ang gumamit ng kamay. Kapag gumagamit ng kutsara at tinidor, ginagawang episyente

ng Pilipino ang pagkain kapag kumakain naman gamit ang mga kamay, ang Pilipino ay

magandang kumilos dahil ang pagkain gamit ng kamay ay isang sining na naperpekto na ng mga

Pilipino. Paalala ni Bustos sa mga hindi marunong kumain ang tatlong mga P sa ingles: pack,

pick, and push with the tongue o isiksik sa mga daliri ang pagkain, kunin galing sa plato at itulak

sa loob ng bunganga gamit ang hinlalaki. At sa huli, ipinagmalaki niya na hindi nagsasayang ng

pagkain ang mga Pilipino, pati sa ibang mga video na tungkol sa pagkain pinakita ang

Page 10: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

10

katanginang ito. Sa Filipino Balut Egg Tutorial by Mikey Bustos at Filipino One-Day-Old

Tutorial pinakita ang kakaibang imahe ng Pilipinas pagdating sa pagkain. Ang balut ay itlog ng

pato na niluto bago ito pumisa at ang one-day-old naman ay sisiw na niluto makatapos ang isang

araw ng pagpisa nito. Sa video ng Filipino Balut Egg Tutorial by Mikey Bustos, ipapakita sana ni

Bustos kung paano kumain ng ballot ngunit din niya dahil baka magalit ang PETA sa kanya at

dahil ang mga Pilipino sa tingin niya ay mapagmahal, magalang, high-class at pasipista.

Pinaliwanag ni Bustos na nakakalakas ng katawang ang pagkain ng balut at one-day-old,

kinumpara pa niya nag balut sa karaniwang nilagang itlog at sinabi na ang balut ay isang

nutritious rainbow dahil mas madmaing kulay ang nakikita sa balut kesa sa nilagang itlog at mas

masustansya ito. Sa Filipino Crab Eating Tutorial at Filipino Coffee Tutorial by Mikey Bustos ay

gumawa si Bustos ng mga paghahambing ng paraan ng pagkain ng alimango at pag-inom ng

kape sa ibang nasyonalidad. Sa Filipino Crab Eating, mas nasusulit ng mga Pilipino ang pagkain

ng alimasag dahil ang buong alimasag ang nakakain at walang tinitirang laman, kumpara sa mga

iabng dayuhang bansa na paa lang ang kinakain. Sa Filipino Coffee Tutorial by Mikey Bustos

naman, pinapakita na mas madaming klase ng pagkain ang pwedeng ihalo sa kape sa Pilipinas

kesa sa donut ng ibang mga dayuhan, na tila ang nagiisang uri ng pagkain na pwedeng isama sa

kape. Pinatutunayan lang na kakaiba ang karanasan ng pagkain kasama ang mga Pilipino.

Pinagmamalaki ni Bustos ang talentong Pilipino at ang talino nito. Sabi ni Bustos, ang

mga Pilipino ay pinapanganak na may talento sa sining at likas na malikhain, ito ay dumadaloy

sa kanilang dugo, nananalaytay sa kanilang buto at nagdadala ng sigla sa kulturang Pilipino.

Galing ito sa video niyang Uncanny Artistic Talents of Filipinos Tutorial by Mikey Bustos na

nagpapahiwatig ng kagalingan ng mga Pilipino sa pagkanta, pagsayaw at sa iba pang uri ng

sining. Mahilig ang mga Pilipino sa pagkanta at napapakita sa mga karaoke/videoke sa bawat

Page 11: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

11

tahanan. Isa ang videoke/karaoke sa limang nangungunang mga bagay na ililigtas sa isang sunog,

di man wais na gawin ito, masyadong binibigyang importnasya ng mga Pilipino ang pagkanta. Sa

pagsayaw naman, hindi hinangaan ni Bustos ang footwork ng mga labanang eksena sa X-men

dahil sa kaya itong gawin ng mga nag-Titinikling, kinupara niya si Human Torch sa mga nag-

Papandango sa Ilaw at sa tingin niya dapat palitan ang titulo nga palabas na So You Think You

Can Dance? sa So You Think You’re Filipino. Kung titignan naman ang palabas na America’s

Best Dance Crew, kung walang Pilipino, o kahit taga-Asya, ang isang grupo tinuturing silang

mga underdog. Sa bawat uri ng sining na binanggit ay nag bigay ng mga halimbawa si Bustos,

na hindi lang sikat sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Sa video namang How to Be a Filipino

Artista Tutorial by Mikey Bustos, ipinagmalaki niya na ang mga artista sa Pilipinas ay hindi lang

isa ang alam na uri ng talento, ang mga artistang Pilipino ay well-rounded, marunong sumayaw,

kumanta o mag-LS o lip-synching, magmodelo, umarte, at magpresenta ng produkto. Ngunit

nakakakuha ng pansin ang sinabi niyang kung mestizo o mas hindi Pilipino ang pagmumukha ay

mas mataas ang pagkakataon na sumikat. Hindi naman pinapahiwatig ni Bustos na hindi mga

