noli me tangere kabanata 39-40

17
KABANATA 39:DONYA CONSOLACION KABANATA 40:ANG KARAPATAN AT LAKAS

Upload: mojarie-madrilejo

Post on 17-Jan-2015

1.207 views

Category:

Education


10 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Noli me tangere kabanata 39-40

KABANATA 39:DONYA CONSOLACIONKABANATA 40:ANG KARAPATAN AT LAKAS

Page 2: Noli me tangere kabanata 39-40

LAYUNIN

• Malalaman ang nangyari sa kabanata 39 at 40

• Masagot ang pagsusulit sa simula at dulo ng pag-uulat

• Masasabi ang kanser ng lipunan

Page 3: Noli me tangere kabanata 39-40

BALIK-ARAL

• 1. Bakit nagpatayo ng isang kubol sa tapat ng kanyang bahay ng kapitan?

•2. Anong damdamin ang namanyani nang awitin ni Maria Clara ang Ave Maria?

•3. Bakit nakaramdam ng lungkot si Ibarra sa pag-awit ni Maria Clara?

4. Sino ang nag-anyaya sa Kapitan Heneral na manood ng prusisyon sa tapat ng bahay nito?

• 5. Bakit walang tigil sa paglalakad sa gitna ng prusisyon ang mga agwasil at ang tenyente?

Page 4: Noli me tangere kabanata 39-40

PAGGANYAK

• Magbibigay ako ng mga tanong na may pagdedesisyon na kailangan sagutin ng klase

• Sino ang mas pipiliin mo ? Ang taong maganda ang kalooban ngunit pangit sa panlabas na anyo o ang taong maganda ang panlabas na anyo ngunit pangit ang kalooban?

Kailangan maipaliwanag ang sagot.

Page 5: Noli me tangere kabanata 39-40

MAHALAGANG TANONG

• Anong ang ikinagaganda ng isang t ao ?

Page 6: Noli me tangere kabanata 39-40

BUOD

Si Donya Consolascion ay asawa ng alperes at nagpipilit maging mukhang taga-Europea sa pamamagitan ng paglalagay ng kolorete sa mukha at pagsasalita sa wikang kastila. Mataas din ang pagtingin nito sa sarili at naniniwalang higit ang kanyang kagandahan kaninuman, kahit pa kay Maria Clara. Sa katunayan, si Donya Consolascion ay dating labandera na nakapag-asawa ng isang kawal na naging alperes ngayon. Salat din siya sa edukasyon na mababakas sa kanyang pag-uugali. Ng araw na iyon, iniutos ni Donya Consolascion na isara ang kanilang bahay sa kabila na alam nitong tatapat ang prusisyon. Buong araw siyang nagngingitngit sa galit sa kanyang asawa sa hindi nito pagpayag na sila ay magsimba. Hindi niya alam na ikinahihiya siya ng kanyang asawa, bukod pa ang lantarang pag-alipusta at pagmura nito sa kanya.

Page 7: Noli me tangere kabanata 39-40

• Nagdidili-dili ang Donya ng marinig nito ang pag-awit ni Sisa mula sa kulungan, na dalawang araw ng nakakulong. Inutusan niya itong umakyat sa wikang Kastila, bagay na hindi naman maintindihan ni Sisa, kung kaya’t hindi ito sumunod. Nagalit si Donya at ditto ibinuhos ang galit na nararamdaman sa asawa sa kawawang si Sisa. Hinampas niya ito ng latigo at inutusang kumanta ang baliw. Napasigaw man sa sakit ang babae ay hindi pa rin ito sumunod sa kapristo ng donya. Walang nagawa ang donya kundi utusan ang gwardya sibil na pakantahin ito, na sinunod naman ni Sisa at umawit ng Kundiman ng Gabi. Naantig naman ang damdamin ng donya kung kayat nawala sa isip nito ang magsalita sa tagalong, na ikinagulat ng gwardya sibil. Napansin naman ito ng Donya kung kaya’t pinaalis niya ito. Hinarap naman niya si Sisa at pinasayaw. Nang hindi ito sumunod ay hinampas niya ito muli ng latigo at inutusang kumanta. Napabuwal naman si Sisa at nahubaran ito ng damit kasabay ng pagdugo ng sugat.

• “Ang pangyayaring ito ay nadatnan ng alperes at nagalit ito sa nasaksihan. Inutusan niya ang isang kawal na bihisan at pakainin si Sisa, alagaan, at gamutin din ang mga sugat nito. Ang pag-aalaga ng alperes ay dahil din sa nakatakdang ihatid si Sisa kay Ibarra kinabukasan.”

Page 8: Noli me tangere kabanata 39-40

KANSER NG LIPUNAN

• Kahinaan ng mga Pilipino:

• Pinapahirapan si sisa ng walang kalaban laban dahil hindi niya maintindihan ang wikang kastila.

