nutrition month tula
DESCRIPTION
Ang mga tulang ito ay gawa ng Grade 8 students ng Col. Ruperto Abellon National School, Guisjan, Laua-an, AntiqueTRANSCRIPT
Madaling Solusyon
Tayong mga bata ating kalusugan ay ingatan,Kumain tayo ng prutas at gulay,
Upang lalakas ang ating katawan.
Kung may kalamidad ng darating,Tayong maging maging alerto,
Para sa kaligtasan natin.
At kung may mga _______ darating,Hindi maging mahina ang katawan natin,
Upang lagi tayong handa sa anomang bagyong darating.
Bakit nga ba ang ibang tao ay naninigarilyo?Hindi ba nila alam na masama ito?
Sa kalusugan nating mga tao.
Yang ating mga sakit,Madaling sulusyonan,
Kumain lang ng masustansyang pakain,Gagaling agad yan.
Malusog na Kapaligiran
Kayong mga katabaan;alagaan ang kapaligiran, maging sarili paman,
sa pagsira ng paligid,maapektuhan pati kalusugan mo
Magpasalamat sa mga biyaya,iyong natanggap,
dahil sa huli mawawala ito,kung hindi pahahalagahan
Magtapon ng basura,sa tamang tapunan,hindi sa mga estiro,
na nababara pagdating ng ulan
Resulta ng mabahong kapaligiran,sakit sa kalusugan,kayong mga tao,iwasan na’yan
Kumain ng masustansyang pagkain,para iwas sakit,
ugaliing malinis ang paligid,para iwas panganib
Masustansyang Pagkain
IKapag ang tao’y nagugutom
Resistensya’y mahinaAnumang sakit ang daratingIto’y hindi kayang kayanin
IIKung ang tao’y walang makain
Tiyan ang masakitKatawan na kay hina
Sa tingin ng iba’y sakitin
IIIKaya’t tayong mga kabataan
Pangalagaan natin ang ating katawanAng pagkain ng gulay at prutas ay panatilihin
Upang tayo’y maing malusog
IVKumain din ng biang masustansiyang pagkain
At ang katawan natin’y sumiglaIngatan ang kalusugan ng higit-higit
Pagka’t ito’y kaloob ng Diyos sa langit
VKapag ito’y winalang bahala
Tial kayamanang winalaMga pangarap na tinataya,
Baka mawala ring bigla.
Gulay at Prutas
Tayo’y kabataanLulong sa panahoKamain ng sapat
Di pa huli ang lahat
Gutom at malnutrisyon wakasanUpang bumuti ang katawan
At sakit ay maiiwasanGulay at prutas ang kailangan
Kumain ng masustansyang pagkainGulay, prutas ay dapat kainin
At kapag ito’y isinasaalang-alang natinMas lalong lulusog, bubuti ang katawan natin
Kumain ng gulay at prutasTiyak katawan mo’y sisigla’t lalakas
Ang pagkain nito’yDi magkakasakit, hahaba ang buhay
Kalamidad paghadaan
IKalamidad kailan aalis?
Hindi alam kong ito’y hihina o babagsikHindi ka ba naawa sa amin?
Buhay ng marami iyong kinikitil
IIMapatimog, mapahilaga, mapakanluran, mapasilangan
Kahit saan tumingin, puro baha ang makikitaPlastic, bote, goma ay nakakalat sa kalsada
Iyan ay iyon dinadala
IIIKalusugan ay naapektuhan
Dahil ang halaman ay hindi mapakinabanganPuno lahat ay putol naAt lugmot sa putikan
IVIto ba ang iyong gusto?Ito ba ang iyong nais?
Kagutoman ang malnutrisyon iyon epektoSa maraming katao
VKalamidad dapag paghandaan
Upang kalusugan ay hind maaepktuhanDahil ito ang puhunanPara sa kinabukasan
Problemang Malnutrition
Ang buhay ng tao, ay sadyang maikli lamang,
Kaya atin itong alagaan,
Pagyamain at pahalagahan.