Pilipino ang sumisikat sa Pilipinas, ang mga Pilipinong mas sumisikat sa Pilipinas ay may

halong ibang nasyonalidad. Sila ang mga katulad ni Bustos na parte lang sa kanila ang Pilipino

ngunit ipinagmamalaki nila na Pilipino sila. Dahil sa mga artistang Pilipino, tunay man o parte

lang sa kanila ang Pilipino, mas pinagmamalaki ang pagiging Pilipino at mas ipinapahiwatig ang

Pilipino nasyonalismo. Ngunit hindi lang talentado ang mga Pilipino, sa video niyang Filipino

Freebies Tutorial by Mikey Bustos, pinapakita ang imahe ng Pilipinas kung saan kilala ang mga

Pilipino bilang cheap. Mahilig ang mga Pilipino sa mga bagay na libre o mga walang bayad.

Paliwanag ni Bustos na hindi naman pagiging cheap ang ginagawa ng mga Pilipino, ito ang

pagiging matalas at maparaan ng mga Pilipino. Ito ang pagiging wais ng mga Pilipino sa making

Page 12: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

12

the best of what is free. Nasasayangan ang mga Pilipino kung di tinatanggap ang mga libreng

bagay, at hindi naman mahilig magsayang ang mga Pilipino. Natutunan na ng mga Pilipino kung

paano makahanap ng libre o kung saan sila makakatipid ngunit hindi mawawalan ng kalidad.

Ang mga Pilipino ay nagpapasalamat naman ng lubos sa mga biyayang nakukuha nila, lalo na

pag libre ito. At dahil mahilig sa libre ang mga Pilipino, madaling kaibiganin ang mga Pilipino sa

pamamgitan ng libre.

Ang mga video ni Bustos ay may temang komedya dahil ang mga Pilipino ay likas na

masayahin. Ang mga Pilipino ay madaming alam na paraan para magsaya, sa ano mang edad,

galing sa pagiging sanggol, maging bata, hanggang sa tumanda. Sa video niyang Filipino Baby

Games Tutorial by Mikey Bustos, pinakita ang mga paraan kung paano makipaglaro kasama ang

bata at mga sanggol. Hindi man pinaliwanag ang dahilan, sinabi ni Bustos na dagdag tulong ito

upang mas mahasa ang natural na talent ng mga Pilipino habang bata pa sila. Ang dahilan kung

bakit magaling at nangunguna ang mga Pilipino sa maraming bagay ay dahil sa mga laro at

aktibidad na ginagawa ng mga bata tulad ng close/open o pagbukas at pagsarado ng kamay,

Ears, Eyes, Nose, Mouth, kung saan natututunan ng sanggol kung saan sa mukha ang tenga,

mata, ilong at bunganga. Madami pang ibang mga paraan para makipag-laro sa sanggol ngunit

para pangkasiyahan lang at para manatiling masigla at malusog ang sanggol. Pagdating ng

pagka-bata, dumadaan ang mga Pilipino sa isang laruan na tinatawag na plastic balloon. Sa

kanyang Filipino Plastic Balloon Tutorial by Mikey Bustos, pinakita ni Bustos na bukod sa

plastic balloon ay may iba pang laro ang mga bata tulad ng pabitin, kapag may mga kaarawan at

kasiyahan, at ang mga paper games na nangangailangan lang ng papel at panulat. Pinaliwanag ni

Bustos ang kasaysayan at paraan ng paggamit ng plastic balloon, kinumpara niya ito sa bula na

galing sa sabon at mga rubber na mga balloon. Pinagmalaki niya ang pagiging makabago ng mga

Page 13: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

13

Pilipino sa pagdiskubre ng plastic balloon.Kumpara sa ibang klase ng bula, ang plastic balloon

ay hindi madaling pumutok, kapag nabutasan ay isasara lang ang butas gamit ang mga labi at

dahil nga hindi siya madaling masira o pumutok, mas matagal mapaglalaruan ang plastic

balloon. Hindi delikado na gamitin ang mga labi dahil hindi nakakalason ang plastic balloon

kahit paulit-ulit na sinabi ni Bustos na puro kemikal ang ginamit sa paggawa ng nito. Sabi pa ni

Bustos, wala pa namang namamatay dahil dito. Kapag lumaki ang mga bata at umabot sa tamang

gulang, ay matututo silang uminom. Ang paginom ay gustong libangan sa buong mundo, ngunit

napapasaya at nagiging mas maganda ang karanasan kung ang kasama sa pag-inom ay mga

