opisyal na pahayagan ng makibaka isa na namang · pdf filebukas po ang patnugutan sa anumang...

8
OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA UNANG ISYU Marso 2005 Ang MALAYANG PILIPINA ay opisyal na babasahin ng MAKIBAKA na inililimbag apat na beses isang taon. Bukas po ang patnugutan sa anumang puna o mungkahing nais ninyong iparating. Tumatanggap din ang Malayang Pilipina ng kontribusyon sa anyo ng artikulo, balita, tula at maikling kwento. Maaari itong ipadala sa: [email protected] ANG BRGY. KAHEL AY MATATAGPUAN SA ISANG KOMUNIDAD SA PUSOD NG METRO MANILA. Ito ay isang pabahay ng local na gobyerno taong 1987 na nagsimula sa halagang P300.00 ang renta. Ang mga naninirahan dito na may higit sa 300 pamilya ay nagmula sa iba’t-ibang maralitang komunidad may buwanang renta ng mahigit sa isang libo. Mataas din ang bayarin sa tubig at di maayos na mga pasilidad. Karamihan sa mga pamilyang naninirahan ay walang regular o sapat na pinagkakakitaan. May mga manggagawa sa serbisyo, empleyado sa munisipyo at mga pribadong opisina na minimum na pasahod ang kita. Marami din ang mala-manggagawa. Maraming kababaihan ang may kabuhayang pagtitinda sa sari-sari store, lutong pagkain, kosmetiko at iba pa. Malaki din ang bilang ng mga kabataang hindi na nakakapagpatuloy ng kolehiyo dulot na din ng mataas na tuition fee at iba pang kaakibat na gastusin sa pag-aaral. PAG-OORGANISA SA KOMUNIDAD Sa taong 2001, nakaranas ng paghihigpit sa mga patakaran, mga kaso Isa na namang Isa na namang Isa na namang Isa na namang Isa na namang Balangay ng Balangay ng Balangay ng Balangay ng Balangay ng MAKIBAK MAKIBAK MAKIBAK MAKIBAK MAKIBAKA A A, Itinayo , Itinayo , Itinayo , Itinayo , Itinayo Ni Ka Sisa ng padlocking at pagpapaalis sa mga di nakakabayad ng buwanang renta. Patuloy ang pagpataw ng di makatwirang pagtataas ng upa sa mga naninirahan sa Brgy. Kahel. Pangunahing tagapagpatupad nito ang administrasyon ng nasabing pabahay, sa basbas na rin ng pamunuan ng munisipyo, kondisyon na nagtulak upang magtayo ng samahan ang mga naninirahan dito. Sa ilang pagkakataon, nabigo ang mga residente sa kanilang pagsisikap bunga na rin ng walang tiyak na pamunuan sa samahan at panghihina ng loob. Nang lumaon, sa pangunguna ng mga kababaihan, nagkaroon ng mga serye ng talakayan at pagpupulong kaugnay sa isyung paninirahan noong Pebrero 2004. Hanggang sa umabot ito sa pagtatayo ng hayag na organisasyong masa ng kababaihan. Sa simula, may 40 lamang ang nagtipon ngunit sa ngayon, dumoble na ang kasapian nito. Panahon din ito ng eleksyon kaya nakaguhit din ang pagkilala sa isang progresibong partido pulitikal ng kababaihan. Malaki ang bilang ng boto ang kanilang nakamit mula sa Brgy. Kahel pati na rin sa buong munisipalidad. PAGYAKAP SA REBOLUSYO- NARYONG ADHIKAIN Sa kabila ng pananakot, panggigipit at panghahati ng administrasyon at

Upload: vuonganh

Post on 30-Jan-2018

344 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA Isa na namang · PDF fileBukas po ang patnugutan sa anumang ... Tumatanggap din ang Malayang Pilipina ng kontribusyon sa anyo ng artikulo, balita,

O P I S YA L N A P A H AYA G A N N G M A K I B A K A

UNANG ISYU Marso 2005

Ang MALAYANG PILIPINA ay opisyal nababasahin ng MAKIBAKA na inililimbag

apat na beses isang taon.

Bukas po ang patnugutan sa anumangpuna o mungkahing nais ninyong iparating.

Tumatanggap din ang Malayang Pilipinang kontribusyon sa anyo ng artikulo, balita,

tula at maikling kwento. Maaari itongipadala sa:

[email protected]

ANG BRGY. KAHEL AY MATATAGPUAN SA

ISANG KOMUNIDAD SA PUSOD NG METRO

MANILA. Ito ay isang pabahay ng localna gobyerno taong 1987 na nagsimulasa halagang P300.00 ang renta. Ang mgananinirahan dito na may higit sa 300pamilya ay nagmula sa iba’t-ibangmaralitang komunidad may buwanangrenta ng mahigit sa isang libo. Mataasdin ang bayarin sa tubig at di maayos namga pasilidad.

Karamihan sa mga pamilyangnaninirahan ay walang regular o sapatna pinagkakakitaan. May mgamanggagawa sa serbisyo, empleyado samunisipyo at mga pribadong opisina naminimum na pasahod ang kita. Maramidin ang mala-manggagawa. Maramingkababaihan ang may kabuhayangpagtitinda sa sari-sari store, lutongpagkain, kosmetiko at iba pa. Malaki dinang bilang ng mga kabataang hindi nanakakapagpatuloy ng kolehiyo dulot nadin ng mataas na tuition fee at iba pangkaakibat na gastusin sa pag-aaral.

