nobena sa mahal na birhen ng soledad (1)

Upload: chinkee026

Post on 15-Jul-2015

618 views

Category:

Documents


16 download

TRANSCRIPT

Kapilya ng Nuestra Senora De Soledad

Diyosesis ng San Pablo Parokya ng San Francisco ng Asis

NOVENA SA MAHAL BIRHEN NG SOLEDAD

1|Nuestra Seora de Soledad 201 0

chinkee026

NOBENA SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD Pambungad na Awit (Lahat) INANG MINAMAHAL Inang minamahal si Hesus sa iyo isinilang Inang sinisinta, ang Diyos sa iyo nagpala. Inang minamahal, kay Hesus kami yong ialay Ilaan sa Kanyang kaharian upang Diyos maparangalan, Ilaan sa Kanyang kaharian upang kapway mapaglingkuran. Inang minamahal ni Hesus naming Mananakop, Inang sinisinta ng lahat mong mga anak; Naway ilawan mo ang landas naming tatahakin. Kaligtasan namin at pag-asa tulong ng iyong panalangin. Sa harap ng aming kamatayan, O Ina, kami iyong aliwin. Inang minamahal, kalingain kamit turuan, Na matularan ka sa iyong laging paglingap. Buksan aming kamay sa ming kapwang baon sa hirap; Sa kanyang kalayaan at buhay maialay ang pagsisikap; At higit kung itoy kailanan, katawat buhay man itaya.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

(Namumuno)

ANG MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD

Ang karanasan ng Mahal na Birhen sa kalbaryo ang pinakamasaklap na yugto sa kanyang buhay. Ito ay ang masaksihan ang paghihirap at pagkamatay ng kanyang Anak na nakabayubay sa Krus. Pagkatapos mailibing si Hesus naramdaman ni Maria ang lalong di malirip na sakit sa pagkawala ng Anak ng Diyos na nagkatawang tao sa kanyang kalinis-linisang sinasapunan, natulog sa kanyang kandungan, nangaral at gumawa ng mga milagro at tumupad sa kalooban ng Ama. Tulad ng sinabi ni Simeon, ang puso ni Maria ay para na ring tinarakan ng balaraw (Lk.2:35). Sa kabila ng lahat ang Mahal na Ina ay nanatiling umaasa sa Diyos at sa katuparan ng Kanyang pangako. Ang pananalig at pag-asa ang nagbigay ng lakas ng loob sa kanya kung kaya ngat sa paanan ng krus hanggang sa libingan siya ang nagsilbing sandigan ng kanyang

2|Nuestra Seora de Soledad 201 0

chinkee026

kasamang sina Apostol Juan, Maria Magdalena at ilang babae, sina Nicodemo at Jose ng Arimetea. Sa pagninilay ng mga Kristiyano sa mahal na pasyon at pagkamatay ng Panginoong Hesukristo napagtanto nila ang labis na pagdadalamhati ng Mahal na Ina sa kanyang pakikibahagi sa sinapit ng kanyang Anak. Nabatid nila ang lalim at yaman ng pananalig ni Maria sa buong pusong pagtanggap at pagsusuko ng lahat sa Diyos. Ito ang Mahal na Birhen ng Soledad: si Maria na nagdadalamhati ay punong-puno ng pagasa, sa pag-iisa (soledad) ay nanalangin at sa pangungulila ay nagninilay puspos ng kapayapaan at pananalig sapagkay naranasan niya ang pakikiisa sa Diyos. Bagamat ang debosyon sa Soledad ay kaugnay ng Birhen ng Dolorosa ang larawan naman nito ay hindi isang Inang nahahapis o lumuluha kundi isang pagpapahayag ng ugali ng Mahal na Birheng Maria na nananalangin at nagbubulaybulay upang kilatisin ang kalooban ng Diyos. Siya ang Birheng pinaghaharian ng Diyos at napapasakop sa hiwaga ng Diyos. Ang Mahal na Birhen ng Soledad ay nagpapadama ng kanyang pakikiisa sa ating hirap at sakit, kapighatian at kalungkutan, mga karanasan ng pagkasalat, pagkabigo at pagbagsak, subalit nang-aakit sa yugto ng ibayong pag-asa sa Diyos sapagkat nananalig siya sawalang hanggang awa at habag ng makapangyarihan at mapagmahal na Diyos.