Pilipino. Hindi naman lahat ng nasa tamang edad ay mahilig uminom, ngunit karaniwang paraan

ito ng pagsasaya kasama ang pagkanta sa karaoke. Sa Pilipinas angm unang shot ng matapang na

inumin ay tinatapon sa isang sulok upang ialay sa ‘demonyo’. Pinaliwanag ni Bustos na isang

tradisyon ito para hindi nakakasagabal ang demonyo sa kasiyahan. Kapag karaniwang alak

naman ang iniinom, na iniinom sa halos lahat ng mga kasiyahan na may inuman, ay may

kasamang ‘pulutan’. Ang pulutan ang nagpapasaya ng mga inuman dahil, tulad ng balut at one-

day-old mga kakaibang pagkain ang hinahain tulad ng headphones o tenga ng baboy, adiddas o

paa ng manok, sisig o pisngi ng baboy, isaw o bituka ng manok o baboy, kwek kwek o itlog ng

pugo, at betamax o nilutong dugo. Hindi nakukumpleto ang inuman kapag walang pulutan. Sa

mga inuman, masayang kasama ang mga Pilipino dahil madaldal at masayang kausap, at

karaniwan naman na maglalabas ng emosyon kung naka-inom, ngunit sobra sobrang emosyon

ang mararanasan kung may kasamang Pilipino, kaya hindi sayang ang oras kasama ang mga

Pilipino. Sa pagdiriwang ng Pasko, naiiba at mas sumasaya para sa mga Pilipino, pinaliwanag ito

ni Bustos sa Filipino Christmas Tutorial by Mikey Bustos. Sa ibang bansa, ang Pasko ay

nagsisimula na sa dulo ng Nobyembre at sa sula ng Disyembre, ngunit sa mga Pilipino,

Page 14: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

14

Septyembre pa lamang ay mararamdaman mo na ang Christmas spirit. Nagsasabit na ng mga

parol ang mga tao sa labas ng kanilang mga bahay at binubuksan na ang mga Christmas lights.

Pinagmalaki ni Bustos na ang pasko ng mga Pilipino ay isang ‘green’ na Pasko dahil hindi

pumuputol ng mga puno ang mga Pilipino, may plastic lang na puna na napaghihiwalay at

binubuo lang pag pasko. Tradisyon na rin ang Simbang Gabi sa mga Pilipino, ang pagismba ng

maadaling araw sa loob ng siyam na araw. Kahit nakakapagod ang tradisyong ito ay hindi

pinapansin ng mga Pilipino kasi rehilyoso ang mga Pilipino. Sa Bisperas ng Pasko ay

nagkakaroon ng Noce Buena ang mga Pilipino, sa Noce Buena ay madaming pagkaing hinahanda

at bukas ang bahay para sa lahat nga mga bisita. Madami ng nakukuhang mga regalo ang mga

bata dahil sa mga ninong at ninang, pati ang mga nakakatanda ay madaming makukuhang mga

regalo dahil sa extended family ng maa Pilipino. Ang pagkain ay masasarap pag dating ng Noce

Buena at hindi ka mababagot dahil ang mga bata ay kumakanta at sumasayaw pati may mga

nangangaroling.

Pagdating sa kalinisan, pinaliwanag ni Bustos sa Filipino Skin Tutorial by Mikey Bustos

at Filipino CR Tutorial by Mikey Busto sang mga kakaibang gawain, ngunit kamangha-

manghang mga gawai ng mga Pilipino pagdating sa pag-alaga sa katawan. Sa Filipino Skin

Tutorial by Mikey Bustos, pinagmalaki ni Bustos ang balat ng mga Pilipino. Madaling kilalanin

ang isang Pilipino sa kanyang balat, hindi dahil sa kulay nito. Pinaliwanag ni Bustos na hindi

magkapareho ang kulay ng mga balat ng Pilipino, may mga katangian ito na pang-Pilipino. Ang

balat ng mga Pilipino ay madaming mga beauty marks ayon kay Bustos. Ang tinutukoy ni Bustos

ditto ay yung mga nunal. Ang mg beauty marks, ayon kay Bustos, ay bigay ng panginoon sa mga

Pilipino dahil ang mga Pilipino ay magaganda at guwapo. Ang kinalalagyan ng beauty mark ay

may kinalaman sa ugali ng tao. Binigay na halimbawa ni Bustos ang sa taas ng kanyang labi, ito

Page 15: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

15

ay nagsasaad na madaldal siya. Ang pag-iisip na ang mga beauty mark na ito ay galing sa diyos

ay dahil sa pagiging maka-diyos at rehilyoso ng mga Pilipino, na pinagmamalaki ni Bustos. May

pangkaraniwang bagay na ginagamit ang mga Pilipino sa paglilinis kanilang mga balat, isang

bato. Ginagamit ng mga Pilipino ang bato para mapanatiling makinis ang balat at upang pumuti.