PAG-OORGANISA SAKOMUNIDAD

Sa taong 2001, nakaranas ngpaghihigpit sa mga patakaran, mga kaso

Isa na namangIsa na namangIsa na namangIsa na namangIsa na namangBalangay ngBalangay ngBalangay ngBalangay ngBalangay ngMAKIBAKMAKIBAKMAKIBAKMAKIBAKMAKIBAKAAAAA, Itinayo, Itinayo, Itinayo, Itinayo, Itinayo

Ni Ka Sisa ng padlocking at pagpapaalis sa mgadi nakakabayad ng buwanang renta.Patuloy ang pagpataw ng dimakatwirang pagtataas ng upa sa mgananinirahan sa Brgy. Kahel.Pangunahing tagapagpatupad nito angadministrasyon ng nasabing pabahay, sabasbas na rin ng pamunuan ng munisipyo,kondisyon na nagtulak upang magtayong samahan ang mga naninirahan dito.Sa ilang pagkakataon, nabigo ang mgaresidente sa kanilang pagsisikap bungana rin ng walang tiyak na pamunuan sasamahan at panghihina ng loob.

Nang lumaon, sa pangunguna ngmga kababaihan, nagkaroon ng mgaserye ng talakayan at pagpupulong

kaugnay sa isyung paninirahan noongPebrero 2004. Hanggang sa umabot itosa pagtatayo ng hayag na organisasyongmasa ng kababaihan. Sa simula, may 40lamang ang nagtipon ngunit sa ngayon,dumoble na ang kasapian nito. Panahondin ito ng eleksyon kaya nakaguhit dinang pagkilala sa isang progresibongpartido pulitikal ng kababaihan. Malakiang bilang ng boto ang kanilang nakamitmula sa Brgy. Kahel pati na rin sa buongmunisipalidad.

PAGYAKAP SA REBOLUSYO-NARYONG ADHIKAIN

Sa kabila ng pananakot, panggigipitat panghahati ng administrasyon at

Page 2: OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA Isa na namang · PDF fileBukas po ang patnugutan sa anumang ... Tumatanggap din ang Malayang Pilipina ng kontribusyon sa anyo ng artikulo, balita,

UNANG LABAS • OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA2 MAKABAYANG KILUSAN NG BAGONG KABABAIHAN

munisipyo, nagpatuloy na nagpursigi angmga aktibo at abanteng kababaihan sasamahang ito hanggang sa marekluta silasa MAKIBAKA noong Hulyo 2004.

Hindi naging mahirap sa mgakababaihan dito na yakapin angrebolusyonaryong adhikain bilangsolusyon sa krisis ng lipunangmalakolonyal at malapyudal. Kalakhansa kanila ay biktima ng kahirapan. Angilan sa mga kasapi ng MAKIBAKA aydating manggagawa sa pabrika atserbisyo na tahasang inalisan ngkarapatan sa kabuhayan. Ang iba namanay nagmula sa kanayunan na nakaranasng pagsasamantalang pyudal.

Bilang mga kasapi ngMAKIBAKA, kinakitaan sila ng ibayongsigla, katatagan at determinasyon sapagharap sa mga usaping pang-organisasyon. Patunay ang patuloy napaglaki ng kanilang kasapian nanangangahulugan lamang ng pagyakap ngmaraming kababaihan mula sa komunidadng Brgy. Kahel sa rebolusyon.

Nitong nakaraang Nobyembre 14,2004, matagumpay na inilunsad angpangkalahatang asembliya at pormal napagtatayo ng balangay ng MAKIBAKAsa Brgy. Kahel. Dinaluhan ito ng 14kasapi mula sa komunidad at mga bisitamula sa MAKIBAKA. Tinalakay ditoang Pangkalahatang Programa ngPagkilos at ilang artikulo sa SaligangBatas ng MAKIBAKA. Nagkaroon dinng eleksyon para sa tagapangulo atpangalawang taga-pangulo saorganisasyon at edukasyon. Nagbigaynaman ng inspirasyon ang mga pagbatiat pakikiisa ang mga kasama mula saiba’t-ibang rebolusyonaryongorganisasyon.

Mataba ang lupa upang matugunanang mga tungkulin bilang mga kasapi ngMAKIBAKA. Papatindi ang krisis nainiluluwal ng nabubulok na lipunangmalakolonyal at malapyudal. Sa ilalim ngpamumuno ng rehimeng US-Arroyo,ibayong dagok ng gutom at kahirapanang mararanasan ng mamamayan lalopa’t sagad ang pagkatuta nito saimperyalismong US at lokal na

naghaharing-uri. Sa Brgy. Kahel, kagayang kalagayan ng buong maralitang taga-lungsod, ang pagharap sa laban ngkawalan ng katiyakan sa paninirahan ayisang hamon upang higit pang paramihinat palakasin ang paglahok ng kababaihansa pagsusulong ng demokratikongrebolusyon ng bayan na maysosyalistang perspektiba.

* Si Ka Sisa ay isang organisador ng MAKIBAKA

Mamamayang NaghihikahosLalo Pang Nilulubog

Ni Ka PatMatinding krisis na ating hinaharapMga mamamayan dito sa Pilipinas

Paghigpit ng sinturon sa sobrang dinaranasPagtaas ng pangunahing bilihi’y lalong dumadalas.

Ang mga bayarin di na matugunanPagpapaaral sa anak di na makayanan

Ating kalusuga’y di na mabantayanSa pagprivatize ng mga pagamutan.

Kaya kasama ko, pakaisipin moPapayag ba tayo na ginaganito

Ang mga dayuhan kinokontrol tayoKasabwat ang mga nakaupo sa gobyerno.

