ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2016/... · web...

14
1 SAKRAMENTO NG KASAL SA BANAL NA EUKARISTIYA Gabay: Isang magandang umaga sa inyong lahat mga kapatid. Tayo ngayon ay nagkakatipon-tipon bilang isang sambayanan upang makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at masaksihan ang Pag-iisang dibdib nila N. at N. Tayo ay magsitayo at ating tanggapin ang tagapagdiwang ng Banal na Misa. Ang Pagpasok sa Simbahan PASIMULA Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Bayan: Amen. Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo sana'y sumainyong lahat. Bayan: At sumainyo rin. Pari: Mga minamahal kong kapatid, kayo ay natitipon upang ipagdiwang ang Ba- nal na Eukaristiya at masaksihan ang Sakramento ng Pag-iisang-dibdib nila N. at N. Bilang isang Sambayanang Kristiyano, ipinapaalala natin sa kani- lang dalawa ang tawag sa kabanalan at katapatan bilang mag-asawa. Ma- galak kayo na kasama nila at hilingin sa Diyos ang kanyang pagpapala sa kanila at sa mga magiging anak nila. PAGSISISI: Mga kapatid aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang. Inaamin ko …

Upload: phamque

Post on 23-Mar-2018

243 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

Page 1: ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2016/... · Web viewNoongpanahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya

1

SAKRAMENTO NG KASAL SA BANAL NA EUKARISTIYA

Gabay: Isang magandang umaga sa inyong lahat mga kapatid. Tayo ngayon ay nagkakatipon-tipon bilang isang sambayanan upang makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at masaksihan ang Pag-iisang dibdib nila N. at N. Tayo ay magsitayo at ating tanggapin ang tagapagdiwang ng Banal na

Misa.

Ang Pagpasok sa Simbahan

PASIMULA

Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo sana'y sumainyong lahat.

Bayan: At sumainyo rin.

Pari: Mga minamahal kong kapatid, kayo ay natitipon upang ipagdiwang ang Ba-nal na Eukaristiya at masaksihan ang Sakramento ng Pag-iisang-dibdib nila N. at N. Bilang isang Sambayanang Kristiyano, ipinapaalala natin sa kani-lang dalawa ang tawag sa kabanalan at katapatan bilang mag-asawa. Ma-galak kayo na kasama nila at hilingin sa Diyos ang kanyang pagpapala sa kanila at sa mga magiging anak nila.

PAGSISISI:

Mga kapatid aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.

Inaamin ko …

Bayan: … sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita at sa gawa, at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga angel at mga banal at sa inyo mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Pari: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Bayan: Amen.

ANG PAPURI: (Gloria kung nasasaad sa ORDO)

Page 2: ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2016/... · Web viewNoongpanahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya

2

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:

Pari: Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan, iyong itinalaga na ang pag-iisang-dibdib ay maging sagisag ng pag-ibig ni Kristo sa kanyang banal sa Sambayanan. Sa pinagdurugtong na buhay nila N. at N. na ngayo’y umaako sa banal na tipan ng kasal nawa'y mangibabaw ang ipinahahayag nilang pagmamahalan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Gabay: Maupo po ang lahat.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA: (Gn2:18-24)

Tagahayag: Pagbasa mula sa Aklat ng Genesis.

Sinabi ng Panginoon, “Hindi mainam na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong.” Kaya, lumikha siya ng mga hayop sa parang at ibon sa himpapapwid, inilapit sa tao, at ipinaubaya dito ang pagbibigay ng pangalan ng mga iyon. Kung ano ang kanyang itawag, iyon ang magiging pangalan nila. Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan ng lahat ng ibon at mga hayop, maging maamo o mailap.

Ngunit wala isa man sa mga ito ang angkop na kasama at katulong niya. Kaya pinatulog ng Panginoon ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinahilom ang laman sa tapat niyon. Angtadyang na iyo'y ginawa niyang isang babae, at inilapit sa lalaki.

Sinabi ng lalaki, “Sa wakas, narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman, buto ng aking buto; babae ang siyang itatawag sa kaniya sapagkat sa lalaki nagmula siya.

Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina upang suma-ma sa kanyang asawa sapagkat sila’y nagiging iisa.

Ang Salita ng Diyos.

Bayan: Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN: (Salmo 128)

Tagahayag: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.

Bayan: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.

Page 3: ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2016/... · Web viewNoongpanahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya

3

Tagahayag: Mapalad ang bawa’t taong sa Panginoon’y may takot, Ang maalab na adhika’y sumusunod sa kanyang utos.Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan,Ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.

Bayan: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.

Tagahayag: Sa tahanan, ang asawa’y parang ubasan na mabunga,Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya.Ang sinuman kung Panginoon ay kusang susundin,Buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.

Bayan: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.

