october issue

4
BRIGADA ESKWELA SA 21 PAARALAN NG ELEMENTARYA’T HIGH SCHOOL SA MARIKINA CITY Kaakibat ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa Oplan Linis at Brigada Eskwela na ginanap sa mga paaralan ng elementarya at high school ng Marikina City noong ika-4 hanggang 9 ng Setyembre 2009. Kabilang ang mga paaralan ng Lungsod ng Ma- rikina ang sinalanta ng bagyong Ondoy. Dahil dito nanawagan ang dalawangput isang (21) mga punong- guro ng elementarya at high school ng Marikina City ng tulong sa AFP lalo na ang Civil-Military Operations Battalion para magsagawa ng isang linggong operation linis at brigada eskwela. Batid sa lahat na ang CMOBn ay nagkaroon dati ng isang kompanya na na- katalaga sa lungsod ng Marikina para magsagawa ng “Civil Military Operations”. Dito nakilala at napatunayan ng mga tao na ang mga sundalo ay matulungin sa kapwa at sila’y hindi pang-giyera lamang. Dahil sa mga naipakitang kabutihang loob ng mga kasundaluhan ng CMOBn sa mga tao, ito’y nagmarka sa kanilang isipan at nagkaroon sila ng isang magandang samahan. Kung kaya’t ito’y naging isang sanhi para dumulog sa CMOBn si Bb. Jane A. Farinas, Executive Secretary ng Marikina City Federation of Public School Teachers, Inc. upang humingi ng tulong at simulan ang paglilinis sa sangkaterbang kalat na iniwan ni Ondoy sa kanilang mga paaralan. Kabilang ang St. Mary Elementary School ng Brgy Nangka, San Roque Ele- mantary, Brgy San Roque, Marikina City ang natulungan ng mga kasundaluhan sa paglilinis at ito’y pinangunahan ni Ginang Zeneida S Munar, Punong-guro ng St Mary Elementary School kasama ang mangilan -ilang mga estudyante sa bawat paaralan. Kabilang sa nalinisan ang mga silid aralan kasama ang Principal’s Office, Library, Service Center, Canteen Coop, AVR, Feeding room at ang buong paligid ng na- bangit na mga paaralan ay winalisan at hinugasan dahil sa mga putik na dumikit sa paligid dulot ng baha. One Country… One People… One October Issue 2009 Vol. 1, Issue 10 Sundan sa Pahina 2 Ang Mga Kasundaluhan ng CMOBn at JCMOTF- NCR ng AFP ay puspusan ang paglilinis sa paaralan ng San Roque Elementary School sa Marikina City.

Upload: cmo-battalion

Post on 20-Mar-2016

236 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

Ang Mga Kasundaluhan ng CMOBn at JCMOTF- NCR ng AFP ay puspusan ang paglilinis sa paaralan ng San Roque Elementary School sa Marikina City. One Country… One People… One Sundan sa Pahina 2 Page 2 BALITAA N SA BARANGA Y…. Binuhat ng dalawang sundalo ang bata na nakaupo sa silya para ihatid sa mga doktor upang mabigyan ng libreng konsultasyon at medikal. One Country… One People… One CELLPHONE:: 09229596385/ 09167703289 TUNGO SA MAUNLAD, MATIWASAY AT NAGKAKAISANG KOMUNIDAD!!!

TRANSCRIPT

  • BRIGADA ESKWELA SA 21 PAARALAN NG

    ELEMENTARYAT HIGH SCHOOL SA

    MARIKINA CITY

    Kaakibat ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa Oplan Linis at Brigada Eskwela na ginanap sa mga paaralan ng elementarya at high school ng Marikina City noong ika-4 hanggang 9 ng Setyembre 2009.

    Kabilang ang mga paaralan ng Lungsod ng Ma-rikina ang sinalanta ng bagyong Ondoy. Dahil dito nanawagan ang dalawangput isang (21) mga punong-guro ng elementarya at high school ng Marikina City ng tulong sa AFP lalo na ang Civil-Military Operations Battalion para magsagawa ng isang linggong operation linis at brigada eskwela.

    Batid sa lahat na ang CMOBn ay nagkaroon dati ng isang kompanya na na-katalaga sa lungsod ng Marikina para magsagawa ng Civil Military Operations. Dito nakilala at napatunayan ng mga tao na ang mga sundalo ay matulungin sa kapwa at silay hindi pang-giyera lamang. Dahil sa mga naipakitang kabutihang loob ng mga kasundaluhan ng CMOBn sa mga tao, itoy nagmarka sa kanilang isipan at nagkaroon sila ng isang magandang samahan. Kung kayat itoy naging isang sanhi para dumulog sa CMOBn si Bb. Jane A. Farinas, Executive Secretary ng Marikina City Federation of Public School Teachers, Inc. upang humingi ng tulong at simulan ang paglilinis sa sangkaterbang kalat na iniwan ni Ondoy sa kanilang mga paaralan.