Page 9: Noli me tangere kabanata 39-40

ARAL NG KABANATA

• Ang tunay na kagandahan ay hindi nakikita sa pisikal na anyo kundi sa kagandahan ng kalooban

Page 10: Noli me tangere kabanata 39-40

KABANATA 40/ANG KARAPATAN AT LAKAS

Page 11: Noli me tangere kabanata 39-40

MAHALAGANG TANONG

• Bakit mahalaga ang wastong pangatwiran?

Page 12: Noli me tangere kabanata 39-40

BUOD

• Bandang ika-sampu ng gabi sinimulang sindihan ang mga kuwitis na hudyat ng pagsisimula ng dula. PInangasiwaan ni Don Filipo ang gabi ng pista.Ng mga oras na iyon ay magkausap ang tinyente at si Pilosopo Tasyo tungkol sa pag-ayaw ng Don sa kanyang tungkulin. Masama ang loob ng tinyente na hindi tinanggap ng kapitan ang kanyang pagbibitiw.

•  • Nagsidatingan na ang mga malalaking tao sa bayan kung kaya’t nagsimula na ang

palabas na pinangunahan nina Chananay at Marianito ng `Crispino dela Comare’. Lahat ay nakatuon ang pansin sa dula samantalang si Padre Salvi ay lantaran ang pagkakatitig kay Maria Clara.

• Sinisimulan na ang ikalawang bahagi ng dula nang dumating si Ibarra. Nakatawag pansin ito sa mga pari at hiniling kay Don Filipo na paalisin si Ibarra.Tinutulan naman ito ni Don Filipo sapagkat Malaki ang abuloy ni Ibarra at higit siyang takot na suwayin ang utos ng Kapitan Heneral kaysa s autos nila. Sa inis ay umalis ang mga pari sa kalagitnaan ng dula.

• Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin si Ibarra sa mga kadalagahan lalo na kay Maria Clara upang paroonan ang nalimutang tipanan. Nangako siya na babalik bago matapos ang dula.

•  •

Page 13: Noli me tangere kabanata 39-40

• Ang pangyayari ay hindi nakaligtas sa pagmamanman ni Padre Salvi at ibinalita rin ito ng kanyang tauhan. Sa kanyang pangitain ay nawalan ng malay tao si Maria at si Ibarra ang kumarga sa dalaga. Sa ganoong pangitain ay nagmistulan itong baliw at nagtatakbo papunta sa bahay ni Kapitan Tyago upang makasiguro na hindi totoo ang kanyang takot. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang Makita niya ang anino nina Maria Clara at Tiya Isabel mula sa labas ng bahay ng kapitan. Umuwi na ito ng masigurong hindi kasama ng dalaga si Ibarra.

Page 14: Noli me tangere kabanata 39-40

KANSER NG LIPUNAN

• Kahinaan ng mga Pilipino-masyadong nagpadala sa emosyon ang mga kalalakihan sa nasabing dula.

• Mentalidad na kolonyal-Si padre salvi ay hindi mapakali at inaalala kung ano nangyari kay Maria Clara

Page 15: Noli me tangere kabanata 39-40

ARAL NG KABANATA

• Hindi dapat magtiwala masyado sa mga may kapangyarihan sa pamahalaan

Page 16: Noli me tangere kabanata 39-40

EBALWASYON

• 1. Bakit nakasara ang bahay nina Donya Consolascion at ng alperes habang dumaraan ang prusisyon?

• 2.Bakit pinipilit ni Donya Consolascion na magsalita ng wikang kastila?• 3. Bakit nahihiya ang alperes na ipakita ang kanyang asawa sa ibang tao?• 4. Sino ang hindi pumayag na magsimba si Donya Consolascion?• 5.Bakit pinatigil ni Donya Consolascion sa pagkanta si Sisa?• 6.Tama o Mali:minanmanan ni Padre Salvi si Maria Clara at nagmistulan

itong baliw• 7.Bakit umalis si Ibarra sa kalagitnaan ng dula ? • 8.Anong oras sinimulan na sindihan ang mga kuwitis ?• 9.Sino ang nangasiwa sa pista ?• 10. Bakit hiniling ng mga pari na paalisin si Ibarra?

Page 17: Noli me tangere kabanata 39-40

• 1.dahil ayaw niya makita sila• 2. Gusto niya maging kastila• 3. Dahil ikinahihiya siya ng kanyang asawa• 4. Ang kanyang asawa• 5.Dahil naiiyak ito sa kinakanta ni sisa• 6.tama• 7.Dahil may pupuntahan pa siyang iba• 8.10 ng gabi• 9.Don Filipo• 10.Dahil naiinsulto sila kay ibarra