Mga kalamidad na ating mararanasan
Buhay ng tao ay maapektuhan
Sigalut ng buhay harapin ng tunay.
Gutom at malnutrisyon problema ng pamahalaan,
Kaya mga magulang, anak ay pahalagahan,
Batang sakitin alagaan ang katawan.
Kaya masustansyang pagkain ating kainin,
Ito’y nagbibigay lakas, talino at tapang
Sigalut ng buhay ay ating mapagtagumpayan
Gutom ay Labanan
Kung darating ang kalamidad,
Ipagbigay alam sa taong bayan
Upang ito’y kanilang mapaghadaan.
Ang mga mahihirap ang laging apektado
Dahil ang bahay hindi kongkreto
Kaya’t pamahalaan, pagtulungan natin ito.
Malnutrisyon at gutom ay ating paglabanan,
Huwag lang iasa sa ating pamahalaan,
Dahil nasa atin ang solusyon nito.
Magtanim ng prutas, magtanim rin ng gulay,
Alagaan ang lupa dahil buhay dito naka salalay,
Maglagay ng organikong pataba dahil ito ang bagay.
Nakakataba ang pagdagdag ng compost sa lupa
Ito’y simple at kaya nating magawa
Dahil ang masustansyang gulay galing sa matabang lupa.
Ang abonong kemikal ay nakakasira ng lupa
Kulang sa sustansya, kulang din sa mineral
Kaya’t papano lulusog ang mga bata
Kung ang prutas ang gulay na kinakain
Ay galing sa di-masustanyang lupa.
Kaya’t mga kaibigan, patabain ang lupa
Upang maging masustansya ang prutas at gulay
Dahil sa pagkain nito’y nakasalalay ang ating buhay.
Malnutrisyon: Ano ang Solusyon?
Mga batang gutomBigyan ng pagkain at maiinom
Huwag silang hayaang magkasakitAt sa pagkain ng gulay ay ipalapit.
Ang pagkain ng gulayGamot sa sakit na nakamamatay
Problemang malnutrisyonPagkain ng gulay at prutas ang solusyon
Huwag suwayin,Pangaral ng magulang natin
“ang pagkain ng gulayang ikasasaya at ikahahaba ng iyong buhay”
ang batang malusog,kung tingnan ay kalugod-lugod,
sa sakit mapapalayo,kinabukasan ay sigurado.
Gutom at malnutrisyonPagkain ng masustansyang pagkain ang solusyon
Salamat kay nanay,Sa walang sawang paghain ng gulay.
“Tanging Solusyon Para Sa Malnutrisyon”
Kumain ng gulay at prutasPara ang katawan ay lumakasDapat nating bigyang pansin
Ang mga masustansiyang pagkain
Ang kalamidad ay dapat nating paghandaanAt ang malnutrisyon agapanPara ang katawan ay sumigla
At maging masaya sa tuwi-tuwina.
Iwasan ang malnutrisyonDahil ang pagkain ng masustansiyang pagkain ang solusyon
Kaya salamat kay NanayNa hindi nagsawa sa paghain ng gulay.
Kaya mga bataKayo ay dapat maging handa
Iwasan ang pagkain ng sitseryaAt dapat kumain ng pagkain na nakapagpasigla.
Salamat po talaga NanaySa magandang buhay na iyong alay
At sa paghain araw-araw ng masustansiyang pagkainKaya hindi ako maging sakitin.
Tayoy Magtutulungan
Sa kalamidad dapat alertoNagtutulugan dapat tayoMapagbigay sa kapwa taoMaalaga din dapat tayo.
Huwag ng mag-awayAt ang kalamidad nalang ang paghandaan
Upang wala nang masaktanSa ating gma mamamayan.
Ang kahirapan ay iwasanUpang malnutrisyon ay mabawasanDahil ang kalusugan ay kayamanan
At ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Kung tayo ay magtutulunganMalnutrisyon ay maaagapan
Magiging malusog ang mga kabataanUpang maging maganda at masagana ang kinabukasan
Handa kana ba?
