ngasinaunangsibilisasyon-130521073633-phpapp01

87
MGA SINAUNANG SIBILISASYON

Upload: febz-canutab

Post on 14-Sep-2015

83 views

Category:

Documents


9 download

DESCRIPTION

free

TRANSCRIPT

NGA SINAUNANG SIBILISASYON

MGA SINAUNANG SIBILISASYONAng R e b o l u s y o n g N e o l I t I k o ang naging dahilan ng malaking pagbabago sa estilo ng pamumuhay ng mga tao.Mula sa pangangaso ng mga hayop at pag-iipon ng mga prutas natuto ang mga tao na magtanim.Sa kaalaman sa A g r I k u lt u r a nagmula ang ibat ibang uri ng pagbabago sa daigdig.Dahil sa Agrikultura yumabong ang mga grupo tungo sa pagiging isang sibilisasyon.Ang S I b I l I s a s y o n ay isang mataas na uri ng lipunan kung saan may pagkakabaha-bahagi ang mga gawain.Karamihan sa mga Sibilisasyon ay nabuo sa tabing ilog. MGA SINAUNANG SIBILISASYON SA MESOPOTAMIASa A s y a unang umusbong ang mga unang Sibilisasyon partikular na ang pinakamatanda sa mga ito -- ang mga sibilisasyon sa M e s o p o t a m i a . isang malaking rehiyon sa pagitan ng ilog Tigris at Euphrates.Ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain sa pagitan ng dalawang ilog. Sa lugar na ito unang tumubo ang sibilisasyon kung kaya t tinawag din itong Kubkuban ng Sibilisasyon Ang malalaki at sinaunang sibilisasyon ay dito umusbong.Mapa ng Mesopotamia

ANG MGA SUMERIANAng unang grupo na naninirahan sa Mesopotamia noong 4000 B.C.Sila ay nanggaling sa mga bundok sa hilagang-silangan na ngayon ay I r a n at naninirahan sa bahagi ng Mesopotmia na ngayon ay I r a q.Sila ay naharap sa isang malupit na kalagayan at klima. Hinarap nila ito at ginawan ng paraan. gumawa sila ng dike at kanal upang magsilbing puntahan ng tubig.Ginamit din nila ang tubig ng ilog upang matustusan ng panubig ng kanilang pananim.

Nagtayo sila ng mga lungsod estado na may sariling pamumuno at kalayaan.

Pinamumunuan ito ng mga haring-pari na may kapangyarihang espiritwal at pulitikal.

Ang kanilang mga bahay , palasyo at templo ay yari sa mga bloke ng luwad o clay na pinatuyo.

Z I g g u r a t ang tawag sa mga templo na ipinatayo nila sa paraang piramide.

Ang mga lungsod estado nila ay naging sentro ng sibilisasyon sa rehiyon.

Nakabuo sila ng sistema ng p a g s u s u l a t.Z I G G U R A T

C U N E I F O R M -> Ang sistema ng pagsusulat na naimbento ng mga Sumerian.Sa mga tabletang luwad nila itinala ang mga trasaksiyong pangnegosyo sa pagtatalang ito nagsimula ang isinulat na kasaysayan ng tao.Pinapahalagahan din nila ang edukasyon.Pangunahing itinuturo nila ay ang pagsusulat upang ang mga ito ay maging tagatala ng mga pangyayari sa kanilang lungsod estado.Sila rin ang unang bumuo ng unang mga aklat ng kasaysayan , tula at mga kwento.Dahil walang iisang lider ang maraming lungsod estado ay nagkaroon ng pagtatalo na nauwi sa digmaan nasiyang nagpahina sa kanila.C U N E I F O R M

ANG IMPERYO NG AKKADIAHabang humihina ang mga lungsod estado ng mga Sumerian ay unti-unti namang lumalakas ang katabi nito ang kaharian ng Akkadia.Ito ay pinamumunuan ni haring S a r g o n .2300B.C. ay sinakop niya ang mga Sumerian.Napagkaisa niya ang ang mga lungsod estado at lumawak ang kanyang imperyo mula Golpo ng Persia hanggan Dagat Mediterranean.Sentralisado ang pamahalan ni Sargon.S A R G O N

