noli me tangere kabanata 25 26

31
Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo

Upload: mojarie-madrilejo

Post on 17-Jan-2015

1.225 views

Category:

Education


17 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Noli me tangere kabanata 25 26

Kabanata 25:Sa Bahay ng Pilosopo

Page 2: Noli me tangere kabanata 25 26

Mga LayuninMakakapagbalik-aral sa pamamagitan ng

laro;Mabubuod ang kabanata 25 at 26;Masusuri ang feminismo, sosyolohikal at

moralistiko o aral; atMabibigay ang mga kanser ng lipunan

Page 3: Noli me tangere kabanata 25 26

Mekaniks ng laro:

•Hahatiin ang buong klase sa dalawang grupo, panatilihing tahimik ang klase;

•Maghanda ng dalawang whiteboard marker;

•Sa oras na sinabi ng tagapag-ulat ang tanong at ang salitang “Go!” paunahan sa pagtakbo;

•Ang grupong maraming nasagot ng tama ay magkakamit ng premyo.

Page 4: Noli me tangere kabanata 25 26

BALIK - ARAL

Page 5: Noli me tangere kabanata 25 26

Magbigay ng dalawang babaeng kasama ni Maria Clara patungo

sa piknik.

Page 6: Noli me tangere kabanata 25 26

Sino ang matandang babae na sumuway sa grupo nila Maria

Clara upang tumahimik?

Page 7: Noli me tangere kabanata 25 26

Kaninong grupo ang dumating kung kaya’t tumahimik ang mga

kababaihan?

(pangalan)

Page 8: Noli me tangere kabanata 25 26

Sino ang semenaristang kasama nila Maria Clara sa piknik?

Page 9: Noli me tangere kabanata 25 26

Ano ang nakalagay sa loob ng unang bangka?

Page 10: Noli me tangere kabanata 25 26

Sino ang hinahanap ng sarhento at mga sibil kayla Ibarra?

Page 11: Noli me tangere kabanata 25 26

Saan nagtago si Padre Salvi?

Page 12: Noli me tangere kabanata 25 26

Anong libro ang pinunit ni Padre Salvi?

Page 13: Noli me tangere kabanata 25 26

Kung magdedesisyon ka sa isang malaking

bagay, kanino ka hihingi ng tulong?

Bakit?

Page 14: Noli me tangere kabanata 25 26

Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo“Sinadya ni Ibarra si Pilosopo Tasyo sa kanyang tahanan upang humingi ng payo tungkol sa paaralan na nais niya ipasimulan. Nadatnan niya itong abalang-abala sa pagsusulat ng heroglipiko. Napansin naman siya ng matanda kinalaunan at siya ay inanyayahan nito. Binanggit ni Pilosopo na ang kanyang mga sinusulat ay walang makakaunawa sa ngayon sapagkat ang mga susunod na henerasyon ang tanging makauunawa ng kanyang saloobin. Ayon sakanya, hindi maiintindihan ng mga tao ang kanyang sinusulat dahil para iyon sa mga matatalino at makaka-unawa lamang, at hindi para sa mga taong sisiraan lamang siya. Nang marinig ito ng binate sumagip sa isip niya na nasisiraan ng bait ang pilosopo.

Nabanggit ni Ibarra na kahit siya ay dito ipinanganak at lumaki, ramdam niya na palagay ng mga tao na siya ay dayuhan lamang. Kung kaya't kailangan niya ang payo ng matanda sapagkat ito ay higit na kilala ng mga tao. Sumalungat naman si Pilosopo at iminungkahi na dapat niyang isangguni ang kanyang mga binabalak sa mga kinikilalang tao sa lipunan, katulad ng Kura. Magbigay man ng masasamang payo ang mga makapangyarihan sa bayan, maipapakita naman ni Ibarra na ang kanyang mga binabalak at ginagawa ay ayon sa pinagkasunduan ng mga makapangyarihang tao sa bayan. Mainam pa na pakunwari na lamang siyang sumunod kaysa maging kalaban pa niya ang mga iyon.”

Page 15: Noli me tangere kabanata 25 26

Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo“Hindi naman ito lubos na sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat naniniwala siyang ang matuwid na layunin ay hindi na kailangang balutan ng baluktot na gawain. Buo ang paniniwala ni Ibarra na sasang-ayunan siya ng pamahalaan at ng mga tao sa bayan sapagkat ang kanyang ninanais ay ang kapakanan ng nakararami. Hindi siya makumbinsi ni Pilosopo Tasyo na ang kapangyarihan ng simbahan ay higit pa sa kakayahan ng pamahalaan. Lalo na ang pagsasabi niya dito na kung nais niyang matupad ang kanyang mga balakin ay marapat na yumuko muna siya sa mga may kapangyarihan kung ayaw niyang walang mangyari sa kanyang mga balakin.”