(Lahat)

PAGSISISI

O aking Panginoon, akoy lubos na nagsisisi sa pagkakasala sa Iyo, aking kinasusuklaman ang lahat ng aking pagkakasala na ginawa ko nang may kaalaman o di- sinasadya, sapagkat kinatatakutan ko ang pagkawala ng langit at ang mga sakit ng impiyerno, ngunit higit sa lahat sapagkat ang mga kasalanang iyon ay pagkakasala sa Iyo, aking Panginoong Diyos, na Siyang pinakamabuti sa lahat at nararapat na tumanggap ng lahat kong pag-ibig. Lubos kong ipinangangako, sa pamamagitan ng tulong ng iyong biyaya, na aking ikukumpisal ang aking mga kasalanan upang sa gayoy aking malinis ang aking sarili sa pagiging karapat-dapat, magsasagawa ako ng pagtitika, at aking pagbubutihin ang aking mga gawi ng buhay upang akoy maging karapat-dapat sa iyong biyaya at kabutihan. Ipagpapatuloy ko ang aking pananalig sa kabutihan mo at nang sa gayoy mapatawad mo ako sa aking mga pagkakasala at nang pagkalooban mo ako ng mga biyayang aking hinihiling sa Nobenang ito. Kung akoy mabibiyayaan, hinding-hindi kita iiwan kundi aking iuukol lamang ang aking buhay sa pagsisilbi sa Iyo, pagsamba sa Iyo at pagpapalaganap sa lahat ng aral mo. Amen.

3|Nuestra Seora de Soledad 201 0

chinkee026

PAGNINILAY SA UNANG ARAW: ANG PANANALIG NG MAHAL NA BIRHEN (Namumuno) Mangyari nawa sa akin gang iyong sinabi (Lk.1:38). Ang pagtanggap ni Maria sa mensahe ng Anghel ay katunayan ng kanyang malalim na pananalig sa Diyos. Hindi niya lubusang naunawaan ang sinabi ng mensahero ng Diyos subalit dahil sa malalim na pananalig sa Maykapal siya ay sumang-ayon ng walang pasubali. Sa kalbaryo muli niyang pinatunayan ang pananalig sa kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang buong-pusong pagtanggap sa kamatayan ng kanyang minamahal na Anak. Lumapit tayo sa Mahal na Birhen ng Soledad at hingin natin ang kanyang tulong upang mapagtibay natin ang ating pananalig sa Diyos at sa gayon ay matanggap natin ang mga pangyayari sa ating buhay ayon sa liwanag ng ating pananampalataya.

(Namumuno)

PAGNINILAY SA IKALAWANG ARAW: ANG PANANALANGIN NG MAHAL NA BIRHEN

Ang pananalangin ay ugali ng Mahal na Ina, ito na ang kanyang buhay. Lagi siyang nakikipag-ulayaw sa Diyos na pinaglalaanan niya hindi lamang ng panahon kundi ng buo niyang sarili. Matapos mailibing ang kanyang Mahal na Anak si Maria ay nag-iisa subalit hindi siya nalungkot sapagkat walang humpay ang kanyang pananalangin. Lumapit tayo sa Mahal na Birhen ng Soledad lalo na sa mga pagkakataong tayo ay nanlalamig at nanghihinawa sa pananalangin. Sa ating pagtitiyaga sa pagtawag sa Diyos diringgin Niya ang ating hinaing at kahilingan para sa atin at sa mga lubhang nangangailangan ng Kanyang tulong at awa at habag.