Ito na ang panahon para tayo ay kumilosMga mamamayan atin nang irekrut

Sila ay isama sa mga pagkilosAlisin sa isipan ang pagkabantulotMga pag-aaral atin nang isunod

Nang di manatili sa pagkabusabos.

Mga mamamayan tayo nang kumilosAt ang tanikala ng paghihikahos

Atin ng malagot !!!Ibagsak ang tatlong salot !!!

ay nagpapasalamat sa mga nag-ambag ngartikulo para sa isyung ito: Kay Ka Sisa, Ka Ria,Ka Sam at Ka Sol; kay Ka Lea sa pagpayag nailathala ang sulat sa kanya ni Ka Lara; kay KaMargie at Ka Pat sa kanilang mga tula; kay Ka

Kamilo sa paglalapat ng letra at larawan, kay KaKay at sa PRWC para sa mga larawan.

Ang Patnugutan ng

*si Ka Pat ay dating manggagawa na tinanggal dahil samalaganap na pagpapatupad ng kontraktwalisasyon; naging

pultaym na organisador sa hanay ng manggagawangkababaihan.

Page 3: OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA Isa na namang · PDF fileBukas po ang patnugutan sa anumang ... Tumatanggap din ang Malayang Pilipina ng kontribusyon sa anyo ng artikulo, balita,

MAKABAYANG KILUSAN NG BAGONG KABABAIHAN 3UNANG ISYU • OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA

Nag-uumpisa pa lang angMAKIBAKA magsagawa ito ng piketprotesta laban sa paglunsad ng beautycontest noong 1969 (si Gloria Diaz angnanalong Miss Philippines at si NeliaSancho ang 1st runner up). Nagingmedia event ang piket at maramingtumawag at gustong maging myembro.Nakita ang kahalagahan ng isang pormalna organisasyong pangkababaihan.

Tinipon ang mga kababaihangaktibista mula sa iba’t ibang pambansademokratikong organisasyon at pormalna binuo ang MAKIBAKA. Ang unangkongreso nito ay dinaluhan ng 200kababaihan mula sa iba’t ibang rehiyon.Sa kongresong ito, ihinahal si LorenaBarros bilang tagapangulo. Si GemmaCruz-Araneta (na dating MissInternational 1964)ay naging honorarymember noong 1971. Lumahok siya sakilos protesta sa sumunod na beautypageant sa Araneta Center.

Ang gawaing pag-oorganisa ngMAKIBAKA ay nakapokus pa noon samga exclusive schools for women peronakapagpalawak sa ibang syudad –Davao, Cebu, Baguio, Bacolod at Iloilo.Nang lumaon ay nag-oorganisa na rinng mga kababaihan sa mga maralitangkomunidad sa Leveriza at Sampaloc.May itinayong daycare center angMAKIBAKA na tinawag na “yellowsubmarine”; nag-organisa din sa hanayng manggagawang kababaihan atnagbuo ng workers collective. SaGelmart unang kumilos at sumunod saTriumph. Maliban dito, may summerintegration program ang MAKIBAKApara sa mga estudyante na ginawa samga piketlayn ng mga manggagawa.

Nagkakilala ang mga nanay ng mgakasapi dahil sa madalas silang magkitakapag hinahanap ang mga anak. Dahildito, nabuo ang MAKIBAKA Mothers’Corps – binubuo ito ng mga nanay ngkasapi ng MAKIBAKA tulad nina Mrs.Alicia Barros (nanay ni Lorena Barros)at Mrs. Paulina Malay (nanay ni BobieMalay). Ang Mother’s Corps angmadalas na nasa MAKIBAKAheadquarters ( o HQ, ito ang tawagsa opisina o tambayan ng mgaorganisasyon noon) dahil ang mgakasapi, kung wala sa eskwelahan, aynasa mga maralitang komunidad at mgapabrika.

Binuo din ng MAKIBAKA angKALAYAAN, isang alyansa ngKababaihan para sa kampanya laban sapagtaas ng mga bilihin. Ito ang nanguna

sa unang martsa ng kababaihan noong1971 laban sa pagtaas ng presyo ng mgabilihin na dinaluhan ng 200 kababaihan.Nagmartsa sila mula sa Bustillospatungong Mendiola.

Sa maikling panahon ng pagigingligal na organisasyon ng MAKIBAKAay naiguhit nito ang makabayan atmilitanteng katangian ng organisasyon atang mahalagang papel ng kilusangkababaihan para sa paglaya ng bayan.

Kasabay ng deklarasyon ng batasmilitary noong 1972 ang pagtugis ngpasistang rehimen sa mga organisasyongprogresibo. Kagaya ng karamihang mgaaktibista, ang mga kasapi ngMAKIBAKA ay nag-undergroud.Marami ang tumungo sa kanayunan atsumapi sa BHB. Simula 1972, lihim naang pag-oorganisa ng MAKIBAKA.Ang mga natirang MAKIBAKA cellssa lungsod ay binigyan ng tungkulin namag-organisa sa hanay ngmanggagawa. Dahil sa mahigpit nakalagayan ng seguridad, nahirapangkumilos bilang organisasyong masa angMAKIBAKA. Pero tuloy-tuloy angpag-oorganisa ng kababaihan sakanayunan sa pamamagitan ng BHB.