Kalamidad ay laging dumadating sa atin
Laging paghandaan ng maigi at pagbutihin
Lalo na ang baha, baka gulay at prutas kanyang tanyagin
Kawawa tayo, walang makain
Tayong lahat ay magiging payat at sakitin.
Tayo’y magtanim ng mga prutas ng gulay
Upang buhay ay maging makulay
Araw-arwa tayong mabubusog
At ang pangangatawan ay palaging malusog.
Alam nating lahat na dahl sa kalamidad na ating nararanasan
Maraming nasisirang pananim, bahay at ari-arian
Na maaaring makasira sa ating kabuhayan
At maapektuhan pati ang ating kalusugan.
Kumain tayo ng gulay at prutas na na mabitamina
Upang pangangatawan ay sumigla’t gumanda
Hindi lang ang ating kalusugan at buhay ang gaganda
Pati rin ang bansa natin gaganda at uunlad pa.
Kalamidad ito’y ating paghandaanPara maging mabuti ang ating kinabukasan
At hindi masira ang ating kabahayanNg maipagpatuloy nating ang ating kabuhayan.
Ang taong malusog, lubhang masayahinMatalas ang isip at hindi sakitin
Katawa’y maganda at hindi patpatin,Pagkat alam niya ang wastong pagkain.
Lusog ng katawan nasa kinakain,Ang gulay at prutas, dapat na piliin,Sa dilis at tulya, sa puso ng saging
Sa lakas ng buto, titibay ang ngipin.
Lilinaw ang mata, katawa’y lalakiSa sariwang gatas, itlog ka kamote
Malunggay at petsay, sa isda at karen,Ang bata’t matanda, lulusog, bubuti.
Sa ating pagkain laging tandaanMga bitamina nitong tinataglay
Sa sariwang prutas, isda saka gulayLulusog gaganda, hahaba ng buhay.
Pag-iingat
Sa bawat kalamidadTulong mo’y kailanganBawat mong pagdamay
Bigay pag-asa sa aking buhay
Sustansyang iyong bigayNalalasap at nagpapahaba ng buhay
Pagkaing masasarap ngunit may sustansyang bigayUpang bawat isa’y bibo’t masigla
Tapat na pagsuyo ay inialayUpang ang sigla’y masasaiyoPagmamahal mo ang nais koInay ko ikaw ang buhay ko
Pagpapahalagang alay moPagmamahal na ipinagkaloob mo
Buhay na bigay moIpinagpapasalamat ko sa iyo
Kaya’t mga bata pakain ng gulayUgaliin upang kataway lumakas
Panlaban sa trahedyang dumatingLaging ligtas ikay lalakas.
Masustansyang Pagkain
Masustansyang pagkain, laginghainUpang tayo’y malusog at hindi sakitin
Gulay at prutas, sadyang kailangan natinKaya dapat lang na ito’y ating kainin.
Ikaw ba’y sakitin? Ikaw ba’y mahina?Sa panahon ngayon di yan problema
Basta masustansyang pagkain, kumakain kaLulusog ka na, malakas ka pa.
Mga karamdaman?Di yan nating kayang iwasan
Kung tayo’y pabaya at walang paki-alam!Sa pagkain ng junk foods magdahan-dahan.
Kaya panatilihin ang ating kalusuganUpang impeksiyon at sakit ay malabanan
At upang laging masiglaAting katawan
Kaya mga kaibigan, akoy pagkinggan,Aking nais, kayo’y matulungan
Kaya itong aral,Lagi nyong tularan.
Bumangon ka!
Kahirapa’t malnutritionSuliranin ng bawat nasyon
Sakiti’y di mabilangDito sa pilipinas, gumagapang
Kalamidad ay di maiiwasanKung kaya atin itong paghandaan
Maging mapanagutanSa panahon ng kasarinlan
Ngunit sa huli tao’y nangangayayatKatamlayan at lumbay ay hindi masukat
Di makuhang ngumiti man lamangWala nang lakas, itoy nasayang
Pamilyan’y nawasak, gulong-gulo naKalamidad, katiwalian ang dala
Sinong dapat sisihin, sinong dapat aamin?Mga tao bang mahirap paunawain?