Nabibighani ang mga Pilipino sa mga mapuputi ang mga balat, tulad ng mga dayuhan dahil ito

ay nagsisimbolo ng mataas na istado sa buhay, nagsisimbolo ito ng kayamanan dahil hindi

kailangan tumagal sa ilalim ng araw para magtrabaho. Masama nga itong pakinggan, pero ang

dahilan lang nito ay hinahanggan ng mga Pilipino ang mga dayuhan. Ngunit para sa mga

dayuhan, ang mas magandang kulay ng balat ay ang mas maitim dahil mas kaya nilang

magbakasyon sa mga dagat at sa mga maaraw na mga lugar. Binigyan diin ito ni Bustos dahil

hindi dapat mahiya ang mga Pilipino sa kulay ng kanilang balat, dahil ang hinahangaan nilang

mga “matataas ang istado”, ibang mga dayuhan, tulad ng mga nakatira sa Hilagang Amerika, ay

gustong magkaroon ng kulay tulad ng sa mga Pilipino. Dapat hindi mainggit ang mga Pilipino sa

mga dayuhan, dahil nasa mga Pilipino na ang minimithi ng mga dayuhan. Bagaman binigyang

diin ito ni Bustos, tuloy parin ang pagbigay niya ng mga paraan upang alagaan at pumuti ang

balat. Sa dulo ng video ipinagmalaki ni Bustos na ang balat ng mga Pilipino ay hindi madaling

tumanda at pinayuhan ang mga Pilipino na magpakasal sa kapwa Pilipino upang panatilihin ang

magandang balat ng mga Pilipino. Ang sunod ay ang Filipino CR Tutorial by Mikey Bustos,

tungkol sa tinaguriang ‘CR’ ng mga Pilipino. Ang karaniwang banyo ay naiibia sa Pilipinong

‘CR’ o comfort room. Ang comfort room ay ang Pilipinong bersyon ng bathroom. Sa CR, hindi

lang nalilinis ang katawan, dito nakakaramdam ng pagpapahinga at ginhawa. Naiiba ang CR sa

banyo ng mga dayuhan, unang-una at ang pinakaimportanteng dahilan kung bakit Pilipinong-

pilipino ang CR, ay dahil sa tabo. Ang tabo ang spesyal na gamit pag hinuhugasan ang labasan

Page 16: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

16

ng dumi pagkatapos magdumi, dahil hindi sapat ang tissue paper lamang. Kahit ano ay pwede

maging tabo: platstik na lalagyan, pitsel o coffe dispenser. Ang karaniwang disenyo ng tabo ay

ang may hawakan. Maliban sa tabo, ginagamit din ng mga Pilipino ang kanilang kamay at sabon

para siguraduhing malinis ang labasan ng dumi. Para makatipid ang mga pampublikong CR, ang

mga nasa loob lamang ay ang tabo at tubig at dapat pinupuno ng tubig ang tabo bago pumasok sa

cubicle. Ang dahilan ay para makatipid sa tissue paper. Ang tissue paper ay binibili bago

pumasok. Kung susuriin, matatawag na eco-friendly ang mga Pilipino dahil ayaw nilang

magsyang ng tissue paper. Ang tubig kasi ay pupupunta pa sa drainage at pwedeng gamitin ulit.

Makikita din sa loob ng karaniwang CR na nililiguan ang isang bato. Ang batong ito ay para

matanggal ng mas maigi ang dumi sa balat ang nakakaputi ng balat. Pati malamig na tubig ang

gamit para mabilis ang pagligo at hindi nakakasyang ng tubig habang naliligo. Sa pagkabata,

halos lahat ay dumadaan sa tabo training. Ito ang sumasanay sa mga batang Pilipino na matutong

gumamit ng tabo mag-isa. Ito ang unang responsibilidad na binibigay sa mga bata, pati upang

maging disiplinado.

Pagdating naman sa paglalakbay, ipinagmalaki din ni Bustos ang ang pamamaraan ng

mga Pilipino pag dating sa paglalakbay sa videong Filipino Traveller Tutorial by Mikey Bustos

at pinasilip ang wildlife sa Pilipinas sa video niyang Filipino Wildlife Tutorial by Mikey Bustos.

Sa Filipino Traveller Tutorial by Mikey Bustos, pinakita ang mga gawain ng mga Pilipino

pagdating sa paglalakbay. Sa simula ay sinabi ni Bustos na ang mga Pilipino ay nasa proseso na

ng pagsakop sa buong mundo, na ang Pilipino ang super race at ang mga Pilipino ay kahit saan

lamang. May katotohanan ang mga sinabi niyang ito dahil madami na sa mga Pilipino ang

nangingibang bansa para magtrabaho o para manirahan sa iabng bansa dahil may napangasawang

dayuhan o dahil gusto lang mag-migrate. Nakakalat na sa buong mundo ang mga Pilipino.