Noong1984, hinanda ang mulingpagbubuo ng Makibaka. Sa panahong itoay bumubwelo ang kilusang masa sakalunsuran. Taong 1985 ay naghahandana ang mga kasama sa paglulunsad ngikalawang kongreso ng MAKIBAKA.Bilang bahagi ng paghahanda aynagpatawag ng asembliya ng kababaihan

Mga Tala sa Kasaysayan ng MAKIBAKASA MARSO AY GUGUNITAIN ANG IKA-34 ANIBERSARYO NG KONGRESO NG

MAKIBAKA na dinaluhan ng 200 kababaihan noong Marso 18-19,1971 sa Sampaloc, Maynila. Ang MAKIBAKA ay nagsimula bilangisang hayag na pambansa demokratikong organisasyon ng kababaihangkabataang estudyante at propesyunal. Sa simula ay tinawag itongMalayang Kilusan ng Bagong Kababaihan pero sa unang kongresonoong 1971 ay pinalitan ng Makabayan ang salitang “Malaya” para idiinna ang paglaya ng kababaihan ay nasa balangkas ng paglaya ngsambayanan.

sundan sa p 6

Page 4: OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA Isa na namang · PDF fileBukas po ang patnugutan sa anumang ... Tumatanggap din ang Malayang Pilipina ng kontribusyon sa anyo ng artikulo, balita,

Sunod-sunod na text messages ang natanggap ko mulakina Ka Sam at Ace. Mag-impake na raw ako ng gamit atmay pahintulot na raw ang pagdalo ko sa anib. Nakakatuwaat timing na timing dahil natapos ko noong gabi ang assessmentreport. Pati na ang lahat ng errands ko nang araw na iyon.Bitbit ang knapsack, excitement at isang banig ng lagunditablets para sa pasaway na ubong kasing-tunog ng kahol ngSt. Bernard, hangos ang kasiyahan ko sa pagluwas.

Nasa gitna ako ng biyahe papuntang tagpuan ay tinatantyako ang aking sarili kung kakayanin ko ang mamuhay sakanayunan. Mainam na rin siguro na makasama ako sa lakadkahit ilang araw lang. Tipong introspeksyon ito sa naligalig naisipan ng mga nakaraang araw at paghahanda na rin sa sarilisa naka-iskedyul na integrasyon sa darating na buwan.

Mahaba ang biyahe at masakit sa puwit ngunit hindi itoalintana dahil sa huntahan, kulitan, tuksuhan ng mga kasamangexposurees. Sinalubong kami ni Ka Omar sa bukana at siyana rin ang nagsilbing giya naming papasok sa erya. Nagpalipaskami ng isang gabi sa bahay ng masa. Ramdam ko agad anginit ng pagtanggap sa amin nga pamilyang aming tinuluyan.Aligaga ang mga ito sa pag-aasikaso ng aming kakainin attutulugan. Bahagi pala sila ng milisyang bayan na naitatag nasa baryong iyon.

Kinaumagahan ay yumakag na kami patungo sapagdadausan ng anib. Papalapit pa lang kami ng kampo aysinalubong na kami ng matatamis na ngiti at maiinit na pagbating mga kasamang hukbo. Walang bahid ng takot at pag-aalalaakong naramdaman dahil nakita ko ang mahigpit na ugnayanng masa at BHB. Kampante akong hindi nila kami pababayaan.

Pagkalapag ng aming mga gamit ay nagbigay na ngoryentasyon ang mga kasamang hukbo tungkol sa seguridad,kundisyon ng erya, postehan ng mga pulang mandirigma namagbabantay at magdidipensa, lugar ng atrasan kung saka-sakaling may gawing pag-atake ang kaaway, at ano anggagamiting koda o password kung may makakasalubong nahindi kakilala.

PAKIKILAHOK ATPAKIKIISA SA IKA-36

NA ANIBERSARYO NG PKP

Nagkondukta rin ng drill ang mga kasama kung paanoang hitsura ng gagawing atrasan kung sakaling mambulabogang kaaway. Matapos ang drill ay pinapaghanda ang lahatna magpraktis para sa ambag na kultural na partisipasyon saprograma kinabukasan.

Nakilala ko pa ang dalawang pulang mandirigma na sinaKa “A” at Ka “R”. Binigyan pa ako ni Ka “R” ng tips sapaggawa ng hanger mula sa halamang baraka. Mas madaliraw akong makapagpapatuyo ng aking nilabahan.Nakasalubong ko kasi siya nang maglaba ako sa ilog. Naantignaman ako sa mga kasamang may malasakit at handangumalalay sa aming baguhan sa erya.

Masaya at matagumpay na idinaos ang selebrasyon ngika-36 na anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas. Kahitna maulan, matiyagang naghintay at nanood ang masa. Kitang-kita rin na pinaghandaan ng lahat ang kani-kanilang ambagna partisipasyon na tula, dula, musika sa programa. Mahigitna isang libo ang dumalo at nakiisa: ang masa, mga kasamangkumikilos mula sa iba’t-ibang sektor, kaibigan at kapamilyang mga pulang mandirigma.

Damang-dama ang lakas ng organo ng kapangyarihangpampulitika sa baryong iyon. Kung papaano yakapin ng masaang rebolusyonaryon ng buong puso. Ang ibinibigay na tiwalaat pagkalinga sa mga kasamang kumikilos. Gayundin sa parteng mga pulang mandirigma kung kung papaano ito sumasandigat nagtitiwala sa masa.

