noli me tangere kabanata 43-44-45

25
Kabanata 43 44 45

Upload: mojarie-madrilejo

Post on 17-Jan-2015

892 views

Category:

Education


19 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Kabanata 43 44 45

Mga Layunin:

Makakapagbalik aral Maibibigay ang buod ng bawat kabanata. Masusuri ang pangyayari sa kabanata batay sa

mga suliranin, solusyon, at sariling interpretasyon.

Masasabi ang mga kanser ng lipunan.

Balik aral

Nagpanggap si Don Tiburcio bilang isang? - Doktor

Noong dalaga palamang si Donya Victorina gusto niyang makapangasawa ng isang?- Mayamang dayuhan

Ito ay isa sa totoong trabaho ni Don. Tibrucio?tagalinis at tagapagpa-baga ng mga painitan sa pagamutan.

Kabanata 43: Panukala

MAHALAGANG TANONG

“Maniniwala ka ba sa kwento ng isang taong hindi mo pa ganoong kakilala?”

Pagganyak

BUOD

Halatang halata ang lubos na pag-aalala sa mukha ni Padre Damaso at tuloy-tuloy itong pumasok sa silid ni Maria Clara. Nananangis ang pari at sinabi sa inaanak na hindi ito mamamatay. Lahat ay nagtaka sa ipinakita ni Padre Damaso, hindi nila akalain na sa kabila ng magaspang nitong ugali ay marunong pala itong umiyak at malambot ang kalooban. Naisip din nila na mahal na mahal talaga ng pari si Maria. Maya-maya ay tumindig ang pari at nagtungo ito sa silong ng balag upang managhoy. Nang naibsan ang damdamin ni Padre Damaso ay sinamantalag ito ni Donya Victorina at ipinakilala si Alfonso Linares. Sinabi ng binata na inaanak siya ni Carlicos, ang bayaw ni Damaso. Iniabot ni Linares ang sulat at dito ay nakasaad na siya ay humahanap ng mapapangasawa at trabaho. Madali lamang na matatanggap ang binate ayon kay Padre Damaso sapagkat ito ay naging abogado na sa Universidad Central. At sa mapapangasawa ay iminungkahing kakausapin niya si Kapitan Tiago. Bagay naman na ikinalungkot ni padre Salvi. Sinadya naman ni Lucas si Padre Salvi upang isangguni ang marapat na katarungan para sa kanyang kapatid.

Umarte itong kaawa-awa at kunwari ay pinupunasan ang luha gamit ang panyo, Sinabi nito na binigay lamang siya ng P500.00 ni Ibarra kapalit ang buhay ng kanyang kapatid. Hindi naman ikinatuwa ng pari ang kaartehan ni Lucas kung kaya’t pinagtabuyan niya iyon. Walang nagawa si Lucas kundi bumulong bulong at napahiyang nilayasan ang pari. Dahil sa sigaw ni Padre Salvi ay pinuntahan siya ni Padre Damaso, Kapitan Tiago at iba pa at itinanong kung bakit, sinabi na lamang ni Padre Salvi na may dumating lang na palaboy at nanghihingi ng limos ngunit ayaw magtrabaho. Kinuha nalang ni Padre Salvia ng baston at siya ay pumunta na sa kumbento.

Moralistikong Pagsusuri

“Huwag agad magtitiwala sa taong hindi mo pa nakikilala ang tunay na pagkatao.”

“Huwag maniniwala sa mga bagay na walang ebidensya”

kanser ng lipunan:

• kahinaan ng mga Pilipino dahil sa nagawang umarte at magsinungaling ni Lucas kay Padre Salvi upang siraan si Ibarra. Dahil humingi ng tulong si Linares kay Padre

Damaso para magkaron ng trabaho at asawa.

• Kahinaan ng mga kababaihan Dahil hiningi nalang ni Linares ang

mapapangasawa niya kay Padre Damaso

Kabanata 44: Paggunita sa Kasalanan

“Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa iyong minamahal?”