Gising! Bumangon ka!Mag-iisip-isip ka muna bago gumawaTao, lingunin at suriin mong isa-isa
Kung sinong may sala saka ka humusga!
Gaganda ang Buhay
Prolemang kinakaharap dapat na paghadaanMaging ito’y lindol o pagbaha manKailangan magkain at magtulungan
Una sa lahat katawan ay pangalagaan
Malulusog na mamamayanAng dapat tularan
Masasamang bisyo kailangang iwasanUpang gaganda ang buhay na hiram
Para sa mga walang nalalamanTungkol sa kanilang mga kalusugan
Ang ating katawan ay dapat nating pangalagaanUpang tayoy mabuhay mapagkailanman.
Aking napag-aralan sa paaralanTamang nutrisyon lubhang kailangan;
Dulot nito sa ating mga katawanAy walang hanggang kalusugan.
Wastong nutrisyon mura na, masarap paKaya dapat malaman na bawat isa;Mabibigyan lakas sa buong pamilya
Pagkat lulusog ang bawat isa.
Kapag sumasapit ang ganitong buwan,Ipinagdiriwang ng buong paaralan,
Upang ipabatid sa mga mamamayan;Tamang nutrisyon mainam sa katawan.
Tamang nutrisyon tunay na mahalaga,Kaya dapat matuto ang bawat isa,
Sa pagkain nang tama, katawan ay sisigla,Malayo sa sakit at lulusog pa.
Halina, halina kumain ng mura,Umasa kang katawan mo ay sisigla,Pagkaing mura at masustansya pa;
Makatitipid si Ina sa pagbabadyet niya.
Tanging Solusyon
Magtanim ng gulay at prutasPinya saging at bayabas
Kamatis bawang at sibuyasUpang sa sakit makaiwas.
Kaya mga bata huwag kayong kumain ng chitcheriaAng dapat ninyong kainin ay mga pagkaing masustansya
Sapagkat ito’y nagbibigay ng lakas at resistensyaPagkain ng gulay at prutas
Ang tanging solusyonUpang maiwasan ang gutom at malnutrisyon
Gutom ang malnutrisyonDapad tuldukan
Sapagkat ang mga bata’y napapabayaanAng kanilang sarili at katawan
Dapat magpasalamat kay nanaySa araw-araw na pagkain ng gulay
Sa umaga’y gatas at tinapaySa tanghalian ay munggo at malunggay
Salamat po nanaySa magandang buhay niyong alay.
MATIBAY NA MAMAMAYAN
Pagkain ng gulay at prutas laging ugaliin
Upang katawan nati’y maging masayahin
Dahil nagbibigay ito ng lakas sa ating katawan
Na nagpapatibay sa ating mga mamamayan.
Gutom at malnutrisyon ay dapat agapan
Sumangguni sa food pyramid na
Sabayan pa ito ng wastong tulog at pahinga
Siguradong ang malnutrisyon ay maiiwasan na.
Pagiging malusog ay dapat ipagpatuloy
Upang mga sakit ay di makituloy
Para kalamidad ay kaya nating harapin
Sa daang tatahakin natin.
Nagayon man o maging sa bukas natin
Para sa kinabukasang naghihintay sa atin
Upang ang ating buhay ay maisaayon
Para din sa ikauunlad ng ating nasyon.
KALUSUGAN: ISAALANG-ALANG
Hindi maiwasanKalamidad dumadaan
Kaya dapat ito’y paghandaanPara sa ating kaligtasan.
Mga taong naapektuhanMayaman o mahirap man
Di alam kung saan ang puntahanSa oras ng anumang kahirapan
Minsan akoy napapaisipKailan may ____________ ang pait?
Nagiiyak kang batang paslitDahil sa ____________.
Nawalan sila ng tirahanDahil sa bagyong dumaanGutom ang naramdamanWala pang .asisilungan
Dapat huwag kaligtaan
Ano mang klase ng kalamidadAng darating sa bayang nililiyag
Huwag mabahala ito’y kayang malampasanKung ang bawat isa’y nagtutulugan