Sa gitna ng pagdiriwang, nakatawag pansin sa amin angisang babaeng hukbo, si Ka Issa. Nakangiting nilapitan niyakami at binati. Namumukhaan daw niya kami at malamangna sa isang burol daw niya kami nakita. Kanino ika kong burolang tinutukoy mo? Ika niya ay sa Tatay Jose niya, isang lidermagsasakang martir. Niyakap ko ng mahigpit ang panganayna anak ni Ka Jose. Paslit pa ito nang huli kong makita atngayon ay isa ng hukbo. Matagal rin kaming nag-usap atnagbalitaan. Nabanggit ko pa kay Ka Issa na naka-iskedyul

Noong Disyembre 26, 2004, ang mga kasapi ng MAKIBAKA at ng PartidoKomunista ng Pilipinas (PKP) dito sa lungsod ay pumunta sa kanayunan upangmakiisa at maranasan ang selebrasyon ng ika-36 na anibersaryo ng PKP.Narito ang kanilang mga kwento.

MABUHAY ANG PKP SA TIMOG KATAGALUGANNi Ka Ria

sundan sa p 6

UNANG ISYU • OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA4 MAKABAYANG KILUSAN NG BAGONG KABABAIHAN

Page 5: OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA Isa na namang · PDF fileBukas po ang patnugutan sa anumang ... Tumatanggap din ang Malayang Pilipina ng kontribusyon sa anyo ng artikulo, balita,

PAYAK SUBALIT MAKABULUHANGSELEBRASYON SA GITNANG LUSON

Ni Ka Sol

Byahe kami pasado alas sais ng umaga ng Disyembre29. Kailangang maagang makarating sa lugar ng pagdarausanng selebrasyon. Halos limang oras din ang byahe. Kasabaynaming bumaba ng dyip ang apat na kabataang sumakay sakabilang bayan. Wala kaming kibuan habang nasa dyip, yunpala’y iisa ang aming pupuntahan.

Nakaabang na ang masa na maghahatid sa amin sa lugarng selebrasyon. Konting pahinga at lumakad na kami. Sa loobng baryo, ni walang palatandaan na may nagaganap na isangmahalagang selebrasyon. Labinlimang minutong paglalakad.May konting pataas, tapos matarik na pababa at tawid ng ilogat hayun na ang mga kasama! Sumalubong sa amin ang mgasampay na T- shirt, bimpo at tafetang mga pantalon. AH!,narito na nga kami. Akalain mo bang labinlimang minutonglakad lamang mula sa baryo ay kampo na ng mga kasamang

Ka Lea at sa lahat,Isang mapulang pagbati ang aming ipinapaabot sa lahat ng mga kasama dyan lalo na ngayong kaarawan ng ating Partido

(Dis. 26) na hanggang sa kasalukuyan ay matatag dahil sa kanyang teoryang gabay (MLM) at mahusay na pamumuno sarebolusyonaryong kilusan. Sa bahagi ng Partido, sumusulong ang kanyang pakikibaka hanggang sa tagumpay. Alam namannatin na ang ating Partido ang tanglaw ng rebolusyon sa buong daigdig at ang tagumpay nito ay tagumpay ng lahat ngmamamayan sa daigdig. Kaya sa bahagi natin, kasama, kahit na anong hagupit ng imperyalismo ay paglabanan natin dahilmalapit na ang kanyang pagbagsak dahil sa sobrang krisis. Bahagi ng ambag natin sa rebolusyon ang pagsuporta sa armadongpakikibaka hanggang magtagumpay tayo.

Kaya masaya ako na ibahagi sa inyo ang pagdiriwang ng anibersaryo ng ating Partido. Ibayong pagsulong pa sa ating mgarebolusyonaryong gawain hanggang mapalakas ang ating kilusan at maipagtagumpay ang demokratikong rebolusyong bayan nasa esensya ay digmang magsasaka. Sa bahagi naman namin dito, matagumpay naming naipagdiwang ang anibersaryo ng Partidosa gitna ng krisis, kapiling ang masang pinaglilingkuran. Bagamat bahagi talaga ang hirap ay normal na lang ito sa buhaynamin dito. Ayos lang dahil may tiyak na patutunguhang tagumpay. Inaasahan ko rin na marami pang mga katulad namin napumunta rito para mag-ambag sa rebolusyon sa landas ng armadong pakikibaka. Tuwing may bumibisitang kabataan dito, iniisipko na baka may kababaihan na dadating para mapropagandahan at magpaiwan din hanggang sa huli ay magdesisyon bilangfulltime na hukbo at makatuwang namin sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masang magsasaka at mailunsad angdemokratikong rebolusyong bayan hanggang sosyalismo.

Sige, kasama, masyadong seryoso ang mga nabanggit ko pero, eto ako, andito pa rin, nagpapakatatag, beauty pa rin, alangkarelasyon dahil ayaw ko pa at gusto ko munang magpaunlad. Makulit pa rin ako dito, minsan sumusobra pero narerendahandin naman. Patuloy ang pagpapanibagong hubog bilang ganap na proletaryado. Nakakamiss din kayong lahat lalo na ang mgatsikiting dyan. Nami-miss ko sila pag naglalaro kami kasama sa mobilisasyon. Sana minsan dalawin n’yo kami dito para makitan’yo ang buhay hukbo at maranasang makapiling ang mga masa dito. Minsan naaantig ang puso ko kapag may naririnig akongtula tungkol sa magsasaka dahil naalala ko ang naging buhay ko dati noong magsasaka pa. Naaalala ko si tatay at ngayonlalong nagpapasigla sa akin ang diwa ng mga magsasakang handang lumaban para sa pagbabago ng bulok na lipunan. Sa bahagiko, nakikiisa din ako sa laban ng mga kasama nating manggagawa d’yan sa lunsod, pati ng mga kabataan.

Hanggang dito na lang at pagpasensyahan nyo ang sulat ko. Minadali ito dahil sa dami ng aming gawain. Ngayon langnalibre at nakasulat sa inyo. Aantayin ko ang sagot n’yo kahit matagal ito. Maganda sana kahit sa anibersaryo ng hukbodumating ang sulat.