    Kabilang ang St. Mary Elementary School ng Brgy Nangka, San Roque Ele-mantary, Brgy San Roque, Marikina City ang natulungan ng mga kasundaluhan sa paglilinis at itoy pinangunahan ni Ginang Zeneida S Munar, Punong-guro ng St Mary Elementary School kasama ang mangilan-ilang mga estudyante sa bawat paaralan. Kabilang sa nalinisan ang mga silid aralan kasama ang Principals Office, Library, Service Center, Canteen Coop, AVR, Feeding room at ang buong paligid ng na-bangit na mga paaralan ay winalisan at hinugasan dahil sa mga putik na dumikit sa paligid dulot ng baha.

    One Country One People One

    October Issue 2009 Vol. 1, Issue 10

    Sundan sa Pahina 2

    Ang Mga Kasundaluhan ng CMOBn at JCMOTF-NCR ng AFP ay puspusan ang paglilinis sa paaralan ng San Roque Elementary School sa Marikina City.

  • Balitaan sa Barangay P a g e 2

    B A L I T A A N S A B A R A N G A Y . TUNGO SA MAUNLAD, MATIWASAY AT NAGKAKAISANG KOMUNIDAD!!!

    OPISYAL NA BUWANANG PAHAYAGANG PANG BARANGAY NG CIVL MILITARY OPERATIONS BATTALION, CIVIL MILITARY OPERATIONS GROUP, PHILIPPI NE ARMY NA MAY HEADQUARTERS SA JUSMAG VILLAGE, FT., BONIFACIO, TAGUIG CITY.

    ANO MANG KOMENTO, SUHESYON O KONTRIBUSYON NA NAIS IBAHAGI AY PWEDENG IPAHATID SA MGA SUMUSUNOID:

    TELEFAX: 845 9555 LOC 6433 Website: www.cmobn.com E MAIL: CMOBN. PA @ GMAIL.COM Friendster: [email protected]

    CELLPHONE:: 09229596385/ 09167703289

    MEDICAL MISSION SA BRGY BAGONG SILANGAN AT BRGY GULOD,NOVALICHES,

    QUEZON CITY

    Naging matagumpay ang dalawang araw na Medical Mission ng pinagsanib na grupo ng mga LGU at NGO kasama ang kasundaluhan ng 3RD Community Development Company, Civil-Military Operations Battalion, Philippine Army, sa pangun-guna nina CPT BALAN at 1LT BELARDO, pawang mga opisyales ng nasabing kompanya na nakata-laga sa Lungsod ng Quezon.

    Ang nasabing aktibidad ay inumpisahan noong ika-12 hangang ika-13 ng Oktubre 2009. ka-sama din dito ang mga doctor at nars ng Ft. Boni-facio General Hospital at ng Philippine National Po-lice na pinangatawanan ni Dra Minerva Grace Balao-as. Ang mga nasabing ahensya ay nagbuk-lod-buklod para maipa-abot ang kanilang serbisyo sa Area 5, Sitio Brgy, Bagong Silangan Quezon City. Kaakibat din dito ang Quezon City Govern-ment

    One Country One People One

    naging kalunus-lunos ang kalagayan ng nabangit na mga paaralan dahil ang kanilang mga kagami-tan kagaya ng computer, Riso, mga libro at records ng mga bata at iba pang mga gamit na hindi na mapakinabangan pa ay itinapon nalang dahil na-sira na ang mga ito dulot ng matagal na pag-kalubog sa tubig baha.

    Ayon kay Ginang Juliet S Dimailig, Punong-guro ng San Roque Elementary School, ngayon lang nila naranasan ang ganitong sakuna at ngayon lang din nila naisipang lumapit o humingi ng tulong sa mga sundalo. Masaya ang mga guro at mga estudyante dahil ang kanilang mga natan-gap na tulong sa ibat-ibang ahensya ng ating gobyerno ay naging dahilan ng pagbubukas muli ng kanilang klase at ang pagbabahagi ng kaala-man at talino ay mapagibayo muli. Umaasa din ang mga guro, estudyante pati ang mga residente na malapit sa paaralan sa dagdag tulong na maar-ing maipamalas hindi lamang sa kanila kundi sa lahat na maaaring maapektuhan ng sakuna dito sa ating bansa.

