new ppt balagtasan

16
Balagtas an

Upload: ako-si-benson

Post on 19-Apr-2015

1.263 views

Category:

Documents


256 download

TRANSCRIPT

Page 1: New Ppt Balagtasan

Balagtasan

Page 2: New Ppt Balagtasan

Ano ba ang Balagtasan at Saan ito

nagmula?

Page 3: New Ppt Balagtasan

Kahulugan ng Balagtasan

•Isang masining na pagtatalo sa isang masining na pamaraan.

•Kinapapalooban ng mga pangangatwiran sa anyong patula.

Page 4: New Ppt Balagtasan

Paano naging sining ang Balagtasan?• Itinuturing na sining ang balagtasan dahil sa masining na paraan ng pagbigkas .

•Ang kumpas ng mga kamay at ekspresyon ng mukha.

• Ang paraang ginagawa habang nagpapalitan ng matuwid.

Page 5: New Ppt Balagtasan

“Ang Pinagmulan ng Balagtasan “

Galing sa orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar,ang Balagtas

Nabuo ito sa panahong ipagdiriwang ang anibersaryo ng kanyang kapanganakan..

Page 6: New Ppt Balagtasan

• Abril 6, 1924 apat na araw pagkatapos ipagdiwang ang Araw ni Balagtas ay ginanap ang kauna-unahang balagtasan.

• Isang pagtatalong may iskrip na inihanda ang bawat sasabihin ng tagapamagitan at ng dalawang magtatalo. Ito ay nasa paraang patula.

Maikling Kasaysayan ng Balagtasan

Page 7: New Ppt Balagtasan

• Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute) at Florentino Collantes( Kuntil- Butil) ang kauna-unahang mambabalagtas .

• Oktubre 18,1925 naganap ang balagtasan sa Olympic Stadium sa Maynila.

•Si Jose Corazon de Jesus ang hinirang na kauna-unahang hari ng balagtasan.

Maikling Kasaysayan ng Balagtasan

Page 8: New Ppt Balagtasan

“Ang Balagtasan sa iba pang wika sa Pilipinas “

Bukanegan – ng mga Ilokano hango sa apelyedo ng makatang Ilokano na si Pedro Bukaneg

• Crisotan- ng mga Pampango hango sa makatang si Juan Crisostomo Soto.

• Batutian – na hango kay Huseng Batute na sagisag ni Jose Corazon de Jesus. Ito’y nagtataglay ng pagpapaigting ng tudyuhan at pagmamayabang ng mga nagtatalong makata.

Page 9: New Ppt Balagtasan

Ang Layunin ng Balagtasan

• Makapagbahagi ng kaisipan.

• Makapagbigay-aliw sa tagapakinig o manonood

• Malinang ang kahusayan nila sa pagbigkas.

• Mapatalas ang kanilang diwa sa maagap na pagtugon sa paraang patula

Page 10: New Ppt Balagtasan

Ang Ilang maaring paksa ng Balagtasan sa Kasalukuyan

Mga isyu:

Cellphone para sa mga mag- aaral- Dapat ba o hindi dapat magkaroon ang isang mag- aaral ng cellphone?

Puso o Isip – Ano ba ang dapat gamitin ng isang tao sa kanyang pagpili ng taong kanyang mamahalin?

Page 11: New Ppt Balagtasan

Ang Paksa ng Balagtasan

Aral at Ligaw- Dapat ba o Hindi Dapat na isabay ang panliligaw sa pag-aaral?

Babae ang Magtatapat- Dapat ba o Hindi Dapat na ang babae ang manligaw sa lalaking kanyang minamahal?

Matalino vs. Mayaman- Sino ang mas sikat at dapat na hangaan ang Matalino o Mayaman.

Page 12: New Ppt Balagtasan

Ang Bumubuo ng Balagtasan

Ang balagtasan ay binubuo ng isang Lakandiwa (nasa

gitna) at dalawang mambibigkas na

pagtatalunan ang isang paksa.

Page 13: New Ppt Balagtasan

Ang Pamaraan ng Pagtatanghal ng

Balagtasan

•Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig.

• May mga hurado na magsisiyasat kung sino kung sino sa kanila ang panalo o ang may mas makabuluhang pangangatwiran.

Page 14: New Ppt Balagtasan

Mga Katungkulan ng mga Mambabalagtas LAKANDIWA- ang siyang

tagapamamagitan sa dalawang magtatalo.

Iba pang katungkulan ng lakandiwa:

1. Unang magsasalita at babati sa mga tagapakinig at tagapanood.

2. Ang pormal na magbubukas ng balagtasan

3. Ang magpapakilala sa dalawang magtatalo

4. Ang magbibigay ng desisyon kung sino ang magwawagi

5. Ang magpipinid ng balagtasan

Page 15: New Ppt Balagtasan

Mga Katungkulan ng mga Mambabalagtas

Ang dalawang nagtatalo:

. . . ay kailangang magharap ng mga ebidensya at magpaliwanag

nang buong husay upang makumbinsi nila ang Lakandiwa

na sa kanila pumanig.

Page 16: New Ppt Balagtasan

WAKAS!!