ni elder adrián ochoa ng pitumpu tumingala - lds.org · pdf filetito ko sa amin....

Download Ni Elder Adrián Ochoa Ng Pitumpu Tumingala - lds.org · PDF filetito ko sa amin. Maliwanag at maali-walas ang kalangitan sa umaga nang ... sarap na bean burritos, at pinahiga sa kama

If you can't read please download the document

Upload: hangoc

Post on 06-Feb-2018

229 views

Category:

Documents


6 download

TRANSCRIPT

  • MG

    A BATA

    O k t u b r e 2 0 1 4 77

    Datapuwat mangagpuyat kayo sa bawat panahon, na mangagsidaing (Lucas 21:36).

    Noong walong taong gulang ako, kami ng dalawang pinsan ko ay pinapunta sa kalapit na bayan para mamili ng groseri. Kapag naaalala ko ito, labis akong nagtataka sa napakalaking tiwala ng lola at tita at tito ko sa amin. Maliwanag at maali-walas ang kalangitan sa umaga nang umalis kami sakay ng aming maliit na caravan na may tatlong kabayo.

    Sa gitna ng parang, naisip namin na magandang ideya na bumaba kami sa caravan at maglaro ng ho-len. Nawili kami sa paglalaro kaya hindi kami tumingala para makita na natakpan na ng maiitim na ulap ang kalangitan. Nang matanto namin na may bagyong darating, ni wala na

    kaming oras para sumakay sa aming mga kabayo. Hinagupit kami ng malakas na ulan at maliliit na yelo kayat wala kaming ibang naisip kundi ang alisin ang siya [saddle] sa mga kabayo at gamiting panangga ang mga saddle blanket o sapin sa kabayo. Pagkatapos ay nagtakbuhan ang aming mga kabayo.

    Walang kabayo, basa, at giniginaw, nagsimula kaming maglakad nang mabilis hanggat kaya namin patu-ngo sa kalapit na bayan. Hatinggabi na nang makakita kami ng bahay at kumatok kami sa pintuan. Binigyan kami ng malinis na damit ng mabait na pamilyang iyon, pinakain ng ma-sarap na bean burritos, at pinahiga sa kama sa isang silid na lupa ang sahig.

    Kinaumagahan nagising kami ng mga pinsan ko sa masikat na

    araw at maaliwalas na kalangitan. Kumatok sa pintuan ang isang lalaking naghahanap sa tatlong nawawalang bata. Hinding- hindi ko malilimutan ang nakita namin sa daan pauwiang napakaraming tao na naghanap sa amin buong magdamag. Sa unahan nilang lahat ay naroon ang mapagmahal kong lola at aking tiyo at tiya. Niyakap nila kami at napaiyak sila, tuwang- tuwang natagpuan na nila ang nawawala nilang mga anak.

    Inaalala tayo ng ating mapagma-hal na Ama sa Langit. Sabik Siyang naghihintay sa ating pag- uwi. May mga palatandaan ng namumuong unos sa paligid natin. Tumingala tayo at ihanda natin ang ating sa-rili sa pamamagitan ng malakas na patotoo araw- araw. PAG

    LALA

    RAW

    AN N

    I SHA

    WNA

    TEN

    NEY

    Ni Elder Adrin OchoaNg Pitumpu

    Tumingala

    Mula sa Tumingala, Liahona, Nob. 2013, 102.