Tagahayag: Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyosay tanggapin, at makita habang buhay,pag-unlad ng Herusalem;Ang magiging iyong apo, nawa ikaw ay abutin,Nawa’y maging mapayapa itong bayan ng Israel!

Bayan: Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa Diyos.

Gabay: Tumayo po ang lahat.

PAGBUBUNYI SA EBANGHELYO:

ALLELUYA: (maliban sa Panahon ng Kuaresma)

Bayan: Alleluya, Alleluya. Ang Diyos ay pag-ibig;Magmahalan tayo katulad ngpagmamahal niya sa atin. Alleluya, Alleluya.

MABUTING BALITA: (Mt:19:3-6)

Pari: Sumainyo ang Panginoon.Bayan: At sumaiyo rin..Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo.Bayan: Papuri sa iyo, Panginoon.

Pari: Noong panahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya sa pamamagitan ng tanong na ito: “Naaayon ba sa kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong kadahi-lanan?” Sumagot si Hesus: “Hindi pa ba ninyo nanabasa sa Kasulatan na sa pasimula’y nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At sinabi, ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y magiging isa.’ Kaya hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Gabay: Maupo po ang lahat.

Page 4: ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2016/... · Web viewNoongpanahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya

4

HOMILIYA:

RITO NG KASAL

Gabay: Manatili kayong nakaupo habang ang mga ikinakasal ay tatayo sa pagsisimula ng Rito ng Kasal. Hinihiling ko rin sa mga magulang, ninong at ninang ng mga ikanakasal na tumayo sa tabi nila.

PAGHIHIMOK SA MGA IKAKASAL AT PAGHINGI NG PANALANGIN

Pari: Minamahal kong N. at N., narito kayo ngayon upang pagtibayin ang inyong pagmamahalan sa harap ng Sambayanang Kristiyano na natitipon ngayon. Umasa kayo na kami ay inyong kapiling na maglalakbay sa buhay na haha-rapin ninyo bilang mag-asawa sa pamamagitan ng paghingi sa Diyos ng panalangin ng kanyang biyaya at pagpapala. At kayo naman, mga kapatid, hinihiling ko sa inyo na tulungan ninyo sila sa pamamagitan ng panalangin at tanggapin sa ating Sambayanang Kristiyano bilang mag-asawa.

PAGSUSURI

Pari: Hinihiling ko ngayon na buong katapatan ninyong ipahayag ang inyong damdamin sa isa’t isa.

N (babae), bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si N. na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habambuhay?

Babae: Opo, Padre.

Pari: N (lalaki) bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si N. na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habambuhay?

Lalaki: Opo, Padre.

Pari: Kayo ba ay handang arugain at palakihin ang mga anak na ibibigay sa inyo ng Diyos bilang mabubuting Kristiyano?

Babae at Lalaki: Opo, Padre.

PAGTITIPAN

Pari (sa ikakasal): N. at N. ,gayong kayo ay nagnanais na mag-isang-dibdib sa harap ng Diyos at ng kanyang Sambayanan, pagdaupin ninyo ang inyong mga palad at ipahayag ninyo ang mithiing magtipan sa Banal na Sakramento ng Kasal.

Page 5: ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2016/... · Web viewNoongpanahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya

5

Pari: N. (babae) sumasang-ayon ka ba na maging asawa si N. na narito ngayon, alinsunod sa batas at mga alintuntunin ng ating Banal na Simabahan?

Babae: Opo, Padre.Pari: Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng iyong sarili bilang

kanyang maybahay?Babae: Opo, Padre.Pari: Buong puso mo ba siyang tinatanggap bilang asawa?Babae: Opo, Padre.

Pari: N. (lalaki) sumasang-ayon ka ba na maging asawa si N. na narito ngayon, alinsunod sa batas at mga alintuntunin ng ating Banal na Simabahan?

Lalaki: Opo, Padre.Pari: Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kanya ng iyong sarili bilang

kanyang asawa?Lalaki: Opo, Padre.Pari: Buong puso mo ba siyang tinatanggap bilang maybahay?Lalaki: Opo, Padre.

Pari: Ngayon ay hinihiling ko na sabay ninyong dasalin ang panalanging ito:Babae at Lalaki: O Panginoon, kami po ay inyong loobing magkaisa ng kalooba’t

damdamin mula ngayon, sa kaginhawahan at kahirapan, sa karam-daman at kalusugan, sa lahat ng araw ng aming buhay.

PAGPAPATIBAY NG TIPAN SA KASAL

Pari: Bilang tagapagpatunay ng Simbahan, pinagtitibay ko’t binabasbasan ang pagtataling-puso na inyong pinagtipan, sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

PAGBABASBAS NG MGA SINGSING AT ARAS

Pari: (N at N), ngayon ay hinihilingin natin sa Diyos ang kanyang pagbabasbas sa inyong mga singsing at aras. Ang Panginoon ang pinagmumulan ng aming tulong.