MAHALAGANG TANONG

BUOD

Si Maria Clara ay nabinat at patuloy na mataas pa rin ang lagnat niya at kapag ito ay nagdedeliryo ay walang binabanggit kundi ang pangalan ng kanyang ina. Patuloy naman siyang inaalagaan ni Tiya Isabel at mga kaibigang dalaga. Si Kapitan Tyago naman ay walang tigil na nagpapamisa at nag-aabuloy, ang pinakahuli ay ang pagbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Makalipas ang ilang araw, kasabay ng pag-inom ng gamot na nireseta ni Don Tiburcio ay humupa ang mataas na lagnat ni Maria. Ikinatuwa naman ito ng mag-asawang Tiburcio, kung kaya't hindi muna pinagdiskitahan ni Donya Victorina ang kanyang asawa. Magkakaharap sina Padre Salvi, Kapitan Tyago at mag-asawang Espadana at napag-usapan na malilipat sa parokya ng Tayabas si Padre Damaso. Ayon kay Kapitan Tyago, ikalulungkot ito ni Maria Clara sapagkat para na rin niyang ama ang pari. At ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga kaguluhan na nangyari noong gabi ng pista. Ikinasiya naman ng kura na mainam nga na hindi nagkikita sina Ibarra at Maria Clara dahil tuluyan itong gumaling. Sinalungat naman ito ni Donya Victorina at sinabing ang nakapagpagaling kay Maria ay ang panggagamot ni Don Tiburcio.

Hindi naman siyempre nagpatalo ang pari at sinabing higit na nakagagaling ang pagkakaroon ng malinis na budhi kaysa mga gamot. Napikon ang Donya at iminungkahi sa pari na gamuting ng kanyang kumpisal ang nakakabanas na si Donya Consolacion. Wala namang naisagot ang Pari kung kaya't tinagubilinan na lamang niya si Kapitan Tyago na ihanda na si Maria para sa pangungumpisal. Ipinabigay rin niya ang beatico upang lubusan itong gumaling. Oras na para uminom ng gamot si Maria Clara. Ititigil lamang niya ang pag-inom nito kapag siya ay nakaramdam na ng pagkabingi. Nalaman ni Maria kay Sinang na abala si Ibarra na mapawalang bisa ang pagiging ekskomulgado nito kung kaya't hindi pa ito makasulat sa dalaga. Dumating naman si Tiya Isabel upang ihanda si Maria sa pangungumpisal at pati na rin ang kalooban nito tungkol sa paglimot kay Ibarra. Nagsimula na ang pangungumpisal ni Maria Clara. Sa obserbasyon ni Tiya Isabel, Si Padre Salvi ay halatang hindi nakikinig sa sinasabi ni Maria Clara bagkus ay matiim itong nakatitig kay Maria na tila ba inaalam ang nasa isip ng dalaga. Matapos ang kumpisalan ay lumabas si Padre Salvi na nakapangunot noo, namumutla, pawisan at kagat-labi.

Moralistikong Pagsusuri

“Magkasala na minsan, huwag ng ulitin magpakailanman.”

kanser ng lipunan:

• kahinaan ng mga kababaihan Inutusan ni Maria Clara si Silang na

sumulat kay Ibarra na limutin na lamang siya nito. Agad siyang sumuko.

Hindi nakinig si Padre Salvi sa kumpisal ng Dalaga na si Maria Clara

Kabanata 45: Ang mga nagrerebelde

Buod“Sa wakas ay natagpuan ni Elias si Kapitan Pablo sa isang yungib sa kagubatan pagkatapos ng anim na buwan na hindi pagkikita. May dalawang linggo na rin ang nakalipas nang malaman ni Elias ang sinapit ng kapitan. Malapit ang loob niya sa matanda at itinuturing niya itong ama. Pareho rin silang nag-iisa na sa buhay. Sinubukang kumbinsihin ni Elias ang Kapitan na maisama ito sa mga lupain ng katutubo. Malayo man ito sa sibilisasyon ay makakapamuhay ng mapayapa ang matanda at makakalimot sa sinapit ng kanyang pamilya. Tinanggihan naman ito ng matanda at matiim itong nanindigan na ipaghiganti ang masaklap na nangyari sa kanyang mga anak sa kamay ng mga dayuhan. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nagkakaroon ng katarungan ang kaawa-awang sinapit ng kanyang pamilya. Tatlo ang anak ni Kapitan Pablo, isang babae at dalawang lalake. Pinagsamantalahan ng isang alagad ng simbahan ang kanyang anak na dalaga. Ang isa niyang anak na lalaki ay nag-imbestiga sa nangyari kung kayat nagpunta ito ng kumbento. Tila nagkaroon naman diumano ng nakawan sa kumbento kung kaya't pinagbintangan ang kanyang anak na lalaki. Hindi man napatunayan ang nasabing nakawan, hinuli pa rin ito at ibinitin at nakatikim ng pagpapahirap sa kamay ng mga awtoridad.