Page 16: Noli me tangere kabanata 25 26

Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo“Hindi matanggap ni Ibarra ang mga sinabi sa kanya ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ang kanyang mga pananaw ay ideolohiyang liberal, na kanyang nakamulatan sa pag-aaral sa Europa. Ang mga ganitong prinsipyo ay hindi pa katanggap-tanggap sa simbahan na siyang nagmamay-ari ng lahat, pati ang buhay ng mga tao sa kanilang nasasakupan. Inihalimbawa ni Pilosopo Tasyo ang kalagayan ni Ibarra sa mga halaman: sa isang rosas, kung hindi ito susunod sa direksyon ng hangin, marahil ang tangkay nito ay mapuputol; at kupang na kailangan ng tungkod upang maging matibay. Ganito rin si Ibarra sa kanyang pananaw. Isa siyang punong itatanim sa mabatong lupain na nagmula pa sa bayan ng Europa- kailangan niya ng makakapitan at masasandalan. Aniya, hindi kaduwagan ang pagyuko sa kapangyarihan, ang pagyuko at pag-iwas sa dumarating na punlo, mas mainam iyon kaysa salubungin ang mga bala ng baril at tuluyan ng hindi makabangon. “

Page 17: Noli me tangere kabanata 25 26

Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo“Naglaro sa isipan ni Ibarra na paano kung hindi lubos ang pagtulong ng simbahan sa kanyang mga balakin dahil na rin sa ang karunungan ay kaagaw ng simbahan sa pagpapayaman at kung may maiiwan ba siyang legacy o legasia sa kanyang mga binabalak para sa bayan. Binigyan naman siya ng inspirasyon ni Pilosopo Tasyo sa pagsasabi nito na hindi man siya magtagumpay ay may uusbong na pananim na siyang magpapatuloy ng kanyang mga nasimulan.

Nagpaalam na si Ibarra pagkapahayag nito kay Pilosopo Tasyo sa kanyang pakay sa kura.”

Page 18: Noli me tangere kabanata 25 26

Sosyolohikal na Pagsusuri

Maling sistema ng

pamahalaan

Kahinaan ng mga pilipino

“Naglaro sa isipan ni Ibarra na paano kung hindi lubos

ang pagtulong ng simbahan sa kanyang mga balakin

dahil na rin sa ang karunungan ay kaagaw ng

simbahan sa pagpapayaman..“

“Nang marinig ito ng binata sumagip sa isip niya na nasisiraan ng

bait ang pilosopo.”

Page 19: Noli me tangere kabanata 25 26

Moralistikong Pagsusuri o aral

•Panindigan mo ang iyong desisyon kung alam mong ikaw ay nasa tama;

•Sa paggawa ng desisyon, dapat ay humingi ng tulong sa eksperto o alam mong nasa tama ang pananaw.

Page 20: Noli me tangere kabanata 25 26

Kabanata 26:Ang Bisperas ng Pista

Page 21: Noli me tangere kabanata 25 26

Kapag bibigyan ka ng pagkakataon dumalo sa isang pistahan, saan mo

gusto makisali: sa mga may kapangyarihan (o mayaman)

o sa mga mahirap? Bakit?

Page 22: Noli me tangere kabanata 25 26

Kabanata 26: Ang Bisperas ng Pista“Bisperas ng Pista ng San Diego tuwing ika-10 ng Nobyembre. At sa bisperas pa lamang ng Pista ay nakahanda na ang lahat. Nagagayakan ang mga bahay ng kanilang mga pinakagarbong palamuti, kurtina at iba't-ibang dekorasyon at pati na mga minana at antigong kagamitan. Ang hapag-kainan naman ng mga mayayaman ay punong-puno ng mga iba't-ibang masasarap na putahe, kakanin, panghimagas at mga inangkat at mamahaling mga alak mula pa sa Europa. Inilalaan ang mga pagkaing ito para sa lahat, kahit na taga-ibang bayan upang maging masaya ang kapistahan. Ang bawat sulok ng bahay ay malinis at makintab, sadyang pinaghandaan at iginayak para makita ng lahat. Maya't maya rin ang pagpapaputok ng kwitis, batingaw ng kampana at tugtugan ng mga banda ng musiko.”