Siyanga pala, natutuwa ako dahil nagkita kami ni Ka Ken! Sa muli, kamusta na lang sa lahat. Ingat lagi.Kamusta na lang daw sabi ni Jade!

STR,Ka Lara

* ito ay sulat niKa Lara sakanyang kapatidna si Ka Lea; siKa Lara aynaorganisa ngkolektibo ni KaLea nakumikilos salunsod; nag-expo siyakasama ang isapang kapatid (siKa Jade). Mulasa karanasan saexpo , nagpasyasilang dalawa niKa Jade nasumapi sa BHBat ngayon aykabilang sila saisang yunit nghukbo saGitnang Luzon.

hukbo at pagdarausan ng ika- 36 na taon ng mulingpagkakatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas!

Sa pagdating namin, sinalubong agad kami ng mahigpitna pakikipagkamay at maiinit na ngiti ng mga kasamang hukboat masa. Nararamdaman sa paligid ang kakaibang sigla. Orasna ng tanghalian ang aming pagdating. Sinalubong kami ni kaEmman at pinatuloy kami sa isang kubo na nasa bahagingtaas. “Pahinga muna kayo at ihahanda na ang inyongpananghalian”, wika ni Ka Emman. sundan sa p 7

MAKABAYANG KILUSAN NG BAGONG KABABAIHAN 5UNANG ISYU • OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA

Page 6: OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA Isa na namang · PDF fileBukas po ang patnugutan sa anumang ... Tumatanggap din ang Malayang Pilipina ng kontribusyon sa anyo ng artikulo, balita,

UNANG ISYU • OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA6 MAKABAYANG KILUSAN NG BAGONG KABABAIHAN

ako sa isang integrasyon sa susunod nabuwan. Natutuwa siya at inanyayahanakong doon na sa erya nila magpa-deploy. Pangako pa niya na kapagnalaman niyang ako ay matutuloy aysasalubungin pa raw niya ako nanakataas ang riple. At doo’ynagkatawanan kaming dalawa.

“Hmmm…ang sarap ng kape,ginataang langka at kanin n’yo, Nay.”Papuri ko sa masang nagpatuloy atkumupkop sa amin nang abutan kami ngdilim sa daan pauwi. “E, di magpapaiwanka na?” Hirit ni Ka Amir. “Oo, ba,” sabiko. Napapangiti lang si nanay sakakulitan namin.

Masayang ibinibida ni nanay sa aminang mga taktikang ginagamit ng mgamilitary para mapalapit sa masa. Naroondaw na pati kilos, gawi, galaw at pananalitang hukbo ay ginagaya ng kaaway.Nagpapanggap pa raw ang mga ito namababait, malumanay at magagalang.Ngunit hinding-hindi raw malilinlang ang

masa ng mga kaaway. Dahil sa tukoy natukoy ng masa na hindi sinsero ang militarsa pakikipagmabutihan sa kanila. Ni hindinga raw makuhang magtiwala ng kaawaysa masa. Sa partikular, hindi rawkumakain ng inihahaing pagkain ng masaang kaaway. Dangan sa takot ang mgamilitar na lagyan ito ng pampatulog ngmasa at magising na lang silang bihag nang hukbo. Nagnanakaw pa nga raw angmga military ng alagang hayop ng masa.

Madilim na ang daan palabas ngerya. Mabigat ang mga hakbangpatukad* sa bulod* na basa at maputik.Nangunguyapit sa paa ko ang putik natila pinipigilan ang aking pag-alis.Makailang ulit rin akong nadulas atdumausdos pababa. Gayunpaman, di komakuhang magreklamo.Nakakabagabag sa konsiyensiyakumpara sa inaabot na hirap at panganibna sinusuong ng masa at BHB sakanayunan.

Hindi pa man kami nakakalayo ay

parang namimiss ko na ang init ng kapengbarako na kasing-init ng pagkalinga ngmasa at mga kasamang hukbo. Kungtutuusin mas masarap ang kapengbarakong inihanda na may halong TLC(tender-loving care) sa kanayunan kesasa Starbucks coffee ng maluhonglunsod na may TLC (tax laden coffee)din naman.

Masarap palang makadalo ngselebrasyon ng anibersaryo ng Partidosa kanayunan. Kahit isang saglit lang aynag-iiwan ito ng mga ngiti sa labi nahabang nilalasap at binabalik-balikan saalaala’t gunita ay pumupukaw sahangaring lagpas sa sarili, determinasyon,dedikasyon at pag-asa.

* Si Ka Ria ay mula sa hanay ng kababaihangpropesyunal. Unang beses niyang makapasoksa organisadong teritoryo ng rebolusyonaryongkilusan sa kanayunan* Patukad-paakyat* Bulod – bundok

sa Metro Manila. Bahagi ng programaang pag-aalay sa mga martir nakababaihan. Ginanap ang pangalawangkongreso noong 1988. Sa mga sumunodna taon ay naging bahagi angMAKIBAKA sa mga disoryentasyon atpaglihis pero nang nanawagan angrebolusyonaryong kilusan, sa pamumunong Partido Komunista ng Pilipinas(PKP), ay tumalima ang MAKIBAKAat naglunsad ng kampanyang edukasyonpara balikan ang mga batayang prinsipyong rebolusyonaryong kilusan.