Bayan: Na siyang may gawa ng langit at lupa.

Pari: Manalangin tayo.

Basbasan mo, O Panginoon, itong mga singsing, at marapatin mo sila N at N, na magsusuot nito na maging kawangis mo sa iyong wagas na pag-ibig at walang maliw na katapatan. Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Pari: Basbasan mo, O Panginoon, ang iyong mga lingkod na sina N. at N. at pagkalooban mo sila ng sapat na kabuhayan na sinasagisag ng mga aras na ito sa ikapagkakamit ng buhay na walang hanggan. Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Page 6: ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2016/... · Web viewNoongpanahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya

6

PAGBIBIGAY NG MGA SINGSING AT ARAS

Pari: Isuot ninyo ngayon itong mga singsing.

Lalaki: N., isuot mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Babae: N., isuot mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Lalaki: N., inilalagak ko sa iyo itong mga aras na tanda ng aking pagpapaha-laga at pagkalinga sa kapakanan mo. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Babae: Tinatanggap ko ang mga ito at nangangako akong magiging iyong katuwang sa wastong paggamit at pangangasiwa ng ating kabuhayan.

Gabay: Magsitayo ang lahat para sa pagpapahayag ng pananampalataya. Maari nang bumalik sa kanilang upuan ang mga magulang, ninong at ninang.

PANALANGIN NG BAYAN:

Pari: Mga minamahal kong kapatid, tayo’y manalangin para sa Simabahan at sa bagong kasal na sa pamamagitan ng kanilang pag-iisang-dibdib ay lumalarawan ang pakikipag-isa ni Kristo at ng Simbahan. Sa bawat panalangin ay ating itutugon:

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Gabay: Ipanalangin natin ang lahat ng pangangailangan ng ating mga kapatid, higit sa lahat iyong mga maysakit, mga may kapansanan, mga nasa kulungan at mga pinabayaan ng kanilang magulang at kamag-anak.

Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Gabay: Ipanalangin natin sina N. at N. na ngayon ay ipinag-isang sa pag-ibig ng Diyos. Nawa’y maging masigasig sila sa pag-aaruga at tapat na mangalaga ng kanilang magiging mga anak. Manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Gabay: Ipanalangin natin ang mga kabataan na tutugon sa tawang ng pag-aasawa. Nawa’y makita nila ang kagandahan ng buhay may-asawa sa pamamagitan ng halimbawa at karanasan ng iba na buong pusong namu-muhay bilang may-asawa. Manalangin kayo sa Panginoon.

Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Pari: Ama naming Diyos, kalugdan mo ang inyong mga lingkod at gawaran mo sila ng biyaya na manatiling tapat sa iyo at sa isa’t isa. Sa paglipas nila sa buhay na ito, sana’y magkamit sila ng gantimpalang walang hanggang kaligayahan sa iyong kaharian, kasama ng kanilang mga anak at lahat na sa kanila ay nagmamahal. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.

Page 7: ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2016/... · Web viewNoongpanahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya

7

Bayan: Amen.

Gabay: Maupo na ang lahat para sa pagsisimula ng Liturhiya ng Eukaristiya.

ANG RITO NG PAGSISINDI NG KANDILA AT PAGLALAGAY NG BELO AT KURDON

Gabay: Sisindihan ng mga nakatalagang abay ang mga kandila, at isusunod ang belo at kurdon na ilalagay sa mga ikinakasal.

PAGHAHANDA NG MGA ALAY:

Pari: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha ng sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Bayan: Kapuri-puri ang Poong Maykapal, ngayon at kailan man.

Pari: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha ng sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming nagbiibigay ng iyong Espiritu.

Bayan: Kapuri-puri ang Poong Maykapal, ngayon at kailan man.

Gabay: Tumayo po ang lahat.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

Pari: Manalangin tayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay, sa kapurihan niya at karangalan, sa ating kapakinabangan, at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY:

Pari: Ama naming Lumikha, iyong pagdamutan at tanggapin ang aming handog para sa pag-iisang dibdib nina N. at N. Ang pag-ibig mong kanilang tinataglay ay loobin mong kanilang maihandog sa iyo sa kanilang pagmamahalan araw-araw sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Page 8: ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2016/... · Web viewNoongpanahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya

8

Bayan: Amen.

PREPASYO:

Pari: Sumainyo ang Panginoon.All: At sumaiyo rin.

Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.

Pari: Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Sa kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay, ang inyong bagong tipan sa iyong sambayanan ay naghahain sa amin ng iyong buhay at pakikipag-ugnayan bilang mga kasalo sa iyong kadakilaang walang hanggan. Sa dakilang pag-ibig na hain ng iyong Anak, pinagbubuklod mo ang mga magsing-ibig upang sa pagsasama habang panaho’y mailahad ang iyong katapatan at pagmamalasakit. Kaya kaisa ng mga angel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kada-kilaan.