    Office sa pamumuno ni Hon Teodoro C.Indic,

    Catholic Association of Nurses and Doctors,

    ACIN Asia Association, Heart and Mind Organi-

    zation, at Pinagbuklod na Asosasyon sa pangun-

    guna ni Kagawad Ramon Toto Medalla.

    Halos 800 katao ang nabigyan ng libreng-

    medikasyon sa Brgy Bagong Silangan at sa Brgy

    Gulod naman ay 850 katao ang nabigyan ng li-

    breng check-up at gamot. Masaya ang mga resi-

    dente ng nasabing lugar dahil sa libreng pro-

    grama na naipamahagi sa kanila. Nagpa-

    pasalamat si Mrs Shiela Marie Gadiano ng Brgy

    Bagong Silangan sa CMOBn ng Philippine Army

    at sa mga organisasyon na nabanggit dahil sa

    mga tulong na naipamalas sa kanila. Para sa

    mga nabangit na residente ay malaking tulong na

    ito dahil sa kahirapan na nararanasan nila

    ngayon. Mensahe pa ni Mrs Evangeline Molina

    ng nasabing lugar, Sana ang mga tao sa kanilang

    lugar ay makipagtulungan sa mga sundalo upang

    mas lalong mapaganda ang kaayusan at kata-

    himikan sa brgy nila. Wika naman ni Mrs Eva Sa-

    gario ng Brgy Bagong Silangan, Quezon City

    ay Salamat sa kabayanihan ninyong mga

    sundalo, lalong-lalo na sa CMOBn at Mabu-

    hay po kayo .

    Binuhat ng dalawang sundalo ang bata na nakaupo sa silya para ihatid sa mga doktor upang mabigyan ng libreng konsultasyon at medikal.

  • Page 3

    MEDICAL AND DENTAL MISSION SA BRGY 326, DISTRICT II, MANILA

    Isang Medical and Dental Mission at libreng pakain at gupitan ang matagumpay na isinagawa sa Brgy 326, Zone 33, Dist II, Metro Manila noong ika-17 Oktubre 2009 ng Civil-Military Operations Battal-ion, Philippine Army na pinangungunahan ni 1LT BEJARIN, Commanding Officer ng 1

    st Community

    Development Company. Sa pakikipagtulungan muli ng CMOBn, kaa-

    gapay ang mga doctor at nars ng Fort Bonifacio General Hospital ng Philippine Army sa pangun-guna ni CPT TERESITA R MERIOLES (MS) PA at ng City Government ng Manila upang makapagbi-gay muli sila ng libreng serbisyo publiko para sa mga residente ng Brgy 326 ng lungsod ng Manila.

    Maaga pa lamang ay dagsaan na ang mga

    tao sa nasabing Baranggay para magparehistro sa

    libreng medikasyon at dental. Habang nagsasa-

    gawa ng programa ang CMOBn, namigay naman

    ng libreng Cedula sa mga tao ang NSO para sa

    mga walang trabaho. Halos 1,130 katao ang nag-

    parehistro para mabigyan ng libreng medikasyon at

    gamot, 93 katao naman ang nabigyan ng libreng

    dental at sa libreng gupit naman ay umabot ng 150

    babae at lalaki ang nabiyayaan. Ha-

    bang nagpapatuloy ang programa ng

    Medical ay sinabayan naman nito ng

    libreng pakain para sa mga bata

    upang mapabuti ang antas ng

    kanilang nutrisyon at mapabilis ang

    kanilang masiglang paglaki.

    Itoy dinagdagan din ng libreng pagtuturo

    sa mga magulang kung paano nila maalagaan at

    masubaybayan ng tama ang nutrisyon at kalusu-

    gan ng kanilang mga anak. Naging masaya ang

    mga residente sa nasabing barangay dahil isa

    ito sa napiling lugar upang mabigyan ng libreng

    gamutan. Mensahe ni Mrs Cecilia Flores, isa sa

    mga residente ng Brgy 326, Malaki po ang pa-

    sasalamat naming lahat sa inyong mga sundalo

    at kay Kagawad Yul Servo nieto dahil ang nasa-

    bing aktibidad ay napakalaking tulong po sa am-

    ing lahat. Minsan lang po ito nangyari sa amin

    sa loob ng kasalukuyang taon kaya sinamantala

    po namin ang pagpunta dito upang makakuha

    ng libreng gamot. Maraming salamat po sa ka-

    baitan ninyong mga sundalo. At para po naman

    sa mga kabaranggay ko, dapat ay magkaisa

    tayo at magbigayan katulad ng mga ginagawa

    ng mga sundalo sa ating lahat. Ang pagkatalaga

    ng mga sundalo sa ating barangay ay maitutur-

    ing na napakalaking halaga dahil sa lahat ng

    problema at sa ano mang sakuna ay nandiyan

    sila na laging nakaalalay sa atin. Salamat po

    muli at Bayani po kayong tunay Sir! Hindi rin

    nagpahuli si Ms Jocelyn Briones sa kan-

    yang palagay at wika niyay, Para sa mga

    sundalo ng AFP, sana ay hindi po kayo

    magsawa sa pagtulong sa mga katulad

    naming mahihirap. Maraming salamat po

    talaga sa inyo Sir.

