noli me tangere kabanata 59 60

16
abanata 59-60

Upload: mojarie-madrilejo

Post on 17-Jan-2015

1.148 views

Category:

Education


58 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Kabanata 59-60

Mga Layunin

• Makapagbalik-aral tungkol sa mga nakaraang kabanata.

• Maibubuod ang Kabanata 59 at Kabanata 60

• Masusuri ang mga pangyayaring nakapaloob sa kabanata.

• Masabi ang mga kanser ng lipunan sa mga kabanata at;

• Masagutan ang ebalwasyon (10 items)

Balik-Aral

1-2. Sino ang unang dalawang bilanggong inilabas?

3. Bakit nakasuot ng itim si Nol Juan?

4. Bakit pinilit ni Ibarra na igapos sya ng mga sibil?

5. Bakit ayaw sanang dumalo ni Padre Salvi sa pagpapamisa sa bilanggo?

Mahalagang

Tanong

“Paano nyo masasabing totoo

ang taong itinuturing nyong tunay na

kaibigan?”

Kabanata 59: Pag-ibig sa Bayan at

Sarili Palihim na pinarating sa Maynila ang mga pangyayari sa San Diego. Dahil sa pag-aayos sa ginawa ng tagasuri ng pahayagan ng balita ay nadagdagan at nabago ang anyo nang malathala ang mga diyaryo sa Maynila. Ang unang balita ay galing sa kumbento at marami ang nahintakutan. May mga naniwala at may hindi sa balitang kumalat.

Naligalig ang mga tauhan sa kumbento. Ang mga provincial ay palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga pagpapanayam hinggil sa nangyari. Ang ilan naman ay nagpunta sa palasyo at naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa panganib. Iba iba ang sinasabi sa kumbento. Tulad halimbawa na baka kung wala ang korprasyon ay ano na ang mangyayari sa Kapitan Heneral. Ang mga nag-aaral daw na mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Samantala, ipinagbubunyi naman si Pari Salvi at sinabing ito ay karapat-dapat na bigyan ng isang mitra.

Sa isang bahay naman sa Tondo, hindi mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan ito ay nagpakita ito ng kagandahang loob kay Ibarra. Kaya panay ang sisi sa kanya ng asawang si Kapitana Tinchang. Ang kanilang dalawang anak na dalaga ay sa isang tabi lamang at di umiimik. Gumanti ng sumbat si Kapitan Tinong na naiinis sa asawa dahil siya ang nagsabing kaibiganin si Ibarra dahil mayaman ito. Ang sabat naman ng asawa ay sinabi nya nga iyon pero di nya sinabi na makipagusap sya kay Ibarra. Nasabi pa nya na sana nga raw ay naging lalaki nalang sya at ihahandog nito ang kanyang tulong sa Kapitan Heneral laban sa mga naghihimagsik.

Natigil lamang ang kanilang pagtatalo nang dumating ang pinsang si Primitivo. Siya ay ipinasundo ni Tinchang upang hingan ng payo sapagkat marunong itong mangatwiran. Kaagad na nag-umpisa ng pagsasalita si Tinchang pagkakita sa pinsan. Ayon sa kanya, pinakain ni Tinong si Ibarra sa kanilang bahay at niyukuran pa niya ito nang makita sa may tulay ng Espanya sa gitna ng maraming tao at sinabing sila magkaibigan.

Sinabi ni Primitivo na ‘di dapat napakilala si Tinong kay Ibarra dahil ang mga mabubuti raw ay napaparusahan dahil sa mga masasama. Kaya’t walang nang ibang paraan kundi ang gumawa ng huling habilin si Tinong. Nawalan ng malay ng di oras si Tinong dahil sa payo. Nang bumalik ang kanyang ulirat, dalawang payo ang ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay sila ng regalo sa heneral na maaring isang singsing o tanikalang ginto bilang pamasko (2) sunugin lahat ng mga kasulatan na maaaring makapagpahamak kay Tinong, na katulad ng ginawa ni Ibarra.

Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani, ang tema ng usapan ay ang naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga indio kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na tao. Kahit na raw ang itatayong paaralan ay isang pakana lamang sapagkat ang tunay na layunin ni Ibarra ay gawin lamang itong kuta na gagamitin niya kung sya ay lulusubin na. Sumabad naman ang isa pang babae at nagsabing si Tinchang daw ay nagregalo ng isang singsing na puno ng brilyante sa heneral. Sinabi ng lalaking komang na dapat itong imbestigahan dahil may dahilan kung bakit ito ginawa. Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tondo ay tumanggap ng mga paanyaya sa mga kawal. Si Kapitan Tinong ay kasama sa mga inimbita.

Kabanata 60: Mag-aasawa na si Maria

ClaraTuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.

Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares.

Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.

Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang kastila at intsik. Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng komandante, ang mag-asawang de Espadaña, si Linares na nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil.

Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap.

Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente.

Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.

Mga

Pagsusuri

Sosyolohikal na Pagsusuri: “Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga indio kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na tao.”

- Ipinapahayag dito na hindi pantay ang pagtrato ng mga tao sa mga Pilipino. Dahil lamang sa kasalanan ng isa, ay dinamay na ang buong lahi at sinasabing hindi dapat silang ituring mga tao. Ipinapakita din dito na mababa ang pagtingin ng karamihan sa mga Pilipino.

“Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang kastila at intsik.

- Ipinapahayag dito na napakababa ng tingin sa mga Pilipino, dahil karamihan ay kastila at instik ang mga bisita doon.”

Mga

PagsusuriMoralistikong Pagsusuri: “Gumanti ng sumbat si Kapitan Tinong na naiinis sa asawa dahil siya ang nagsabing kaibiganin si Ibarra dahil mayaman ito. Ang sabat naman ng asawa ay sinabi nya nga iyon pero di nya sinabi na makipagusap sya kay Ibarra.”

Ipinapakita dito na may dahilan ang mag asawa sa pagkaibigan kay Ibarra. Dahil sa sikat at mayaman si Ibarra, binalak nila itong kaibiganin. Ngunit nung sya’y nasa kanyang kasawian ay itinatangging siya ay kakilala. Ipinapakita na ang dalawa ay mapagbalat-kayo lamang.

“Sinarili ni Donya Victorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero.”

Ipinapakita dito na kahit na alam ni Victorina na hindi dapat maging pilibustero si Ibarra ay sumama pa siya sa mga kalaban dahil na din sa ayaw niyang maging Pilipino.

Aral:

• Kilalanin muna ng husto ang iyong kakaibiganin.

• Mag ingat sa mga itinuturing mong kaibigan na nagpapakitang tao lamang.

• Maging pantay ang pagtrato sa ibang tao.

Kanser ng Lipunan

• Ang hindi pagkapantay

pantay ng pagtrato ng mga

tao sa mga Pilipino.

• Kahinaan ng mga Pilipino“Natigil lamang ang kanilang pagtatalo nang dumating ang pinsang si Primitivo. Siya ay

ipinasundo ni Tinchang upang hingan ng payo sapagkat

marunong itong mangatwiran.”

Ipinapakita na hindi nila kayang harapin ang sariling

problema mag isa at kailangan pa nila ang tulong ng iba para masulosyunan ang kanilang

problema.

Maging pantay sa pagtrato sa

ibang tao. Kalahi man o

hindi.

Solusyon:

Matutong harapin ang

sariling problema mag isa at huwag

dumepende sa iba.

Ebalwasyon

1.Bakit may nagbubunyi para kay Padre Salvi?

2.Sino and dumating sa bahay nila Kapitan Tinong?

3.Ano ang niregalo ni Kapitan Tinchang bilang pamasko sa Kapitan Heneral?

4-5. Dalawang payo na binigay ng pinsan ng mag-asawa.6. Bakit tuwang tuwa si Kapitan Tiago?7-9. Mga lugar kung saan nagpamisa si Kapitan Tiago?10. Ano ang dahilan kung bakit tinalukuran nya ang kanilang pag-iibigan ni Ibarra?

Mga Sagot

1.Dahil karapat-dapat daw itong bigyan ng mitra.

2.Primitivo3. Singsing na puno ng brilyante.4-5. Magbigay ng regalo sa Kapitan Heneral at sunugin ang lahat ng mga sulat.6. Dahil hindi man lang sya nahuli o natanong.7-9. Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen10. Para malaman ang katotohanan tungkol sa kanyang inang namayapa.