Sa kasalukuyan sa kanayunan, satulong ng BHB, daan-daang kababaihanang nakapaloob sa mga balangay ngMAKIBAKA. Tuluy-tuloy at dumaramiang naitatayong balangay ngMAKIBAKA sa kanayunan. Sakalunsuran, dumarami din ang bilang ngmga balangay ng MAKIBAKA nanaitatayo. Inoorganisa at binubuo ang

mga balangay ng MAKIBAKA mula sakababaihangang manggagawa, mala-manggagawa, maralitang lunsod,kabataan-estudyante at propesyunal.

Kasabay ng ating paggunita sa ika-34 anibersaryo ng Konggreso ngMAKIBAKA ang paggunita saPandaigdigang Araw ng Kababaihan saMarso 8. Hinihikayat ang mga kasapi atmga balangay ngMAKIBAKA na maglunsadng mga aktibidad para gunitainang makasaysayang buwan ngMarso para sa kababaihan.Ialay natin ang ating mgatagumpay sa mga martir ngMAKIBAKA, mgakababaihang walang takot nanag-alay ng buhay para sabayan. Kasabay nito angpagharap natin sanapapanahong hamon na

ibayong magpalakas at magpalawak ngating hanay. Ang matinding krisis saekonomiya at pulitika ng bansa aynagbubunsod ng napakainam nakalagayan para higit pang sumulong angrebolusyonaryong kilusang kababaihan.Mulatin, organisahin at pakilusin angkababaihan para sa rebolusyon!

Pakikilahok at Pakiki-isa...mula sa p 4

Mga Tala sa Kasaysayan...mula sa p 3

Page 7: OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA Isa na namang · PDF fileBukas po ang patnugutan sa anumang ... Tumatanggap din ang Malayang Pilipina ng kontribusyon sa anyo ng artikulo, balita,

Dumating ang iba pang mgakasamang hukbong kababaihan atsinalubong kami ng mainit na pagbati.Dito ko nakilala si ka Mayumi. Kungpagmamasdan mo si Ka Mayumi, di moaakalaing isa siyang mandirigma lalo nasa pyudal na pananaw ng lipunankaugnay sa babae. Maliit lamang siya;mga lampas lamang ng kaunti sa apatna talampakan, balingkinitan, singkit,kayumanggi at mahaba ang tuwid niyangbuhok. Nakilala ko rin ang kanyang ina,lola at dalawa pang kapatid na dumalorin sa selebrasyon.

Ang amingpananghalian: kare-karengbaka na inihabol na lang angpeanut butter, pabili ni kaEmman. Masarap ang lutong mga kasama; maypartner pang bagoongalamang at ang amingkanin, niluto sa dahon ngsaging. Ang mga masangkatutubo raw ang naglutong kanin.

Matapos kumain aypinaghahanda na ang lahat,sa ganap na ikalawa nghapon ay sisimulan na angprograma. Sa paligid aymapapansin na kanya-kanyang pwesto na sapaghahanda. Itinuro sa aminni ka mayumi kung saanaming pwesto, gayundin ayhiningan kami ng pahayag— mula saMakibaka. Dagli kaming naghanda.Dagli din kaming naghanda para sa isangpangkulturang pagtatanghal angkababaihan.

Sinimulan na ang selebrasyon sapamamagitan ng pag- awit nginternational. Nagpormasyon ang lahatng Hukbo at pinangunahan ni ka Jadeang pag awit ng International . Sinundanpa ito ng mga piling rebolusyonaryongawitin. Si ka Mayumi ang emcee ngpalatuntunan. Kinilala nito ang mga

MAKABAYANG KILUSAN NG BAGONG KABABAIHAN 7UNANG ISYU • OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA

dumalong organisasyon, masa, panauhinat binigyang pugay ang ika- 36 na taonng muling pagkakatatag ng PKP.Kasunod nito ay ang mga pagbati ngba’t- ibang organisasyon, panauhin,masa. Bwenamano ang pahayag ngMAKIBAKA na binasa ni Ka Sam.

Nakakataas ng moral ang pahayagng mga masang dumalo. “Laging naritokami para sa mga kasama, dahil alamnamin na tinutulungan nyo kami lalo nasa problema sa lupa”, wika ng isangmagsasaka mula pa sa kabilang bayan.

pinagpatuloy ang selebrasyon nakinatangian na ng mga pangkulturangpagtatanghal ng mga kasamang hukbo.May nagbalagtasan hinggil sa kung alinang mas makatarungan: angGobyernong Bayan o ang KasalukuyangGobyerno ni GMA. Nagpakita din nghusay sa pagtula ang isang madirigmangbabae. Hanga ang masa sa pinakitanaman ng mga hukbo sa pagsasadula ngpaglulunsad ng isang taktikal naopensiba. Bagamat medyo nahihiya paang ilang mga hukbo sa pagtatanghal,

mamamalas sa kanila angkasigasigan sa pagganap. Sabawat pagtatanghal aymainit na palakpakan namanang ginagawad ng mganannonood na nagmula pasa iba’t- ibang bayan.

Naging napakataimtimng pagbibigay pugay at pagalala sa mga martir ngbayan: mga kasamanghukbo nag- aalay ng mgatula at awitin para sa mgabayani ng bayan. Nag-alaydin ng limang minutongkatahimikan.

Magtatakipsilim nanang tapusin ang programasa pamamagitan ng mulingpag - awit ng International.Mababanaag sa bawatdumalo ang kasiyahan.Matapos ang salo- salo sa

nilutong adobong babaoy at sinigang aynagpaalaman na ang iba habangnagdadalawang isip namang umuwi angiba pa. Sa pagtakipsilim aymararamdaman din ang lamig ng simoyng hangin. Ang mga kasamang hukboay nagsimulang gumawa ng dapog sagitna ng karamihan upang magsilbingliwanag at init na rin. Sa gitna ng liwanagnito ay ipnagpatuloy ang mgapangkulturang bilang. Kaysarapnamnamin: ang pakikiisa ng masa saPartido sa anibersaryo nito!