Kalaunan ay tinanggap at ginaya nila ang sistemang Sumerian sa edukasyon , teknolohiya , literatura at paniniwalang panrelihiyon.Sa pagkamatay ni Sargon ay pawang mahihina na mga lider ang pumalit sa kanya.Di nagtagal ang imperyo umabot lamang ito ng 150 taon.Muling nalugmok sa kaguluhan ang imperyo dahil sa kawalan ng isang malakas na lider. ANG KAHARIAN NG BABYLONIASa pagpasok ng 2000B.C. ay sinakop ng mga simitikong taga Syria ang Mesopotamia.BABYLON -> ginawa nilang kabisera ng kanilang kaharian.SUMULABUM -> ang unang naging hari nitoH A M M U R A B I Ikaanim na hari ng Babylonia noong 1792B.C.Pinalawak niya ang teritoryo ng kaharian sa pamagitan ng pananakop ng mga teritoryo sa paligid nito.Dahil dito naging isang imperyo ang Babylonia sa pamumuno ni Hammurabi.

H A M M U R A B I

Naging isang mabuting pinuno si Hammurabi sa kanyang nasasakupan.Hindi niya pinakialaamanang mga umiiral na sistemang panrelihiyon at tradisyon ng mga taga Mesopotamia.Nakipagkalakalan din siya sa mga karatig kaharian.Sinuportahan din niya ang sining at literatura.Pinakamainam at pinakatanyag na nagawa ni Hammurabi ay pagtipon, pagkolekta , pag-organisa at pagsulat ng mga batas na kikilalanin at sundin ng kanyang mga nasasakupan.Ang mga batas na ito ay nakilala bilang Koda ng Batas ni Hammurabi na nakasulat sa isang malaking tipak na bato na may habang higit sa dalawang metro. Dahil dito kinilala siya bilang Dakilang Tagapagbigay ng Batas sa BabyloniaAng batas na ito ay mayroong higit sa 280 ang bilang.Tumutukoy ito sa lahat ng aspeto ng pamumuhay ng mga Babylonian mula sa krimen , pagnenegosyo, relihiyon , pag-aasawa , pag-aari ng mga gamit at lupa , at iba pang aspeto.Ito ay may prinsipyong mata sa mata o ngipin sa ngipin KODA NG BATAS NI HAMMURABI

ANG IMPERYONG ASSYRIANSa pagkamatay ni Hammurabi ay humina ang kaharian ng Babylonia at bumagsak noong 1370B.C. sa kamay ng mga Assyrian.Ang mga ito ay magigting na mandirigma na gumamit ng kakaibang taktika at estilo sa pakikipaglaban.Gumamit sila ng karwahe na hinihila ng kabayo at sandatang bakal.Tiglath-Pileser ->isang magiting na lider noong 1115B.C. sinakop niya ang Babylonia , Syria at Phoenicia at ginawa niyang Imperyo ang Assyria.Tiglath-Pileser III -> lalong lumawak ang teritoryo ng Assyria sa kanyang pamumuno.Idinagdag niya ang Armenia at Ehipto sa kanyang tertoryo.A S H U R B A N P A L -> HULING HARI NG MGA ASSYRIAN NA NAGTATAG NG PINAKAUNANG AKLATAN SA KASAYSAYAN. Gayunman tulad ng mga naunang Imperyo t kaharian ay bumagsak din ito sa kamay ng ibang mananakop.

T I G L A T H P I L E S E R III

A S H U R B A N I P A L

AKLATAN NI ASHURBANIPAL

ANG IMPERYONG CHALDEANSa pagsapit ng 700B.C. ay bumagsak ang mga Assyrian sa kamay ng mga C h a l d e a n grupong semitiko mula sa Arabia.N e b u c h a n e z z a r -> ang namuno sa Imperyo noong 604 B.C. at higit niya itong pinalawak.Sinakop niya ang Jerusalem , Syria at Ehipto.Ipinatayo niya ang Hanging Gardens of BabylonNa naging isa sa pitong kamanghaan ng daigdig. Sa pagkamatay ni Nebuchadnezzar bumagsak ang imperyo sa mga mananakop mula sa Persia.N E B U C H A D N E Z Z A R