Hindi tinugon ni Kapitan Pablo ang mga sigaw ng pagtawag ng kanyang anak sapagkat noon ay mas nanaig ang kanyang kaduwagan at pagnanais sa mapayapang buhay. Ang kura naman ay hindi man lamang naparusahan kundi inilipat lamang ng panibagong lugar. Ang isa naman niyang anak na lalaki ay pinaghinalaang maghihiganti. Sa kasamaang palad, may isang pagkakataon na hindi nito nadala ang kanyang sedula kung kaya't hinuli ito ng mga sibil. Pinahirapan din ito at ng hindi na makayanan ay kinitil nito ang sariling buhay. Kung kaya para kay Kapitan Pablo, wala nang mahalaga sa kanya kundi ang ipaghiganti ang sinapit ng kanyang mga anak. Lulusob sila sa bayan sa tamang oras, kasama ng iba pang mga kapus-palad na pinag-uusig ng pamahalaan. Lubos naman itong nauunawaan ni Elias, kaya't ang simpatya niya ay nasa matanda. Minsan na ring hinangad ni Elias ang paghihiganti, ngunit sa kagustuhang wala ng madamay pa sa kanyang paghihiganti, kinalimutan na lamang niya ito. Ayon kay Kapitan Pablo, madali itong gawin para kay Elias sapagkat magkaiba naman sila ng sinapit. Si Elias ay bata pa at walang namatay na mga anak. Pinangakuan naman niya si Elias na walang madadamay na inosente sa gagawin nilang paghihiganti. Isinawalat din ni Elias kay Kapitan Pablo ang naging pagkikita at pagkakaibigan nila ni Ibarra.

Ikinuwento rin nito ang mga katangian ni Ibarra at ang pang-aaping sinapit ng pamilya nito sa kamay ng pari. Sinabi nito kay Kapitan Pablo na makakatulong si Ibarra sa pagpapa-abot sa Heneral tungkol sa mga hinaing ng bayan. Sumang-ayon naman ang matanda at malalaman niya ang resulta ng pakikipag-usap ni Elias kay Ibarra tungkol dito pagkatapos ng apat araw. Ang mga tauhan ng Kapitan Pablo ang kakatagpuin ni Elias upang maipag-bigay alam sa matanda ang sagot ni Ibarra. Kapag sumang-ayon si Ibarra, magkakaroon ng katarungan ang kanilang mga hinaing at kung hindi naman, nangako si Elias na sasama sa kanilang layunin.

ARAL

“Magtulungan kayo kung alam niyong ito ay tama at para sa ikabubuti ng lahat”

kanser ng lipunan:

• Kahinaan ng mga Pilipino Pinagbintangan ang isang anak na

lalaki ni Kapitan Pablo na nagnakaw at pinarusahan, hindi man lang niya naipatanggol ang kanyang sarili

Hihintayin munang may mangyari bago umaksyon para maiayos ang mali

EBALWASYON

Ebalwasyon

1. Ikinuwento ni ________ kay Padre Salvi ang pagpilit niya kay Ibarra habang pinipilit nito ang pagiyak bago humingi ng payo sa pari.

2. Pasigaw na pinauwi ni _______ si Lucas at sinabing dapat pa siyang magpasalamat kay Ibarra.

3. Sa pagdating ni ___________ sa bahay ni Kapitan Tiago, tuloy tuloy ito sa kama ni Maria Clara at hinawakan ang kamay ng dalaga.

4. Si __________ , ang inaanak ni Carlicos na bayaw ni Padre Damaso5. Sa ginta ng pagkahibang ni Maria Clara, wala siyang nasambit kundi ang

pangalan ng kanyang _______6. Binantayan si Maria ng kaniyang mga ______7. Si _______ ang labis na magdaramdam sa paglipat ni Padre Damaso ng

destino.8. Si Elias ay pumasok sa isang kweba kung san naroroon si __________9. Ang anak ni Kapitan Pablo ay ibinitin dahil napagbintangang ______ sa

kumbento.10. (tama o mali) Si Kapitan Pablo ay gustong maghiganti sa pagkamatay ng

kanyang anak.

Mga Sagot

1. Lucas2. Padre Salvi3. Padre Damaso4. Linares5. Ina6. Kaibigan7. Maria Clara8. Kapitan Pablo9. nagnakaw10. Tama