Page 17: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

17

Ngunit kahit nagkahiwaly-hiwalay na, sinabi ni Bustos na malakas parin koneksyon ng bawat

Pilipino kahit nagkakalyo. Kahit malayo ang mga Pilipino sa isa’t isa, maayos parin na na

napapahiwatig ang nasyonalismo ng Pilipino sa pamamagitan ng internet. Kung sakali mang

naglalakbay sa dayuhang lugar, ang unang paraan para makilala ang mga Pilipino ay sa paraan

ng paggamit ng ‘psst…’ Kahit sinong Pilipino ay lilingon sa pagkakarinig nito dahil it ay isang

uri ng pagtawag ng atensyon ng mga Pilipino. Kapag ang magtatanong ng direksyon sa mga

Pilipino, mahilig ang mga pilipinong tumuro gamit ang kanilang mga labi. Hindi mapagkakaila

na kung ang paraan ng pagturo ng direksyon ay sa labi, isang Pilipino. Sa paglalakbay,

masisiguro na merong mga litratong kukunin, pero ang mga Pilipino ay wagas kung

makapagkuha ng litrato, lalong-lalo na pag dating sa destinasyon, upang siguraduhin na nakaabot

sila ng maayos. Ang mga Pilipino ay parating konektado sa isa’t isa dahil mahilig

makipagkuwento at magbahagi ng mga litrato. Kapag nalalayo sa Pilipinas, babalik at babalik

din dahil sa pagamamahal nila sa inang bayan. Kahit ang gma katulad ni Bustos, mga Pilipino na

pinanganak at pinalaki sa ibang bansa, ay gugustuhin na bumalik o kahit makabisita sa Pilipinas.

Pagkatapos pagusapan ni Bustos ang gma Pilipino at paano sila maglakbay, pinausapan niya sa

videong Filipino Wildlife Tutorial by Mikey Bustos ang kagandahan ng Pilipinas bilang isang

lugar na paglalakbayan. Pinakita niya ang ilan sa mg mga kakaibang mga hayop na matatagpuan

sa Pilipinas. Sinabi ni Bustos na nag Pilipinas ay puno ng kakaibang uri ng mga hayop. Ilang

lang sa mga pinakita niya ang mga ibon, mga unggoy, mga paniki, ang malalaki nitong mga

daga, mga langgan nito, ang napakalaking mga ipis at ang madaming mosquito. Ang pinakita

niya ay halos yung mga nakakayamot na mga hayop tulad ng ipis, langgam at mosquitos. Ang

dahilan ay ang mga Pilipini ay mahilig sa mga hayop. Pinepresenta parin ni Bustos ang mga

hayop sa dahilan na ang mga hayop totoong nakakaiba. Sinasabi ng dalawang mga video na ito

Page 18: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

18

na kahit sa Pilipinas o sa ibang bansa, basta’t may Pilipino, lalalabas din ang pagiging tunay na

Pilipino at mag papakita ng nasyonalismo, sa internet man o sa aktawl na mundo.

Pagdating sa kakatakutan, hindi nagpapatalo ang mga Pilipino, sa Filipino Mythical

Creatures Tutorial by Mikey Bustos, pinakita ni Bustos ang iba sa mga mythical creatures ng

Pilipinas. Ang dahilan ng mayamang kultura ng Pilipino sa mga mythical creatures ay dahil ang

nawawalng siyudad ng Lemuria ay matatagpuan sa Pilipinas. Ang moomoo ay ginagamit

pangtakot sa mga bata tuwing nagiging makulit sila. Hindi alam kung anu ang itsura ng mga

moomoo, pero ayon kay Bustos, dahil sa nakakatakot ng pamamaraan ng pagsabi ng kanyang

magulang tungkol sa moomoo, tiyak na ito ay nakakatakot. Nauugnay sa moomoo ang aswang,

ito ang kumakain ng mga hind sanggol sa tiyan ng mga ina. Ang sunod ay ang sirena, na isang

kakaibang nilalang na may buntot ng isda at katawan ng tao, na nangangain ng ibang tao.

Kuwento ni Bustos, habang nanunuod ng Little Mermaid, akala niya ito ay isang horror movie.

Sa isang typical na batang Pilipino na namulat sa mga ganitong kwento tungkol sa mga sirena ay

maiisip niya rin na nakakatakot ang Little Mermaid. Meron tanyag na duwende na naninirahan sa

mga paahan ng puno. Ang mga duwende ay pwede maging mabait at pwede maging masama,

depende sa pagtrato sa kanila ng mga normal na tao. Hindi na naman isang magandang karansan

ang Snow White and the Seven Dwarfs para kay Bustos. At siyempre, ang pinakapopular na

mythical creature sa Pilipinas ay ang white lady, na parating nakikita sa ilalim ng mga puno ng

balete. Maliban sa mga nilalang na ito, madami pang mga mythical creatures ang Pilipinas.