    Balitaan sa Barangay

    One Country One People One

    Nagsagawa ng libreng gupit ang mga sundalo ng CMOBn sa mga residente ng Brgy 326, Manila.

    Pinangungunahan ni CPT BE-JARIN ang pagbibigay ng su-porta sa programa ng Medical Mission sa mga residente.

    Tinulungan ni Sgt Montilla ang Dalawang Australian volunteer sa pagaayos ng mga ga-mot na ipapamahagi sa mga residente ng Brgy 326, Manila.

  • Ang United Nations o ang Mga Nagkakaisang

    Bansa ay itinatag noong Octubre 24, 1945 sa San

    Francisco, Estados Unidos pagkatapos ng Ikalawang

    Digmaang Pandaigdig ng 51 nagkakaisang bansa. Ito

    ang pinakamalaking organisasyong pandaigdig na

    aktibong nagsisilbi para sa kapayapaan, para ita-

    guyod ang pandaigdigang pagtutulungan at seguri-

    dad, pagsasaayos ng estado ng kabuhayan ng

    bawat miyembrong bansa at ang pagprotekta sa

    karapatang pantao. Ang lahat ng mga bansang so-

    berano na kinikilala ng pandaigdigang komunidad ay

    miyembro ng United Nations, maliban sa Vatican na

    isang tagamasid lamang. Ang organisasyong ito ay

    may 192 bansang kalahok at kilala sa pagpapanatili

    ng kapayapaan sa mundo, pagresolba sa mga ban-

    sang nagkakagulo at pagtulong sa mga nangan-

    gailangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng

    gamot at pagkain.

    Sa kanilang adhikain na maisaayos at makatu-

    long sa mga miyembrong bansa, nagtayo ang United

    Nations ng ibat ibang sangay para matugunan ang

    pangangailangan ng kanyang mga miyembro. Isa sa

    mga ito ang pagprok

    lama sa Deklarasyong Unibersal ng mga Kara-

    patang pantao at ang Unicef o ang United Chil-

    drens Fund na naglalayong pangalagaan ang

    karapatan ng mga bata.

    Dito sa Pilipinas, kilala ang United Nations na tumutulong sa libo-libong Pilipino sa pamam-agitan ng pagtatayo ng ibat-ibang programang pangkabuhayan. Sila rin ang nagbibigay suporta sa mga batang nasa langsangan at nag susulong sa mga karapatan nila. Ito ay ilan lamang sa mga ginagawa nila upang mapangalagaan at maiayos ang mundo para sa susunod pang mga hen-erasyon.

    P a g e 4

    Tawa naman

    dyan

    Paggunita sa United Nations Day

    Balitaan sa Barangay

    One Country One People One

    Isang Araw pumunta si Mokong sa Munisipyo para kumuha ng NBI C l e a r a n c e ngunit...

    Ah ito ba? Binuwenas kasi ako sa Karera.

    Ha, Tatlo lang kayo. Pwede ba iyon?

    Maam pwede ko na bang makuha ang NBI clearance ko, ito po ang resibo ko.

    Paumanhin po Sir! Balikan mo nalang sa susunod na lingo.

    Ha! Bakit naman?

    Ah., anu po ba ang mga pangalan ng mga kapangalan ko mam?

    Ay .. Ambot.

    Pare mukhang marami kang pera ah .. Saan mo ba nakuha o napanalunan yan?

    Isang araw nakita ni Boknoy si Popoy na nagbibilang ng pera na masayang masaya.

    Kasuwerte mo naman at panalo ka sa ka-rera. Bihira pa naman nangyayari ang swerte sa tao. Oo nga pala ilan ba kayong nangarera, bakit naka-chamba ka?

    Hehehe .. Tatlo lang naman kami.

    Oo.. Syempre ako ang nauna, pangalawa iyong Pulis, at pangatlo ang may ari ng Pera .. Hehehehe..

    kasi sinisiyasat pa ang mga records mo dahil may mga kapangalan ka kasi dito.