PAGNINILAY SA IKA-TATLONG ARAW: ANG PAGBUBULAY-BULAY SA MISTERYO NG DIYOS NG MAHAL NA BIRHEN (Namumuno) Iningatan naman ng kanyang ina ang lahat ng ito sa kanyang puso (Lk.2:51). Madali para sa Mahal na Birhen ang pumasok sa misteryo ng Diyos dahil lagi siyang nagninilay upang kilatisin ang kalooban ng Diyos. Ang ugaling ito ng Mahal na Ina ay nagpapakita ng kanyang kabukasan sa mga balakin ng Diyos para sa kanya. Sa kabila

4|Nuestra Seora de Soledad 201 0

chinkee026

ng matinding sakit na naramdaman ni Maria sa kamatayan ng kanyang Anak malugod niyang iningatan sa kanyang puso ang mga bagay na nangyari bilang katuparan ng gawang pagliligtas ni Hesus. Lumapit tayo sa Mahal na Birhen ng Soledad at hilingin nating samahan niya tayo sa pagbubulay-bulay tungkol sa misteryo ng Diyos upang lubusan nating maunawaan ang pagkilos ng Espiritu Santo sa ating buhay.

PAGNINILAY SA IKA-APAT NA ARAW: ANG PAKIKIISA SA DIYOS NG MAHAL NA BIRHEN (Namumuno) Matuwa ka, O puspos ng grasya, sumasaiyo ang Panginoon (Lk.1:28). Si Maria ay pinuspos ng grasya ng Panginoon bilang paghahanda sa kaniya upang maging Ina ng Anak ng Kataastaasan. Maaari bang tumanggi si Maria sa kalooban ng Diyos? Hindi niya kayang biguin ang Diyos dahil sa kanyang ganap na pakikipag-isa sa Kanya. Ang kalayaan ng Mahal na Birhen ay nasa kanyang buong lugod na pagpapasyang ipagkaloob ang sarili sa Diyos. Lumapit tayo sa Mahal na Birhen ng Soledad at sa kaibuturan ng ating puso at hingin natin na turuan niya tayong makiisa sa Diyos at maging masigasig sa ating pakikipag-ugnayan sa Kanya.

PAGNINILAY SA IKA-LIMANG ARAW: ANG PAGTITIWALA SA DIYOS NG MAHAL NA BIRHEN (Namumuno) Huwag kang matakot, Maria, dahil may magandang niloob ang Diyos para sa iyo. At ngayoy maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki at pangangalanan mong Hesus (Lk.1:30-31). Minarapat ng Diyos na si Maria ay maging Ina ng Kanyang Bugtong na Anak. Ang pagtitiwalang ito ng Panginoon ay sinuklian ng Mahal na Ina ng ibayong pagtitiwala sa Makapangyarihan. Sa kalbaryo naranasan ni Maria ang ibayong dusa at pighati at ang kanyang pagtitiwala sa Diyos ang nagbigay sa kaniya ng lakas at pag-asa. Lumapit tayo sa Mahal na Birhen ng Soledad at ipagkatiwala natin ang ating sarili sa kanyang pamamatnubay at pagkalinga sapagkat siya an gating daan tungo kay Hesus.

5|Nuestra Seora de Soledad 201 0

chinkee026

PAGNINILAY SA IKA-ANIM NA ARAW: ANG PAGSUNOD SA DIYOS NG MAHAL NA BIRHEN (Namumuno) Narito ang alipin ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi (Lk.1:38). Ang pagsunod ni Maria sa Diyos ay pagpapahayag ng kanyang malalim na pagkilala at pagtanggap sa sarili bilang alipin ng Panginoon. Ang kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos ay buo at tapat sapagkat kinilala niya ang kanyang kaabahan sa harap ng kadakilaan ng Panginoong Diyos. Lumapit tayo sa Mahal na Birhen ng Soledad dala ang ating samot dalangin na tayo bilang mga lingkod ni Hesus ay kalugdan Niya sa ating pagsunod sa Kanyang mga utos at pagsasabuhay ng Kanyang mabathalang aral.