HANGING GARDENS OF BABYLON

MGA KONTRIBUSYON NG MESOPOTAMIA SA SIBILISASYON SISTEMA NG PAGSUSULATSila ang nakaimbento ng unang sistema ng pagusulat . C U N E I F O R M Iniukit nila sa tabletang bato ang mga simbolo.Ginamit ito ng mga ibat ibang sibilisasyon sa Mesopotamia.2. MGA MAGAGARANG GAWA NG ARKITEKTURAAng kanilang magagarang gawang sining ay makikita sa kanilang mga aklatan , hardin , templo , paaralan , palasyo at iba pang istruktura.Z I G G U R A T HANGING GARDENS OF BABYLONAklatan ni ashurbanipal3. PAGKAKALOOB NG ISANG SISTEMA NG BATAS AT KATUTURANMakikita ito sa pagkakaroon nila ng mga batas tulad ng KODA NG BATAS NI HAMMURABI4. PAG-UNLAD NG AGRIKULTURAHigit nilang napaunlad ang Agrikultura sa pagka-imbento ng araro na nakapagpabilis at nagpaunlad sa sistema ng pagtatanim sa bukid.

Paggawa ng kanal na daluyan ng tubig tungo sa kanilang mga pananim.5. PAGSULONG SA TAKTIKA AT SISTEMANG MILITARAng kanilang paggamit ng Moog o Fortrees . karwaheng pandigma ay nakapagpataas ng antas ng taktika at sistemang militar.6. KATANGI-TANGING SISTEMA NG PANINIWALA AT RELIHIYONKabilang sa kanilang paniniwala ang maramihang diyos.Paniniwala sa Astrolohiya na pag-aaral ng Ugali at Tadhana ng mga tao gamit ang Zodiac signs. 7. GRUPO NG PANITIKANKinapalooban ito ng mga kuwentong epiko at mga kasabihan ng kanilang kultura.EPIKO NI GILGAMESH tumatalakay sa maalamat na bayani ng Mesopotamia na si Gilgamesh at kaibigan nitong si Enkido at isang malakihang pagbaha na tulad sa Bibliya.

MGA SINAUNANG SIBILISASYON SA INDUSIsa sa mga sinaunang sibilisasyon ay tumubo sa may bahagi ng subkontinente ng India.Noong una hindi pa nakakakita ng maraming ebidensiya ukol sa sibilisasyong ito.Nang lumaon ay nakatagpo sa lugar ng mga lumang bloke na nagpatunay ng pagkakaroon ng sibilisasyon sa lugar.Sa pagpatuloy na paghuhukay ay natuklasan ang maraming istruktura at tirahan ng isang sinaunang sibilisasyon ng mga tao.Dalawang lungsod ang natagpuan dito ang MOHENJO-DARO at HARAPPA.Harrapa

Mohenjo-Daro

SIMULA NG SIBILISASYONG INDUSNOMADSAng unang naninirahan sa Lambak ng Indus mula sa bahagi ng Sumeria.3000-2500B.CTinatayang mayroon ng malalaking komunidad sa lambak na ito sa kasalukuyang lugar ng Punjab,India.Ang lambak ay higit na pinagpala kaysa karatig lugar dahil sa suplay ng tubig mula sa Ilog Indus , putik na magagamit sa pagawa ng mga bloke at kahoy sa pagsusunog at pagpapatigas ng mga ito.

ARKITEKTURA AT PLANONG PANLUNGSODMataas ang antas ng arkitektura sa sibilisasyon ng Indus.Ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ay mayroon nang mga pader na pangharang sa mga kalaban at mababangis na hayop.Mayroong mga sistemang pangtrapiko ang mga daan at kalye at nahahati ang isang lungsod sa labindalawang malalaking bloke o lugar. Mayroong malaking pampublikong paliguan.KABAHAYANAng mga bahay dito ay kakikitaan ng mataas na antas ng teknolohiya.Ang pagkagawa nito ay itinutugma sa klima ng lugar.Ang mga bahay dito ay mayroong mga palikuran at mga napapalamutiang mga upuan.Mayroon ding sistema ng patubigan mula sa mga bahay tungo sa mga kanal sa mga kalye.MGA SELYO NG PANGANGALAKALIsa sa kahanga-hangang naiwan ng sibilisasyon sa Indus ay ang mga selyo ng pangangalakal.Ginagamit ito sa pagbigay tanda sa mga produkto.Mayroon itong ibat ibang larawan tulad ng disenyo ng baka at elepante.Ang mga inskripsiyon na nakaukit dito ay hindi pa rin nauunawaan ng mga arkeologo hanggang sa kasalukuyan.Selyo ng pangangalakal