Bayan: Santo, Santo, Santo Panginoon Diyos ng mga hukbo,napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian mo.Osana sa kaitaasan. Pinagpala ang napaparito sa ngalan ng Panginoon. Osana sa kaitaasan.

(Lumuhod ang lahat)

PAGBUBUNYI:(Tumayo ang lahat)

Bayan: Si Kristo’y namatay!Si Kristo’y nabuhay!Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

KONSAKRASYON:

Pari: Ama naming banal, ikaw ang bukal ng tanang kabanalan. Kaya’t sa pama-magitan ng iyong Espiritu gawin mong banal ang kaloob na ito upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo.

Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging handog, hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

Tanggapin ninyong lahat ito at kanin: Ito ang aking katawan na ihahandog para sa inyo.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan, hinawakan niya ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:

Page 9: ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2016/... · Web viewNoongpanahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya

9

Tanggapin ninyong lahat ito at inumin:Ito ang kalis ng aking dugo ng bago at walang hanggang tipan. Ang aking dugo na ibubuhos para sa inyo at para sa lahat sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.

Pari: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

PAGBUBUNYI:

Bayan: Si Kristo’y namatay, si Kristo’y nabuhay, Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon.

Gabay: Magsitayo ang lahat.

PAKIKINABANG

AMA NAMIN:

Pari: Ama namin…

Bayan: …sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo; Mapasaamin ang kaharian mo; Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw; At patawarin mo kami sa aming mga sala, Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin; At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya mo kami sa lahat ng masama.

Pari: Hinihiling namin…

Bayan: Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailanman! Amen.

ANG PAGBIBIGAY NG KAPAYAPAAN:

Pari: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Magbigayan tayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

Bayan: Kordero ng Diyos na nag-allis ng mga kasalanan ng sanlibutan:Maawa ka sa amin.Kordero ng Diyos na nag-allis ng mga kasalanan ng sanlibutan:Maawa ka sa amin.Kordero ng Diyos na nag-allis ng mga kasalanan ng sanlibutan:Ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

(Magsiluhod po ang lahat)

PAANYAYA SA PAKIKINABANG:

Pari: Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-allis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Bayan: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo ngunit sa sang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Page 10: ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2016/... · Web viewNoongpanahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya

10

KOMUNYON:

Gabay: Pinatutupad po natin ang communion by row. Salamat po.

PANALANGIN PAGKATAPOS NG PAKIKINABANG:

Pari: Manalangin tayo.

Ama naming mapagmahal, patibayin nawa ng paghahain na aming ginanap at pinagsaluhan ang pagtataling-puso nila N. at N. Ang bigkis ng pag-ibig na iyong ibinigay ay patuloy nawang humigpit at tumibay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan: Amen.

Gabay: Mga nakatalagang abay ng kandila, belo at kurdon, maari na po ninyong patayin ang sindi at alisin ang inilagay na belo at kurdon sa mga ikinasal.

PAGTATAPOS

PAGTATAGUBILIN

Pari: N. at N., ngayon na tinanggap ninyo ang Banal sa Sakramento ng Kasal, ang habilin ko ay mamuhay kayo sa pag-ibig at katapatan sa isa’t isa.

N. (babae), pag-ibig mo’y patunayan sa paging butting maybahay na may pananampalataya, kabanalan at pag-ibig sa Maykapal.

N. (lalaki), maybahay mo’y ibigin gaya ng malasakit ni Kristo sa Simbahan bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama sa kalangitan

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumaiyo rin.

PAGBABASBAS:

Pari: Magsiyuko kayo habang iginagawad ang pagbabasbas.

Nawa’y si Hesus na naging panauhin sa kasalan sa Cana ay pagpalain kayo, kasama ang lahat ng inyong mga kamag-anak at kaibigan.

Bayan: Amen.

Pari: Nawa’y bigyan niya kayo ng matatag na pag-asa sa buhay na walang hang-gan upang masaya ninyong antayin at nasain ang pagsapit nito sa buhay sa hinaharap.

Bayan: Amen.

Pari: At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama, at ng Anak, at ng Es- piritu Santo.

Bayan: Amen.

PANGWAKAS:

Pari: Humayo kayong mapayapa upang mahalin at paglingkuran ang Panginoon.

Page 11: ourladyofmountcarmelparish.comourladyofmountcarmelparish.com/wp-content/uploads/2016/... · Web viewNoongpanahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus at tinangkang siluin siya

11

Bayan: Salamat sa Diyos.

Pari: N. maari mo nang halikan ang iyong kabiyak!