organic agriculture program · 2020. 9. 22. · pangangasiwa ng damo •kiliban ng dayami o plastic...
TRANSCRIPT
JAY- AR B. MADRIAGA
Organic Agriculture Point Person
ORGANIC AGRICULTURE PROGRAM
Organic Agriculture Act IRR: Development Process
Principles of Organic Agriculture: • Principle of Health • sustain and enhance the health of soil, plant, animal, human and planet as one and indivisible
Principle of Ecology• based on living ecological systems and cycles, work with them, emulate them and help sustain them
Ang kalikasan ay ang kapital at pinanggagalingan ng lakas at enerhiya.
Ang lupa ang pinanggagalingan ng buhay: Pakainin ang lupa, hindi ang halaman at hayaang ang lupa ang magpakain sa halaman.
• Principle of Fairness• build on relationships that ensure fairness with regard to the common environment and life opportunities
• Principle of Care • managed in a precautionary and responsible manner to protect the health and well-being of current and future generations and the environment
Kalusugan ng tao at hindi pagkita o pagkakakitaan lamang.
Personal at pang – pamayanang kasarinlan.
Organikong Paggugulayan
Organikong Pagsasaka
➢gumagamit ito ng maraming kompost, dumi nghayop, kilib, green manure, binurong katas nghalaman, salit- tanim, palit-tanim, halo-halongpagtatanim at sunod- sunod na pagtatanim upangmapalusog ang lupa, masugpo ang damo, sakit at mapaminsalang insekto, makatipid sa tubig at dalas ng pagdidilig.
• Makakaani ng ligtas at masustansiyang pagkain.
• Mapapangalagaan ang kalikasan.
Bakit kailangang mag-organiko?
➢Maiiwasan ang masamang epekto ng kemikal sa
kalusugan ng katawan.
➢Maiiwasan ang masamang epekto ng mgapestisidyo sa kalikasan, hayop, buhay-ilang, lupa, tubig at hangin.
➢Maisasa-alang-alang at mabibigyang halaga ang
lahat ng may buhay.
➢Ito ay isang mainam na paraan ng
pamumuhay.
Mga Pamantayan saOrganikong Pagsasaka
• Pagtatanim ng binhing galing sa organikong halaman➢ Hindi paggamit ng pestisidyo o lason sa pagsugpo ng peste at sakit bagkus ay mgalikas na pamamaraan.
➢Paggamit ng organikong pataba at likas na mga kapakipakinabang na mga mikrobyo.
➢Malayo sa tanimang gumagamit ng mga kemikal (pestisidyo atpb)
➢Pag gamit ng pamamaraang nagsasa alang-alang ng kalikasan at lahat ng nilalang
Pagpaplano ng Gulayan
Lugar na madaling puntahan
Malayo sa tanimang nagbobomba ng pestisidyo
at usok ng sasakyan.
Kailangang nasisikatan ng pang-umagang araw ng kahitmahigit na apat (4) na oras lamang.
May sapat na tubig na pandilig
Hindi binabaha
Buhaghag na lupa ang magandang lugar
Sukat ng Gulayan
Depende sa dami ng gagawa.
Depende sa lawak ng lupang tataniman.
Depende sa dami ng oras na magugugol sa paggugulayan.
Depende sa dami ng kayang kainin o maibenta sa pamilihan.
➢Mga dalawang daang (200sqm) metro kung wala ay
• “Container gardening” o “ Urban Gardening”.
• Gardening”.
Pagpili ng Binhi o “Variety”
Higit na gusto at malamang na kakainin ng miyembro ng
pamilya.
May ibat-ibang taglay na sustansya.
Malakas pag-anihan at matibay sa sakit at peste.
Maaring itanim sa lahat ng panahon
Madaling maibenta sa pamilihan
Mga traditional na mga binhi
Characteristics of a good seeds
➢ High percentage of germination;
➢ Adaptability to varied climatic condition;
➢ Resistance to common pest and diseases;
➢ Length of maturity;
➢ High yielding;
➢ Acceptability to market demand.
➢ Recommended and adapted to locality
May dalawang uri ng pagtatanim ngmga buto una
➢Direktang pagtatanim
• Magtanim ng isang my sibol na buto kada butas namay pagitan na kalahating metro bawat isa
➢Paglilipat tanim o pagpupunla
Paghahanda ng Punlaan
➢Nursery – may habong bilang proteksiyon sa init at ulan
• May patungang nakaangat sa lupa.