PAGDATING NG MGA ARYANHindi malinaw kung ano ang dahilan ng pagbagsak ng sibilisasyon sa Lambak ng Indus.Sinasabi ng mga mananaliksik ay marahil isang malakas na lindol , pagbahang malakas sa Ilog Indus o kaya namay sa pagsalakay ng mga Aryan.Tunay na sumalakay ang mga Aryan ngunit hindi parin mapapatunayan kung sila ang dahilan ng pagbagsak ng sibilisasyon sa Indus.Ito ay dahil walang anumang paglaban na natanggap mula sa naninirahan dito. Ang mga Aryan ay galing sa bandang hilaga ng rehiyon.maputi ang kanilang mga balat at nagsasalita ng wikang tinatawag na Sanskrit.Nagtatag sila ng mga kaharian sa lugar na pinamumunuan ng mga hari.Sila ay mga magsasaka , mandirigma at mga mangangalakalSila ay sumasamba sa kalikasan tulad ng hayop ,ulap at langit.Naniniwala sila sa maraming diyos.Mula sa mga paniniwalang ito ay nabuo ang relihiyong Hinduismo na siyang pinakamalaking relihiyon sa India ngayon.Dito rin umusbong ang mga relihiyong Budismo at Jainismo.HINDUISMOIsa sa pinakamalaking relihiyon sa daigdig.Walang iisang tagapagtatag Sa pangkalahatan ang mga Hindu ay naniniwala sa isang kataas-taasang diyos na B h r a m a n.Si Bhraman ay isang dakila ngunit hindi personal na espirito. Ang mga tao , hayop , halaman at lahat ng mga nilikha ay galing kay B h r a m a n.Mayroon silang tatlong pangunahing diyos.B h r a m a n

MGA PANGUNAHING DIYOS NG HINDUBhrama ang tagalikha

Shiva ang tagawasak

Vishnu ang tagapanatili

ANG IBA PANG DIYOS NG MGA HINDUVaruna Diyos ng langit at tubig

Krishna nagkatawang taong diyos na si Vishnu

Hanuman ang diyos ng mga unggoy

Lakshmi diyosa ng kayamanan at kagandahan

Indra ang diyos ng kulog

Agni ang diyos ng apoy

MAHAHALAGANG KONSEPTO SA HINDUISMODHARMAAng tungkulin o responsibilidad ng isang tao na sundin ang kanyang nararapat na gawin ayon sa ibinigay na talento , estado sa buhay at kapalaran.Ang paghahanap ng katotohanan at kalinawan ay isang bahagi ng Dharma ng tao.Pagsinunod niya ang kanyang Dharma ay maaaring magresulta sa kanyang kaligtasan. K A R M A

Kabuuang pagkilos ng tao.Sa pagtira ng tao sa mundo ay maaari siyang makagawa ng masama o mabuti.Base sa kanyang karma ang tao ay maaaring bumalik sa katawan ng hayop , insekto o tao pa rin.

R E I N K A R N A S Y O N

Siklo ng kapanganakan at kamatayan.Dahil ang tao ay di kaya maging banal sa iisang buhay lamang ,kaya kailangan nilang bumalik muli.

Reinkarnasyon

Ang mga Hindu ay nagsagawa ng pagsamba sa mga templo at mga gawaing paglilinis-espiritwal tulad ng pagliligo sa Ilog Ganges.Gayun paman ay pinapahalagahan ng mga Hindu ang indibidwal na pagsamba.Ang kanilang mga panalangin ay hindi paghiling kundi pag-uulit ng pangalan ng kanilang mga diyos.V E D A S AT U P H A N I S H A D S itinuring na banal na kasulatan ng mga Hindu naglalaman ito ng mga awit at papuri sa kanilang mga diyos. mga katuruan at pagpapaliwanag ng mga ritwal.

RAMAYANA AT MAHABHARATA

naglalaman ito ng mga epiko. ang mga kwento ng mga ito ay ukol sa paglalaban ng kabutihan at kasamaan at pagtatagumpay ng kabutihan sa bandang huli.

BHAGAVAD - GITA

bahagi ng mahabharata na may kwento ukol sa isang digmaan kung saan tinanong ng isang mandirigma si Arjuna ukol sa buhay ni Krishna.