PAGNINILAY SA IKA-PITONG ARAW: ANG PAGSUSUKO NG SARILI SA DIYOS NG MAHAL NA BIRHEN (Namumuno) Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang pangalan (Lk.1:49). Ang pagsuway ni Eva sa utos ng Diyos ay isang pagtalikod samantalang ang pagsunod ni Maria sa kalooban ng Diyos ay pagharap sa kabanalbanalang presensya ng Panginoon. Kung ang kasalanan ay pagmamatigas sa Diyos ang pagsusuko naman ng sarili sa Panginoon ay nangangahulugan nang pagpapasailalim sa Makapangyarihan. Nagawa ni Maria ang pagsunod sa Diyos sapagkat ang lahat sa buhay niya ay kaniya ng isinuko sa Poong Maylikha. Lumapit tayo sa Mahal na Birhen ng Soledad at hilingin nating naway tulad niya matutunan din nating italaga ang ating sarili sa Diyos na butihin.

PAGNINILAY SA IKA-WALONG ARAW: ANG KATAPATAN SA DIYOS NG MAHAL NA BIRHEN (Namumuno) Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas (Lk.1:46-47). Ang awit ni Maria ay naghahayag ng nilalaman ng kanyang puso. Nag-uumapaw sa kagalakan, siya ay umawit ng papuri at pasasalamat dahil lubhang pagtangi ng Diyos sa kaniya. Ang katapatan sa Diyos ng

6|Nuestra Seora de Soledad 201 0

chinkee026

Mahal na Birhen ay nakaugat sa kanyang dalisay na pagmamahal sa Panginoon. Ang buong katapatan ng Mahal na Ina sa pagtalima sa Diyos ay sinuklian ng ibayong pagpapala kung kaya ngat siyay itinuring na mapalad ng lahat ng salinlahi. Lumapit tayo sa Mahal na Birhen ng Soledad taglay ang pag-asang pagigindapatin ni Hesus ang ating matapat na pagsusumikap na magkaroon ng isang buhay na kalugod-lugod sa Ama.

PAGNINILAY SA IKA-SIYAM NA ARAW: ANG KABABAANG LOOB NG MAHAL NA BIRHEN (Namumuno) Sinabi ni Simeon kay Maria: Dahil sa kanyapaglalagusan naman ng isang punyal ang puso mo (Lk.2:35). Sa likod ng bawat misteryo sa buhay ng kanyang Anak buong kapakumbabaang tinalastas ng Mahal na Ina ang loobin ng Diyos. Ang kababaang-loob ay naipamalas ni Maria sa kanyang lubos na pakikiisa kay Hesus. At sino nga kayang tao na ang luha ay di tutulo pag nakita ang anyo ni Hesus na nakabayubay sa krus? Sa paanan ng krus ang kababaang-loob ay nasa anyo ng tahimik na pagtitiis ni Maria sa gitna ng labis na pighati na umaasa lamang sa tulong at awa ng Diyos. Lumapit tayo sa Mahal na Birhen ng Soledad nang may kapakumbabaan upang sa ating pagluhog sa Diyos na mahabagin tayo ay pagkalooban ng mga biyayang kailangan natin ngayon hanggang sa wakas ng ating buhay.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD (Lahat) Ama naming mapagmahal, pinili Mo ang Mahal na Birheng Maria upang maging Ina ng Iyong Bugtong na Anak na nagdulot sa amin ng katubusan sa kasalanan. Ibinigay Mo siya sa amin maging Ina namin at huwaran sa kabanalan at pagsundo sa Iyong kalooban. Marapatin Mong sa paggabay ng Mahal na Birhen ng Soledad kami ay makapamuhay sa katapatan sa Iyong kalooban, makapagsumikap sa pananalangin at makapaglaan ng panahon sa pagninilay ng Iyong Salita sa bawat araw ng aming buhay. Kasama ng Mahal na Ina kami ay buong kapakumbabaang naninikluhod na pagbigyan mo ang aming kahilingan (Tahimik na banggitin ang kahilingan).