Ang bawat video na nabanggit at nasuri ay nagpapakita ng mga gawain, kultura at mga

katangiang Pilipino, ang mga susunod na mga videong ay mga video na ang pokus ay ang mga

kabutihan ng mga Pilipino. Pinapakita sa Traditional Filipino Courting Tutorial by Mikey Bustos

ang pagiging mapagmahal at matiyaga. Madami pang ibang mga kagandahang asal ang makikita

Page 19: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

19

sa video ngunit nakadiin sa dalawang katangiang nabanggit ang video. Kinumpara ni Bustos ang

panliligaw ng mga Pilipino sa panliligaw na ginagawa ng mga taong napagmamasdan niya sa

mga bar sa Canada, sa Canada, mabilis lang ang proseso ng pagkakaroon ng nobya at mataas ng

posibilidad ng pagtanggi ng mga babae. Sabi ni Bustos, masyadong mabilis ang mga pangyayari

pag dating sa panliligaw sa Canada, kaya niya ipinagmalaki ang istilo ng panliligaw ng mga

Pilipino. Pinaliwanag ni Bustos na matagal at galante ang proseso ng panliligaw at mataas ang

posibilidad na hindi tanggihan ng babae. Ito daw ay binubuo ng tatlong yugt: Teasing Phase,

Serious Stage at Physical Union. Sa Teasing Phase, ito yung parte ng panliligawan kung nasa

itnitatag ang koneksyon sa pagitan ng ng lalake at babae dahil sa panunukso galing sa grupo ng

lalake at grupo ng babae. Tumutulong ang mga kaibigan sa yugtong ito. Upang mapahiwatig ng

lalake ang interes sa babae ay mag bibigay siya ng expresyon ng pagkainteres, naging halimbawa

ni Bustos ang ‘beautiful eyes’. Kapag di pinansin ng babae ang epresyon ng lalake, sabi ni

Bustos, wag mag-aalala dahil hindi ito pagtanggi ng babae, dahil wala pa namang kahit anung

relasyon na namumuo, tinatatag lamang ang interes ng lalake sa babae. Ngunit pag tinanggap ng

babae ang pagpaparamdam ng lalake, ang babae naman ang magbibigay ng expresyon ng pagka-

interesado. Ang pangalawang yugto, o ang Serious Stage ang pinakamatagal. Sa yugtong ito,

naitatag na ang interes ng lalake at babae sa isa’t isa. Ngunit di pa pwedeng manligaw ang lalake

dahil kelangan pa niyang tiyakin na pumapayag na ang babae na manligaw ang lalake, may mga

kaso kasi na nagkakagusto ang lalake at babae sa isa’t isa ngunit hanggang gusto lang, hindi

gusto ng babae na manligaw ang lalake. Sa ganitong situasyon, pumapasok ang isang human

bridge o mutual friend. Ang mutual friend ang magkukumpirma sa tunay na nararamdaman ng

babae. Lalabas ang tatlo at magpapanggap na pupunta ng CR ang lalake, dito na magtatanong

ang mutual friend. Kapag hindi pumayag ang babae, hindi ito pagtanggi dahil hindi pa naman

Page 20: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

20

nanliligaw ang lalake sa babae, kapag pumayag ang babae, tuloy na ang panliligaw, ngunit may

dalawa pang taong kelangan pagdaanan ang lalake: ang mga magulang ng babae. Ang lalake ang

magpapakilala sa sarili niya sa unang pagkikita sa mga magulang ng babae at magtatanong kung

pwede bang manligaw. Ngayon, paano kung hindi pumayag ang mga magulang? Hindi na ito

mangyayari dahil kung hindi pumapayag ang mga magulang, hanggang dun lang ang lalake sa

parte kung saan nagtanong si mutual friend sa babae. Ang gamit ng pagpapakilala ay paraan ng

paggalang at pasasalamat ng lalake sa magulang ng bababe sa oportunidad na ligawan ang anak

nilang babae. Sa mga sususnod na bisita ng lalake ay magtatanong muna ang mutual friend, na

pati magulang ng babae ay kilala siya, kung pwede ng bumisita. Kada bisita ay may dalang mga

pasalubong o mga regalo. Sa parte ng yugtong ito, magiging pakipot na ang babae, normal ito

para subukin ang pagmamahal ng lalake sa babae. Panlabas lang naman ang pagiging pakipot,

pero hindi parin maitatago ang tunay na nararamdaman. Mahaba ang ligawan bago maging

magnobya ang dalawa. Kung may plano ng magpakasal ang dalawa, ang babae naman ang

ipakikilala ng lalake sa kanyang mga magulang upang tanggapin ang babae na magiging parte na

nag pamilya ng lalake. Magkikita naman pagkatapos ang mga magulang ng lalake at babae

upang pag-usapan ang mga bagay-bagay, na sa huli ay patungo sa huling stage, ang Physical

Union. Ang Physical Union ang yugto matapos ang kasal. Pinagmalaki ni Bustos na mas exciting

at mas gratifying ang paraan ng panliligaw ng mga Pilipino dahil matagal nabubuo ang relasyon

at mas matibay ang nagiging samahan ng lalake at babae. Sa videong Mikey Bustos Pinoy