Kagamitan – seedbox, seedling tray, pandilig,
pala, dibble o tinulisang kahoy, kalaykay,
salaan ng lupa, panghakot ng lupa.
➢ Lutuan ng lupa (drum o kawa) o
• “wood vinegar” sa pag iisterilisa ng lupa
Pagpupunla
• Maghanda ng punlaan na may pinaghalo halong 2 parte ng compost, 1 parte ng lupa, 1 parte nginuling na ipa
• Ilagay ito sa mga ginawang punlaan tulad ngseedling tray o binilot na dahon ng saging at niyog
Pagkatapos na malagyan ang mga punlaan maglagay tig-isangbuto kada butas ng punlaan , tabunan ng pinong lupa at diinan ng bahagya.
Kiliban ng dayami o dyaryo.
• Muling diligin at ilagay sa ginawang nursery na may bahagyang lilim
Pangangalaga sa Punla
➢Ingatan ang punla laban sa langgam, daga, kagaykay, uod at init
➢Diligan ng tea manure at binurong katas nghalaman bilang pataba
➢ Patibayin ang punla 1 linggo bago ilipat-tanim
(paarawan, bawasan ng dilig, hawiin)punlamakalipas ang isang linggo maari na itong ilipat sakamang taniman
Paghahanda ng Taniman
• Pagbabakod
➢Upang mapangalagaan ang gulayan laban sa alpasna hayop.
➢ Magsisilbing pagapangan ng gulay
• Halimbawa: katuray, bitungol, madre de cacao,
malunggay, kamoteng kahoy, ipil-ipil, papaya.
Paghahanda ng Taniman
• Linising mabuti ang taniman
➢Bungkalin at gumawa ng mga plot o kamangtaniman (isang metro ang lapad at sampungmetro ang haba).
➢Pinuhin at lagyan ng organikong pataba 2 – 4 linggo bago magtanim
➢Lagyan ng pinatuyong dumi ng hayop o compost
• Latagan ng inuling na ipa – 1 pulgada angkapal..
➢ Ayusin ang daluyan ng tubig.
➢Taniman ng sari saring halaman sa paligid bilang
pantaboy sa pesteng kulisap at pang akit sakaibigang kulisap.
• Halimbawa: luya, marigold, lemon grass, basil,
oregano, sibuyas, kutsai, cosmos, sunflower, zinnia at iba pang maamoy at namumulaklak na halaman
Paglilipat-Tanim
➢Gumawa ng butas taniman na may sapat napagitan at diligin.
➢Piliin ang magkakasinlaking punla
➢Maglagay ng 1-2 punla sa butas (mas mainammagtanim sa dakong hapon)
➢Tabunan at kiliban ng alinman sa tuyong damo, dahon o dayami.
➢Muling diligin
Pangangasiwa ng Damo
• Kiliban ng dayami o plastic ang kamangtaniman
➢Taniman ng buhay na kilib o mga gulay na mabilis
anihin ang mga kamang taniman ng gulay namatagal bago pag-anihan. Hal. pechay, mustasa, madahong letsugas, kangkong, kamoteng baging.
➢Bunutin ang damo sa kamang taniman sapamamagitan ng kamay hanggang samakapag-ugat ang halaman. (Panatilihingwalang damo ang taniman sa loob ng 30 arawpagkatanim).
Patubig at Padaluyan
Kung panahon ng tag-ulan:
➢Gawing mataas ang gulod ng tudling napagtataniman ng halaman upang hindi matagal namababad ang mga ugat sa tubig .
➢Kung panahon ng tag-araw:
➢Palagian ang gawing pagdidilig, siguraduhing pareho
ang pagkakabasa ng lupa.
➢Kung bata pa ang tanim, kailangang mabasa ang lupa
ng 5 sentimetro palalim, kung malaki na ang tanim
dapat umabot ng 25 sentimetro ang lalim ng basa.
Paggamit ng kilib
• Pag-aabono
• Diligin ng 2 beses isang linggo ng tea manure o binurong katas ng halaman
➢Magpahabol ng abonong organiko tulad ng compost o pinatuyo na ipot ng manok makalipasang 30 araw at tuwing ikalawang linggo.
➢ Makakabuti rin ang pagdidilig ng binurong katas ng
halaman.
Pangangalaga Laban Sa Sakit• Kiliban ang kamang taniman
➢Lagyan ng sapat na pagitan ang halaman sapagtatanim o kaya ay bawasan ng sobrang dahonat sanga upang maging lampasan ang hangin
• Magtanim ng mga binhing matibay sa sakit
➢ Gumamit ng mga pambomba mula sa katas ng mga
halamang tulad ng bawang, sibuyas at ng compost tea
➢Iwasang magdilig sa hapon..
