noli me tangere
DESCRIPTION
III LOVE ETO NATRANSCRIPT
-May dalawang taon ding ginugulan ng salapi , talino , pagsisikap , at lakas ang Noli
-1884-1885,Espanya-sinulat ang unang hati ng nobela.
-Pransiya – sinulat ang ikatlong bahagi
-Peb.21,1887-Berlin,Alemanya- Ang huling bahagi pati na ang rebisyon.
-palimbagang Ginang Lette sa Berlin , Mar. 29,1887 – 2000 kopya ang nilimbag.
-Maximo Viola – pinag-utangan ng pera ni Rizal para sa pagpapalimbag ng Noli sa halagan P300.00
-Ang NOLI ME TANGERE ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay “ Huwag mo Akong Salingin”.Hinango ito ni Rizal sa Ebanghelyo ni San Juan; Kabanata 20, Talata 17 ( Nagkamali si Rizal at inakalang ito ay galing sa Magandang Balita ni San Lucas.) na naglalarawan ng isang tagpo sa Banal na Kasulatan nang Linggo ng Pagkabuhay.-
Ayon sa liham ni Rizal kay HidalgoAng pamagat ay may kasunod na
parirala…”Huwag Mo Akong Salingin…kung ayaw mong may masamang mangyari sa iyo”…
Ang aklat ay nagtataglay ng mga bagay na wala ni isa mang
nakapangahas na magsiwalat kundi ngayon lamang. Napakselan
ng mga ito kaya’t ayaw itong salangin ninuman.Sinikap ko na isagawa ang ayaw isagawa ng
iba.
“Inalisan ko ng balatkayo ang pagkukunwari , na sa anyo ng pananampalataya, dumatal upang tayo ay pagmalabisan , pamulubihin”..
-Ang ibang mga prayle noon ay iba ang sinasabi kaysa ginagawa at kinakalakal nila ang pananampalataya.
-Ayon sa liham niya kay Hidalgo , Ikahihiya ng Katolisismo ang ang ginagawa ng maraming pari noon.Samakatwid hindi sumusunod sa simbahan ang mga paring iyon . Mali ang pari hindi ang simbahan.
-Naniniwala si Rizal noon ay talamak na
ang sakit na panlipunan sa Pilipinas
at walang sinumang naghahangad
na gamutin ito.
•Ang mga inspirasyon ni Rizal upang sulatin ang Noli Me Tangere ay ang mga ss:
1. Sa pagbabagong tatag ng Circulo Hispano-Filipino , hinangad ni Rizal na makasulat siya at ang mga kasama ng isang aklat tungkol sa iba’t ibang mukha ng buhay sa Pilipinas.
2. Nabasa niya ang The Wandering Jew ni Eugene Sue at humanga sa nobelang ito.
3. Nabasa niya ang Uncle Tom”s Cabin ni Harriet Beecher Stowe na nagpamalas sa kalupitan ng mga putting Amerikano sa mga negrong alipin.
4. Ayon sa sulat niya kay Ferdinand Blumentritt , ibig niyang makasulat ng isang aklat na sasagot sa lahat ng panunuligsa sa mga Pilipino.