CASTE SYSTEM o URI NG LIPUNAN1. B H R A M I N kinabibilangan ng mga pari at iskolar2. K S H A T R I YA S kinabibilanga ng mga mandirigma at nobilidad.3. V A I S Y A S kinabibilangan ng mga mangangalakal , artisan at magsasaka.4. S U D R A S kinabibilangan ng mga tagasilbi o alipin.5 .HARIJAN o UNTOUCHABLES mga taong pinandidirian dahil sa kanilang uri.BUDISMORelihiyong lumitaw mula sa pagiging diskontento sa mga bahagi ng paniniwalang HINDUISMO.Galing kay Siddhartha Gautama ang mga prinsipyo at ideya ng Budismo na ipinanganak sa India noong ika-6 na siglo.Pangunahin sa pilosopiya ng Budismo ay ang pagsunod sa Apat na Dakilang Katotothanan ukol sa buhay.APAT NA DAKILANG KATOTOHANAN

Ang buhay ay puno ng pagdurusa.Ang sanhi ng pagdurusa ay ang pagnanasa.Maalis ang pagdurusa kung alisin ang pagnanasa.Maalis ang pagnanasa kung susunod sa Walong Tunguhin.

WALONG TUNGUHIN

1.Tamang pag-iisip2.Tamang pagkilos3. Tamang pananaw4. Tamang hanapbuhay5.Tamang intensyon6. Tamang pagkaunawa7.Tamang pagsasalita8.Tamang konsentrasyon

SINAUNANG SIBILISASYON SA TSINA

Ang sibilisasyong Tsino ay umusbong sa bahagi ng ilog Huang Ho.Pinamahalaan ito ng mga maalamat na hari ang sinaunang kasaysayan ng Tsina.Makikita dito ang tanda ng pagsulong ng sibilisasyon sa Agrikultura , Pakikidigma at matatandang Kalendaryo.Haring YuIsa sa huling hari sa panahong ito at ang kanyang tagapagmana ang nagtatag ng unang dinastiya sa Tsina ang Dinastiyang Xia(Hsia)

Dinastiyang Xia (Hsia)2000-1600B.C.Ang dinastiyang ito ang nagsilbing panahon ng transisyon mula sa panahon ng Bato tungo sa panahon ng Bronse.Makikita sa panahong ito ang pagsimula ng pagsusulat,paggamit ng metal,pagdodomestika at pagbuo ng sistemang pulitikal at panrelihiyon.Walang gaanong tala sa iba pang pangyayari sa panahong ito.Dinastiyang Shang(1570-1045B.C.)Ang dinastiyang ito ay kakikitaan ng isang malakas na monarkiya.Ang hari ay may absolutong kapangyarihan sa pulitika at relihiyon.Kinilala siya bilang pinuno na may kaalaman sa dibinasyon tulad ng panghuhula sa mangyayari sa hinaharap.Madalas na nakikidigma ang mga mamamayan ng Shang lalo na sa kalapit na kaharian at sibilisasyon.Malaki at malakas ang hukbo ng Dinastiyang Shang.Subalit ang gitnang bahagi lamang ng Tsina ang kontolado nila bagamat may impluwensya sila sa ibang bahagi ng rehiyon. Mahalaga ang papel ng hari ng Shang sa mga gawaing panrelihiyon.Gumamit na rin ang taga Shang ng isang paraan ng pagsusulat na siyang naging ugat ng sistemang pagsusulat sa kasalukuyan.Dahil ilang libo ang karakter na kailangan upang matutunan ang wikang ito kaya naging mahirap ito sa karaniwang tao.May ilan lamang ang gumugol ng panahon sa pag-aaral nito.Dinastiyang Zhou(1045-256B.C.)Ang Zhou ay isang probinsiya sa dinastiyang Shang na nag-alsa at tinalo ang Shang.Sa umpisa nakontrol ng Zhou ang kanilang nasasakupan.Ngunit nang lumaon mayroong mga probinsiya na nagrebelde at pinaalis sila.Lumipat ang Zhou sa Chengzhou ngunit humina ang kanilang impluwensya sa Tsina.Sa panahong ito nagkaroon ng malaking pag-unlad sa lipunan at kabuhayan ng mga taga-Zhou.Umunlad ang kagamitang pang-agrikultura , irigasyon , at pagmamay-ari ng lupa.Nagresulta ito sa pag-unlad ng kanilang ekonomiya at mga lungsod.Bagamat sa panahong ito ay totoong magulo ang pulitika at hindi sila nagkakaiasa nagkaroon naman ng pagbangon ng mga bagong ideya.Dahil sa dami ng ideya sa panahong ito tinawag itong Hundred School of Thoughts.Dalawang pinakamahalagang pilosopiya na umusbong sa panahong ito ay ang Confucianismo at Taoismo.CONFUCIANISMOPilosopiya na nagmula sa mga aral at ideya ni Kung Fu Tze o Confucius.(551-479B.C.)Pinahalagahan niya ang tradisyon at kaayusang panlipunan.Pinapahalagahan din niya ang: paggalang sa magulang at nakakatanda , pagiging makatao , pagkakaroon ng integridad o karangalan at pagsunod sa katungkulan.ANALECTSKompilasyon ng mga aral ni Confucius.MENCIUSIsa sa mga disipulo ni Confucius na nakatulong sa pagpakalat ng mga ideya ng Confucianismo.Sinabi niya na ang matapat na pinuno ay kinasiyahan ng Diyos.XUN ZINagpanukala na higit na epektibo ang isang awtoritaryan na pamahalaan.Binigyang diin niya ang halaga ng ritwal bilang bahagi lamang ng tradisyon at hindi dahil epektibo ito. TAOISMOAng katuruan ng pilosopiyang ito ay galing sa ideya ng dakilang gurong si Lao Tzu(matandang maestro)