Page 23: Noli me tangere kabanata 25 26

Kabanata 26: Ang Bisperas ng Pista“Ang plasa naman ng San Diego at mga matataong lugar ay pinalamutian ng arkong kawayan, pati na rin ang harapan ng simbahan na nilagyan ng tolda para sa prusisyon. May tanghalan din na nakalaan para sa pagtatanghal ng komedya at iba pang palatuntunan. May partisipasyon sa kasayahan ang mga mayayaman sa Sa Diego, tulad ni Kapitan Tiago at Kapitan Joaquin, ang intsik na si Carlos, at iba pa. Si Padre Damaso naman ang nakalaang magmisa sa umaga. Ang mga magsasaka at mahihirap ay iginayak ang kanilang mga pinaka-mainam na ani upang ihandog sa mga may-ari ng kanilang bukirin.”

Page 24: Noli me tangere kabanata 25 26

Kabanata 26: Ang Bisperas ng Pista“Kasalukuyan namang tinatapos ang bahay-paaralan na pinapagawa ni Ibarra malapit sa kanyang tahanan sa pamamatnubay ni Nol Juan. Sagot niyang lahat ang gastos dito, at magalang na tinanggihan ang alok na tulong ng mga mayayaman at ng pari. Ang bahay-paaralan na kanilang itinatayo ay katumbas ng mga paaralan sa Europa, hiwalay ang mga babae sa lalaki, may lugar para sa pagtatanim ng puno at gulay, may bodega at mayroon ding silid pang-disiplina sa mga batang mag-aaral.

Marami ang humanga sa kanyang ginawa ngunit marami din naman ang palihim niyang naging kaaway.”

Page 25: Noli me tangere kabanata 25 26

Feminismong Pagsusuri

Kahinaan ng mga

kababaihan

“Ang bahay-paaralan na kanilang itinatayo ay

katumbas ng mga paaralan sa Europa,

hiwalay ang mga babae sa lalaki..”

Page 26: Noli me tangere kabanata 25 26

Sosyolohikal na Pagsusuri

Maling sistema ng

pamahalaan

“Ang hapag-kainan naman ng mga mayayaman ay

punong-puno ng mga iba't-ibang masasarap na putahe,

kakanin, panghimagas at mga inangkat at

mamahaling mga alak mula pa sa Europa.

Ang mga magsasaka at mahihirap ay iginayak ang

kanilang mga pinaka-mainam na ani upang

ihandog sa mga may-ari ng kanilang bukirin.”

Page 27: Noli me tangere kabanata 25 26

Moralistikong Pasgusuri o aral

Isipin lagi ang kapakanan ng marami at tumulong sa ibang tao.

Page 28: Noli me tangere kabanata 25 26

Kanser ng Lipunan

•Kahinaan ng kababaihan - Dapat matutong mangatwiran ang mga kababaihan kung alam ng minamaliit ang kanilang kakayahan;

•Maling sistema ng edukasyon - dapat magpakumbaba ang may mga kapangyarihan sa mahihirap para hindi minamaliit ang mga ito; at

•Maling sistema ng pamahalaan - dapat pantay ang sistema sa edukasyon.

Page 29: Noli me tangere kabanata 25 26

Mga LayuninMakakapagbalik-aral sa pamamagitan ng

laro;Mabubuod ang kabanata 25 at 26;Masusuri ang feminismo, sosyolohikal at

moralistikong pagsusuri; atMabibigay ang mga kanser ng lipunan

Page 30: Noli me tangere kabanata 25 26

Check-up Quiz #41. Tama o mali: Si Pilosopo Tiago ang pinuntahan ni Ibarra.2. Tama o mali: Nasabi ni Ibarra na ang talino ng pilosopo

para maisip magsulat sa pamamagitan ng heroglipiko.3. Sa anong estilo (style) o paraan nagsusulat ang pilosopo?4. Ayon sa pilosopo, kanino dapat humingi ng payo si Ibarra?5. Tuwing anong petsa ipinagdiriwang ang pista ng San

Diego?6. Sino-sino ang mayayaman na dadalo sa bisperas ng pista?7. Sino ang nakalaan upang magmisa sa umaga?8. Sino ang namamahala sa bahay-paaralan na ipinapatayo ni

Ibarra?9. Ang pinapagawang bahay-paaralan ni Ibarra ay tulad ng sa

bansang ________.10.Tama o mali: Magkakasamang mag-aaral ang mga

kalalakihan at kababaihan.

Page 31: Noli me tangere kabanata 25 26

Mga sagot:

1. Mali2. Mali3. Heroglipiko4. Kura, kapitan at sa mayayaman5. Ika-10 ng Nobyembre6. Kapitan Tiago, Kapitan Joaquin at Carlos7. Padre Damaso8. Nol Juan9. Alamenya10.Mali