Lessons -Filipino Politeness-, pinakita ang pagsisikap ng mga Pilipino na maging magalang sa

ibang tao. Ang pagiging magalang ng mga Pilipino ay galing sa ‘hiya’ ng mga Pilipino. Ang

‘hiya’ ay ang pagiging mahiyain ng mga Pilipino, ito ang naging basehan ng pagiging magalang

ng mga Pilipino dahil nahihiya ang mga Pilipino na lamangan ang kapwa kaya nagiging

Page 21: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

21

magalang ang mga Pilipino. Binigay na halimbawa ni Bustos ay sa tuwing bibigyan ang mga

Pilipino ng pagkain, karamihan ng Pilipino ay magiging magalang at mahihiyang humingi. Wala

namang mali kung kumuha, dahil nagiging magalang din naman ang nagbibigay ng pagkain

dahil nahihiya siyang kumain habang ang mga katabi ay walang pagkain. Kilala pati ang mga

Pilipino sa pagiging mas magalang at pagpapakita ng respeto sa mga nakakatanda. Sa Mikey

Bustos Pinoy Lessons -Respect For Elders- pinakita na may mga paraan ang mga Pilipino upang

magpakita ng rspeto sa mga nakakatanda. Ang pagmamano po ay isang gawain ng mga Pilipino

kung saan ang kamay ng nakakatanda ay nilalagay sa noo ng nakakabata. Ang pag mano po ay

impluensya ng Espanya sa Pilipinas, ito ang paraan ng pagrespeto ng mga Pilipino sa mga pari,

ngunit sa halip na ilagay ang kamay sa noo ay hinahalikan ang kamay. Merong tinatawag na ‘po’

at ‘opo’ ang mga Pilipino. Dinadagdag ang ‘po’ sa mga pangungusap upang ipahiwatig na

nagbibigay respeto sa kinakausap na nakakatanda. Ang halimabawa ay ang: kumain na po ba

kayo? Ang ‘opo’ naman ang kombinasyon ng ‘oo’ at ‘po’ at isang uri ng pagtugon o pagsang-

ayon sa sinasabi ng nakakatanda. Merong kakaibang paraan ng pananalita ang mga Pilipino ng

pagtawag sa mga kaibigan ng kanilang mga magulang, ang paggamit ng tito at tita. Kahit hindi

kamag-anak, sanay na sanay ang mga Pilipino na tinatawag na tito, ang mga kaibagang lalake, at

tita, ang mga kaibigang babae, ng mga magulang, para ipakita ang respeto. Ipinagmalaki ni

Bustos ang pamamaraan na ito dahil sa Amerika, gamit ang unang pangalan ang pagtawag at

pagusap nila sa mga nakakatanda sa kanila. Taglay na mahiyain ang mga Pilipino, na nabanggit

na sa pagpapaliwanag ng Mikey Bustos Pinoy Lessons -Filipino Politeness-, sa Filipino

Receiving Compliments Tutorial by Mikey Bustos, pinakita ang mas mahiyain at medyo hindi

mahiyaing imahe ng mga Pilipino. Pinaliwanag ni Bustos na mapagkumbaba ang mga Pilipino,

at nahihiya kapag pinupuri ang good looks, natural talent at innate intellect ng mga Pilipino o sa

Page 22: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

22

halos lahat ng uri ng papuri. Nahihya man ang mga Pilipinong makakuha papuri, sa loob-looban

ay gustong-gusto nilang makauha at mas lalong gusto nilang magbigay ng mga papuri. Ang mga

Pilipino ay may matalas na mata na nakakakita ng mga pagbabago sa mga kapwa Pilipino, kaya

agad nakakakita ng pwedeng ipuri. Pinagmamali din natin ang kwento ng pagtagumpay ng mga

Pilipino sa buong mundo. Ngunit pag binigyan na ng mga papuri ay pinapalitan ang pinag-

uusapan upang balewalain ang papuri o pinapasa sa ibang tao, ang ibang naman ay

nagpapanggap na bingi o di pinapansin ang papuri upang ulit-ulitin ng pagsabi. May gawain din

ang mga Pilipino na nagpapalitan ng mga papuri o ang yoyo method, nagiging walang katapusan

ang palitan hanggang makabigay ng tinatawag na super combo na paupri na mahirap ibalik sa

kausap. Merong tinawag na negation technique kung saan magbibigay ang pinupuri ng

masamang komento tungko sa papuri sa kanya. Halimbawa ni Bustos ay nang pinuri ang isang

lalake na lumabas sa pahayagan, ang naging komento ng lalake ay kung gaano siya kapangit din

sa litrato. Bihira lamang tumanggap ng mga papuri ang mga Pilipino at minsan pinapataas nila

ang lebel ng papuri at ginagawang biro.