DAO o TAO ang daan na dapat sundin o pakibagayan upang maging maayos ang buhay.Hinikayat ng Taoismo ang mga tao na hanapin ang sarili at makibagay sa kalikasan.DINASTIYANG QIN o CHIN (221-206B.C.)Ang unang dinastiya na nakapag-isa sa buong Tsina.Sa panahong ito sinunog ang mga aklat ng Confucianismo at hinulit pinatay ang maraming iskolar.Sa panahon ding ito inumpisahan ang pagpatayo ng dakilang pader sa Tsina.Noong 210B.C. maraming estado ang nag-aklas na siyang dahilan nhg pagbagsak ng dinastiyang Qin.Dito hinango ang pangalan ng Tsina dahil sa napag-isa nito ang malaking bahagi ng bansa.DINASTIYANG HAN (206B.C.-220A.D.)Binago ng dinastiyang ito ang sentralisadong pamahalaan ng Qin.Ibinalik nito ang mga ideya ng Confucianismosa pamamalakad ng pamahalaan.Nagtatag sila ng serbisyo sibil kung saan ang mga nagtatrabaho sa pamahalaan ay binigyan muna nhg pagsusulit.Sima Qian ang nagsulat ng mahabang kasaysayan ng Tsina.Ang papel at porselana ay naimbento sa panahong ito.Dahil sa hidwaan at korapsiyon sa gobyerno humina ang dinastiya at tuluyang bumagsak noong 220A.D.ANG SINAUNANG SIBILISASYON sa EHIPTOSIMULA NG SIBILISASYON SA EHIPTOTinatayang mula 8000-5000B.C. ay nagkaroon na ng maliliit na grupo at komunidad sa paligid ng ilog Nile.Sa paglaki ng populasyon ay nahati ito sa dalawang kaharian ang Mataas at Mababang Ehipto na kapwa may kanya-kanyang komunidad.MENES pinuno ng Mataas na Ehipto na sumakop sa Mababang Ehipto. napag-isa niya ang dalawang grupo sa iisang kaharian. siya ang naging unang hari ng sinaunang Ehipto. Binansagang Dinastiya 0 ang kanyang pamumuno.(3100-2920B.C.) Sa panahong ito nabuo ang istraktura ng estado sa Ehipto.namuno naman ang dinastiyang I at II noong 2920-2686 b.c. Sa panahong ito ay nabuo ng mga taga Ehipto ang araro at pagsusulat sa sistemang Hieroglyphics.

ANG LUMANG KAHARIANSa pagpasok ng dinastiyang III noong 2686B.C. ay dumating na ang Lumang Kaharian.Sa panahong ito nakabuo ang mga taga Ehipto ng isang matibay na pamahalang sentral.Nagpatayo sila ng napakaraming piramide sa sumunod na 500 taon.IMHOTEP Dakilang arkitektong nagtayo ng unang hinagdanang piramide para sa karangalan ni Zoser ang ikalawang hari ng dinastiyang III.