Payak subalit makabuluhan...mula sa p 5

“Aasa kayo mga kasama sa amingsuporta hanggang sa tagumpay”, wikanaman ng isang katutubo.

Matapos ang pahayag at mgarebolusyonaryong awitin ay ang pahayagng Komiteng rehiyon ng Gitnang Luson.Sa pahayag na ito ay pinakita ang mgatagumpay ng Partido at ng Hukbo saGitnang Luson sa pagsusulong ngarmadong pakikibaka na may mahigpitna pakikiisa ng mga masa. Itinigilpansamantala angprogram ng umulanngunit nang tumila ay muling

Page 8: OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA Isa na namang · PDF fileBukas po ang patnugutan sa anumang ... Tumatanggap din ang Malayang Pilipina ng kontribusyon sa anyo ng artikulo, balita,

Sa Kahabaan ng Taft AvenueNi Ka Margie

Naiiyak ako sa pagpanaw ni BernieSubalit napapangiti ako

Sa matingkad n’yang alaala,Ang mga ngiti n’yang pasalubong,

Ang mga salita n’yang nagbibigay-sigla,Ang paghanga n’ya kay Binoe,

At ang katorpehan n’ya sa panliligaw.

Nagagalit ako sa pagpanaw ni BernieDahil inagaw s’ya mula sa atin

Ng mga buwitre ng lipunan.Buhay n’ya ay kinitil na di lubusang

Natatanto ang halaga n’ya sa sambayanan.

Saludo ako sa pagpanaw ni Bernie.Dahas ng kataksilan ang kanilang inihandog

Sa ipinamalas n’yang kasigasigan sa pagkilos,Ang makipamuhay kapiling ang magsasaka at katutubo

Sa layon n’yang maglingkod ng may paninindigan.

Mabigat ang aking loobAt para bang may bara sa lalamunan.

Nag-iinit ang aking mga mata at nangingilid ang mgaluha.

Ngunit sa bawat luha ay may kapalit na ngitngit,Sa bawat hikbi ay may katapat na hiyaw at

Sa bawat bigat ng loob ay may kasabay na lakasNa di kayang ubusin ng alinmang baril at bala.

Maling akala ng mga berdugong militarNa napatahimik na nila si Bernie

Si Bernie ay ang rebolusyonNa walang-sawang naglilinaw

At kasigasigang di mauubos at magagapi.Ang diwa ng rebolusyon ay di kailanman maililibing

Hangga’t may mangangahas na mangarap.

Ang pangarap na palayain ang bayan sa pang-aapi.Ang pangarap na tagumpay ni Bernie.

*Si Ka Margie ay naging kolektibo ni Ka Bernie Zantua, martir ngbayan, nang kumilos ito bilang organisador ng mga mangaggawabago sumapi sa NPA. Ang buhay ni Ka Bernie ay lumabas sa July2004 isyu ng Malayang Pilipina.

UNANG ISYU • OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MAKIBAKA8 MAKABAYANG KILUSAN NG BAGONG KABABAIHAN

Baklang magkarelasyonikinasal ng NPA

Taas kamaong nagpupugay at bumabati ang Malayang Pilipinasa rebolusyonaryong kasal nina Ka Andres at Ka Jose. Ikinasalsila sa isang rebolusyonaryong seremonya sa CompostelaValley noong Pebrero 4, 2005. Pebrero 8, 2005 nang lumabassa headline ng Philippine Daily Inquirer ang kanilang kasal.Umani ito ng papuri mula sa mga progresibong grupo, lalo nasa hanay ng mga bakla.

Ang kasal nina Ka Andres at Ka Jose ay patunay sapagkilala at paggalang ng NPA at ng Partido Komunista ngPilipinas sa relasyon ng magkapareho ang kasarian, alinsunodsa 1998 Ammendment ng Gabay at Tuntunin sa Pag-aasawasa Loob ng Partido.

Batay sa dokumentong ito, naninindigan ang PKP sapaggalang at pagkilala sa karapatan sa pagpili sa kasarian ngmga indibidwal na kasapi ng Partido dahil tutol ang Partido saanumang diskriminasyon, pang-aapi at pagsasamantala naumiiral sa lipunan. Bahagi dito ang pagtutol sa diskriminasyonsa bakla at lesbiana at sa pagkakait ng mga karapatan atoportunidad sa kanila. Naninindigan ang PKP na dapat mulatna bakahin ang mga sektaryong pananaw at aktitud, angprehudisyal na pakikitungo at di magandang pagpapalagay sapagkatao ng mga bakla at lesbiana. Sa loob ng Partido, maraminang mga naunang kasal ng magkarelasyong pareho ang kasarianbago pa man ang kasal nina Ka Andres at Ka Jose.

Buhay HukboNi Ka Pat

Sa kanayunan na napuntahan koSadya ngang mahirap maging isang hukbo

Mabasa ng ulan, mabilad sa arawMaglakad sa gubat tila walang katapusan.

Dito’y aking nasaksihan diwa ng pakikibakaHawak ay sandata!

Mahigpit na pagkakaisa kapiling ang masa’t mga magsasakaSa pagsusulong ng armadong pakikibaka.

Sa kalunsuran ma’y api’t pinagsasamantalahan dinAh! Di dapat manatiling tayo’y tagasigaw lamang

Hahawak ng armas katulad ng ibaSa piling ng hukbo ako ay sasama!