Pangangalaga Laban SaPesteng Kulisap
➢Todong paghahanda ng lupa at sagana saorganikong pataba.
➢Magkilib ng dayami o plastic o magtanim ng buhay na kilib.
➢ Halo-halong pagtatanim.
➢ Magtanim ng mga binhing matibay sa peste
➢ Alisin ang mga bahaging kinalalamnan ng mga uod
➢ Magtanim ng mababangong halaman at bulaklak
Pagpapalit-palit ng Tanim
➢Makakapagdulot ito ng pagkakapahinga ng lupasa isang uri ng halaman at makakakuha namanng taba mula sa ibang uri ng pananim na ipinalitkatulad ng sitaw, batao, mani, patani, munggo at iba pang legumbre.
Pagsusunod-sunod ng Pagtatanim
➢Magtanim ng gulay kada ikatlong linggo upang
makasiguro na hindi mauubusan ng mapag-aanihang
gulay at upang maiwasan ang pagdami ng ani sa
isang panahon lamang.
Pagsasalit-Tanim
➢Magtanim na magkakasama sa kamang taniman ng iba’t ibang uri ng gulay upang may maani kaagadhabang hindi pa nagbubunga ang kasabay na gulay
➢ Halimbawa: pechay at talong, letsugas at sili,
mustasa at ampalaya at iba pa.
➢ Maaari ding magtanim ng ibang matangkad na
halaman katabi ng mga iras ng mababang tanim
katulad ng mais, legumbre at cucurbits sa tabi ng
mani, pechay at iba pa.
➢Magkasamang itanim ang may malalim at mababaw
na ugat.
Mga Halamang Kasama saHalo-halong Pagtatanim• Sa hilera ng bakod: kadios, katuray, malunggay,
kamoteng kahoy, kamote, alugbati, singkamas, sigarilyas, luya, roselle, papaya, saging
• Sa paligid: mababangong halaman – basil, lemon grass, pandan, sibuyas tagalog, oregano, kutsai, amarilyo, talinum, linga, cosmos, sunflower at iba pang bulaklak.
• Buhay na kilib: pechay, mustasa, letsugas, kangkong, kamoteng baging, kintsay, sibuyas dahon.
• Pang-salit tanim: mani, mais, soybeans, munggo
Mga Gulay Para Sa Sunod-sunod Na PagtatanimKamang
Taniman
Una Pangalawa Pangatlo Pang-Apat
1 Madahon Bungang
gulay
Legumbre Lamang ugat
2 Bungang
gulay
Madahon Lamang ugat Legumbre
3 Lamang ugat Legumbre Madahon Bungang
gulay
4 Legumbre Lamang ugat Bungang
gulay
Madahon
Mga Halimbawa:
• Madahon: kulitis, letsugas, repolyo, pechay, mustasa, kangkong, talinum, saluyot.
• Bungang gulay: talong, kamatis, sili, ampalaya, upo, patola, kundol, kalabasa, pipino, mais.
• Lamang ugat: kamote, kamoteng kahoy, labanos, singkamas, gabi, sibuyas, luya.
• Legumbre: sigarilyas, kadios, sitaw, patani, tapilan, paayap, munggo, habichuelas, batao, sam-samping
Mga HalamangMagkakasalit-tanimPangunahing Tanim Nababagay na Kasamang Tanim
Siling pansigang/lara Okra, talong, labanos
Repolyo Sibuyas, kamatis
Kamatis Carrot, pipino, sibuyas, bawang
Pipino Labanos, mais, letsugas
Mani Mais, okra
Maisni Habichuelas, kalabasa, pipino
Labanos Pipino, kamatis, sili
Legumbre Lahat ng madahong gulay
Bungang gulay Lahat ng madahong gulay
Pag-aani
➢Mag-ani sa takdang panahon.
➢ Mag-ani sa pamamagitan ng kamay, gunting o
kutsilyo kung kinakailangan..
Mag-ani ng madahong gulay sa dakong hapon
➢ Pag nag-ani ng bungang gulay sa
umaga, ilubog agad sa malamig na
tubig upang maalis ang init na galing
sa bukid..
Pangangalaga sa Ani
• Linising mabuti at alisin ang mga may sira at bulok
• Graduhin ayon sa laki at hitsura
• Isalansan ng mahusay at ingatang huwagmagalusan..
• Dalhin agad sa mga pamilihan.