Ang pagiging aktibo ni Bustos sa YouTube at sa internet ang nagtaguyod ng

nasyonalismong Pilipino sa internet. Ang mga video ni ang nagsisilbing basehan ng mga Pilipino

bilang halimbawa ng nasyonalismo. Kahit madaming mga negatibong komento, nagtaguyod

parin ang Pilipinong nasyonalismo sa internet dahil pinagtanggol ng mga Pilipino ang sarili nila

sa mga negatibong komento. Hindi naman perpekto ang global village kaya hindi maiiwasan ang

diskriminasyon. Sa ganun pa man, nanatiling matatag ang nasyonalismo ng Pilipino sa internet.

Page 23: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

23

ENDNOTES

1 Advanced Research Projects Agency Network

2NetWare Core Protocol

3 Transmission Control Protocol/Internet Protocol

4Ito ay network ng mga computer na ginagamit sa mga Bulletin Board System

5Ang direktang pagsalin nito sa ingles ay Patriotism. Ito ay hindi magkatulad sa

nasyonalismo.

6Ang tinutukoy na global village ay ang internet bilang isang komunidad

Page 24: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

24

BIBLIOGRAPIYA

"Asia Internet Usage Stats Facebook and Population Statistics." Asia Internet Usage Stats

Facebook and Population Statistics. Miniwatts Marketing Group, 31 Dis. 2011.

Web. 11 Set. 2012. <http://www.internetworldstats.com/stats3.htm>.

"The Nationalism Project: Ernest Renan Defining the Nation." The Nationalism Project:

Ernest Renan Defining the Nation. Ed. Eric G. E. Zuelow. N.p., n.d. Web. 11 Set.

2012. <http://www.nationalismproject.org/what/renan.htm>.

Atienza, Bea. "Philippines - Digital Statistics." Philippines - Digital Statistics. N.p., 18

Mayo 2010. Web. 11 Set. 2012. <http://www.slideshare.net/beaa/philippines-

digital-statistics-4142217>.

Austin, Jean. "The Evolution of the Internet in the Philippines." Scienceray. N.p., 21 Hul.

2007. Web. 11 Set. 2012. <http://scienceray.com/technology/information/the-

evolution-of-the-internet-in-the-philippines/>.

Constantino, Letizia R. "What Is Nationalism?" Issues without Tears: A Layman's

Manual of Current Issues. Vol. 2. Quezon City, Philippines: Karrel, 1984. 1-6.

Print.

Delos Santos, Andres. "Nationalism and Patriotism." Lecture. Norby's Site-NSTP Notes.

19 Abr. 2011. Web. 11 Set. 2012.

<http://images.norbybautista.multiply.multiplycontent.com/attachment/0/

Ta49DQooCzkAACj4UU1/Lesson%208%20Nationalism.pdf?

key=norbybautista:journal:20&nmid=436309148>.

Page 25: Nasyonalismo ng mga Pilipino sa YouTube

25

Eriksen, Thomas H. "Nations in Cyberspace." Lecture. London School of Economics. 27

Mar. 2006. Nations and Nationalism. Web. 11 Set. 2012.

<http://tamilnation.co/selfdetermination/nation/erikson.htm>.

Filipino Tutorial Series With Mikey Bustos. Dir. Mikey Bustos. Perf. Mikey

Bustos.YouTube. MikeyBustosVidoes, 25 Peb. 2011. Web. 11 Set. 2012.

<http://www.youtube.com/playlist?list=PL9B438671956F1B53>.

Gellner, Ernest. "Definitions." Nations and Nationalism. 6th ed. Ithaca, New York:

Cornell University Press, 1983. 1-7. Boston Colleges Library, 2006. Web. 11 Set.

2012. <http://digilib.bc.edu/reserves/po400/chris/po40003.pdf>.

Leiner, Barry M., Vinton G. Cerf, David D. Clark, Robert E. Kahn, Leonard Kleinrock,

Daniel C. Lynch, Jon Postel, Lawrence G. Roberts, and Stephen Wolff. "A Brief

History of the Internet." A Brief History of the Internet. N.p., 23 Ene. 1999. Web.

11 Set. 2012. <http://arxiv.org/html/cs/9901011v1/>.

Sanger, Steve. "Youtube Success Story. How Did It Happen?" Web log post. Youtube

Success Story. How Did It Happen? N.p., 15 Hul. 2008. Web. 11 Set. 2012.

<http://www.worldtvpc.com/blog/youtube-success-story-how-did-it-happen/>.

Tolentino, Roland B. "Aga Muhlach at Ang Wholesome Na Pakete." Richard Gomez at

Ang Mito Ng Pagkalalake, Sharon Cuneta at Ang Perpetwal Na Birhen at Iba

Pang Sanaysay Ukol Sa Bida Sa Pelikula Bilang Kultural Na Texto. Pasig City,

Philippines: Anvil, 2000. 49-61. Print.