7|Nuestra Seora de Soledad 201 0

chinkee026

Dalangin din namin na kami naway manatili sa landas ng kabanalan upang matamo ang pangako Mong kaligtasan sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo na nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Dasalin ang Ama Namin Aba Ginoong Maria Luwalhati

LITANIYA NG MGA SANTO o Panginoon, maawa ka sa amin. Panginoon, maawa Ka sa amin. o Kristo, maawa ka sa amin. Kristo, maawa Ka sa amin. o Panginoon, maawa ka sa amin. Panginoon, maawa Ka sa amin. o Diyos Ama sa langit, Maawa Ka sa amin. o Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, Maawa Ka sa amin. o Diyos Espiritu Santo, Maawa Ka sa amin. o Santisima Trinidad na iisang Diyos, Maawa Ka sa amin. o Santa Maria, *** Ipanalangin mo kami. o Santang Ina ng Diyos, *** o Santang ipinaglihing walang bahid ng kasalanan, *** o Santang Birhen ng mga birhen, *** o Mahal na Birhen ng Soledad, *** o Reyna ng mga Banal, *** o San Miguel, *** o San Gabriel, *** o San Rafael, *** o Lahat ng mga Banal na Anghel at Arkanghel, *** o San Jose, *** o San Juan Bautista, *** o Lahat ng Patriyarka at Propeta, *** o San Pedro, ***

8|Nuestra Seora de Soledad 201 0

chinkee026

o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o

San Pablo, *** San Juan Ebanghelista, *** Lahat ng mga Banal na Apostol at Disipulo ng Panginoon, *** San Esteban, *** San Vicente, *** San Lorenzo, Diyakono, *** Lahat ng mga Banal na Martir, *** San Gregorio, *** San Basilio, *** San Agustin, *** Lahat ng mga Kumpesor at Doktor ng Iglesia, *** San Antonio, *** San Benito, *** Santo Domingo, *** San Francisco de Asis, *** Santo Tomas de Aquino, *** San Francisco de Sales, *** San Juan Maria Vianney, *** Santo Papa Pio X, *** Lahat ng mga Banal na Saserdote at Pontipiste, *** Santa Maria Magdalena, *** Santa Lucia, *** Santa Cecilia, *** Santa Clara, *** Santa Monica, *** Lahat ng mga Banal na Birhen at Balo, *** Santa Teresita, *** San Roque, *** San Guillermo, *** San Lorenzo Ruiz de Manila, *** San Padre Pio, *** Lahat ng mga Santo at Santa ng Diyos, ***

o Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo. Patawarin Mo kami, Panginoon. o Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo. Pakapakinggan Mo kami, Panginoon. o Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo. Maawa Ka sa amin.

9|Nuestra Seora de Soledad 201 0

chinkee026

Tayoy Manalangin: Ama naming makapangyarihan, Ikaw ang bukal ng lahat ng awa at pagpapala. Kamiy naninikluhod sa iyo sa Nobenang ito upang ang aming pagsamba sa Iyong ngalan, pagdakila sa Iyong kapurihan, at pagsunod sa Iyong banal na kalooban ay siyang magpaalab ng aming pag-ibig sa Iyo. Sa tulong ng Mahal na Birhen ng Soledad makibahagi nawa kami sa Iyong kabutihan at kabanalan upang kamiy magkamit ng dulot Mong kaligtasan at sa gayon ay makapiling ka at ang mga banal sa langit pagkatapos ng buhay na papanaw. Siya Nawa.

Pangwakas na Awit (Lahat) HIMIG SOLEDAD Sa landas ng buhay ikaw ang aming gabay; Sayo kamiy lumuluhog dalay mga pighati. Sayoy dumudulog sa aming paglulunggati Sa Anak mong sa amiy buhay ay inialay. Panalangin at pagninilay sa paglalakbay sa buhay, Pakikiisa sa Diyos at ganap na tiwala sa Kanya, Itinuro mo sa aming mga mahihina. Upang matamo mga biyaya at awa Niya. Koro: O Mahal na Birhen ng Soledad, sa aming pag-iisa Ikaw ay kaisa nagbibigay pag-asa. Mga pako at koronang tinik sa iyong mga kamay Ay mga tiisin, mga pagsuboksayoy aming iaalay. Pagsunod at katapatan sa kalooban ng Ama Malimi naming sa tulong mo, O Mahal naming Ina. Esposa ng Banal na Espiritu Santo, lugod naming totoo Lingapin mo kaming iyong anak sa aming pagsamo. (Ulitin ang Koro)

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

10 | N u e s t r a S e o r a d e S o l e d a d 2 0 1 0

chinkee026